RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDE...

WeirdyGurl által

962K 19.5K 1.8K

PUBLISHED BOOK UNDER PASTRYBUG - Instead of being head-over-heels in love with each other like Shakespeare's... Több

BOOK ONE ( complete )
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
BOOK TWO ( complete )
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
EPILOGUE
Rome Vs Julie Contest 2k14-15

Chapter 50

13.8K 307 28
WeirdyGurl által

Inabot na kami ng gabi kasi isinama kami ng mag-asawa sa isang charity event. Eh kaso wala namang nakakakilala sa amin kaya sabay-sabay lang sa flow. Binantayan ko lang itong anak namin at baka mawala pa. Si Rome lang naman ang daldal ng daldal dahil magaling siya sa mga palusot na ganyan.

Kaya kami ni Rose ay panay selfie nalang at kain. Wala eh? Like mother, like daughter. Naks!

“Nandito na tayo,” he stopped the car and glanced at me.

“Hindi na muna ako papasok.”

“Bakit?”

“May itatanong lang ako,” ngumiti ako sa kanya.

Nakatulog na si Rose sa likod kaya medyo tahimik na. Hindi naman dumadaldal ang lalaking ito. Naubos yata ang laway sa pakikipag-usap sa mga tao kanina.

Lumabas ako ng kotse at pumwesto sa unahan ng sasakyan. I leaned my back on it. Tumabi naman sa akin si Rome.

“Anong gusto mong tanongin?”

“Ano nga palang pinag-usapan ninyo ni Mr. Park?”

“Hmm… wala naman masyado. Tinanong niya lang ako kung anong trabaho ko at kung paano kita nakilala.”

“Hindi kayo nag-usap about the adoption?”

He shook his head. “Nope, noong magkausap kami ay sinabi niya sa akin na ang asawa lang niya ang pwedeng mag-desisyon about the adoption… and if his wife would agree or not iyun lang din ang magiging decision niya.”

“Kung ganoon…” ako talaga ang balak kausapin ni Mrs. Park kanina.

“Yes, ikaw talaga ang gustong kausapin ni Mrs. Park. Sinabi kong ako sana ang kakausap sa asawa nito peru tumanggi si Mrs. Park. She told me that she wanted to talk with you personally. At saka plano mo naman ito kaya alam ko na makakaya mong mapapayag si Mrs. Park sa gusto mong mangyari sa adoption.”

“Aish!” Pinalo ko siya. “Bakit ‘di mo naman sinabi agad?!”

“Kapag sinabi ko iyun magloloko na naman iyang utak mo at baka kabahan ka pa. Kilala kita, mas mabuting isalang ka on the spot kaysa ang e-remind ka pa.”

“Yan ka!”

“Pwede ba Julieta mag-move on ka na. Nagawa mo ng mapapayag si Mrs. Park na amponin si Jenny ngayon ka pa mag-iinarte. Talaga naman.”

“Oo na! Hindi na po.” Tinanggal ko nalang ang heels ko at kanina pa pinapatay ang mga paa ko. Bakit ba kasi ako nag-heels ng sobrang taas? “Hindi na talaga ako magsusuot ng ganito.” Bulong ko sa sarili.

“Pwede ka namang mag-flats bakit umala Binibining Pilipinas ka pa?”

Inirapan ko siya. “Kita mo na ngang sumasakit na ang paa ko tapos may gana ka pang asarin ako?” Asar din talaga ang isang ito eh. May blister na nga ako.

“Women!”

“Men!”

“Fine!” Lumipat siya ng pwesto sa harap ko. Naisandal ko tuloy lalo ang likod sa unahan ng kotse niya.

“A-Anong ginagawa mo?”

“Itapak mo iyang mga paa mo sa sapatos ko para ‘di marumihan ang paa mo.”

“Huh?”

“Itapak mo nalang bago pa iyan mapasukan ng mga germs. Huwag mo ng dagdagan ng bacteria ang katawan mo. Marami na.”

“Aish! Hindi ko alam kong concern ka lang o inaasar mo lang ako,” alanganin na tinapakan ko ang mga sapatos niya. Kahit medyo napaka-weird ng position naming dalawa. Super close eh parang ‘di madadaanan ng lamok. Kahit na nakasandal ay napahawak parin ako sa mga balikat niya. “Hindi ba awkward ang position natin?”

