Take me to your HEART (GxG) :...

By _AyEnNe_

624K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... More

Chapter 1 : JUBEL
Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 3 : " Hired "
Chapter 4 : "Ignored"
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 7 : " Green minded"
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "
Chapter 12 : Unfolding the PAST
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 22 : She Cares For YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 26 : Uncontrolled Emotions
Chapter 27 : Emotion Revealed
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 35 : Unexpected Visitor
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 38 : i'm sorry, but I love her
Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 41 : Imagine me & you
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 44 : Drifting
Chapter 45 : Awaken
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 49 : longing
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 19 : A Dear Friend?

12.2K 461 28
By _AyEnNe_

Gabby's (POV)

"What the hell is y--" bungad na tungayaw ko pero hindi ko iyon naituloy when i saw the person outside my unit. Sa isang iglap para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanto kung sino ang nanduon. Ang inis na nangibabaw kani-kanina lang ay tuluyang nawala at napalitan ng pagtataka.

"oh my Cara Mia! exagerated na bati nito sa akin ng mabungaran ako. Kasunod ng di magkandaugagang pagyakap at paghalik sa pisngi ko.

"Ma?! What are you doing here??!" kunot noong tanong ko habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap nito.

Ano bang masamang hangin ang nagtaboy sa kanya at napadpad sya dito? Alam ko busy sila ni Ate sa mga business namin sa probinsya. Pero ano ngayon at nandirito sya?

" is that the proper way to acknowledge your mother?!" buwelta nito ng mailayo ang katawan sa akin na sinundan ng pagbato ng nagtatanong na tingin.

" why do you need to ask that silly question sweetheart? Natural namimiss kita kaya ako nandito, bakit? bawal ka na rin bang dalawin ngayon?" dugtong nito na may himig na pagtatampo.

" don't you miss your mother sweetheart? " she said again in a soft voice.

Here we go again. Piping bulong ko ng matunugan na gagamitan na naman nya ko ng paawa effect. Natural na yata kay Mama ang ganito, para nagtanong lang naman ako hayun at minasama na nya kaagad . For sure kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa isip nito. 

As if in que, nagmuwestra na itong magpapahid ng luha kahit wala naman talagang papahiran, maipakita lang sa akin na nasaktan sya from my reaction.

I secretly rolled my eyes and sighed kasunod ng paglapit at kapagdakay pagkabig sa kanya para amuin.

"that's not what i mean. I'm sorry for my reaction Ma, nagulat lang po ako" alo ko dito while caressing her back with my none-injured arm.

Nang maalala ang sariling sugat agad ko itong inilihis sa paningin nya. but because of my Mom instinct natunugan nya ito at napansin ng maglayo ang katawan namin para sana kamustahin ako.

"Mia what happen to your arm?! " tanong nito sa mataas na tono at nanlalaking mga mata.

"huh? anong sinasabi mo Ma? " pagmama-ang-maangan ko trying to hide my injured arm at my back.

"show it to me. " maawtoridad na sabi nya while her hands frantically waving at me.

"Ma, wala po ito , wag na ka---"

"Mia Gabrielle! sabi ng ipakita mo sa akin!" she insisted blurted out my full name with irritation in her voice.

Knowing my Mom, na nuknukan ng kulit at mabunganga. Wala na akong nagawa kundi dahan-dahang ilabas ang itinatagong braso habang kakamot-kamot sa sariling batok na parang batang napagalitan. Napapabuntong hininga akong tumitig dito at kapagkuwa'y nagbaling ng tingin sa may living area.

Then there was Louise na nakatitig sa amin habang nagpipigil na tumawa. Nakatayo na ito sa gilid ng couch at tila naaaliw sa nakikita nyang eksena. Babatuhin ko sana sya ng masamang tingin but my Mom interrupted me.

"oh my god! What the hell happened to you?!" hysterical na sabi ng kaharap ng makita at maeksamin ang kamay ko.

