Seven Days

By makeyoumine13

185K 4.7K 80

Isang pustahan lang naman ang pinagmulan. Dapat maging sila ng pampitong papasok sa loob ng 7/11 sa loob ng p... More

7 Days
Prologue
Day One - I
Day One - II
Day One - III
Day Two - I
Day Two - II
Day Three - I
Day Three - II
Day Three - III
Day Four - I
Day Four - II
Day Four - III
Day Four - IV
Day Four - V
Day Five - I
Day Five - II
Day Six - I
Day Six - II
Day Seven - I
Day Seven - II
Day Seven - III
End
4 Years Later
1 Year & Still Counting
A/N

Day Two - III

6.4K 190 2
By makeyoumine13


Nag ayos lang ako ng mga transaction at gumayak na din ng mag 4 na. Kanina pa nagising si Isaac, isang tango lang ang ginawa nito't umalis na din.

Mabilis lang naman ako makakapunta ng Melchor, 15 mins lang, pero baka takasan kasi ako nung babae.

Feeling naman nya tuwang tuwa akong makasama sya. Kung may choice lang ako ayoko ng makita yung pagmumukha nya sa buong lifetime ko.

Nakatunganga lang ako sa loob ng 7/11 ng mapansin ko na bumukas na yung gate.

Nakapark ako sa tapat ng 7/11 dahil ayaw akong papasukin ni kuya Gary. Hindi naman sya yung may ari ng school kung tutuusin para umasta ng ganun.

Nagtatatakbo ako papunta sa tapat ng gate.

Nang konti na lang ang mga tao ay napansin ko na din si France. Mukha itong bad trip. Well anong bago diba? Kasama nito ang boyfriend niya na salita ng salita. Parang nag e-explain pero hindi ito pinapansin ni France. Nang malapit na sila ay umeksena na ako.

"May problema ba?" Tinignan lang ako ng bf nito pagkatapos ay nagsalita ulit.

"Babe.. wala talagang meaning yun. Alam mo naman na mahal-"

"Pagod na ako. Ayoko na" Sabi ni France.

Wow.. Parang movie.. Popcorn na lang ang kulang.

Napangisi ako sa idea na iyon. Front seat pa diba?

Nang mapansin ni France yung mukha ko ay sinamaan ako nito ng tingin.

"Anong nakakatuwa?!" Sigaw pa nya. Pagkatapos ay hinagis sakin ang bag nya. Buti na lang nasapo ko.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"Ihahatid mo ko diba?" Mataray na sabi nito. Oo ihahatid lang. Pero hindi mo ko driver. Tsk. Tagabuhat mo pa ng bag mo. Kapal.

Inalalayan ko na din si France papalapit sa kotse na nakapark sa harap ng 7/11. Salita naman ng salita yung lalaki. Aksidente lang daw yung nangyari.

Sus. Aksidente? Pag lagpas sa dalawa, sadya na yun.

Pasakay na kami ng kotse ko ng biglang humarang yung lalaki sa daraanan namin.

"Pag nagasgasan yang kotse ko, hindi lang gasgas aabutin ng mukha mo" Banta ko dito.

"Babe.. please.." Pilit kinukuha nung lalaki yung bag ni France sakin.

"Ano ba?!" Sigaw ko na sa lalaki. Baka kasi mapigtas yung bag. Inalalayan ko na si France papasok at nilagay ang bag nito sa back seat. Papasok na sana ako ng biglang humarang nanaman yung lalaki.

"Tabi! O sasamain ka sakin!" Banta ko ulit dito.

"Wag kang maki epal!"

"Ikaw ang epal!"

"Eh gago ka pala eh" Susuntukin sana ako nito ng mailagan ko sya. Ilang trouble ang nasalihan ko noong high school ako kaya madami akong practice sa mga ganitong sitwasyon.

"Tsk!" Badtrip na sinamaan nya ako ng tingin. Susugod na naman sana sya ng tuhudin ko sya sa future nya.

Napaluhod ito.

At pulang pula ang mukha na humarap sakin.

Tsk!

