Fyglia's Enchantment

By AyhenPey

15.3K 767 151

Fairies in the midst of 21st century?! Mukhang joke pero meron talaga! Rated: SPG More

Chapter 1: Diwata
Chapter 2: Cosplayer
Chapter 3: Shampoo
Chapter 4: Cake
Chapter 5: Model
Chapter 6: Hinihipuan
Chapter 7: Kalahating Lalaki, Kalahating Babae
Chapter 8: Street Foods
Chapter 9: Green Eyes
Chapter 10: Don't push me away
Chapter 11: Wanted
Chapter 12: Puno ng Mangga
Chapter 13: Abandoned
Chapter 14: Fyglia Mortel
Chapter 15: Stay
Chapter 16: Love Triangle
Chapter 17: I can work
Chapter 18: Stranded
Chapter 19: Ang saraaaap
Chapter 20: Nilalandi
Chapter 21: Really jealous
Chapter 22: Bumalik siya
Chapter 23: Faylinn
Chapter 24: Mission
Chapter 25: Halimaw
Chapter 26: Rosas
Chapter 27- Boyfriend
Chapter 28 : Kiss
Chapter 29 : Mama
Chapter 30 : SOP
Chapter 31 : Hindi kita iiwan
Chapter 32: Bistado
Chapter 33: Atik Laham
Chapter 35: Alis
Chapter 36 : Inang Reyna
Chapter 37: Torture
Chapter 38: Lagusan
Chapter 39: Sugod
Chapter 40: Islewing
Epilogue

Chapter 34: Halimaw Encounter

215 12 5
By AyhenPey

Chapter 34

Samu't-saring emosyon ang namumuo sa loob ko ngayon. Kung normal na babae ay siguro maglulumpasay iyon sa sobrang kilig kung ganonin ka ba naman ng isang lalaki. Pero ako hindi. Oo may gusto ako kay Caloy. Sa mga ginawa niya ay papatawarin at bibigyan ko na ulit siya ng chance. Pero palapit na palapit na rin kasi ang araw ng pag-alis ko sa mundong ito. Sa totoo lang nagmamatigas na lang ako kay Caloy ngayon para pag umalis ako ay madali na. 

Kumuha ako ng taxi ng makarating ako sa sakayan ng may humatak sa braso ko.

"Fyglia." boses pa lang alam ko na. Dahan dahan akong lumingon sa kanya at umarte na galit na galit pa rin sa kanya. 

"Ano ba?!" 

"Patawarin mo na ako." napalingon ako sa taxi ng bumusina ito dahil hinihintay nga nito na pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Tinaas ni Caloy ang kamay niya at sinenyasan ang driver na umalis na.

"Bakit mo pinaalis?! Ang hirap pa naman kumuha ng taxi ngayong rush hour! Pati Caloy pwede ba tigil tigilan mo muna ako? Sa ginagawa mo mas lalo mo akong ginagalit eh! Please! Give me space and time! Oo, gusto pa rin kita! Pero sa mga ginagawa mo mas lalo mo akong pinapalayo sa'yo eh!" 

Tanging gulat at lungkot lang ang nakita ko sa mukha niya pagkatapos kong sabihin iyon. Katsaka siya tumango. 

"Sige kung iyan ang gusto mo." at pagkatapos noon ay tinalikuran na niya ako. Sumakit ang dibdib ko ng makita ko siyang tinalikuran ako pero ito ang ginusto ko. Sinundan ko siya ng tingin at bumalik siya sa pinanggalingan namin. Nakita ko na sinalubong sya ng Mama niya pagkarating niya doon. Pero nilagpasan niya lang ito. 

Tulala ng ilang sandali si Karina bago siya umalis sa lugar na ito. Tutal wala na akong gagawin ay susundan ko na lang muna siya. Sumakay siya sa jeep at ganoon din ako. Umupo siya sa pinakadulo sa likod ng driver habang ako ay umupo naman sa dulo malapit sa babaan. Hindi niya ako napansin dahil tulala nga siya. 

Mga isang oras ata kaming nakasakay nang bumaba siya sa jeep. Baba na din ako ng sigawan ako ng driver. 

"Miss di ka pa bayad!" napakamot ako sa ulo at dali daling naglabas ng 20 pesos katsaka bumaba bahala na siya sa sukli ang mahalaga masundan ko si Karina. Nagpalinga linga ako dahil hindi ko na siya makita. Pero ilang sandali nakita ko na ulit siya. 

Pumasok siya sa isang bahay. Nasa labas lang ako pero rinig ko agad ang usapan sa loob. 

"Tita, kamusta na? Nagkausap na kayo ni Ciel?" wala akong narinig na sagot marahil ay umiling lang ito. 