"Tssss.. Ma, relax, this is nothing okay? no need to act like that" naiiling kong sabi dito.

"Ano bang wala?! hayan at nakabenda yang kamay mo?!, jusko kang bata ka, ano bang pinaggagawa mo sa sarili mo ?? the last time i heard about you nagpakalasing ka ng husto at hindi makagulapay sa bar na pinuntahan mo!.. at ngayon naman -- " hindi nito maituloy ang gustong sabihin at panay lang ang kumpas ng kamay na tila naiirita sa nakikita.

"what's next Mia ha?? mababalitaan na lang ba namin na naaksidente ka o kaya naman nadaganan ng tower crane? o nagulungan ng pison? o --- " dugtong nito but i immediately cut her off.

"Ma! OA ka na, kung ano-ano na yang sinasabi mo.. at tsaka ano yun?? masagasaan ng pison?! seriously??" natatawang putol ko dito while chuckling on the idea.

Now i know kung kanino ako nagmana ng pagiging overthinking. Masyadong mabilis ang utak nito. And what the hell! masagasaan ng pison? Hahaha.!!..

"Don't laugh at me Gabrielle! i'm serious" she said na bigla kong ikinatigil dahil sa intonation ng boses nya. Nagsisimula na itong mainis and i know that dahil inubos na nya ang 2nd name ko.

"I'm sorry Ma, it's just that your being exaggerated. Kalma lang okay? galos lang ito, itanong nyo pa kay Louise" i told her then gestured at Louise direction. Nuong una hindi nya nakuha ang sinabi ko at pinaulit pa sa akin yun. Pero ng inginuso ko ang tinutukoy sa Living Area, agad nyang napansin si Louise na nakatayo duon. Bahagya pa itong nagulat at tila napapahiyang naglakad ng marahan patungo sa taong itinuro ko.

"you never told me na may maganda ka palang bisita" nakangiting sabi nito habang tinitingnan ang kaharap.

"i'm about to tell you, pero hindi ako makasingit sayo kanina, naghysterical ka kasi kaagad over this none serious injury na meron ako" paliwanag ko sa kanya na nuon ay tinititigan nya ng mariin ang kaharap habang tinatapunan ng friendly na ngiti. Nang hindi ito kumibo i introduce her to Louise.

" Anyway Ma, meet Louise .A dear friend at isa sa mga Engineer natin sa Aspen Heights"

"A Dear Friend? " amused na tanong nito sa tinuran ko ng may himig ng panunukso ng sumulyap sa gawi ko. Hindi nakaligtas sa akin ang pagdiin nya sa salitang "Friend" kung kaya't Kinu-nutan ko sya ng noo at hindi kumibo habang aliw na aliw naman ito at binabato ako ng mapang-asar na ngiti at tingin. 

Naiiling akong bumaling sa kaharap nya ng hindi matagalan ang lihim na panunukso nito.

"Louise, meet My exaggerated mother. Helena Sandoval" baling ko sa babaeng kiming nakatingin kay Mama.

"Good Evening po Ma'am" nahihiya nyang pagpapakilala extending her hands na agad naman ini-abot ni Mama.

"Nice to meet you hija?" magiliw na ganting sagot nito.

"Same here po Ma'am"

"oh, cut the Ma'am thing. just call me Tita, besides Mia said your a DEAR FRIEND of her" sabi nito then glance at me while smirking. ayun na naman ang pagdiin nya sa salitang yun. Tila hindi ito kumbinsido sa sinabi ko. Pamaya-maya My mom gestured us to sit down na ginawa naman namin ni Louise. I sit beside my mother while Louise remain in her position sitting across to us.

"So Louise, your from where? and saan nga kayo nagmeet nitong si Mia ko?" magkasunod na tanong nito pagkaupong-pagkaupo.

"Ma?! " putol ko dito.