"Ayoko ng makita yang pagmumukha mo at wag na wag mo ng guguluhin si France kung ayaw mong maulit yung ganitong eksena. Naiintindihan mo ba?" Hindi sya sumagot o tumango man lang. Nakatitig lang sya ng masama sa akin.

Hindi ko sya pinansin. Pumasok na ako ng kotse't tinignan itong babae sa tabi ko. Hinihintay na may sabihin sya, o kung ano pa man pero hindi nya ako pinapansin.

Pinaandar ko na yung kotse. Nang ma stuck sa traffic ay kinausap ko sya.

"France.." Tawag ko dito.

"Paano mo nalaman pangalan ko?"

Ngumiti ako.

"Narinig ko noong tinawag ka ng nanay mo". Inirapan lang nya ako pagkatapos ay nag cellphone na ito.

Hayzz.

Nang nasa tapat na kami ng bahay nila ay dali- dali akong bumaba para pagbuksan sya ng pinto.

Binuksan ko din yung back seat para sa bag nya.

Aalalayan ko din sana sya kaya lang ay hinablot nya yung bag nya sa kamay ko at nag tuloy tuloy ng mag lakad papalayo. Masyadong mabilis ang pangyayari para sa akin kaya ng ma realize ko kung ano yung nangyari ay nasa gate na sya.

"Hoy!" Tawag ko dito.

"Tsk" Sagot nya. Tsk iika ika na nga ang taray taray pa.

Binuksan na nya ang gate pagkatapos ay walang pagdadalawang isip na pumasok doon.

Tsk hindi man lang mag thank you. Inis na tumingin ako sa likod ng babae. Ni lock pa nya ang gate bago nag tuloy tuloy ng pumasok sa loob ng bahay nila. Talagang ganon na lang yun? Punyeta. Yung mga tricycle driver nga o taxi may bayad tapos ako wala na nga, wala din kahit thank you man lang?

Babalik na sana ako't kakalimutan na lang ang lahat ng kalokohang ito. Hindi ko sya mapapaibig dahil mukha namang wala syang puso, pero napahinto ako ng may tumawag sakin.

"Ashley ija!" Paglingon ko yung nanay ni France. Masyado syang mabait kaya kakwestyon- kwestyon talaga yung ugali ng anak nya.

Lumapit ako dito.

"Good Evening po" Magalang na bati ko sabay yuko pa ng bahagya. Ngumiti lang ito at binuksan ang gate nila.

"Tuloy ka muna"

Syempre pumasok na ako.

Haha. Mukhang effective yung panliligaw ko dito. Bakit kay France wa-epek?

Maganda yung bahay nila. Malinis tignan.

Pinaupo ako nito sa sala nila.

"Dito ka na kumain"

Tumango na lang ako.

Inabot nito sakin yung remote ng tv nila.

"Manood ka muna, tatawagin ko lang si France" Sabay akyat nito ng hagdan papunta ng second floor. Nagkibit balikat ako..

Uuwi na lang sana ako ng bahay at kakalimutan yung punyetang deal na iyon pero since andito na ako sa loob ng bahay nila, let's see.

"Wala akong bisita nay" Narinig kong sabi ni France habang pababa sila ng nanay nya sa hagdan.

"Asikasuhin mo muna yung bisita mo at mag luluto ako. Dito sya kakain" Nang tuluyan na silang nakababa ay nagulat pa si France ng makita ako.

'Halimaw ka. Walang puso.' Gusto ko sanang sabihin sa kanya.

Nang nakaalis na ang nanay nya ay inis na tumingin na sya sa akin. Ah ganun? Bait baitan pag andyan yung nanay nya?

"At talagang dito ka pa kakain?" Kulang na lang ay idagdag nya yung 'kapal ng mukha' sa sinabi nyang iyon. Actually kahit hindi na nya iyon idagdag, hmmm naparamdam naman nya eh.

Pero who cares? Me? No. Actually natatawa pa nga ako. Ang taray taray eh mukhang 5'2 lang naman.

"Inaya ako ng nanay mo eh"

"Bakit?, bawal tumanggi?"

