Seven Days

By makeyoumine13

185K 4.7K 80

Isang pustahan lang naman ang pinagmulan. Dapat maging sila ng pampitong papasok sa loob ng 7/11 sa loob ng p... More

7 Days
Prologue
Day One - I
Day One - II
Day One - III
Day Two - I
Day Two - II
Day Two - III
Day Three - I
Day Three - II
Day Three - III
Day Four - I
Day Four - II
Day Four - III
Day Four - IV
Day Four - V
Day Five - I
Day Five - II
Day Six - I
Day Six - II
Day Seven - I
Day Seven - II
Day Seven - III
End
1 Year & Still Counting
A/N

4 Years Later

7.7K 178 3
By makeyoumine13


"Hoy panget! May importante kang lakad ngayon! Hoy panget! May importante kang lakad ngayon!. Hoy pan-"

Arrrrrrrrrgggggg

Pinatay ko na agad yung notification ng calendar sa cellphone ko.

Ano bang importanteng lakad?

Binuksan ko ang cellphone ko para makita kung anong meron sa araw na ito.

Dude Isaac's Birthday.

Nanlaki ang mga mata ko!

Langyang yan!

Dali- dali akong bumangon at nagbihis.

Nyemas naman oh.

Tinignan ko yung relo ko. 6:47

Takte!!

Sino ba kasi yung gagong nagpa uso nito?!! Sarap pektusan!!

Nagdrive agad ako papunta sa 7/11. Traffic pa ang putek na yan!!

Shitness!! Dapat pala yung motor yung dinala ko!!

Pagka park ko ay dali dali agad akong tumakbo.

Blag!!

"Ay sorry" Sabi ko dito.

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo" Sabi ng lalaki sakin bago ito umalis. Umirap pa nga eh.

Tsk!

"Hindi tumitingin sa dinadaanan?, Eh nakita mo na palang hindi ako tumitingin eh, sana ikaw na yung umiwas!" Umiiling na pumasok ako sa loob.

"Whahahahaha"

"Paano ba yan!"

"Late na naman"

"Hahahahahaha"

Tawanan ng mga abnoy kong tropa. 11 sila.

"Tsk! Edi wow" Sabi ko na lang bago ako naupo.

"Paano ba yan, ako ang may birthday ngayon?". Nakangising sabi ni Isaac.

"Tsk! Oo na oo na. Sabihin mo na kung anong kailangan mo. Dali na ng matapos na to't may pupuntahan pa ako" Ngumisi naman sya. Ang sarap lamukusin ng mukha niya, promise.

"Teka lang, birthday ko nga diba?" Tila nanalo pero hindi naman tumaya sa lotto na sabi nya. Ganun sya kaadik at kasaya. Gunggong!

"Tsk! May lakad pa nga ako, punyeta!". Naiinis na ako eh. Dapat masaya ako ngayon eh, panira talaga.

"Tsk!"

"Ano na?! Bagal!"

"Lahat ng sasabihin ko sayo sa loob ng limang oras, susundin mo. As in lahat" Sabi nito. Takte!! Halatang pinag isipan nya yun. Pinagplanuhan.. Tss ngayon mo na nga lang ipapakitang may utak ka sa ganitong sitwasyon at talagang sakin mo pa napili? We're best friend you traitor!

"Whahahahahaha"

"Pasayawin mo"

"Pakantahin mo na lang"

"Twerk it like miley"

"Worth it"

"Bwahaha oo lahat yan, wag kayong mag alala"

"Nyemas! Pepektusan ko kayong mga ungas kayo!" Awat ko sa kanila. Para silang nanunuod ng sabong ng manok. Samantalang mga professional na yung mga yan.. Hindi pa din sila nagbabago pagdating sa tropa.. Magulo pa din, maloko, maingay.. Stress reliever daw nila ang tropa. Sakin? Stress deliver. Yung kapag kasama ko sila naiisip ko na walang kwenta yung isang buwan kong problema sa buhay kumpara sa pagstay ng isang oras sa isang kwarto kasama sila. Eye opener kumbaga.

Bigla naman silang nagsi- almahan. Parang mga bata. Tss

"Putek na yan!! De kayo na! Magsama sama kayo!!"

Tapos ayun, nagreklamo na naman silang lahat.

"Oo na! Mga putek kayong lahat!" Nanggigigil na tumayo ako. Eye opener nga, eyesore naman.

"Oh saan ka pupunta?" Naka ngising tanong ni Isaac.

"May pupuntahan nga ako diba!! Bobo!!". Sabi ko dito.

"Whahahahahaha" Tawa sila ng tawa tsk. Nakikita kasi nila na nagagawa nila ng maayos yung sinumpaang tungkulin nila. Sobrang maayos.

