She's my brat boss [COMPLETED]

By omyerika

95.6K 1.9K 65

Naranasan mo na bang mainlove sa taong masungit, gusto palaging magisa, maarte, gusto palagi sya yung nasusun... More

She's my brat boss
#SMBB_1
#SMBB_2
#SMBB_3
#SMBB_4
#SMBB_5
#SMBB_6
#SMBB_7
#SMBB_8
#SMBB_9
#SMBB_10
#SMBB_11
#SMBB_12
#SMBB_13
#SMBB_15
#SMBB_16
#SMBB_17
#SMBB_18
#SMBB_19
#SMBB_20
#SMBB_21
#SMBB_22
#SMBB_23
#SMBB_24
#SMBB_25
#SMBB_26
#SMBB_27
#SMBB_28
#SMBB_29
#SMBB_30
#SMBB_31
#SMBB_32
#SMBB_33
#SMBB_34
#SMBB_35
#SMBB_36
#SMBB_37
#SMBB_38
#SMBB_39
#SMBB_40
#SMBB_41
#SMBB_42
#SMBB_43
#SMBB_44
#SMBB_45
#SMBB_46
#SMBB_47
#SMBB_48
EPILOGUE

#SMBB_14

1.7K 37 2
By omyerika

Kiel's POV.

"I can't believe you did that, Cherry" sabi ko habang nagdadrive sya.

Aish! Hindi ba naman ako makapaniwala sa ginawa nya kanina! MUNTIKAN NA NYANG MABANGGA SI VANESSA! Langya.. Ano bang gusto netong mangyari? Hindi naman ganun kaliit si Vanessa para hindi nya makita!

"It's not my fault Kiel na paharang harang sya sa daanan!" pasigaw nyang sabi kaya naman nagulat ako dahil ngayon lang sya nagsalita at nagaakto ng ganyan.

"You're lucky enough that she didn't got hurt or else-- CHERRY!"" Bigla naman akong napasigaw nung may biglang dumaan na aso sa daan. Hibang ba toh?! Gusto pa ata nyang sagasaan yung aso eh! Buti nalang kinuha ko yung manibela agad kundi pareparehas kaming tatlo kasama yung aso na patay na "GUSTO MO BANG MAGPAKAMATAY AT PUMATAY?!"

"OR ELSE WHAT?!" napatingin naman ako sakanya na may pagkagulat.

"Or else baka matanggal ka pa sa trabaho mo"

"Tsss. Okay lang dun naman sya magaling eh"sabi nya at umirap pa tapos pinaandar na yung kotse. 

What the?! Ano bang problema neto?! At pati si Vanessa dinadamay nya.

Magsasalita na sana ulit ako ng bigla ulit syang nagbreak ng malakas.

"ANO BA?!" narealize ko naman kaya sya huminto dahil andito na kami sa tapat ng school ni Kath "Maguusap tayo mamaya" seryosong sabi ko bago bumaba ng kotse.

Sheez. Mamaya talaga maguusap kami nung babaeng yun. Ano kayang nangyayari dun?! Baka nasapian. O baka naman meron sya ngayon . Aish kahit meron man o wala sya ngayon, dapat hindi nya parin ginanoon si Vanessa! Kitang kita naman na nandoon si Vanessa bigla bigla syang nagpaandar! Argh! Wala naman ginagawa masama sakanya si Vanessa, ay wait...

WALA PA NAMAN.

At dahil sa ginawa nya, mukhang magkakaroon na. Tsk.

"Kuya!" napansin ko nalang na andito na pala si Kath sa tabi ko pero hindi lang sya ang napansin ko.

"Hi po!" sabi nung kaibigan nyang si Julia, ngumiti nalang ako at kumaway din.

"Bye na Kath, alis na kami. Byers! Ikaw Vencee? Wala ka pa bang balak?" sabi nung isa nya pang kaibigan na bakla, si Miguel at nagpaalam na saamin. Tinignan ko naman yung naiwan sa likod ni Kath.