"May naghahanap nga po pala sa inyo kanina." nawala ako sa pakikinig sa kanila ng may napansin akong lalaki na nakatayo sa tapat. Bali nasa kabilang kanto siya at nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Sumilay ang nakakatakot na ngiti sa kanya ng may tricycle na dumaan kaya nawalan ang tingin ko sa kanya. Pagkalagpas nung tricycle ay wala na siya sa tapat. Nasaan na iyon? 

"Hinahanap mo ba ako?" napalundag ako ng nasa tabi ko na siya. Umiling ako at nagsimula ng maglakad. 

"Bakit ka naghihintay sa tapat ng bahay ni Karina?" 

"Wala po." sagot ko habang patuloy na naglalakad. 

"Sinungaling." 

Minadali ko ang lakad ko ng biglang dumilim ang paningin ko. Mayamaya nakakita na ulit ako pero ang paligid ko ay nagkulay brown at lahat ay nakatigil. Yung babaeng tumatawid ay naka freeze sa tapat ng kalsada. Yung sasakyan na paparating ay nakatigil din. Ang dahon sa mahuhulog sa tapat ko ay nakatigil din sa gitna ng ere. Ginapangan ako ng kaba. 

Pagkalingon ko sa lalaking iyon ay nag-iba na ang itsura niya.

Humaba ang tenga niya at may lawit itong mahaba na halos umabot hanggang balikat niya. Humaba ang nguso niya at nakalabas ang ngipin niyang mahahaba na nagkadikit dikit. Humaba din ang daliri niya na may matitilos na kuko. Hindi ko mawari ang nilalang na ito. Basta nakakadiri ang itsura niya. Mabilis kong kinuha sa bulsa ko ang maliit na bote at ininom ito sa harap niya. 

Ngumiti ang walang hiyang elemento sa harap ko at tumakbo palapit sa akin. Sa isang iglap ay pinaliit ko ang sarili ko para sa ganoon ay makalipad ako at para mahirapan ang halimaw na ito. 

"Sino kang lapastangan kang nasa mundong ito?!" hinahabol niya ako at panay ang lundag niya para lang mahampas ako.

Sinubukan kong magpagalaw ng anong gamit dito sa lugar pero dahil naka time freeze kami wala akong maigalaw na isa! Paano ko mapapatay ito?!

"Mahina kang diwata. Mahina ang kapangyarihan mo. Ngayon alam ko na kung sino ka. Sayang, huli ka na." sa isang iglap ay bumalik uli ang lahat sa kaayusan. Sa takot na may makakita sa akin ay mabilis kong binalik ang itsura ko sa tao kong anyo.

Bumalik na din sa pagiging tao ang anyo niya. Napalingon na lang kaming dalawa ng may sumigaw sa likod niya.

"Julio!" nginitian niya ako bago niya hinarap si Karina. 

Anong?! 

"Kamusta na kayo ng anak niyo?"

"Di pa rin ako kinakausap ng panganay ko. Halika pumasok ka..." sumunod sa kanya ang Julio na iyon tapos lumingon sa akin si Karina. Mabilis akong tumakbo sa takot na mahalata niya ako. 

Nagmamadali akong umuwi sa amin para makapag-isip. Sino iyong halimaw na iyon? Bakit nandito siya sa mundong ito at bakit kay Karina pa? May misyon din ba siya tulad namin? Hayy! Napasabunot ako sa buhok ko. Sana nandito si Krissy para matulungan ako! Ngayon ko lang nakita ang ang anyong iyon at masasabi ko na malakas ang halimaw na yon. Ang pinagtataka ko lang bakit di niya ako tinuluyan kanina? Tila gusto niya lang makita ang kapangyarihan at anyo ko.

Sinubukan ko uli makipag usap sa mga diwata sa Faylinn gamit ang isip ko pero hindi ko pa rin magawa. 

Nag linis ako ng condo para makapag-isipisip. Iniba ko din ang ayos ng mga gamit dito para mag-ubos oras. Hanggang sa naalala ko ang puno sa bahay nila Caloy. May kinalaman kaya iyon dito? Walang atubili akong pumunta doon. Wala kong paki kung nandoon siya. May kutob na din kasi ako.

Dis oras na ng gabi. Kaya ayos na rin gawin ito. Isang katerbang nectar ang dala ko dahil sa binabalak kong ritwal na gagawin ko ngayon. Nag over de bakod ako sa gate nila Caloy. Sa takot na magising ko sila sa tunog ng gate kung bubuksan ko ito. 

Sinimulan ko ng ipikit ang mga mata ko at nagpalabas din ako ng mga alikabok sa kamay ko habang binibigkas ang mga kataga para mabuksan ang kalooblooban ng punong ito. Panay ang hanap ko sa loob ng taga bantay ngunit ni isang bahid ay wala akong matagpuan. Nasaan ang bantay?! Dahil lahat ng puno sa mundong ito ay may nagbabantay. 

