Seatmate C.6

1.5K 32 1
                                    

*****
Jasmine's POV

Kakauwi ko lang galing school. Nakakapagod. Kahit wala kaming gaanong ginawa ee nakakapagod parin medyo masakit ung braso ko. Haha alam  niyo naman siguro  kung bakit? Loko din pala si Mark. Hehe nasa loob ang kulo, ewan ko ba dapat nagagalit ako ee kasi pinabilad nya kaming lahat sa araw pero parang pabor pa sakin. I mean samin saming lahat haha. Tama  ung sabi ng isa kong kaklase mas mabuting nangyari un kesa magka 70 sa participation.

Mamaya pa ung lakad namin ni Mark. Magpapahinga muna ako. Pagkapalit ko ng uniform. Pumunta akong sofa para dun magpalipas ng oras, 5:45 pm lang kasi. Nakatingin ako sa ceiling fan namin ng biglang tumunog ang cellphone ko.

....Beasty Calling....

"Low? Beasty?" sabi ko ng masagot ko ang tawag nya.

[Hello beasty! Nakauwi ka na?]

"Ah yeah I just got home. Ikaw? Nakauwi ka na ba?'' sabi ko na mejo may pag-aalala..

[Ahmmm. Not really I'm still on my way. May tinapos pa ko...] sabi naman nya na parang pagod na pagod.

"Ah okey Beasty uwi kana ah. Wag ng dadaan kung saan-saan. Sisipain kita pag kung saan-saan ka pumunta.'' sabi ko na parang tinatakot pa siya.

[Yeah. Yeah. Orayt! Im goin home na don't worry na. Okey?] napapatawa pa na sabi.

"Oh sige na magpapahinga pa ko. Maya na lang ulet?"

[Ah. Wait! Beasty hold on!] bigla nitong sabi ng papatayin ko na ang tawagan namin.

"Oh bakit? May sasabihin ka pa?" nagtataka kong sagot sa kanya.

[Ahmm. Sort of. Yahh. I need something. Hmmm. A favor? I guess.] parang nahihiya pang sabihin.

''Oh ano naman yan. Kalandian na naman, oh sino?'' kilala ko ang beastfriend ko. Yeah she's such a very flirty woman. Parang building yan kong magkagusto sa lalaki to the highest level at as in di yan titigil hangga't di ung lalaki un nagiging isa sa mga lalaki nya. She's nice naman masyado lang adik sa lalaki but not a play girl. Minamahal naman nya. Ewan lang, para kasing load lang jan ang lalaki. Bilis magexpired ng feelings. Nakadepende lang ata jan kong gaano katagal ang registration.

[Beasty naman. Ganun na ba talaga tingin mo sakin. Pag hihingi ng favor lalaki agad?] parang nagmamaktol pa na sabi nya. Hayy nakuh if i know.

"Ahmm. Wait lang iisipin ko. Hmmmm. Kapag naman humihingi ka sakin ng favor ee bukod sa pag may gusto kang lalaki ee kailangan na ilalakad kita at pero pag my jowa naman. E depende ang hihilingin mo sakin, kung paano ko sila paghihiwalayan. Well, under my observation. I guess I'm 100% sure. So it's a big big yes." sarkastiko kong singhal sa Beasty ko.

[Aray ha! Beasty. Masakit un ah. Di ko naman kasalanan na makikitid ung mga utak ng mga gf nila na mabilis naniniwala sa mga sinasabi ko. Don't say it's all my fault. May kasalanan din sila ah. Kulang ung foundation ng relationship nila ng trust.] sabi nya na parang sinasabing inosente siya.

"Ah okey. Hindi mo fault ung mga lalaking nagugustuhan mo na may mga karelasyon tapos bibigyan ng bad issue sa mga gf nila. Ah okey. It's not your fault. Yeah!*with low voice at biglang..* Hoi! Babaeng malandi para sabihin ko sayo. Ni hindi ko na nga alam kong gaano kahaba ang listahan ng kasalanan ko sa mga babaeng pinaiyak ko dahil lang sa kahaliparutan mo. Tumigil ka nga. PWE! Nakakasuka lang. Tumigil ka! Nabebeastmode ako sayo.." sabi ko na parang nagagalit-galitan.

[Ou na. Ee wala ee type ko sila.]

"Hayy. Ewan ko sayo lahat naman basta gwapo matangos ang ilong at maganda ang katawan, type mo. Kahit basagulero o kahit nagdeliver lang ng tubig jan sa inyo. Ni kahit nga tambay lang sa labas ng subdivission nyo. Gora ka na. Kahit nga ata sekyo. Hay tama na naiisstress ako sa sobra mong kabaitan. Kaya wag mo ng pahabain. Baka next time ipagdasal ko kunin ka na ni Lord kasi ang bait bait mo! Kaya sabihin mo na kung ano yan baka isa-isahin ko pa ang kasalanan mo at abutin patayo ng graduation. Kaya sabihin mo na, ano ba kasi un?" hay nakuh. Napaka ewan nitong babaeng to pasalamat talaga labilabs ko siya kundi kanina ko na siyang na whatever.

He's my "SEATMATE" and also my "BOSS"!!?Where stories live. Discover now