Inlove with you,too. (boyxboy...

By YorTzekai

263K 5.4K 437

BOYXBOY GAY YAO BROMANCE-- Tahimik ang buhay ko. Simple lang,with my father I feel complete. Namatay si Mama... More

Inlove with you,too. (boyxboy)
Love~1
Love~2
Love~4
Love~5
Love~6
Love~7
Love~8
Love~9
Love~10
Love~11
Love~12
Love~13
Love~14
Love~15
Love~16
Love~17
Pre Finale!
Grand Finale!

Love~3

15.1K 295 23
By YorTzekai

"San ka?" tanong ni Kyd sa kabilang linya. Ang aga nga nya tumawag,umaga pa lang buo na ang araw ko.

"Eto,pababa na kami ng jeep. Manong sa tabi lang!"

"May kasama ka?"

"Oo. Si Roo,kapitbahay ko lang sya eh." sagot ko at naglalakad na kami palapit sa gate ng school.

Tiningnan ko si Roo. Kumakanta kanta lang,may naka salpak na earphone sa magka-bilang tenga. Music lover pala ang bago kong bestfriend.

"Okay. Nakita na kita." at naputol na ang tawag.

"Hi my love!" agad na salubong sa amin ni Kyd. Ramdam kong nagblush agad ako dahil sa simpleng pag hi lang nya.

"O sige best,mauna na ako. See you around!" tinapik ni Roo ang balikat ko at umalis na. Hay,talagang totoo palang hindi sila nagpapansinan,si Kyd naman hindi talaga tinitingnan si Roo,na para bang hindi ito nag e-exist. I need to know what really happened at kailangan mapag ayos ko sila.

"Kamusta ang umaga ng mahal ko?" ani Kyd habang naglalakad kami,kakapasok lang namin sa gate. Tumingin muna ako sa paligid bago sumagot. Ang dami na namang kasing nakatingin eh. Hindi talaga ako sanay.

"Ayos naman. Maganda ang tulog,maganda din ang gising." naka ngiti kong sagit. Humagikgik sya.

"Ano plano mo ngayong araw?" tanong nya habang may dinudukot sa bag at patuloy pa din kaming naglalakad.

"Uuwi pagkatapos ng klase. Wala naman akong alam dito sa lugar na ito. Bagong lipat lang kami diba?"

"Ay! Oo nga pala! Edi mag gala tayo sa Mall. Ako ang bahala,okay ba sayo?"

"Sige! Sasabihin ko kay Roo para hindi na sya maghintay."

"That's great!"

Nakarating na kami sa room ko,talagang hinatid pa nya ako. Yung mga kaklase ko namang babae mga nagpipigil ng kilig at ngiti. At sina Kim at Flexi! Kitang kita ko kung paano sila sumilip sa bintana! Mga baliw talaga!

"Nga pala Maine,bago ka pumasok sa room mo. Gift ko sayo." naka ngiting sabi ni Kyd. Napagwapo talaga. Pero ganun na lang ang gulat ko ng kunin nya kanang kamay ko at may isuot dito.

Gold Bracelet!

Napanganga talaga ako. Bakit nya ako binigyan? Ang mahal nito ah?

"K-kyd? Ano yan? Mahal to ah? Huwag na!" Ang nahihiya kong sabi. Pero ngumiti at kumindat lang sya. At ayon,nagrigudon na naman ang puso ko.

"Mas mahal naman kita! Gift ko yan sayo,gusto ko laging makita na suot mo yan. Sige na,bye! I love you Maine ko" sabi nya sabay halik sa labi ko at tumakbo na palayo.

Natulala ako. Napahawak ako sa dibdib ko,tapos sa labi ko. Saglit lang yon pero damang dama ko. Parang lumutang ako sa alapaap,napaka magical.

"Ikaw na talaga teh! Parang bet ko na mag drop out!"

"Sinabi mo pa. Maglayas na tayo Kim."

Naririnig ko sila at ang sigawan ng mga kaklase kong babae pero parang na stuck na ako sa nararamdaman ko. Ang sarap! Unang halik sa lalaking una kong minahal. Napaka saya ko!.

Bumalik lang ako sa wisyo ng may kumurot sa tagiliran ko.

"Araay! Masakit yon ah?" ang agad kong daing. "Bakit ba?."