" i told you to ask Louise regarding this injury of mine di ba? Hindi ko po sinabing interviewhin nyo sya" daing ko habang palihim na pinanlalakihan sya ng mata. But it seems she doesn't mind my reaction at nginitian lang ako nito at muling ibinaling ang atensyon sa kaharap.

" it's Okay Gabby " salo ni Louise then she answered my moms question.

Akala ko masa-satisfy na si Mama ng masagot ng kaharap ang mga tanong nya, but i was wrong dahil ang isang tanong na yun, ay nasundan pa ng nasundan ng napakadami. I know My Mom is up to something at nahihihya ako sa ginagawa nyang pag-interogate sa kausap, but Louise seems enjoying answering every questions na may kinalaman sa pagkatao nya.

I was a little bit agitated with the situation pero kahit anong saway ko kay Mama, hindi pa rin ito nagpapigil sa kakatanong tungkol sa kaharap. Waring balewala naman yun kay Louise na sumasagot ng buong giliw.

Nang hindi na ako makasingit sa usapan nila, i grab one of the magazine under the center table at nagkunwaring abala sa pagbabasa kahit wala naman talaga ang atensyon ko duon. Actually my full attention was still with them. Particular sa mga sinasabi ni Louise tungkol sa kanya. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang ilang basic details mula sa kanya.

She's from Nueva Ecija pala , dalawa lang silang magkapatid at sya ang panganay. May sariling Rice Mill ang pamilya nya but she said hindi naman daw literal na sa kanila kundi sa Step Father nya. She said her biological father died in an accident nuong panahon na nag-aaral pa lang sya sa kolehiyo. Her mother on the other hand was a pastry chef handling his own bakery business sa sentro ng bayan na iyon.

Mula sa pagkakayuko, palihim akong sumulyap sa kanya when i noticed the sadness in her voice when she mentioned the latter part of her story. May kung anong lungkot iyon na hindi kayang itago ng mapagkunwari nyang mga ngiti.

Then reality hits me, Here i was at inakalang napakalupit na ng pinagdaanan kong problema ng dahil sa buhay pag-ibig pero hindi pala. Dahil heto ang isang tao sa harapan ko na higit pa pala ang naging kalbaryo sa buhay nya. Bakit ? may mas sasakit pa ba sa idea na mawalan ka ng magulang? Parang isipin ko pa lang na may mangyayaring hindi maganda kila Mama naiiyak na ako, ano pa kaya kung magkatotoo yun.

Bahagya akong natulala from the idea pero saglit lang iyon dahil muli kong ibinaling ang tingin kay Louise na by that time ay nakikipag-kwentuhan pa rin kay Mama.

I don't know why, but how come its easy for her to discuss this part of her? Parang masyado yatang personal para maikwento nya kay Mama ang mga bagay na ganito, na kung tutuusin ay ngayon lang nya nakilala.

"Sweetheart" pukaw sa akin ni Mama. Nagugulumihan akong bumaling dito ng madinig ang pagtawag nya.

"Yes Ma?" i said

"do you mind if you make us a cup of tea?" she asked smiling at me at kapagkuwa'y bumaling ng tingin sa kaharap.

"nakakahiya naman dito kay Louise, kanina pa kami nagdadaldalan, hindi man lang makapag-offer ng maiinom"

"naku tita, huwag na po kayong mag-abala at hindi na rin naman po ako magtatagal" salag ng kausap.

" i insist, i'm enjoying chatting with you kaya dumito ka muna....unless of course... if  my date kang pupuntahan"

"Ma?! Tsss" daing ko ng marinig ang sinabi nya. Pati ba naman yun itatanong pa sa kausap. Napaka intrigera talaga nito.

"What!? masama bang magtanong iha?" nakangiting baling nya kay Louise na nuon ay pinamumulahan na ng mukha.

Nang tapunan ko ito ng tingin, kimi itong gumanti ng ngiti kay Mama bago nagsalita.