“Karey lang iyan.”

“Sabi mo eh,” nakakatitig lang ako sa kanya tapos nakatitig lang din siya sa akin. Ang tahimik naman. Buong gabi ba kaming magaapakan? Sweet na medyo weird. I tried to think another topic para hindi dull ang moment. “Nga pala… kailan naman tayo magdi-divorce?”

“Nagsasawa ka na ba sa pagmumukha ko?”

“Hindi naman…” pabulong nalang na sabi ko kasi bigla niyang isinandal ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko doon sa kotse. He leaned his face closer to my ear. Randam na randam ko ang mainit na hininga niya sa tainga at leeg ko… that brings chills in my spine.

Bigla tuloy tumibok ng sobrang bilis ang puso ko. Hampaslupa!

“R-Rome?”

“Hanggat hindi ka pa pumapasok sa bahay mo ay asawa mo parin ako.” Bulong niya sa akin. “For now just think that we both loved each other… married… at may isang napakagandang anak.”

“H-Huh?”

A-Ano na namang pinagsasabi ng lalaking ito sa akin? Hindi ko tuloy malaman kung dapat akong kiligin o ma bad trip sa isang ito.

“K-Kinakabahan ako sayo, alam mo ba?”

Inatras niya ng konti ang mukha para matignan ako. He was smiling… ‘di ko alam kung bakit. But I knew that smile… iyan ang saktong ngiti ni Rome.

“I still owe my wife one thing.”

“Sinong asawa mo?”

“Of course ikaw,”

“Wey, hindi nga?”

He chuckled, “Like I said… isipin mo na mag-asawa tayo hanggat hindi ka pa pumapasok sa bahay mo. After that… just think of this as a dream.”

“Pinapaasa mo lang ako eh.” I murmured.

“May sinabi ka asawa ko?”

Gusto ko sanang kiligin peru moderate nalang dahil may taning ang love story namin. Aish! Sige na nga. Kahit ngayong gabi lang maging akin ka. Takte! Ang laswa parang gagawa lang ng love scene.

“Wala! So ano bang utang mo sa akin?”

“Iyung kanina,”

“Anong kanina?”

“Iyung I love you na hinahanap mo.”

“Naghahanap ba ako nun?”

“Julieta?” Mukhang malapit ng mainis sa akin eh.

“Ano ka ba okay lang naman sa akin kahit na ‘di mo na iyun sab-“

“I love you.”

“Huh?”

“Sabi ko I love you.”

“Galing kay Romeo?”

“Para kay Juliet,” he smiled. “Sana napangiti ko ang asawa kong si Juliet.”

I smiled back. “Korney!” Kahit na ‘di naman iyun totoo ay nasiyahan naman ako. Hearing those three words from him… parang sinabi niya na rin na mahal nga niya ako. “But thanks… I love you too… syempre kay Romeo.”

He laughed.

“Parang sinapian at hiniram lang nila Romeo at Juliet ang katawan natin,” natawa ako. “Ikulong nalang kaya natin sila habang buhay dito sa katawan natin?”

“Kapit ka,” sabi niya bigla.

“Bakit?”

“May gagawin ako…” humawak lang ako ng mahigpit since nakahawak naman na ako sa mga balikat niya.

“Anong gaga –“

“This,”

Suddenly his lips were on mine. My eyes widened in disbelief. Why is he kissing me? I gasped when his hand snakes around my waist, one hand caressing my back… deepening the kiss. Naipikit ko ang mga mata.

Peru bakit ko ba iyun iniisip pa?

I slowly locked my arms around his neck ang pulled him closer. It was my first kiss… our first kiss. And it felt wonderful and magical. I never imagined na ganito pala ang feeling kapag hinahalikan ka ng taong mahal mo. Parang nawawalan ng lakas ang mga tuhod mo at para kang matutumba ano mang oras.

He put his hands on the side of my face deepening the kiss more. Just the touch of his hands on my face brings chills in my spine. It almost burned my skin. Parang ayoko na yatang matapos ang halik na iyun.

