Fara's Pov
"Jade naman, bakit hindi ka man lang sumakay sa'min kahit saglit lang" nakasimangot na sabi ng mommy niya
"Eh mom, mali naman po kasi kayo"
"Kahit na, nandun na kami eh. Pero binasag mo ang trip namin. Ika nga nila, walang basagan ng trip"
"Sige na nga" sabi niya sabay kagat sa labi. I find it cute. Hindi pa parin pala siya nagbago, ganyan na ganyan siya kapag wala na siyang magawa.
"I feel you" bulong ko sa kanya
"Hindi ka parin pala nagbago. I thought you've change" dagdag ko pa
"Hindi naman ako nagbago, mas naging matapang lang siguro at palaban" sagot niya at nginitian ako. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko alam ang isasagot.
Nagpatuloy ako sa pagkain habang abala ang mga magulang namin sa hang-over nila na kami uli ni Jadyle. May Carla kaya siya at may bakla ako. Alam ko namang mahal nila ang isa't-isa kaya malabong mangyaring maging kami ulit ni Jadyle. Teka, bakit ko ba iniisip na maging kami ulit. Fara, umayos ka.
"Gab" bulong niya
"Huh? Bakit?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya
Hindi niya ako sinagot sa halip ay nilapit ang mukha niya sakin kaya napapaatras ako. Hindi ako makasalita. Hinawakan niya ang pisngi ko at tinagilid niya kunti ang mukha niya. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Anong gagawin niya? Hindi ko namalayan na nahulog na ang kutsara't tinidor na hawak ko kanina at napahigpit na ako ng hawak sa upuan.
Napapikit ako ng tuluyan na niyang nilapit pa ang mukha at naramdaman ko ang marahang pagpunas sa may pisngi ko. Mabilis kong binuksan ang mata ko at nakita siyang pinapahiran ang kaliwang pisngi ko.
Hindi ako makagalaw sa gulat, anong gagawin ko? Pwede naman kasi niyang sabihin hindi iyong ganito
"Uhm, Jadyle ako na" mahinang sabi ko sa kanya at umayos naman siya ng upo
"Wala na"
"Buti na lang ako ang gumawa kundi kakalat pa kung ikaw" nakangiting sabi niya
Tinignan ko siya. Dati ganun na ganun din ang ginagawa niya sakin.
"Matutunaw na ako" napaiwas agad ako ng tingin at nagbukas ng isa pang soda bago ito ininom
"Grabe, kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na. Hindi yung nagnanakaw ng tingin"
"Kuya, ate" saway ko sa kanila. Pakiramdam ko ako ang pinapatamaan nila
"What's wrong dear?" Painosenteng tanong ni ate Jayla
"Eh kasi namin eh" nahihiyang sagot ko sa kanya
"Ano ka ba, ang ate mo kasi pasimpleng tumitingin sakin kala siguro niya hindi ko alam" sabi naman ni kuya
"Diba Jadyle?" Nakataas-babang kilay na tanong niya dito
Napatingin ako sa kanya na nakatingin din sakin. Uminit bigla ang pisngi ko sa hiya. Ako na ang unang umiwas ng tingin
"Yup"
Kumuha na lang ako ng chicken barbecue at nilantakan ito
"Oh, anong pinag-uusapan niyo diyan?" Tanong ni daddy
"Naglalaro po" sagot ni kuya
"Sali kami diyan mukhang nagkakatuwaan kayo diyan" sabi naman ng daddy nila Jadyle
"Are you sure dad and tito? Iba ang laro na ito"
"What game?" Tanong ni mom
"Hide and seek" sagot ni kuya
Tinaasan ko siya ng kilay dahil kanina pa niya ako tinitignan
"Taguan ng feelings" dagdag pa niya na may ngiting nakakaloko habang nakatingin sakin
"Wag po kayong maniwala diyan. Nag-uusap lang kami" bawi ko sa sinabi ni kuya. Napakaloko talaga.