"Hi Kie-- I mean Kuya Kiel" at kumaway saakin. Teka sumingkit yung mga mata ko at tumingin kay Vencee pabalik dito sa kapatid ko.

"Ahhh. Kuya. Kilala mo naman sya diba? Si Vencee yung kapatid ng boss mo. Nakita nya kasi akong maraming dala eh kaya tinulungan nya na ako" pagpapaliwanag ni Kath saakin at tumango nalang ako.

"Hi Vencee. Sabay ka na saamin, gusto mo?" yaya ko sakanya kasi sa pagkakaalam ko, grounded sya sa pag gamit ng kotse nya.

"Ahh. No thanks, Kuya Kiel. Andyan pa naman yung mga kaibigan ko para ihatid ako eh" tumango nalang ako sa sinabi nya.

Ayoko ngang pilitin sya hindi naman kasi ako yung driver eh.

"Sige. Ingat nalang. Sa sunday ah."

"Sige. Bye Kuya. Bye Kath" sabi nya sabay takbo nagwave naman pabalik si Kath with matching smile pa yan kahit hindi nakikita ni Vencee.

I smell something fishy.

Tumingin naman ulit saakin si Kath pagkatapos nyang magwave dun "What?"

"Tss. Hindi mapigilan ang ngiti?" pangaasar ko sakanya pero umirap lang sya at tumakbo na papunta sa kotse ni Cherry.

Andito na kami sa labas ng bahay, kaming dalawa ni Cherry pero si Kath andun sa loob nagluluto. Tiningnan ko si Cherry pero kung saan saan sya tumitingin.

"Oh" sabi ko at inabot sakanya yung handkerchief ko kasi naman todo pawis nya, hindi naman ganun kainet. Jusko.

Hindi sya nagsalita pero kinuha nya parin yun at pinunasan yung ulo nya.

"Ano ba kasing pumasok dyan sa kokote mo at ginawa mo yun?"

"Aish! Yan nanaman yung topic? Eh diba nga sinabi ko na sainyo na HINDI. KO. SINASADYA. Mahirap ba paniwalaan yun?!" tinignan ko lang sya after what she talked.

Ngayon ko lang nakitang bumulyaw si Cherry, yung pagalit madalas kai sumisigaw sya dahil masaya sya at pag galit naman sya tahimik lang sa isang tabi.

Nakakapanibago..

"Chill ka lang para kang mangangain sa facial expression mo eh" Kumalma muna sya at tumingin ulit saakin pero nakakunot na yung noo. Anong klaseng kalma yun?!

"Hindi ko sinasadya" sabi nya ng may pagkadiin. Tumahimik lang ako at nakipagtitigan sakanya pero ilang minuto pa ang nakalipas bigla syang tumalikod tapos pumasok na sa kotse nya. "Kung ayaw mong maniwala edi wag. Sya naman palagi mong pinaniniwalaan eh"

Narinig kong sabi nya at napapunta ako sa side ng kotse nya.

"Hoy Cherry! BABA! Magusap nga tayo!" sabi ko sabay hampas ng dun sa bintana. Tumabi muna ako ng maramdaman kong lalabas sya sa kotse nya.

"Ano nanaman?"

"Ano bang kinakaputok ng butsi mo? At pinagiinitan mo ngayon si Vanessa?!" sigaw ko sakanya at dun na sya unti unting lumuha pero nakakunot parin yung noo nya.

"Tinatanong mo kung anong kinakaputok ng butsi ko dun sa babaeng yun. Ha?! Ha?! DAHIL INAAGAW NYA SAAKIN YUNG BESTFRIEND KO! YUNG BESTFRIEND KONG SINABI NYA PAGNAKITA NA DAW NYA YUNG MAHAL NYA WALANG MAGBABAGO, HINDI NYA PA RIN AKO PAGPAPALIT! PERO ANO NANGYARI?! KABALIGTARAN,BAL! MYGOODNESS!"