"hindi naman po masama and ...W-wala naman po akong date, Tita"

"Good" satisfied na sagot nito " Sweetheart make us a cup of tea please? " baling nito sa akin at ngumiti ng pagkalawak-lawak.

Bago tuluyang tumayo sa kinauupuan, i glance at Louise na nuon ay nakatitig sa akin. Humingi ako ng piping dispensa dito na ginantihan naman nya ng ngiti at marahang tango.

While preparing a tea for them, panaka-naka pa rin akong sumusulyap sa direction nila. Mula sa kinatatayuan maririnig ang bahagya nilang pagtawa over the crazy things na pinaguusapan.

I leaned on the countertop habang nakahalukipkip and watched them from afar habang inaantay ang pinapakulong tubig. Then suddenly, realization hit me when i noticed something.

My Mom liked her.

I can see she's comfortable chatting with her thru her hand gestures and the candid laughter sa tuwing may mapag-uusapan silang nakakatawa. My Mom i might say sometimes is a little bit snobbish, but when she likes you, dadaldalin ka talaga nya ng bonngang bongga. Just like what she did a while ago, ni ayaw nitong paalisin si Louise kanina. 

Parang ngayon ko lang ulit sya nakitang ganito.

oh come on Gab. Ganyan din naman sya kay Jena dati hindi ba? biglang komento ng utak ko.

yeah, nagkakausap naman sila dati, pero unlike ngayon na napapatawa sya ng malakas. Si Jena, sa tuwing kakausapin ni Mama parang palaging reserve. Nagpipigil at palaging kalkulado ang sasabihin. While Louise is a carefree and charming, kung kaya my Mom is enjoying chatting with her. She must felt a little bit shy kanina pero hindi mo na iyon mabanaagan sa itsura nya ngayon. As if they've known each other for so long at ganito na sila ka-comfortable sa isa't-isa . 

Kung saan-saan na nga napunta ang usapan nila, mula sa make-up, sa sexy dresses, sa buhok at ngayon naman ay sa mga hobby nila.

********

"oh dear, parehas kayo nitong si Mia. she like beaches too" narinig kong comment ni Mama while handling her a cup of tea.

"thank's sweetie" she said and started to sip and then bumaling ako kay Louise para iabot ang sa kanya.

"salamat" sabi nito na ginantihan ko lang ng tipid na tango and sit beside my Mom. Sabay dampot ng magazine na inilapag ko kanina.

"hmmm... why don't you invite her to one of your Ate's Resort, sweetheart?"

suggestion ni Mama pagkatapos mailapag ang iniinom. She's referring to my one and only Ate Amanda na nagma-manage ng mga high end Hotel and Restaurant nila all over the Country. It was her husband business - si Kuya Tristan. pero dahil most of the time nasa Germany ito, sila lang palagi ni Mama ang magkasama.

Napatigil ako sa pagbuklat ng magazine at napatingin sa gawi ni Louise when my Mom said that, then shifted back my gaze to my Mother na nakatunghay din sa akin at nag-iintay ng sagot.

Seriously ? ganito na sya kapalagay ang loob kay Louise at nakuha pa nya itong i-invite sa isa sa mga resort nila Ate? it's very unusual of her. Dahil minsan kahit mga close friends nya hindi iniimbita unless na lang kung may special occasion.

Hindi muna ako kumibo but when Mama throw me this questioning look ay napalitan ako magsalita.

"Y-yeah sure, why not" nag-aalangan kong sagot. Then shifted back my attention sa binabasa.

"Good" she said at humarap na muli sa kausap.

Halos magkakalahating oras na rin silang nag-uusap at nagtatawanan nang mahinahong nagpaalam si Louise na uuwi na, pero sa pangalawang pagkakataon, pinigilan sya ni Mama at ni-request na dun na rin mag-dinner kasabay namin. As if on que, bigla namang sumulpot si Nay Lena bitbit ang mga pinamili.