“Julieta…” he parted his lips from mine. Nakapikit na idinikit niya ang noo sa noo ko. He was out of breath, and so as I. But it didn’t matter at all. He lowered his face again and gave me another kiss.

Na isip ko na sana totoo nalang lahat.

Na sana mag-asawa nalang talaga kami.

Na sana masaya kaming nagmamahalan.

He snuggled on my neck. Lalo lang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko… siguro dahil alam ko. Paggising ko umaga babalik na naman kami sa dati.

Iyung dati na hindi talaga ako ang babaeng gusto niyang makasama.

“Rome…”

“Just think of it… as a dream.”

****

Bakit kaya ako hinalikan ni Rome?

May meaning kaya iyun o gusto lang niya akong pagbigyan… kasi naawa siya sa akin?

Peru bakit parang totoo? I traced a finger on my lips. Bakit parang naramdaman kong totoong mahal niya ako sa halik na iyun?

“Hoy Julie!” Kim snapped me from my reverie.

Walang ganang tinignan ko siya. “Bakit?”

“Lutang na naman iyang utak mo.”

“Lagi naman lumulutang ang utak ko.”

“Ewan ko sayo!” Pabagsak na inilapag niya sa akin ang isang card. Naiangat ko ang tingin sa mukha niya. “May reunion ang batch natin kaya dapat pumunta tayo.”

Napangiwi ako, “Kailangan ba talaga?”

“Oo! At saka tigilan mo muna iyang quest mo kay Rome at makipag-usap ka naman ng human being aside kay Rome.” Bakit kaya nagbago itong si Kim?

Sinipat ko iyung card. Dati naman na overdose sa kulit at sobrang landi ang babaeng ito. Ngayon parang tinurukan ng kill joy sa katawan. “Sino bang may pakulo nito?”

“Sushi Twins,”

“Sina Hikaru at Kauro?”

“Uh-huh,”

“Buhay pa ba ang dalawang iyun?”

“Yup, at payaman ng payaman.”

“Grabeh naman… parang lahat ng batch natin yumaman.”

“Yumaman ba tayo?” Kontra niya sa akin.

“Oo naman! At saka hindi naman sukatan ng kayamanan ang mga gold at lupain. Basta hindi tayo nagugutom at may bahay pa tayong mauuwian mayaman parin tayo.”

“Sige e push mo iyan.”

“Hmmp!”

Bitter talaga ang isang ito. I focused my attention to the card. Ayoko ng isipin ang dahilan kung bakit naging legendary pokemon itong si Kim. Sinipat ko ang front and back nun.

“Inferness naman ay ginamitan ng special paper.” Inilapit ko naman iyun sa ilong ko. “Mabango rin.”

“Julie hindi iyan pagkain!” Sigaw saken ni Kim. “Nag-alala talaga ako sayo kapag nawawala ka sa ikot ng mundo.”

“Che!” Binasa ko nalang iyung nakasulat at hinanap kung saan ang venue at mga details. “One week reunion? Hindi halatang miss na miss ang isa’t isa ah. Tsk, peru ‘di na masama dahil sagot naman ng kambal ang transportation at accommodation. Yaman.”

Peru naisip ko lang? Kung lahat pupunta sa reunion… sasama kaya si Rome? Kasi kahit naman ‘di siya nakasabay grumaduate sa amin ay ang alam ko ay officially alumnus siya sa school dahil nag-take siya ng special test para makuha ng diploma niya. Hindi lahat ng school meron ng ganoon, but with the power of their family ay nakakuha nga siya.

“Strictly no girlfriends, boyfriends, fiancé, fiancée, wife, husband, and kabit allowed.” Iyung kabit talaga ang pamatay.

“Bring your old uniform…”

“Forget the present?” Ano naman kaya iyun?

“Please bring your body and soul…” grabeh naman. “And internal organs as well.” Talagang may pahabol pa.

Sa itsura ng invitation card na ito parang alam ko na kung sino ang gumawa.

“Venue? Ah iyun… H.K. Island Resort will you can find eternal happiness.” Natabingi yata ang ulo ko sa nabasa. “Anong akala nila sa resort nila memorial cemetery?” Kahit kailan ‘di talaga nagbago ang dalawang ito.