Tinigil ko sandali ang ginagawa ko dahil sa panghihina ko. Umupo ako sa lupa at pumalumbaba katsaka uminom ulit ng nectar.

Nagsimula ulit ako sa ritwal ko at mas mabigat ito dahil inaalam ko ang itsura noon kahit na walang bakas ang bantay sa naturang puno.

Napatayo ako ng matagpuan ko iyon. Di ko mapigilan ang sarili ko.

"Putang ina siya pala yun!" nagpapadyak ako sa inis. So yung halimaw na iyon din pala ang namemeste kila Caloy noon? Pwes, pababalikin kita dito at bibigyan ng leksyon kang halimaw ka!

Lalabas na ako ng gate ng narinig kong bumukas ang pintuan sa likod ko. Shit.. siya na ba yun? Sana si Lyn lang.

"Anong ginagawa mo dito?" dahan dahan akong lumingon habang nagkakamot ng ulo. Paano ko ba ipapaliwanag ito.

"Ah..hehehe.." mabilis akong humawak sa gate at tinalon ito.

"Hoy! Kapag nahiwa ang ano mo dyan sa tusok tusok!" Lumapit siya sa at bigla kong napansin na naiwan ko  yung bote ng likido na pinagtiyagaan kong pisain mula sa bulaklak ng ilang araw. Bigla siyang lumingon sa tinitignan ko. Waaah!

Bago pa ako tumalon uli ay kinuha na niya ang bote at tinago sa bulsa niya.

"Caloy!!! Ibalik mo sa akin yan!" no choice ako kung hindi tumalon uli sa gate. Muntik ko pa siyang madaganan sa talon kong iyon sa sobrang pagmamadali. 

"Sinabi ng baka mahiwa ang ano mo! Pwede mo naman sabihing pagbuksan kita ng gate!" bulyaw niya sa akin.

"Akin na yung bote." nilahad ko yung kamay ko pero tinignan niya lang ako ng masama.

"Ang tanong ko kanina anong ginagawa mo dito? Parang kanina lang sinabi mo sa akin na I should give you time and space?"

"So nagagalit ka na?" pinaypay ko pababa ang kamay ko para imwestra sa kanya na hinihingi ko na yung bote.

"Hindi. Okay na ba tayo? Ibibigay ko na sa'yo 'to."

"Oo na.. ibigay mo lang yan." Pagkabigay niya sa akin ay balak ko ng tumakbo ng hinigit niya ang kamay ko kaya napasandal ako sa dibdib niya. Ang resulta niyakap niya ako.

"Tsaka na itong romance romance na ito at huhulihin ko ang halimaw na nakawala dito. Di ba gusto mong malaman kung bakit kayo pinepeste ng punong iyan? Alam ko na. Kaya pakawalan mo na ako ngayon."

"Talaga?" hinarap niya ako sa kanya habang hawak nya ako sa magkabila kong balikat. "-eh kung nakawala siya eh hayaan mo na."

Gusto ko sanang sabihin na yung Mama niya naman ata ang pinupuntirya noong halimaw na iyon.

"Sige na. Matulog ka na." binaba ko yung kamay niya at unti-unti kong binago ang itsura ko sa harapan niya. Dahil kung mananatili akong ganito ay di niya ako papakawalan. Mangha at gulat na naman ang nakita ko sa mukha niya pagkapalit ko ng anyo. Pagkatapos noon ay nagtungo na ako sa bahay nila Karina. Laking gulat ko ng makita ko si Julio na nakaupo sa gutter sa tapat ng bahay nila Karina.

Nagpalit ako ng anyo sa harapan niya. Hindi niya ako napansin dahil tulog siya! Sinampal ko siya para magising.

"Ano ba!" bagong gising nga ang halimaw. Nginitian ko siya tulad ng ngiti niya sa akin kanina. Bigla kong naalala na sinabihan niya ako na mahina. Yabang nito! Nagulat siya ng marealize kung sino ang nasa harapan niya.

"Bumalik ka na sa puno. Gago ka. Nakawala ka lang naghahasik ka na ng lagim."

"Paanong?"

"Sa tingin mo tatantanan kita? Paano ka nakawala sa puno? At paano ka naging tao? My god! Ang itsura mo sa totoo mong anyo ay malayong malayo sa katotohanan!"

"Okay, suko na ako." tumayo siya at biglang lumuhod sa harapan ko. "-pagpaumanhin niyo po ang kasalanan ko Fygliana Aspenglade." bigla ko siyang tinayo at sinapak.

"Gago ka ba?! Gusto mo ba akong mapugutan ng ulo sa ginagawa mo?! Hindi ako reyna! Oo mas mataas ako sa'yo pero hindi mo kailangan gawin yan. Kung gusto mong mapatawad kita at hindi patayin sabihin mo sa akin ang katotohanan." tinaasan ko siya ng kilay.

