The Wizard Of Ice (Completed...

بواسطة WriterInMask_

241K 6.6K 138

Season 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to c... المزيد

Prologue
Wizard of Ice
Chapter 1: Another World (Edited)
Chapter 2: The stranger
Chapter 3: The Ice Wizard
Chapter 4: Pretending
Chapter 5: Pretending 2
Chapter 6 A: confession
Chapter 6
Chapter 7: Friends!
Chapter 8: School
ⓝⓞⓣⓔ
Chapter 9
Chapter 10 A: The Green Goblin.
Chapter 10
Chapter 11: Surprise!
Chapter 12: He Saved Me.
ⓝⓞⓣⓔ
Chapter 13: Birthday
Chapter 14
Chapter 15: Mad Night
Chapter 16: Group study
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19: Amusement Park
Chapter 20: Scared to Mumu
Chapter 21: Jealousy
Chapter 22
Chapter 23: Something's Following Us ( Currently Editing Chapter)
Chapter 24: Goblins at the Store 2 ( Currently Editing Chapter)
Chapter 25 ( Currently Editing Chapter)
Chapter 27: The tale of the Healer ( Currently Editing Chapter)
❄ Season 2 ❄
Chapter 1: The Enchantedacre
Chapter 2: Why are we here?
Chapter 3: Myst Forest
Chapter 4: The Shadowless
Chapter 5: Dark Side
Chapter 6: The Lamphrey
Chapter 7: Dark Grove of Linneius
Chapter 8: Riding the Aerial Beast
Chapter 9: Chased by a Monster
Chapter 10: Fairies, Gnomes and Twilight Orbs
Chapter 11: Tinydom and Fairytale Forest
Chapter 12: The Last Ride to Dandelion Kingdom
Chapter 13: TwilightGrove Academy
Chapter 14: First Day of School
Chapter 15: Inside the Palace
Chapter 16: Night Watcher
Chapter 17: Second morning in TwilightGrove
Chapter 18: TGian student
Chapter 19: The Dragon Sorceress
Chapter 20: The Griffin
Chapter 21: They're Brothers?!
Chapter 22: The Book of the Mystics
Chapter 23: Toar Incendrak
Chapter 24. Gritcore Shop
Chapter 25: Ice Magic
Chapter 26: Sunset
Chapter 27: The Plan
Chapter 29: Prepairing for the War
Chapter 30: Into the Battle
Chapter 31: Chaos
Chapter 32: The End of the Ice Master
Chapter 33: Gone
Chapter 34: Dead Souls
Chapter 35. Parting Ways
Chapter 36: A New Life
Chapter 37. Epilogue
Author's Note
The Wizard of Fire
▶Playlist
The Wizard of Ice Revised

Chapter 28: Chamber of Illusions

1.9K 57 3
بواسطة WriterInMask_

Jess' POV

Kaylangan kong saktan si Henry para magkalayo kami. Sa tingin ko ay mahihirapan ako na gawin iyon sa kanya, pero kaylangan. Para naman ito sa lahat ng maybuhay sa Mysticland. Kaylangan ko ng gawin ito.

Nanginginig ako ng biglang bumukas ang pinto. Narinig ko agad ang boses niya.

''Jess!'' Naramdaman ko din na dali-dali siyang lumapit sakin. Kaylangan ko 'tong gawin.

''Wag kang lalapit sakin!'' Humarap ako sa kanya. Gulat na gulat siya.

''B-bakit?'' halatang may takot sa boses niya.

''Ah,'' sinubukan ko ang best ko na maging mabuwisit ang hitsura, ''alam mo kung bakit? Simple, dahil ayoko na!''

''J-Jess, a-nung ibig mo--''

''Ang ibig kong sabihin ay, ayoko na! Sawa na ko! Sawa na kong magpanggap na kaibigan mo? Hahaha, napaniwala ba kita? Ang galing ko no? Alam mo ba, nung una pa lang kitang nakita, naisip ko na agad na wala kang mga kaibigan, that's why naisip kong plastikin ka.'' Bakit ba kaylangan ko to? Nagagalit na ko sa sarili ko!

''Jess, tell me nagbibiro ka lang.''

Oo! Ayoko talagang gawin to sayo Henry. Pero kaylangan.