Tumango ako.

"Masamang tumanggi sa grasya" Nakangising sabi ko na dito. Inaasar sya. Kahit naman wala syang puso, siguradong may tendency syang mapikon. At yun ang target ko. Ang lagay lang ba eh sya lang ang natutuwa dito?

"Pero hindi masamang umiwas sa disgrasya diba?"

Alam ko yung ibig nyang sabihin pero walang epekto sakin yun. Parang baril na kinalabit yung gatilyo pero lighter lang pala. So yeah, not working shorty.

Kinuha nito sakin ang remote at nilipat ng channel.

"Wow wow wow" Pagprotesta ko sa channel na pinili nya.

"Bakit? Ayaw mo? Edi umuwi ka na"

Tinignan ko sya. Mukhang gusto talaga nya ang palabas sa tv at hindi nilagay doon para asarin lang ako.

Parang ang hirap lang paniwalaan na enjoy na enjoy sya sa spongebob squarepants, mukha kasing patayan yung mga pinapanuod nya. Yung may mga tortures na involve.

"Hahahahahahaha" Pagka ano'y tawa pa nya. Natulala ako. Ang ganda pala ng mukha nya pag masaya sya. At masarap pakinggan ang boses nya kapag nakatawa. Lagi kasi itong nakasigaw at nakabusangot.

"Oh problema mo?" Tanong nya kapagkuwan sa akin.

"Wala" Sabay tutok ko na ng atensyon sa tv.

Masakit na ang panga ko ng katatawa ng tawagin kami ng nanay ni France.

"Kain na tayo"

Pagpasok kusina'y napapikit ako. Hmmmm ang bango.

Tuwang tuwang kumain ako. Ilang buwan na akong hindi nakakakain ng lutong bahay.

Nasa probinsya kasi sila mama. Andoon silang lahat. Si Papa, si Mama, si Andy at si Atom. Ako ang panganay samin at simula ng mag 18 ako ay mag isa na akong nakatira sa bahay ko dito.

Madaming negosyo sila papa. May mga bahay din kami na nakalalat sa iba't- ibang lugar.

Actually rest house lang ni Papa yung bahay ko ngayon pero binigay na nito sakin ng sinabi ko ang plano ko. Noong una ay against sila nila mama dahil ayaw nila na humiwalay ako pero dahil matigas ang ulo ko, nasunod din ako.

Bata pa lang ako. Ako na ang nasusunod. Actually hindi naman talaga ako dapat sa public high school na iyon mag aaral pero ng sinabi sakin ni Isaac na doon sya mag aaral, ayun sinundan ko sya. Magkaibigan kasi kami simula grade 5 at ayaw kong lumayo dito. Lumipat kasi sila ng bahay dito. Kaya ayun, araw araw nag bya- byahe ako ng 1 hour para makapasok sa Melchor.

Akala nila papa ay susuko ako pero hindi. Nang malaman ko na may rest house dito si papa, hiningi ko na agad agad. 15 mins lang kasi ang byahe mula sa rest house na iyon papunta sa school. May pinasama lang syang isang driver. Isang cook. At isang mag lilinis ng bahay.

Nang mag 18 na ako. Nag simula na itong talyer ko sa tulong nila papa. Nakapagtake ako ng 2 years course ng automotive, yun ang pinaka susi sa pagkakaroon ko ng talyer. Bata pa lang kasi ako'y kinatutuwaan ko na yung mga screw driver ni Papa. Nakahiligan ko na hanggang sa pag laki ko. Natutuwa akong mag baklas at magkabit ng mga parts nun na para bang puzzle lang. Kaya ng magkaroon ako ng certificate ay sinimulan ko na agad yung pangarap kong talyer.

Pinaalis ko na din yung mga kasama ko sa bahay para sa privacy. Don't worry kasi bumalik lang sila sa probinsya. Doon naman talaga sila sa mansyon nag tratrabaho.

At ngayon na 20 na ako. Kilalang kilala na itong shop ko.

Umuuwi naman ako sa amin pag trip ko kasi medyo malapit lang din naman.

