Taking Risk [ON MAJOR EDITING]

By boiji_anhneun

26.2K 1K 146

Sometimes not having friends doesn't mean you are worthless. Sometimes we are just afraid to take the risk to... More

Prologue
1: The Beginning
2: The Rules
3: Hanggang Tingin Nalang
4: TNT (Tago Ng Tago)
5: Weird People
6: Friendship Starts
7: Bakit
8: Reason
9: Liza and Quen
10: Flashback
11: Pack-up
12: Selos at Kilig
13: Road To Antipolo
14: Boarding House
15: Dare or Bare
16: Peace Offering
17: Revealed
18: Rain & Love
19: Visa
20: Missing
21: Giving Up
22: New Girl
23: Sacrifice
Season 2 Teaser (SOON)
24: Return
26: She
27: Hope
28: Her Winner
29: Played With
30.1: Love Is A Choice
30.2: Good & Bad News
31: Intramural
32: Drunk
33: Midnight Coffee
34.1: Stay With Me
34.2: Reality Sucks
35: Being Compared
36: Blue Moon
37: Faking It
38: Forgiveness
38: Forgiveness (REPUBLISHED)
39: Official
40: Plan
End Of Season 1 (WARNING DON'T SKIP)
Midlogue
Major Editing

25: Invited

410 17 0
By boiji_anhneun

Joshua's POV:

Kainis. Hindi ko parin mabuo tong rubrics cube na to!

Okay na e. Buo na yung isa, tapos pagmag bubuo na ng bago, masisira naman yung buo na.

Complicated na nga buhay ko... Pati pa ba tong nilalaro ko?

Kung pwede ko lang tong kalasen e.

Pilit ko parin syang binubuo hanggang sa sumuko na ko.

Padabog akong sumandal sabay ng plano kong pagbato sa nilalaro ko.

Ibabato ko pala sana ito ng...

"No!! Wag!" Agad nya namang kinuha yon sa kamay ko, at hindi pa nakuntento...

Tumabi pa sakin.

"Wag mo namang sirain to. Sayang naman. Okay na o... May nabuo ka na." Iniikot ikot nya lang yon.

Napairap nalang ako.

Madali lang para sakanya yan kasi hindi naman sya yung nasayangan ng oras e.

"Impatient ka talaga." May pagka FC rin pala tong Krissha na to.

Pinakilala sya samin nina Teddy.

"So?"

Pilit nya paring binubuo yon. Hindi ko nalang sya pinansin.

Nilagay ko sa tenga ko yung headphones ko at nagpatugtog.

...

Nasa kalagitnaan na ko nung kanta ng biglang nakaramdam ako ng sumusungkit sa braso ko.

Inis kong tinanggal ang headphones ko.

Tinignan ko sya ng masama.

"Bakit?!"

"Eto o." Itinaas nya yung rubrics na kaninang nilalaro ko.

Napabilib naman ako ng mapansin kong nabuo nya yun.

"Wow. Nabuo mo." Nakangiti kong kinuha yung rubrics. "Paano mo...?"

"Kasi dapat hindi ka gumi give up. Diba naka buo ka ng isa? Dapat handa mo muna syang talikuran para maharap mo yung iba."

Napangiti ako ng marealize kong may point sya.

"Sacrifice ang kailangan, Joshua. Matuto kang mag sakripisyo." Ngumiti sya sabay ng pag abot nya ng kamay nya. "Can we be friends, please?"

Tinignan ko muna yung kamay nya bago yun kunin.

"Sige. Basta tuturo mo sakin yung 'sacrifice' na sinasabi mo."

"Sige ba."

Janella's POV:

Night...

"Dyan lang ba kayong tatlo? Sure kayong ayaw nyong pumasok?"

"Okay lang po mom. Hihintayin pa namin yung mga kaibigan namin." Tumungo tungo naman si mommy. Pumasok na si mom sa loob ng magsalita si Ylona.

"Ang tagal naman nung mga yon."

"Oo nga e. Pasalamat nga sila inimbita pa natin sila e." Napa pout nalang si Alexa.

Nandito kasi kami sa bahay na pinatayo ng mga magulang naming apat para sa mga 'get together' nila mommy.

At katulad nga ng nabasa nyo. Yes. We invited the 'four eggs'.

Hihindi pa sana si Joshua kung hindi lang pinilit ni Ylona.

"Ang tagal nila."

Agree ako kay Alexa.

Mga ilang minuto lang ay napagdisisyonan naming umupo sa veranda.

