Back In His Arms Again (Publi...

By VentreCanard

49.4M 1.2M 318K

I used to be the girl in his eyes. I used to be the girl who can make him laugh, I used to be the girl who c... More

Prologue
--
--
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
--
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Epilogue
NOTE

Chapter 36

560K 14.6K 7.4K
By VentreCanard

Chapter 36


Troy Ferell


Kasalukuyan kaming nakapamaywang magpipinsan sa harap ng bar habang nakatingala sa pangalan nitong umiilaw ilaw.


"Papasok pa ba tayo? Baka ipatapon na naman tayo. Pang apat na bar na ito" bahagya kong hinawakan ang pisngi kong tinamaan ng suntok kanina.

Tama, pang apat na bar na ito, bakit? dahil napapaaway lang naman kaming magpipinsan sa tuwing may bar kaming papasukin. Ano ang magandang dahilan? Ang brokenhearted na si Nero.


Sa unang bar may bigla na lang siyang sinuntok na lalaki at mabilis lang naman niyang hinalikan ang kahalikan nitong babae. Ewww.

Sa pangalawang bar, pinagbabasag niya ang mga baso at bote. May itinaktak lang naman siyang mukha ng lalaki sa stool bar.

Pangatlo may babae lang naman siyang nakita na may tattoo sa tiyan at kung ano ano ang pinagsasabi niya dito hanggang sa masuntok siya ng boyfriend.


Dahil kami ay mga supportive cousins. Hindi namin hahayaan na mapatay si Nero kaya nakikisuntok at sipa din kami. Sa kasamaang palad ay nadadaplisan pa din kami. Tsss.

Sa unang bar pa lang lasing na lasing siya. Iba talaga ang tama nito kay Doll. Tulala siya ngayon sa pangalan ng bar sa itaas na may ilaw na patay buhay.

Pinabayaan muna namin siya habang kaming apat dito ay nag uusap ng matino.


"Tang ina, masakit na ang katawan ko. Manggugulo lang diyan si Nero" reklamo ni Aldus na minamasahe ang kanyang batok


"Gago! Kaya tayo may girlfriend, magpapahilot ako kay Nicola bukas.." napangisi na lang ako sa ideya ni Owen. Masarap 'yang naiisip niya.


"Nice, nice. May utak ka rin pala Owen" sagot ko na lang. Buti sana kung pumayag si Laura? Bahala na.


"Paano si Nero? Walang hihilot, kawawa naman" hindi ko alam kung nagbibiro na ba siya sa tono niya o ano? Bakit laging tamad na tamad siya sa buhay? Pati boses niya tamad na tamad na rin.


"HUWAG ka ng magsalita! Masama pa ang loob ko sayong gago ka!" sigaw ko sa walang hiyang pinsan ko. Bakit hindi ko alam na humihinga pa ang gagong ito?! Hindi biro ang dasal at rosaryo ko sa kanya. Damn! I even cried!

Alam kong hindi ito ang oras para pag usapan namin ang kanyang muling pagkabuhay pero hindi ko pa rin maiwasang mag isip, bakit parang hindi man lang naguguluhan ang mga pinsan ko? Bakit ako lang ang mukhang gulat na gulat sa biglang paglabas niya. Bakit ngayon lang siya nagpakita? Papaano siya nabuhay? Kitang kita ng mga mata ko! Siya ang nasa kabaong. 

May hindi na naman ba ako nalalaman? Oh well. Hindi na ako nasanay.

We Ferells are full of secrets. 

Mamaya ko na ito iisipin. Si Nero ang malaking problema namin ngayon na kasalukuyang nakatulala pa rin sa patay buhay na ilaw. Bakit nang brokenhearted ako, hindi ako nagkaganyan?


"Gago ka Troy. Magkausap lang tayo kagabi" maiksing sagot niya sa akin. What the fuck? Kailan kami nag usap? Ngayon ko lang siya nakita.


"Wala akong matandaan!" sigaw ko pabalik sa kanya.


"Tanga ka ba Tristan? Nag sleep talk 'yang si Troy. Walang kwenta na nga 'yang kausap pag gising kakausapin mo pa ng tulog. Nice! Magpinsan nga kayo" sagot ni Aldus sa amin habang sinusundan na rin niya ng tingin ang ilaw na pinagmamasdan ni Nero.