"Sasama ka samin. Pupunta tayo sa bahay mo. Papa uwiin mo yung mga empleyado mo. Uupa ka ng videoke. Magkakantahan tayo. Tapos iinom hanggang sa makatulog na tayo. Linggo naman bukas, saktong sakto." Sabi nito. Pumalakpak naman ang buong tropa sa narinig na plano.

"Tae nyo!" Singhal ko. Bakit sa bahay pa? Bakit may videoke? Bakit may alak? Bakit ngayong araw pa? Bakit ako na late? Bakit sa saktong birthday pa nya?

"Ay ayaw"

"Hindi ah. Ikaw nagpasimuno nito eh. Pinindigan mo"

"Pasalamat ka nga hindi ka pinasayaw eh."

"Sige na. Matagal na tayong hindi nag paparty ng sama sama"

"Hayzz!! Oo na! Putek na yan!. Tara sa bahay" Dapat talaga may nakaready na akong hukay eh. Sayang. Nagsitayuan agad sila at kanya kanyang sakay ng kotse nila.

Pagdating ko sa talyer ay nag sisi- alisan na ang mga empleyado ko. Mga nakangiti silang umalis. Hmmm hindi yun yung inaasahan ko.

"Salamat boss!" Sabi pa nila. Nagtatakang tumingin ako kay Cindy.

"Absent with pay" Sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"Isaac!!!" Nakangising lumapit naman ito.

"Oh. Problema mo?".

"Absent with pay?" Gigil na tanong ko dito. "Kung gusto mong mauna sa hukay sabihin mo lang.. Punyeta! hindi mo na ako kailangan bigyan ng dahilan pa. Langya na yan! matagal ng punong puno yung listahan ko sayo"

"Eh ayaw magsi-uwi dahil sayang daw yung sweldo nila ngayong araw. Hayaan mo na, paminsan minsan lang naman" Sabi pa nito na tinutulak na si Cindy palabas ng talyer.

"Bye bye.. Enjoy your day" Nakangiting sabi pa nya kay Cindy.

"What was that?" Taas kilay na tanong ni Violet.

"Babe. Wala. Ito naman.." Niyakap pa nya ito.

"Umalis alis nga kayo sa harapan ko.. Kinikilabutan ako sa inyo" Sabi ko sa mag syota. Mag aapat na taon na sila.

Kiniss muna ni Violet si Isaac bago ito pumasok sa loob. Nakangising tumingin naman sakin si Isaac. Nang i-inggit.

"Gunggong". Sabi ko bago ako nag tuloy tuloy sa loob.

Dito kami sa may labas ng bahay ko. Yung area kung saan naglilinis ng kotse. Malaki yung space, kasyang kasya. Sobra sobra pa nga.

Inayos nila yung Videoke na Tinawagan ni Rizza at agad agad itong kumanta. Nakayakap naman sa likod nito si Menard. Sa may kabila namang table, si Isaac at si Violet. Naka akbay si Isaac dito. Tsk! Couples. Eww.

Umupo lang ako at nilaro laro yung cellphone ko.

"Give me your phone". Si Isaac. Tsk. Nahawa na sa engliserang bisayang girlfriend nya.

"Ayoko."

"Akina sabi". Ngisi nito. Parang nang aasar. Effective. Tss effortless, mukha pa lang nya sapat ng dahilan.

Tumayo ako at inis na tumingin dito.

"Ayan! Sayo na! Lintek ka!! Isaksak mo sa baga mo ah!! Lunukin mong putek ka!". Inis na hinampas ko ito sa dibdib nya. Nakangising kinuha naman nito iyon.

Retarded!

"Kumanta ka." Sabi nito pagkatapos pindot pindutin yung cellphone ko.

"Pagputi ng uwak. Pagtino mo at pag nagtagalog na yung syota mo." Ibig sabihin never.

"Hindi pa tapos yung 5 hours ko"

"Pake elam ko!! Tsk! Ayan! Uminom ka ng alak hanggang sa pumutok yang atay mong punyeta ka!" Tumatawang kinuha naman nito yung beer sa kamay ko.

"Sadista.. Ayun at naka log na.. Pag nag play, kantahin mo. Thanks! Happy birthday to me" Sabi nito bago nakangising bumalik sa tabi ni Violet.

Putek na yan!!

Inis na kumuha ako ng panibagong beer sa case.

Habang umiinom ay may naalala ako. Isang taon na mula ng mangyari iyon pero tandang tanda ko pa din.

