Seatmate C.25

659 20 7
                                    

*****
Third Person's POV

Natapos ang araw na yun ay tuluyan ng nabago ang lahat. Lumipas ang mga araw ay mas lalo pang naging malapit si Mark sa kaibigang si Samantha. Naging parang malayong lugar naman si Jasmine kay Mark na kahit magkasama sa iisang room ay hindi nito nakakausap ng ayos dahil sa hiling ng kaibigan na iwasan ito para sa kanya. Na lagi namang iniisip ni Samantha na baka daw maging rason ng kanilang hindi pagkakaintindihan kung mananataling malapit siya kay Mark. Kaya minabuti ni Jasmine na kahit may maliit na pagkakataon na makausap si Mark ay pinapalampas nalang niya iyon. Samantalang parang pader naman si Samantha kay Mark tuwing lalapit kay Jasmine. Laging inalalayo o  nagpapasama nalang kung saan. Hindi naman magawang tanggihan ni Mark ang dalaga dahil narin nagiging magaan naang loob nito dito.

******
Jasmine's POV

"Oh Mark kailangan na nating bumalik sa roon para idiscuss sa mga kagrupo natin ang magiging daloy ng RadioPresentation natin." paalalang sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko sa harap nila. Nandito kami ngayon sa Canteen kasama si Samantha. Kanina pa akong nagdidiscuss ng script namin kay Mark pero mukhang wala siyang maintindihan dahil kanina pang inaagaw ni Beasty ang atensyon nito. Kaya naisipan kong sa room nalang namin ayusin. Next monday na kasi ang presentation nito kaya hapit na kami sa pagaayos. Ayaw ko mang kunin kay Beasty ang oras ni Mark pero kailangan na. Siya ang vice ng grupo kaya kaylangan ko siya para sa opinyon niya. Simula kasi ng ibinigay itong project na to. Wala pa kaming maayos na napapagplanuhan ni Mark. Kasabay kasi noon ang naging malapit sila ni Beasty kaya mahirap ng kunin ung oras niya. Ayoko din namang magkasama ng loob sakin Beasty kaya hinyaan ko nalang. Pero sa ngaun kailangan na kailangan ko si Mark para sa kabuoan. Para sa grade ko.

" Mark diba sabi mo ihahatid mo ako  sa room ko bago ang klase namin." Sabi ni beasty sa tuno na parang magtatampo. Ganito siya sa tuwing hahamungin ko si Mark. Akala siguro niya inaagaw ko si Mark. Ganun naman siya kaya nga hinahayaan ko nalang. Para di nalang niya ako pag-isipan. Ako na lumalayo, wala namang magawa si Mark.

"Ah pwede naman kitang ihatid ngaun na. Ahm Jasmine pwede bang ihatid ko muna si Sam sa room nila at hintayin mo nalang ako dito. Sabay---" hindi pa natatapos si Mark sa sabihin niya ay parang pinigilan na agad siya ni Samantha.

"Pero Mark, 10:30 pa simula ng klase ko. Pag inihatid mo ko don wala din akong makakausap. Walang kasi akong gaanong kaclose dun." Kaibigan  ko si Samantha kaya kilala ko siya at sa pagkakataong ito. Nagdadahilan lang siya. Simula ng maging close sila ni Mark napapansin ko na ito. Madalas nalalate na si Mark sa klase namin dahil ayaw niya pang papasukin si Mark. O kaya naman pag wala kaming teacher  wala din si Mark. Aaminin ko naiinis ako sa ginagawa ng kaibigan ko. Iginagaya niya ang schedule nyang maluwag sa schedule naming mga normal na studyante. Minsan gusto ko ng sabihan si Beasty pero naisip ko. Si Mark na mismo ang suma-sama sa kanya. Wala din naman akong karapatang pagsabihan siya.

"Ahh kasi Sam may gagawin kasi kaming Group project. At vice ako dun kailangan kong magbigay ng ideas. Wala pa kasi akong matinong pakita sa mgakagrupo ko dahil kasama kita." Paliwanag naman ni Mark na kasalukayang tumayo na.

"Ou nga beasty. Next monday na to. Kailangan na naming mafinalize ung Presentatio.. Beasty pag hindi kami nakapagrehearse baka pumalpak ang grade namin. Sa Filipino pa naman. Hindi namin makukuha. Class Card namin. " paliwanag ko din na parang nagmamaka-awang hiramin si Mark sa kanya.

"Mark pwede naman sa Vacant niyo gawin ah. At tsaka sinisisi mo ba ako kasi lagi kitang kasama?" Sa tuno ni Beasty parang kami pa ang may kasalanan.

" Hindi naman sa---" hindi pa  natatapos si Mark ay agad ng nakapag salita si Samantha.

"E kung ganun naman pala. Pasensya na. Hindi ko naman kasi akalain na mahalaga pala yang gagawin niyo at nakaka-istorbo pa ako. I didn't notice that im bothering the two of you." Sarcastic na sabi ni Samantha na lalong nagpasakit sa ulo ko. Napailing nalang ako sa sinabi niya.  Bakit ba napakakitid niyang mag-isip. Hayys.

He's my "SEATMATE" and also my "BOSS"!!?Where stories live. Discover now