Sleeping Beauty

By hyunjiwon_sg4ever

22.3K 1K 262

Fairytale Series #2: Iya tried to leave the life that she used to have to escape from a tradition that her fa... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39

Kabanata 9

659 30 2
By hyunjiwon_sg4ever

Kabanata 9

Yes


-Iya-

Nandito kami ngayon sa bagong bukas na supermarket na medyo may kalayuan sa dorm ko. Tahimik lang ako habang pinapanuod siyang mamili ng mga kailangan namin para sa lulutuin niya. Hindi na rin ako nagsalita dahil wala naman talaga akong alam sa mga ingredients and stuff... ang alam ko lang ay kumain.

I shrugged my shoulders. Bahala siya.

"Ang tahimik mo..." he broke the silence between us.

Nilingon ko siya at kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya. Inilagay niya ang manok na kinuha niya dun sa cart namin. Bahagya siyang ngumiti at nagsimula kaming maglakad.

"Ano namang sasabihin ko di ba? Wala naman akong alam sa ganyan..."

Sumunod ako sa kanya. Inabala ko ang sarili ko sa pagtitingin sa mga produktong naka-display sa bawat nadadaanan namin. I suddenly want to buy some foods and stuff but I stopped myself since I'm not alone today. Baka bumalik na lang ako dito bukas or dun na lang ako sa tindahan na malapit sa amin.

"Pwede kang magtanong tungkol sa akin o di kaya magkwento ka ng mga nangyayari sa buhay mo..." aniya at huminto siya sa lugar kung nasaan nakalagay ang mga gulay.

"And why would I do that?" tumaas ang kilay ko at humalukipkip. "We're not even close enough for me to tell you the story of my boring life..."

Bahagya naman siyang tumawa at ibinalik ang kamatis na hawak niya dun sa lugar niya. He looked at me with a great amusement in his face. Seems like I said something very interesting and funny at the same time.

"Kaya nga magkwento ka para maging close tayo..." tumaas ang gilid ng labi niya. "We need to open up ourselves to each other so that we'll know each other deeper... para makapag-palagayan tayo ng loob, Sab."

"Wow? Hindi naman lahat ng magkaibigan kailangang gawin 'yun. Even you... alam ko na hindi mo 'yun ginagawa, Jerome. Don't fool me..." umismid ako at ibinaling ko ang atensyon ko doon sa nananahimik na kamatis. Hinawakan ko ito at sinuri.

"Sab..." naging matigas ang kanyang boses.

Sinulyapan ko siya. "You have a big circle of friends... don't tell me you know their stories? You know their deepest darkest secrets? Ano ka kaibigan ng bayan?" umirap ako. His jaw hardened.

Na-offend ko ba siya?

Humakbang siya palapit sa akin kaya halos mapaatras ako. His eyes looks so serious, angry and a bit... sad at the same time. So I offended him. Ano napagtanto na ba niya na hindi ako ang dapat kinakaibigan kasi masama ang ugali ko?

"Ang hirap mo talagang abutin..." he smiled.

Bahagya akong natigilan ng ngumiti siya. His smile is a bit sad... because pure sadness was very obvious on his eyes. I avoided his gaze. Hindi ko kayang tumingin sa kanya na may ganyang expression. Pakiramdam ko ay natutunaw ang makapal na pader sa puso ko.

"Andito ka naman sa tabi ko... pero pakiramdam ko ang layo-layo mo pa rin sa akin."

Tumikhim ako at humakbang palayo sa kanya. Enough. Bakit ba kasi siya ganyan?

"I don't understand you, Jerome..." I looked at him. "Hindi ko alam kung bakit kailangan mo itong gawing lahat. I'm very confuse... so tell me how can I trust you if I don't even understand you, Jerome?"

My trust issues.

Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko. Suddenly... the mood became lighter. Umiling ako at humarap doon sa cart. Enough. This.conversation is too much. I need to stop before I can say words that I can never take back.

"Because I know you..." malamig na sambit siya.

Shit! Shit!

Bumilis ang tibok ng puso ko at hinarap siya. Seryoso ang mata niyang nakamasid sa akin. I think he's trying to read my mind through my expression. Pakiramdam ko ay tila mabibingi ako sa tindi at lakas ng tibok ng puso ko.

"W-what?" nanghina ang boses ko.

He smirked. "I know who you are, Sab." aniya.

"What?" I tried to divert my tone. "What are you saying?"

