Seven Days

Da makeyoumine13

185K 4.7K 80

Isang pustahan lang naman ang pinagmulan. Dapat maging sila ng pampitong papasok sa loob ng 7/11 sa loob ng p... Altro

7 Days
Prologue
Day One - I
Day One - II
Day One - III
Day Two - I
Day Two - II
Day Two - III
Day Three - I
Day Three - II
Day Three - III
Day Four - II
Day Four - III
Day Four - IV
Day Four - V
Day Five - I
Day Five - II
Day Six - I
Day Six - II
Day Seven - I
Day Seven - II
Day Seven - III
End
4 Years Later
1 Year & Still Counting
A/N

Day Four - I

5.5K 159 3
Da makeyoumine13


Krin-

Pinatay ko na agad iyon. Kanina pa naman ako gising. Pero nakahiga pa din ako at iniisip yung mga nangyari kahapon.

More like iniisip yung masungit na yun. I've seen her playful side yesterday. And to say I like it is an understatement.

Bumangon na ako agad at naligo.

Nag tatatalon pa ako pababa.

"Mukhang masaya si boss ah"

"Ang aliwalas ng mukha"

"Nag blo-blooming ka boss"

"Ganyan talaga pag inlove. Lalong gumaganda"

"Baka napasagot na nya yung nililigawan nya"

"Whahahaha si boss nag blu-blush"

"Hahaha oo nga nuh"

"Parang kamatis lang haha"

"Hayzz tumigil na nga kayo" Bawal ko sa kanila.

Nagsitawanan sila syaka iiling iling na nagsibalik sa mga trabaho nila. Iiling iling na nag dere- deretso din ako sa office ko.

Hmmm

7:23 pa lang.

Naabutan ko si Cindy na nakanguso habang may kausap sa cellphone nya.

"Eh babe, sige na. Pwease?" Nagsalubong ang kilay ko. Hindi sanay sa eksenang nakikita ngayon.

Tumikhim ako.

"Ehem. How's everything?"

Mabilis na umayos ng upo si Cindy. Bumulong bulong sa cellphone nya bago ibinaba iyon.

"Maayos naman po boss. Nag confirm na ng shipment si Mr. Mendes, darating na by thursday next week yung mga parts." Alertong sagot nya.

"Good." Sabay upong sabi ko. Kitang kita ko sa peripheral vision ko yung tarantang movement ni Cindy.

Nailing iling na pinihit ko yung swivel chair paharap sa kanya.

"Cindy, chill."

"Boss.. nakakahiya kasi." She's 25.

Natatawang pinagmasdan ko sya. Naalala yung pagnguso't baby talk nya. Biglang pumasok sa isip ko yung pag nguso ni France kagabi na naging dahilan ng pagngisi ko.

"Ok lang yun. Kamusta si Bernard?"

Napangiti sya sa tanong ko. Siguro dahil napansin nyang good mood ako ngayon o dahil sa pagbanggit ko sa pangalan ng boyfriend nya.

Hindi kami close ni Bernard.. at malaki ang kasalanan ko kung bakit nagkaganun yun.

Teacher si Bernard.

High School teacher.. ng Melchor High School. Gets na kung bakit?

Fresh grad lang that time yung boyfriend nya't first time din magturo, pero muntik ng maging last din nya iyon ng dahil sakin at sa tropa ko.

After 3 years nagkita ulit kami. Hinatid nya naman that time si Cindy dito sa shop.. at muntik ng maging last na pasok yun ni Cindy ng mag demand yung boyfriend nya na mag resign sya.

At hindi yun gumana. But nice try.

Ok naman na ang lahat, beside sa mga masasamang tingin nyang ibinibigay sa akin pag nakatalikod si Cindy, ok ang lahat.

"May mga pasaway na mga estudyante syang nagpapasakit ng ulo nya ngayon." Sabay ngisi nya sa akin.

Natawa ako.

Alam nya kasi yung kwento kasi 'nagsumbong' sa kanya yung boyfriend nya. At hindi yun gumana. But again, nice try.

Pinapanuod ko lang ang mga tao ko ng mapansin ko na parang kulang sila.

"Hmmm Cindy"

"Yes boss?"

"Bakit parang kulang yung mga tao sa labas?"

"Kulang po talaga. Nagpaalam po sila kahapon sa inyo ah?"

"Sila?"

"Yes boss, si Harry, Troy, Oscar, Jeric at Billy."

"Sakin?"

Tumango tango sya.

"Pinayagan nyo po sila. Since holiday ng mga bata kaya ililibot daw nila yung mga anak nila."

"Hmmm hindi ko na yun maalala.. ngayong araw lang ba sila absent? Wala naman tayong deadline this week, but I need them tomorrow."

"Today lang po sila absent."

"Good. Ano bang meron at sabay sabay naman silang um-absent?" Tinignan ako ni Cindy na parang sinabi ko sa kanya na hindi ko alam kung anong susunod sa letrang 'A'.

