Just Want To Be Where You Are

By keenobserver

54.5K 1.3K 474

Just Want To Be Where You Are (Just 14 Book 2) Hello po Sa mga nag aabang ng kasunod ng unang book ito na po... More

Just Want To Be Where You Are
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21

Chapter 19

1.9K 50 60
By keenobserver




JUST 14?



Mika's POV

"Mahal may tawag ka....mahal...may call oh ..."

Napatakip ako ng unan sa tenga. Masyado pang maaga para tumanggap ng tawag. Sabado ngayon gusto kong bumawi ng pahinga. Kanina pa tinatapik ni Mahal yung hita ko pero ayoko talagang magpaistorbo.

"Mahal....pasagot na lang..."maantuk antok kong request.

"Hello...ah Riley...tulog pa si Mika eh...patatawagan na lang kita maya...pasensya na...sige bye."

"Ano daw kailangan nya? Ang aga naman nyang tumawag."Tanong ko habang nagkukusot ng mata.

"Walang pasabi mahal ikaw daw gusto nyang makausap. Call him na lang mamaya. ...Hey gising ka na rin lang tara breakfast tayo."Lambing nya pagkahiga ulit sa tabi ko.

Napaangat sa digital clock ang tingin ko para tingnan kung anong oras na. Ala sais trenta y singko pa lang ng umaga, we don't normally have breakfast ng ganitong oras pag weekends. Mahina kong piningot ang pisngi nya ng di nya nilubayan ng mahihihang pindot ang ilong at pisngi ko.Yakap lang ang ganti nya kalaunan ay tumawa ng nagawa ko na syang kilitiin sa leeg.

"Mahal gising na breakfast na tayo...I know its early pero baba na tayo naghihintay na yung mga bata."

"Huh? Seryoso? Maagang gumising yung mga bata? Kala ko ba nung nauna akong matulog nag movie number 2 pa kayong tatlo?" pagpipilit kong tumayo pero nakasampa na saken ang asawa ko.

"Hindi na namin tinapos kasi nakatulog na rin si baby Mia. Tara na baba na tayo...hmmm"

"Hmmm pano ako kikilos eh nandyan ka,alis ka na...hmmm."

Liban sa maganda ang posisyon ni Mahal na nakadagan saken masarap din yung morning kisses nya,sunud sunod na mga malulutong na halik sa labi ang ineenjoy ko ngayon. Dun narealize ko na

"Oi...stop...ano ba...daya mo nakapag mouthwash ka nat lahat....ambango mo na pati tas ako...hmmm" as usual di na naman sya nakinig.

Sa tingin ko hindi talaga sya patitinag,sige pa rin sya sa kanyang paghalik so ano pang magagawa ko di bah?Eh di gumanti na lang din ako.Una halikan lang katagalan ay mas lalong pinagdikit ni Mahal angaming mga katawan habang dahan dahan nyang tinataas ang nighties ko. Unti unting bumababa ang mga halik nya sa baba patungong leeg ko. Nakayakap lang ako sa batok nya,ang mga kamay naman nya'y binabaybay ang kahabaan ng magkabilaang hita ,bewang at tyan ko. Akala ko ang sandali nyang paghinto ay para bumangon na kami. Hindi pala. Unti unti syang gumagalaw sa isang ritmong nagugustuhan at sinasagot naman ng katawan ko.

"Palambing ako Mahal..." malalim na boses nyang bulong.

Hindi na naman nya ako hinyaang makasagot pagkat isang mabilisang halik nya ang nagpatahimik saken. Wala din namang pagtangging marirnig ang asawa ko mula saken. Hindi ko mapigilang mapa buntong hininga sa sarap ng feeling. Ito yung mga minsanang moments namin na we don't wanna rush through. I'm loving every minute of it...savouring everything with her.

Nung nandun na kami sa puntong ituluy tuloy na ang pag momoment namin biglang may nagkakatukan sa labas ng pinto ng kwarto.