Nagsimula siyang lumapit, pero humakbang ako palayo at para siyang nagulat ng sobra.

''Henry, you didn't get it? Matagal na kong nagpapanggap na kaibigan mo. I pretended na naiintindihan ko ang nararamdaman mo at dinadamayan kita, pero joke lang. Trip ko lang yun. Naaawa na nga ako sayo eh, akala mo nakahanap ka na ng makakaintindi sayo? Nangangarap ka naman ata--''

Huminga muna ako ng malalim. Eto na yon--

''----Anung akala mo Henry? May gustong maging malapit sayo? Eh? Hindi ba ikaw na mismo ang nagsasabi sa sarili mo na isinumpa ka diba? Kaya ka nga INIWAN ng sarili mong ama! Kaya natatakot sayo ang iba! Dahil isa kang monster!''

Nakayuko lang siya at parang nag-iisip.

''---at ang malala pa don eh yung hindi mo nakumpleto ang misyon mo! Yun na nga lang ang silbi mo eh! Wala kang kwenta alam mo yun?---''

''PWEDE BANG TAMA NA!'' Nagulat ako ng sumigaw siya at pinagsusuntok ang pader. Nagsimulang dumugo ang mga kamay niya at saka niya isinandal ang noo niya sa may pader.

At sa pinakaunang pagkakataon, nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya.

Gusto kong mag-sorry. Gusto ko siyang yakapin. Pero pinigalan ko ang sarili ko.

''Bakit ba hindi niyo nalang ako hinayaan ha?!'' Narinig kong sinabi niya.

Ang akala ko ay maiiyak na rin ako. Nakatayo lang ako at nakaharap sa kanya.

''Sana maging masaya ka.'' Yun ang sinabi bago siya lumabas. Siniguro ko munang wala na siya, bago ako umiyak...
---
Third Person

Hindi makapinawala si Henry sa nalaman niya. Si Jessica, ang akala niya ay si Jessica ang makakaintindi sa kanya. Pero isa lang din pala siya sa mga taong ayaw sa kanya. Halos araw-araw silang magkasama. At sa araw araw na yun ay naging masaya siya sa loob ng mahabang panahon.

Ang buong akala niya ay nahanap na niya ang kaligayahan niya. Iningatan niya ng sobra si Jess, at mahal na mahal niya, pero si Jess na mismo ang nagsabi na ayaw na niyang makita si Henry.

Pakiramdam niya ay wala na siyang kwenta na mabuhay.

Naglakad siya sa palasyo pero hindi niya alam kung san siya pupunta. Hindi rin niya makita ang dinadaanan niya dahil sa luha niya.

Naiinis siya sa sarili dahil hindi niya napigilang maiyak.

Pumasok siya sa isang room. Nag-angat siya ng tingin para tingnan kung anu ang kwartong pinasok niya.

Huli na ng malaman niya kung anu ang kwarto na kinaroroonan niya. Ito ang kwartong kinatatakutan ng lahat. Ang Chamber of Illusions...
--
Nagsimulang umiikot ang paligid ng kwarto. Nagsisimula na ang kwarto na pasukin ang alaala niya.

Napaatras siya ng magbago ang paligid.

Nagsimulang mag-play ang mga alaala niya.

Nasa loob siya ng palasyo. May isang hari ang nakaupo sa may trono---ang papa niya.

''Papa!'' Nakita niyang may tumakbong bata papalapit sa hari. Siya iyon. Ang 5 taong gulang na si Prince Konor.

Nagpunta ang bata sa paanan ng trono at tiningala ang papa niya.

''Papa, keylan po ako mag-aaral sa school?'' Magalang na tanong ng bata.

Nagalit ang papa niya.

''Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mo kong tatawaging 'papa'? Tandaan mo Konor, hindi ko ginustong maging anak ka! At hindi ka mag-aaral! Alis!'' Tinaboy siya ng hari.

Nakayukong nag-lakad papalayo ang bata at nagpunta sa kwarto niya. Ang buong akala niya ay papasok na siya sa kindergarten. Hinanda na nga niya ang bag niya.

