He's my "SEATMATE" and also m...

By lemycastillo

39.6K 816 106

Im Myla Jasmine Reyes, im a Personal Assistant of our CEO in Santos Company. And my Boss... was my seatmate a... More

Prologe
Seatmate C.1
Seatmate C.2
Seatmate C.3
Seatmate C.4
Seatmate C.5
Seatmate C.6
Seatmate C.7
Seatmate C.8
Seatmate C.9
Seatmate C.10
Seatmate C.11
Seatmate C.12
Seatmate C.13
Seatmate C.14
Seatmate C.15
Seatmate C.16
Seatmate C.17
Seatmate C.18
Seatmate C.19
Seatmate C.21
Seatmate C.22
Seatmate C.23
Seatmate C.24
Seatmate C.25
Seatmate C.26
Seatmate C.27
Seatmate C.28

Seatmate C.20

963 20 4
By lemycastillo

*****
Jasmine's POV

Lumipas ang mga oras, pagtambay at kwentuhan na lang ang nangyari samin ni Mark. Masarap kasama si Mark, kahit isang araw naramdaman ko ang pagiging comportable kasama siya. Nakalimutan kong ang ibang tao at mga bagay na laging sumasagi sa isip ko. Hapon na ng ihatid ako ni Mark sa bahay. Masyadong napasarap ang kwentuhan namin at pag iikot sa bahay niya.

"Mark, thank you sa paghatid huh, naabala pa kita. Sabi ko naman sayo magtataxi nalang ako." nahihiyang nakatingin sa kanya. Nasa harap na kami ng bahay namin

"Ano ka ba, ako kaya ang nagdala sayo dun. Tsaka gaya ng sabi ko kanina hindi madaling kumuha ng taxi." nakangiteng sabi nito at ginulo ang buhok ko.

"Ei! Nagugulo ang buhok ko. " suway ko dito na parang naiilang at agad tinapik ang kamay nya.

"Aray! Tsk! Ang arte. E kanina nga ng gulo-gulo na yan di kana gagalit. At may uhog pa noon ang mukha mo di mo pinapansin. Tapos ngaun? Graveh siya." at umasta siya naparang nagagalit. Napangite na lang ako at napahinga ng malalim. Okey na talaga ako, pagkasama ko tong lalaking to pakiramdam ko hindi valid ang maging malungkot.

"Ah basta. Sorry huh." tapik ko sa balikat nito t nakangiteng tumingin sakanya.

"Ayoko di ko tinatanggap ang sorry mo, nasaktan na ako." agad itong umirap sakin kasabay ng pagcross-arms. Graveh ang arte.

"Ayy kapal ng mukha. Anong akala mo, nagsosory ako dahil tinapik kita? Ulol! Nagsososorry ako kasi naabala pa kita sa nangyari sakin. Nasaktan. Nasaktan. Lol!" irap ko naman dito at napangite nalang.

"Ang sama talaga ng ugali mo ano? Ikaw na nga itong nanakit! Ikaw pa tong may ganang--- Hayss! Tsk! Kahit na! Hindi ko parin tatanggapin ang sorry mo kahit para saan man yun. Magsosorry ka na nga lang ganyan ka pa." nakataas na kilay na sabi nya. Kalah mo siya ang babae, makapagdamdam.

"Oh edi wag! Hindi naman kita pinipilit na tanggapin un. Sinasabi ko lang, nang alam mo! Kapal mo huh! At thank you din.." mataray na sabi ko. Nakakatuwang isipin na ganito na ako kasigla at parang hindi ako nalungkot kanina.

"Hindi ko tinatanggap." sabi nya na parang natataray na lalaki. Ang sama! Hindi bagay!

"May sinabi ba akong tanggapin mo!?" bara ko naman at agad inirapan niya ako.
" Umayos ka nga! Seryoso to! Sasapakin kita pag di ka umayos!" panakot ko naman at agad siyang iniharap.

"Talo ka! Ikaw sumuko!" pitik niya sa ilong ko at nakangiteng aso. Sabi ko na nga ba ee, ang arte kasi.

"Aray! Ou na talo na ako. Tss! Para kang bata. Makinig ka na lang sa sasabihin ko." pag-iiba ko naman sa usapan at agad nagseryoso

"Ou na sige na. Oh anong kwento? Siguraduhin mong trending yan ha." Taas kilay naman niyang sabi at agad siyang umayos at tumingin sakin.

" Thank you..." hindi ko pa naiituloy ay biglang.

"Pangatlong beses na yan." agad ko naman siyang tinapik sa noo.

" Makinig lang sabi! May sinabi na ba akong umimik ka?" pagtataray ko. Kulet talaga ng taong to. Hirap.kausap.

