Olympus Academy (Published un...

By mahriyumm

20.7M 760K 257K

◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a s... More

"Semideus Saga"
Upon Reading...
I | The Summoning
II | Break Of Day
III | Officially A Student
IV | First Meet
V | Claiming Ceremony
VI | The Alphas
VII | First Day
VIII | In Action
IX | The Swan
X | Her Daughter
XI | The Silent Years
XII | Field Commotion
XIII | New Dawn
XIV | A Threat
XV | Potential
XVI | Power Limit
XVII | Attractions
XVIII | The Mission
XIX | Composed
XX | Finding Theo
XXI | Semideus
XXII | The Search
XXIII | Village Witches
XXIV | Hesperides
XXV | Terraria
XXVI | Mayethrusa
XXVII | Cup Of Coffee
XXVIII | Arcadia
XXIX | The Return
XXX | Back In School
XXXI | Unsolved
XXXII | Alarms
XXXIV | Polyphemus
XXXV | Maps
XXXVI | Anxious
XXXVII | Uncertainties
OLYMPUS ACADEMY: BOOKS I & II
XXXVIII | Perplexed
XXXIX | Glimpses
XL | Written
XLI | Energy
XLII | God of Connections
XLIII | Divided
XLIV | Nightmares
XLV | Finders Keepers
XLVI | The Alpha Way
XLVII | Sub Silentio
XLVIII | Therapy
XLIX | Overseers
L | Sensed
LI | The Elite
LII | Reunited
LIII | In Control
LIV | Silence
LV | Lanterns
LVI | Awaiting
LVII | Intruder
LVIII | Grounded
LIX | Reinforcements
LX | Rivers
LXI | Pricked
LXII | Captured
LXIII | Supreme Divination
LXIV | New Reality
LXV | Child of Light
LXVI | Taken
Book Note
Epilogue
OA: PLAYLIST
2nd Book
Round 2

XXXIII | Danger

247K 9.1K 1.6K
By mahriyumm

Ria's POV

Kasalukuyan kong tinutulungan si Doc na gamutin si Cesia. The nurses told us she lost consciousness on their way here.

Sa ngayon, ako ang assistant ni Doc dito dahil bigla nalang tumakbo si Art pabalik sa dorm.

Wala akong ideya kung ano na naman ang drama ng bata. Pero hula ko, may koneksyon 'yan sa Powerpuff Girls obsession niya.

Tinitigan ko ang babaeng nakahiga. "Do you think she regrets coming here?" I can't help myself but ask. As far as I know, her life as a mortal was fine. Hindi kaya siya nagsisisi na manatili rito kasama kami?

After everything that happened to her, I bet she does.

"That's not mine to answer." ani Doc. "Why would you ask that?"

"Naalala ko lang kasi..." Napangiti ako. "May sinabi siya sa'kin, something about all of this being just a dream." Kaya siguro nasabi niya 'yon dahil gusto niyang hanggang panaginip lang ang lahat ng 'to...

"You're scared, aren't you?" tanong ni Doc.

I was quick to gather my senses. "N-No. I'm not." Iniwasan ko ang kanyang tingin. "I can't be scared. I shouldn't be."

Natawa lang siya nang marahan. May inabot siya sa'kin na isang transparent cream container na may lamang puting krema. "Bring this to Chase. Make sure you apply it on his burns evenly." She gave me a sharp glare, dahilan na matawa ako.

"Be gentle, okay?" paalala niya. "That medicine stings."

"Be gentle." Tinanggap ko ito. "Noted." I said, before taking off. Lumabas ako ng private cubicle at pumunta sa isa sa mga curtain-divided cubicles. The smaller cubicles meant for those patients who require only minimum assistance.

Hinawi ko ang kurtina at bumungad sa'kin si Chase na nakaupo sa gilid ng higaan. Pinagpapawisan siya at nakahukot, mukhang namimilipit sa sakit.

"Didn't they give you pain relievers?"

Inangat niya ang kanya ulo para tignan ako. "Ba't ka nandito?"

"Pag ako hindi mo sinasagot nang maayos, sasapakin kita." pagbabanta ko sa kanya. "Take off your bandages. May ilalagay ako sa mga sugat mo."

