He's my "SEATMATE" and also m...

By lemycastillo

39.6K 816 106

Im Myla Jasmine Reyes, im a Personal Assistant of our CEO in Santos Company. And my Boss... was my seatmate a... More

Prologe
Seatmate C.1
Seatmate C.2
Seatmate C.3
Seatmate C.4
Seatmate C.5
Seatmate C.6
Seatmate C.7
Seatmate C.8
Seatmate C.9
Seatmate C.10
Seatmate C.11
Seatmate C.12
Seatmate C.13
Seatmate C.14
Seatmate C.16
Seatmate C.17
Seatmate C.18
Seatmate C.19
Seatmate C.20
Seatmate C.21
Seatmate C.22
Seatmate C.23
Seatmate C.24
Seatmate C.25
Seatmate C.26
Seatmate C.27
Seatmate C.28

Seatmate C.15

757 16 4
By lemycastillo

*****
Mark's POV

Kinabukasan...

Kakarating lang namin ni Jasmine sa school. Gaya ng inasahan ko kahapon, tungkol na naman dun sa 3 in 1 niyang kaibigan ang itinatalak at pilit ipinaririnig sakin kung gaano 'daw' kaanghel ang kaibigan niya. Hay nakuh. Sira na agad araw ko kakasimula palang!

" Mark, Kasi next time wag kang magpapahalata na madami ka ng alam sa kanya." sabi ni Jasmine sakin habang papasok kami ng room. Para namang may pakialam ako sa mga bagay tungkol sa kanya. Nahahalata!? Ang alin!? Ah! Siguro nga nahahalata na niya na madami na akong alam. Totoo! Totoo naman e, sa dami kong nalaman na sa kanya kahapon. Sapat na yun para lalo pa siyang ayawan! Tsk!

"Ay ewan sayo. Wag mo nga akong kausapin. Ang aga-aga pa Jasmina para magsale's talk sakin. Kaya itigil mo yang morning abnormality mo!" sabi ko sa kanya at agad iniwasan upang diretsong makapunta sa upuan ko. Hindi pa ako nakakarating sa upuan ko.

"Ee bakit mo ba kasi sinabi kay Beasty na laging siya ang bukang bibig ko sayo. Yan tuloy iniisp niya na wala na siyang sasabihin sayo pagnagdate kayo." sabi nya na nagpapaout pa habang nakasunod sakin. CUTE UN! Pero dahil sa nakakainis ang topic namin. Wala ung epek!

" Uy! Uy! Uy! Hindi pa ako pumapayag na makipagdate sa kanya noh! Assuming!" sabi ko na lang at tumigil sa gitna ng upuan naming dalawa at pinitik siya sa ilong.

"Aray! Ang sakit ah! At sinong may sabi? Diba sabi mo pagnaigawa kita ng notes sa History. Papayag ka ng makipag'get-to-know-each-other' sa kanya.." sabi niya at agad akong tinaasan ng kilay. Abah mayabang to ah.

" Ou! Kung! Kung magagawa mo. Nagawa mo ba!?" sabi ko at agad tiningnan siya ng parang nanghahamong. At agad lang nya akong linisikan ng tingin at biglang ibinagsak ang bag niya.

" Well I guess hindi mo nga na tapos." sabi ko at agad nginisian siya na parang nangaasar. I told you guiz! Hindi niya kayang gawin un! Hindi niy inalis ang tingin sakin at may kinuha siya sa bag.

"Kita mo toh?" sabi nya ng mailabas ang isang plastic ng black coffee.

" Oh? Ano yan? Susuhulan mo ko ng kape? Nang pumayag ako? Sorry ka. Hindi ako umiinum ng kape." suplado kong sabi sa kanya at agad siyang nginisian.

"At sino bang may sabing para sayo to?" matapang na sabi nya at agad akong napatingin. Aray! Napahiya ako.

