Back In His Arms Again (Publi...

By VentreCanard

49.4M 1.2M 318K

I used to be the girl in his eyes. I used to be the girl who can make him laugh, I used to be the girl who c... More

Prologue
--
--
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
--
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Epilogue
NOTE

Chapter 24

586K 17.2K 6.6K
By VentreCanard

Chapter 24


Damn, nahihiya ako sa kanilang dalawa. Why am I crying? Mabilis kong pinunasan ang mga mata ko. We're supposed to have fun. Bakit ako nag iinarte dito?


"Wada, wala namang ganyanan" nakita kong inilihis ni Owen sa labas ang kanyang mga mata.


"We can't stand seeing you crying even it's just tears of joy. Doll naman, lalabas muna ako" nagmamadaling lumabas si Troy ng sasakyan. 

Natahimik na lang ako. Hindi pa rin sila nagbabago, hirap na hirap pa rin sila pag naiiyak ako. Hindi din nagtagal ay nagpaalam din sa akin si Owen na lalabas muna at tumango na lang ako. Sinilip ko silang dalawa sa may bintana, abala sila ngayong mamili ng kung ano anong street foods.

Nagkibit balikat na lang ako, atleast hindi naman sila maaarte sa pagkain. Kahit noong panahong nakatira pa ako sa mansion nila, ni minsan ay hindi ko sila nakakitaan ng pagiging pihikan sa pagkain. Oh well, malamang tinuruan sila ni LG sa bagay na ito.

Naghintay lang ako ng ilang minuto at nakikita ko na silang naglalakad pabalik sa sasakyan. Agad binuksan ni Owen ang driver's seat kung saan ako nakaposisyon.


"Move Wada, ako na ang magdadrive" habang may tangkas tangkas siyang madaming chitcharon, pastillas, yema at kung ano anong mga nauusong pasalubong.

Nabuksan rin ang pinto sa may shotgun seat.


"Sa likuran ka na Doll" sabi naman ni Troy na may kanya rin dalang mga pagkain.


"Okay" maiksing sagot ko. Mabilis naman akong nakalipat sa likuran habang sila naman ay parehong nasa unahan.

Inistart na ni Owen ang sasakyan at lumipas na siguro ang mga minuto ay walang nagsasalita sa amin. This is awkward.


"Can you play any music Owen?" tanong ko.


"Ako na. Let me start..ehem..May tatlong bibe akong nakita.." wait? Kumakanta ba si Troy?


"Mataba, mapayat na mga bibe.." pakantang sabi rin ni Owen. Seriously?


"Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa" napalipat na naman ako ng tingin kay Troy na nagssway na ang ulo. What the fuck? Why I'm not familiar with this song? Shokoy song ba ito?


"Siya ang bibe na nagsabi ng kwak kwak" kanta din ni Owen na nagssway na rin ang ulo.


"Kwak kwak kwak" sabay na kanta ng magpinsang Shokoy. And what's the worst? Nagheheadbang na silang dalwa dahil mukhang feel na feel na nila.

Kailan pa sila nagkaroon ng Shokoy song? Alam din ba ito ni Nero?


"Enough!" sabay silang nagsitawanan sa sinabi ko.


"Hindi mo alam ang kantang 'yon Doll?" natatawang sabi ni Troy.


"Hindi, Shokoy song ba 'yon?" nagtatakang tanong ko. Feel na feel nila mag kwak kwak kwak, nakakahiya.


"What the fuck? Pffttt..Shokoy song daw Troy. Tang ina, nabigyan pa tayo ng kanta" nagsimula na namang tumawa si Owen.


"Nevermind, ayokong magheheadbang katulad niyo. Pahingi na lang ng mga pinamili nyo, madadamot kayo" nakita kong mabilis kinuha ni Troy ang yema at pastillas. Agad niya itong binuksan at tinanggal ang mga balat.


"Owen, say A..." ako ang napanganga. Seryoso ba itong ginagawa ni Troy? Sinusubuan niya ba si Owen? Ano na namang kalandian ang pinaggagawa ng dalwang ito? Kailan pa sila naging sweet?


"What the h—" hindi na natapos si Owen sa sasabihin niya dahil agad na siyang pilit sinubuan ng pinsan niyang Shokoy.


"Anong lasa?" mabilis na tanong ni Troy sa pinsan niyang kunot noong ngumunguya.


"Masarap naman.." sagot ni Owen habang nangasab. Malamang lahat naman ng pagkain ay masarap kay Owen.