Papunta ako noon sa 7/11 dahil birthday ni Karlo. Maaga pa naman pero nag mamadali pa din ako. Lahat ng sakit sa ulo ni Karlo, karamihan ako yung may kasalanan. So mahirap na, matalino pa naman yun kaya inagahan ko talaga. Tumatakbo ako noon papasok ng may mabangga ako.

"Bwisit!!" Sabi nitong nakabangga ko. Nagsiliparan lahat ng hawak nya. Agad agad naman akong yumuko para tulungan ito.

"Sorry.. tulungan na kita" Tinulungan ko ito sa mga nalaglag na papel. Nang bigla nitong hampasin yung kamay ko.

"Huwag na.. Nakakahiya sayo!" Inis na sabi nito.

"Hindi ok lang.. Huwag ka ng mahiya" Inis na tumingin ito sakin. Nagulat ako. Nabitawan ko yung mga papel na hawak ko.

"M-maxine". Natulala ako dito. Mukhang ganoon din naman sya. Bumalik sya! 3 taon. 3 taon mula ng huli ko itong nakita. Pero bumalik sya! Bakit sya bumalik? Sabi nya walang umaalis na bumabalik.. pero andito sya.. bumalik sya.

Gusto ko syang hawakan , para malaman kung totoo ito. Kung totoong bumalik sya. Hahawakan ko na sana sya ng may sumigaw.

"Max!." Lumingon ako doon. Mukhang si Maxine yung tinatawag. May buhat buhat yung lalaki na baby. Kung kanina masaya ako, ngayon para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. Nagising sa pagpapantasyang bumalik ito para sa akin.

"What took you-oh are you ok?"

"I'm good, just need to pick these things. Walk straight ahead."

"Is that the place?". May accent yung lalaki.

"Yeah. Do you want me to-"

"No. Just wait in the car". Umalis na din yung lalaki pagkatapos. Pilit kong tinago ang nararamdaman ko.

"Anak mo?. Haha n-nag asawa ka na pala?" Hindi naman ito kumikibo at inayos lang yung mga papel nito.

Tatayo na sana ito ng hawakan ko sya sa kamay.

"Let go"

I can't, I love you..

"Haha.. English ka na ngayon ah". Inis na tinapik nito yung kamay ko.

"Huwag mo na akong guluhin. Masaya na ako". Sabi nito bago sumakay sa kotseng naka park. Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na din sa loob yung lalaki. Lumapit ito sakin.

"Miss, are you ok?" Tumango lang ako at umalis na.

Ilang linggo kong ininom ng alak yun. Nagbalik sya, pero hindi na sya babalik sa buhay ko. Masakit, sobra sobra.

After two weeks. Papunta naman ako sa bahay nila Isaac dahil nagyayaya itong uminom ng makita ko ulit ito. Mukhang nasiraan ito ng kotse. Walang gaanong bahay sa paligid at pagabi na din noong araw na iyon, bumaba ako ng kotse and tama nga. Si maxine nga iyon. Kahit sa malayo, kilalang kilala ko ang hubog ng katawan nito maski ang tindig nya hindi pa din nagbabago.

Mukha naman itong masaya ng makita ako. Sabi ko nga sa inyo ay walang mga bahay dito at pagabi na din. Ngunit nawala ang mga saya sa mukha nito ng makita na ako pala yung lumalapit sa kanya. Nag cross arms pa nga ito.

"Need help?". Tanong ko dito.

"No.. not from you" Mataray na sabi nito.

I missed that.

I missed you..

"Ok.. suit yourself.. Nabalitaan ko pa naman na may white lady dito.. oh i mean there.. exactly right where you are". Turo ko pa sa pwesto nito.

"I-i'm not scared" Sabi nito.

"I didn't say you are. Anyway, goodbye. I'm having goosebumps here. Probably ghosts." Pasakay na sana ako sa kotse ko ng tawagin ako nito.

"Saan ka ba papunta?". Tanong nito.

"Pauwi na" I lied.

"B-baka.. baka". Nilalaro nito ang mga daliri nya.

Tumingin naman ako sa relo ko.

"What?. Kailangan ko ng umuwi. Magsasara pa ako ng talyer". Pananakot ko dito.

Inistart ko na yung kotse ko para kapani- paniwala.

"B-baka pwedeng sumabay.. Parang wala kasi ditong nagdadaang mga sasakyan" Nahihiyang sabi nito.

"Wala talaga. Gabi na eh. Usap usapan nga kasi yung nagpapakitang white lady dyan. Nangunguha pa nga daw yun ng buhay". Gusto kong matawa ng makitang nanginginig na lumingon ito sa kotse nya.

"P-pasabay naman oh. P-please". Mukhang iiyak na ito. Kunwari naman ay pinag isipan ko pa.

