Seatmate C.17

573 17 1
                                    

*****
Mark's P.O.V

Lumipas ang sabado at linggo na walang nangyayari sakin. Hindi pa nga pala kami nagkikita ni Jasmine. Nakakapagtaka lang kasi pagpumupunta ako sa kanila sinasabi ng yaya nila, pag hindi tulog may ginagawa daw  at ayaw magpaistorbo at madalas umalis daw at my pinupuntahan daw. Hindi ko alam kong iniiwasan niya ba ako (pero napakaobvious na huh) Kasi pati tawag ko at mga text walang response siguro na lason na ung isip niya nung kaibigan niyang napakalow ang class  ng pagiisip lalo na ng pag-uugali. Sana lang talaga maniwala sakin ung abnormal na si  Jasminang un pagsinabi ko ung mga pinagsasabi ng kaibigan niyang manggagamit. Nakakabwesit talaga pagnaalala ko un. Asar na asar lang ako. Hayys alam ko naman na saming dalawa, ung kaibigan niya ung ang kakampihan nya. Sino ba naman ako!?  Pero dyosko kung alam lang niya ang (walang) kagandahan ng budhi ng kaibigan niyang un. Pshhh! Hanggang ngayon isa pading malaking tanong sakin ung mga huling pinagsasabi ng Samanthang manggagamit na un. Ano ba kasing meron dun sa dalawang un at ganun na lang pakakonsentihin at magpakasunod-sunuran si Jasmine sa demonnyitang may sungay na un. Tsk! Para naman akong tanga kung magtatanong ako  kay Jasmine. Pero sa kanya ko lang to pwedeng itanong at ayaw kong magtanong sa kaibigan niyang nasobrahan sa kagandahan ng ugali. Baka kung ano  pa pagsasabi nun pag nagtanong ako. Masura lang ako  sa  kanya.

Lunes na ngayon at maaga akong nagbihis para sunduin si Jasmine. Baka magkikita na kami ngaung araw na to. Sinusundo ko un e. Nang makapagbihis agad na akong nagmaneho papunta sa bahay nina Jasmine. Dahil kilala na ako sa subdivision nila madali na akong nakakapasok at nakakalabas. Nang makarating sa kanila agad akong bumusina at bumaba sa kotse. Ganun kasi ang pagtawag ko pero  kapag di pa siya tapos magaayos pinapapasok muna  ako ng yaya. Lumapit ako sa gate nila at kumatok.  Hindi na ako maghihintay ng yaya, gusto ko ng makipag-usap kay Jamina. Nang maaga kaming makapagpaliwanagan.

Ding Dong! Ding Dong! Ding Dong!

At ilang saglit pa ay may narinig na akong mga yabag ng paa. Inintay ko ang pagbukas at inaasahan kong si  Jasmine un pero ng bumukas ito ung yaya nila muli ang humarap sakin.

"Sir Mark. Good morning po. Ang aga niyo naman po. Bakit po?" Magalang na bati  niya ng mabuksan ang gate.

"Ahh Good morning din. Si Manang naman parang bago lang ah. Si Jasmine? Susunduin ko na po kasi siya. Pababa na ba siya?" sabi ko at agad siyang nginitian. May mali  talaga.

"Ah Sir nakuh po maaga pong umalis si Ma'am Jasmine may gagawin daw po kasi siya sa school ngayon at malapit na nga po ang finals. Hindi niya po ba kayo nasabihan?" sabi sakin ni yaya na mukha namang nagsasabi ng totoo.  Malapit na finals namin pero hindi ako sinabihan ni Jasmine

"Ahh ganun ba. Hindi  nga e. E  manang san sumakay  ang Ma'am Jasmine mo?" tanong ko naman na  bahagyang napasilip sa garahe.

"Sa kotse po niya Sir." sagot naman agad sakin. Iniiwasan niya nga talaga ako.

"Ah ganun ba manang sige alis na ako. Sa school na  lang siya siguro kakausapin." sabi ko naman at agad ngumite at nagpaalam.

Nang makasakay sa kotse mabilis akong nagU turn at tinahak ang daan pa school. Hayys nga pala may mga project ng ibinigay samin  for  the  last quarte  kahit 2  months pa kami sa school ibinigay na  ang mga project. Magiisang buwan na rin simula ng lumipat ako sa Saint Francis. Sakto daw kakatapos lang ng test nila for the 3rd quarter kaya mga 2 months na lang at gragraduate na ako. Kaya siguro di ko na siya makausap kasi busy siya dun sa project namin sa physics. Hayys kunsabagay kahit naman ako. Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa school. Ipinapark ko na ang kotse ko ng makitang wala pa ang kotse ni Jasmine. Oh? Asan na un akala ko ba nandito na siya pero wala pa ang kotse niya. Ah baka sa kabilang parking lot nagpark, pero maaga pa ah. At wala pang nagpapark sa parkingan niya. Nagsisinungaling ba sakin si Manang? Sabi ko sa sarili nang makaba sa kotse ko. Naglakad na ako papasok ng Compound habang isip-isp kung anong nangyayari kay Jasmine. Nakarating ako sa classroom namin at agad kong tiningnan kong nandon na nga ba siya. Pero wala pa kahit ang nga gamit nya sa upuan niya. Hindi  pa  ba siya dumadating?

He's my "SEATMATE" and also my "BOSS"!!?Where stories live. Discover now