"Akala ko hindi nya mararamdaman teh." ani Flexi na tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Bumalik na sa earth ang space ship nya teh."

"Huh? Anong space ship?" taka kong tanong habang hinihimas yung part na kinurot ni Flexi.

-----

"And Oh y God talaga mga friend! Binigyan sya ng gold bracelet ni Kyd." ani Flexi sabay taas ng kamay ko. Kanina pa sya dumadaldal,walang humpay,sobrang nahihiya na kasi ako eh.

"Sana sa ako din may magbigay." ang tila ba nangangarap na sabi ni Kim at pinagsalikop pa ang mga kamay.

Pero yung tatlo,tulad ng dati,pokerface. Parang hindi sila masaya para sa akin.

"Kaya din namin bumili nyan,ilang karat ba yan?" sabi ni Toy at bumalik sa pagkain.

"Kahit ilan pa! Diba Roo?" pagsabat ni Chael. Tinitingnan ko lang sila. Maging sina Flexi at Kim ay nagtataka at nagkatinginan.

"Ewan,hindi naman ako interesado sa ganyan." sagot ni Roo sabay kibit ng mga balikat. Hay,malaki siguro talaga galit nila kay Kyd.

"Maya ah? Hintayin kita!" biglang sulpot ni Kyd mula sa kung saan. Hinalikan agad ako nito ng mabilisan sa labi at umalis na din. Napatango na lang ako kahit hindi na nya nakikita.

"May lakad ka best?" gulat na tanong ni Roo.

"Oo eh. Niyaya nya ako mamasyal sa Mall." sagot ko. Ang weird lang,bigla sila nanahimik at kumain na lang.

"Ganon ba? Akala ko sabay parin tayo pauwi. Puntahan na lang kita sa inyo pag nakauwi ka na." ani Roo sabay ngiti. Kaya nginitian ko na lang sya na ibig sabihin pumapayag ako.

"Kayo na ba ni Kyd?" pagkuwa'y tanong ni Chael kaya napalingon agad sa kanya at umiling. "Parang kayo na eh. Ang sweet."

"Agree!." sabay na sabi nina Kim at Flexi.

"Sasagutin din yan ni Maine,diba Maine?" ang naka ngiting pagsingit ni Toy. Tinitigan nila ako lahat na para bang inaabangan ang isasagot ko. At hindi naman ako maglilihim sa kanila.

"Yup! Mahal ko sya eh. Gusto ko na sana kaso masyado pang maaga,ayaw kong magmadali." sagot ko at ngumiti at binalik ang atensyon sa pagkain.

"Sagutin mo na teh!" - Kim.

"Tumpak! Baka maagawan ka pa!." - Flexi.

"Sige pag iisipan ko." sagot ko. Teka? Bakit parang nadissapoint sina Chael at Toy? Ayaw ba talaga nila kay Kyd? Napalingon ako kay Roo na abala na sa pagkain.

Dissmissal,inaabangan ako ni Kyd sa labas ng room. Inaayos ko pa ang gamit ko at tanaw ko sya dito sa bintana. Pinapalibutan sya ng mga babae mula sa section B. Sabi nila naging suplado daw si Kyd. Parang hindi naman dahil nakikipag tawanan pa ito.

"Oh pano teh,go home na kami." sabi ni Kim ng lumapit.

"Goodluck sa pamamasyal Maine! Galingan mo ah?" naka ngisi namang sabi ni Flexi.

"Mga baliw! Sige na." natatawa kong sabi at isinukbit na ang bag. Nauna na yung dalawa saka ako sumunod. Agad naman akong napansin ni Kyd. Ngumiti at lumapit sa akin sabay akbay.

"Kala ko hindi ka na lalabas ng room nyo eh. Tara?"

"Pwede ba naman yon? First time ko kayang mag gagala sa lugar na to. Sige tara na!" ang masaya kong sabi. Excited kasi ako na mamasyal dito,at higit dun,sya ang kasama ko. Buong buo na talaga ang araw ko. The best!.

"Yan ang gusto ko,tara!" masaya din nyang sabi. Naglakad na kami palabas ng school,pasipol-sipol at pangiti-ngiti pa. Lahat ata ng makasalubong namin ay nginingitian at tinatanguan.