"Cher--"

"Masakit Kiel. Umasa akong walang magbabago. Naging kampante ako kaya hinayaan kitang mahalin sya kasi alam kong hindi mo parin pababayaan yung friendship natin. Hindi mo parin ako pababayaan but it turned out that I was wrong. You lied. You didn't keep your promise" sabi nya at pumasok na ulit sa kotse nya mabilis itong pinaandar paalis. Ako naman naiwan dito na napatulala.

Ganun na ba ako kasamang kaibigan? Na pati bestfriend ko nasasaktan sa ginagawa ko.

Pagkapasok ko sa bahay si Kath naman yung nakatingin saakin na may kahulugan.

"Bakit?"

"First time ah. Si Ate Cherry yung nagwalk out hindi ikaw" sabi nya at napairap nalang ako sa sinabi ng kapatid ko. Kasi naman every time nagaaway kami ni Cherry, calm lang sya pero paiyak na at dahil dun magwawalkout ako kasi ayokong nakikita syang umiiyak "Dati si Ma'am Vanessa yung kaaway mo ngayon si Ate Cherry naman. Nako nako kuya, two timer ka talaga"

"Kumain ka nalang dyan Kath"

"Sabi ko nga kakain nalang ako" sabi ni Kath at sumubo na ng pagkain. "Ay nga pala kuya, kanino yung paperbag na yun? Para saakin ba yun?" at tinuro yung paper bag na nasa may upuan sa sala.

"Hindi"

"Ayy sayang naman. Edi para kanino?" 

"Basta"

Kinabukasan. Maaga akong gumising para maabutan ko pa si Vanessa sa bahay nila at exakto!!

BEEEEEPP

"Vanessa!" hingal kong tawag sakanya dito habang nakaharang sa kotse nya na hingal na hingal.

Paano ba naman tinakbo ko lang toh mula dun sa entrance ng subdivision nila hanggang dito bahay nya. Eh wala kasi akong pambayad sa taxi ngayon eh, kailangan magtipid atsaka good for the healt na rin toh noh!

"Are you our of your mind?!" padabog na sinara nya yung kotse at pumunta saakin "You nearly kill yourself! Gosh!"

"Tss hindi yan! Malakas toh noh!"

"Tsk. Why are you here ba?!"

"Hinahanap ka malamang" sabi ko at nakita ko naman na sumimangot yung mukha nya ngumiti nalang ako at binigay ko naman sakanya yung talagang pinunta ko dito.

"Really? Ah! This can't wait until we see each other in the office huh?" Sarcastic niyang sabi. Ngumiti nalang ako at nagpeace sign,  "Tss you're really are a loony. Psh" sabi sabay irap at pumasok na sa kotse nya.

Pinaandar ito at umalis na.

Dialing: Brat boss

[What?]

"Hindi mo man lang ako papasakayin?"

[Tsss]

Toootttt

Walanghiya talaga yung babaeng yun. Hindi ba naman nakita yung effort kong pumunta dito NG WALANG SASAKYAN tapos hindi pa ako pinasakay, eh parehas lang naman kami ng pupuntahan. Tsss.

Naglakad na ulit ako palabas dito sa subdivision. Wala kasing tricycle dito eh! Sabagay puro mga rk yung nakatira dito eh. Tss.

Habang naglalakad ako biglang may pumatak na tubig sa kamay ko. Hala? Umiiyak ba ako? Haha sabagay masakit nga naman yung ginawa nya haha pero joke lang hindi ako umiiyak noh!

Yung langit yung umiiyak para saakin hahahahuhuhu. 

Umuulan na. Palakas ng palakas yung buhos neto sa bawat tapak ko sakit ang nararamdaman ko hahaha magkakasakit ata ako neto eh.

Beeeeeppppp Beeeeepppp

May biglang dumaan na kotse, dumaan na nga nangbasa ba. Aba grabe sya oh? May tao dito! Tsss pero bigla syang huminto sa harap ko at biglang may bumaba sa shot gun seat.

"Kuya Kiel"

Si Vencee pala akala ko naman kung sino. Pinayungan nya ako at pumasok kami sa kotse.

"Really Kiel? Why didn't you waited for me at my house? Babalikan naman kita eh. I just fetched Vencee from their house" sabi ni Vanessa saakin at hinagis yung tuwalya dito sa likuran.

