Seven Days

By makeyoumine13

187K 4.7K 80

Isang pustahan lang naman ang pinagmulan. Dapat maging sila ng pampitong papasok sa loob ng 7/11 sa loob ng p... More

7 Days
Prologue
Day One - I
Day One - II
Day One - III
Day Two - I
Day Two - II
Day Two - III
Day Three - II
Day Three - III
Day Four - I
Day Four - II
Day Four - III
Day Four - IV
Day Four - V
Day Five - I
Day Five - II
Day Six - I
Day Six - II
Day Seven - I
Day Seven - II
Day Seven - III
End
4 Years Later
1 Year & Still Counting
A/N

Day Three - I

5.9K 163 3
By makeyoumine13


"How's number seven?" Si Karlo.

Sa hindi malamang dahilan ay hindi ko nagustuhan ang tanong nito pero alam ko na I'm doomed. I never disagree or dislike any idea or words coming from Karlo.

"Dude may pangalan yung tao". Pasinghal na sabi ko pa dito. Ohhh may problema nga. Me? Acting like this kay Mr. Lawyer? Then I might be crazy. Nagulat pa ako ng makita kong salubong na pala ang kilay ko sa harap ng salamin. Nagbibihis na kasi ako para sunduin si France ng bigla itong tumawag.

"Well.. I don't know her name" Taranta na sabi nito. Na sense siguro yung inis kong ewan kung saan galing at wala sa lugar.

Of course you don't. Napa face palm na lang ako. Ang bobo mo Ash. Malamang iyon ang itatawag nya kasi hindi naman niya alam ang pangalan nung babae.

Napabuntong hininga muna ako bago sumagot.

"France.. her name's france"..

"France.. nice name.. well then, alis na ako.. bye" May pagmamadaling sabi nito bago binaba ang tawag.

Toot toot toot

Nice.

First si Isaac

Ngayon naman si Karlo.

Calm down Ash.

Tropa mo sila.

Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa salamin.

Nang okay na ako ay sinuklay ko na ang mahaba kong buhok. Bago ko ito tinali.

Nagsuot din ako ng cap. Masyado kasing mainit sa labas ngayon.

Naka fit na T-shirt na puti ako and then faded denim jeans. Naka rubber shoes lang ako't sinuot ko na yung sunglasses ko bago tuluyang bumaba.

"Good Morning boss.. mukhang ang ganda ng gising natin ah" Tukso ng mga empleyado ko. Kakamot kamot lang ako ng batok.

"Ganoon talaga pag inlove" Medyo nagulat ako doon. Ewan ko kung biro lang o seryosong puna nila.

"Kita mo, nag blu-blush na si boss". Tukso pa nila.

At hindi nga sila nag sisinungaling. Namumula nga ang mga pisngi ko.

Hindi kasi ako sanay ng tinutukso. Yun, yun lang ang dahilan. Wala ng iba pa.

"Good Luck boss.. sana sagutin ka na nyan haha" iiling iling na sumakay ako sa kotse ko.

Ilang sandali pa ay nakarating na din ako.

Medyo natuwa pa nga ako na nag hihintay doon sa labas si France kasama ang nanay nya na agad din namang humalik sa pisngi ni France bago pumasok sa loob ng bahay ng makita ako.

Bumaba ako agad at lumapit kay France.

Inalalayan ko ito although nakakalakad naman na sya ng medyo matino ngayon. Kinuha ko ang bag nya at hinawakan ang isang kamay niya.

Dahil doon ay napalapit ako sa kanya't nakakaadik ang amoy na nanggagaling sa katawan nya ang bumungad sa akin. Is that natural? Ano yun? Shampoo? Perfume? Bakit ganun yung amoy nya? Nakakaadik.. Nakakaliyo.. Parang-

"Ano ba?! Baka pati ako masinghot mo!" Asik nito na tinulak pa ako ng bahagya.

Napangiti ako. Ang taray talaga. Pasalamat ka mabango ka.

"Ang bango mo eh" Nakangiting pagdadahilan ko. Tunay naman eh. Hindi naman siguro ako makukulong dahil doon? Kahit para akong naaadik sa amoy nya. Sya ang dapat makulong.. drug carrier.

"Tsk mabango ka din naman ah. Bakit hindi yang sarili mo ang amuyin mo!" Sigaw na sabi nito.

Mabango ako?

Bigla nitong tinakpan ang bibig nya bago galit na tumingin sakin.

Whahahahaha ang cute!

"Wala ng bawian." Nakangising pang aasar ko pa dito.

"Bwisit ka!" Sabay tabig pa nito sa akin syaka nagtuloy tuloy ng pumasok sa loob ng kotse ko.

Nilagay ko na ang bag nito sa back seat bago ako pumasok sa kotse.

