Seven Days

By makeyoumine13

185K 4.7K 80

Isang pustahan lang naman ang pinagmulan. Dapat maging sila ng pampitong papasok sa loob ng 7/11 sa loob ng p... More

7 Days
Prologue
Day One - I
Day One - II
Day One - III
Day Two - I
Day Two - II
Day Two - III
Day Three - I
Day Three - II
Day Three - III
Day Four - I
Day Four - II
Day Four - IV
Day Four - V
Day Five - I
Day Five - II
Day Six - I
Day Six - II
Day Seven - I
Day Seven - II
Day Seven - III
End
4 Years Later
1 Year & Still Counting
A/N

Day Four - III

5.6K 168 3
By makeyoumine13


Ganoon pa din ang ekspresyon ng mukha nya. Kaya hula ko ay narinig nya kaming nag uusap tungkol sa kanya ng nanay nya kanina.

Patay na ako talaga.

Dumukwang ako sa back seat para abutin yung bulaklak na binili ko.

"Flowers for you" Peace offering ko sa kanya, with genuine apologetic face pa. Kapit sa patalim yata ang tawag sa ginagawa ko ngayon.

Umusok yung ilong ng dragon.

"Tsk! Ayoko nyan!" Singhal pa nya.

Medyo nagulat ako pero understandable naman yung outburst nya. Pinag chi-chismisan namin sya kanina eh.

Napabuntong hininga ako.

"Sorry.. nagkwento lang-"

"Wag ka ng mag explain. Mag drive ka na lang." Mukhang na badtrip na talaga ito.

Hinagis ko yung bulaklak sa likod.

Hayzz.

Edi mag drive.

So nag drive na ako.

"Nakapunta ka na ba sa Bulacan?" Pilit kong kinukumbinsi yung sarili ko na ok lang syang kausapin. Nag dri-drive pa din naman ako eh. Diba? Diba? Ang hindi sumang ayon, babarilin ko.

"Tsk! Pakialam mo!" Sigaw nitong ni hindi man lang lumingon sa akin.

Yikes. Nagtransform na talaga. Dragon na ulit sya.

Nag focus na lang ako sa kalsada kaya lang pamaya-maya'y naipit naman kami sa traffic.

Titingin sa kalsada. Tapos kay France. Sa kalsada ulit. Tapos kay France. Sa kalsada ulit. Tapos kay France.

Pagkalipas ng ilang sandali ay-

"Pwede bang tumigil ka? Ipirmis mo yung mga mata mo sa kalsada tsk.."

Sinunuod ko sya. Umandar na din pamaya maya yung mga sasakyan sa harap.  Kalahating oras ang lumipas at walang nagsasalita sa amin. Nakatingin sya sa labas ng bintana nakatulala doon.

Ayoko yung nangyayari sa totoo lang. Andito nga sya pero parang ayaw naman nya. Ganito ba to pag sagad na sa pagkabadtrip?

"France?.."

I just want to lighten the mood.

"Anong year ka na ba?"

Wrong move.

"Pwede bang wag kang magsalita?!"

Yeah just like that!

Nice talking to you.

Nag focus na ulit ako sa pagmamaneho. Medyo salubong ang magkabilang kilay. Nakakabored kaya. May kasama ka pang dragon na naglilihi tss.

Binuksan ko yung radyo. Pampagood vibes. Kailangan na kailangan ko yun.

Happy ..

'Coz I'm happy clap along

if you feel like a room

wihout a roof'

Hmmmmmm OK. Nakakagood vibes. Napapa indayog na ako kaya sinabayan ko na din yung kanta. Inaaliw ang sarili is the term.

"Coz I'm happy clap along if you know what happines-"

"Ano ba?!! Nang aasar ka ba talaga??!!!" Sigaw ni France.

Huwatttttt?

Inis na pinatay nya yung radyo. Bago galit na tumingin sakin.

"Wait.. galit ka ba?" Tanong ko dito. Oo madalas itong mainis sakin pero ngayon ko lang nakita ang mukha nya na ganito. At kahit na ngayon lang nya iyon ginawa, alam ko at sigurado ako na isa lang ang ibig ipahiwatig ng mukha nya na iyon: GALIT. Totoong galit.

Pinark ko na muna yung sasakyan ko.

Galit pa rin itong nakatingin sakin ng lingunin ko bago tumawa. Tawa na hindi masaya. Tawang nang iinsulto.