"DaVic! DaVic! Help nasira yung ginawa ko for mommy...Help!" sigaw ni Mia.

Sunud sunod lang yung katok nya. Tumahimik ng ilang segundo pagkatapos si Vik naman ang tumawag sa labasan.

"Davic...we were making something ang it got distorted. Help!" tawag nya kay Mahal.

Matagal at ayaw pa sanang bumitaw ni Mahal sa yakapan namin kaya I gave her one last kiss bago sya mahinang tinulak palayo saken. Akala mo'y nakakakain ngkung anong maasim kung titingnan mo yung hitsura nya haha. Kawawang mahal nagambala na naman yung the moves nya. Napapalakpak sya saka nilagay sa noo ang kanyang mga palad. Tinawanan ko na lang sya saka hinila patayo. Nagpalit ako ng damit diretso sa banyo para makapaghilamos at mumog na rin. Pagkalabas ko dun palang nagbihis ng pajama si Mahal na may batman logo designs. Inayus nya ang kanyang tshirt sabay lapit at hila saken. Isang mahigpit na yakap mula sa kanya bago nagsiil ng halik sa pisngi ko.

"I swear yung mga batang yun...sobrang galing nilang tumiming nakakahalata nako. Mula nung vacation natin hanggang dito ba naman? Tsssss....pag nakuha natin yung pera pwede ba natin silang palipatin sa sarili nilang bahay? Tsk "

Napatakip ako ng bibig sa sobrang lakas ng tawa ko. Si mahal todo simangot parin

"Hay nako wala na tayong magagawa nabasag na eh...tsaka anoba yung meron sa baba?"

Hindi sinagot ni Mahal ang tanong ko bagkus tinakbo nya ang kinaruruunan ng mga anak namin. Napakamot nalang ako sa king leeg. Nang nakababa na ko sa pinakahuling hakbang ng hagdan biglang nagsigwan na naman yung mga bata. Napatigil ako sa gulat...'stay where you are' na paulit ulit lang ang narinig ko. Mia came running to me ,nag abot ng pampiring sa mata saka tumakbo pabalik sa kusina. Sinundo naman ako ni Mahal. Pagkatapos nyang ikabit ang takip ng paningin ko pumisiyon sya saking harap,habang pinabackhug nya ako sa kanya at ginabayan papunta sa lamesa. Nang makarating na ay pinaupo ako ni mahal sa silya. Humalik muna sya bago bumulong ng 'you can take it off now'.Walang nagsalita or nagsabi ng surprise ngunit kahit madalas na din naming ginagawa ito ay nasorpresa pa rin ako.

May apat na plates na may patong patong na makapal na pancakes,may butas yun sa gitna para kalagyan ng heart shaped sunny side up eggs. Ito yung mga food na lagi naming pinanunuud na cooking video buong maghapon habang nasa bakasyon kami. At may homemade icecream cake na turo ni mommy sa mga batakasi sobrang daling gawin. Sa tingin ko ay gawa nina mahal yung cake kagabi as for the pancakes judging from the way it looks yung dalawang maayus ay gawa ni Mahal at yung dalawang palpak na may sunog sa sides(na halatang inayos din ni Mahal) ang luto ng mga bata.I don't know what the occasion is but I'm speechless and proud sa effort ng tatlong babies ko.

Nakatemplate sa mukha angmga ngiting wagas nila ,dun ko napansin na Vik and Mia are wearing shirts with huge numbers one and four respectively.Naghihintay lang si Mahal ng reaksyon mula saken pero until now di pa rin malinaw ang gusto nyang ipahiwatig. Nanlaki ang aking mata ng maalala ang araw ngayon.

"Happy fourteenth Mahal ko..."nakangiting bati nya saken.

OMG ngayon ba yun? Bakit hindi nag alarm yung phone ko? Ngayon na ba talaga yung Fourteenth anniversary namin ni Vic? Nahalata ni Mahal na nakalimutan ko pero lumapit lang sya agad habang bumubulong ng

"Hahaha it's fine mahal..ok lang..." halik sabay yakap nya saken.