"Hindi nanlalabo ang paningin mo? Nasusuka? Sumasakit ang tiyan? Parang mamamatay?" ano daw? Anong tanong ng Shokoy?


"What?" nagtatakang tanong ni Owen. Hindi na siya sinagot ni Troy dahil bumaling na ito sa akin.


"Okay na to Doll, natikman na ni Owen. Walang lason, pwede mo ng kainin" mabilis niyang inihagis sa akin ang mga pastillas at yema.


"Gago!" nakita ko pa ang mabilis na pagsuntok ni Owen sa braso ni Troy na tatawa tawa lamang. Napapailing na lang ako.


--


Sa wakas ay nakarating na rin kami sa aming patutunguhan. Kasalukuyan kaming nasa entrance ng extreme park.

Natahimik lang naman ang dalawang lamang dagat na kasama ko.


"Hindi pa tayo napasok tatlo, pwede pa kayong umatras" pang aasar ko sa kanilang dalawa.

Hindi ko mapigilang hindi mapatawa sa dalawang Shokoy na nakatingala at ilang beses ng napalunok dahil sa mga taong nagsisigawan mula sa mga rides na talagang nakapagpapabaliktad ng tiyan.

Nakapasok na kami at kapwa nakatingala pa rin silang dalawa, pareho na silang maputla. Damn, this is so exciting.


"Sasakay ba talaga tayo dyan?" kinakabahang tanong sa akin ni Troy.


"Ofcourse! Tayo ng pumila" halos parehas ko pa silang hinila sa posisyon nila.

Una kaming pumila sa ride kung saan, ilalagay kami sa pinakamataas at bigla kaming ibaba. Sinulyapan ko ang naggwapuhang Shokoy na kasama ko, pinagpapawisan na sila. Maaawa na ba ako?

Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa aking pisngi at pinapungay ko ang aking mga mata sa kanilang dalawa.


"Ngayon ko lang narealize, lalo kayong nagwapo dalawa pag kinakabahan" pang aasar ko sa kanilang dalawa. Halos sabay silang umismid sa sinabi ko. Haist Shokoys..

Hinila ko na naman silang dalawa nang kami na ang isasalang.


"Tang ina Owen, sabihin mo kay LG mahal na mahal ko siya" napahagalpak na ako ng tawa sa sinabi ni Troy.


"Troy, kahit alam kong insecure ka sa akin. Salamat sa lahat.." hindi na talaga ako makahinga sa pinagsasabi ng mga Shokoy na ito.

Napahawak na lang ako ng mahigpit ng nagsisimula na kaming itaas. Pakiramdam ko ay nagdadasal na ang dalawang Shokoy sa magkabila ko. Hinuli ko ang kamay ng dalawang Shokoy na sobrang lamig na ng mga kamay.


"Kapit ng mahigpit sa dyosa" natatawang sabi ko. Napapikit at napasigaw na lang ako nang bigla ng bumaba ang rides. Damn, nakakaloka talaga ang feeling.

Tawa ako ng tawa habang kinakalag ng nagaassist ang safety belt ko. Nilingon ko ang dalawang Shokoy na kasama ko na parehong nakakapit pa rin sa mga kamay ko.

Maaawa na ba ako? Halos tulala na sila habang naglalakad na kami.


"Okay lang kayo?" pilit kong pinipigilan ang tawa ko. Hindi na sila nakasagot, halos sabay silang naglakad palayo sa akin. What the hell? Saan sila pupunta?


"Wait!" hinabol ko sila. At ang patutunguhan lang naman nila ay banyo. Magsusuka naman pala. Sa halip na hintayin ko silang dalawang lumabas ay naghanap na ako ng mineral water. Paano pa kami makakasakay sa iba kung nagkakaganyan na silang dalawa?

Nang makalabas na silang dalawa, parehas lang naman silang masamang tingin sa akin


"Ayoko na, ikaw na lang Doll ang sumakay. Manunuod na lang ako, akala ko ay mamamatay na ako" mabilis niyang inistraight na inom ang tubig na dala ko.


"Ayoko na rin Wada, hindi na ako mauulitan" iiling iling na sabi ni Owen.


"Ang daya ng mga Shokoy na ito, anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanila.


"Sa carousel na nga lang tayo" parang batang sabi ni Troy.

Pinagbigyan ko naman ang dalawang Shokoy sa gusto nila. Sumakay kami sa carousel kasabay ng mga bata. Karamihan pa nga ay napapatitig ang mga magulang sa dalawang lalaking matatangkad na kasama kong nakikisakay sa kabayo.