Tumingin muna ako sa kanya.

Naka cross arms sya't nakanguso.

Ang cute talaga hahaha.

Pinaandar ko na din agad yung kotse dahil baka ma late si Miss sunget. Hmmmm edi lalo itong susunget pag nangyari yun, I know nagtitimpi pa sya ng lagay na yan. Ang liit liit eh, paano nya napagkakasya yung ganung kasungitan sa katawan nya?

Nang nasa school na ay dali- dali akong bumaba para pagbuksan ito.

Kinuha ko din ang bag nya sa likod syaka hinawakan yung kamay nya't inalalayan syang lumabas ng kotse. Napatingin ako sa kanya na nakataas ang isang kilay kasi hindi nya ako binawal sa ginawa ko.

Nang makarating na sa gate ay inabot ko na ang bag nya.

"Galingan mo ah" Sabi ko pa pero hindi nya ako pinansin.

"Sunduin kita mamaya miss sunget!" Pahabol ko sa kanya at this time ay nilingon nya na ako. Nakasinghal yung mukha nya't mukhang inis na inis sa hindi ko malamang dahilan.

"Tsk! Panget" Sabay talikod nya't takbo papalayo ng tumunog yung bell na senyales na start na yung class.

Nanlaki yung mga mata ko't napanganga pa ang bibig ko sa narinig.

What??!!

Panget?!!

Ako?! Panget?!!

Kelan pa naging panget ang maganda?

Arrrrrrrggggg

Hindi pa ako nakaka move on sa 'rapist' na sinabi nya sa akin tapos ngayon panget naman?

I know medyo pasaway akong tao pero honest naman ako! Di makatarungan na bigla bigla na lang syang maglalabas ng ganung kasinungalingan sa bibig nya!

Hindi yun makatarungan!

Inis na tumingin ako sa kanya.

Nasaan ang hustisya?!

Likod na lang nito ang nakikita ko. Nang biglang may humarang sa view. Mukha iyon.. medyo mukha lang paa.

"Oh ano pang ginagawa mo dito panget?" Pang aasar ni kuya Gary.

Sa halip na mainis ay nakangising tinitigan ko ito.

"Parang ang haba na masyado ng buhok mo kuya Gary.. may gunting akong-"

"Alis!!!!"

"Pfftttttt Hahahahaha sige sige sige.. love you kuya Gary muah muah" Nag flying kiss pa ako sa kanya pero binunot lang nya ang batuta niya at inamba sa akin.

"Bye bye!" Sabay talikod ko na tuloy sa kanya't nagtatatakbong sumakay sa kotse ko.

Nakarating din agad ako sa bahay. Nilagay ko muna sa garahe yung kotse. Ni lock ko din yun agad bago nag tuloy- tuloy sa office ko.

"May mga tumawag ba?" Tanong ko kay Cindy.

Sya ang tumatayong assistant ko slash secretary slash treasurer and keys keeper.

"Boss si Mr. Neal.. kaninang umalis kayo."

"Bakit daw?"

"Tulad pa din po ng dati"

"Ano yung sinabi mo?"

"Na ayaw nyo po"

"Good"

Si Mr. Neal.

Matagal na nyang gustong mag invest sa business ko pero ayoko.

Sarili ko ngang tropa tinanggihan ko.

Anong nakain nya para isiping mapapapayag nya ako?

Tapos hanggang ngayon ay parang batang kulit pa din sya ng kulit sa akin. At hindi yun cute.

Naupo na ako sa office ko at tumingin ng mga supplies na kulang. Ini- import pa namin ang mga iyon.

Nag pirma ako ng ilang mga papeles bago ako lumabas para kumain. Nag group text kasi si Elli na nasa mall daw sila ngayon nila Tanya. It's an open invitation para pumunta kung sinong free.

"Boss kain.." Alok ng mga trabahador ko.

"Geh lang.. "

Sumakay ako sa motor ko at nag drive na para i-meet ang tropa. Ilang sandali pa't nagpa-park na ako sa labas ng mall. Tiningala ko yun.

Nasaan naman kaya sila dyan sa loob?

Chi-neck ko yung phone ko para tawagan si Elli.

"Saang gawi nga pala ulit?"

"Sa Mang Inasal nga" Inis na sabi nito.

"Shunga! Tinatanong ko kung saang gawi"

"Ah eh.. nasa loob ka na ba?"

"Papasok pa lang.. saan ba dito?"

"Parang kumain lang tayo dito last week ah" Medyo badtrip na sabi na nito.

Napakamot ako sa batok ko.

Yun ang problema sakin.

May short term memory ako. Madaling makalimot. That's what I want to believe. But the truth is, I have a very very very terrible memory. Hmmm hindi sya katulad ng short term memory talaga pero hindi din sya katulad ng normal na memory ng isang 20 years old.

