That Twisted Love Story

By pilosopotasya

13.3M 258K 109K

If you ever thought that you already have that perfect love story you've always dreamed of, think again. Ever... More

That Twisted Love Story
1 // Sight at First
2 // Fairy Tales Exist
3 // Cliché-st of Clichés
4 // A Lucky Day
5 // Indirect Kiss
6 // Change of Taste
7 // SDTC
8 // Crazy Little Thing
9 // Her Own Nightmare
10 // High-Pressure Situation
11 // Between the Lines
12 // Love, Lust and Life
13 // Of Reality Overdose
14 // Then There's Ash
15 // Talked Back to Death
16 // The Masochist Lover
17 // She Almost Died
18 // A Heart Clash
19 // Three words, four syllables
20 // Then She Falls
eh kasi naman eh
21 // Aftermath of Pain
22 // Their Twisted Deal
23 // Friends and Admirers
24 // A Proscriptive Confession
25 // Not So Hidden Desire
26 // MyuSick and Lily
27 // For a Real Change
28 // Life with Music *
29 // Whirlwind Melody
30 // Single Note
32 // Yuzon's Wound
33 // Rise After Fall
34 // Pursuit of Happiness
35 // Inside Feelings
36 // Help a Hand
37 // Obvious Mysteries
38 // FAQS About Death *
39 // Doomed Death Destruction
40 // Prince Charming in Disguise
41 // More Than That
42 // Less of a Secret
43 // Beneath Those Eyes
44 // A Stupid Mistake
45 // Plan of Little Devils
46 // Some Unspoken Truths
47 // Denying the Undenied
48 // Synesthesia Sensation
49 // Complex Emotion
50 // Ordinary Romance
51 // One Step to Death
52 // Postponed Fairy Tale
53 // The Young Mistress
54 // Hundreds of Questions
55 // Her Last Words
56 // After The End
57 // Before Once Upon A Time
58 // Love's Limit
59 // Sweetest Downfall
60 // Fictitious Ever After
61 // Their Last Page
Xx // Death's Twisted Story
After Effects of TTLS
P B L S H

31 // Pitch Perfect

192K 3.7K 1.5K
By pilosopotasya

"The real marriage of true minds is for any two people to possess a sense of humor or irony pitched in exactly the same key, so that their joint glances on any subject cross like interarching searchlights."
— Edith Wharton

~ ~ ~

“Are you sure it’s okay?”

Napatingin ang buong banda nang lumabas sila Lily at Keng mula sa office. Pansin ni Ces na titig na titig si Keng sa Manager, or maybe, iniiwasan na tumingin sa gawi nila.

“Y-Yes, I'm sure tutal hindi naman ako nakikinabang sa katamaran ni Ces,” napansin ni Ces ang ngisi ni Keng. Napanganga ng kaunti si Ces—Keng is really something. Napaka straight to the point—at the same time, hindi niya magets ang ugali ng dalaga. Sometimes she’s like a friend, sometimes she’s an enemy.

Ano ba talaga?

“Cool, basta we'll be at the Keng’s Night Out next week,” nakangiting sabi ni Manager Lily. Keng’s Night Out? Parang pamilyar kay Ces ito. “And can we eat here? Medyo gutom na kasi ako.”

Keng was taken aback; parang may kung anong sinabi si Manager Lily para magulat ito. “A-Ano? Mag-stay p-pa kayo rito?”

Narinig ni Ces ang pagbuntong hininga ni Pitch sa kanyang likuran. Nilingon niya ito, napansin din niyang lumingon din sila Lyric sa kaibigan.

“Hindi ako gutom. Labas muna ako.”

Umalis si Pitch not waiting for an answer. Sinundan ng tingin ng buong banda ang drummer hanggang sa makalabas ito. Nakayuko lang si Keng, parang. . . umiiwas.

Naupo sila at si Keng ang asikaso ng kakainin nilang cake. Nang lumingon muli si Ces sa kinatatayuan ni Pitch sa labas, nanlaki ang mga mata niya nang bumuga ito ng usok mula sa bibig at napansin niyang may hawak itong sigarilyo.