"This is embarrassing Doll.."


"Ngayon ka pa nahiya? Nakasakay na tayo" matabang na sagot ni Owen. Nagkibit balikat na lang ako sa usapan ng magpinsang Shokoy.

Ang sunod namin sinakyan ay 'yong rides na parang nasa wild river ka at talagang mababasa ka. Napasigaw na lang ako nag tuluyan na akong mabasa.


"Shit! Basang basa na rin ako" dinig kong reklamo ni Troy. Habang si Owen naman ay ngingisi ngisi sa amin. Hindi pa kasi siya tuluyang nababasa.


"Oh well, uuwi kayong dalaw—" hindi na niya natapos ang pagyayabang niya nang umikot ang sinasakyan namin at nabuhusan siya ng tubig.


"May sinasabi ka pinsan?" tanong sa kanya ni Troy. Nagtawanan na lang kaming tatlo hanggang sa makababa na kami ng rides.


"Shit, ang lamig" niyakap ko ang sarili ko. Buti na lang at may mga nakahanda kaming damit sa sasakyan. Napalingon na lang ako sa stall na hindi kalayuan sa amin.


"Parang gusto kong bumili non" naglakad na ako papalapit sa stall maging ang dalawa ay sumunod sa akin.


"I like that red bonnet, magkano po?" tanong ko sa magtitinda.


"350 po mam"


"Ah, okay. Bigyan nyo po ako ng tatlo" mabilis kong kinuha ang wallet ko para magbayad.


"Ako na ang magbabayad Wada" sinamaan ko siya ng tingin.


"Let me pay this, okay?" hindi na siya nakipagtalo pa sa akin.


"Bow your heads" mabilis kong isinuot sa kanila ang bonnet na binili ko isinuot ko na rin ang sa akin.


"Let's go" hahakbang na sana kami nang matigilan ang dalawang Shokoy na kasama ko. Kahit ako ay bahagyang natigilan.

Maging ang dalawang babaeng diretso ang mga titig sa akin ay nanatiling nakatayo sa harapan namin.


"Laura?" narinig kong sabi ni Troy.


"Nicola.." narinig ko rin sabi ni Owen.

Hindi man lang sila tapunan ng tingin ng dalawang babae dahil nasa akin ang mga mata nila, sa mga kamay kong nakakawit sa braso ng mga Shokoy. Hindi ko mapigilang dahan dahang alisin ang mga kamay ko sa kanila.

I can see through their eyes the hatred, jealously and even pain. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. I know these ladies, alam kong sila ang mga babaeng sineseryoso ng dalawang Shokoy na kasama ko.


"Let's go Laura.." mabilis nakabawi ang babae na may maiksing buhok. Kung hindi ako nagkakamali siya ang babaeng nakita ko noon sa resort.

Parang napako sa kanikanilang kinatatayuan ang dalawang kasama ko habang habol nila ng tingin ang dalawang babaeng nagmamadaling makalayo sa amin.


"Bakit hindi nyo sila habulin? I'm good, okay lang ako" humarap ako sa kanilang dalawa. Hindi nila pinansin ang sinabi ko at nagsimula na silang maglakad.


"Can we go home Doll?" wala sa mood na tanong ni Troy.


"Sure but can we ride on Ferris wheel? Last na please?" halos sabay silang napabuntong hininga sa sinabi ko.


"Ofcourse, kailan pa kami nakatanggi sa aming reyna?" ismid na sabi ni Owen. I just rolled my eyes.

Dahil kakaunti na ang pila sa Ferris Wheel ay mabilis kaming nakasakay. Unang hakbang ko pa lang sa loob ay huminga muna ako ng malalim. You can do this Florence.

Naupo muna ako kagaya nila pero nang naramdaman ko ng nagsisimula ng gumalaw ang Ferris Wheel ay tumayo na ko.


"Wada..."


"Doll what are you doing?" ngumisi lang ako sa kanila saka tumalikod sa kanila at tinanaw ang kabuuan ng Extreme Park. Napakaganda talaga ng iba't ibang ilaw nito sa gabi lalo na sa ganitong posisyon.


"Alam nyo ba na masarap ma inlove? Lalo na kung mahal ka rin ng minamahal mo" panimula ko. Wala man lang nagsasalita sa kanilang dalawa.