"Ako?!! Galit?!! Hindi!! Hindi ako galit!! Panira ka lang naman sa buhay ko!! Simula noong umpisa pa lang!! Wala kang modo!! Mahangin ka!! Ang yabang yabang mo!! At paki elamera ka pa!! Sino ka ba sa akala mo?!! ha!!! na isang araw napag isipan mo na.. 'Oh gusto kong mantrip sa araw na ito at pipili ako ng maswerteng biktima, pik pak boom you are the lucky winner, congratulations!!!! Bigla bigla ka na lang sumulpot at pilit mo ng sinisiksik yang sarili mo!! sa buhay ko!!!" Sigaw nito na dinuro duro pa yung dibdib ko. Umiiyak na nga sya. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa outburst nya.

"France.." Tinaas nya ang kanang kamay nya na parang sinasabing 'don't'.

"Wag.. Please lang" Parang may kumirot sa dibdib ko ng makita kung gaano sya hindi magkandaugaga sa pagpunas ng luha nya. Ganun yun kadami. Lalapitan ko sana sya ng bigla na lang syang lumabas ng kotse.

Lumabas din ako. Nasa mapunong lugar kami. Bukid na halos pero sementado naman yung daan. Makitid lang yung medyo may kalumaang kalsada na ito at parang mahihirapang makadaan ng sabay ang dalawang kotse. Pero ok lang kasi wala naman halos nag dadaan na mga sasakyan. May isang route kasi na mas maayos at maluwang ang kalsada, doon karamihan dumadaan ang mga sasakyan.

Pagkababa ko ay nakita ko syang nag lalakad palayo.

"France!" Tawag ko sa kanya pero tuloy tuloy lang sya.

"Sorry ok!.. Sorry sa kung ano mang kinakagalit mo!" Sigaw ko sa kanya dahil malayo na sya masyado sa akin. Dere-deretso kasi syang lumalakad, mukhang walang intensyong huminto. Putek na yan.

Nakahinga ako ng maluwag ng huminto sya. Hinarap nya ako.

"Iba ka rin eh nuh. Nakakabilib. Sabihin mo nga sakin, bakit ka nag so-sorry?" Naka cross arms pa na tanong nya. Hindi ito mataray ngayon. Walang taas kilay. Parang wala syang emosyon. Parang nagtatanong pero wala syang pakialam sa isasagot ko.

"Kasi nagagalit ka" Sagot ko. Tuluyan na akong nakalapit at isang hakbang na lang ang layo ko sa kanya.

"Ha! Magaling! Sobra! tsk! hindi mo nga alam kung anong dahilan ng galit ko" Hindi makapaniwalang sabi nya. Hindi din ako makapaniwal sa kanya.

"Kasi ayaw mong sabihin! Paano ko malalaman kung hindi mo sinasabi?!"

"Huwag mo akong sigawan!"

"Hindi naman--Ok I'm sorry" Malumanay na sagot ko na dito sa huli.

Inis na tumingin ito sakin. Mas ok yan kaysa sa walang expression.

"Hey I'm-" Shit! Nag lakad na naman sya palayo. Tumingin ako sa likod ko. Malayo na kami sa kotse ko pero natatanaw ko pa naman.

"France!"

"France!"

Putek na yan. Dere deretso lang sya na parang walang naririnig. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nasa kaliwa sya at unti unti ng lumiliit sa paningin ko. Samantalang sa kanan naman ay yung kotse ko.

"Hoy France!! Putek naman oh!!"

Nataranta ako ng tumakbo sya. Kaya tumakbo na din ako at hinabol sya.. bahala na yung kotse na iyon.

"France!"

Nanlalaki ang mata ko. Mas lalo kong binilisan ang takbo ko sa nakita.

May kotseng paparating!

"Yung kotse!!!" Pero dere- deretsong nagtatatakbo pa din si France pasalubong sa kotse.

Ilang hakbang na lang naman ang layo nya sa akin. Sa taranta'y hinila ko sya at inikot ko para sa katawan ko na lang tumama yung impact noong sasakyan. Nakayakap lang ako at hinihintay ang maaaring kamatayan ko pero walang dumating. Nagulat pa ako ng biglang may sumigaw.

"Ano ba!! Nakaharang kayo sa daan!! Kung balak nyong magpakamatay, huwag nyo kong idamay!!!"

Honk!! honk!!

"Tangna! Umalis kayo dyan!!!"

Honk!! Honk!!

Napatakip ako ng tenga. Langyang gago na ito.

Umalis na din yung punyetang kotse ng lumihis kami sa daan.