Tinanggal niya ang bandage na nakapulupot mula sa dibdib hanggang sa tiyan niya. Umupo ako sa dulo ng higaan, nang nakaharap sa likod niya.

"You should be dead." puna ko nang makita ang bakas ng mga kidlat sa balat niya. It looked like someone painted trees with a lot of branches on his back using dark red paint. "Ba't ba kasi ang tagal mong mamatay." mahina kong sabi, sapat lang para marinig niya 'yon.

I noticed his muscles tense the second I started applying the cream on his wounds. "Gago- ano yan?!" Napatayo siya sabay lingon sa'kin.

"Sinong gago?" Umangat ang kilay ko.

Pabalik-balik ang kanyang tingin sa'kin at sa gamot na nasa kamay ko. "Yung gamot." sagot niya at bumalik sa pagkakaupo. "Dahan-dahan lang kasi. Tch."

"Bakla." Nagpatuloy ako sa pagpahid nung cream sa likod niya. Napahinto ako nang marinig ko ang mahina niyang tawa. He was giggling by himself. Side effects ba 'yan ng nangyari sa kanya?

"Ria, my dad had male lovers. Baka nakalimutan mo."

Ewan ko kung anong nangyari sa'kin pero kusang gumalaw yung kamay ko at binatukan siya. "Bahala ka na nga diyan." Ipinatong ko yung container sa higaan atsaka tumayo. "May aasikasuhin pa ako. Help yourself."

"Galit? Hmm..." Sumingkit ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ang kanyang baba, na tila malalim ang iniisip. "Bakit kaya?"

"Hoy!" Dinuro-duro ko siya. "Wag ka ngang mag-assume. Paki ko ba kung mga lalaki pala trip mo. Eh di do'n ka kina Trev-"

Bigla siyang naglaho at naramdaman ko nalang ang isang kamay sa balikat ko. "Ria?" bulong niya habang nakatayo sa likuran ko. "Ano nga ba yung ina-assume ko? Wala naman akong sinabi ah."

Sobrang lapit niya lang sa'kin kaya malakas ko siyang siniko sa sikmura. Umikot ako saka sinipa ang likod ng tuhod niya at tinulak siya pababa sa sahig. Narinig ko ang halakhak niya kahit nang napatumba ko siya dahilan na mas mainis pa ako sa kanya.

Inirapan ko siya bago umalis.

Tinawag ko ang nurse na napadaan sa harap ko. "Excuse me but can you check on Chase? The son of Hermes?"

"Why?" Nag-abot ang kanyang kilay. "We already gave him a couple of medicines. Did he faint? Or?"

"Worse." sambit ko sabay tingin sa malayo. "That demigod is still breathing."

Tinitigan lang ako nung nurse. Hindi siya nagsalita at unti-unting lumayo nang hindi tinatanggal ang kanyang mga mata sa'kin.

Napailing ako at bumalik sa cubicle kung saan naroon si Cesia. Pagpasok ko, nakita ko si Kara na nakatayo, nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib at pinagmamasdan ang pasyente. Kapansin-pansin ang sunod-sunod niyang buntong-hininga.

"Magigising din naman siya mamaya, ayon kay Doc."

"Trev was in no way in control of those lightnings." She chuckled lightly with a hint of sarcasm. "Does this mean it was Zeus who sent them?"

Natawa rin ako sa sinabi niya. "Sa tingin mo, ano na naman kaya ang atraso natin?"

Narinig namin ang pagbukas ng pinto. Hindi na namin kailangang lumingon para malaman kung sino ang pumasok dahil sa hikbi na kasunod naming narinig.

Malumbay na umupo si Art sa mahabang leather chair na nasa dakong dingding ng silid. Suot niya pa rin ang kakaibang pajama niya at nakatalukbong ang hood nito sa kanyang ulo. Kitang-kita ko ang bakas ng mga luha sa namumula niyang pisngi.

"I have to go." paalam ni Kara bago lumabas ng kwarto.

"Art?" Tumabi ako kay Art. "What's wrong?"

Pinunasan niya ang kanyang pisngi at humugot siya ng malalim na hininga. "Ih kasi, kukunin ko sana sina Blossom pero hindi nila ako pinapasok sa dorm Ria..." hibik niya. "Baka na-suffocate sila du'n sa kwarto ko."

Napaubo ako dahil pilit kong kinikimkim ang isang ngiti na nagbabantang mamuo sa labi ko. Umayos ako sa pagkakaupo at hinagod ang likod niya. "Don't worry, I'm sure okay lang sila."

"Paano?" Ibinaba niya ang hood na tumatakip sa ulo niya.

"May powers din naman sila, diba?"

Bahagyang bumukas ang kanyang bibig. Kinisap-kisap niya ang kanyang mga mata na para bang naliwanagan siya sa sinabi ko. "Oh my Greeks! Oo nga ano?!"

I felt relieved nang bumalik ulit yung ngiti niya.

That's right Art... continue smiling even when everything feels wrong as of this moment. It's what we need the most right now. Your light.

"See? You have nothing to worry about." Tinapik ko ang balikat niya at tumayo. "Bantayan mo muna si Cesia, okay? May pupuntahan lang ako."

"Mmm!" Tinanguan niya ako, suot ang kanyang matamis na ngiti.

• • •

Naglibot-libot ako sa dorm. Nauna nilang nilinis ang sahig kaya wala na ang mga nakakalat na mga piraso ng nasirang furnitures. Lumapit ako kina Sir Rio at Kara na sinusuri ang mesa sa kusina.

"That attack wasn't meant to kill us, was it?" tugon ko. "I should know dahil gawain ko ang manakot, ang mambanta ng buhay ng iba." My hand touched what's left of the lightning on the table, a huge burn mark.

May it be a god or another creature, ang kapal ng mukha ng may kagagawan nito. To threaten the lives of the Olympians' descendants like that. How inconvenient. Whoever sent this must be asking for a life spent in Tartarus, the deepest abyss of the Underworld.

Agad kong kinuyom ang aking palad at inilayo ito sa mesa nang biglang sumakit yung ulo ko. It was as if someone hit my forehead with something sharp. Bago pa lumala ang pakiramdam ko, inalala ko ang sitwasyon namin ngayon. Paano ako makakatulong sa kanila kung magpapadala ako sa galit ko? I might even make things worse.

"Ria? Are you okay?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Kara.

My eyes were throbbing in pain when I looked at her. "Don't mind me. I'm fine."

Tinitigan niya ako. Saka lamang niya tinanggal ang kanyang tingin mula sa'kin nang tumigil na ang pananakit ng mga mata ko. "Of course you are." malamig niyang sabi at muling binalingan ng atensyon ang marka sa mesa.

Iniba ko ang landas ng aking paningin dahil sa hiya. Gods. How stupid of me. To lie in front of a daughter of Athena. Sana pala'y nanahimik nalang ako imbes na sagutin siya.

Mayamaya pa'y pumasok si Sir Glen. Sumunod sa kanya si Trev na naka-bandage ang mga braso. Hindi naging hadlang ang kanyang injuries sa kaugalian niyang pagsilid ng dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pants niya. Wala ring ipinagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. Blangko pa rin ito.

Tumungo silang dalawa sa kinaroroonan namin.

"The lightnings were artificial." pagbibigay-alam ni Sir Glen. "In other words, the lightnings aren't made of the elements they should be made of."

"No electromagnetic radiation was produced nor any electric charge." dugtong ni Trev. "It was only light and heat used at the same time to mimic that of electricity."

"Eh yung location ng source nito?" tanong ko. Gusto ko lang bawiin yung sinabi ko na makapal ang mukha ng may gawa nito. That was an understatement, dahil isang violation against the gods ang hindi pagsunod sa mga batas ng kalikasan. Kasali na rito ang paggamit ng artificial abilities.

The audacity to mimic such power. Ang mas malala, yung ginaya pang kapangyarihan ay ang kapangyarihang taglay ng God na naghahari ngayon sa Mount Olympus.

"We couldn't trace it." sagot ni Sir Glen. "However, these types of abilities can only extend to short distances. It's a possibility that the source was close during the attack."

We spent the next few minutes under heavy silence. The tension didn't collapse, kahit nung nagpaalam na sina Sir Glen at Sir Rio sa'min pagka't pinatawag daw sila sa office ng principal.

"So..." Binasag ko ang katahimikan na namamagitan sa'ming tatlo nina Kara at Trev. "Sinabi sa'kin ni Art na hindi daw siya pinapasok dito."

Gumuhit ang isang mapait na ngiti sa aking labi dahil wala akong natamong response mula sa dalawa. "I'm sure papunta na rin dito sina Dio at Cal." sabi ko sa kanila. "Babalik nalang muna ako sa clinic."

Binalewala ko ang binabatong tingin ng mga estudyanteng nakasalubong ko sa corridors. They may be curious, kung anong nangyari sa dorm namin... o sadyang kapansin-pansin lang talaga ang bigat ng bawat hakbang ko.

Dumiretso ako sa cubicle ni Cesia, kung saan nadatnan ko si Kaye na nakatayo sa paanan ng higaan. Nilingon niya ako, her face pale and eyes, as dark as Cal's.

Come to think of it, she doesn't look like an oracle of a light deity, does she? She'd be fitting as an oracle or a keeper of a deity from the Underworld instead.

"Anong ginagawa mo dito?" And I thought I left Art here? Sa'n na naman kaya 'yon nagpunta?

"I had a vision again." Yumuko siya. "But it's too late now. I-I'm sorry. I should've told you earlier. Nadala kasi ako ng takot ko..."

"It's not your fault." I said bitterly because to be honest, wala ako sa mood ngayon makipag-argue sa kanya. If I know, the next thing she would do is blame herself. And the gods know how I'm not fond of people who take the blame all by themselves.

"Pero dapat kasi binalaan ko kayo habang maaga pa... kaso natakot ako. Kasalanan ko 'to eh-"

"Please don't." walang kagana-gana kong saad. "Ayokong maging emosyonal sa panahong 'to. There are a lot of things that are bothering me right now and the last thing I would want is to be in a dramatic dialogue."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

Call me rude or whatever, but what's the point of her sharing what she feels kung hindi rin naman ako makikinig sa kanya? It's not like I'm invalidating her feelings and I won't listen to her. I will, pero wag lang ngayon. Dahil marami pang bumabagabag sa isipan ko. Kilala ko na ang sarili ko. I can't stand being in a heart-to-heart conversation when my thoughts are all over the place.

Unless it's Art. Iba kasi ang kahulugan ng deep talks kasama siya. Ewan ko nga kung uso ba yung meaningful conversations sa kanya.

"P-Pero..."

"Wala kang dapat ihingi ng tawad, Kaye. Wag mong akuin lahat." I gave her a bored look. "'Yan lang ang masasabi ko sa'yo."

"Then, what can I do? Para matulungan ko kayo?" aniya.

"Good question." Nginitian ko siya. "Sabihan mo lang kami kung magkakaroon ka na naman ng vision. Don't hesitate to approach us."

Tumango siya. "I will." Sinulyapan niya si Cesia. "Pakisabi nalang na napadaan ako. May klase pa kasi kami. Una na'ko." Nag-bow siya at dali-daling lumabas ng kwarto.

Narinig ko ang pagsara ng pinto. Kasabay nito ay ang paggalaw ng isang kamay ni Cesia. Kumunot ang kanyang noo at dahan-dahang bumukas ang kanyang mga mata. Napasingkit pa siya nung una bago tuluyang naka-adjust ang kanyang paningin sa liwanag.

"Cesia? You can hear me right?"

Tumango siya, which means she's already responsive. "Good. Wag ka munang gumalaw. Tatawagin ko lang si Doc."

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 228K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Starte...
HIDDEN FILES 3 By avy

Mystery / Thriller

1.7K 171 29
[03/03] complete | unedited In the end of the tunnel filled with only darkness there shall be light and new beginning. Jade Cesaire and Bryce Valeron...
110K 3.9K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
211K 12.6K 70
Cold-blooded murder. A psychopath serial killer on the loose. Two of Eastwood's greatest detective agents in the same labyrinth of mystery. Time is r...