Ano ba ang meron sa ilaw na ito? Tumingala na rin ako at pinagmasdan ang pagpatay buhay nito.


"Masama na ang tingin ni Nero sa ilaw na 'yan. Baka maisipan na lang niyang magpakuryente dahil walang hihilot sa kanya bukas" seryosong sabi ni Owen na nakikitanaw na rin sa pangalan ng bar na nagpapatay buhay ang ilaw.

What the fvck? Bakit parang lahat sila ay mga lasing na?


"Ganito na lang MWF kayo ni Aldus ang hihilot sa kanya, TTH kami ni Owen" seryosong sabi ni Tristan na nakatingala na rin sa ilaw na pinagmamasdan ni Nero.


"Tang ina, hindi ka naman seryoso Tristan?" tumingala na rin ako sa ilaw na tinitingala ng mga pinsan ko.

Bakit hindi pa kami pumapasok lima dito? Mga lasing na ang mga pinsang kasama ko. Bakit mukhang ako lang ang hindi tinatalaban?


"Papasok pa ba kayong lima?!" iritadong tanong sa amin ng bouncer kahit siya ay bahagyang napapatingala na rin sa tinitingnan naming magpipinsan. Naliliyo na rin ako.


"Let's go" cool na sabi ni Nero na akala mo ay hindi lasing.

Nauna siyang pumasok sa aming lima na agad naman naming sinundan apat, mahirap na baka kung ano na naman ang gawin ng isang 'yan.

Napapahead bang na lang ako sa lakas ng music. Oh yeah, matagal tagal na rin akong hindi nakakapagwalang hiya.


"Bantayan nyo si Nero baka makasira na naman 'yan. Siguradong tatanggalan na tayo ni LG ng isang buwang supply ng condom" sabi ni Aldus na nagheheadbang na rin.


"Gumagamit ka ba non? Nakabuntis ka na nga" sagot sa kanya ni Owen na kasalukuyan nang pinapalibutan ng tatlong babae. Tatlo lang? Bulok.


"Basta walang lalabas dito. Pareparehas tayong mapapatay" sagot sa kanya ni Aldus na abala na ang kamay sa katawan ng babaeng kasayaw niya.

Hindi ko na sila sinagot at nagsimula nang gumala ang mga mata ko. Mga anim na babae..tama na siguro. Hinanap ko muna sa paligid si Nero, nakita ko siyang nasa stool bar na naman pero agad naman akong nabunutan ng tinik nang si Tristan ang kainuman niya. Siya muna ang bantay.


"Hi babe" naramdaman kong may boobs na lumapat sa likuran ko. Bakit kaya habulin ako ng boobs?

Hinarap ko ang babaeng yumapos sa akin mula sa likuran. At halos lumuwa ang aking mata sa laki ng hinaharap niya. Bahala ka na Tristan kay Nero. Maglalaro lang ako.

Kailangan ko nang pampalubag loob, sa dami ng suntok at tadyak na natanggap ko ngayon? Party party.

Party party ang kamay. Hindi na ako nag aksaya ng oras. I grabbed what my hand wants, I slightly squeezed it. The fvck with the people, alam kong wala ng pakialamanan dito. Mind their own business.

Agad niya akong kinabig na mabilis ko namang sinang ayunan. She's a skilled kisser. Great. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ng mga kamay ko habang panay ang tugon ko sa kanya.

Pero habang tumatagal ay nagsisimula nang mangunot ang noo ko. Ano itong naririnig ko? Tang ina, wala naman dito si Laura.

'Gago ka! TANG INA KA TROY! MAGHILOD KA! MALIGO KA! WAG KANG TITIGIL! I BRUSH MO ANG KATAWAN MONG 'YAN. MAGHILOD KA!  WAG KANG LALAPIT SA AKIN. AMOY BABAE KA! HINDING HINDI MO AKO MAHAHAWAKAN'


Naitulak ko na lang ang babaeng kahalikan ko. Agad akong nawalan nang balanse at natumba. Nanlalaki ang mata kong tinitigan ang babaeng nagulat din sa reaksyon ko. What the fvck is that? Saan nanggaling 'yon? konsensya ba 'yon? Kuhang kuha niya ang boses ni Laura!


"What's wrong?" naguguluhang tanong sa akin nang babae na bahagyang yumuko sa akin. Inihahain na naman niya sa akin ang nagbubundukan niyang hinaharap. Fvck!