" Oh e para kanino yan!?" sabi ko na lang. Napahiya na ako e!

"Para sakin." kampanteng sagot nya.

" Para sayo? Oh e anong konek niyan sa deal natin!?" sabi ko naman agad at tinaasan siya ng kilay. Daming alam!

"Ito! Itong kapeng to ang ininum ko buong magdamag para manatiling gising at matapos ang pamatay mong notes!" at bigla niyang ibinagsak ang mga kape sa table niya at may kinuha muli sa bag.

"Huh!?" sabi ko nalang na tila naguluhan. Ano daw!? Ano bang ibig sabihin nun!? Hindi siya natulog!?

" Ito oh! Notes mo!" sigaw nya sakin at pahampas niyang ibinigay ung notebook na binili namin kahapon. Nak ng pating! Natapos pa ata ng abnormal na to. At napalunok na lang ako at sabay sabing

" Aba't--..Kumpleto naman to!?" tapang tapangan kong sabi.

" Kumpleto pa sa inaasahan mo! Simula 1st quarter hanggang 4rt quarter! Kala mo ha! In your face!" sigaw niya sakin at agad akong liniskan ng tingin. Para naman akong natigil sa sinabi nya. Natapos nya? What the.

" Natapos mo?" nasabi ko nalang na may tuno na parang di makapaniwala. Wala na akong masabi!

" Ou naman at anong tingin mo? Susuko na lang ako dahil lang sa haba ng pinasulat mo? Nek nek mu! Hindi purke ayaw ko ng History hindi na kita papatulan sa kaabnormalan mo! Baliw!" sabi nya at agad akong inirapan.

"P-Pero pa-pano?" sabi ko na manghang-mangha. Di parin mawala sa mukha ko ang bakas ng pagkagulat.

"Simple lang. Hindi lang naman ako natulog magdamag para sulatin yang notes mo." sabi niya na tila sinamaan ako ng tingin. Ramdam ko isinusumpa na ako ng abnormal na to. Tss bakit ba kasi nagpkabayani! Pwede namang di na niya gawin un! Tsk!

" Hindi ka natulog?" sabi ko na di nagbabago ang expression at tuno ng pananalita.

" Ou! At salamat dito! Infairness napagtanto ko na magaling pampagising ang kapeng itim. Lalo na kung kasing itim ng ugali mo!" sigaw nya at agad ipinamukha sakin ung black coffee na hawak nya kanina.

"T-talaga?" nasabi ko na lang. Taena! Speechless ako sa babaeng to! Ibang klase!

"Ou! Thank you sa pagpapahirap mo." At agad niya akong binangga.

"Aray!"

"Excuse me! Tumabi ka kasi!" Suplada niyang sagot! Pucha ang tapang nito ngayon! Ee kahapon nga lang tinalo pa ang pusa kung makapagmakaawa sakin! Tapos ngayon binabangga bangga at sinisigawan lang ako! Aba't--

"Luwag na luwag ng daan talagang binunggo pa ako! At saan ka naman pupunta! Abnormal ka na naman! Agang-aga!" And now para naman akong bata! Ganito ba talaga ang napapagtalo sa sarili mong kalokuhan!? Nak ng teteng!

"Magtitimpla lang ako ng kape! Nang hindi naman ako makatulog sa klase. Bakit!?" suplada nitong sagot sakin.

"W-Wala! Bakit!? Masamang magtanong!? Ipagtimpla mo nga din ako!" Nauutal ko pang sagot pero nanatiling malakas.

"Oh ee akala ko ba hindi ka umiinum ng kape!?" Taas kilay niyang sabi sakin habang nakapamewang.

"Oo nga! Pero diba sabi mo magaling na pampagising yan!?" Turo ko sa plastic ng kapeng hawak niya.

"Ou nga! Oh e ano naman!?" At di parin nagbabago ung lakas ng boses naming dalawa. Sigawan mode in the morning!

