To Sir, With Love

By SBKatiee

261K 4.2K 229

[FIN] "... Isn't it funny? How things happen so unexpectedly? One minute may iba kang plano para sa buhay mo... More

To Sir, With Love
Chapter One - TS,WL
Chapter Two - TS,WL
Chapter Four - MTMHML
Chapter Five - MTMHML
Chapter Six - MTMHML
Chapter Seven - MTMHML
Chapter Eight - MTMHML
Chapter Nine - MTMHML
Chapter Ten - MTMHML
Chapter Eleven - MTMHML
Chapter Twelve - MTMHML
Chapter Thirteen - MTMHML
Chapter Fourteen - MTMHML
Chapter Fifteen - MTMHML
EPILOGUE - MTMHML
ALTERNATIVE ENDING

Chapter Three - TS,WL

15.8K 306 9
By SBKatiee

Stephanie

As soon as I got downstairs, the smile on my face was wiped out. I saw Sam sitting at the dining table, sipping on his coffee. Remnants of our conversation yesterday suddenly crossed my mind yet again.

Akala ko ba move on na Steph? Bakit iniisip mo nanaman. Ish!

"Stephanie, gising ka na pala. Umupo ka na at kumain para hindi ka ma-late, hindi ka na kumain ng hapunan kagabi"

"Opo, good morning Manang." Hayst! Kung alam niyo lang kung gaano ako kagutom kagabi! Pero tiniis ko lang kasi ayoko makita yung isa diyan.

Ngiti lang ang ibinalik na sagot ni Manang at bumalik na sa kusina. Leaving me, with him.

I tried my best not to make any sound as possible habang kumakain. Ramdam na ramdam ko yung awkwardness between the two of us. Sheesh! Ganun na ba kaseryoso yung away namin kagabi?

Well, whatever. I'm not apologizing to him, no way, no how! Last time I checked, walang mali sa mga nasabi ko kagabi. If anything, he should apologize to me for acting like a piece of sh*t.

"Manang, mauna na po ako." 

Talagang binilisan ko ang pagkain para makaalis na ako agad, kasi naman yun isa, wala atang balak tumayo at umalis na. Duh, hindi ba siya mal-late???

"Sige anak, mag ingat ka. Nga pala, tumawag ang daddy mo Stephanie, mag dinner daw kayo mamayang gabi."

Napatingin ako kay Sam, kinabahan naman ako. Halatang nagulat din siya, usually kasi kapag nag d-dinner kami ni Daddy laging kasama si Sam. And of course, todo pretend na okay na okay kami. Our Dads both think that we've fallen madly in love with each other and that their decision to get us together was the best choice they've made. 

Paano yan? We're both not okay. 

Nginitian ko nalang si Manang at nauna ng umalis, usually sumasakay ako sa tricycle para makapunta sa school pero dahil napaaga yung alis ko, nag decide nalang ako mag lakad. Para na rin makapag-isip isip ako. Dadaan na rin ako sa coffee shop malapit sa school para bumili ng iced coffee.

Nasaktuhan ko naman na si Ate Girlie yung server na andun pag dating ko.

"Uy si ganda!" 

"Hehe, hi Ate! Yung usual ko po." 

"Coming right up. Dine in or take out?" 

Tumingin ako sa relo ko, "dine in nalang po." 

"Hmmm, sige." 

Umupo ako sa counter at pinanuod si Ate habang ginagawa yung kape ko, hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyaring encounter kagabi. 

"Lalim ng iniisip natin diyan ah, care to share?"

Napatingin naman ako kay Ate bigla, tapos na pala yung order ko. 

I heaved a deep sigh, "bakit ganun Ate? Ang komplikado ng buhay."

"Luh, san naman galing yan?" 

"Hehe, wala po napaisip lang ako."

"Mukhang malalim yang pinag huhugutan mo ah."

"Parang ganun na nga." 

"Hindi naman komplikado ang buhay sis, nasa tao na yan kung gagawin nilang komplikado ang buhay nila."

"Paano yun Ate? Kapag may gusto kang gawin pero parang ang daming hadlang. Gusto mo tapusin ang isang bagay but you can't find it in your heart to end it kasi marami kang masasagasaan na tao."

"Hmmm, mukhang malalim nga. Nako sis ang bata mo pa! Kung ano man yan, sigurado ako na dadaan lang din yan. Kung ako sayo, let life deal with the situation. Don't stress yourself out too much."