"I'm gay sorry.." inaasahan ko na ang susunod na mangyayari. Isang malakas na sampal ang lumipad sa mukha ko. I deserved that. Mahina pa nga 'yan. Kapag si Laura ang sumasampal sa akin, ilang oras din akong nabibingi. Nawalan ako ng gana.

Agad akong tumayo at nagpunta sa stool bar na kinalalagyan ni Nero at Tristan na nagkukumpetensya kung sino ang unang makakaubos ng kanilang iniinom.

Mabilis kong hinanggit ang hawak ni Tristan at inistraight na inom ko ito.


"What the fvck Troy!" sigaw sa akin ng brokenhearted. Malapit na kasi siyang manalo. Nanlulumo akong napasubsob sa stool bar.


"Nanghihina na yata ako. Hindi na ako makapambabae" napahilamos na lang ako sa mukha ko. This is damn bad.


"Gago, normal lang 'yan" maiksing sagot sa akin ni Tristan na nagpanganga sa akin. Nasaan ang normal? I'm not like this! Uminom muna siya ng alak bago siya nagsalita muli.


"Listen to this, no matter how big their boobs are, their seductive acts, a kissing expert, curvy body and a fvcking nice ass. Mararamdaman mo na lang na para kang masusuka kapag ibang kamay ng babae ang humawak sayo. After you've been slave to her touch, you'll no longer have any power to crave to other girls. Ganyan ang nararamdaman mo ngayon. My Lina casted this spell on me, I can't look nor desire to any other girl. Siya lang wala na akong lakas mambabae. Just drink with us Troy masasanay ka din dyan sa pinuproblema mo" napatulala na lang ako sa sinabi ni Tristan.

What the fvcking fvck is that? ANG HABA NG SINABI NIYA!


"Alam niyang buhay ka pa?" tanong ko na lang sa kanya.


"Infact, siya ang kauna unahang nakaalam na buhay siya. Hindi natiis ng gago" sabat sa amin ni Nero. Muli siyang lumagok ng isa pang baso ng alak. Nakikinig pa pala ang isang ito.


"What is your plan Nero? Just let her go?" nasa gitna ako ni Nero at Tristan na nag uusap.


"Who? Who's her?" matabang na sagot ni Nero. Kailan pa nagkaamnesia si Nero? Kanina lang?

Napapailing na lang ako habang nagsasalin ng alak. Kailan ko ba unang naramdaman ito? Parang gusto kong pumunta ngayon sa bahay ni Laura.

Napasubsob na naman ako sa stool bar. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Nagsisikip ang pantalon ko! Iniisip ko pa lang si Laura. Tang ina talaga! Paano pa kung makita ko siya? With her cute sleeping wear. Damn, I can't go. Delikado kapag pumunta ako sa kanila ngayon. Bad idea.

Ito na ba ang spell na pinagsasabi ng gago kong pinsan? Fvck!


Muli sana akong lalagok ng alak nang may isang babae na humarap kay Nero at walang sabi sabing sinampal siya. What the fvck? Akala ko ako lang ang masasampal sa gabing ito.


"Napakasama mo! You used me! Kaya naman pala! Ikaw si Nero Ferell! Nasagot na ang mga tanong ko! Walang hiya ka! Manggagamit! Go to hell!" muli niyang hinampas si Nero sa dibdib at nagmamadali itong tumakbo palabas.


"What the fvck is that Nero?" nagkibit balikat lang sa amin si Nero.


"She's still young Nero" seryosong sabi ni Tristan.


"I don't know her" maiksing sagot niya.


"You're a terrible liar" naiiling na sabi ni Tristan. Napatango na lang ako. Damn liar.


"Isang JD nga!" napalingon naman ako sa biglang pagdating ni Aldus na putlang putla. Nang sandaling ibigay sa kanya ng bar tender ang alak ay agad niya itong inistraight ng inom.


"Ang gago ko. Mamamatay na yata ako" halos ilang beses niyang iumpog sa stool bar ang ulo niya. Bakit ako nagkaroon ng mga baliw na pinsan?


"Ano na namang katangahan ang ginagawa niyan?" ismid na tanong ni Nero habang pinapanuod ang ginagawa ni Aldus. Bigla na lang siyang lumingon sa amin. Parang may LBM lang itong si Aldus.