"Gusto kong subukan. Baka sakaling magising ako tapos panaginip lang pala na natapos mo to." At medyo bumaba ang boses ko na parang bumubulong na. Agad namang lumapad ang ngite ng abnormal na babaeng to.

"Pssshh! Hayy nakuh Makaryo! Kahit maubos mo tong isang plastic na kape. Hindi magbabago ang katotohanang nagawa ko ang ipinagawa mo at makikipagdate ka na sa Beasty ko." Sabi pa niya sa tunong nang-aasar. Letche! Kalalaki kong tao pikon ako! Puta! Napaigting nalang ang bagang ko sa sinabi niya at agad tumalikod upang makaalis.

"Nak ng---" at di ko  pa nasasabi ang palatandaan ng pagkainis ko

"And anyways, mayang lunch break na lang natin pag-usapan ang magiging set-up ng date niyo ni Beasty Samantha." Maarteng sabi niya na may tunong pangaakit na malambing pero nakakainis! Pucha! Talo ako ng babae! At napatampal nalang ako na mukha ng marinig ko un!

"Bilis talagang bumalik ng karma! Hindi pa nakaka isang araw. Nakabawi na agad ako!" Malakas na sabi niya at tuluyan  ng iniluwa ng classroom namin dail sobra na ako  napipikon!.

Nak ng pating. Natapos nga ng abnormal na un ung akala kong imposible! May super powers ba un!? At binuklat ko ang notebook na gustong gusto ko ng ibato kanina pa! Graveh! 3 pages na lang ung bakante sa pinabili kong makapal na note book sa kanya.  Ibang klase rin ang sipag ng babaeng un! Desperada na talaga siyang maka'get to know each other' ko lang ang 3 in  1 niyang kaibigan. Tsk! Hay Mark next time ung talagang imposible ha. Nauto ka ngaun ng sarili mong kalukuhan! Bwesit!

*****
Jasmine's POV

Nang makabalik kami ni Mark galing sa tindahan ng supplies agad na kong nanghiram ng kompletong notes sa mga kaklase ko. Buti na lang at meron pero ung iba naman naming naging topic na sa libro kaya kinaylangan ko pang manghiram ng libro sa library. Hayss! Graveh naman ung pinapagawa ni Mark sakin. Seryoso ba siya dun? Tskk! Napapaghalata tuloy na mahihirapan akong mailakad si Sam. Hindi naman sa pagyayabang pero ramdam ko na ayaw ni Mark kay Sam e. Pansin ko na sa way ng pakikipag-usap niya sakin pag un ang topic. Mas gusto pa nga niyang pagusapan ang walang kakwenta-kwentang trip niya sa buhay kesa kay Sam. Hays! Kaya nya siguro pinahirapan ang ipapagawa sakin. Bwesit talaga yang si Makaryong un! Huhu! At isa pa yang si Samanthang yan. Dahil sa kalandian, ako ang naghihirap! Kung di ko lang siya kaibigan. Bwesit!

Nang matapos kong kompletuhin ang mga kailangan ko. Nagsimula na ako agad-agad ng pagsusulat. Mahaba-habang lakbayin para sa aking kamay! Hanggang sa nag-uwian palagi lang akong kinukulet at dinidiscourage ni Mark na di ko na daw un matatapos. Bwesit talaga tong lalaking to. Nang makarating sa bahay nagpalit at kumaen na agad ako at sinimulan na ang digmaan. Pshhh! Sa totoo lang tamad akong magsulat kaya nagkang-ngangawit na ang kamay ko wala pa ako sa 1/4. Pero kahit ganun think positive parin at tuloy lang ang bayani niyong bida! Tamad nga akong magsulat pero masasabi kong mabilis naman. Mabilis akong magsulat kaya agad kong natapos ang 1st quarter ng mga notes namin. At awa ng diyos 9 pm na un. Oh diba? Ang galing isang quarter palang alas nuebe xna. Hays! Isang mahitik-hitik na pagpupuyat to at isa ding makapal-kapal na tinapay ang maiipun ko sa ibaba ng mata ko! (Eyebags!).