Hindi na ako nakatayo saking kinauupuan ,nakabaon lang ang mukha ko sa dibdib nya,yung yakap ko super tight baka ikahimatay na ni Mahal. Haay fourteen. Big one four as in ikalabing apat. Grabe amazing how far we've come. Napaangat ako ng tingin kay Vic and pareho kaming halos mapunit ang mga pisngi sa kakangiti. BOOM...ingay ng pagpapaputok si Vik tapos ay tumakbong nakiyakap saming mag asawa. Mia joined in after nya kaming kunan ng pic. Hindi ko namalayang napaiyak na pala ako kung hindi pa lumungkot yung mukha ni Mia habang pinapahiran ang mga luha ko.

"Mommy why are you crying? Bati naman ni DaVic eh happy fourteen daw...ayaw nyo ba ng sunog na pancakes?"takang tanong nya habang hinuhuli ang mga luha ko ng malilit nyang daliri.

"No baby tears of Joy yang kay mommy." Komento ni Vik sa gitna ng tawanan namin sa sinabi ni bunso.

"Mommy may surprise pa na iba si DaVic...tell her tell her..."excited na saad ni Mia habang hila hila ang tshirt ng Davic nya.

"Mommy susunduin kami ni Uncle later kasi DaVic will bring you somewhere daw just the two of you sa anniversary nyo. Sayang di kami kasama..but we'll be at lola's house..."mabibong kwento ng panganay ko.

"Anong pinagsasabi ng mga batang to? Sinong uncle susundo sa kanila? San tayo pupunta?"sunud sunod kong usisa.

"Si kuya Jun ang kukuha sa kanila later pero sa Bulacan sila ihahatid kasi umattend ng homecoming sina mama at papa. Tayo naman eh aalis mamayang hapon papunta sa sekretong lugar para makapagrelax. Gusto din kitang ilayo sa mga panira ng moment natin." Pilyang paliwanag ni Mahal.

Pagkatapos ng kwentuhan ay nag aya ng kumain ang mga bata,nagutom na ata. Naguluhan din ako sa kung sinong susubo saken kasi nag aagawan silang tatlo. Haay minsan talaga aakalain kong tatlo anak ko. Si Mahal nakikipagkompetensya minsan sa mga bata para lang sa atensyon ko haha ang kulit. Ngayon nga pinapatulan nya yung panganay namin na nakadalawang magsakunod na subo saken instead of salitan bilang usapan nilang tatlo.

"Oi Vik..out kana kasi nag double touch ka,ikaw Mia tama na yan kasi maiksi lang reach mo di mo abot si Mahal...hayaan nyo na lang si DaVic ang magsubo kay Mommy nyo hehe." Pang aalaska nya sa mga bata.

"Ahhhh ayawww...hmppp" nag pout na si bunso.

"Daya naman DaVic...one last na lang aalis naman po kayo ni Mommy eh"nakatawang apela ng panganay namin.

Ang ingay namin aabot ata ng Bulacan at Pampangga,ang bilis ko lang naubos yung sunog na mga pancakes ang sarap kasi eh may cheese at bacon din pala sa ilalim. Nung mapansin nung tatlo nag unahan na na naman sila ng offer sa mga pancakes nila for me. Hay nako siguro may idea na kayo kung anung ginawa namin nung nag bakasyon ang team Reyes-Galang,naloka ako promise.

Napahinga ako ng malalim ng pagmasdan silang tatlo. Hayan sila sa harapan ko,si Mia nakapiggy back ride na sa Davic nya at pilit na inaabot ng kagat yung tenga haha nagtalo na naman kasi silang tatlo kung sinong mag se serve ng cake sa akin naku po ewan ko na lang. Di na halos makalapit si Vik kasi nakaharang yung buong kanang kamay ni Mahal sa mukha nya kahit nahihirapan ang asawa ko sa pag iwas sa maliit ngunit malupit mangagat na ngipin ni Mia. The best entertainment show tong napapanuod ko ngayon. Nga nga kung nga nga na nga ang mga tawa ko dito eh.