Rinig na rinig namin yung ingay nila sa loob.

Kung papakinggan mo, parang ang perfect ng mga pamilya namin. Pero hindi.

Si Alexa wala na yung papa nya, plane crash ata. Pero bawing bawi naman sya kay tita kasi sobrang alaga sakanya.

Si Loisa ayun rin... Hindi kasal ang mga magulang nya, at may anak pa si tito sa labas.

Si Ylona buo nga, may tensyon naman sa pagitan ng papa at ng kuya nya. Nasabi ko nabang hindi rin sumasama si tito Jack sa mga get together?

Kung hindi...

Ayan na sabi ko na.

At syempre ako... Bata palang ako ng mamatay ang papa ko ng dahil sa cancer. Kaya hindi nakapagtatakang mama's girl ako.

Okay back to reality.

"Onti nalang talaga... Naku! Papasok nako!" Kinakamot pa ni Ylona yung noo nya.

"Hay! Ang tagaaaaal!" Sigaw naman ni Alexa.

Hindi nyo kami masisise. Nakaka stress kayang maghintay.

"Oh girls? What are you doing here?" Agad naman kaming napatayo nina Ylona sabay ng bati namin kay tita Jackie. "Sino bang hinihintay nyo?"

"Uhm..." Nagkatinginan pa kami na tila bang nagtuturuan.

Ngayon lang kasi namin nakita si tita na light ang mood since you know.

Okay ang conyo ko -,-

"Mga kaibigan po namin." Ngiti ni Alexa.

Tumungo tungo naman si tita at nagpaalam ng pumasok.

Ng makapasok na sya ay agad naman kaming umupo.

"Ang light ni tita ngayon a? Anong kayang nakain nya?" Nagsitawanan kami dahil sa sinabi ko.

Maya maya may naririnig kaming sumisigaw.

"Raikko! Come to kuya Hiro!" Habol ni kuya Aki kay Raikko na pababa na papunta sa garden.

(AN: sorry po dahil minsan na eexchange ko yung spelling ng Raikko. Eto po ang tama [Raikko] hindi [Rhykko] peace!)

Matagal ng nawala yung bali ni kuya Aki na dahilan ng mas ikinagulo nilang dalawa.

"Catch me first, kuya Hiro!" Pinagmamasdan lang namin sila ng may marinig kaming kaluskos sa gate.

"Ano ba, Bailey! Ang likot mo. Mamaya magalit pa yung mga magulang nila Janella!" Nagkatinginan kami ng marealize namin na si Marlo yon.

"Ako pa ngayon? Si Joshua yun no!"

"Aba ng damay ka pa a! Eto sa 'yo!"

"Ouch!" Pinipilit kong hindi matawa kasi obvious naman na nakatanggap ng batok si Bailey.

"Tumigil nga kayo! Kumatok ka na Joshua."

"Aba Nash! Hindi mo kong pwedeng utos utusan no!"

Tumayo ako ng dahan dahan para makalapit sa gate. Sumunod rin sina Alexa sa likod.

"Sinong mas gwapo satin?" Narinig naming tanong ni Nash.

"Who else?! Ako syempre! Aray! Nakaka rami kana Joshua ha!"

"Mas gwapo ako sa yo Bailey!"

"Magsitigil! Nagsasalita ang gwapo!" Napatakip ako ng bibig dahil sa kayabangan nila.

"Mali kayo! Ako ang mas gwapo, kaya kayo ang kumatok."

"Yabang..." Reaksyon ni Alexa na tila kontra kay Nash.

"Ayoko nga! Kayo nalang!"

"Eh! Lagi nalang ako iba naman!"

"Mas lalo naman ako!"

Mabilis na binuksan ni Ylona yung gate na dahilan ng pagbagsak nila sa lapag.

"Saya?" I sarcastically asked.

Wow english.

"Oo! Tignan mo o! Ang raming puting buhok ni Joshua." Nadadaganan kasi ni Bailey si Joshua kaya pumorma sya na parang ginagalaw ang buhok ni Joshua.

"Tsk! Ako na naman!"

"Hahahahaha!" Nagsitawanan kami habang si Joshua napa pout nalang.

Joshua's POV:

Kung hindi lang ako pinilit hindi ako sasama e.

Malamang sa malamang kilala ko ng mga magulang nina Loisa.

Isa kasi sa secret nila ang tungkol sa totoong identity ko. Bakit? Utos kasi yon ni papa.