"Please.."

"In one condition". Inis na tumingin naman ito sakin.

"Ok. Edi huwag". Sinarado ko na ang bintana ko at pina andar ang kotse ko. Humarang naman sya sa harap nito kaya nag stop ako.

Binaba ko agad yung bintana ng kotse ko.

"Magpapakamatay ka ba?!!" Sigaw ko dito. Paano kung hindi ako nakapag preno agad?!! Lintek naman oh!!

"N-natatakot n-na a-ako. P-please, a-ayoko na dito" Umiiyak na sabi nito. Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha ko at agad agad akong bumaba. Inalalayan ko ito papasok sa kotse ko.

Putek na yan!!

Nanginginig pa ito sa takot. Bigla naman tuloy akong naguilty sa pananakot ko dito.

"Don't worry. Ipapakuha ko yung kotse mo sa mga tao ko". Hindi naman ako nito pinansin. Nagdrive lang ako and then naalala ko na hindi ko nga pala alam kung saan ito ihahatid.

Tatanungin ko sana ng mapansin ko na tulog na ito. Nagtatalo ang isip ko kung gigisingin ko ito o iuwi ko na lang sa bahay ko. Umandar ang pagiging selfish ko kaya napag pasyahan ko na iuwi ko na lang ito sa bahay. Hindi nito ako masisisi. Sobra ko syang namiss.

Nang makarating sa may talyer ay natuwa ako na andoon pa si Danny ng mga sandali na iyon. Binuhat nya si Maxine hanggang sa kwarto ko.

Nang gabi na iyon, hindi ako natulog. Hindi ako makatulog. Isipin pa lang na andito ito ngayon at kasama ko ay hindi na mapakali ang buong sistema ko. Lalo na pag titingin ako sa kama ko at makikita itong payapang natutulog doon. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Yung pakiramdam na ito. Yung pakiramdam na buhay ka. Ngayon ko lang ulit narinig na tumibok ng ganito kalakas at kabilis ang puso ko.

Pinanuod ko lang ito buong magdamag hanggang sa mismong katawan ko na ang bumigay.

Pagkagising ko ay wala na si Maxine. Napahinto ako. Panaginip lamang ba iyon?. Pero ng mahiga ako at amuyin ang unan ko. Andoon yung pamilyar na amoy nito. Matagal na ng huli kong itong maamoy. Pero sigurado ako na amoy ni Maxine iyon. Agad agad akong bumaba at lumabas ng bahay ko.

"Cindy"

"Boss"

"Yung babae na kasama ko kagabi. Napansin mo?". Tumango ito.

"Umalis na po kanina. Inihatid ko po sya hanggang labas. Sumakay po ng taxi. Pinasasabi po na balikan nya yung kotse nya sa isang linggo". Tumango tango lang ako.

Sabik na sabik kong hinintay ang mga araw. Hindi na din ako umiinom kapag nag aaya si Isaac.

"Swapang ka!! Pag ikaw nag aaya ang galing galing mo!. Tapos kapag ako?, ayaw mo?.. parang hindi ka naman kaibigan!!". Huminto din naman ito ng ilabas ko yung tatlong bote ng red horse.

At nang araw na dumating si Maxine. Hindi ko alam kung matutuwa o hindi pero sa tuwing malilingon ako sa lalaking kasama nya'y pinipili ko yung hindi. Akala ko pa naman makakausap ko sya..

"Salamat" Nakangiting sabi nito.

Tumango lang ako.

"This looks cozy. Hmmm Ashley Walker?? Are you Ashley Walker?!" Nanlalaki ang mata ng asawa nito.

May ikinuwento kaya ito tungkol sakin?

Tumango na lang ako sa lalaki. Pero may marinig lang talaga ako sa kanya.. Langyang professionalism na yan, magsama sila pero walang makakapigil sakin.

"Wow! I can't believe it. She's the same girl you bumped into right?. Geez this is desti-"

"Frank.. Let's go!"

"But max.. she's here.. And she's beautiful. Now I understand why you fell in-"

"Frank!! Let's go!!"

"Geez! Alright alright! You mad woman". Kumindat pa yung lalaki sakin bago sumakay sa kotse nito. Umuusok naman ang tenga ni Maxine.

Nagseselos. Tsk! Wala akong kasalanan dyan. Yung asawa mo kumakausap sakin.

"Nice meeting you!!" Pahabol pa ni Frank. Binatukan naman ito ni Maxine. Naiwan akong nakatulala doon.

"Mag asawa ba yun boss?"

"Oo" Matamlay na sagot ko.

"Ang sweet nila. Bagay na bagay"

"Go back to work" Inis na sabi ko sa mga empleyado ko.