Sa pagkakaalala ko yung pagkain ay para sa bibig pero nagulat ako nung may nagpahid ng ice cream sa ilong ko. Haaay naku si Mia talaga uo. Napatingin sya sa ken pati sya nagulat kasi labas lahat ngipin habang palipat lipat samin ni Mahal yung tingin nya.

"Mommy that was for DaVic..." paliwanag ni bunso. Nahawi pala ni Mahal yung kamay nya diretso sa ilong ko.

Dun na kami nagumpisang magkagulo. Dahil ang kaninang tatlong makukulit nako kumpleto na kasi apat na kaming naghahabulan dito sa kusina para makaganti sa cake challenge. Kahit hindi kami nag usap eh napansin kong kampi kami ni Vik and si Mahal ang Mia naman ang magkasangga. Napakamot na lang ako sa baba kong puno ng ice cream..alam na...kaya kami na iissue han na may favouritism eh lol.

Ang saya lang ng araw na to. Two lovely kids. A wife whose beautiful inside and out...me being blissfully married for fourteen long years. One solid happy family.Walang wala na talaga akong mahihiling pa.

---

Vic's POV

Do I smell good? Check. Do I look good? Hmm check. Do I feel good? 100% and more check na check.Kung makalakad ako kala mo may libo libong spring na nakapalibot sa bahay namin. Kaninang umaga palang masaya na lahat sa bahay. As always nagustuhan naman ni Mahal lahat ng ginawa namin ng mga bata. Hindi ko nakain ng maayus yung ice cream cake gawa ng nagkagulo kami kanina dahil sa kulitan at pahiran na na naganap kaya nagdala ako ng isang piraso sa kwarto. Tamang tamang pagpasok ko eh maliligo na si Mahal. Mabilis kong inubos yung food kasi gusto kong makisabay ng shower. Tumanggi si Mahal dahil matatagalan na naman daw kami ,she needs to meet Riley first before we leave para sa anniversary get away naming dalawa. But in the end pumabor saken ang takbo ng kwento kasi nung nagkalat sa mukha ko yung cake,Mahal licked it para luminis. Kaya sinadya kong pahiran yung leeg,balikat at ibabaw na bahagi ng dibdib nya para may excuse akong gumanti. Napagsabihan pa nga ako nung malagyan ng chocolate yung towel na gamit nya. Kaya to solve the problem,tinanggal ko yung tuwalya,while ginaya yung ginawa nyang paraan ng pagtanggal ng dumi sa mukha ko. Alam na kung ano ang sumunod na nangyari. Mika and I made sure na kung ano yung inumpisahan namin ay aming tatapusin ng walang Mia or Viktor na hahadlang haha.Tagumpay saw akas.

"Oi brad saya natin ah? Ang yabang ng dating ah?" bungad ni kuya Jun. Lumapit ako para makipag apir pero hinila nya ako at bumeso.

"Oi..oi..dahan dahan, masisira tong ayos ko sayo eh. Kamusta? Ayus magagamit ko na ulit tong sasakyan ko." Mahinang siko ko saking kapatid.

"Hehe yang mga ganyang ngiti mo brad ah,halatang naka puntos ka kay misis ah?"asar nya saken.

Nasuntok ko sya ng mahina sa braso. Nagtwanan na lang kaming magkapatid. Natuun agad ang atensyon ko sa latest version ng Montero Sport na sasakyan na regalo ni Mika saken. Yung dalawang lumang car eh sya mismo ang nagdispatsya at dun na binilhan ang sarili nya pati ako ng bago. Pansamantalang pinahiram ito ni Mahal sa family ko nung masira ang sasakyan nila habang nasa US pako. Hindi kataka takang sobrang linis ng sasakyansyempre business ni kuya Jun dun sa amin eh car wash liban pa dun sa pagawaan ng sasakyan at bar and grill sa tapat. Anlalaki ng espayo ng mga building nya nakakainggit nga tingnan eh.Negosyo ang pinagkakaabalahan ng kapatid kong hanggang ngayon ay hindi pa nalagay sa tahimik.