So kailangan kong magpanggap na hindi ko alam ang sinasabi niya? Heck, maniniwala naman kaya siya? Pero... alam niya! Shit! Sabi na eh!

"Do I need to mention your real name here? In this place, really? Isn't it too dangerous?" nanunuyang sabi niya. Marahas akong umiling. Enough. Ayoko na.

"Paano mo nalaman?" matalim na tanong ko. Ngumiti naman siya sa akin at binaling ang tingin niya dun sa kamatis. "Jerome..." tawag ko ng mukhang wala siyang balak na sagutin ang tanong ko.

"Let's finish this first then I'll you everything later..." aniya. Kumuha siya ng ilang piraso ng kamatis at nilagay iyon sa cart. Humarap siya sa akin at nandoon na naman ang ngiti niyang punong-puno ng sinseridad.

Deceiver!

So ano makikipaglapit siya sa akin para makalapit sila sa pamilya ko? For business?

Matalim ko siyang tinignan. Hindi ako makapalag ng ipinatong niya ang dalawang niya sa magkabilang balikat ko. Nandoon pa rin ang ngiti niya sa akin.

"Don't worry, your secret is safe with me, Sab. I'm keeping it for so many months... wala akong planong ipagsabi iyon sa iba lalo na sa pamilya mo. Hell, I will never tell this to them... lalo na kung alam kong malalayo ka sa akin kapag ginawa ko 'yun." he smiled.

"What the hell are you saying?" kumunot ang noo ko. Marahan naman siyang umiling.

"That's why you need to keep me by your side, Sab. I know that you need help... that's why I'm volunteering myself to you. If you'll accept me fully in your life, Sab, I can do more to guard you. I will do everything to protect you." he sincerely said.

"You're fooling me..." matabang na sabi ko.

"I just want you to open yourself to me... it's not my intention. I don't want you to let me enter your life just because you know that I know your secret. I don't want you to think that I'm scaring or blackmailing you, Sab." aniya at bahagya siyang tumawa.

"Baka mamaya ay patayin mo ako bigla kapag ginawa mo 'yun..." dagdag niya.

Matalim ko siyang tinignan. "Papatayin talaga kita, Jerome."

"Huwag!" he laughed. "My brother knows your secret, baka kapag nalaman niyang pinatay mo ako ay baka magsumbong siya sa nanay mo kung nasaan ka." aniya.

"Blackmailer!" singhal ko.

"No, I'm not!" humagalpak siya ng tawa. "I'm just saving myself from you!"

"Bwisit!" inis na sambit ko. "Tapusin mo na 'yang ginagawa mo para makauwi na tayo."

"Heto, mainitin talaga ang ulo mo." napalabi siya.

"Shut up!" singhal ko.

"Okay lang... I can deal with that." bulong niya.

Naglibot pa kami hanggang sa makumpleto namin 'yung mga kailangan niya. Akala ko ay didiretso na kami sa counter pero hindi, marami pa siyang pinamiling pagkain gaya ng chips, chocolates at kung ano pa! Hindi naman siguro siya patay gutom ano?

"Hindi ka naman gutom na gutom ano?" tanong ko sa kanya.

"May gusto ka ba?" tanong niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

Masyado na siyang maraming nabili. At talagang hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Wala..." tumingin ako sa cart namin. "Hindi ba masyadong marami 'yan? Hindi natin 'yan mauubos ng isang araw lang, Jerome." tinuro ko 'yung cart at tumingin sa kanya.

Makahulugan siyang ngumiti sa akin. "Sino bang nagsabing pang-isang araw lang 'yan, Sab? Siempre hindi..." bahagya siyang tumawa.

"What?" halos magkasalubong na ang kilay ko sa inis. "At plano mong bumalik huh?"

Lalo naman siyang humagalpak ng tawa. Kumunot ang noo ko at gusto ko ng tapusin ang buhay niya. Umiling na lang ako at naglakad palayo sa kanya. Bahala siya sa buhay niya! He's so annoying...

"Ewan ko sa'yo."

"Uy, Sab!" tawag niya sa akin. "Heto naman, of course para sa'yo 'to, Sab. Kung hindi natin maubos , itabi mo para may stock ka ng pagkain. At siempre hindi mo 'to kakainin kapag kasama mo lang ako..." aniya.

"Bakit ba pinagga-gastusan mo ako? I mean, oo mayaman ka-"

"Mayaman ka rin naman..." aniya.