Bagay?!!

Babaero nga yung lalaki!!

Sa harap pa talaga ng asawa nya!!

Kumindat kindat pa kaya sakin ang putek na yun!!

Yung sumunod na pagkikita namin ay sa may mall. Buhat buhat nito yung baby nya.

"Oy, si number seven"

Nakita din pala ito ng tropa. Kasama ko kasi si Rizza, Tanya, Violet, Menard at Isaac. Hinila nila ako dito, puro daw ako work. Truth is, I need it. Distraction. Kaya sumama na din ako sa kanila. Sila ang pinakamabisang distraction. Kung sweswertehen sana pagdating ng bahay, makatulog na din ako agad.

"Lapitan mo" Tulak nila sakin.

"Ayoko nga. May asawa na yung tao eh"

And I hate that..

"Sige na" Tulak pa nila hanggang sa nasa harap na ako ni Maxine.

"Hi" Nakangiting ewan na bati ko dito.

"Ngihaha.. mama hhihihi" Sabi ng bata. Ang cute..

"Tuwang tuwa sayo." Sabi ni Maxine. Bagay pala dito maging nanay.

Masaya naman na sya.. mukha syang masaya. Masayang nababatrip naman ako.. gusto kong ako ang magpasaya sa kanya. Too late it's game over and I can't play again. I lose, big time.

"Anong pangalan nya?"

"Diether".

"Hmmmm hello Diether"

"Hihihi.. mama.. hihihngihaha" Sabi nitong bata.

"Ang cute cute mo naman" Hinawakan ko pa ito sa kamay.

"Max! What wil-Oh Hi there Ashley" Yung asawa pala nito.

Nawala yung mga ngiti sa labi ko. Bagay kay Maxine maging nanay pero hindi bagay sa kanyang maging asawa ninuman! Sakin lang yun.. sakin lang.

"Family bonding?" Tumango naman si Frank.

"Yeah.. Wanna join u-"

"Frank!"

"What?! I'm doing this for gre-"

"You talk too much"

"You just talk less" Nakangising sagot naman ni Frank.

"Let's go" seryosong sabi na nitong si sunget.

"Fine! Fine! Can I at least buy thi-"

"No!!!" Inis na putol na ni Maxine.

Umalis na din sila pagkatapos. Sinesermunan ni Maxine si Frank hanggang sa makapagbayad sila sa counter.

"Under din yung asawa"

"Eh under din naman si Ashley noong sila diba?"

"Haha ang taray naman kasi ng babae na yan"

"Pwedeng gawing tanod sa baranggay"

"Mayor na para mas malaki yung sakop. Baka mabawasan pa yung mga corrupt."

"Haha tangna! Presidente na! Para tumino yung mga kalalakihan at yung mga feeling lalaki! Diba dude" Kalabit pa nito sakin.

"Pakyu kayong lahat with feelings pa mga gago!!"

Umalis din kami agad doon. I mean ako pala at si Tanya.  Mag de-date yung apat. Tss break up din ending nyan!

"Ok ka lang?" Tanong nito.

"Magsisinungaling ako pag sinabi kong oo." Hinagod hagod naman nito yung likod ko.

"Mawawala din yan. Kita mo yung akin nawala na."

Yeah. Nakamove on na si Tanya. Totoong nakamove on na. Engaged na sya ngayon sa Filipino- Australian model na girlfriend nya for two years.

Lahat na lang may gf at bf, mga engaged at may asawa. Langya edi kayo na, peste!

"Kelan pa? Ok naman na kasi ako, bakit ba kasi bumalik pa sya? Baka di ko mapigilan ang sarili ko at makasira ako ng pamilya Tanya."

"Dude wag mong gagawin yan..". Pumasok kami sa loob ng Mang Inasal.

Hindi ko naman yun gagawin.. ayoko. Pero kasi parang may mali. Mali na yung lalaki na yun yung kasama nya. Kasi ako yun dapat.. Mali man sa paningin nila pero yun yung tama. Ako yung tamang tao para sa kanya..

"Kumain na lang tayo.. Para kahit papaano makalimutan mo sya"

"Tatlong taon nga walang nagawa.. pagkain pa kaya?".

May alam naman akong solusyon mapanganib nga lang.

Habang kumakain kami ay biglang may umupo sa katabi naming table. Sila Maxine. Pero hindi nila kami napansin dahil nasa umiiyak na bata ang atensyon nila. Paano ko sya makakalimutan kung sulpot sya ng sulpot sa paningin ko?

"Baby Jigs.. please stop crying". Sabi noong lalaki. Anong nakita dito ni Maxine? Wala ba ako nun?

"Shhhh give him to me".