Although may tatlong apo sina mama at papa sa kanya sa dalawang magkaibang babae. Hindi din nya mga girlfriend yung mga babaeng nabuntis nya nuon kaya ang mga pamangkin ko ay nasa kostodiya ng mga mama nila. Pero kahit ganuun man ay sustentado nya yung mga bata. SI Elaine kung saanmeron syang anak na lalake ay nasa Cagayan na at may sarili na ring pamilya. Natuwa naman ako sa kumakalat na tsismis mula sa mga kapitbahay namin na opisyal na nagkakaigehan na sila ni Dilma, kung saan meron siyang dalawang anak. Sana nga sila na ang magkatuluyan,kawawa naman kung tatandang binata tong kapatid ko eh. Mabait namanyan kahit parang abnormal umasta haha. And bilib din ako kung pano nya alagaan ang mga anak ko. Sya rin ang koni consoder namin ni Mahal na ang pinaka konsintidor na uncle sa lahat gawa ng magkaksundo silang tatlo sa food trip at adventure. Laging nadadagdagan yung laki ng pisngi ng mga anak ko o galos sa katawan nila kapag sya ang nagbabantay minsan eh haha.

"Huy bading narinig mo ba ako?Dinaanan yan nung assignedtechnician nung isang araw request daw ni Mika kasi parang may delay sa pag ilaw yung rearlights sa likod." Balita ni kuya.

Tumango na lang ako while checking the entire car. Hindi ko maalala na may nabanggit si Mahal na issue ng rearlights ,ay naku matanda na talaga ako. Sabay na lumabas sina Mia,Viktor and Mika na sinalubong ni Kuya. Naghintay lang ako sa passenger side. Pinagbuksan ko ng pinto si Mahal,yung tatlo naman eh maingay na sumakay sa likod.

"Anu ba yan Mika antagal mo...Galit na si Victonara oh? Bat antagal nyong mag asawang bumaba eh kanina pa nasa labas yung mga bata? Hehehe"asar agad ng kapatid ko kahit kakaupo pa lang.

"Ay sorry kuya si Mahal kasi eh...kids kumpleto na mga gamit nyo ah? Wala ng naiwan?" pag iwas ni Mahal sa biro ni kuya Jun. Yung pisngi nya namumula.

Napailing na lang ako sa ngiti. Kahit nakasmile ako sinamaan ko pa rin ng tingin si kuya mula sa rearview mirror. Pumagitna sya sa amin ni Mahal saka nagsabing

"Hahaha joke lang joke lang ...peace mga mahal haha...Sya nga pala happy katorse sa inyong magasawang magjowa bwahahaha." Pabulong nyang pang aalaska samin. Nakipag apir lang si Mahal sa kanya.

Mag asawang magjowa ,yan ang matagal ng joke ni kuya sa amin ni Mika. Ewan ko sa kanya pero sabi nya kasi ang tingin nya lang sa amin ni Mahal parang magjowa lang kumilos.Inuna namin ng hatid si Mahal sa Makati kung saan sila magkikita ni Riley. Sa isang cake resto namin naabutan si Riley. Agad syang napangiti at bumeso sa asawa ko. Neutral ang mukha nya nung nakipagkamay saken.Hindi pa man kami nakakaupo ay may mestisong waiter na nag abot ng dalawang maliliit na cake na ayun sa kanya ay in-the-house. Napayuko ako sa konting inis dahil nung inabot nya yun kay Riley ang bati nya ay 'for you and your lovely wife' referring to Mika.Pinaupo ko na si Mahal , I kissed her at nagpaalam na kasi may dadaanan pa kami na importanteng file sa office ko na kadadarating lang kanina.

"Ingat Mahal...ay di mo kakainin tong cake sayang naman. Tamang tama sa anniversary natin." Mabibo nyang lahad.