"Aray! Bakit mo ko tinapik!? Ang sakit kaya! Ganyan ka ba magthank you? Graveh. Sige na wag na. Okey na ako." hawak hawak ang noo na sabi niya sakin at napapangiwi nalang.

"Sige sa bawat sabat mo. Tapik sa parte ng mukha mo ang gagawin ko." paalala ko naman na di inaalis ang tingin.

"Para namang ang daming pwedeng tapikin sa mukha ko. Bukod sa noo at dalawang pisngi." irap nito sakin at agad kong tinapik sa mata.

"A-raaay! Sh*t!" sigaw nito at agad tinakpan ang mata. "Nak ng!? Para san naman yun!? Jasmina nakakarami kana ha! Nakakasakit ka na." paalala niya sakin habang binabalaan ako ng daliri nito.

"Ang arte! Nang malaman mo na di lang noo at pisnge ang pwedeng tapikin. Kaya makinig ka lang kung ayaw mong umuwi ka na mapula ang buong mukha mo." panakot ko naman agad sakanya. Batas to mga men!

"Ou na! Para namang may magagawa ako pag nananakit ka na.." sagot niya na hudyat ng pagkatalo. See? Takot yan sakin.

" Good." maikli kong sagot at tumingin lang to ng ayos sakin.
"Thank you kasi nanatili ka sq tabi ko at pinakinggan ang kwento ko, inintindi mo ko kahit na nasampal pa kita. Kahit na itinataboy kita, hindi ka parin umalis. Thank you Mark huh, kasi ikaw yung unang tao na nasabihan ko ng tungkol dun, tungkol sakin, tungkol sa nakasakit kong nakaraan. Thank you for for being the first person comforts me and for always accommodating me sa lahat ng bagay. Thank you." nakangiteng sabi ko at nahihiyang tinapik ang balikat nito. Nakatingin lang ito sakin at di gumagawa ng reaksyon. Agad naman akong napakunot.

"Y-Yan lang ba ang isasagot mo?" nagtataka kong tanong. Epic ba ung pagthathank you ko?

"Tapos ka na? Pwede na ba akong umimik?" sabi nya sa seryosong tuno. Agad naman akong napasibangot.

"Mark naman ee! Seryoso naman ako, tapos babanatan mo ng ganyan. Wag na nga! Sige naumuwi kana." parang batang nagtatampo na sabi ko at agad nagpout.

"Bakit? Seryoso din naman ako ah! Sabi mo wag akong iimik kaya di ako agad nagsasalita. Ayoko kayang matapik na naman ng mapanakit mong kamay." sabi nya na parang wala akong seryosong sinabi. Abnormal talaga ng ugok na lalaking to. Basag eksena! Bwesit!

"Ayy ewan! Umuwi ka na nga. Wala ka talagang kwentang kausap." pagtataboy ko at tatalikod na sana ako ng biglang..

"Jowk lang! Grabeh siya. Ang pikonin mo talaga. Ang galing galing mong mang-aasar, tapos pag ikaw naman ang inasar, pikon ka naman." sabi nya na hawak ang dalawang gilid ng braso ko.

"Ee kasi naman ikaw.." sabi ko na nagpout pa. Para kaming magjowanh hilaw. Lol!

"Tumigil ka na! Ikaw naman ang makinig. Pag ikaw naman ang sumabat sakin, ililibre mo ko ng recess. Sa dami ng salita na sinabi mo, un ang bilang ng araw na kailangan ililibre mo ako." Bossy na sabi nito.

"Graveh siya. Sobra naman ata un!" Tila may pagkabigla kong sagot. Abay may plano pang gawin akong feeder nya.

"Un! 'Graveh-siya-sobra-naman-ata-un'" ulit nya sa sinabi ko habang binibilang pa.
"Oh, anim na araw mo kong ililibre kaya simulan mu na bukas." sabi nya sakin na pinakita pa ung dami ng salita na sinabi ko.

"P-pe--" at di pa ko natatapos ...

"Ooooh?" sabi nya na parang iniintay ang sasabihin ko. Agad ko naman kinupit ang bibig ko.

"Good." sabi nya na katulad sa tuno ng pagkakasabi ko kanina. Manggagaya talaga to. Walang originality! Pirated! Pshhh.

" Jasmina.." panimula niya. Jasmina talaga? Bakit pa ttip na trip nitong tawagin ako noon! Kala mo manang lang ah. Ganda kaya ng name ko parang prinsesa ng mga serena. Bwesit!

