Seven Days

By makeyoumine13

185K 4.7K 80

Isang pustahan lang naman ang pinagmulan. Dapat maging sila ng pampitong papasok sa loob ng 7/11 sa loob ng p... More

7 Days
Prologue
Day One - I
Day One - II
Day One - III
Day Two - I
Day Two - II
Day Two - III
Day Three - I
Day Three - II
Day Three - III
Day Four - I
Day Four - II
Day Four - III
Day Four - IV
Day Four - V
Day Five - I
Day Six - I
Day Six - II
Day Seven - I
Day Seven - II
Day Seven - III
End
4 Years Later
1 Year & Still Counting
A/N

Day Five - II

5.6K 153 3
By makeyoumine13


Bukas ang pinto nito kaya pumasok na ako. Isang unan ang sumalubong sa mukha ko. Dahil sa gulat at dahil sa medyo masakit pa ang katawan ko ay natumba ako.

"Ahhhray Nyemas naman oh!" Sabi ko.

"Bwisit ka!! Bakit andito ka pa?!! Doon ka!! Doon ka sa labas at magpasagasa kang bwisit ka!!". Nakahiga pa din ako sa lapag nila. Ang sakit talaga, amputsha oh!!. May lagnat kaya ako!! Pektusan kita dyan eh!!.

Nang mapansin nitong hindi pa din ako bumabangon ay nag sisigaw na naman ito.

"Bumangon ka dyan!! Huwag mo akong artehan at patitikimin kita ng tunay na sakit na ikakahiga mo ng tunay!!". Inis na sabi nya.

Biglaang nag flash sa isip ko ang mga eksenang imagination ko lang naman pero malaki ang posibilidad na mangyari.

Ang pagiging under ko sa hinaharap.

Worth it ba?

I won't think twice and I'll say yes. I don't even need to think once and without a doubt I'll say yes, she's worth it.

Arrrrrrgghhh dahan dahang bumangon ako. Nakaupo ako sa sahig ng sabihin nito na lumapit daw ako sa kanya. Nakatulala lang ako. Ang totoo nyan ay narinig ko naman yung sinabi nya. Tinatanggap ko na din ang pagiging under ko. Ayoko lang lumapit dahil baka patikimin nya ako ng tunay na sakit na ikakahiga ko ng tunay.

Yeah.. tama po kayo. Si Ashley Walker ay natatakot sa mga oras na ito.

"Lapit sabi!!"

Naman oh! Langya na yan!

"Ang sakit ng katawan ko. Hindi ako makalad" Palusot ko.
Peste!

"Edi gumapang ka!! Sundin mo ako dahil galit ako!! Kapag hindi ka pa lumapit, lulumpuhin ko yang mga binti mo ng hindi ka na makalakad habang buhay!!"

Naman eh!

Nagmamadali akong lumapit papunta sa kanya. Gumapang is the term.

Nakaupo ito sa kama nya at nasa may paanan nya ako nakaupo.

Sa sahig.

Tss Kung nakikita lang ako ng mga tropa ko tatawanan ako ng mga iyon at pi-picturan! Ipo-post sa Facebook, Instagram , Twitter at pati sa YouTube na may malaking malaking Ashley Walker: The legend of the Under na title. Oo ganun sila kapeste. Buti na lang wala sila dito.

"Anong binubusangot mo dyan?!!" Sigaw nito.

"Wala.. Sorry na please" Nakangusong sabi ko. Inis na tumingin naman ito sakin.

"Umalis ka na"

What??????

Pinalapit lapit mo ako tapos pa- aalisin mo lang?. Yung totoo?, maayos pa ba yang takbo ng utak mo?.

"Ayoko". Sabay iling ko pa.

"Alis na sabi!!"

"Please.. let's talk fir-"

"Umuwi ka na!!"

"I can explain. Nabigla lang ako kahapon. Please pag usapan natin ito."

"Alis na sa-"

"Ito. Itong kung ano man ang meron sa atin.. masaya ako at alam kong ganun ka din. Mahalaga ka sa akin Maxine, ayokong magkaganito tayo."