"Yes, there are always heartaches, doubts, misunderstandings but remember these are just struggles parte na ito ng pagmamahal. Hindi kailanman mawawala 'yon. Alam nyo naman sa sarili nyo kung mahal mo siya o hindi..kung may problema kayo gumawa kayo ng solusyon. Huwag nyo silang pabayaang tumakbo mula sa inyo....Paano na lang kung bigla na lang sila mawala? Hihintayin nyo pa ba na mawala sila ng anim na taon? Sa tingin nyo ba ganun na lang kadaling bumalik? Marami ng magbabago, mas lalo kayong mahihirapan.."


"Hindi ako manhid, alam kong isa ako sa rason kung bakit hindi maganda ang relasyon niyo sa mga babaeng totoong minamahal nyo.." humarap na ako sa kanilang dalawa.


"To tell you the truth, hindi ako naniniwalang minahal nyo talaga ako. Dahil kung minahal nyo talaga ako, gagawin nyo ang lahat para kuhanin ako kay Nero..gagawin nyo ang lahat para makuha ang atensyon ko sa kanya"


"You have this protective instinct towards me..na talagang itinatak ni LG sa puso at isipan nyo na kailangan nyong protektahan ang babaeng ito, gawin nyo ang lahat para hindi siya magalusan, gawin nyo ang lahat para hindi siya masaktan, gawin nyo ang lahat para mapanatili siyang buhay, masaya at ligtas"


"You were blinded by LG's reminders, na inakala nyong pagmamahal. Siguro nga ay minahal niyo ako, but not to its extent. Kahit kailan ba ay naiparanas ko inyo na parang mababaliw kayo kapag may ibang nakahawak sa akin? Gustong gusto nyo bang patayin si Nero sa tuwing hahawakan niya ako? Minsan ba naisip nyo na hindi nyo kayang mabuhay na wala ako? What about those girls? Anong gagawin nyo kung may kasama silang lalaki ngayon? What will you do kung may mangyari sa kanilang masama?"

Napansin ko ang pagkuyom ng kanilang mga kamao sa sinabi ko. I'm doing good.


"Kilala ko kayo. Mga Ferell kayo na basta ginusto gagawin ang lahat para makuha. Kung mahal nyo talaga ako simula umpisa, ginawa nyo na ang lahat ng makakaya nyo para maagaw ako kay Nero pero ano ang ginagawa nyo? You even helped us to be together. Don't make things difficult. Try to feel this.." bahagya kong hinawakan ang tapat ng puso ko


"Try to feel it, makikita nyo kung sino ang totoong babaeng nagmamay ari niyan....Tandaan nyo kahit kailan hindi naging akin 'yan, hindi ko kayang paluksuhin ang mga puso niyo ng katulad ng sa kanila. I'm just the girl from the past.. the fragile girl who needed your protection...don't fool yourselves. Kung maaari wag nyo silang hahayaang lumayo, huwag kayong papayag na magmatigas sila.. dahil parehas lang kayong magsisisi.."


"Isa pa nga pala, minahal ko naman kayong dalawa. Not just a housemate, as a cousin, a friend but a family, home. I love you both, siguro ay ito na ang huli nating date tatlo..." pinilit kong ngumisi sa kanilang dalawa na seryosong nakikinig sa akin.


"Napasaya nyo ang buong maghapon ko. Hinding hindi ko ito makakalimutan..."


Kasabay ng pasasalamat ko sa kanilang dalawa ay napalingon na lang kami sa ingay mula sa kalangitan.


Colorful fireworks display.


Muli ko silang tinalikuran para mas mapanuod ang magandang fireworks display. Pero mas nagulat ako sa ginawa nilang dalawa.


They kissed the both sides of my cheeks.


"I guess that's the last Florence Almero.." mahinang sabi ni Troy habang nakatingin siya sa makulay na kalangitan He called my name at last.


"Thanks for all Florence Almero.." mahinang sabi rin ni Owen na nanunuod na rin sa kalangitan. Even Owen.


All I did is to smile together with them. Together with these wonderful jerks.


My first and last date with them...


--

VentreCanard

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 80.6K 22
All Ave Maria wants is to love and be loved at naranasan niya ito sa piling ni Tyrone. She thought that everything is perfect between them, walang ka...
25.6K 769 14
Is it possible to be friends with someone who broke your heart?
79.1M 1.5M 60
"Drake Palma, humanda ka! I'm going to get you by hook or by crook!" Ito si Alys Perez, may pagka-loner, maingay, madalas bagsak ang grades sa klase...
35.5M 725K 39
Timi is used to having all the boys wrapped around her little fingers. Sanay na sanay na siyang nakukuha ang atensyon ng mga 'to. After all, she's bo...