Sinara niya ang pinto at kinuha ang bag niya. Tiningnan niya sa loob ang mga nakaayos na papel at tatlong lapis na wala pang tasa. At isang pirasong wand na hindi niya kayang paganahin.

Birthday niya ngayon. 5 taon na siya at excited pa dahil makakapasok na siya. Pero wala. At hindi manlang naalala ng buong palasyo, pati ng ama niya, na birthday niya.

Nagpunta siya sa bintana at nilagyan niya iyon ng frost. Saka siya nagdrawing ng cake na may limang kandila. Hinipan niya ang frost.

''Happy birthday Konor!'' Bulong niya sa sarili niya. Wala namang nakakaalala sa birthday niya.
---
Umikot ulit ang paligid at nag-iba ang scene.

Nakita niya ang isang batang si Konor. Naka face-down sa kama habang nakataas ang mga binti.

Nagdo-drawing si Konor sa isang papel na nakapatong sa makapal na libro. Gamit pa niya ang mga imbento niyang pangkulay na gawa sa mga berries na dinurog niya at pinaghalo-halo para makabuo ng maraming kulay.

Sinasawsaw niya ang quill sa mga pangkulay, at gamit ang maliliit niyang mga kamay, nagguhit-guhit siya sa papel. Nagdrawing siya ng tatlong tao, ang mama niya sa kanan, ang papa niya sa kaliwa, at siya naman sa gitna. Nilagyan pa niya ito ng mga korona. Nilagyan niya ng pangalan sa ibaba ng mga larawan, at saka niya ito hinipan ng malamig na hangin para matuyo at kumapit ang mga pangkulay sa papel.

Itinaas niya ito sa harap niya para tingnan. Natuwa siya at dali-daling tumayo. Regalo niya ito sa Papa niya dahil kaarawan ng hari ngayon at nagdidiwang ang buong kaharian. Maliban sa kanya na pinagbawalang lumabas ng kwarto.

Pero lalabas lang naman siya para ibigay ito sa Papa niya at babalik din naman siya agad.

Lumabas siya ng kwarto at naglakad. Walang katao-tao dahil nasa labas lahat maliban sa mga tagabantay at mga taga luto.

Nasa kwarto ang papa niya at nag-aayos na para harapin ang buong kaharian.

Pumasok siya sa loob.

''Papa,'' mahinang tawag niya. Nag-aayos ang papa niya sa salamin at nakasuot ito ng magagarang robe at ang korona nito.

''Anung kaylangan mo?'' Humarap ang papa niya.

Inabot niya ang drawing niya, kinuha naman iyon agad ng papa niya at tiningnan. Saka ito itinapon. Lumipad ang papel at nalaglag sa sahig.

''Wag ka ng gumawa ng mga basura! At hindi ba sinabi kong huwag kang lalabas! Bumalik ka sa kwarto mo!''

Pinulot muna ni Konor ang gawa niya saka ito tinupi sa dalawa at niyakap at naglakad pabalik ng kwarto niya.
-----
Umikot ulit ang buong paligid, mag-iiba nanaman ang scene.

Sa park. Sa park na tambayan ng mga bata sa Dandelion village. Nandun si Konor sa ilalim ng puno, habang pinapanood ang mga batang naglalaro. Nagbobola ang mga bata, at natutuwa na si Konor na kahit nanonood lang siya.

Idinuyan duyan pa niya ang mga binti niya at lumapit sa mga bata.

''Pwede ba kong sumali?'' Tanong niya na medyo nahihiya.

Natigil ang mga bata, saka nagtatakbo palayo. Alam nila ang tungkol sa kapangyarihan ng batang prinsipe. Naiwan siyang nakatayo sa park ng mag-isa.
----
Umikot ulit ang buong paligid. Ang bagong scene ay ang unang beses niyang pumasok ng TwilightGrove. Sobrang excited niya dahil ang alam niya ay marami siyang magiging kaibigan.

Pagkapasok ng mga grade one sa hall ay pinaupo sila para I-welcome, orientation na rin at ipapakita ang mga powers nila para mabigyan siya ng sections.

Marami ang nagpakita ng mga powers nila, at susunod na siya.

''Konor Allereia.''

Nagulat pa ang lahat ng tawagin ang pangalan niya. Allereia, isang royal na apilyido.