"Ay bwiset!" singhal ko sa kanya.

Nung nakararing kami sa counter ay nandoon pa rin ang inis ko sa kanya. Siya naman ay parang bata na humihingi ng tawad sa akin. How old is he again? He's old enough to still act like a child! Bakit ba ang kulit-kulit ng isang 'to?

And he knew my identity! Nilinlang niya ako, ang kapal ng mukha niyang tanungin ako nung una kung anong pangalan ko 'yun pala alam niya na from the start! At yung buong pangalan ko pa! Grabe! A deceiver with an innocent facade!

"Galit ka pa rin ba, Sab?" tanong ni Jerome habang nilalagay 'yung pinamili namin doon sa counter. Sinulyapan ko at tinulungan na rin, napatingin kasi sa amin 'yung cashier. She looked at me with her judgemental eyes... baka isipin niya inaalipin ko 'to.

"Hindi..." I coldly said.

"Eh bakit ganyan 'yung tono mo?" tumingin siya sa akin.

"Bakit? Anong tono ba 'yung ineexpect mo sa akin? Yung may halong ka-plastikan?"

Halos mariin kong ibulong sa kanya ang mga salitang iyon. Kapag di siya tumigil ay baka sapakin ko na siya sa harapan ng babaeng 'to na may malagkit na tingin sa kanya. Nagtitimpi lang ako. Kapag ako sinagad niya...

"Ang hirap mo talagang biruin, Sab..." ngumiti siya. Umirap naman ako.

Nang matapos i-total ng cashier lahat ng pinamili namin ay nakita ko na nasa isang libo na halos ang lahat ng pinamili namin. He handed her a card. Tumaas ang kilay ko nung makita ko na hinawakan nung babae 'yung kamay niya.

Is that even necessary?

"Okay na po, Sir..." she said in a 'pabebe' tone. What the hell?

"Thank you for buying, Sir." she smiled at him. "Thank you din... Ma'am."

Bumaling siya sa akin. Hindi ko naman na siya kinibo. Magpapapansin lang siya kay Jerome tapos idadamay niya pa ako. Tss. Basta gwapo talaga.

"Okay..." tipid na sagot ni Jerome at kinuha niya na 'yung mga plastic bags.

Nauna na siyang maglakad paalis sa counter kaya tahimik lang akong sumunod sa kanya.

"Sayang naman si Kuya, sana maghiwalay na sila nung mataray niyang girlfriend... ang sama naman ng ugali niya eh. Di sila bagay..."

Bigla akong tumigil sa paglakad at nilingon siya. Alam ko sa sarili ko na mataray ako pero hindi ko alam na kaakibat na ng salitang iyon ang pagiging masama ang ugali. At paano niya naman nasabing masama ang ugali ko? Kasi tinatarayan ko si Jerome?

What?

Kapag taong palaboy o grasa ang tinarayan mo, okay lang kasi baka masamang tao sila. Pero kapag ang mga gwapong tulad ni Jerome, hindi mo pwedeng tarayan ganun?

I raised an eyebrow to her. She frowned. Of course, hindi ako bingi at hindi ako magbibingi-bingihan. I heard her and of course I'm gonna confront her. Humalukipkip ako ay humakbang palapit sa kanya.

"Ma'am?"

"Next time, Miss, if you're going to say something against me make sure that I will not hear you. Hindi ko tuloy alam kung ganyan ka talaga sa lahat ng customers niyo o baka naghahanap ka ng away." malamig na sabi ko sa kanya. Napayuko naman siya.

"You want me to call your manager?" mataray na tanong ko sa kanya.

Nag-angat siya kaagad ng tingin sa akin at bumilis na umiling.

"Naku, Ma'am... huwag po. Pasensya na po kayo..." mahinang sabi niya.

"Sab..." mahinang tawag sa akin ni Jerome. Nasa tabi ko na siya.

"Tsaka mo sabihing masama ang ugali ko kapag ginawa ko iyon. Kung masama ang ugali ko hindi kita pagpapasensyahan. You better know what you're saying, Miss."

"Sorry po, Ma'am..." aniya.

Mabilis akong tumalikod sa kanya at hinarap si Jerome. Seryoso ang tingin niya sa akin. Huminga ako ng malalim at matalim din siyang tinignan.