"Tanga ka ba??!!" Biglang sigaw nitong yakap ko. Nagulat pa ako. Tinulak nya ako kaya na out of balance ako at natumba.

Nyemas naman oh!

"France!!" Sigaw ko ulit sa kanya. Lakad na naman kasi sya ng lakad.

Tumayo ako at sinundan sya.

"Andoon yung kotse." Pilit ko syang hinihila pero tinatanggal lang nya yung kamay ko sa braso nya't nagpapabigat.. halos nakaupo na sya sa lupa bago tila nanghinang unti unting sumalampak na sya doon.

"Hoy sorry na"

"France.. sorry na sabi."

Humihikbing nag angat sya ng mukha.

"Bakit ako?"

Medyo naguluhan ako doon.

"Anong 'bakit ikaw'?".. Tanong ko dito. Umiiyak na tumayo ito't lumapit sakin. Tinuro pa nya yung dibdib ko kung saan nakalagay ang puso ko.

"Anong kailangan mo sakin?" Salubong na kilay na tanong nya at mukhang gulong gulo ang utak nya.

Napatitig ako sa kanya.

Tumutulo ang mga luha nya't hindi ko alam kung bakit nagsi-sikip ang dibdib ko dahil doon.

Sasabihin sanang hindi ko sya naiintindihan at makakabuti kong bumalik kami sa kotse nang bigla itong umiling iling sakin.

"Walang tao na bigla bigla na lang lalapit sayo at magtatanong kung pwede ka bang ihatid sa bahay nyo" iling nito.

"Walang tao na susundan pa yung sinakyan mong jeep para lang malaman kung saan ka nakatira"

"Walang tao na gigising ng maaga para lang ihatid sundo ka"

"Walang tao na mananatili pa din sa tabi mo kahit na tinatarayan mo na"

"At walang tao na mas pipiliin na sya na lang ang masagasaan kahit na sinisigawan mo na sya"

"Walang ganoon.." Titig nito bago umiling ulit.

"Unless.. may kailangan sya sayo" Deretsong sabi nyang nakatingin sa mga mata ko. Naiinis ako. Hanggang ngayon kasi may mga luha pa ding tumutulo mula doon.

"Kaya sabihin mo.. anong kailangan mo sakin?"

Nang mga sandaling iyon. Hindi na ako nakapag isip. Hindi ko naalala yung about sa deal. Kasi noong mga sandali na iyon, kusang bumukas ang bibig ko para sabihin yung mga salitang sinisigaw ng puso ko. Yung katotohanan na hindi ko maamin amin sa sarili ko.

"Ikaw"

"Ikaw ang kailangan ko" Paglilinaw ko pa.

"Bakit?" Tumigil na ang mga luha nya. Hinawakan ko ang pisngi nya para punasan ang mga luha nya. Napangiti ako ng mawala na iyon.

"Hindi ko alam.. gusto ko lang na laging nasa tabi mo. Yung ganito kalapit. Kahit mataray ka. Kahit ang sungit sungit mo." Tukoy ko sa katawan nya na yakap yakap ko.

Sinandal naman nya ang ulo nya sa dibdib ko.

"Then ang tanga mo" Sabay kapit nya ng mahigpit sa damit ko.

Nahigit ko ang hininga ko dahil doon.

"Gusto mong makarinig ng mas nakakatangang ginawa ko?"

Tumango tango sya.

"Gusto kita France , at ang tanga tanga nun."

Lumayo sya sa akin. Nanunuring tinignan ako.. at tulad ng ginawa ko kahapon ay nakipagtitigan ako sa kanya sabay sabing..

"Nagsasabi ako ng totoo."

Pinaningkit nya yung mata nya't tinitigan ako sa mata tapos pababa sa labi ko syaka sya ngumisi.

"Wala akong sinabing hindi ako naniniwala.."

"Wala ka ding sinabing naniniwala ka.."

"Masisisi mo ba ako kung marinig mo yan sa taong ni hindi mo alam kung ano ang pangalan?"

Nyemas!

"Ah oo nga nuh.. Hindi pa tayo formal na nakakapagpakilala sa isa't isa." Natatawa ako sa isip ko. Ilang araw na kaming nagkikita pero hindi pa kami nakakapag pakilala sa isa't- isa. Kung hindi ko pa narinig na tinawag syang France nung Nanay nya baka Ms. Sunget pa din tawag ko sa kanya hanggang ngayon.