“Naninigarilyo si Pitch?” takang tanong ni Ces. Napalingon ang buong banda sa labas, looking at Pitch while Keng stiffened at umupo sa tabi ni Manager Lily.

Nagkatinginan si Melo at Ces, “kapag stress, naninigarilyo siya.”

“And I'm trying to pursue him to stop pero alam ko namang ang addiction, hindi kaagad nawawala sa sistema,” Manager Lily said. “So I'm waiting for his own time to heal from that addiction.”

Tahimik lang ang lahat. . . lalo na si Keng na hindi naman kinakain ang cake na nasa platito, pinaglalaruan lang nito gamit ang tinidor.

“Parang pag mumove on?”

Everyone stared at Ces, parang nagulat sa sinabi ng dalaga. Kahit si Ces, nagulat din siya sa sinabi niya. Keng looked at her, squinting her eyes.

Manager Lily smiled, “Yes. Just like moving on—huwag pilitin. Unti-unti lang hanggang sa masanay kang wala na siya sa tabi mo.” Ces saw Keng bite her lip while looking at Manager Lily. “Parang si Pitch, nagmumove on siya sa addiction niya. Kapag kasi binigla, lalo kang mahihirapan. Moving on takes time. May tamang panahon. At bilang Manager ni Pitch, I'm waiting for his own time to stop smoking.”

Narinig ni Ces ang malakas na pagbuntong hininga ni Melo, “grabe Manager! Ang deep mo!”

Natawa naman si Note sa sinabi ni Melo, pati sila Lyric natawa rin.

“Ito ring si Ces, ang deep,” pagpansin ni Note sa dalaga. Pinatong nito ang kamay sa tuktok ng ulo ni Ces at ginulo ang buhok hanggang sa matigil ito at tiningnan si Ces. May kinapa ito sa right side ng ulo ng dalaga at kumunot ang noo. “Ano 'to?”

Everyone become curious. Lahat sila nakatingin kay Ces. She smiled shyly.

“Naaksidente kasi ako noon, so ayun. . . tinahi.”

Nanlaki ang mga mata ni Note at kaagad na inialis ang kamay sa tahi sa ulo ni Ces, “hala sorry! Nasaktan ba kita?”

Ngumiti lalo si Ces. Hindi niya alam. . . pero feeling niya ang cute ni Note kahit na matangkad ito at basagulero rati, ang cute ng side niyang ganyan. Maloko. Caring.

“Hindi okay lang, noong highschool pa naman 'to.”

Natahimik ang lahat ngunit ilang minuto lang, bumalik ulit ang ingay lalo na at pasimuno sila Note at Melo. Kahit si Ces ay natatawa rin sa pinag gagawa ng dalawa. Si Manager Lily ay nakikisali rin sa usapan ngunit patayo-tayo dahil may mga kausap sa phone at ngayon ay nakatayo ulit, may kausap while Lyric. . . is in deep thoughts, looking at no one.

Minsan, pangiti-ngiti rin si Keng pero napaupo ito nang tuwid nang bumalik si Pitch sa loob ng shop and sat in front of Keng. Nagkatinginan ang dalawa for a moment ngunit unang umiwas si Keng at pinagmasdan ang paubos na cake sa kanyang platito.

Tumahimik ang buong banda lalo na nang mapansin nilang nakatingin si Pitch kay Keng, parang may gustong sabihin. May gustong gawin. Parang. . . may something. Seconds later, tumayo si Keng at paalis na ng table nang magulat ang buong banda na nasa lamesa rin sa paghawak ni Pitch sa braso ni Keng, stopping her from going away.

“Shit,” mahinang bulong ni Melo na nasa kanan ni Ces.

Naririnig naman ni Ces ang mabigat na paghinga ni Note sa kaliwa niya, “kinakabahan ako sa mangyayari,” sabi nito habang tuloy tuloy ang pagkain ng kanyang cake. Hindi inaalis ang tingin kay Pitch at Keng.

“K—” napatigil si Pitch sa pagsasalita nang lumapit si Manager Lily and announced something about a mall tour tomorrow. Inialis ni Keng ang hawak ni Pitch, holding her plate at pumasok sa loob ng kitchen. Tahimik ang buong banda habang pinagmamasdan si Pitch na sinundan ng tingin si Keng.