Paglabas sa gate ay sakto may dumaang taxi. Pinara nya ito at agad kaming sumakay.

"Manong sa may O-mall po." ani Kyd sa driver. Pagkatapos ay binuksan ng driver ang radyo. Sakto yung kanta kaya napangiti ako at nagkatinginan kami ni Kyd.

~ From the moment I met you I

just knew you'd be mine

You touched my hand

And I knew that this was gonna

be our time ~

Nakangiti nyang kinuha ang kamay ko at hinalikan. Grabe kabog ng dibdib ko at kilig ko. Ang hirap pala pag nagsabay yung dalawang yon. Para akong sasabog na ewan.

~I don't ever want to lose this feeling

I don't want to spend a moment

apart~

Pagkatapos nya halikan ang kamay ko ay kumindat naman sya. Talagang napapangiti na ako ng sobra. Huwag sana akong himatayin ngayon sa kilig.

~'Cause you bring out the best in

me, like no-one else can do

That's why I'm by your side, (and that's why I love you)~

Hanggang matapos ang kanta magka-hawak kami. Ang sarap sa pakiramdam. Medyo naiilang nga lang ako kasi panay ang sulayap ni Manong Driver mula sa rearview mirror.

"Dito na tayo." ani Manong. Nagbayad na si Kyd,gusto ko sana makishare,ang dami na nyang gastos sa akin. Nakakahiya kaya,at saka ayaw kong isipin na pineperahan ko si Kyd.

Pagka-pasok sa Mall ay magka hawak kamay pa din kami. Nawala na ilang ko. Hindi naman siguro ako kilala ng mga tao dito for sure.

"Tara Maine ko,dito muna tayo,kukunin lang ako." sabay hila nya sa akin papasok sa isang jewelry shop. Kitang kita ko pano kiligin yung mga babaeng nandito din sa loob. Grabe ang charm ni Kyd kahit high school pa lang. Pati mga mas matanda eh nagsu-swoon sa kanya. Swerte ba ako pag nagkataon?

"Miss,kukunin ko na po yung pinagawa ko kahapon." aniya sa saleslady. Tahimik lang ako habang tinitingnan ang paligid. Nakakaduling yung mga alahas na kumikinang.

"Sige sir,just wait for a while."

"Anong pinagawa mo?" ang curious kong tanong. Grabe din pala sya maglustay ng pera.

"Secret! But Im sure magugustuhan mo yon Maine ko." naka ngisi na naman nyang sabi sabay kindat. At muli na naman akong kinilig. Kailangan ko na ata talagang masanay. Or else,lagi akong hihimatayin at ayoko na maulit yon.

"Sir? Ito na po,pakipirmahan na lang ito."

"Thank you!" ani Kyd at kinuha yung kahon pagkatapos pumirma tapos ay lumabas na kami.

"Ano nga yan? Malamang alahas. Grabe ka maglustay ng pera ah." sabi ko habang naglalakad na kami. Hindi ko alam kung ano ang susunod naming pupuntahan.

"Worth it naman pagbibigyan ko nito. Dont worry malalaman mo din kung ano ito." sabi nya at pinag intertwine nya ulit mga kamay namin at patuloy pa din sa paglalakad. Infairness,maganda at malawak din ang Mall na ito.

"Tara dito sa videoke." sabi nya at nagpatianod na lang ako. Hilig pala talaga nya ang kumanta. Plus pogi points iyon. "Kumakanta ka ba?" anya pagkapasok.

"Minsan lang. Hindi ako biniyayaan ng magandang boses eh." sagot ko naman.

"Ganon? Mag aral ka kumanta para jamming tayo diba? Wait kakantahan kita." sabi nya bago itinutok ang atensyon sa songbook. Ng makapili ay pinindot na nya ang numero at kumanta.

~ Just a smile and the rain is

gone

Can hardly believe it (yeah)

There's an angel standing next

to me

Reaching for my heart~

Ang ganda ng boses nya! Ang lamig! Pwedeng pwede syang recording artist,nakaka-kilig.

~Just a smile and there's no way

back

Can hardly believe it (yeah)

But there's an angel and she's

calling me

Reaching for my heart I know, that I'll be ok now

This time it's real~

Napangiti ako ng lumapit sya sa akin at tinitigan lang ako habang kumakanta sya. Nakakahumaling ang ganda ng boses nya. Parang lalo ko sya minahal.