"Oh tahan na. Big boy na yan eh.."

"Max.. We should call mom". Sabi na ni Frank.

"Ok.."

"Hello mom.. yeah.. we're at SM.. yes-"

"Ngihaha.. hihi.. mama.." Sabi ng bata at pilit inaabot ang mga kamay nya na parang gusto nito na buhatin ko sya. Tumigil na ito sa pag iyak nya.

Napatingin tuloy ang mag asawa sakin.

"I think he's ok.. for now.. you should.. yeah bye.."

"They're on their way".

Pilit pa ding inaabot noong bata yung mga kamay ko kaya tumayo na si Maxine at lumapit sakin.

"He likes ugly people.. that's why" Sabi pa nito bago binigay sakin yung bata. Tuwang tuwa naman ang bata na sinalat salat ng maliliit nitong daliri ang kilay ko.

"Haha mas gusto nya sakin kesa sa sarili nyang nanay" Sabi ko kay Maxine. Natigilan naman ito.

"Like I said, he likes ugly people"

"So, panget ako?."

"Your words, not mine."

"Hahaha" Sarkastikong tawa ko.

"Pero diba dati-"

"Dati. Hindi ngayon. Wala na akong pake elam sa kung anuman.. na may kinalaman sa'yo". Putol nya sa kung ano man ang sasabihin ko.

"Oww. That hurts." Tanya. And I agree. Masakit nga yun.

Napatingin tuloy ito kay Tanya.

"Tanya" Pakilala ni Tanya.

"Girlfriend mo?". Taas kilay na tanong ni Maxine sakin.

"Ano naman sayo?. Wala ka naman ng paki elam diba?". Nakangising sagot ko dito.

Inis na tumingin lang ito sakin.

"Max..". Tawag ng asawa nito.

Tumayo si Maxine at lumapit sa lalaki. Nag usap lang sila saglit bago umalis yung lalaki.

Takte!

Iniwan nya asawa at anak nya?!!

"Problema mo dyan?"

"Putek na lalaki na yan! Iniwan lang!" Hindi makapaniwalang sumbong ko. Nang ano- ano ay may dumating na babae at lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung tunay na nanay ni Maxine.

"Where's your brother?"

Brother?

"He's on a date."

"Outta boy! Haha have you had your lunch already?" Tanong ng lalaking foreigner. Ito yata yung sinabi ni Papa na kaibigan nila dati.

"Bakit mo naman pinapahawak kung kani- kanino yung kapatid mo?". Sermon nitong nanay nya sa kanya.

Kapatid?. Itong bata?.

"Eh umiiyak. Gustong sumama sa.. sa friend ko"

"Friend mo?"

"Hindi ko alam na may kaibigan ka pala" Lumapit sakin yung nanay nya at kinuha yung baby. Binigay ko naman.

Sa sobrang katarayan ng anak nila'y di malabong totoo yung sinabi nito.

"Ashley po" Pakilala ko naman.

"Ashley.. Ashley Walker?" Nanlalaki ang mga mata nitong tanong. Nagsalubong naman ang kilay ko.

"Ahh yeah" Tumingin ako kay Maxine, papunta sa nanay nya at sa stepfather nya. Lahat sila gulat. Except kay Maxine na biglang namutla.

"Then you should invite your friend to join us. You might've miss each other" Sabi ng daddy nito. Hindi ko nga ito masyadong maintindihan. Slang na slang kasi.

"No.. uhmmm where about to leave na din" Sabi ko agad.

Tumayo naman si Tanya.

"Hoy sabay tayo!" Tarantang tawag ko dito. Ngumisi lang ito bago walang sabi sabing lumabas.

Putek na yan!!

Lagi akong pinapahamak ng tropa ko, promise!

Wala na akong nagawa ng lumipat ng table sila Maxine.

"France here.. talks about you a lot" Sabi ng daddy nito.

"You should get together. Bagay na bagay kayo" Mommy naman nito na nakangiti pa ng wagas.

"Uhmmmm diba po may asawa na si Maxine?" Sabi ko sa mga ito.

"France?.. no! Hahaha she never got married." Nakangisi pa nga ang mommy nito.

"Mom.."

"Nagpakasal ka ba ng hindi namin alam?" Tanong pa ng mom nya. Makikita ang pagiging pilya nito. Parang inaasar pa si Maxine.

"Mom please.." Sabi naman ni Maxine.

"You need this.. We should leave them honey.". Sabi ng dad nya.

"Aalis na kami." Paalam ng mag asawa.

Nakatulala ako doon.