"She, she grabbed my, my oh fvck shit!" muli niyang inumpog ang ulo niya sa stool bar. Kahit hindi niya ituloy ang sasabihin niya. Alam ko na, ano namang problema niya doon? Parang hindi siya sanay.


"Gago ka ba? Uso 'yan dito. Bar ito" tamad na sagot ko.


"Stop acting like a virgin. Nakakahiya ka.." binasa siya ni Nero ng kaunting alak. Dapat isang bote na lang.


"Fvck! Alaga ito ni Sapphire! Kamay lang ni Sapphire ang pwede dito! Damn it! Mababaliw na ata ako. Shit!  Nahawakan siya ng iba, nahawakan siya ng iba.." halos pagsasabunutan niya ang sarili niya.

Habang kaming tatlo ay natigilan. Hindi dahil nagulat kami sa sinabi niya kundi sa mga taong nakatitig sa aming magpipinsan. Buti sana kung ibinulong niya, isinigaw lang naman niya. Gago talaga.


"Tang ina ka Aldus" ilang milyong mura na kaya ang nasabi ko sa gabing ito?


"Bakit hindi kami umabot sa hawakang ganyan ni Florence?" awtomatikong lumingon kami ni Tristan sa brokenhearted na si Nero na mukhang nagulat din sa lumabas sa bibig niya.

Dahandahan niyang inilihis ang paningin niya sa amin. Ang isda ay nahuhuli sa bibig. Maging mga Shokoy. 


"Who's 'her' nga Tristan?" tanong ko kay Tristan habang nakangisi ako kay Nero.


"I had enough. Pfft.. We're done..." pilit man ginagaya ni Tristan ang pagkakasabi ni Nero dito kanina ay hindi niya magawa dahil sa hindi niya mapigil na pagtawa.


"Mga gago!" hindi na lang kami pinansin ni Nero at nagsimula na lang muli siyang uminom.

Nag salin na lang ulit kami ng alak at hindi din nagtagal ay nagsalita ulit itong si Tristan.


"Nasaan si Owen?" tanong niya.


"I don't know, baka mamaya nagkukumahog na din siya dito dahil natsansingan siya ng ba—" hindi pa man ako natatapos ay napalingon na kami sa mga mura nitong si Owen.


"TANG INA! Tayo na! Umalis na tayo dito" nagmamadaling sabi ni Owen. Walang nagbalak kumilos sa aming apat.


"Mamaya na lang maaga pa" sagot ni Aldus na nakasubsob pa rin sa stool bar.


"No! Let's go! Nandito ang kapatid ni Nicola! Baka maireport ako! Patay na ang maliligayang araw ko. Tayo na mga pinsan, intindihin nyo ako. Kung hindi kayo mga loyal sa mga girlfriend nyo! Ako loyal ako. Bahala na kayo diyan!"

At nagwalk out na siya. Nagkibit balikat na lang ako habang napapabuntong hininga si Tristan.


"Mga pinsan, pinapaalala ko kay Owen ang sasakyang gamit natin, ayokong maglakad" sa sinabing 'yon ni Nero halos sabay sabay kaming napatayo sa kinauupuan namin.

Mabilis akong naghagis ng pera sa bartender. At nagmadali na kaming lumabas ng bar.


"Gago 'yon!" halos takbuhin na naming magpipinsan ang parking ng bar.


"Saan siya nagpark?" tanong ko sa mga pinsan kong ikot din ang mga mata para makita ang sasakyang dala ni Owen.


"Hindi ko na matandaan" iritadong sabi ni Aldus.


"Sa kanan siya nagpark" seryosong sabi ni Nero.


"No, sa kaliwa" sagot naman ni Tristan.


"Tara sa kaliwa! Wag tayong maniniwala kay Nero. Brokenhearted 'yan" agad akong nakaramdam ng malakas na suntok sa braso ko. At nauna na siyang maglakad sa aming tatlo.

Habang naglalakad kami ay nakikita na namin ang sasakyan ni Owen na kasalubong namin. Awtomatikong nabuksan ang mga pintuan nito.


"Sakay na! Nagmamadali ako" sumakay na kaming lahat.


"Saan tayo? Panibagong bar?" tanong ni Tristan.


"Tang ina ayaw ko na! Namomolestiya ako, ayaw ko na" halos ilang beses nang umiling si Aldus sa amin. Siya nga itong nakikita kong may kamay na gumagapang kanina. Tsss.