"Hindi nyo boss alam?"

"Itatanong ko ba kung alam ko na?" Taas kilay na tanong ko.

"Hehe.. Araw po ng kalayaan ngayon. Walang pasok yung mga bata"

Nanlaki yung mata ko.

Napa face palm pa ako.

Oo nga pala.

June 12 ang birthday ni Atom.

Tinignan ko yung cellphone ko. Bakit hindi nga pala ito nag alarm?

Naaalala ko pa naman na birthday ni Atom ngayon at susunduin ko si France mamayang 10. Nagtataka lang ako kung bakit hindi lumitaw yung notification sa Calendar ko.

Pinindot- pindot ko yun.

"Langya! Bakit naka OFF yung notification nito?!!"

"Ng alin boss?"

"Putek na yan!! Sinong naki elam nitong cellphone ko?!!" Takot na takot na tumingin sakin si Cindy. Iniisip sigurong bipolar ako. Tumatawa lang kanina pero sumisigaw at nagagalit na ngayon.

"Boss hindi ako." Sabi nito na umiling iling pa. Nakataas ang magkabilang kamay.

"May napansin ka bang naki elam nito?"

"Wala po boss"

Then it click.

Parang naka lock na pinto na binuksan gamit ang susi.

Click.

"Mga gagong yun!!" Nagulat pa sya sa sigaw ko ng marealize ko ang mga nangyari. May lock kasi yung cellphone ko at tanging mga tropa ko lang ang nakaka alam ng password nito. Talagang sinabi ko sa kanila para in case makalimutan ko.. Sinamantala naman nila! Mga peste!

Bakit nila yun gagawin?

Nanlaki ulit yung mata ko sa naisip.

Sinadya nila iyon para makalimutan ko yung birthday ni Gerald!!

Nilasing pa nila ako para mas effective!!

Putek na yan!! Planado ang lahat. Nyeta.

Inis na tinignan ko yung cellphone ko. 

Dude Isaac Calling..

Ring Ring Ring

The number you've dialed is busy at the moment. Please try your call later. The number you've dialed is-

Inis na pinindot ko yung cancel.

Pinagkaisahan nila ako!!

Langya na yan!

Tinawagan ko si Alex.

Dude Alex Calling..

Calling..

Calling..

"Hello dude?? Bak-"

"Gago kayo!! Sino naki elam ng cellphone ko?!"

"Ha?"

"Langya na yan!! Sino?!!"

"Alin ba? Please calm down!"

"Eh mga gago pala kayo eh. Tinanggal nyo yung notification sa calendar ng cellphone ko!!"

"Woah woah woah wala akong kinalaman dyan."

"Sino?!!"

"Hindi ko alam!" Sigaw na nya. Siguro badtrip na sya. Pero bad trip na din ako. Kanina pa, punyeta sila!

"Si Gerald?!!" Alam kong masamang mambintang. Pero come on! Alangan naman na kusang matanggal yung notif nun?. Hindi din naman siguro siraulo yung cellphone ko para gumalaw ng sarili lamang nya. Tss!

"Ewan ko!! Di ko alam! Anak ng teteng naman oh. Bakit ako yung tinatanong mo?"

"Pag nalaman ko kung sino yun. Makakatikim talaga kayo sakin"

"Eh hindi nga ako yun!"

"Takte kayo!"

"Hindi nga-"

End Call..

Binaba ko na agad iyon.

Bwisit na yan.

Pinag kaisahan nila ako!

Inis na pumasok ako sa bahay ko at nahiga sa kwarto. Salubong ang kilay na nakatingin sa kisame.

8:21 pa lang.

Nagbihis na agad ako para matuon ko doon yung pansin ko. Nagsuot ako ng maong shorts, puting fit na sando at kinuha ko yung leather na jacket ko. Malamig ang byahe papuntang Bulacan. Nag converse na shoes na lang ako tapos ay tinali ko yung buhok ko. Palabas na ako ng kuhanin ko ang salamin ko.

Kahit ganoon katagal ay naiinis pa din ako pag naaalala ko yung about sa calendar ng cellphone ko.

Bwisit na yan!

Nakakainis sila!

Mga punyeta!

"Boss may prob-"

"Wala!!" Natigilan ako. Takot na takot na nagsitinginan ang mga empleyado ko sakin. Hinawakan ko ang sintido ko bago tumingin sa kanila, pilit kong pinakalma ang sarili ko.

"Wala" Mahinahon na sabi ko na.

Tahimik lang sila.

Hayzz..

Pati sila dinadamay mo.

"Sorry.. sige ituloy nyo lang mga ginagawa nyo" Hindi na ako pinansin ng mga trabahador ko.