~I lay my love on you

It's all I want to do

Every time I breathe I feel

brand new You open up my heart

Show me all your love, and walk

right through

As I lay my love on you~

Nagulat ako ng lumuhod sya sa harap ko at may dinukot sa bulsa. Yung maliit na kahon kanina! Nayanig ang sistema ko. Kung hindi ko mako-control ang sarili ko dahil nanginginig na ako. Nanlalambot na ang tuhod ko.

Sinuot nya yung isang singsing sa akin habang patuloy pa din yung back ground music.

"Maine. Alam kong alam mo at ramdam mo na sa simula pa lang mahal na kita. Ramdam ko ding mahal mo ako. Ayaw ko sana magmadali pero hindi na ako makatiis. Gusto na kitang maging akin. Mahal na mahal kita." madamdamin nyang sabi habang nakaluhod pa din. Ewan,ganito pala pakiramdam nun,parang gusto ko maiyak sa sobrang tuwa. "Will you be my boyfriend?"

Agad akong tumango at ngumiti. Wala na,tuluyan na akong nahulog. Ngunit ang pagkahulog kong ito ay may dulot na sarap at saya sa damdamin. Agad nya akong niyakap.

"Salamat! Mahal na mahal kita Maine ko!" sabi nya sa may tenga ko. Nakiliti ako at parang nakuryente.

"Mahal na mahal din kita. Nasan ang kapares?" agad syang humiwalay at binigay sa akin ang isa pang singsing,sinuot ko ito sa kanya at tinitigan ang napaka gwapo nyang mukha tapos ay tinitigan ko ang mata nya na parang hinihigop ako.

"Kyd,mula umpisa at una pa lang kitang nakita,minahal na din kita. Pero syempre,natakot ako,bakla ako at lalaki ka,imposibe. Pero totoo pa lang 'nothing is impossible? Tingnan mo,eto tayo ngayon. Mahal na mahal kita,and yes,tayo na." naka ngiti kong pahayag. Niyakap nya ulit ako. Tapos napatingin ako sa labas,glass wall kasi tong videoke boot kaya ang dami na palang nakatingin sa amin mula sa labas.

Hinatid ako ni Kyd hanggang bahay. Sobrang saya ko. Ito ang pinaka masayang araw ko ngayong taon. Inspired lalo ako,at excited ng pumasok bukas para makita sya.

Pagka alis ni Kyd ay binuksan ko na ang gate para pumasok pero may tumawag sa akin.

"Maine! Best!" anito habang papalapit. Agad ko syang nginitian,hindi ko maitago ang saya ko.

"Woi! Roo,best. Anong atin?"

"Diba sabi ko pupuntahan kita pagkauwi mo? Tara tambay sa terrace nyo. Wala naman tayong homework eh." naka ngiti nyang sabi. Inakbayan ako at pumasok na kami sa gate.

"Ay oo nga pala! Nakalimutan ko sa sobrang saya." sagot ko at umupo kami sa terrace. Sakto lumabas si Papa.

"Maine anak,kaka dating mo lang? May homework ka ba? Huwag mong kalimutan ah?"

"Opo pa. Wala akong homework."

"Oh,Roo,nandito ka pala,gusto mong kumain?" alok ni Papa dito. Close na sila infairness.

"Hindi na po tito,busog na ako. Salamat po." nakangiting sagot ni Roo.

"O sige maiwan ko na kayo." pumasok na ulit si Papa. Muli kaming bumaling sa isa't isa ni Roo. Basta gusto ko may mapagsabihan agad.

"Kanina ka pa ngiti ng ngiti,talagang masaya ka best ah?"

"Oo naman! Sobraaa!" kinikilig kong sagot.

"Bakit?"

"Eh kasi,kami na ni Kyd!"

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 47.2K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
658K 12.9K 36
BOYXBOY GAY YAOI BROMANCE -Si Uriel Delgado ay isang 25 years old bachelor na sadyang kilala at hinahangaan ng lahat dahil sa murang edad ay multi-bi...
3.4M 60.5K 56
[Received Wattpad's Most-Read Milestone]