(AN: anong connect?)

He! Basta naintindihan nyo naman siguro no?

"Bakit ba kayo late?" Tanong ni Janella kay Marlo na nasatabi nya.

"Si Nash kasi! Nag ritwal sa shower room!"

"Ako pa?! Baka si Bailey na matagal magayos ng buhok!"

"Dinamay nyo pa ko!"

Natatawa kong umiwas ng tingin ng mabaling ng mata ko ang isang swing.

Swing kung saan ko sya unang nakita. Ang swing na dahilan ng una kong bukol. At ang swing na nagpaniwala sakin ng love at first sight.

How I miss that girl... I miss her smile... Her hair... Her voice... Her eyes... Her moves, and especially her presence.

Kung sumuko na yung iba... Ako hindi. Hindi ako susuko.

"Huy Joshua! Lika na! Kanina kapa tulala dyan e!"

Nasa pintuan na pala sila? Bilis naman?

---

Nagsa-strum lang ako ng gitara ng, mapansin kong nagsosolo na sila.

Madaya! Wala kong lablayp :3

By the way marami kasing instruments dito sa tinatambayan namin.

Nang tuluyan nakong ma OP e pinagmasdan ko nalang sila.

Nakita ko si Marlo at Janella. Tinuturuan ni Marlo si Janella kung paano gamitin yung beatbox.

Pilit paring iniintindi ni Janella si Marlo. Naka ilang subok sya, pero hindi maganda yung beat.

Ng sumuko si Janella ay hinayaan nya nalang si Marlo na magtugtog.

Kakaiba ang tingin ni Janella kay Marlo... Halata naman sya masyado.

Kapag lumingin si Marlo ay iiwas naman sya. Pero pag nakaiwas ng tingin e yun na ang pagkakataon nyang sulyapan si Marlo.

Tsk! Pati babae marunong ng hokage moves?

"Ano ba naman Janella! Marunong kang magdrums pero di ka marunong gumamit ng beatbox kahiya ka!" Natatawang asar ni Marlo.

"Sorry naman!"

Natawa sila kasabay ng pagbeatbox ulit ni Marlo.

"Akin na nga yan! Nauna kaya ako!"

"Tss."

Napansin ko naman si Bailey at Ylona na naghahalungkat sa lyric folder.

Mukang nagtatalo pa sila.

"Nakita mong binabasa pa yung lyrics e! Nililipat mo agad!" Galit na sigaw ni Ylona.

"Ang lyrics kinakanta hindi binabasa!"

"He." Inirapan nalang ni Ylona si Bailey na dahilan ng mahina kong pagtawa.

Naglilipat lang sila ng sumigaw si Ylona.

"Aray!"

"Anong nangyari sa yo?"

"Paper cut." Tinaas ni Ylona yung pointing finger nya na may sugat.

Hinablot ni Bailey yung daliri nya. Naglabas si Bailey ng alcohol galing sa bulsa nya.

Boy scout.

Umaaray naman si Ylona ng pinapatakan na ni Bailey yung sugat nya, naglabas naman ulit sya ng panyo at pinahawak yun kay Ylona.

"Hayaan mong lumabas yung dugo." Iniipit naman yun ni Ylona ng umiling si Bailey. "Mali naman e. Ganto o."

Si Bailey na yung nagipit ng panyo sa daliri ni Ylona.

Pinagmamasdan lang ni Ylona si Bailey. Obviously Ylona has a crush on Bailey. Baka nga like na e.

Bilang kuya nya kokontra ko, pero dahil si Bailey naman na kaibigan ko, okay lang.

Nabaling naman ang tingin ko sa dalawang naglalabingan na sina Nash at Alexa.

Pilit man nilang tinatangging na wala silang relasyon hindi kami naniniwala.

Pinu push nga nila na may relasyon kami ni Ylona na e. Like duh! She's my sister for pete's sake!

"Maglaro tayo!" Nakuha ko naman ang atensyon nila.

Umaayos kami ng pwesto.

"Magsabihan tayo ng secrets."

"Huh? Anong laro yon?" React ni Marlo.

"Laro ba sabi ko? Ano pala dapat mag open forum tayo. Kung ano ang tanungin dapat sagutin. Game?"

"Game!"

------------------------

AN: ano ano kaya ang mga sikreto na mabubunyag?

Continue Reading

You'll Also Like

113K 5.3K 41
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
30.6K 1.5K 33
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
77.2K 2.2K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in k...