Kahit si Ces, ang bilis ng tibok ng puso. Hindi mapakali ang kanyang utak sa nakitang senaryo. It’s as if Pitch wants to talk and yet Keng. . . iniiwasan si Pitch.

Bakit? Ano bang nangyari sa kanila?

* * *

The first mall tour Ces had with MyuSick was a blast!

Hindi niya sigurado kung sumisigaw ang mga ito dahil sa kanya o dahil sa mga kasama niya. Kumanta lang sila ng tatlong kanta. Isang siya lang ang vocalist. Isang si Lyric lang ang kumakanta at isang duet sila.

Nang magduet sila, sobra siyang kinakabahan—pero nang matapos, hindi mawala ang ngiti niya lalo na nang hawakan siya ni Lyric sa balikat at sinabing, “ang galing mo talaga kumanta.”

The whole week was tiring lalo na nang mag record sila everyday ng isang kanta. Ilang beses pinapaulit ni Manager Lily ang pagpractice nila dahil hindi raw perfect, nakakahiya raw sa mga mag aabang lalo na sa ibang bansa. Pero sa one whole week na nagpapractice sila, lalo niyang naramdaman na she belongs to MyuSick at mayroon siyang pamilya kapag kasama ang mga ito.

Hanggang sa dumating ang pamilya ni Melo on one busy Saturday.

“KUYA!”

Ito ang bumungad sa buong banda nang makalabas sila galing sa studio. Isang batang babae ang tumayo mula sa sofa at tumakbo palapit kay Melo.

“Mela!” ngiting ngiti na sinalubong ni Melo ang kapatid na siguro ay nasa edad na sampu. Nagyakapan ang dalawa at napansin naman ni Ces na papalapit ang dalawang matanda sa yakapan moment ni Melo at ng bata. Puti na ang buhok ng dalawa at mukhang mag asawa sa sweetness nito—nagkataon lang na parehas na lalaki ang mga ito.

Which reminds Ces about her dad . . . leaving them for another man.

Lumapit si Note sa dalawang matandang lalaki at ngumiti, “tito Mel, tito Nel, napadalaw kayo?”

Inanyayahan ni Note ang dalawang matanda para maupo muli sa sofa. Sumunod naman sila Melo at Mela pati na rin ang buong banda except for Manager Lily na maghahain ng pagkain para sa mga ito.

“Bakit kayo nagpunta?” nakangiting tanong ni Melo habang nilalaro ang kapatid.

“Ayan kasing si Mela,” sabi ni Mel. Nasa edad seventy at kulubot na ang balat. Puti ang buhok nito at medyo may kalakihan ang katawan pero ang fashionista ng itsura.

Ang isa naman ay si Nel, kumpara kay Mel—mas payat ito pero fashionable rin ang damit. Nagsalita ito, “gusto ka raw makasama.”

Tumaas ang kilay ni Melo at tiningnan ang kapatid. Ngiting ngiti si Mela kay Melo ngunit kumunot ang noo ni Melo, “anong kailangan mo sa akin?”

Sumimangot si Mela which made her so cute. Napangiti si Ces doon at napansin ito ni Mela kaya nabaling ang atensyon niya kay Ces—na ikinagulat ni Ces dahil kumunot ang noo ni Mela.

“Sino 'yan?” tanong ng bata habang turo-turo si Ces. Rinig ang pagkairita ng bata sa tono ng pananalita nito. Nanlaki ang mga mata ni Ces nang magtitigan sila ni Mela.

Para bang natakot siya bigla sa bata.

Nilingon siya ni Melo at ngumiti, “siya ang ate Ces mo.”

“Ces? Bakit siya nandito? Hindi ba puro lalaki kayo?” taas kilay na tanong ng bata. Nagulat na lamang si Ces sa naririnig. Bakit ba pakiramdam niya ay ayaw sa kanya nito? “Girlfriend mo?”

Natawa naman si Melo, “paano kung sinabi kong oo?”

Nanlaki ang mga mata ni Ces. Nginitian lang siya Melo at sinabing tumahimik muna. Kita naman ang pagkaasar ba mukha ni Mela nang tumingin siya kay Ces.