"Oo nga eh.. Ligaw na lang agad nuh?" Pang aasar nya sa sinabi ko. Nanlaki ang mga mata ko doon. Ligaw? Ako? Sa kanya?

"Hoy! Anong ligaw? Ang feeling mo." Nakangiti na ako ngayon. Hmmm hindi naman sya masamang pakinggan sa totoo lang.

Ligaw.

"Hatid- sundo. May flowers pa. Tapos ngayon ipapakilala mo pa ako sa parents mo."

Yung deal.

Lahat ng iyon ay dahil sa deal.

Inabot ko yung kamay nya't hindi naman sya tumanggi. Pinagsiklop ko iyon. Ito. Hindi na ito dahil sa deal lang. Gusto ko talagang hawakan ang kamay nya, medyo matagal na din, hindi ko nga lang pinapansin.

"Birthday ng kapatid ko kaya tayo pupunta ng Bulacan."

"Ipapakilala mo pa din naman ako sa parents mo" Pamimilit nya.

Pabalik na kami ngayon sa kotse ko. Medyo malayo pala yung tinakbo namin.

Nang makarating na sa kotse ko'y papasok na sana si France ng higpitan ko ang kapit sa kamay nya't pinisil iyon. Natigilan sya.

Bahagyang magkasalubong ang mga kilay na nilingon nya ako. Hinahangin ang buhok ni France. Tumatabig iyon sa maganda nyang mukha pero ayos lang. Mas nakadagdag iyon sa effect ng lugar. Ang sarap kumuha ng camera at kuhanan sya ng litrato.

"Ashley.. That's my name. Walker.. That's your future surname. Ashley Walker.. That's your future wife's name. Nice to meet you I'm Ashley Walker. Whahaha just kidding. Nope I'm not kidding. Nga pala, straight ka ba?"

Nanlalaki ang mata ko sa sinabi ko. Na parang nagulat ako doon. Nagulat naman talaga ako doon.

Nyemas!!!

Moment of realization mga dude!

Langya! Straight ba sya? Hinalikan nya ako kanina! Hindi din sya nagtatatakbo nung sinabi kong gusto ko sya! Ngumiti pa nga sya eh! At mukhang may balak pang magpaligaw! Galing sa kanya yung idea na yun!

Takte.

Niloloko yata ako nitong ba-

"Straight? Anong ibig mong sabihin? Straight A student? Number yung grading system namin eh."

"Seryoso ka dyan?"

Putek naman oh. Wala ba syang friends o kakilala man lang na part ng LGBT? 2 out of 3 daw ng population ng mundo ay partly gay so bakit parang wala man lang tong kamalay malay? Tss sabagay, wala nga pala syang masyadong kaibigan..

"Mga ano sila.. Mga taong hindi nakikipag relasyon sa.. sa kapwa nila."

Nagsalubong ang kilay nya.

"Ha? So NBSB/ NGSB ganun? Eh nakilala mo na yung ex ko ah? Si Richard?"

Gusto kong kumuha ng bato at ipukpok sa ulo ko. Pwede bang mag pass na lang sa topic na ito?

"Sa kapwa nilang babae o lalaki" Hopeless na sagot ko na. Alam mo yung sa halip na madala ko sya sa liwanag ay nahila pa nya ako papunta sa kanya sa dilim?

Confused pa din sya. Peste naman oh! Pati ako tuloy nalilito na din.

Saglit akong nag isip.

Mga 2 minutes.

"Halimbawa.. Pag babae sya tapos never syang nakipag relasyon sa kapwa nya babae o kahit inisip man lang yun at lalaki lang talaga ang gusto nya edi straight sya."

"Ahhhhhhh ganun pala yun? Eh ikaw? Straight ka ba?"

"Hindi na.."

"Kelan pa?"

"Kani-kanila lang. Nung sinabi kong gusto kita."

Ngumiti sya.

"Pareho tayo."

"Hindi ka din straight?"

"Oo. Kani-kanila lang din. Nung sinabi mong gusto mo ako."

Nanlaki ang mata ko sa narinig bago dahan dahang napangiti ng malapad.

Whahahahaha!!

Narinig nyo yun?!!

Wala akong pakialam kahit hindi! Whahahaha narinig ko!!! Narinig ko!! Narinig ko! Naintindihan ko din yung ibig nyang sabihin. Whahaha Avatar Ashley, the straight bender! Whahahaha

"Ashley Walker. Nice name" Nakangising sabi na nya.

Haha Good. That's your future wife's name.

"So uhmmm what's your full name?"