"Sinunga-"

"You're not just nothing, you mean a lot to me. We're not just nothing. Us to be something is all I want. You. You're all that I want." Nakatingin lang ito sakin. Hinawakan ko ang kamay nito at nilagay sa tapat ng puso ko.

It's corny, I know. But I need, I need something to explain her what I'm feeling. Kung anong epekto nya sa akin.. mas madali sana kung halikan ko na lang sya para iparamdam iyon but sadly out yun sa option.

"Gusto kita. Ang sakit sakit dito na ganyan ka sakin.. na galit ka at parang ayaw mo akong makita."

Hinawakan ko ang kamay nya at dinala sa labi ko. Hindi naman sya umalma ng halikan ko iyon.

"Nahihirapan ako.. bago lang lahat sakin ito at alam kong ganun ka din. Tapusin mo ang paghihirap ko at sabay nating alamin kung anong tawag sa nararamdaman natin na ito."

"A-anong ibig mong sabi-"

"Be mine. Be my girlfriend Maxine."

Hindi sya nag re-react. Andun lang ako at nakatingala sa kanya. Nangangalay na ako pero hindi ako makagalaw. Hinihintay ko ang sasabihin nya. Halos mapigil ko na din ang paghinga ko. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo ito. Napahawak ako sa batok ko.

Peste naman!

"Alam ko na pareho tayong babae at maraming sasabihin yung mga tao, pero wala akong paki elam. Ikaw? Ok lang naman kung gusto mong ilihim. Ikaw ang masusunod."

Wala.

Wala syang sinabi.

Mali ba ako? Masyado bang mabilis? Dapat nagpaturo ako kila Menard kung paano manligaw. Peste!

Uuwi na lang ako.

Pero babalik ako.

I will make her mine.

"It's ok. I under-"

"Yes. Girlfriend mo na ako" Putol nya sa sasabihin ko. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko at nakabukas pa ang bibig. Napahawak ako sa ulo ko bago sumilay sa mga labi ko ang isang wagas na ngiti. Yung abot tenga. Lagpas pa nga.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Seryoso ka?.. Pwede naman kitang ligawan kung gusto mo. Liligawan naman talaga kita kahit ayaw mo."

"Gusto kong sabay natin itong alamin. Ikaw at ako.."

Napangiti ako. Naiiyak na din sa tuwa.

"Girlfriend na kita. Girlfriend na kita" Paulit ulit na sabi ko. Tumatawa lang naman si Maxine. Nakangiting hiniwalayan ko ito. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya.

"Araw araw kitang liligawan. Hinding hindi kita iiwan. Maxine pangako yan."

Niyakap nya ako ng mahigpit at sumubsob sa dibdib ko. Tumatango tango sya.

Hinalikan ko yung buhok nya.

"Pangako ko yan.."

Hindi ko gagayahin yung Papa nya. Yung Mama at Brother nya.

Hinding hindi ko sya iiwan.

"Pwede ko bang halikan ang girlfriend ko?" Tanong ko ng humiwalay ako ditto. Pinunasan ko yung mga luha sa pisngi nya. Tears of joy din tulad ko. Ngumiti sya bago tumango.

Ilang ulit ko iyong ginawa. Natatawa na lang si Maxine tuwing sasabihin kong 'Isa pa. Bitin eh'. Hahampasin nya ako pero ilalapit naman nya ang mukha nya sakin.

"Tama na" tulak nya sakin ng bahagya.

"Eh.. isa pa.. last na talaga"

Lumapit naman sya. Nagkiss ulit kami. Sya ang unang humiwalay.

"Isa pa.. last na last na talaga." Hirit ko. Tinaas naman nya ang isang kilay nya.

"Promise last na talaga" . Hindi ko na sya hinintay. Ako na ang kusang lumapit, hindi naman ito tumanggi. Itong pinaka huli ang pinakamahaba.

Hingal na hingal kaming naghiwalay.

"Papatayin mo pala ako!" Sabi nito na nakangisi. Sus! Gusto mo din naman!

"Edi iC-CPR kita" Sabi ko dito sabay kindat. Hinampas naman nito ang braso ko.