“Ayaw ko sa kanya.”

Ces was taken aback pero napalingon siya sa likuran niya nang hawakan siya ni Note sa braso at ngumiti. “Hayaan mo muna si Mela, ganyan talaga 'yan sa kuya niya. Possessive.”

Pero paano hahayaan ni Ces si Mela when Mela became a brat lalo na nang kumain sila sa dining area? Every 5 minutes, sinisipa ni Mela si Ces ibaba ng lamesa habang kumakain sila. Nakikita niya ang pag irap ng bata sa kanya as if ang sama-sama niya. Isang beses pa ay ‘natapunan’ ni Mela ng malamig na juice si Ces . . . accidentally.

“Hala sorry po!”

Nginitian lang ni Ces si Mela ngunit nakita niya ang pag irap sa kanya ng bata. Napabuntong hininga na lamang siya, tumayo at umakyat sa taas para makapagpalit ng damit dahil basang basa ito ng juice. Malagkit pa.

Hindi alam ni Ces kung paano ang kailangan niyang pakikitungo kay Mela at bakit nga ba ganoon ang pakikitungo nito sa kanya. Wala naman siyang ginagawa. . . ganoon ba talaga minsan ang mga tao?

Wala kang ginagawa pero nagagalit sila sa'yo?

Bumuntong hininga si Ces nang matapos siyang makapagbihis muli. Pababa na sana siya nang matigilan siya pagbukas niya ng pintuan ng kanyang kwarto. Nakatingin sa kanya si Pitch, looking straight at her eyes pero ang ikinagulat niya ay nang magsalita ito,

“Pwede ba tayo mag-usap?”

Hindi alam ni Ces kung bakit sa dami ng tao sa loob ng bahay, siya pa ang kinausap ni Pitch. Hindi naman sila madalas mag usap pero nagtataka siya nang siya ang piniling kausapin ng binata.

They were silent for a while hanggang si Ces na ang pumutol sa katahimikan.

“T-Tungkol saan?” Hindi malaman ni Ces kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Nakita niyang bumuntong hininga si Pitch at ngumiti ng kaunti—which was the first time na ngumiti ito sa kanya.

“Kay K--sa kanya sana.”

* * *

Hindi makapaniwala si Ces sa kanyang nakita pagkapasok ng kwarto ni Pitch. Hindi na siya nagulat sa sobrang laki nito dahil nasanay na rin siya sa kanyang kwarto ngunit nagulat siya kung gaano kadark ang aura ng buong kwarto.

Sinundan lang ni Ces si Pitch papasok. Napatigil siya nang may nakita siyang picture frame. . . isang lalaki at isang babae.

Si Pitch at si. . . Keng?

“S-Si Keng 'to?”

Nanlalaki ang mga mata ni Ces nang hawakan niya ang picture frame. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Obviously, si Pitch ang lalaking nasa picture, humaba lang ang buhok at mukhang napabayaan ang sarili ng ilang years pero the girl? Si Keng ba talaga iyon?

Itim ang buhok, maamo ang mukha—walang make-up na makapal na eyeliner, walang mga tattoo sa balat at higit sa lahat. . .mukhang matino. Babaeng babae.

“Ewan ko, siya nga ba 'yan?” kinuha ni Pitch ang picture frame sa kamay ni Ces at inialis ang litrato sa frame. Tinitigan ni Pitch ang litrato, “hindi ko rin alam kung ako ba 'tong lalaki.”

Hindi alam ni Ces kung bakit kinakabahan siya. Nakatingin lang siya sa picture. . . nakauniform ito na pang highschool at nakangiti ang dalawang tao sa picture. More like a selfie.

Binaliktad ni Pitch ang litrato at binigay kay Ces ito. Nanlaki ang mga mata ni Ces nang mabasa niya ang nakasulat doon.

Pio Alberto Gabiasa ♥ Krystel Angela Bermico
GaBe 2004 to forever

“GaBe 2004 to forever. . .” mahinang bulong ni Ces. Napaatras naman siya nang ihubad ni Pitch ang t-shirt nito. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin niyang maraming tattoo si Pitch sa katawan—just like Keng pero ang kumuha ng kanyang atensyon ay ang tattoo sa may puso ni Pitch.