"So, sinong participants?" Aba sinakyan talaga ng mommy nila ate Jayla si kuya
Dahan-dahan akong tumayo at nagpaalam sa kanila para pumunta sa loob ng cottage. Nagcheck-in naman kami ng room sa resort pero maganda naman din ang cottage at pagod na ako para maglakad pa. Pasalampak akong humiga sa kama at tinignan muna ang wall clock. It's already two o'clock in the morning and it's Christmas. Matutulog na sana ako ng magring ang phone ko. Tamad ko itong kinuha sa may bulsa ng pantalon ko bago inalagay sa gilid ng unan at ini-loudspeak
"Merry Christmas!" Masiglang bati ni bakla
"Same to you" mahinang sagot ko sa kanya
"Ouch! Hoy! Matapos kong mag effort na batiin ka over the phone! Regalo ko bakla"
"Effort effort pang nalalaman. Good timing ka talaga palagi. Mamaya ka nalang tumawag" sabi ko sa kanya bago pinatay ang tawag
"Sweetheart, kumain ka na" bungad sakin ni mommy ng makalabas ako sa kwarto
Dumiretso agad ako sa dining area ng resort dahil may free breakfast sila. Alas dyes pa naman kaya may free pa sila hanggang alas onse. Kumuha ako ng hotcake at cappuccino. Tumingin muna ako ng mauupuan at saktong may nakita akong isang lamesa na kulang pa ng isang tao. Kahit magtatanghalian na marami pa ding tao dito.
Naglakad na ako papunta sa lamesa kung saan may bakante pang upuan. Hindi pa ako nakaabot dito nang may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko ito at nakita ang pagmumukha ni bakla, may kasama siyang iba. Parehong nakatalikod ito sakin. Nakakunot-noo ko siyang pinuntahan.
"Wag mong ikunot ang noo mo. Christmas na Christmas, dapat good vibes lang"
Hindi ko siya sinagot at umupo na sa bakanteng upuan na katabi niya. Nagsimula na akong kumain at daldal pa rin siya ng daldal
"Ang ganda pala dito bakla" hindi ko siya inintindi at nagpatuloy pa rin sa pagkain.
Ang sarap ng hotcake nila napakacreamy ng butter at ang gatas sakto lang, sakto lang sa tamis. Worth it ang pagkuha ko ng madami tutal eat you all can naman ito at free pa.
"Pero alam mo, ang mas maganda eh yung hindi ka man lang batiin ng good morning o Merry Christmas man lang. Hindi man lang makatingin sa mga kasama niya" sarkastikong sambit niya
Inubos ko muna ang isang piraso ng hotcake at tiningnan siya
"Sorry bakla. Merry Christmas, oh happy ka na? Bakit ka nga pala nandito eh ang sinabi ko naman kanina eh, mamaya ka na lang tumawag hindi mamaya sumunod ka dito"
Kumain ulit ako, ang sarap talaga. Pati ang cappuccino, foamy at creamy. Ang sarap mag-take out.
"Wala lang, bawal ba? Atsaka gusto ko ding mamasyal mag-isa. Tapos naman din ang Christmas party namin kagabi hanggang kaninang madaling-araw. At nakakasawa na ang mukha nun noh limang araw kaya kami nagsama-sama. Isama mo pa ang ibang relatives namin na nako, ang sarap batukan"
Inubos ko na ang natitirang hotcake at cappuccino.
"Bakla, nakikinig ka ba sakin? Mukhang enjoy na enjoy ka sa pagkain"
"Ang sarap kasi eh"
"May sobra pa ako, gusto mo?" Napatingin ako sa nagsalita at sa kasama niya
"Nandito kayo? Merry Christmas Carla"
"Merry Christmas din. Kanina pa kami nandito hindi mo lang napapansin dahil busy ka sa pagkain. Tanggapin mo na ang sobrang hot cake ni babe"
"Ay wag na, busog na ako. Salamat na lang"
"Nga pala nasabi ni ate Jayla, na sabay daw kayong nagcelebrate ng Christmas" nakangiting sabi niya pero kita sa mata niya ang lungkot
"Ah oo. Gusto mong sumali sa party" nawala na ang lungkot sa mga mata niya at bahagya pa siyang nagulat sa sinabi ko pero kalaunan ay ngumiti siya at kita mo dun ang saya
"Sure ka?" Tumango ako sa kanya
"Ako din bakla. Sigurado akong fun yan" tumango din ako sa kanya at napalakpak naman siya sa excite
"Sinabi din niya na may ginawa kayo kagabi. Gusto kong sumali"
"Ng ano?" Tanong ni Jadyle sa kanya
"Hide and seek"