"Tigil tigilan mo 'yan Aldus. Para kang binatilyong kabibinyag lamang! Nakakahiya kang kasama!" iritadong sabi ko sa kanya.


"Hinaan nyo ang boses nyo. Inosente pa si Nero..wala pa siya sa hawakan na ganyan..." natatawang sabi ni Tristan mula sa likuran na ikinangisi lang naman naming magpipinsan.


"Fvckers" malutong na mura sa amin ni Nero.

Nang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe pauwi sa mansion bigla na lang bumagal ang takbo ng sasakyan ni Owen.


"Inaantok ka na Owen? Malayo pa tayo" sita ko sa kanya.


" No! Fvck!" napahampas na lang siya sa manibela nang tuluyan ng tumigil ang sasakyan namin.

No no. Hindi ito maganda.


"Bad news. Naubusan tayo ng gas"


"WHAT THE FVCK?!" mura naming lahat.


"Itulak nyo muna, malapit na naman tayo sa gasoline station"


"Gago ka Owen! Ang ganda ng sasakyan mo! Walang gasolina!" padabog kaming lumabas ni Aldus sa magkabilang pintuan.

Napansin ko na hindi man lang gumagalaw si Tristan at Nero. Mabilis kong binuksan ang pintuan sa hulihan at marahas na hinila si Tristan.


"Magtulak ka rin!" wala nang nagawa si Tristan.


"Nero! Lumabas ka diyan!" sigaw ni Aldus habang nagtutulak na ng sasakyan. Buti na lang at wala kami sa national highway. Buti na lang! Palpak talaga kahit kailan ang mga pinsan kong ito.


"Brokenhearted ako! Hindi ako pwedeng magtulak" sigaw na sagot sa amin ni Nero na bahagyang inilawit ang kanyang ulo sa bintana. Sabay sabay kaming nagdirty finger tatlo sa kanya.

Sinimulan na naming magtulak tatlo. Mukhang mamaya pa kami makakarating sa gasoline station na 'yon.


"Mga pinsan wala na bang ibibilis 'yan? Aabutin tayo ng umaga" inilawit ni Owen ang ulo niya sa amin.


"Gago ka! Ikaw ang magtulak at ako diyan" sigaw sa kanya ni Aldus.


"This is shit. Dapat hindi na ako sumama sa inyong apat" naiiling na sabi ni Tristan habang nagtutulak.


"Wag ka magreklamo diyan Tristan, pareparehas tayong nahihirapan tatlo dito. Patay ang dalawang 'yon sa akin kapag nakarating tayo sa gasolinahan" galit na galit ni Aldus.


"Babawian ko ang dalawang 'yan" bulong ko na lang. Hindi pa kami nagtatagal sa pagtutulak ay nagpakita na naman ang mapang asar na mukha ni Nero mula sa bintana.


"Pagod na kayo mga pinsan? Malapit lapit na tayo" mas magaling ako sa asaran. Gago ka!


"Ayos lang na magtulak tayong tatlo dito. May babae namang magmamasahe sa atin. Ang isa diyan? Magbabayad na lang sa bulag na masahista" hindi na sumagot si Nero at ipinasok niya na muli ang ulo sa sasakyan. Nag aapir kaming tatlo dito sa likuran.

Tang ina ka!

Pinagpatuloy namin ang pagtutulak. Gago talaga itong si Owen, ang lakas magpasakay sa kanyang sasakyan. Wala namang gasolina. Napalingon na lang kami sa nag oovertake sa aming tricycle. Halos lahat ng pasahero ay nakangisi sa aming tatlo.


"Oh god, cover me. Sikat pa naman din ako" maarteng sabi ni Aldus.


"Mas sikat ako sayo" maiksing sagot ko.


"Hindi rin, magtulak na lang kayong dalawa" tamad na sabi sa amin ni Tristan. Umismid na lang kaming dalawa ni Aldus. Hindi din nagtagal ay may bisekleta na rin na nag oovertake sa atin.


"Huwag tayong papayag na mauunahan tayo niyan" halos nilakasan namin ang pagtutulak tatlo para hindi kami maovertake ng bisekleta. Pero kahit anong gawin namin ay naunahan pa rin kami ng matandang nagbibisekleta. Fvck!


"Mga tanga!" sigaw sa amin ng matanda pagkatapos kaming lampasan. Napanganga na lang kaming tatlo.