GaBe

Hindi malaman ni Ces kung ano ang dapat sabihin. Ang daming tanong sa kanyang utak ngunit hindi niya alam kung paano at saan siya magsisimula. Nanginginig ang buong katawan niya. . . hindi niya alam kung bakit, bakit sa kanya pinapakita ito ni Pitch.

“Hindi alam ng MyuSick ang buong kwento namin ni Krys—niya, ni Keng,” pagsisimula ni Pitch. “Sa totoo lang, sa'yo ko unang pinakita ang litrato na 'yan.”

Huminga ng malalim si Ces—hindi pa rin siya makapaniwala sa naririnig niya at masyado siyang naooverwhelm dahil ang haba ng sinabi ni Pitch, beating the record of being a silent guy.

Umupo si Pitch sa upuan malapit at sumandal. Huminga ito ng malalim at kitang kita ni Ces ang pag galaw ng tattoo ni Pitch sa may puso nito nang humugot ito ng hangin.

Tumingala si Pitch at pumikit, hinahayaan na sumandal ang ulo sa pader.

“Masaya naman kami eh, nung highschool,” pagsisimula ni Pitch. “Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Ang dami naming gusto—tattoos, drums, music.  Siya ang naging lakas ko dahil mahina ako. Naniwala ako sa salitang ‘forever’.”

Hawak hawak pa rin ni Ces ang litrato nila ni Pitch at Keng. Kinikilabutan at tumataas ang mga balahibo niya dahil hindi niya malaman kung saan nanggaling ang mga ngiting ito galing sa picture at saan nagpunta ang mga ngiti.

She never saw a genuine smile from Keng at Pitch—sobrang layo sa picture na hawak niya.

“Mag lilimang taon na kami nang nakipag break siya.”

Lumunok si Ces at napahinga ng malalim. Hindi niya alam kung bakit pinipigilan niya ang paghinga niya. . . para bang alam naman na niya na nagbreak sila pero, ang gulo. Sobrang gulo. She want to know more. A lot more.

Tumingin si Pitch kay Ces. Ngumisi ang binata at sinabi ang nagpatigil sandali ng mundo ni Ces.

“Magpapakasal na raw siya.”

Lyle.

Napahawak si Ces sa kanyang dibdib, sa may puso at naramdaman niya ang pilat. Everything comes rushing again. Si Lyle. . . ang sinabi ni Keng na naka arranged marriage sila ni Lyle. Tumingin siya kay Pitch at nakikita niya sa mga mata ng binata ang sakit na nararamdaman din niya.

“’Ipaglaban mo ako’,” Pitch said, remembering the time when he and Keng talked. “Pero mahina ako.”

Ces heart sank. . . mula sa madilim na kwarto, nakita niya ang pangingintab ng mga mata ni Pitch nang tumingin ito sa labas at nailawan ng buwan.

“Natakot ako. Mahirap lang ako. Walang maipagmamalaki habang siya, heiress ng malaking kumpanya,” tumawa ng mapait si Pitch, “gasgas pero totoo.”

“P-Pitch. . .”

“Hindi ko siya naipaglaban. . . pero napaglaban niya sarili niya,” kinagat ni Pitch ang pang ibabang labi at tinuloy ang sinabi, “tapos nakipagkita siya sa akin.”

Hindi na kinakaya ni Ces ang naririnig lalo na nang makita niyang tumulo ang luha mula sa mga mata ni Pitch. The ever so silent guy, cried—in front her.

Naalala niya ang dating sinabi sa kanya ni Keng. . . about the perfect love story. About a prince. About happy endings. And looking at Pitch, parang alam na niya kung saan hinuhugot ni Keng mga sinabi nito noon.

“October 23, nagkita kami. Sabi niya,” ngumiti si Pitch. Isang malungkot na ngiti. “Dahil mahal niya ako, hindi siya magpapakasal.”

Hindi namalayan ni Ces ang pagtulo ng kanyang luha habang tinitingnan si Pitch at ang picture na hawak niya. Ang mga ngiti sa mga labi ng binata at dalaga. Isang perpektong litrato and yet—the people in the picture are now gone.

