Seatmate C.13

727 15 4
                                    

*****
Jasmine's POV

"Papayag na ako pero sa isang kondisyon. Kung magagawa mo ang ipapagawa ko." sabi ni Mark agad nagpakunot ng noo ko. Nang-aasar naman itong ngumite, akala ko pa naman payag na siya without any hesitation. Meron pa din pala. Tss! Napakatalino talaga ng taong to ayaw na ayaw maiiputan sa ulo! Napakadamuho pa! Kainis!

" Oh? Sige ano un? Gagawin ko pumayag ka lang.." paghahamong kong sabi sakanya. Lakasan loob na to. Mahirap na malay niyo maawa sakin at magbago isip. Para kay Beasty na loka-loka( Duterte Fist!). Ayoko naring makaisip si Beasty ng iba pang katangahan kaya ifofocus ko muna pagmumukha niya dito sa taong to.

"Hmm? Talaga lang huh. Sige. Sumunod ka sakin." At agad itong naglakad. At talagang may plano na agad ang kumag na to! Graveh Mark ha. Minsan iisipin ko na talaga na si Ethan Hunt ka. Kaya lang pag naiisip kong mas gwapo sayo si Tom Cruise. Wala na! Naiisip ko na lang matalino ka talaga pagdating sa kalokuhan.

" Saan?" tanong ko namang para na din na may halong curiosity at agad sumunod.

"Sumunod nga diba? Magtatanong pa." Piloso nitong sabi. Tsk! May policy na ba na ba ng bawal ang magtanong kapag may pinapasunod!? Sensiya naman hindi ako nainform! Ang sungit-sungit! Kala mo kung sinong gwapo! Pasalamat ka good mood ako kung hindi nabigwasan na kita jan.

" Suplado oh." napairap na lang ako at ipinagpatuloy ang pagsunod sa kanya. Hay pasalamat siya may kailangan ako sa kanya! Nakuh kung hindi! Nabatukan ko na siya. Sasapatusin ko pa siya!

Naglakad-lakad kami hanggang naikot namin ang buong buliding. As in! Naikot ung buong building namin. Gusto ko siyang batuhin ng sapatos nang mapagtanto ko un. Nandito na ulet kami sa hallway at naglalakad papunta sa kabilang hagdanan. At mukhang my planong mag take 2 sa trip ng kumag na temang na lalaking to. Pinagtritripan ba nya ako?

" Teka nga lang. Saan ba talaga tayo pupunta!? Huh? Napansin kong na ikot na natin tong buong building hindi mo pa alam kong saan tayo pupunta." inis kong sabi sa kanya. Habang umuusok na ung ilong ko sa kainisan dito sa likod niya.

"Ah. Napansin mo ba? Kala ko hindi ee. Aakyat sana ulit tayo. Sayang." sabi pa nito at nagpakita hitsurang nanghihinayang kasabay ng pagpitik at maloko itong ngumite sakin. Nak ng talaba!

" Ay talaga---" iimik pa sana ako ng biglang.

"Halika tara sa tindahan ng Supplies." agad niyang sabi at naglakad ulit. Gusto kong sumigaw sa sobrang tuwa dahil sa ginawa ng kumag na un! Letche napag-uto ako!?

" Aba't..--" iimik pa ulit sana ako ng agad na siyang lumayo.

Ang lakas ng tamah din nito ah. Graveh! Bwesit kang Samantha ka. Pag naging kayo lang ng hinayupak na lalaking to kakalbuhin na kita. Kung alam mo lang ang hirap na pinagdadanan ko sa paglalakad sayo. Maiikot ko pa ata ang buong school ng ilang ulit bago to pumayag na ligawan ka. Nak ng teteng!

Nang makarating kami sa tindahan ng supplies. Nag ikot-ikot naman agad si Mark. Ako naman ayon buntot. Pag ako pinaikot na naman nito isusubsub ko tong lalaking to sa malapit na kanal!

"Graveh huh. Nakadaan na tayo kanina dito. Dito lang pala ang pupuntahan mo." sarkastiko kong sabi sa kanya habang nagtitingin tingin ng mga supplies.

"Ah nadaanan na ba natin to akala ko kasi maglalakad lakad muna tayo." sabi niya na di man lang ako tinapunan ng tingin. Ou guiz! Ganyan nakai kaclose! Nakakatuwa nga ee. Napadaldal nga niya ako. Ilang beses naman akong naglalabas ng apoy sa ilong ko!

" Ay talagang pinag--" Iimik pa ulit ako ng bigla naman siyang.

" Ito!" sabi niya at agad humarap sakin. Napakunot naman ako ng makitang may hawak itong...

He's my "SEATMATE" and also my "BOSS"!!?Where stories live. Discover now