Lumapit ito at yumakap sakin.

"Sorry sa mga sinabi ko kanina. Nadala lang ako ng galit ko"

"Baka ng selos" Pang aasar ko dito. Inis na tumingin ito sakin.

"Bakit ka nga pala andito? Diba may date kayo nung Tanya?" Tanong nito na may kasamang irap.

See? Confirmation na nga yung tawag sa sinabi nyang iyon kung tutuusin.

"Hahaha.. tropa ko nga iyon. Ganoon lang talaga sya."

"Wala syang gusto sayo?" Nag dududang tamong nito.

Honesty.

Ayokong magsinungaling dahil ayokong bigyan sya ng dahilan para mawalan ng tiwala sa akin and soon iwanan ako. Masyadong masakit yun.. ayokong isipin. Ayoko na ulit malagay sa sitwasyon ko kanina. Ang hirap.. masakit sa dibdib.

"Meron.. Pero may girlfriend na iyon" Pinagsingkit nito ang kanyang mga mata.

"Huwag ka ng magselos.. ikaw naman ang gusto ko."

Sabay halik sa noo nya.

"Ikaw naman ang girlfriend ko."

Sabay halik sa tip ng ilong nya.

"Ikaw naman ang gusto kong makasama.."

Sabay halik sa kaliwa nyang pisngi.

".. at maging asawa balang araw."

Sabay halik sa kanan nyang pisngi.

"Ikaw"

Sabay dampi sa labi nya.

"Ikaw"

Dampi ulit.

"Ikaw"

At Isa pa ulit.

"Ikaw lang Maxine."

At halik ulit sa labi. Lalayo na sana ng biglang matigilan ng kagatin nya yung pang ibaba kong labi.

Napaungol ako.

Nyemas! Nakakahiya! Nakakahiya! Kainin na sana ako ng lupa!

Bakit kailangan mo pang mag moan? Takte ka!! You're fired mouth! Pack your shit and get out of my face! I told you to read the script! Huhuhu pakingshet ka!

Pero sa halip na tawanan at lumayo ay inulit ulit ni Maxine yung ginawa nya. She's even sucking it now.

Para tuloy akong nagdedeliryo dito at hindi lang yun dahil sa lagnat ko.

This is new to me and I'm loving it. Shit I'm loving it.

"Ash.."

Pakingshet!! Wag kang ganyan Maxine!

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman yung dila nya sa dila ko.

Lumayo ako..

Argggggg! - Mga manyak yan na espiritong dismayadong dismayado sa loob ng katawan ko.

"Baka mahawa ka sa lagnat ko.."

Namumula ang mukha nya at naghahabol ng hiniga. Lalapit ulit sa akin pero hinawakan ko na yung magkabila nyang pisngi.

"We have all the time in the world Maxine. Hindi ako aalis.. "

This time tumango na sya. Napapikit ako. Napahawak sa batok ko. Diba dapat puson ko ang masakit?

Sinalat naman nya yung noo ko. Nakalabing tumingin ito sakin. Inakay ako nito papunta sa kama nya. Inalalayan pa nya ako at hiniga.

"Masakit ba? Anong nararamdaman mo?"

"Ok naman na ang pakiramdam ko. Epektib yung yakapsule at kisspirin" Naningkit naman ang mga mata nya sakin. Hala! Bakit? Anong nagawa ko? Nyemas naman oh.

"Joke lang. Pero ok na talaga ako".

"Huwag ka munang pasaway. Kahit ngayong araw lang" Sabi nito.

"Sige boss" Inis na tumingin sya sakin.

Naman eh! Bakit ka ba ganyan? Umuungol ungol ka lang kanina eh! Hustisya!

"Joke lang"

"Yung mga joke mo hindi nakakatawa. Nakakainis." Zinip ko na ang lips ko. She's back to her old self so I should too. The under. Whatever you say goes majesty type. Baka bigla itong sumpungin makipag break agad.

Kinuha nito yung pagkain na dinala ng nanay nya. Sinusubuan nya ako. Kung ganito naman mag aalaga sayo, mas gugustuhin mo na lang magkasakit araw araw. Hahaha.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" Pagtataray nya.