Ibang iba na.

“Pero ayaw na niya sa akin. . . mahal niya ako pero ayaw na niya,” Pitch brushed his long hair upward. Frustrated. Naghahalo na ang pawis at luha ng binata sa mukha nito. “I failed her. Nangako ako sa kanya pero. . . hindi ko nagawa. Hindi ko siya napaglaban.”

Tumayo si Ces at lumapit kay Pitch. Hinawakan niya ang balikat ng binata just to let him feel comfort.

“Akala ko makakalimot ako nung nagdrugs at nag adik ako. Akala ko malilimutan ko lahat pero ngayong nakita ko siya ulit” tumingala si Pitch at tinitigan ang mukha ni Ces. Ngumiti si Pitch ngunit kitang kita ni Ces ang sakit na nararamdaman ng binata. “mahal ko pa rin siya.”

“Pitch. . .”

“Hindi ko na alam gagawin ko, mababaliw ako.”

Ngumiti si Ces at kahit naiiyak, tinignan niya si Pitch. “Hindi pa naman huli ang lahat, di ba?”

“Ano?” kunot noong tanong ni Pitch.

“Ipaglaban mo na siya ngayon. . .” nakangiting sabi ni Ces, remembering Keng. Her actions at ang emosyon nito habang sinasabi ang tungkol sa love. Hindi niya alam kung saan niya nahugot ang mga sinasabi niya ngunit alam niya, alam niyang tama siya. “Sigurado ako, mahal ka pa rin niya.”

* * *

After their ‘secret’ conversation, pakiramdam ni Ces, naging mas close siya ng 50% kay Pitch. Nagtaka ang buong banda nang sabay bumaba ang dalawa mula sa second floor, napansin din nila ang maliit na pagngiti ni Pitch. . . which made everyone uncomfortable.

Hindi sila sanay na masaya si Pitch. May something wrong.

“Bakit ka masaya?!” nanlalaki ang mga matang tanong ni Note.

Tiningnan ni Melo si Ces, “anong ginawa mo kay Pit—aray!” nagulat ang lahat nang batukan ni Lyric si Melo bago pa maituloy ang sasabihin. “Ano ba Lyric?!”

Ngumiti lang si Lyric at pumasok sa loob ng kusina.

“Sige lang, gaganti ako sa'yo!” pananakot ni Melo. Narinig nila ang pagtawa ni Lyric mula sa kusina.

Kasalukuyan silang nanonood sa sofa habang kasama pa rin ang pamilya ni Melo. Hindi pa rin mawala ang sama ng tingin sa kanya ni Mela—malapit na siyang kainin.

“Nako iha, hayaan mo na si Mela ah, ganyan talaga 'yan,” napalingon si Ces nang magsalita si Tito Mel. Ngumiti lang si Ces bilang sagot dito. “Silang dalawa na lang kasi talaga magkasama kaya ayaw niyang mawala atensyon sa kanya ng kuya niya.”

“Kuya! Turuan mo na ako mag gitara!” pag aaya ni Mela kay Melo. Sumunod naman ang kuya sa kapatid at nagpunta sa studio—sumunod din si Note na hinahatak din ni Mela sa kabilang kamay. Umakyat naman ng kwarto si Pitch at nasa kusina rin si Lily, kasama si Lyric.

“Silang dalawa na lang?”

Ngumiti lamang si tito Mel nang lumapit si tito Nel sa kanilang usapan.

“Siguro naman ay nagtataka ka kung bakit kami ang magulang ng dalawa?” nakangiting tanong ni tito Nel. Hindi niya alam kung anong dapat sabihin o ireact. . .lalo na't naalala niya ang kanyang tatay dito.

“Nako Nel, huwag na natin pag usapan iyan. Masyadong madrama baka malunod tayo sa baha ng iyak!” natatawang sabi ni tito Mel.

Napangiti si Ces. Ngayon, alam na niya kung saan nakuha ang mga kalokohan ng binata. Nagkwentuhan pa sila kasama sila Lyric at Manager Lily nang lumabas na sa studio sila Melo.

“Ate, ate!”