"Maxine.. Maxine Frances Delgado" Sabi nya na nilahad ang kamay nya sa akin. Kinuha ko naman iyon at nag hand shake kami.

"I like Maxine better" Totoo naman iyon.

"Walang tumatawag sakin ng ganoon." Point out nya.

"Gusto ko kakaiba ako.. Maxine na itatawag ko sayo" Final na sabi ko. Parang new start? Yuph.

"Aso mo ba ako na pwede mong pangalanan?" Inis na sabi nya. Oh yan ang normal na ekspresyon nya. So normal na ulit sya. Haha Welcome back.

"Hindi.. gusto ko lang maiba para special naman." Hindi ko mapigilang mapangiti. Ayos na kami. Nabawasan na yung bigat ng dibdib ko. And I know things will be better now.

"Sige.. pero panget ang itatawag ko sayo para patas.. deal?" Nakangising tanong nya. Panget? No deal.

"I prefer Ash.. no one calls me that too, surprisingly."

"Okay Ash" Isang beses pa nyang inulit yung 'Ash'.. parang tinetesting nya sa dila nya. Don't worry, it sounds good to me.

Parang na renew ang lahat. Sabagay. Masama ang simula namin. I will call her Maxine from now on. Kakalimutan ko na si France. Kakalimutan ko na yung pustahan. Kakalimutan ko na yung walang kwentang deal na iyon. Hindi na sya si France na number seven. Sya na si Maxine.. ang babaeng masungit na nagpapangiti sa akin.

Nakangising sumakay na kami sa kotse. Magaan ang athmosphere ng papunta na kami sa Bulacan.

"Sa Melchor ka din nag high school nuh?" Nakangiting tanong ni France ay Maxine pala.

"Oo.. paano mo nalaman?"

"Sikat kasi yung pangalan mo dun. Alamat na kumbaga."

"Ah eh ganoon talaga.." Pagmamayabang ko dito.

"Sikat sa mga kalokohang pinag gagagawa mo kasama ng mga tropa mo" Nakatawang dagdag nito.

Sa halip na mainis ay nakangiting tumingin ako dito.

"Alam mo ba.. Noong 1st year ako. 4th year ka na noon. Kaya pala parang familiar yung mukha mo. Although medyo nag mature naman na." Sabi nito na sinuri pa yung mukha ko.

"Yung mukha lang ah. Hindi yung ugali."

Nag fake hurt naman ako doon.

"Yung mga prof namin madalas kayong kinukwento!! Puro masasama nga lang hahaha at ang pamagat ay Huwag Tutularan."

Nagkwento- kwento sya sa mga nabalitaan nyang mga pinag gagawa namin ng tropa ko sa school dati. Tawa sya ng tawa habang nag dri-drive ako.

"Tapos yung gra-graduate na nga lang kayo! Pinagtripan nyo pa yung upuan ng valedictorian!"

"Aksidente lang yun. Wala kaming kasalanan dun"

"Wew! Hindi naman yata kapani- paniwala yun"

"Wala talaga"

"Bakit kayo yung tinuturo ng mga teacher?"

"Humanap lang sila ng masisisi. Mas madali kasing isisi ang mga bagay bagay kesa alamin yung tunay na dahilan kung bakit iyon nangyari."

"Mga palusot mo"

"Tunay nga."

Nagkukulitan lang kami hanggang sa makarating kami ng Bulacan. Masiglang bumaba si Maxine, nauna pa nga syang pumasok sa gate namin kaysa sa akin.

Nakasanayan na ng Pamilya namin na gawing simple lang ang mga okasyon sa bahay. Yung mga birthday, christmas at new year. Kami na lang kasi ang andito sa Pilipinas. Yung mga kamag anak namin sa side ni Papa, kung saan saan part ng mundo nakakalat. Yung isang kapatid nito nasa Singapore at yung isa nasa England. Doon na sila naka base. Solong anak naman si Mama kaya sa side lang talaga ni Papa ang inaasahan namin tuwing christmas at new year kaya kami kami lang ng mga close friends nila ang andito for sure.

---------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

199K 6K 43
Zerah is a teenage girl who's living her simple and peaceful life not until she was bumped into this hot-headed girl with a gray eyes. Date Started:...
Her Savior By M

Non-Fiction

1M 39.8K 65
ProfessorxStudent Story!!!
27.7K 1.4K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
117K 4.2K 45
Status: Completed [Series] (Grand Luxemdives University Series #1) In a world torn between two eras, their love defies the boundary of time. When...