"Anniversary? Kayong dalawa? Pang ilan nyo na?"tanong ni Riley sa asawa ko. For all I know hindi ako nag eexist sa kanya.

"We turned 14 today...yey nakakatuwa lang." masiglang sagot nya kay Riley pero sakin sya nakatingin.Nahawa ako sa kasiyahan nya kaya napangiti na rin ako.

"Talaga?Just 14?"usisa ni Riley. Nakay Mika pa rin ang tingin nya.

"Yeah ...Just 14...ganun palang katagal."Ako na ang nagsalita to remind him na nandito pa ako.

"Just 14 ...and lifetime more to go."Pisil ni Mahal sa kamay ko.

I'm not sure if my wife's sensing it pero may namumuong tension sa pagitan namin ni Riley. Kinondisyon ko ang aking sarili na wag mabadtrip kaya muli ay nagpaalam ako para maagang syang balikan later.

"I'll be back in an hour Mahal ok?" bulong ko sa kanya sabay halik ng matagal. Hindi ko alam pero parang bigla ko syang namiss.

"Hey Vic ...before you leave. It's yours...."Tawag ni Rilye sabay abot nung cake sa akin.

"Tanggapin mo na ...sabi nga nung waiter di bah? For you and your lovely wife. Nakuha na ni Mika yung kanya."Kaswal na paliwanag nya.

Pagkatapos kong tanggapin yun ay nagpaalam ulit ako at humayo na. Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan ay hinablot agad ni Kuya Jun yung cake at nagpaalam na hingi daw sya. Hindi ko na pinansin saka ako nag drive ng mabilis para makaiwas sana sa traffic. Hindi ko maintindihan ang aking sarili parang gusto kong sunduin agad si Mika at ilayo sa lalakeng yun.

"Haay chill lang Vic..." Mahinang saway ko saking sarili. Bumaba na rin ang inis ko nung maalalang mamaya ay masosolo ko naman na si Mika.

"DaVic oh take a bite kasi mauubos na namin ni uncle and kuya yung cake." Silip ni Mia mula sa likod sabay pakagat ng cake na hawak nya.

"Ano ba yan dude ang liit lang ng dala mo. Kayo namang mga bata eh di ba kwento nyo kumain na kayo ng cake kanina? Bat nakihati pa kayo tsk. Hilig nyo sa sweets ah." Kunwaring reklamo ni kuya.

"Nagustuhan mo yun? May pagka lasang medyas naman eh..." banat ko. Naghagikhikan yung mga bata sa likod.

"Oh Vic,bet ko. Yun na ata ang pinakamasarap na medyas flavour na nakain natin hehe sana mga may halong swelas din di ba para full force."ganting banat nya.

Pinapagalitan nya yung mga bata pero nililinisan nya ng wet tissue na nakuha nya sa lalagyan yung dumi sa mga mukha't kamay nila.Sigelang sa kulitan silang tatlo. Kanina ko pa dinidilaan yung lips ko ,hmm masarap dinpala yung cake kahit may after taste.

Pagkarating ko sa office 26 minutes after ng byahe inabot agad nung guard yung kailangan ko pagkatapos kong bumati ay dumaan muna ako sa isang departamento para makipag usap tungkol sa nalalapit na hearing tatlong araw mula ngayon. Saglit pa lang ako nakaupo sa meeting eh inaantok na ako. Pinipilit kong mag focus kasi nandun na sa part na ipinapaliwanag na nung tauhan ko yung mga rason kung pano posibleng nabreach yung system namin.Buti na lang recap lang ang ginawa kaya after another 20 minutes natapos na kami. Napahawak ako sa saking batok tsk pano bato medyo antok talaga ako eh. Nag take out ako ng kape Americano pampa gising sa isang coffee shop sa tabi ng building namin.