Agad na kinabahan si Ces sa pagtawag sa kanya ni Mela dahil baka sunggaban siya nito ngunit nagulat siya nang lumapit ito sa kanya at nakangiti. Hinawakan ni Mela ang kamay ni Ces, “sorry po ah?”

Ces smiled. . . ganoon din si Mela. Pagtingin ni Ces kay Melo, nag thumbs up  ito. At alam niya, pagkatapos nito, everything's going to be fine.

* * *

Everything’s going well.

Okay na ang practices nila at recording. Sa katunayan, sobrang natutuwa si Manager Lily dahil sigurado na siyang maipapasa niya ang CD sa New Zealand by Friday. Siguradong makakapasok ang MyuSick sa Battle of the Bands.

Nang makasakay si Ces sa kotse, ang tanging nandoon pa lamang ay si Melo, sa driver’s seat. Napansin niyang tumingin si Melo sa may gate, papalapit sila Lyric sa kotse.

“Ugain mo 'tong kotse,” mabilis na sabi ni Melo.

Napakunot ang noo ni Ces sa sinabi ng kasama, “h-ha?”

“Tulungan mo akong ugain 'to, dali na Ces.”

Nagtataka pa rin si Ces nang magulat siya nang ugain ni Melo ang kotse. Hindi ito uga na wala lang, parang may rhythm. May movement. Pagtingin ni Ces sa mga kabandang nasa labas pa ng kotse, nanlalaki ang mga mata nito. Nagtataka.

“Teka Melo, bakit mo ba—”

Agad na sumugod si Lyric sa may kotse at malakas na kinatok ang bintana. It was hard to see dahil heavy tinted ang mga bintana at madilim na rin sa labas.

“Bwisit ka Melo anong ginagawa mo d'yan! Hoy!” Sigaw nang sigaw si Lyric habang pilit na binubuksan ang pintuan.

Tawa naman nang tawa si Melo hanggang sa tumigil siya sa pag uga sa kotse at ginulo ang buhok ni Ces. A click happened at nabuksan na ni Lyric ang pintuan, nanlalaki ang mga mata.

“Oy?!”

Ngumisi lang si Melo, “wala akong ginagawa ah?”

Nanliit ang mga mata ni Lyric na nakatingin kay Melo. Tawa lang nang tawa si Melo at nagtataka naman si Ces. Anong nangyayari?

“Takte ka,” huling sabi ni Lyric pero bago pa niya isara ang pintuan, nagkatinginan sila ni Ces. Iniwas kaagad ng binata ang tingin saka sinara ang pintuan at lumayo sa kotse.

“Ano 'yun?” Ces asked innocently.

Lalong lumaki ang ngiti ni Melo at nilingon si Ces. Ginulo nito ang ulo ng dalaga, “gumanti lang ako. Salamat sa tulong mo.”

Hindi pa rin nagets ni Ces ang sinabi ni Melo hanggang sa sumakay na ang iba pa sa kotse dahil may gig sila. Keng’s Night Out. Hindi malaman ni Ces kung saan niya narinig 'yun at kung bakit pamilyar hanggang sa tumigil sila sa isang napaka pamilyar na lugar.

Pagtingin niya sa neon lights, sa mga taong nakapila at sa mga bouncer, alam na niya kung nasaan siya.

Kaagad na kinabahan si Ces sa hindi niya malamang kadahilanan. Sumunod lang siya sa banda hanggang sa pumasok sila ngunit walang tugtog na sobrang lakas, walang mga nagsisigawan, nagtatawanan at mga nagsasayaw ng wild. Walang naghahalikan at naglalandian and yet. . . this place made Ces remember her pain.

Keng’s Night Out.

“Ate Lily,” napalingon si Ces nang marinig niya ang isang pamilyar na boses—kay Keng. So this. . . this bar is Keng’s? She owns this bar? Gaano nga ba kayaman sila Keng?

“Bayad na kami pagkatapos nito, di ba?” nakangiting sabi ni Lily. Tumango naman si Keng then she stiffened nang makita si Pitch na may hawak na drumstick. Nagkatinginan sila Pitch at Ces. Bumalik sa pagkatahimik si Pitch hanggang sa nagpunta sila sa backstage.

