Seatmate C.28

682 18 4
                                    

*****

Jasmine's POV

"Mukhang malaki ang problema natin ah. Ano ba un?"

Muli na lang akong napabuntong hininga at matipid na ngumite sa kanya.

"Hay nakuh, ang gwapo ko talaga. Wala pa akong ginagawa nakangite ka na. Tss. Yan ang hirap satin ee." Biro nito at agad tumayo ng tuwid at humarap sakin

"Kapal ng mukha ha. E ano namang nakain mo at napadpad ka sa lugar na to? Ha?" Irap ko sa kanya at agad nagcross-arms.

"Ah ako ba? Wala naman, may narinig lang kasi akong sigaw ng isang babaeng nangangailangan ng kagwapohan ko--- este ng magaling ko palang utak at kakayahan. Kaya, nagpunta agad ako dito." Nakangiteng sabi niya at agad namang napataas ang kilay ko.

"Tsss! At sino naman un? Hindi ka parin nagbabago. Babaero ka parin. Este malanding babaero. Bakit pa ba ako nagtatanong? Psshh!" irap ko dito na parang walang gana sa usapan namin.

"At ikaw rin! Hindi ka pa rin nagbabago. Kontrabida ka parin sakin. Hindi parin gumagana ang mga galawan ko sayo. Waley at waepek parin ang papogi ko." Nag-akto ito na nasasaktan at parang nawalan ng gana.

"Hay nakuh, ung totoo nandito ka ba para magrefresh at mag throwback ng nakaraan mo? Kent pwede ba? Busy ako. Sa iba ka na lang makipagkwentuhan. I'm sure marami paring mga babaeng nagpapakatanga sayo. Sila na lang kausapin mo. Marami pa akong gagawin ee." Sabi ko at agad tinapik ang balikat nito.

"Ayy! Tsk! Di ka parin talaga nagbabago. Mukhang mas lumala ka pa! Alam mo bang ikaw lang ang gumagawa ng pandedeadmangyan sakin!? Hay nakuh! Tss! Pasalamat ka maganda ka. Dahil kung hindi, hindi ko sasayangin ang oras ko sa pagtitiis ng mga pambubully mo." Napapangiwing sabi nito. Mukhang naiinis na nga siya. Hahaha di parin siya nagbabago. Pikunin parin. Hahaha

"Ah talaga ba!? So nabubully nga kita. Tss. Gaya ng dati mahina ka parin. Oh ee ano ba talagang ipinunta mo dito? Ha? Kung hindi taga dito sa school ang inuuto mo-- este ang nililigawan mo. Pusta taga dito ang malas mong girlfriend." Sa tuno ko parang hindi na bago ang magiging sagot niya.

"Tss! Bakit ba ang sakit mong magsalita? Tsaka teka nga, ganun na ba talaga kalandi ang tingin mo sakin noon? Matagal na un! Nagbago na ko!" Sabi niya na parang ibinababa ang boses. Asus! If i know..

"Ah talaga ba!? Edi shing! Pwede ba Kent tantanan mo nga ako niyang pagiging boy-next-door mo. Nakakarimarim! Ano ba talagang ipinunta mo dito! Sagutin mo na ah! Pang tatlo ko na tong tanong. Matatamaan ka na sakin. Sinasayangmo lang oras ko sa kalandian mo." Pananakot ko sa kanya. At alam ko rin di parin siya nagbabago. Takot parin siya sa suntok ko. Dala na lang niya. Hahaha

"Tss! Di mo ba narinig!? Sinabi ko na diba? Nakarinig nga ako ng sigaw ng isang magandang amazona na nangangailangan ng kagwapuhan ko---este ng tulong ko pala. Kaya ako nandito." May inis nitong sabi.

"O sya, sya sige. At sino naman yang magandang amazona na nangangailangan ng kalandian mo--- este ng tulong mo?." Walang gana kong sagot at nagpoker face lang sa kanya.

"Ikaw." Casual niyang sagot na nagpatigil sakin ng ilang segundo.

"Ako?" Naghahalong gulat na natatawa kaya lang mababa ung energy. Pak ganern! Turo ko sa sarili ko na nakakunot ang noo.

" Yes, you." At agad siyang nagcross arms at ngumite sakin na parang nakakaloko.

"At bakit ko naman kakailanganin ang kalandian mo? Last time I check, wala akong naaalala na kinakailangan kita." Taas kilay kong sagot sakanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He's my "SEATMATE" and also my "BOSS"!!?Where stories live. Discover now