I wonder kung ano ng itsura ng dalawang iyun.

“Kim!” Tawag ko sa kanya.

“Bakit?”

“Sasama din ba si Maria?”

“Pilitin mo at mukhang may phobia yata kay Paris. Hindi na naka-move on since nag-confess ang former crush mo sa kanya.”

“Hanggang ngayon?”

“Ewan ko doon… praning lang. Takot yata sa mga lalaki.”

“Ano ba kasing ginawa ng Paris na iyun kay Maria at na phobia iyun sa kanya?” Bulong ko sa sarili nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Naka-silent kasi kahit na may tawag ako.

I answered the call, “Hello.”

“Hi Ate Julieeeee!” Tili ng isang batang babae over the line. Napangiti tuloy ako. Alam ko na kung sino itong batang ito.

“Jenny?”

“Ate Julie kita tayo ngayon. Mommy…. Hi Juliet,” si Mrs. Park.

“Mrs. Park?”

“Pwede ba tayong magkita ngayon? Gusto ka kasing makita ngayon ni Jenny.”

“Sure, saan po ba?... Ah, okay… I’ll be there.” Pinatay ko na ang cellphone ko at isinilid iyun sa bag. Tumayo na ako.

“Hoy saan ka na naman pupunta?” Pigil sa akin ni Kim.

“Babalik din ako,” may ngiting assure ko sa kanya. “May kakausapin lang.”

“Alam mo Julie… ikaw na yata ang pinakalagalag na empliyado na nakilala ko.”

“Thank you,” I chuckled. “Sige na, babalik agad ako.”

“Bahala ka na nga.”

Iniwan ko na siya at nagmadaling bumaba ng building. Lalakarin ko nalang total malapit lang naman ang Sweet Cakes na isang known pastry shop malapit sa building namin. Inabot yata ako ng limang minuto sa paglalakad.

I pushed the glass door ng shop at agad ko namang nakita sila Mrs. Park and Jenny. Paglapit ko pa lang ay hindi na mapakali itong si Jenny. She was jumping on her knees sa upuan niya habang hawak ang isang spoon na may chocolate cake. May smudge na nga ng chocolate ang gilid ng labi niya.

“Mrs. Park,” may ngiting bati ko sa kanya bago ako kumuha ng isang tissue na naka-display na doon at pinunasan ang gilid ng labi ni Jenny. Ilang araw ko lang nakilala ang batang ito peru namana agad ang pagkaburara ko. “Jenny punasan mo iyang labi mo.”

She just nodded.

“I can see that you’re not only affectionate with your own daughter, but with others as well. You’re really sweet and kind person Juliet.” She smiled.

“Thank you po,” I smiled shyly.

“Anyway, sana hindi ka namin na istorbo sa trabaho mo.”

“Hindi naman po… malapit lang naman ang pinagtatrabahoan ko dito.” I ran a fingers on my hair kasi medyo kumakawala ang ilang hiblang buhok ko sa pagkaka-bun ng buhok ko.

Aish! Bakit ‘di ako nag-ayos kanina? Lapis pa naman din ang ginamit kong pang-ipit. Naku! Ang pangit din ng damit ko. Nakakahiya naman talaga.

“Oh, hindi mo pala nabanggit sa akin ang trabaho mo. Jihoon told me that Romeo is a chef sa isang sikat na restaurant.”

Chef? Saang restaurant ba siya nag-oopera ng mga manok at baboy?

“Opo, magaling po kasing magluto si Rome…meo.” Shuks! Muntik na ako doon ah. Peru pwede naman iyun sa pinaikling Romeo. “Saka lunchbreak ko naman na… wala naman gaanong trabaho sa publication. Nagbabasa lang at nage-edit ng mga gawa ng mga writers.”

“So you’re an editor?”

I nodded. “Opo.”

“Sinong nagbabantay sa anak ninyo?”

“She’s in school… mamaya ay susunduin siya nila Mama at Papa.”

She nodded, “At least may katulong kayo sa pag-aalaga sa anak ninyo. It’s okay to have a job, but it’s much better if maging hands on ka na kay Rose. Mas makakapag-bonding kayo at matuturuan mo siyang mabuti.”