Habang nagsusulat bigla namang kumatok si Mama na nagpabalik sa realidad ko mula sa seryosong pagsusulat. Lol!

" Jasmine! Anak? Are you still up!? Tumawag si Mark. Hinahanap ka. Di mo daw sinasagot ang tawag niya." Dinig kong sabi ni Mama mula sa labas ng pinto ko.

"Gising pa po ako Ma! Ano na naman daw ang kailangan ng abnormal na yun!?" Tila napaikot na lang ang mata ko ng marinig kong sinong tumawag. Abnormal na un, siguradong mang aasar lang un at mangungulet na hindi ko matapos.

"Tinatanong kung tulog ka na daw. Sabi ko baka nagpapahinga ka na. Kasi anak ang aga mong kumain. I thought you're tired. Kaya un ang sinabi ko. Okey lang ba?" sabi ni Mama na nanatiling nasa labas ng pintuan ko. Ganyan si Mama hindi siya basta basta pumapasok sa kwarto ko. Kasi sabi niya nasa edad na daw ako at may privacy na. Kala naman ni Mama may privacy pa ako sa kanya. (Open kaya ako!)

"Ah okey lang un Ma. Hindi naman mahalaga ang sasabihin nun mangungulet lang un! Busy din kasi po, kaya di muna ako makikipag-usap..." sabi ko na lang.

"Ah ganun ba. Sige hindi na muna kita aabalahin.Magpapahinga na ako. Ung pinabibili mo palang mga gardenia nandun sa plastic. Kasama nung black coffee ng Papa mo. Hindi ko pa naaayos un, kunin mo na lang anak huh. Good night."  Dinig kong sabi ni Mama at yabag ng paa palayo nito mula sa pintuan ko. Hindi ko alam pero parang may nagtulak saking tumayo at mag-usisa sa kapeng nabanggit ni Mama.

" Ah Ma! Wait!" Malakas na tawag ko ng mabuksan ang pintuan. Papasok na sana si Mama sa kwarto nila.

"Yes anak?" sabi ni Mama tangkang lumingon sakin na sanay pipihitin na ang pinto..

" Hmm Ma. About dun sa black coffee? Pwede po ba akong bumawas?" Naiilang kong sabi dito. Agad namang kunot noong napangite si Mama

" Hmmm? Ou naman anak. Kaya lang kapeng barako ung kapeng un. Baka kung iinumin un, hindi kaagad basta makatulog. Sa Papa mo kasi un. Iniinum niya pag naoover-time siya sa opisina. Bakit anak sino bang paiinumin mo?" Tila nagtatakang paliwang sakin ni Mama.

"Ah ganun ba Ma. Okey lang po. Ako po Ma ang iinum, un nga po ang kailangan ko.  May kailangan ko po kasi tong tapusin ee at mukhang kakailanganin ko po talaga ang pampagising." sabi ko at agad ngumite.

" Ah? Sige anak. 2 packed naman ang nandun,kunin mo na ung isa. Wag ka lang masyadong magpapakainum ha. Baka hindi ka na makatulog." Paalala ni Mama.

"Opo Ma. Salamat po. Sige na po matulog na kayo ako na pong bahala." sabi ko na lang at agad ngumite.

" Ah ganun ba. Sige anak. Pumasok ka na sa kwarto mo ako ng magdadala sa kwarto mo pati narin hotwater.." sabi ni Mama at agad ngumite. Bait talaga ng Mama ko!

"Talaga Ma!? Nakuh thank you po. Talaga po kasing napakadami at haba ng susulatin ko.." sabi ko kay Mama na parang hirap na hirap na. Paawa ganern!