"Masusunod po!"

"Sa ibang lugar tayo mag-usap."

Naghanap kami ng parke na malapit. At pagkaupong pagkaupo namin ay aamba na naman siyang luluhod.

"Kwento!" sigaw ko.

"Masusunod po. Yung mga panahon na inatake ko ang may bahay na magkapatid ay dahil nakasagap ako ng kapangyarihan sa inyo nung dumating kayo sa lugar na ito. Naiinis po kasi ako kay Caloy sa tuwing ginagamit po kasi ni Lyn ang kubeta at naiihi siya ay sa puno siya umiihi. Kahit nung mga bata pa lamang sila kaya nung nagkaroon ako ng pagkakataong bumawi ay ginawa ko. Pero wala naman akong balak patayin sila. Bibigyan ko lang sila ng leksyon. At kung paano ako nakawala sa puno ay bago po bumalik sa Faylinn si Kristalyn Islewing ay pinakawalan niya ako. Sumanib ako sa katawang lupang ito na gusto ng magpatiwakal."

"Sumanib? Ang lakas mo rin pala!"

"Ang malakas po ay si Kristalyn Islewing siya po ang nag-utos sa akin na gawin ito at pinapasabi rin niya po sa inyo "Ang galing niyo daw po""

"Ha?"

"Alam na po kasi ni Kristalyn Islewing na mangyayari ito."

"Krissy na lang itawag mo sa kanya!"

"Okay po. Inutusan po ako ni Krissy na sabihin sa inyo na wag niyo na pong pong gawin ang mission niyo at huwag na kayong bumalik sa Faylinn."

"Yun lang po ang sinabi niya sa akin."

"Oh bakit si Karina Cajucom ang kasama mo?"

"Naawa kasi ako sa kanya dahil nung dumating siya makalipas ng ilang taon ay pinagtabuyan na siya ng mga anak niya. Tapos nakipag kaibigan ako sa kanya."

"Bumalik ka na sa puno. At baka iniihian na uli nung Caloy na iyon ang lungga mo."

"Bumabalik naman po ako doon paminsan-minsan."

I swear gusto kong bigwasan ang halimaw na ito. Pero kahit ginanoon niya ako kanina at nalaman ko na ang tunay niyang anyo at kung sino talaga siya. Napanatag na ako. Alam kong mabuti itong halimaw. May pagkapilyo lang talaga.

"Oh sya pasapak ulit ng isa." sinapak ko ulit siya. "-yan ay dahil natakot ako kanina sa'yo akala ko katapusan ko na sa Time Freeze na iyon at pasapak ulit." sinapak ko ulit. "-dahil sinabihan mo akong mahina."

Hinimas niya ang kanyang ulo pagkatapos noon.

"Pinapatawad niyo na po ako?"

"Hindi. Pero papatawarin kita kapag ginawa mo yung kahilingan ko sa'yo."

"Ano po iyon?"

"Tsaka na. Basta kapag sinabi kong bumalik ka muna sa puno at wag kang lalabas ay gawin mo. Doon kita papatawarin."

"Masusunod po! Pati patawarin niyo po ako sa asal ko kanina hindi ko po sadyang saktan kayo. Alam ko po kasi na diwata kayo kaya pinalabas ko po ang tunay niyong anyo. Gusto ko lang pong makakakita ng diwata ng malapitan. Pero maniwala po kayo wala po akong balak saktan kayo kanina."

Nginitian ko siya bago ko paltan ang anyo ko para makauwi sa condo. Pinapatawad na naman kita. Kaya ganoon na lang ang hiniling ko sa kanya dahil alam kong attached siya kay Karina. Dahil sa oras na kukunin ko na si Karina ay ayaw kong makita niya ang gagawin ko. Eh sabi pa naman niya ay kaibigan niya iyon. Ang tulad pa naman niya ay sabik na sabik sa kaibigan dahil sila yung uri ng bantay na hindi malaya. Panghabang buhay na silang tagapangalaga ng ano mang halaman at hindi sila napapansin nino man dahil nakakulong sila sa kalooblooban noon. Kaya hindi ko siya masisisi kung grabe siyang makisalamuha ngayon kahit hindi lang kay Karina. Sana lang ay hindi siya pagsamantalahan ng mga tao. Alam ko naman na alam niya ang kakayanan niya sa mga tao.

Pagkabalik ko sa condo napasapo na lang ako sa noo ko. Nakita ko kasi ang mensahe sa phone ko. Simple lang naman na "Matulog ka na" galing sa kanya.

Napasubo ako kanina ah. Bakit nakipag bati na ako sa kanya? Hay nako. 

Continue Reading

You'll Also Like

39.6K 1.6K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
20.6M 509K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]