"And... I didn't asked him to stick with me. If he wants to leave me then he's free to leave. So wait for that moment..." kaagad kong inalis ang tingin kay Jerome at dumiretso na sa paglakad. Bahagya ko pang binangga ang balikat niya.

Paglabas ko ay narinig ko naman ang pagtawag sa akin ni Jerome. Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad. Naiirita talaga ako ngayon! My peaceful life was now ruined when Jerome Montello came in! And now I can't even get rid of him because he knew my identity.

"Iya Sabrina, sandali lang naman!" pagalit na sigaw ni Jerome.

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Did he just called me in my name?

"Ano ba?" singhal ko sa kanya. Hinayaan ko siyang makahabol sa akin.

"Bakit ba galit ka?" tanong niya ng tumabi na siya sa akin.

"Why do you care?" simpat ko sa kanya.

"Ano ba..." inis na sabi niya pero huminto din siya. Malumanay ang tingin niya sa akin.

"Ano naiirita ka na rin sa akin? Then leave me... and keep my secret until you die."

"Hindi!" he retorted. "Ang punto ko ay sana inantay mo naman ako. Bigla-bigla kang umaalis. Ni hindi mo man lang ako naisipang tulungan sa bitbit ko." aniya.

"Fine!" mabilis na singhal ko at mabilis na kinuha yung isang plastic sa kamay niya.

Hindi naman na siya nagsalita kaya naglakad na ako. Nakita ko naman na tumabi siya sa akin at sabay kaming naglakad. Tahimik lang kami pareho. Sinulyapan ko siya at nakita ko na diretso lang ang tingin niya.

"Nagalit ka kasi sinabihan ka nung babae na masama ang ugali mo?" he broke the silence between us. Hindi na ako sumagot sa kanya at pinanatili ang tingin ko sa daan.

Nang makarating kami ng dorm ay kaagad naming nilapag 'yung mga pinamili niya sa table na nandoon. Akmang papasok na ako sa kwarto ko ng bigla niya akong hawakan sa palapulsuhan at hinarap sa kanya.

"Galit ka pa rin?" tanong niya.

"No." mariing saad ko. "Bakit galit ka ba sa akin?" napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Eh kasi nakakunot pa rin 'yang noo mo. And no... I'm not mad at you. Bakit naman ako magagalit sayo, Sab?" he asked. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Nakatingin siya sa akin at nakalabi na parang pinipigilang ngumiti.

"Masaya pa nga ako, e." tuluyan na siyang ngumiti.

Umismid ako. "Muntik na akong mapaaway sa cashier kanina, masaya ka pa?"

Marahan siyang tumango sa akin. Ipinatong niya ang dalawang kamay niya sa aking magkabilang balikat. Lalong kumunot ang noo ko sa kanya ng lumawak ang ngiti niya.

"Ipinagtanggol kita doon sa cashier kanina... umalis ka kasi kaagad. I'm happy because you didn't deny that you're my girlfriend." napalabi muli siya.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay lukot na lukot na ang noo ko dahil sa sobrang pagkakunot nito. What the fudge is he saying? I didn't pay attention to that because it's not really an issue! Ang problema ko ay 'yung sinabi nung babae about my attitude.

"Because it's not my issue..."

"So okay lang sa'yo?" ngumisi siya.

"I really hate your logic..." umirap ako sa kanya. "Magluto ka na doon... tanghali na. You still need to do your thesis. Sabihin mo lang kapag kailangan mo ng tulong." malamig na wika ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Dito ka lang..." sabi niya at bumaling sa mesa. "Para makita mo kung paano lutuin."

"Okay..."

Nagsimula na siyang magluto. Nakaupo lang ako sa mesa habang nakamasid sa kanya na abala sa pagtitingin sa niluluto niya. Kitang-kita ko ang bakat ng pawis sa kanyang likod. Sana nagdala siya ng extra shirt or whatever. May electric fan naman dito pero hindi ata ito sapat para pawiin ang pawis niya.

"Jerome..." tawag ko sa kanya. Hindi siya humarap sa akin at nagsimulang maghalo.

"Hmm?"

"Paano mo nalaman ang identity ko? Did your brother told you about it?" I asked.

Tumigil naman siya at humarap sa akin. Pinagmasdan niya ako ako. Marahan siyang ngumiti at tumango sa akin. Naglakad siya palapit sa table at umupo sa upuang nasa harapan ko.

"Months ago, my brother asked me to guard another girl again..." aniya.