Hindi na rin naman ako nakasagot after what she said, paano ba naman kasi, how would I explain to someone what the situation is? Baka nga pag tawanan lang ako ni Ate at sabihin na nahihibang ako and that everything is based off of my imagination. If only if it were nga lang, edi sana tahimik yung buhay ko ngayon. But this is my life now apparently, mas malala pa sa isang teleserye if you think about it. 

As I drowned myself with my sorrows, nalimutan ko ng may pasok pa pala ako. It was already too late when I realized I was late at pati si Ate hindi rin ako na-remind dahil biglang naging busy yung coffee shop. Agad agad akong tumakbo papuntang school, buti nalang mabait yung guard na nasa harap at pinapasok pa ako, but he wished me well because he isn't sure if I will be let in my class. 

Asar! Math pa naman yung first subject ko. Pag dating ko sa harap ng classroom, sarado na yung pintuan. I made eye contact with Sam but as expected, he just ignored me. That was the rule in his classroom, if you're late you can't come in until he says you can. I'll admit naman na kasalanan kung bakit ako na-late so I won't blame him na, I can wait naman just like the rest of my classmates. Pero nakasimangot pa rin ako habang nakatayo, I saw my friends looking at me at ang mga bruha, nag pipigil ng tawa. 

"Sir? Si Stephanie po oh, nasa labas. Kawawa naman yung kaibigan namin." Rinig 'kong sabi ni Kaye

"You know the rules." 

Nanahimik nalang si Kaye habang binibigyan ako ng apologetic look. I just shrugged. 

Umupo nalang ako dun sa labas at sinubukan na pakinggan yung tinuturo niya. 

"Stephanie?"

I looked up and saw Sir Lawrenz, sinimangutan ko siya. 

"Morning po Sir," I said while pouting

He chuckled at napailing ng pabiro, "nako naman Stephanie, mukhang nagiging habit mo na ang maging late ah." 

"Hindi naman po sa ganun sir, masyado ko lang po talaga na-enjoy yung iced coffee kanina kaya ayun, di ko namalayan oras."

"Aba! Asan yung akin?"

"Po?"

"Sayang naman, kung sana may iced coffee ako edi ginawan ko ng paraan para papasukin ka. Best friend ko kaya si Samuel."

Ahhh best friend, alam ko. 

I forced myself to laugh, "mmm kayo po Sir? Wala kayong class?" I asked, changing the subject

"Meron may kinuha lang ako sa staff room."

Nakita ko yung kape na hawak hawak niya, naalala ko nanaman yung iced coffee ko, iniwan ko na kasi dun. Sayang naman, ang mahal mahal nun, at hindi ko pa ata siya nakakalahati. 

Nakita niya ata yung pag kadismaya ko at inabot niya yung coffee na hawak hawak niya sa akin, "walang yelo yan pero sinisigurado ko sayo na masarap yan. Ako ata nag timpla."

"Luh, hindi na po Sir. Mukhang mas kailangan niyo ata eh." 

"Hindi ah, nag hanap lang talaga ako ng excuse para makatakas sa classroom, sige na tikman mo lang oh." Inabot niya sa akin yung hawak hawak niyang kape

I took a sip, hanggang sa naging dalawa at tatlo na, shems ang sarap

"Ops, akala ko ba tikim lang."

Napatigil naman ako at napatingin nalang sa kanya, I gave him an apologetic look.

"Sabi sayo eh."

"Sir, paano niyo po ginawa yan?"

"Secret."

I pouted, at natawa nanaman siya.

"Ayan nanaman nguso mo. I'll make an extra cup for you next time. Mauna na ako, baka naiistorbo kita."

"Mukhang kayo pa po naiistorbo ko eh, tsaka wala naman po akong naririnig sa labas."

He smiled ng nakakaloko, "yung teacher mo. Nasa likuran mo, baka papasukin ka na." Natawa siya at naglakad na pabalik sa room niya.

Napangot ako sa ulo at tumalikod na. Nandun nga si Sam. He looks... scary.

"Sir sor--

"Upo."

"Pero Sir--

"Mamaya na tayo mag usap." pabulong na sabi niya

Hindi na ako nakasagot at dali-daling pumasok at umupo sa seat ko.

Tinignan ako ng nakakaloko ni Kaye at Telle.