Bahagya pa itong nagulat ng makita ang dalawang bisita na nanduon particular kay Mama pero agad ring bumalik sa kusina matapos maipakilala kay Louise.

Kalaunan ay nakapagluto na rin sya at nagsabay-sabay na kaming kumain habang  si Louise at si Mama ay walang lubay sa pag-uusap na animo hindi maubusan ng pagku-kwentuhan.

The night ends well ng maihatid ko si Louise hanggang sa Carpark ng Building. Pinakiusapan ko si Mang Jaime to send her home dahil medyo ginabi na ito mula sa pakikipagsitsitan kay Mama.

Pagbalik ko ng Unit, Naabutan ko si Mama na nasa salas at animo may binabasa sa cellphone nya. When she saw me agad nitong itinigil ang ginagawa at tinapunan ako ng nakakalokong ngiti. 

"what's with the smile Ma? " tanong ko dito matapos pabalagbag na umupo sa tabi nya. 

"so? what's the real score between you and that pretty lady?" bulalas nya habang hindi inaalis ang malawak na pagngiti.

"Nothing" i said to her. "like what I've said before, she's just a dear friend" dugtong ko. 

Eh sa wala na naman talagang kaming status. Anong label ang ibibigay mo sa dalawang tao na madalas magpatangay sa bugso ng damdamin sa tuwing magkakalapit.

Come to think of it. Ni hindi nga namin napag-uusapan ang mga bagay-bagay. We are just like a water from a river na sumusunod lang sa agos ng pangyayari

" oh come on anak ! you can deny and tell that to anyone pero hindi sa akin. You know me, i have this Mom's instinct na hindi pa kelanman nagkamali" 

"Really Ma?! Push mo pa " natatawang biro ko dito. umarya na naman kasi ang kakulitan nito. Akma na namang manunukso ito when suddenly her Cellphone rings. It was Mang Danny - isa rin sa family driver namin. Nasa ibaba na raw ito at inaantay na si Mama sa Lobby.

Nakahinga ako ng maluwag from the thought na nakaligtas ako sa pangngulit nito but before she leaves may pahabol pa itong komento kay Louise. 

"i like her for you, Sweetheart" seryosong sabi nito na tinawanan ko lang habang umiiling. 

"i'm dead serious Gabrielle, if Louise is one of the reason kung bakit may nakikita akong kislap jan sa mga mata mo then i'll be forever thankful to her" 

"baduy mo Ma!"natatawang komento ko. 

"Don't laugh at me like that!" kontra nito na naging dahilan ng pagtahimik ko. 

"i may not confronted you yet young lady but i know the reason why you choose to live here on your own and i respect that. kahit hindi mo sabihin nararamdaman ko that you mending your broken heart. I'm your Mom and i know every  little action you do. And i'm telling you now, Louise is a good catch. Don't you dare hurt her dahil ako ang makakalaban mo"  

"Exaggerated Ma! Hurt agad? eh wala nga kaming label?" sagot ko.

"basta! i just can't wait to have my own apo with you and Louise" pang-aalaska nito na pinagsiklop pa ang mga kamay at animo nangangarap ng gising.

"Mama??!!!" bulalas ko sa tinuran nya. What the???! kanina itinatanong lang ang real score between sa amin tapos ngayon apo na ang sinasabi.

Hindi ito kumibo over my reaction and just leave me there standing at the main door ng napapaisip sa mga sinabi nya. 



Continue Reading

You'll Also Like

67.7K 4.2K 60
This will be another gxg story :'). I never expected this to happen in my life.. Sa isang iglap lang yumaman ako at nagawa ko ang mga gusto ko. My...
430K 9.6K 43
basta gxg, di ako magaling sa description. basahin mo nalang
465K 12.7K 60
This story is girl to girl (gxg) read at your own risk.
149K 5.9K 28
Jazmine Lim Head cheerleader Only daughter Ms. Popular Brat as they say Meets Dominique Zivalgo Weirdo Nerd Transferee Intelligent ...