"Huwag mong pansinin mga sinabi nila"

"Hindi ka kasal.. Wala kang anak"

"Sinabi ko bang may asawa na ako?. Sinabi ko bang may anak na ako?" Taas kilay na tanong nito. Sya pa yung parang galit.

"Eh sino yung-"

"Mga kapatid ko sila."

"Kapatid?. Wew?"

"Edi wag kang maniwala!" Sigaw nito sabay tayo. Yeah galit nga sya. Syempre sinundan ko ito.

"Maxine!"

"Maxine!"

Sa kakahabol ko ay nakarating kami ng parking lot.

"Bwisit!!" Sabi nito.

Mukhang wala itong masasakyan.

"Need a ride?".

"No" Sabi nito at naglakad na naman.

"I still love you" Natigilan naman ito.

"I never stop loving you. I never-"

"Stop" Pigil nito.

"I-i can't. I can't stop. Not now. Not today." Nagtuloy tuloy na naman ito sa paglalakad.

"Oo kasalanan ko. Yung nangyari sa atin dati kasalanan ko yun. Kasi hindi ko agad pinag tapat sayo, pero aaminin ko na wala akong balak sabihin sa iyo yun. Siguro hindi pa ng mga panahon na yun, pero sasabihin ko din" Huminto ito at lumingon sakin.

"Hindi na kailangan. Alam ko na nga diba?". Lumapit ako sa kanya. Pinahinto naman nya ako ng may tatlong hakbang na lang na natitira sa amin.

"Kasi hindi ko alam kung anong magiging reaksyon mo. Ang unang pumasok sa isip ko, iiwan mo ako. Kaya natakot ako. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mangyari yun."

"Makasarili ka" Sabi nito.

"Naduwag lang ako"

"Makasarili ka!!" Sigaw na nito.

"Oo na!! Sige na! Ikaw na ang tama!" Natigilan naman ito sa sigaw ko at aalis na naman sana ng yakapin ko ito. Nakatalikod ito sakin.

"Hindi ko kaya. Please dito ka na lang"

Nagpupumiglas naman ito pero hinigpitan ko yung yakap ko.

"Noong umalis ka. Naaksidente ako". Tumigil ito sa pagpupumiglas sa sinabi ko.

"Noong mismong araw na umalis ka. Noong sandali na hindi ko na makita yung taxing sinakyan mo. Hiniling ko, na sana masagasaan na lang ako, kasi hindi ko kaya. Masyadong masakit. Nagising ako sa hospital, akala ko panaginip lang na wala ka na. Pero tinatawagan kita, walang sumasagot. Kaya ng gumaling na ako, pumunta agad ako sa bahay nyo. Walang tao. Ilang linggo din kitang inabangan sa school nyo pero wala ka doon. Muntik pa akong makulong ng mag trespass ako sa bahay nyo ng may makita akong ilaw, binenta nyo na pala. Buti na lang hindi sila nagsampa ng kaso." Tahimik na ito ngayon.

"Ilang buwan akong ganoon. Ilang buwan akong parang tanga. Hanggang sa para makalimutan ko na wala ka na, nagpakalunod ako sa alak. Umaga tanghali gabi. Hindi na nga ako kumakain. Yung mga empleyado ko napapabayaan ko na. Sila mama nakakaramdam na din na may problema ako. At pagkatapos nila akong kausapin. Tinanggap ko na. Ok na ako eh, kaya lang bumalik ka pa. Ngayon lahat ng ginawa kong paglimot sayo bumalik sa umpisa."

Tahimik lang syang nakikinig. Ramdam na ramdam ko yung taas baba ng dibdib nya.. mabilis.

"Kailangan kita. Sa maniwala ka o sa hindi, kailangan kita. Hindi ko kaya kapag wala ka. Walang kulay ang mundo. Masyadong tahimik. Please, sabihin mo kung ano ang gusto mo. Kahit ano ibibigay ko. Kahit ano gagawin ko. Balikan mo lang ako."

Lumayo ito sa akin. Mabilis ang mga kamay ko na hawakan ito sa balikat. Takot na baka umalis na naman ito.

"Kahit ano?". Walang emosyong tanong nito.

"Kahit ano" Tumatangong pangungumbinsi ko dito.

"Iwanan mo ang mga kaibigan mo" Ewan ko pero para akong nagising sa sinabi nito.

"Gusto mong iwanan ko sila?"

Tumango ito.

"Oo. Masama silang impluwensya sayo. Tapos Ibenta mo ang talyer mo at sumama ka sa akin. Doon tayo sa Canada. Ikaw at ako" Sabi nito na medyo nakangiti. Lumayo ako dito.

"Kaya kong ibenta ang talyer ko at sumama sa iyo sa Canada. Pero ang iwanan sila?. Hindi ko yun kaya" Umiiling na sabi ko dito.