“Ang totoo niyan ay magre-resign na ako next month…” Echusera! Takte naman ito. Buti ‘di ko natanggal ang sing-sing talaga. “Romeo wants me to take care of our child dahil kaya naman niyang buhayin kaming mag-ina.” I gave her a smile. Syempre mayaman iyun eh. “At kahit na ‘di niya iyun sabihin ay may plano na talaga akong mag-resign sa trabaho ko.”

“That’s nice… I can see na napaka-affectionate ng asawa mo sa inyong mag-ina. It’s rare to find one like your husband, Juliet. You’re lucky.”

“Kayo rin po… napakabait din ng iyung asawa.”

“Tama, anyway, nakalimutan ko tuloy ang sasabihin ko. Right, naalala ko na.” She let out a faint chuckle. “Mahirap talaga itong tumatanda… well, ito kasing si Jenny gusto ka niyang makita para daw pasalamatan ka.”

Pagtingin ko kay Jenny sobrang lapad ng ngiti niya.

“Bukas kasi ay lilipad na kami pabalik sa Korea and she told me to call you kasi may sasabihin daw siya.” She patted Jenny’s hair. “Go on sweetie,” she urged.

Jenny nodded and set her spoon down.

“Mommy,” he turned to looked at Mrs. Park. “Akin na po iyung gift ko para kay Ate Julie.”

“Sure sweetie,” may kinuha sa bag niya si Mrs. Park. “Here,” inabot niya naman kay Jenny ang isang maliit na box na may pink ribbon.

“Ate Julie ibibigay ko ito sayo,” inabot niya sa akin iyun.

“Thanks Jenny, ang sweet mo naman.”

She giggled, “Pasensiya ka na sa gift ko. Sabi ni Mommy bigyan daw kita ng magandang gift peru gusto ko iyung memorable talaga. Kaya huwag mo munang buksan, okay?”

I smiled, “Okay.”

“Mommy pwede po bang lumipat ako ng tabi kay Ate Julie?”

“Sure sweetie,”

Mrs. Park stood up para makadaan si Jenny at makatabi ako. As soon as nakalapit na siya sa akin ay tumuntong siya sa upuan at niyakap ako sa leeg. Napangiti naman ako. Mukhang may magandang epekto din pala ang patulong ko sa kanya dahil nalayo sa bad influence na Sheena na iyun.

I hugged her back.

“Thank you po talaga!”

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya and touch one finger on the tip of her nose. Ang cute talaga ng batang ito. “Welcome,”

“Jenny halika na,” lumapit na si Jenny sa Mommy niya. “Sorry Juliet peru kailangan na naming umalis. Marami pa kasi kaming aayusin.”

“It’s okay,”

Tumayo na silang pareho at humawak naman si Jenny sa kamay ng bagong Mommy niya. Ngayon ko lang yata nakita ang batang ito na sobrang saya. Hindi nga yata sumasakit ang panga niya sa kakangiti.

“Bye Ate Julie.”

“Bye, ingat ka.”

“Mauuna na kami,”

“Sige po,”

Umalis na rin sila.

Hindi na muna ako umalis. Inalis ko ang ribbon sa box bago iyun binuksan. Natawa tuloy ako doon sa laman. “Ang batang iyun…”

Bigyan ba naman ako ng isang 36 colors na box ng crayons. May note pang kasama.

Dear Ate Julie,

Huwag na po sana kayong mang-agaw ng crayons at putulin iyun kapag nag-seselos kayo. Aksaya po kayo ng crayons eh! I love you po! Mwah! Mwah! Thank You Po! Ang bait nyo po pala. Parang angel  <3

Love, Jenny

Ps: Hindi po Johny ang kapatid ko… si John po :D

Inferness matalas ang memorya.

Naiangat ko ang mukha at napangiti.

“I’m going to miss that brat.”

Olvasás folytatása

You'll Also Like

11.2K 664 28
Two Steps Behind Sequel "We deserve forgiveness but not a second chance." Amelia Martini and Blaine Andres Javier Written by: Hannah Mae R. Jugalbut ...
107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
6.8K 442 30
Duology #2 When you thought its finally over but never. Kate Jasmin De Vera, isang masipag at ulirang anak. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamily...