BAM, THE BEKI MAID

By YooAckerman

107K 4.1K 706

PAANO KUNG ANG ISANG MAYAMANG BAKLA AY MAGISING NA LANG BIGLA SA KATOTOHANAN NA ISA NA SIYANG DUKHA? AT PARA... More

[PROLOGUE]
[1]
[2]
[4]
[5]
[6]
[7]
[8]
[EPILOGUE]

[3]

9.6K 463 141
By YooAckerman


(BAM'S POV)

"Umiinom ka ba?" tanong sa akin ni Lykah sabay abot sa akin ng isang shot glass kaso tinanggihan ko ito. Inirapan naman nya ako. Napailing na lang ako.

Kapag parehas kasi kaming uminom, baka mahirapan kami pauwi. Pagkatapos niya akong alukin, hindi na niya ako pinansin. Naging busy na siya sa pakikipagkwentuhan sa dalawa niyang kaibigan na sina Mimi at Wendy na akala mo'y isang taon silang hindi nagkita. Nagtatawanan sila na may kasama pang hampasan.

Napailing na lang ako pero natuwa akong pagmasdan si Lykah na tumatawa. Mas nagmumukha siyang manika kapag nakatawa siya kesa sa nakataas ang kilay. Akala niya kasi ikinaganda niya ang pagtataas niya ng kilay sa akin. Tss. Nagmumukha siyang si Annabelle ng The Conjuring kapag nakataas ang kilay niya! Ang chaka ng fes.

Nahinto ang tawanan nila ng biglang matuon ang atensyon ni Lykah sa isang lugar. Sinundan ko ito ng tingin at nakita ko ang isang lalaki na nakaupo di kalayuan sa amin na may kausap sa cellphone. Muli akong tumingin kay Lykah. Nakita kong nakakunot ang noo nya. Maya-maya'y, nagpaalam siya sa amin na magsi-C.R lang.

"Mimi, sundan mo nga si Lykah. Baka ngumawa na naman yun sa CR." Sabi ni Wendy habang tinutulak si Mimi.

"Okeh!" sabi naman ni Mimi sabay okay sign.

Sinamantala ko ang pagkakataon na lumapit kay Wendy at magtanong kung anong nangyari kay Lykah.

"Anong nangyari kay Lykah? At tsaka sino yung tinitingnan niya?" sabi ko sabay nguso dun sa lalaking tinitingnan ni Lykah kanina na ngayon ay palabas na ng bar.

Ininom muna ni Wendy yung alak na nasa shot glass niya bago sinagot ang tanong ko.

"Well, siya lang naman si Cyrus Jake Alcantara. Ang manlolokong ex-boyfriend ni Lykah." Sabi nya tapos ay nagtaas siya ng kilay sa akin. Magkaibigan nga sila ni Lykah!

"Ex-boyfriend?" tanong ko.

"Oo. One year din sila ng kutong-lupang yun. At take note, sa mismong anniversary pa nila sila nag-break. Naabutan lang naman siya ni Lykah na may kalandiang babae sa paborito nilang coffee shop. Then, dun nya nalaman na habang sila pala ay may karelasyong iba yang Cyrus na yan. At ang resulta? Nawasak ang buhay ng loka-loka kong kaibigan. Palibhasa first boyfriend niya kaya iniyakan niya ng bongga. Yang Cyrus na yan din ang dahilan kung bakit nahilig sa nightlife si Lykah. Dati kasi hindi mo mapapalabas ng bahay yang si Lykah sa ganitong oras ng gabi. Isang himala na lang siguro kapag nangyari yun. Pero tingnan mo naman ngayon. Siya pa ang nag-aaya sa amin na maglakwatsa!" mahabang paliwanag ni Wendy na hindi pa rin nababa ang kilay. Hindi ko alam ang intensyon niya kung bakit nakataas ang kilay nya. Siguro ipinagmamalaki niya sa akin na bagong ahit ito. Charot!

Napatango na lang ako dahil sa sinabi ni Wendy. Ilang minuto din ang lumipas bago muling bumalik sa table namin sina Lykah at Mimi. Namumula ang mata ni Lykah pero nakangiti siyang lumapit sa amin. Siguro nga umiyak na naman 'tong bruhang 'to. Ex-boyfriend lang pala ang weakness. Maasar nga siya bukas. Charing!

"Girls! Tara sayaw tayo!" pag-aaya ni Lykah kela Wendy at Mimi na agad namang tumango at tumayo mula sa kinauupuan nila.

"Ikaw bakla, gusto mong sumama sa amin?" tanong ni Lykah sa akin habang nakumpas-kumpas pa ang kamay dahilan para malaman kong lasing na siya.

Pero tulad kanina, humindi ako. Inirapan na naman niya ako bago hinatak sila Mimi at Wendy papunta sa stage. Ayoko ngang sumama sa kanila. Buti sana kung sila Mikael, Joey at Kloude ang kasama ko sa stage. Hayy. Na-miss ko na yung mga chakang baklang yun. Kamusta na kaya sila? Huhuhu.

Pinagmasdan ko na lang sila Lykah na masayang sumasayaw. Minsan ay naghe-headbang pa silang tatlo. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Mukha kasi silang mga takas sa mental. Tsk. Tsk.

Maya-maya'y naging mabagal ang tugtog dahilan para magsibabaan ang iba na mas trip ang pang-party- party na tugtog. Hinintay ko na bumaba sila Lykah pero hindi nangyari. Hinanap ng mata ko si Lykah at agad ko naman siyang nakita. Pero bigla akong napatayo nang may biglang kulugo ang lumapit sa kanya at hinapit ang bewang niya dahilan para magkadikit ang katawan nila. Akala ko aangal si Lykah kaso hindi. Hinayaan niya lang yung lalaki.

Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo nang makita kong gumapang ang kamay nung lalaki mula sa bewang ni Lykah papunta sa likuran niya. Hindi na ako nakapagtimpi kaya agad akong lumapit sa kanila at hinatak si Lykah palayo dun sa lalaking mukhang kulugo.

"Get your hands off of my girlfriend!" sigaw ko sa matigas na boses. Tinigasan ko talaga para matakot yung lalaki.

"Girlfrieeeeeeend? Hoyyyyyy! Sinong niloloko mo?!" sabi ni Lykah na gumegewang-gewang na dala siguro ng kalasingan.

"Hindi mo naman pala 'to girlfriend eh!" sabi naman nung lalaki at akmang kukunin si Lykah kaso mabilis ko siyang naitago sa likuran ko.

"Nag-away kasi kami kaya ipinagkakaila niyang girlfriend ko siya. So ngayong alam mo na, pwede ko nang umalis." Sabi ko at itinaboy siya na parang aso.

Napakamot na lang yung lalaki at inis na umalis.

Hinarap ko si Lykah at pinitik yung noo nya dahilan para mapaaray siya sa sakit.

"Bakit mo ako pinitik?!" singhal nya sa akin.

"Kung pipili ka ng kasayaw mo, siguraduhin mo namang gwapo hindi yung mukhang kulugo na may pagkakahawig pa sa shokoy!" sigaw ko rin sa kanya.

Tinanggal nya ang kamay ko na nakahawak sa braso nya at akmang babalik sa stage kaso hinatak ko siya pabalik sa akin.

"Ano ba?!" sigaw nya ulit sa akin.

"Uuwi na tayo." Sabi ko pagkatapos ay kinaladkad ko na siya palabas ng bar.

Patuloy siyang pumipiglas mula sa hawak ko kaso sadyang mas malakas ako sa kanya kaya hindi nya magawang makakawala. Ipapasok ko na sana siya sa loob ng sasakyan kaso nagmatigas siya.

"Ayoko pang umuwi. Bakit ba ang kulit mo?!"

"Alas dose na bruha! Kanina ko pa gustong magpahinga." Naiirita kong sabi sa kanya.

"Ako ang amo sa ating dalawa kaya ako ang masusunod. Kung gusto mo, mauna ka na lang umuwi!" singhal nya sa akin bago tumalikod pero pinigilan ko ang braso niya.

"Hindi ako pwedeng umuwi ng hindi ka kasama." Sabi ko sa kanya.

Tinitigan niya ako ng masama tsaka tinabig ang kamay ko at nagtuloy-tuloy siya sa paglakad. Napakamot ako sa batok ko bago ko ipinulupot ang isang braso ko sa bewang niya pagkatapos ay pinihit ko siya paharap sa akin. Kakawala sana ulit siya kaso mabilis kong nahawakan ang batok niya at hinalikan siya.