"Grabe. Thank you ah" bibigyan na nga lang ako ng twulya, pahagis pa ah. Amp. Pero ano daw? Nuks naman may pagkamaalalahanin ata tong si Vanessa haha.

"You mean, our house. It's still your home, ate"

"Tsss. Whatever, Vencee" tahimik lang buong byahe at ang lamigggg!! Bigla naman hininahan ni Vanessa yung aircon baka nakita nya na nilalamig na.

A--Aish, wala yun pake kung nilalamig ako noh baka sya din nilalamig.

Nung nakababa na si Vencee mas tumahimik yung atmosphere naming dalawa ni Vanessa, yung pagsinga ko lang yung gumagawa ng ingay. Tsk hindi ata ako makakapaglaro ng basketball sa darating sa linggo eh, mukhang magkakasakit ako.

Nung nasa opisina na ako, hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko tapos hindi pa pumasok si bal dahil baha na sakanila, ang lakas kasi ng ulan eh.

Sana nga lang totoo yung dahilan nya, baka kasi ayaw lang nyang pumasok dahil saakin eh. *sigh* Oo na, ako na talaga ang may kasalanan, dapat mas pinaority ko sya kasi sya yung nagging kadamay ko sa buong buhay ko sya yung palaging andyan para saakin pero pinagpalit ko lang sya ng ganun ganun nalang .

"ARGH!" sigaw ko kasi ang sakit talaga ng ulo ko. Tsk hindi ako makapagconcentrate talaga sa trabaho ko.

Tok tok tok

"Come... In"

"Goodmorning Engineer Lucas. Ms. Alvarez said you can have your day off" sabi ni Rose saakin at may binigay na letter na nagsasabing pwede akong magday off ngayon. Napakunot naman ako ng noo dun, anong nahithit nun at pinayagan akong magday off? "And she would also like to give you this"

Binigay nya saakin yung isang kape na galing pa sa starbucks, sosyal tsk at isang biogesic na gamot para sa sakit ng ulo.

"Goodmorning Sir Kiel." tawag saakin ni Melissa.

"Oh. Hi Melissa"

"Aalis na po kayo?" tumango nalang ako sa tanong nya "Hala, papayagan kaya kayo ni boss?"

"Sya nga yung nagsabi na day off ko muna daw ngayon e--"

"O-MY-GOSH. Himala" sabi nya habang soot soot yung nakakagulat na itsura nya hahaha para syang ewan.

Sabagay hindi nga naman kapanipaniwala yung ginawa ni Vanessa madalas kasi kahit may sakit na yung tauhan nya hindi nya paipagdedayoff eh pwera nalang kung sobrang lala na ito.

"Mukhang nagkakaroon na sya ng puso" singit ni Jeremy kaya naman napatawa kami ni Melissa dun. "Gusto mo bang ihatid na kita sa bahay nyo? Break ko naman ngayon eh".

"Sige lang" sabi ko at nagpaalam na sa iba. Ng makarating naman kami sa lobby agad agad bunungad saakin ang sigaw ni...

"HI KIEL!!!" Si Maddison. Ano kayang ginagawa neto dito? "Omyg? You look pale! Are you sick?" sabi nya at nilagay sa leeg at noo ko yung kamay nya.

"No." sabi ko sabay layo nung sarili ko sakanya.

"Tsk. I'll drive you home" sabi nya sabay hatak saakin pero kinuha ko agad yung kamay ko.

"Si Jeremy na. Baka nakakaabala pa ako sa--"

"No. Ano ka ba! Kahit kailan hindi ka nakakaabala saakin noh" bigla naman akong sinukuan ni Jeremy sa sinabi ni Maddi pagkakita ko sa mukha nya ayun nakangiting pangaasar.

Oh please. Kahit ano pang sweet ang sinabi neto, hindi parin sya ang gusto ko.