Hmmmm bigla ko tuloy namiss sila Mama.

"Masarap ba?" Tanong ng nanay ni France. Tumango tango naman ako.

"Masarap po" Sabi ko na dito pagkatapos kong malunok yung pagkain. I swear masarap talaga.

"Salamat nga pala sa pag hatid at sundo mo sa anak ko"

"Wala pong problema"

"Ikaw ba'y hindi nag aaral?"

"Tapos na po ako" Nakangiting sagot ko.

"Ilang taon ka na ba?"

"20 po"

"May trabaho ka na siguro" Nakangiting sabi nito.

"Opo hehe"

"Kainam na bata pala.. ay hindi ba nakaka abala ang pag hatid mo kay France?"

"Hindi naman po. Kaya naman na po nila doon" Nagulat ang nanay ni France sa tila walang pakialam na pagkakasabi ko nun.

"Baka tanggalin ka naman ng boss mo sa trabaho" May pag aalalang sabi nito.

"Hahaha hindi po. Imposible po yun"

"Ay ganoon ba? Mataas siguro ang posisyon mo kaya ganun" Tatango tangong sabi pa nito.

"Eh parang ganun na nga po"

"Eh ano bang posisyon mo?"

"Ako po yung may ari"

"May ari?" Gulat na tanong nito. Sanay na ako doon. Ganun talaga ang reaksyon ng mga tao pag nalalaman nilang 20 years old pa lang ako.

"Opo hehe"

"Tignan mo nga naman oh. Nakakabilib na bata ito" Tuwang tuwang sabi pa nito.

"Ano ba iyong business mo?" Halatang interesadong tanong nito.

"Pagawaan po ng mga kotse, motor.. ng mga sasakyan po. Talyer po sya. Nag re-repair kami. Nag re-remodel. Medyo malayo po dito" Sagot kong tinanguan nito.

"Kaya pala ang ganda ng kotse mo"

Nang matapos kumain ay tumayo na si France. Ni hindi man lang sya nagsalita kahit isang beses man lang kanina. Masyado naman nyang pinaparamdam na hindi ako welcome.

"Pwede ko po ba syang kausapin?" Tanong ko sa nanay ni France.

Image yan. Building image. At ang building image, parang building lego din. Kailangan patong patong. Mas madami mas maganda.

"Sige puntahan mo". Umakyat na din ako pagkatapos.

Hmmm

Alin kaya dito ang kwarto nya.

Mag de- deretso pa sana ako ng madaanan ko yung pinto na may spongebob sticker.

Hehehehe Favorite siguro talaga nya iyon. Parang hindi lang talaga kapani- paniwala. Sabagay.. Andoon si squidward haha yun kaugaling kaugali nya.

Kumatok muna ako.

"France?"

Walang sumagot sa kabila.

Kumatok ulit ako.

"France?"

Wala ulit sumagot.

Binuksan ko na yung pinto.

Hindi naka lock.

Maganda ang kwarto nito.

Kung tutuusin mas malaki pa iyon kaysa sa kwarto ko.

Nakita ko itong naka headset at nakaharap sa computer. Kaya naman pala hindi sumasagot eh.. hindi talaga nya ako maririnig dahil rinig na rinig ko hanggang dito yung ingay na galing sa headset sa tenga nya.

Nilapitan ko sya't kinalabit ko.

"Fran-"

Napapitlag ito sa pagkakaupo nya't sinamaan ako ng tingin pagkatapos.

"Bakit ka ba nanggugulat?!!"

"Kanina pa kita tinatawag eh"

"Ano pang ginagawa mo dito?." Mataray na tanong nito.

"Eh.. "

"Tsk! Uwi na.." Sabay talikod nya't mauupo na sana ng kalabitin ko ulit sya.

Huminga ako ng malalim.

It's now or never.

"Pwede bang makuha ang number mo?" Lakas loob na tanong ko dito. Para mo na ding hiningi yung kuko ng dragon sa lagay na yun. At baka di na din matupad ang plano naming magkakapatid na sa ancestral cemetery nila Mama kami ililibing pag namatay kami dahil mukhang ma c-crimate ako ng wala sa oras sa tinging binigay nito sakin.