"Kala mo di namin nakita yung nangyari kanina sa labas ah." bulong ni Kaye

"Anong nangyari?" tanong ko, kinuha ko yung notebook ni Telle para kopyahin yung notes niya, talagang pinapasok ako ni Sam nung tapos na yung lecture niya.

"Yung landian niyo ni Sir Lawrenz? Tsk, di ka man lang nag isip. Sa harap pa talaga ni you-know-who."

Tinignan ko siya ng masama. Buti nalang bakante yung upuan sa likod. Walang nakakarinig sa amin. Tsaka halos kalahati ng mga kaklase namin naka-headphones lang.

"Anong landian? Hindi kaya. Echosera 'tong mga 'to!"

"Sus! Hindi na namin bibilihin yang katwiran mo." Telle

"Kung nakita mo lang itsura ni you-know-who kanina!"

Sumimangot silang dalawa, and I rolled my eyes.

"I think he's starting to like you."

"Who?"

"Si you-know-who."

I couldn't help but laugh. Si Sam? Yeah, right.

"Alam niyo, nangaano na kayo eh!"

Tumawa sila ng mahina at bumalik na sa pag solve ng equation. I looked up at Sam, he was looking at me, arms crossed. When our eyes met, he didn't look away. Nakaramdam nanaman ako ng awkwardness, pero this time, I felt my heart.

I looked away, trying to get rid of whatever this feeling is. Hanggang sa next class ko, hindi pa rin ako makapagisip ng maayos. Iba talaga epekto ng lalaking yun sa akin.

Sa sobrang pagiisip ko, hindi ko namalayan na lumipad na pala yung oras. Lunch time na.

"I hope you all learned something today! See you tomorrow."

Tahimik akong lumabas ng klase, nasa labas na si Kaye at Telle, at dumiretso na kami sa canteen.

"Bruha! Anong problema mo?" Kaye

"Ewan! Naguguluhan na ako."

"Nag away nanaman kayo?" Telle

"Ano pa nga ba..."

"Ano ba yan! Ilang tao na kayong kasal, sa tinagal-tagal na nagsama kayo sa iisang bubong, hindi pa rin kayo marunong mag kasundo?" Kaye

"Kausapin mo nalang kasi siya bru." Telle

"Ako pa tala gagawa ng first move? Hello, I tried naman naman eh. It's his turn! Buti nga I got over my feelings. Aaminin ko, paminsan minsan, nakakaramdam pa rin ako ng kabog sa dibdib, pero the thought of me falling for him again, of me, waiting for him to at least show some love for me, the thought of waiting in general? Nasasaktan na ako."

"Bru...

"Shh! Hindi pa ako tapos. Yes, there was a time where I thought maybe one day, maging isang mala-fairytale yung story namin. Sasabihin niya sa akin na mahal na niya ako, or something. Pero, wala. He got meaner and scarier. Ewan ko ba, minsan naiisip ko kung ano kayang magiging itsura ng buhay namin kung hindi kami palaging nag aaway, yung tipong chill chill lang kami. Hindi namin mahal yung isa't isa pero at least there's some sort of peace between the two of us. Hindi yung, nag papanggap lang kami sa harap nila Daddy na masaya kaming dalawa kahit hindi. Tsk, ewan ko ba. Siguro mas mabuti na rin na ganito kesa ganun, kasi sigurado namang mas masasaktan lang ako eh. If I fell in love with Sam before, I'm pretty sure I would've fallen for him even more."

"Steph?"

"What? Haha sorry," pinunasan ko yung luhang tumulo sa pisngi ko, "nag-drama nanaman tuloy ako."

"It's not that."

"Oo nga. Why don't you try talking to him nalang." Kaya

"Ano?"

"Turn around..."

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng makita ko siya.

"We need to talk."

---

*Revised

Continue Reading

You'll Also Like

42.9K 1.6K 37
[Under Revision] J. B. S. A. E Series #5 Isang babaing ang pangalan ay Ellaine Montessori na ibig pa-ibigin ang puso ng isang mafia. Magagawa kaya n...
76.9K 748 6
UNDER REVISION Kimshin Venice Revamonte have nothing else in mind but to finish her last year on college and move on even if one and a half year had...
384K 11.1K 61
Prologue Paano kaya kung ang teacher mo ay matagal nang may gusto sayo Pero para sayo isa lang siyang teacher na playboy na mahirap paniwalaan kung s...
314K 6.1K 67
Not an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true lo...