What the fvcking fvck? Bakit mukhang minalas kami ngayong gabing ito? Sabay na sumungaw ang ulo ni Nero at Owen na natatawa sa hitsura naming tatlo.


"Malapit na tayo mga pinsan..." natatawang sabi ni Owen. Muli na namang lumipad ang dirty finger naming tatlo. Pawis na pawis na ako.

Nang makarating na kami sa gasoline station. Mabilis kaming tatlong nagdiretso sa unahang pintuan at agad naming hinila si Owen at Nero.

Si Owen ang nahagip ko at pinagsusuntok ko.


"Gago ka! Wag ka ng magsasakyan ng walang gasolina!" natatawa niyang sinasalag ang mga suntok ko.

Habang si Tristan at Aldus ay abala sa pagsuntok kay Nero na hindi man lang nag abalang tulungan kami.


"Fvck! Nakarating na tayo! Ano pa ba ang piuproblema nyong tatlo. Nakaturbo na nga tayo, kaso naka overtake pa din 'yong bike sa atin" lalo siyang pinagtulungan ni Tristan at Aldus.

Hindi pa kami naghahati sa paghihiganti sa mga walang hiya kong pinsan nang may pumito sa aming magpipinsan. Ayoko na ng security guard.

Patuloy siya sa pagpito sa amin. Kaya tumigil na kami, mahirap na baka makarating na naman si Nally dito at mabomba pa kami ng tubig. Ang hirap magpatuyo ng damit.


"Okay na kami boss. Cousin bonding po ito" sabi ko sa security guard na nakakunot ang noo.

Pakinig ko ang sabay sabay na mura ng mga pinsan ko sa sinabi ko. Tang inang cousin goals ito.


Mabilis kaming nagpagasolina. At nagsisakay na kami agad sa loob ng sasakyan.


"Saan na tayo?" tanong ni Owen.


"Mas mabuting sa mansyon na lang, walang tao doon. Walang makakakita kay Tristan" mabilis na sabi ni Nero. Ito na naman ang mahiwagang pagtatago ni Tristan na hindi ko maintindihan.


"Why do you need to hide? Hindi ko maintindihan" hindi nagsalita si Tristan sa tanong ko.


"Natatandaan mo ba noong mga bata pa tayo? 'yong lagi siyang pinapagalitan ni LG.." bahagya akong nag isip sa sinabi ni Aldus.


"Yes, I remembered" Nahuhulaan ko na.


"Yon ang rason kung bakit kailangan nating ilihim na buhay siya...'yon ang rason kung bakit buhay pa siya..." pagtutuloy ni Nero.


"What the fvck?! You accepted it Tristan? Akala ko ba ay ni decline mo? Itatakwil ka ni LG sa ginawa mo" malakas na sabi ko.

Nanatili silang tahimik sa mga sinabi ko. Bakit ako ang huling nakaalam? 


"Ngayon nasasagot na ang tanong ko. Fvck! Pinaglihiman mo kami ng napakatagal na panahon?! Akala ko ba ay walang lihiman sa ating magpipinsan?! Mga gago kayo!"


"Hindi lang ikaw ang pinaglihiman niya. Kami rin" seryosong sabi ni Owen.


"What about his girl? Delikado ang buhay niya Tristan!"


"I did try, sinubukan ko siyang pakawalan. Sinubukan ko siyang kalimutan mga pinsan para sa kapakanan niya. But I can't, hindi ko kaya mamamatay ako, hindi ko kaya.." mahinang sabi ni Tristan na hindi ko kayang masagot.


"Tang inang pagmamahal ito. Problema nating lima!" napahampas na lang si Owen sa kanyang manibela. Oo. Napakalaking problema.


At kahit kailan hindi ko naisip magiging problema natin ang bagay na ito.


Damn those girls who captured our heart.


Halos mabaliw kaming lima sa kagandahan nila. Tsss.



--

VentreCanard

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 10.2K 94
I deserve a better ending.
35.5M 725K 39
Timi is used to having all the boys wrapped around her little fingers. Sanay na sanay na siyang nakukuha ang atensyon ng mga 'to. After all, she's bo...
525K 19.3K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.9M 80.6K 22
All Ave Maria wants is to love and be loved at naranasan niya ito sa piling ni Tyrone. She thought that everything is perfect between them, walang ka...