"A-ah. Ganun ba. Sige anak. Wag kang mag-alala ako ng bahala. Ganyan talaga ang graduating anak..." sabi na lang ni Mama at lumapit upang kinuskus ang ulo ko.

" A-Ah Ou nga Ma. By the way Thanks Ma. I love you." sabi ko na lang. At sinagot ang yakap nito. Lambing ni  Mama.

At dinalahan nga ako ni Mama ng mga sinabi niya Hot water, tasa at ung pag-asa ko para matapos ng hindi pumipikit ang aking mga mata! Ang itim na kape! Sa totoo lang hindi ako nagkakape pero dahil kailangan ko ng pampagising. Ito ako ngaun, humihigop ng kapeng barako. TSK! Letcheng Mark un! Ang daming pakulo sa buhay!

Nang lumipas pa ang ilang oras. Biglang tumunog ang cellphone ko. Tumingin muna ako sa orasan bago ako tumayo sa kina-uupuan. 12 Midnight na ah, sino namang tatawag ng ganoong oras. Sabi ko na lang at agad tumayo upang sagutin ang istorbong tumatawag. Kakasabi ko lang ayaw kong makipag-usap. Tsk!

...Beasty Calling...

"Hello? Oh Beasty napatawag ka. Alas dose na dito baka hindi mo alam." sabi ko na may pagkasarkastiko ng masagot at malamang kong siya ang tumatawag.

[Hello? Oh? Beasty bakit ngayon mo lang sinagot? I was calling you kanina pa.] sa tuno ng pagsasalita nya mukhang nag-aartihan na naman at may gusto na namang sasabihin to..

"Oh ee ano bang dahilan ng pagtawag mo? Sabihin mo na at may ginagawa pa ako.." sabi ko nalang at napairap sa cellphone.

[Ang taray mo! Palibhasa may ginawa kang kasalanan sakin kaya ka iniiwasan mo ko.] sabi niya na nagpataas ng kilay ko. Oh ano namang pinaglalaban ng babaeng to!? Hay nakuh..

"At ako pa? Hoi Samantha Claire magtigil ka! Kung susuriin din lang naman sating dalawa kung sino ang may atraso. Ikaw na yun! Hindi mo alam kung anong pinagagawa ko para lang suyuin lang ung hard to get mong target para sa kalandian mo!" sabi ko at sinimulan na ang misa.

[Ako pa! Ikaw nga tong minamasama ako kay Mark ee.] sabi nya na mukhang naninisi pa. Aba't kung kaharap ko tong babaeng to. Kanina ko pa naiflash ng bongga sa septik tank!

"Bwesit ka! Tumigil ka, kung yan lang din naman ang sasabihin mo. Wag mo kong istorbuhin. Sasabunutan kita! Sabihin mo na ung sasabihin mu at baka magsisi ka at sinayang mo ang oras ko!" sabi ko at agad siyang binalaan.

[Hmm Beasty naman ee. Kasi ikaw, naka-usap ko si Mark kanina. Sabi nya ako na daw lagi ang bukang bibig mu. Nakakasawa na daw.] sabi nya na sa tuno ng naiinis. May point naman si Mark kahit naman siguro ako. Hihihi

" Oh? Ee anong masama dun? Ee di ba nga un ang gusto mo? Huh? Kulang na lang gawin kong kanta ang history ng buhay mo at lagi ko na lang ipakinig sa kanya. Ano bang problema dun!? Huh at narereklamo ka!?" sabi ko na lalong nagpataas ng kilay ko dahil sa kagagahan ng babaeng to.