Nag ayos muna ang buong banda habang inaayos ang stage para sa kanila. After ilang minutes, nakasalang na sila sa stage but the thing is, si Note sa keys, siya at si Lyric sa vocals lang ang nasa stage. Kung nasaan si Melo at Pitch, hindi niya alam kung nasaan.

Sinenyasan sila ng Manager na nakaupo sa ibaba ng stage and then, they started.

♪ ♫ We clawed, we chained our hearts in vain
We jumped never asking why

They practiced this piece a lot. . . medyo nahirapan nga sila dahil hindi masyadong makasabay si Ces. Everytime na kinakanta nila ito, the emotion is present—pero nawawala talaga ang dalaga.

♪ ♫ We kissed, I fell under your spell.
A love no one could deny

Nababalik lang siya sa konsentrasyon tuwing nagkakatinginan sila ni Lyric, and she would always see him smile at her habang kumakanta. Pero pagkatapos ng tinginang 'yun, her heart would beat fast. Always. Parang may hinahabol.

♪ ♫ Don't you ever say I just walked away
I will always want you

Napatingin si Ces sa gilid ng stage at nakita niya si Keng na nakaupo, mag-isa. Deep in her thoughts at napangiti na lamang siya nang makita niya si Pitch na papalapit kay Keng.

♪ ♫ I can't live a lie, running for my life
I will always want you

Hindi niya alam kung anong sinabi ni Pitch but she saw Pitch’s lips move at lumingon si Keng. Right there and then, parang tumigil ang mundo ng dalawa.

♪ ♫ I came in like a wrecking ball
I never hit so hard in love

Lyric and Ces started singing together at nagpalakpakan ang mga taong nakikinig dahil sa ganda ng blending ng boses nila. Kahit si Note ay ngiting ngiti habang nagpapiano—nararamdaman niya kasi ang passion ng dalawa sa pagkanta.

♪ ♫ All I wanted was to break your walls
All you ever did was wreck me

Their voices were match made in heaven. A perfect pitch. Perfect harmony. Perfect melody.

♪ ♫ Yeah, you, you wreck me

Napangiti si Ces nang makita niyang tumayo si Keng at naglakad kasabay si Pitch. Sinundan niya ng tingin ng dalawa, feeling giddy dahil siguradong may magandang mangyayari.

Tiningnan niya si Lyric, he was looking at her—serious. Kaagad na kinabahan si Ces, ang bilis ng pagtibok ng puso niya. Hindi niya sigurado kung dahil ba ito sa kaba sa pagkanta o dahil sa mga tingin ni Lyric, saying something through his eyes.

♪ ♫ I put you high up in the sky
And now, you're not coming down

Huminga ng malalim si Ces at nagsimulang kumanta. No one can ruin this night. . . no one can ruin the mood hanggang sa mapatingin siya sa may entrance ng bar dahil may pumasok na mga pamilyar na mukha. Ang populars ng school.

♪ ♫ It slowly turned, you let me burn
And now, we're ashes on the ground

Then there, in the group of people, she saw him. Lyle.

~ ~ ~

Author's Note:
Long chapters. . . you like it or not? Pasensya na, hinahabol ko kasi 'yung count ng chapter. Hahahaha! Thank you sa pagbabasa! Next update, not sure. Midterms namin so magiging busy ako (I haz no sembreak so yeah) I get inspired easily pero grabe rin ma~writer's block so minsan mabilis, minsan mabagal ang update.

Dedicated to Anthea or Kim or Anthea Kim basta si towaitforeternity. Isa sa mga loyal readers ever tapos, tapos. . .sobrang sweet ng message niya sa akin two days ago. (multimedia part) Tapos hindi siya nang iiwan, voter tapos commentor pa tapos, eehhh~ ♥ thank you! :)

Continue Reading

You'll Also Like

97.8K 4.2K 42
Meet Ariane Chavez. Nickname: Arya. Isang non-existent student sa Halimuyak High School. Naniniwala siya na lahat tayo pinanganak na may super powers...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
141K 2.4K 30
Can love always win? How love conquer everything? Will you conquer everything to prove your love?