Hindi ako kumibo. I just want to listen to him right now. Kailangan kong malaman kung kakampi ko ba sila o hindi. Maybe... I can trust him... I don't know.

"Akala ko pinagpalit na niya si Gail, pero hindi. My brother knows the value of friendship, kaya naman ng makiusap sa kanya ang pinsan mo, si Dustin, he wholeheartedly helped him to help you enter Wiesel University while hiding your real identity." aniya.

Marahan naman akong tumango. Hindi ako nagagalit kay Kuya Dustin, tinulungan niya ako at heto ang kanyang paraan kaya nagpapasalamat pa rin ako sa kanya. Hindi ko siya masisisi... ginawa niya talaga ang lahat para matulungan ako.

"Of course, Kuya Jared knows your reason, ipinaliwanag na iyon ng pinsan mo sa kanya, na you're running away from your home because of a tradition... fixed marriage with someone..." mataman niya akong tinignan. "My brother told me about that..."

Huminga ako ng malalim. Alam niya pala ang lahat. Bakit ngayon lang siya nagpakilala?

"I understand your reason... ginawa rin naman 'yan ni Gail dati, ang tumakas pero in the end nagkita pa rin sila ni Kuya." bahagya siyang tumawa. "But my brother is persistent, he's madly in love with the girl that's why he'll look for her even in the depths of the earth."

"Bakit ngayon ka lang nagpakita? I mean... you can show yourself to me months ago but why did you decided to just come out right now?" tanong ko sa kanya. "At paano mo ako binabantayan? It's creepy." umiling ako.

Huminga siya ng malalim. "It's because I'm graduating, Sab. Kapag nangyari 'yun hindi na namin masisiguro na walang makakaalam na nandito ka. My brother's influence in our school is also limited, once I'm out... hindi na namin alam ang mga mangyayari dito. Don't worry... hindi naman kita sinusundan tulad ng isang stalker, basta kapag alam ko na walang nagdududa sa'yo, ayos na iyon." aniya.

"May nagdududa na ba sa akin? Do I look like a rich student here?"

Marahan siyang tumango. Shit! Bahagya siyang ngumiti sa akin.

"You look like a sophisticated rich student, Sab. Kaya hindi mo maiiwasan na may mga magtaka talaga sa'yo, lalo na't hindi ka approachable. You're not open to anyone, hindi ka man lang din nakikipagkaibigan sa iba. People will become curious to you because you look mysterious. They'll think that you're hiding something. And they'll look for more information about you..."

Bahagya akong napasinghap at napayuko sa sinabi niya. Okay, I didn't see it coming. I'm a bit self-centered that's why I didn't bother to think other people' thoughts. Pero siguro nga tama si Jerome, maraming magtataka sa akin. But should I just trust people? Ano ba ang maitutulong sa akin ng mga taong makakaalam ng totoong ako? I think they can't give me anything. Maybe I'll get their sympathy but that's it.

And I don't need any sympathy from anyone. It's the last thing that I'll need in my life. I don't want people to focus on my life because it's dramatic... my life is not their typical teleserye. Hindi ako ang klase ng bida na basta magpapaapi at magpapaawa.

"I get your point..." tumikhim ako.

"Good, that's why you need to trust me, Sab. Malawak at mahigpit na ang paghahanap sa'yo ng pamilya mo. In two months you're turning twenty, that means you'll gonna marry whoever your fiance is... malaki ang posibilidad na mahanap ka na nila dito."

Napatingin ako sa kanya. Should I really trust him? Them?

"Don't worry, I'll do my best to help you... just trust me okay? I'll be your friend, Sab. I'll do everything to protect you. Kailangan ko lang ng permiso mo. Just say yes and I'll be there for you when you need me." aniya.

"Will you trust me, Iya Sabrina?" he asked in a sincere manner.

Yes?

I realize that I can't really do this on my own. I badly need help, a help that he's offering. But the question is am I ready to put my trust to them? They already helped me a lot.

Hindi naman siguro masamang magtiwala sa taong ngayon mo lang nakilala. I'll just guard myself from whatever effects that trusting him may cause. I need to put a thin wall between us so that... I don't know.

Just don't trust too much, Iya.

Whatever.

"Yes..." I softly said and nodded.

Continue Reading

You'll Also Like

767K 41.3K 103
an epistolary
211K 7.6K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
149K 11.7K 53
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
1.1M 51.8K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.