"Ang cute mo kasi"

"Nang aasar ka ba? Hindi pa nga ako naliligo"

Putek naman oh. Bakit ba ang sungit sungit? Ang sweet sweet lang nya kanina eh. Bipolar amps.

"Talaga?.. Parang hindi naman.. Ang bango mo nga eh"

Bumangon pa ako ng bagya para amuyin yung leeg nya pero bago pa ako makalapit ay tinakpan na nya yung buong mukha ko gamit ng kamay nya.

Natatawang kinagat ko yun na nagresulta ng mahabang 'ewwwwww' galing sa kanya.

Kinuha nya yung kutsara pagkatapos at sinubuan ulit ako. Nagngingitian kami pero walang nagsasalita. Parang nagkakaunawaan kami..

Pagkatapos kumain ay nahiga lang kami. Nakayakap ito sakin.

"Wala bang maghahanap sayo?". Hinimas himas ko ang buhok nito bago sumagot.

"Wala. Mag isa lang ako sa bahay". Tumingin ito sakin.

"Wala kang ibang kasama?". Gulat na tanong nito.

"Ako lang. Pero sa may talyer na katabi lang ng bahay ko. May 20 na gumagawa doon" Sabi ko dito.

"Katabi lang ng bahay mo?". Tumango ako. Kung tutuusin nakwento ko na yun nung kumain ako dito. Bakit gulat na gulat pa sya? Haha di siguro sya nakikinig that time..

"Nasa harap yung talyer. Ashley Walker's Shop.. Tapos sa likod yung bahay ko".

Tumango tango naman sya kapagkuwan.

"Katagal mo sigurong pinag isipan yung pangalan ng talyer mo nuh?" Nakangising tanong nito. Tumawa lang ako.

"Hindi pa ako nakakakita ng talyer" Sabi nito makalipas ang ilang minuto. Natawa ako doon.

"Wew?. Katanda tanda mo na. Napakaimposible naman nun"

"Hindi pa nga" Pamimilit nito.

"Hahaha hindi mo naman kailangan magsinungaling. Sabihin mo lang kung gusto mong pumunta sa bahay ko. Talyer talyer ka pa dyan" Nakatawang sabi ko. Inis na tumingin naman sya sakin.

"Tama ba yung rinig ko na sinabihan mo akong sinungaling?" OH NO. Kabadong tumawa ako.

"Hindi.. ano ka ba.. Ang ibig kong sabihin.. pwede ka naman pumunta sa talyer. Papakilala pa kita sa mga empleyado ko" Sabi ko dito. Naniningkit ang mga matang tinignan ako nito.

"Parang iba yung sinabi mo kanina" Pamimilit nito.

"Kalimutan mo na yun. Ayusin mo na yang kilay mo. Kumukunot yung noo mo eh" Ako na ang nag ayos ng kilay nito. Ngumiti naman na ito.

"Dito ka na matulog. Walang mag aalaga sayo sa bahay mo" Gusto kong matawa sa sinabi nya. Pfffffttt mga palusot mo. Pero baka tarayan lang ako nito kaya tumango na lang ako.

Nakangiti akong nakatulog at nanaginip pa ako.

Nasa may 7/11 ako nun. May nabunggo akong lalaki. Pero nagmamadali ako kaya hindi ko na iyon pinansin. Naupo ako at tawanan ng tawanan ang mga tropa ko. Pinag kakaisahan nila ako para sa isang pustahan. Masyado silang madami. Tatakbo na sana ako ng biglang may lalaking lumapit sakin. Sinuntok ako nun.

"Tangna mo!! Ayusin mo tong mga project at assignment ko!! Pag hindi mo yan nagawa hanggang bukas, papatayin ko girlfriend mo!!" Sabi nito tapos bigla biglang nasa tabi na nito si Maxine at hawak hawak nya ito sa leeg. Humihingi naman ng tulong si Maxine.