Titig pala dahil halos hindi na ito kumukurap.

'Killing me softly with his song'

My version is: Killing me roughly with her stares.

"At aanhin mo ang number ko?" Mataray na tanong nito.

"Eh ano lang.."

"Ano?" Taas kilay na tanong nito.

"Para text text tayo".

Ganun naman yun diba? Unless nagagamit na palang pass yun sa Disneyland o naiipangbayad ng utang. Kaya ba nung gawing rabbit itong dragon sa harap ko?

"Tsk! Ayoko" Sabi nito. I'm not surprised if I'm being honest.

"Ang dimot mo naman." Siguro nga pwedeng pass yun sa Disneyland. OA makatanggi eh.

"Labas na"

"Bigay mo muna"

"Ayoko sabi eh!"

"Wag ka ngang sumigaw" Bawal ko dito.

"Bahay ko to! Kwarto ko! Kaya sisigaw ako kung gusto ko!"

"Sus! Gusto mo lang yatang halikan nanaman kita eh." Nakangising sabi ko.

"Eh-"

"Sige ka.. Nakakadalawang sigaw ka na" Pang aasar na banta ko pa.

"Bwist ka" Malumanay na sabi na nito't tinalikuran ako. Naupo na ulit sya sa upuan at hinarap ang computer nya.

Hayzz ano ba ito.

Bakit ang tigas tigas naman nya?

Bubuhusan kita ng kumukulong tubig dyan makita mo.

"Sunduin ulit kita bukas ah" Nasabi ko na lang bago nalaglag ang balikat ng makalipas na ang limang segundo pero no response pa din sya.

"Geh Good Night.. Labas na ako" Sabay talikod ko na dahil mukhang gustong gusto na talaga nyang umalis ako. Actually wala pala syang pakialam kung umalis ako. Titig na titig lang sya sa computer na akala mo'y may himala na nangyayari doon at ayaw nyang mapalagpas. Tsk hindi na nga sya halos kumukurap.

Palabas na sana ako ng kwarto nya ng mag salita sya.

"Thank you sa kanina.. Bye.. ingat ka" Awkward na sabi nya bago biglang tumingin sa computer nya.

'Thank you? Bwahahaha'

Nakangiting lumabas ako.

Dumeretso ako sa kusina para mag paalam sa nanay nya.

"Uhmmmm aalis na po ako"

"Sige hatid na kita"

At tulad nga ng sabi nya'y hinatid nya ako hanggang sa labas ng gate nila.

"Salamat ulit ah" Sabay himas nya sa braso ko. Medyo mabigat yung pagkakasabi nya nun. Parang may laman. May ibang meaning. Hindi ko lang gets. Pinagsawalang bahala ko na lang yun.

"Ok lang po. At syaka susunduin ko po ulit sya bukas, pwede po ba?" Nangiti sya sa tanong ko sabay tango.

"Hindi ba nakaka abala?" Biglang tanong nya. Balak pa yatang bawiin yung pagtango nya.

"Hindi naman po.. para hindi na din po sya mahirapang mag commute lalo na't hindi pa po magaling sugat nya."

"Oo nga eh, salamat talaga ija ah?"

"Wala pong anuman. Sige po ah?.. uwi na ako" Nakangiting lumabas ako ng gate nila. Ni lock naman agad iyon ng nanay ni France. Kumaway kaway pa ito sakin pagkatapos at kahit na madilim na, alam ko na nakangiti ulit ito.

Pasakay na sana ako ng mahagip ng mata ko na may nakasilip sa bintana sa taas. At kung hindi ako nagkakamali ay si France yun. Kwarto nya yun.

Hahahahaha.

Nakangiting kumaway ako sa bintana.

Bigla iyong sinara at umalis yung anino.

Whahahaha pasimple ka pa..

Susulyap din pala..

Nakangiting nag drive na ako pauwi.

-------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

453K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
Her Savior By M

Non-Fiction

1M 40K 65
ProfessorxStudent Story!!!
175K 9.9K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...