Hindi na bago sa kanila na nasa ganito akong mood, dahil sa totoo lang madalas naman ako sa ganitong mood. At alam nila na mas makakabuti na wag na lang nila akong pansinin.

Nilabas ko na ang kotse ko. Papaandarin ko na sana iyon ng may bigla akong maalala

"Hayzz bobo talaga" Iiling iling na sabi ko sa sarili ko.

Lumabas din ako agad ng kotse dahil naiwanan ko yung regalo ko para kay Atom. Malalim ang mga hininga.

Nagmamadaling kinuha ko iyon at hindi pinansin yung busy busyhan na mga trabahador ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng byahe papunta kila France ng mapadaan ako sa isang flower shop.

May isang idea ang pumasok sa isip ko.

Nag reverse ako't binalikan iyon. Huminto ako sa tapat nun.

"Kailan pa nagkaroon ng flower shop dito?"

Siguro hindi ko lang napapansin. Sabagay, first time ko kung saka-sakaling bumili ng bulaklak.

Pagbaba ko'y tumingin tingin agad ako sa mga bulaklak doon.

"Hmmm magkaka mukha lang naman."

"Para kanino miss ganda?" Nagulat ako doon sa nagsalita. Bigla na lang sumulpot sa harap ko. Tumingin ako sa kanan at kaliwa. Tinitignan kung saan ito pwede manggaling.

"Ah eh.." Para kanino nga ba?

Kay France duh.

"Sa kaibigan? o ka- ibigan?" Nakangiting tanong nya.

Nawala sa pagkakasalubong ang kilay ko dahil sa narinig na tanong nya.

"Hmmm sa ka-ibigan" Nakangiting sagot nya sa sariling tanong nya na tumatango tango pa.

"Kasintahan o nililigawan?"

"Ah eh ano po-"

"Nililigawan" Sagot ulit nya sa sariling tanong. Nagulat ako at medyo lumayo sa kanya. Nakakakilabot naman to..

"Hahahaha kayo talagang mga kabataan.."

Ako ba ang kausap nya?

Tinitigan ko lang sya habang hinahawakan nya ang mga bulaklak. Hinihimas himas nya iyon.

"Masyadong mapaglaro" Dugtong nya. Syempre nagulat na naman ako. Ako ba yung pinapatamaan nya? Sabagay, kami lang namang dalawa ang andito.

"Kayo mismo ang gumagawa ng ikakapahamak nyo" Umiiling na sabi pa nya.

"Ang hilig hilig nyong mag eksperimento" Hindi naman sya sa akin nakatingin kundi sa mga bulaklak..

"At magpadala sa bugso ng damdamin nyo." Itinaas nya ang isang puting rosas at ipinakita sa akin..

"Itong puting rosas.. sumisimbolo sa busilak na hangarin.." Hinimas himas nya iyon.

"Pero hindi ito ang ibibigay ko sayo. Kasi hindi busilak ang hangarin mo." Nakatingin sa mga mata kong sinabi nya iyan. Kinakabahang humakbang ako palayo.

Nasaan ba ako?!!

Flower shop pa ba to?!!

"Ah eh kasi po"

"Nalilito ka"

Nanlaki ang mga mata ko doon. Paano nito nalaman na nalilito ako? Tropa ko lang ang nakaka alam nun.. at si Andy na kapatid ko lang.

Sinundan ko ito ng tingin. Balak tumakbo pero hindi nakikisama ang paa ko. Himas ito ng himas ng mga bulaklak nya. Nang bigla itong huminto pagkatapos ay kinuha nito ang isang pulang rosas..

"Pag ibig...-" Seryosong sabi nito bago humarap sakin.

"...- handa ka na bang umibig?" Nakangiting tanong na nya na nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ako nakasagot.

Kumuha yung babae ng isang dosena noong mga pulang rosas na iyon at pumunta sa counter. Ini-ayos nya iyon bago nya ibinalot at bandang huli'y iniabot sa akin.

"It's free.. tulad ng magmahal. Libre lang."

Bahagyang nanginginig ang kamay na inabot ko iyon. Saglit na tinignan bago magpasyang umalis na ng biglang magsalita yung babae.

"Huwag ka ng lumingon lingon pa. Nasa harap mo lang naman sya."

Tumingin ako sa harap ko?

Sino ang tinutukoy nya?

Langya! Baka nakakakita sya ng multo! Nyemas. Haunted yata itong flower shop na ito.

Bigla akong natakot sa naisip ko na iyon kaya dali- dali akong umalis.

Pina andar ko na agad yung kotse ko.

----------------------------------

Continua a leggere

Ti piacerà anche

181K 8.1K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
Her Savior Da M

Saggistica

1M 40K 65
ProfessorxStudent Story!!!
434K 19.8K 44
Madison Vasquez is a drop-dead gorgeous and a perfect recipe for immense destruction of Vasquez family. Avrielle Rawén Valle d'Aosta Cervantes is wil...
1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