" Jaminang mapang-nakit, Kahit na lagi mo kong sinasaktan ng napakamapanakit mong kamay at paa." Sabi niya na seryosong seryoso pa. Hindi ko alam kung maganda ba talaga ung isasagot niya sakin o talaga lang masama ung simula nya. Nakakainis huh. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Maniwala ka man o sa hindi, e napaka swerte mo dahil sa gwapo kong to pumayag akong basain mo ang damit ko ng uhog at sipon mo. Wala pang sinumang gumagawa noon maliban nalang sayo." Aba't talgang-- Nak ng! Hindi talaga maganda ang sagot niya dahil talagang masama simula at matapos! Gusto ko ng umimik ng bigla niyang..
"Oh wag ka ng magreact dahil madadagdagan lang utang mo sakin. Pero kahit na ganun ka kababoy at kasama mong umiyak. Nandito lang ako para sayo, gusto kitang tulungan. Gusto kitang iapreciate dahil sa katangian mo. Hindi mo deserve ung ginagawa ni Samantha kaya ako na lang ang magaapreciate sayo. Tutulungan kitang iapreciate ng ubang taong umaabuso sayo. Jasmine, you're the must understanding, and kind hearted person I have ever seen maliban kay Kuya, pero hindi siya included. Kasi naniniwala ako si Kuya ang pinaka may goodness sa lahat. Mapalabas o loob. Sayo kasi loob lang. Sa labas mapanakit na, pero kahit na ganun, gusto kong makatulong sayo. You deserve goodness, so im here to show it and make you feel na may nagpapahalag sayo katulad ng pagpapahalaga mo sa kaibigan mong un.." Nakangeting sabi nya na agad nagpangite sakin. Kumag na to. Daming alam! Kahit nakakainis ibang klase parin talaga pagmagpapataba ng puso. Bwesit!.'

"At kasama narin dun ung ayaw ko ng makitang umiiyak ka, dahil bukod sa ang pangit-pangit mo na nga lalo ka pang pumapangit kapag umiiyak ka lalo na pag inuuhog ka at lumalabas na ung sipon mo. Eww! Nakakadiri. Kaya pag-iiyak ka magdadala ako ng basahan para sayo." Ang sweet talaga ng kumag na lalaking to! Paki diinan ha!

" Kahit talaga kelan ang sweet mo ano? Okey na sana ung tula mo. Maiiyak na nga sana ako binanatan mo lang ng ganun. Kainis ka talaga. Ang lakas mang -asar lang. Ang sama mo talaga!" Agad kong suntok sa tagiliran nya.

"Aray. Buti napansin mong sweet ako. Ikaw lang naman tong bato satin dalawang manglambing. Tsaka ginawa ko un dahil kita ko ng maiiyak ka. Di pa to nagthank you. Pinigilan ko na nga, ayokong magkaeksena tayo sa gilad ng daan tama na ung sa kakahuyan mo na lang inilalabas ung kapangitan ng pagiyak mo. Ayoko din makita ng iba baka sabihin pinapaiyak kita. Isipin pa nilang binusted kita. Pss" Ayy sobra talaga ang hangin ng kupal na to.

"Lakas talaga ng hangin mo sa katawan ano? Ilabas mo yan masama yan. Lakas magjowk. Nakakatawa ka, last mo na yan pwede? Waley naman. Wag kang mag-aalala! Next time mag-dadala na ako ng unan ng un na lang ang iyakan ko! Hiyang-hiya ako sa basahan na ipapahid mo sa mukha ko. Baka sabihin mo ang dumi kong umiyak.." irap ko dito na parang napipikon.

"Kahit kelan ang sarap mo talagang asarin. Kahit papaano nagiging cute ka." sagot naman niya na natatawa pa ang ugok.

"Ah ganun? Gumaganda ako pag galit ako?"asar kong sabi sakanya

"Kahit kelan ag bobo mo talaga. Sabi ko 'cute' hindi 'maganda'. Ang pangit mo na nga binge ka pa. Kawawa ka naman." At napangiwi nalang ako sa sinabi niya. Lakas talagang mangasar. Nagiinit bunbunan ko. Ou na! Ako na ung mahina sa pikunan. Like haleer!? Babae parin po ako! Sa pananakit na nga lang ako nakakabawi.

"Bakit ba tuwang tuwa kag asarin ako!? Dahil ba wala kang maasar na iba?" sagot ko naman na nagtatabingi ang nguso.

"Hindi! Kasi lagi kang pikon kaya lagi kitang natatalo! Masarap kayang manalo lalo na sakatulad mong pikon." agad niyang pinitik ang ilong ko at sabay takbo sa kotse niya.

"Aray!" sigaw ko at maluhaluha kong hinawakan ang napakatangos kong ilong! Ang sakit! Agad ko siyang hinabol pero agad siyang nakasakay sa kotse niya at inilock un.
" Mark! Buksan mo to sasapakin kita! Ang sakit nun!" hampas ko sa bintana ng kotse niya na kasalukuyang nakasara.

"Ayoko.." sabi nya at dinidilaan pa ko ng kumag.