"Sabi mo kahit ano!" Inis na sabi na nito.

"Pamilya ko sila. Kahit ganoon yung mga iyon, pamilya ko na sila!" Inis na sabi ko na din.

"Iiwan ka din nila!"

"Hindi sila ganun!"

"Hindi mo ako mahal.." Sabi na nito.

"Mahal kita! Takte naman oh!".

"Pinili mo nga sila kaysa sakin eh!"

"Huwag mong gawing dahilan yan!"

"Hindi mo sila kayang iwan para sa akin! Mahalin pa kaya?!"

"Wala silang kinalaman sa pagmamahal ko sayo! At hindi yun mababawasan kahit andyan pa sila!"

"Hindi mo ba naiintindihan? Kailangan ko ng assurance Ash! Ng kasiguraduhan na hindi na mauulit yung nangyari dati!"

"Teka nga! .. Bakit kung makapag salita ka parang kasalanan ko lang yung nangyari? Maaayos naman yun kung nagstay ka lang sana! Ni hindi mo nga ako hinayaang magpaliwanag! Umalis ka Maxine! Pinili mong umalis! Dapat nga ako ang nagagalit dito eh! Tatlong taon?!  Pinaranas mo sakin ang impyerno sa tatlong taon na yun!"

Inis na lumayo ito sakin.

"Kasalanan mo yun!! Kasalanan mo kung bakit kita iniwan!!"

"Ako nanaman?! Laging ako na lang! Bakit palaging ako na lang ang may kasalanan?!"

"Kasi kasalanan mo talaga!!". Hinihingal kaming dalawa ng mga oras na iyon. Inis na tumingin kami sa isa't -isa. Umiling ako bago tumawa.

"Wala ng kapupuntahan ito. Siguro nga ikaw ang better half ko. Pero kung ganito naman tayo ng ganito, mas gugustuhin ko pang mabuhay na hindi ka kasama. Siguradong makakaramdam ako na may kulang sa buhay ko. Pero hindi ko kailangan ng taong oras oras ipapa alala yung mga kamaliang nagawa ko. Yung tao na hindi makalimot sa mga maling nagawa ko." Luhaang tumingin ito sakin.

"Minahal kita. Hanggang ngayon mahal pa din kita. Makakita man ako ng iba, ikaw pa din ang mamahalin ko habang buhay." Dagdag ko pa. Nakatitig lang naman ito sakin.

Say something..

Don't let me go Maxine..

Wala. Wala syang sinabi. Napabuntong hininga ako bago tumitig sa mga mata nya.

"Palayain na lang natin ang isa't - isa. Siguro nga nakatadhana tayong magkakilala, pero hindi tayo ang nakatadhana sa isa't isa. Habang buhay kitang mamahalin, pero hanggang dito na lang tayo. Paalam Maxine." Pagkatapos iyong sabihin ay umalis na ako doon. Mabagal ang mga lakad. Hinihintay na habulin nya ako.

Wala. Palabas na ako ng parking lot pero wala. Hindi nya ako sinundan.. hindi siguro nya talaga ako mahal.

Sobrang masakit na pakawalan sya, pero mas masakit na hindi man lang sya lumaban.

Hindi nga siguro nya ako mahal.

Its useless.. wala ng sense kung lumaban pa ako. Una pa lang naman talo na ako..

Goodbye Maxine..

Badtrip na mga luha ito!!

Paalis na sana ng mapahinto ako.

Huminto ako at syaka ko pinikit ang mga mata ko.

Hinawakan ko ang sintido ko at inis na tumingin sa parking lot.

Nyeta!! Saan nga pala ako nag park?!!

Natatawang inalala ko yung mga sandali na iyon. Kumuha pa ako ng panibagong beer. Tumingin ako sa paligid. Masaya na ako.  Masaya ako sa desisyon kong iyon. Kahit ano mang mangyari, hindi ko ipagpapalit itong mga abnormal na ito.

-------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

72.5K 1.5K 23
AKIYAH PRICE M. BUSTON -Dahil sa aksidenteng nasangkutan niya ay nagkaroon ito ng severe trauma na nag dulot ng pagkawala ng kanyang memorya at pagk...
50.8K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
Nothing Changed By A.

General Fiction

32.6K 1K 40
Khyzin Handermon ay kinikilalang bilang isang Dearin Luciano. Nagbago ang kanyang pangalan simula nang umalis ito tungo sa isla upang may kilalanin...
8.7K 429 128
an epistolary collaboration | completed🌻 Born with a bronze spoon, Divinity Elouise Canillas promised herself that she'll lift her parents out of po...