Unique ako kumbaga.

"Sabihin mo na lang nyeta! Nagugutom na ako!" Sigaw ko na sa kanya. Pinapakitang mas badtrip ako kaysa sa kanya.

Narinig ko na parang napalunok pa sya sa kabilang linya.

Ganyan nga. Matakot ka.

"Ah eh.. Una deretso.. tapos kaliwa.. ay hindi kanan.. ay kaliwa nga.. kaliwa ba to mga dude?"

Napa face palm na lang ako.

Now I get it. Kung bakit sya nabadtrip kanina kasi hindi nya alam yung sagot sa tanong ko. Tinatakpan nya ng pagkabatrip nya yung katotohanan na hindi nya alam yung sagot. Malas lang nya't hindi ako nag back down sa kanya.

Arrrrrrgggggg.

Yan po kasing si Elli.

Graduate na ng high school, third year college student na pero nalilito pa din kung saan ang kaliwa at kung saan ang kanan.

Kaya kapag kaming dalawa ay naligaw ng magkasama? tsk tsk tsk malaking problema.

"Wag na.. Ipag tatanong ko na lang" Binaba ko na din dahil maliligaw lang ako kung papakinggan ko pa sya.

Nag lalakad lakad lang ako. Sabi noong babae na napagtanungan ko sa 3rd floor daw yung mang inasal.

Aakyat na sana ako ng escalator ng mapansin ko si France.

"France!" Tawag ko dito. Agad naman itong lumingon pero bigla din lumakad ng mabilis palayo ng makita ako. May dalawang babae syang kasama. 'Kasama' lang, hindi mukhang 'kaibigan'.

Masyadong malayo yung distansya nila kay France na tila mo hindi nila kilala si France. Susundan ko sana sya at hihilahin papalayo sa mga 'kasama' nya pero nagugutom na talaga ako't mukhang ayaw din naman nyang makita ako ngayon.

"Problema nun? Ay bahala ka nga" Nag tuloy tuloy na din ako sa pakay ko.

Nakarating na ako sa 3rd floor.

Hmmmmmmm

Bumungad sa akin yung kaliwa't kanan na mga stores.. At yung madaming tao na palisaw lisaw.

Tingin sa kanan.

Tingin sa kaliwa.

Arrrrgggg

Saan nga pala yung sinabi nung babae?

Sa may tabi daw ng ano?.. ano nga ba?.. putek na yan!

Nakalimutan ko na.

Kakamot kamot ng batok na tumingin ako sa paligid. Nag ikot ikot ako sa 3rd floor pero wala naman. Putek na yan! Makapagtanong na nga!

"Ay miss pwedeng mag tanong?"

"Ah sige po" Sabi naman nung babae. May kasama syang 'kaibigan'. Kaibigan talaga.

"Saan ba dito yung.. yung.." Saan nga pala ako pupunta?

"Alin po?"

"Teka ah" Tinignan ko yung cellphone ko. Hinanap yung group text ni Elli kanina.

"Ayun! Mang Inasal hehe" Nakangiti ang babae sa akin. Yung parang amused na amused. Kung tropa ko lang ito, sinapok ko na sya.

"Ay ang cute mo po" Sabi pa nito.

Cute?

Nyeta.

Astig ako! Astig!

"Hehe.. Saan ba yun? Nagugutom na kasi ako."

Nakakahiya talaga amps.

Kainin na sana ako ng lupa. Wait, ako muna yung kakain, nagugutom na kasi talaga ako.

Sinamahan na ako nung dalawang babae baka daw kasi maligaw ako.

Hindi ko alam kung dapat akong magpasalamat sa kagandahang asal nila o sapakin sila dahil sa sinabi nilang yun.

Nang nakarating na kami ay napa iling na lang ako sabay tatak sa isip ko na sapakin yung napagtanungan ko kanina. Kaya pala hindi ko makita sa 3rd floor ay nasa first floor pala yung hinahanap ko. Like, WHAT THE HELL diba?! Pinagtripan ako!!!

Noong mga oras na iyon, sana kinain na lang talaga ako ng lupa. Pero tulad nga ng sinabi ko, ako muna yung kakain.. Mamaya na yung lupa.

"Bye po!" Sabi pa ng dalawang babae bago umalis.

--------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

49.2M 1.3M 54
Akala ni Keila, seryoso sakanya ang kilalang playboy ng University nila na si Dwayne Lopez. Nagkamali siya. Isa lang din pala siya sa mga babae na pi...
49.2M 1.4M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
8.4M 225K 49
Cute and innocent, Desa Franco musters up her courage to confess her feelings for bad boy tattoo artist Baron Medel. When he unexpectedly gives their...
21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...