"Maddi" sabi ko sabay tingin sakanya "Si Jeremy nalang"

"NO! I INSIST! AND WHEN I'M THE ONE WHO INSIST NO ONE CAN EVER  RESIST! UNDERSTAND THAT KIEL?!" bigla naman syang nagging amazona dito sa lobby. Lahat tuloy ng trabahador dito nakatingin na saamin.

Great!. Parehas talaga sila ni Vanessa gusto sakanila lahat ng attention. Psh

"But he just resist" may biglang nagsalita.

Hala. Si Vanessa. Napalunok ako pero ang hirap pala lumunok pag may ubo at sipon ka huhuhu

Nangangamoy away nanaman toh.

"Uhmm Maddi. I think you should go now"

"NO! Didn't you heard me Vanessa. NO ONE CAN SAY NO TO ME?!"

"And...He just said no. Poor girl." formal nasabi ni Vanessa pero sa pagkakasabi palang nyang yun brat na brat na yung itsura nya.

"Uhmm. Girls..." Ha.Ha pati si Jeremy namomoblema na rin.

"Oh please Vanessa! Wag ka ngang mangielam!"

"But I just did. Now. GET OUT OF MY BUILDING, IF YOU DON'T WANT ME TO PULL YOUR HAIR JUST TO THROW YOU OUTSIDE!!" sabi nya.

Kung si Maddi parang amazona kanina eto namang si Vanessa parang balyena sa lakas ng boses! Hue grabe tong babaeng toh!

Seryoso nakalunok ata toh ng megaphone eh. Hindi lang isa kundi tatlo. Jusmiyo marimar, Basag na ata eardrums ko eh.

Umalis na agad si Maddi sa sinabi ni Vanessa,pagkatapos nun tumingin si Vanessa sa paligid nya kaya lahat nung mga trabahador kaninang andito nagsitakbuhan na sa kanikanilang trabaho. Yan mga chismoso at chismosa kasi hahaha.

Tumingin naman si Vanessa saakin ng nakakunot yung noo. Nagsmile lang ako sakanya na medyo kabado pa.

"Tsk. Wag ka na ngang bumalik dito Lucas! Umagang umaga palang may lumalandi na sayo" sabi nya sabay alis na inis na inis yung tipong wala ng tumatabi sakanya lahat nagsisitakbuhan palayo baka kasi mapano sila sa kumukulong ulo--ay katawan pala ni Vanessa.

"Wohh..Somebody is jealous!!" sabi ni Jeremy sabay tapik sa balikat ko "HAHAHAHAHA. Nagbago na talaga si ma'am"

"He. He. He. Psh hatid mo nalang ako, mas maganda pa yun" sabi ko sabay lakad na papunta sa sasakyan nya

"Pero, Kiel. Sinasabi ko lang sayo. Tingnan mo yung taong palaging andyan para sayo. Wag mong ipagsiksikan yung sarili mo sa taong wala naman pake sayo" sabi niya at binigyan ko naman sya ng weird look. 

Anong pinagsasabi neto?

"Alam ko yun. Hindi naman ako tanga"

"ASDFGHJKL" may binulong pa sya kaso nga lang hindi ko marinig.

Hala sino kayang kausap neto? Haish, hayaan na nga. Bakit ba parang halos lahat ng taong kilala ko ngayon may problema? Ano toh, Problem day? Aish. Mas lalo tuloy sumasakit yung ulo ko sakanila! Hays.

°°°°°

Continue Reading

You'll Also Like

334K 7.2K 44
[Completed] Chloe, an heiress of a pharmaceutical empire is on the run from her assassins. She thought it was her demise until she met Luke, an arrog...
9K 396 76
COMPLETED ‼️ This is an Epistolary. She discovered an app called "Online Diary." That app caught her interest and attention nang dahil sa pangalan ka...
3.6K 139 50
Nagkayayaan sila magkakaibigan para kumain sa labas. Bonding na rin nila sa madaling salita. After nila kumain doon napagpasyahan nilang umalis na. S...
209K 5.4K 34
Hindi naging madali kay Amee na hindi siya tanggap ng Mommy niya, sabihin na nating step mother o Tita. Maging madali din kaya sa pamilya niya na tan...