[Beasty naman dapat kasi wag mo masyadong pakabanggitin ung history ng buhay ko or about sakin. Para bang idinidiscribe mo lang ako kasi Beasty wala na kong masasabi pagnagdate kami. Kung nasabi mo ng lahat sa kanya. Magkwento ka lang pagnagtatanong na siya ganun o ikonect mo ko sa mga topic na mapapagusapan niyo. Ganun ba.]  Hayy nakuh buti sana kong may interest ung magtanong tungkol sayo. E marinig pa nga lang ang pangalan mo, nagsasalubong na kilay nung tao. Saan pa kita ikokonek!? Pag nasabi siya ng pinaka nakakainis, nakakabwesit na tao!?  Nasabi ko nalang sa sarili ko dahil sa maarteng tuno niya.

"Ay graveh! Ang demanding ng babaeng to pag nakita kita. Sasabunutan kita ang dami mong alam. Kung alam mo lang kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ko sa mga oras na to hindi mo na magagawang magreklamo sakin." sabi ko na gigil na gigil. Kung alam lang niya kung gaano na nga naiirita sakin si Mark. Tss

[Ee ano ba kasing ginagawa mo!?] sabi nya sa tuno na lalo kong kinainis..

"Nagsusulat lang naman po ako ng notes sa History.." maikli kong sabi sa kanya. Nag-iinit na ang bait ko sa kaibigan kong to bwesit.

[Nagsusulat ng notes? Sa history? Hay nakuh Beasty. Ayan! Di ngaun pinagdudusahan mo ang pagiging History hater mo! Kaw kasi. Tamad tamad mong magsulat. Di ngaun nagkokompleto ka! Magdusa ka!] sabi niya pa sa paraang naninirmon din. Kung kaharap ko to kanina ko pang nasakal sa kabaitan!

" Hoi! Babaeng malandi. Pasalamat ka kaibigan kita kung hindi noon pa kita naibaon ng buhay. Alam mo ba kung kanino tong notes na to huh?" sabi ko na kulang na lang ay sumuot sa cellphone ko.

[Kanino ba kasi yan? Graveh huh. Di ko akalaing nag-eextra ka na bilang taga sulat. Ang galing naman ng taong yan at nautusan kay ipagkupya ng notes. Himala! Sabihin mo nga sakin ung pangalan, mailibre ko bukas.] sabi niya pa na parang nang-aasar. Ah ganun. Baka pag nalaman nito kung sino, baka ipasara niya pa buong canteen. Tss!

"Ahh talaga lang huh. Oh sige. Itong notes lang naman na to ay para sa lalaking pinagnanasaan mo! Na pinapahirapan ako!" sigaw ko na kulang na lang ay ipasok sa bibig ko ung cellphone.

[Si Maaark!? Ahhhhhhhh!] at napatili pa ang talandi ko kaibigan at mukhang di man lang pinansin ang huli kong sinabi. Tss! Lakas talagang makalinaw ng pandinig dito sa talandi kong kaibigan ang pangalan ng kupal na un. Kasura!
[Kay Mark yan!? Wow beasty ang swerte mo naman. Ahhhh! Ayyy pero graveh! Di ko inexpect, tamad palang magkopya un. Pero Beasty huh, himala at napagsulat ka nya.] sabi pa nya naparang channel lang sa tv ang pagbabago-bago ng reaction.

"Ahh Ou! Alam mo ba kung bakit niya ako pinagsusulat? Huh!? Bistii!" at gigil na gigil kong sabi sa kanya.

[Huh? Bakit? Hindi ba dahil sa finals?] sabi ni Beasty na lalo pa kong naiinis. Wala talaga siyang kaide-idea!

" Hindi! Dahil sa lintik na 'get-to-know-each-other' nyo! Kaya nagpapakabayani akong isulat ang lahat ng notes simula 1st Quarter hanggang Last Quarter!" Sigaw ko na di na napigilan ang gigil sa pinakamamahal kong kaibigan.

[Huh!? Bakit!?] at nagtanong pa to. Sarap sapakin!

"Dahil po ayaw niya kasi na makipag'get-to-know-each-other' sayo. Pero dahil mahal na mahal kita! Pinilit ko siya! At awa naman ng Dyos pumayag ung tao na makipagdate sayo!"