"Gawin mo ng bwisit ka!!" Sigaw ng lalaki. Pero nagulat ako at boses babae na ito. Unti- unting nag iba ang mukha ng lalaki at naging si Maxine naman na. Putek na yan!! Yung si Maxine na sakal sakal ng lalaki kanina ay nag iba din ang mukha. Unti- unti itong naging ako. Ako?!! Putek na yan!!!. Lumingon ako sa mga tropa ko pero nag iba din ang mga anyo nila.

Si Isaac ay naging si Papa.

"She's a great kid. She's tough. She'll be a good friend." Sabi nito.

Si Violet naman ay naging si Mama.

"She's your match. Pasaway ka, baka tumino ka na sa kanya" Sabi nito.

Si Rizza ay naging si Andy.

"Tsk tsk tsk.. ate naman.. you don't know how to take care of your girl. Bahala ka, baka iwan ka nyan" Sabi nito.

Natakot ako sa paligid ko.

Lahat ng iba pang tao sa loob ay naging kamukha noong babae sa Flower shop.

"Pwede ko na ngayong ibigay ito sa'yo. Basta't kalimutan mo na yung larong sinimulan mo." Tukoy nito sa isang puting rosas na pilit nitong inaabot sakin.

"Basta't kalimutan mo na yung larong sinimulan mo". Paulit ulit nitong sabi. Pumaikot yung sampong magkakamukhang babae na iyon sa akin.

"Hahahahaha" Echo ng isang tawang nakakasindak. Napakalalim noong boses na iyon. Parang galing pa sa ilalim ng lupa.

"Ehh kung ayaw mo, madali lang naman. Bigyan mo kami ng tig, fi-five thousand". Sabi ng malalim na boses na iyon. Parang galing sa taas. Tumingala ako at nakita ko na nakasabit ang magkabilang paa ni Gerald doon.

"Ehh kung ayaw mo, madali lang naman. Bigyan mo kami ng tig, fi-five thousand". Ulit nito at pilit inaabot ang mga kamay ko.

"Basta't kalimutan mo na yung larong sinimulan mo". Sabi naman ng babaeng umiikot na ngayon paikot sa katawan ko.

"Ehh kung ayaw mo, madali lang naman. Bigyan mo kami ng tig, fi-five thousand". Paulit ulit naman ni Gerald na unti unti na ngayong bumababa ang mga pagkakatali sa mga paa nito.

Hindi ako makahinga.

Paulit ulit silang dalawa. Naririnig ko din ang paulit ulit na sinabi nila mama, papa at andy. Tinakpan ko ang tenga ko. Sumisigaw ako pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Ng biglang parang lumilindon sa paligid at may tinig akong naririnig.

"Ash.. ash.." Sabi ng tinig.

Dumilat ang mga mata ko. Hingal na hingal na hawak ko ang dibdib ko.

"Binabangungot ka.. ayos ka lang ba?. Tubig?. Gusto mong tubig?" Tarantang tanong nito at tatayo na sana ng hawakan ko ito sa kamay nya.

Hindi ko kailangan ng tubig. Si Maxine ang kailangan ko.

Hinagod hagod nito ang likod ko.

"Andito lang ako.. huwag kang matakot" 

Niyakap ko sya at humiga ulit kami.

Magkaharap kami at nakayakap ako sa kanya. Hinihimas himas naman nya ang buhok ko.

"Just close your eyes.. you'll be alright.. come morning light.. you and I will be safe and sound".

Sumiksik ako sa katawan nya at pinakinggan syang umawit hanggang sa makatulog na ako.

----------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

72.5K 1.5K 23
AKIYAH PRICE M. BUSTON -Dahil sa aksidenteng nasangkutan niya ay nagkaroon ito ng severe trauma na nag dulot ng pagkawala ng kanyang memorya at pagk...
654K 30.3K 52
Minsan na nga lang mahulog, sa maling tao pa. Sobrang sakit na. Kailan ba ako magiging masaya?
5.9K 382 24
Behind Winter's agony for being broken-hearted, she was left cold-hearted and was mean again. But Natalie stays on her side, loving her and cares for...
434K 19.8K 44
Madison Vasquez is a drop-dead gorgeous and a perfect recipe for immense destruction of Vasquez family. Avrielle RawΓ©n Valle d'Aosta Cervantes is wil...