"Mark! Isa babasagin ko yang bubug ng kotse mo!" sigaw ko at inis na inis na. Ang sakit ng ilong ko. Huhuhu ang lakas naman kasi nung pitik niya. Parang di babae ung pinitik niya! Sensitive po kaya ako, baka hindi niya alam!

" Ayoko nga. Ung ilong mo kasi nangangamatis na!." iling nito at nangaasar pang nakangite.

"Ah ganun huh! Anong akala mo sa ilong ko!? Na ano un!? Arrgh! Nakakadiri ka talaga!" Sigaw ko at gigil na gigil siyang tiningnan.

"Hahahaha. Naisip mo un!?"at tumawa siya ng napakalakas! Arrgghhh! Nakakainis siya!

"Ah ganun!? Patay ka sakin!" agad akong humanap ng malapit na bato at nang binuhat ko iyon ay agad umandar ang kotse ng gago palayo. Arggghh!!

"MAARRRKKK!" naiinis kong sigaw at nagpapadyak pa habag hawak ang bato kong kinuha at biglang tumigil ang kotse nito at nakita kong bumakas ang bintana at sumilip.

"Ingat ka! Wag ka ng magdadrama jan! Malagkit sipon mo! Maawa ka sa telang babasain mo!" sigaw niya at malakas na tumawa.

"Arggghhh! Markkk! Patay ka sakin!" At akamang hahabulin ko sana pero muli itong umandar. Naibato ko na lang ang bato kong hawak sa inis. Bwesit talagang mang-asar un. Nakakapikon.

Kung hindi niyo po nagets ung 'ano' na sinasabi ko. Sabi kasi ng kupal na un. Nagkakamatis daw ung ilong ko! At sa di sinasadya ung 'ano' lang naman ng lalaki ang nagkakamatis pag bagong tuli. Oh! Nagets niyo na!? Ou! Kaya nakakainis! Bastusin ang bibig!

*****
Kinabukasan...

Naisipan kong magpatanghale na lang ng pasok. 6:45 kasi ang time nina Beasty sa review class nila. Maganda na yung pagpumasok ako ee nasa review class na siya ng hindi kami magkita. Hindi pa ako handa para harapin siya. Nahihiya ako sa nangyari. Napahiya siya dahil sakin. Kasalanan ko parin, kahit nakapag-usap na kami ni mark kahapon at alam kong tama siya. Hindi parin nawawala sakin ung guilty na nararamdaman ko. Malaki ung utang na loob ko sa kanila. Kaya kulang ang habang buhay na pagtanaw ng utang na loob ko sa kanila nun. Nang pumasok ako marami na ring studyate at saktong 7:00 ako nakarating sa school kaya sigurado akong hindi ko makikita si Beasty. Hindi nga pala ako sinundo ni Markaryong ugok na yun ngayon dahil 'daw' may pupuntahan pa daw siyang importanteng ewan. Bahala nga siya. Business chuchu niya un. If i know! Takot lang dahil baka masapak ko siya dahil sa pang-aaway niya sa ilong ko at sa pangiinsulto na katulad ng bagong tuli na nagkamatis ang ilong ko! Tss! Akala niya makakalimutan ko un! Patay siya sakin. Baa
Babawian ko siya!

Naglalakad na ako sa corridor namin papuntang room ng biglang..

"Jasmine!.." rinig kong tawag sakin na nagresulta ng pagharap ko. Pero tila nanlamig ako at nanlaki ang mata ng makita agad kong sino.

"B-be-beasty?"
------------
Edited na po!!!

Thank you for reading guiz! Vote and leave your comment/s!
Sana nagustuhan niyo ang chapter na to. Subay bayan po natin ang mangyayari sa #MaIne♥♥♥

For more info: (char! Pero guis tunay to)

Please do follow me here:

In wattpad: @lemycastillo

In twitter: @castillomyel

In snapchat: @lemycastillo

In instagram: @lemycastillo2206

Also like my Facebook Page ☞ Lemy Castillo- MissA

Wait for the next update...

Love. missA

Continue Reading

You'll Also Like

162K 10.9K 125
Disclaimer: I do not own this story, this is just and heavily edited MTL. Full title: Stockpiling Supplies and Raising a Child in the Post-Apocalypti...
6.1M 47.5K 56
Welcome to The Wattpad HQ Community Happenings story! We are so glad you're part of our global community. This is the place for readers and writers...
48.8K 1K 23
Isang groupo Ng kalalakihan na tagapag mana Ng ari-arian Ng mga magulang nito at groupo Ng kababaihan na anak Ng mayayamang political at may Isang da...
30.1K 2.9K 38
ត្រឹមជាក្មេងប្រុសថ្លង់ស្ដាប់មិនឮម្នាក់ អាចធ្វើឲ្យបុរសមានអំណាចធ្លាក់ចូលក្នុងអន្លង់ស្នេហ៍បានយ៉ាងងាយ... 5.30.24❤️