Umakyat siya sa platform. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanya at nagbubulungan ang mga grade one. Napaatras at lumayo ang mga teacher.

Tinaas niya ang kamay niya at pinausok niya iyon, saka ikinumpas at gumawa ng isang tumpok ng snow sa platform.

Nagulat siya ng matakot ang mga bata sa kanya.

Ng magklase sila, wala siyang seatmate. At nung kumain ng lunch sa cafeteria ay wala siyang katabi, habang ang mga kaklase niya ay masasayang nag-uusap at magkakasama.

Nag jump ang scene, hapon na. Hapon at uwian na ng mga elementary. Lahat ng mga elementary ay nasa Main Hall habang nasa kanya-kanya ng dormitory ang mga high-school at college.

Dumating ang mga sundo ng bata, papaunti ng papaunti habang dumadating ang mga magulang nila at sinusundo sila.

Hanggang sa dalawa nalang sila naiwan sa Hall. Nakayuko lang si Konor at pasulyap sulyap sa pinto, nag aabang kung may susundo sa kanya.

Dumating ang sundo ng kasama niya, at tumakbo ito at yumakap sa magulang niya at nagsimulang mag kwento ng mga nangyari sa school.

Naiingit siya sa bata, at namuo ang mga luha ng magdesisyon siyang walang susundo sa kanya.

Kinuha na niya ang bag niya at nagsimulang maglakad.
----
Umikot ulit ang paligid.

Ito ang pinaka masakit sa lahat ng ala-ala niya.

Nasa may kwarto lang siya. Gumawa siya ng isang snowman at nilagyan niya iyon ng mga mata na gawa sa butones, at carrot na kinuha pa niya sa kusina para sa ilong. Isang pa kurbang stick para sa bibig. Kumuha siya ng scarf na nahalungkat niya sa bodega at isang bonnet at inilagay niya yun sa snowman.

Nilagyan niya ito ng stick para sa kamay, at saka niya ito pinangalanan na Snowie the Snowman. Tinignan muna niya ito at saka niya ito niyakap at nagsimulang magkwento sa bago niyang kaibigan.

Bumukas ang pinto, nandun ang papa niya na nakasuot ng travelling cloak.

''Mamamasyal tayo, Konor. Isuot mo to.'' Hinagisan siya ng Papa niya ng isang malaking cloak, at ibinalot niya iyon sa sarili at ang mukha at binti nalang niya ang kita.

Lumakad ang Papa niya at masaya siyang sumunod.

Nakalabas sila ng palasyo. Natutuwa siyang mamasyal sila ng Papa niya.

Nakarating sila sa isang grove at tiningnan niya ang Papa niya.

''Papa, san tayo pupunta?'' Tanong niya.

Tumingin lang ang Papa niya at may dalawang malaking bato ang gumulong galing sa grove papunta sa kanila.

Nagtago si Konor sa likod ng Papa niya at sumilip. Dalawang malaking trolls!

Hinawakan siya ng Papa niya, tinanggal ang cloak at itinulak siya papunta sa dalawang troll.

Nagulat siya ng hablutin siya ng mga troll sa braso at hatakin papunta sa grove.

Nagkakawag siya at pilit na kumawala.

''Papa! Tulungan niyo ko Papa! Papa!'' pilit niyang inabot ang papa niya habang nanghihingi ng tulong.

''Papa! Papa! Tulungan niyo po ako Papa----'' nagsimula na siyang umiyak pero walang ginawa ang papa niya.

''Papa!Papa! Tulungan niyo ko!'' Nagulat siya ng bigla nalang tumalikod ang papa niya, at naglakad palayo.

Bumalik sa dati ang room. Nanghihina si Henry. Dahan dahan siyang naglakad at sumandal sa pader. At sa pangalawang pagkakataon, binali niya ang pangakong hindi na ulit siya iiyak...

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

972K 28.2K 76
Sabi nila lahat tayo may pag asa sa buhay.......... May mga maswerte na natupad at nakuha nila ang mga bagay na gusto nila. Mayroon naman na hindi pi...
Song of The Rebellion بواسطة Yam

الخيال (فانتازيا)

10M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
504K 18.9K 87
[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numer...
7.1K 822 96
(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mumm...