Mabilis lang ang halik na ginawa ko. Ito lang kasi ang naiisip kong paraan para itigil niya ang kakulitan nya at mukhang epektibo naman. Natulala kasi siya sa akin. Natulala ata sa kagandahan ko! Sinamantala ko ang pagkakataon at agad ko siyang isinakay sa loob ng kotse at pinaharurot ito paalis.

---

Payapa akong naghuhugas ng pinagkainan ko nang biglang may mararahas na mga kamay ang bigla-bigla na lang humampas sa braso ko.

"Bakit mo ako hinalikan kagabi?!" sigaw sa akin ni Lykah habang walang tigil sa paghampas sa braso ko.

"Ang kulit mo kasi kagabi kaya kita hinalikan! Walang malisya yun kaya wag kang mag-inarte diyan na akala mo ginahasa kita." sagot ko naman habang pilit na iniiwasan ang mga kamay nya.

"Kahit na! Dapat hindi mo ginawa yun! Nakakainis ka!"

Dahil sa patuloy kong pag-iwas sa mga hampas ni Lykah, nabitawan ko ang hawak kong pinggan dahilan para masugat ang hintuturo ko.

"Aray!" hiyaw ko ng maramdaman ko ang paghapdi ng hintuturo ko. Napahinto naman si Lykah sa paghampas sa akin.

"A-Anong nangyari?" tanong niya habang nakatingin sa daliri kong dumudugo.

Tiningnan ko lang siya bilang sagot pagkatapos ay binuksan ko ang gripo para linisin ang sugat ko. Pero dahil sadyang maldita si Lykah, pinatay niya ito at nakataas ang kilay na tumingin sa akin.

"Bakit ba ang kulit mo---"

Naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinatak ako papunta sa sala. Pinaupo niya ako sa sofa pagkatapos ay umakyat siya papunta sa kwarto niya. Pagkababa niya, may dala na siyang first aid kit. Umupo siya sa tabi ko habang naglalagay ng alcohol sa bulak.

"Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya.

"Gagamutin yang sugat mo." Taas kilay niyang sabi.

Agad ko namang itinaas ang kamay ko dahil sa sinabi niya.

"Ayoko!" sabi ko at akmang tatayo kaso hinatak niya ako pabalik.

"Wag ka ngang OA. Alcohol lang 'to. Hindi mo 'to ikamamatay!" sabi naman niya habang nanlilisik na ang mata.

"Ayoko nga sabi eh!" sabi ko naman habang mas itinataas pa ang kamay ko.

Tumayo siya at hinawakan ang kamay kong nakataas. Yumuko siya para maging magkapantay ang mga mukha namin. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Bigla niya akong hinalikan kasabay nang paglapat ng bulak sa daliri kong may sugat. Habang ginagamot niya ang sugat ko ay nakalapat lang ang labi niya sa labi ko.

"O diba hindi masakit." Sabi niya nang humiwalay siya sa akin.

Binalik niya ang alcohol sa lagayan nito pagkatapos ay ibinato niya sa akin ang bulak na ginamit niya sa pag-gamot sa sugat ko.

"Tapusin mo na yung hugasin mo dun!"

Hindi ko siya sinagot. Nanatili lang akong nakatulala sa kanya.

"Walang malisya yun kaya wag kang mag-inarte diyan na akala mo ginahasa kita." Panggagaya niya sa akin pagkatapos nun ay tumalikod na siya at nag-martsa pabalik sa kwarto niya.

Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad papunta sa kwarto niya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Napahawak ako sa labi ko at sa hindi malamang dahilan, bigla akong napangiti. Nakakaloka!

(A//N: You're free to call me Raim / Ate Raim. Wag Miss Author. Masyadong pormal. Hahahaha. Labyu! :D )

Continue Reading

You'll Also Like

159K 3.8K 51
Pano kung ang lalaki naman ang bullyhin ng babae? anong ang mangyayari? edi world war III! Probinsyano meets Princess Royal rambulan na!
117K 4.8K 77
Brook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love...
80.1K 2.2K 28
GXG
19.3K 462 49
Do you believe in love? or love at first sight? Most of the people believe on what they are saw and feel. Some of us also believe to those sentences...