[Waaaaaaa! Talaga pumayag siya!? Ahhhhhh! Wow! Thank you Beasty! Thank you!] At tili nito sa kabilang linya na nagpasakit sa tenga ko! Pss! Pag dating talaga sa lalaki ang daling pakiligin.

"Ou at may kondisyon! Un ay ang magpakabayani akong gawin ung notes niyang pamatay tao. Alam mo ba un! Kaya kung tumawag ka lang para talakan ako. Pwede bukas na. Dahil sinasayag mo lag ung oras ko e. Ung oras na sinayang mo e sana naipagsulat ko na lang. Nang baka matapos ko ung pinapagawa ng hayop mong Prince Charming!" Gigil na gigil kong sigaw sa kanya. Kulang nalang pumutok ang ugat ko sa ulo.

[Wow! Ahhhhh! Ibig sabihin makakadate ko na siya? Ayyieee thank you Beasty! Sige na baka naabala kita. Hehe babayee. Tapusin mo yan Beasty ah. Muaps!]  Sabi niya at parang pumindot lang na remote ang pagkakapatay ng kaibigan ko sa kabilang linya. Walang-hiya talaga ung babaeng un pag sa lalaki walang sinasanto. Di man lang ako maalala. Bwesit! Pero kahit ganun mahal na mahal ko parin ang kalog kong kaibigan na yun. Siya kaya ang saviour ko! Babalik na sana ako sa lamesa ko ng biglang...

TOOOT...

1 message received...

From: Beasty {63 9** **** ***}

Good night Beasty. Thank you huh kasi ginagawa mong lahat ng yan para lang makatuluyan ko si Papa Mark. Para ka talagang blessing in disguise sakin. I love you Beasty! :* Sobra kong swerte kasi nagkaroon ako ng kaibigan bukod sa napakaunderstanding. Tanggap ang pagiging abnormal ko. I love you. Muahpss. Wag kang magpapagod kahit I know nakakapagod nga yan. Good luck Beasty! Go! Go! Go! I know you can do that! Ito pa ba!? Labs you!(づ ̄ ³ ̄)づ. 
12:27 am recieved

At yan ang pinaka gusto ko kahit na sobrang pagod na ko pag siya nagtext ng ganyan. Alam na un! Ou alam kong medyo naspoiled sakin si Samantha, masyado akong mapagbigay, maunawain at sobrang magintindihin sa kanya. Pero kung tutuusin, kulang pangayon sa ginawa niya sakin. Sam is my saviour. She gave me another chance to lived without any fear that one day I'll just lay down my own and feel nothing at all, see nothing and be nothing. Kaya kung tutuusin utang ko sa kanya ang lahat ng nagagawa ko ngayon. Kung ito lang ang paraan para maramdaman niya na thankful ako. I rather gave her anything and everything she wants, just to make her feel that I'm worth to saved. At hindi kasisi-sisi na tinulungan niya ako.
------------
Edited na po!!!

Thank you for reading guiz! Vote and leave your comment/s!
Sana nagustuhan niyo ang chapter na to. Subay bayan po natin ang mangyayari sa #MaIne♥♥♥

For more info: (char! Pero guis tunay to)

Please do follow me here:

In wattpad: @lemycastillo

In twitter: @castillomyel

In snapchat: @lemycastillo

In instagram: @lemycastillo2206

Also like my Facebook Page ☞ Lemy Castillo- MissA

Wait for the next update...

Love. missA

Continue Reading

You'll Also Like

118K 243 17
My wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report
39.4K 851 15
Jake, Sunoo and Jungwon went to a bar they had never been to before, And while they were there in that bar, they didn't know that there were four men...
261K 39.8K 102
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
610K 1K 47
idk exactly what this is gonna be but 🤷🏻‍♀️🤷🏻‍♀️🤷🏻‍♀️