Pagbalik ko sa sasakyan nadatnan kong tulog yung tatlo. Yun mga bata alam ko kung bakit nakatulog kasi maaga kaming gumising kanina pero tong si Kuya hindi. San kaya to nagpupuyat kagabi hehe. Naginat muna ako pinatunog lahat ng daliri tsaka pinaandar ang sasakyan. Haay salamat mukhang mapapaaga kami ng alis ni Mahal ngayon ah. Time check 11:26 am. Sana bago mag alas dose tapos na sila ni Riley.

Ok let's go.

---

Mika's POV

Nandito ako sa kwarto ng team ni Riley. Malaki ang espayo at may anim na bed sa loob. May sariling kwarto si Riley pero pinili kong dito na sa silid ng mga kasamahan nya magtungo. Sabi nya kailangan ko daw mag online para makita ko yung final and official transfer process. Required daw ng identification kaya kailangan ang record ng finger prints at mata to secure the matching of the owner's records.

Kalahati na ng mga gamit ang naligpit nila, napansin ko rin na pababa yung dalawa nyang tauhan dala ang ibang pang mga gadgets at nagpaalam na ihahatid yun sa may Taguig office nila.Nagtanong si Riley kung meron bang ibang dadaan sa kwarto na sinagot nila ng 'yes boss in 20 minutes pa po.'

Panglimang confirm ko na ng mga information ko pero wala pa ring ibang dumarating tatlumpong minuto na ang nakakalipas. Nandito lang ako nakaupo sa isang maliit na mesa sa may sulok malapit sa bintana habang si Riley nasa pinaka dulong higaan nag aayus ng pinakahuling yugto ng paglipat pabalik sa mga ari arian namin. Twenty percent na lang ang nasa synchronized screen namin hinihintay na lang na matapos ang buong proseso once and for all. Bago pa man ako pumasok sa kwarto na to lahat ng kailangang malaman ni Mahal na I text ko na para iwas issue. Busy pa siguro sya kasi kanina pa walang reply.

Tahimik lang kami the whole time,hindi nagsasalita si Riley at puro buntong hininga lang ang naririnig ko sa kanya. Narinig ko syang pumalapak at tumayo papalapit sa akin.

"Look at your screen kung kelan 10% na lang ang kulang eh duon pa sya bumagal. Yan ang nakakainis dito sa Pinas."Pabiro nya.

Umupo sya sa silya na kaharap ng kinauupuan ko. Ang linis ng ayus nya, tama lang ang pabangong kanyan suut hindi masakit sa ilong. Bagong ahit din sya,nilalaro nya ang hawak na usb habang naghihintay kasama ko.Napasimangot ako saglit kasi hindi pa rin gumagalaw at stuck pa rin sa 10 % yung nasa screen. Haaay gusto ko ng makasama si Mahal sana tsk.

"Ikalabing apat nyo na pala Mika? Anbilis lang ng panahon ano? Di mo akalain."Pagbasag nya sa katahimikan.

Sasagot pa sana ako kaya lang may pahabol pa pala sya.

"So pinatawad mo na lang yung asawa mo? Just like that ...I mean I don't know pinagusapan nyo ba yung nakita natin? Yung halikan nila ng babae nya?"

Iniwasan kong magreact agad,pinakiramdaman ko kung nagbibiro lang sya pero base sa kanyang tingin mabigat ang pinaghuhugutan ng kanyang mga salita.

"You easily fell for her sweet words and forgave her so you can have your anniversary...are you to trying to save face Mika?Or sumuko ka na lang tapos pumayag na kalimutan yung nakita natin para umastang good wife? C'mon Mika hinalikan nya yung babae. Huling huli yun ng camera." Kontrolado pero may halong gigil ang pagkakasabi nya nun.

"Riley shut it." Hindi na rin ako nakapagpigil.

Napahilamos sya sa kanyang mukha,tumayo at balisang inikot ang buong kwarto.

"Vic is my wife and I know her more than you do. Kung gusto mong paniwalaan na hinalikan nya yung babae wala nakong magagawa dun. Nasaktan ako sa mga nakita ko pero nagpaliwanag sya kaya dun ko naintindihan ang lahat. Alam mo kung bakit? Dahil nagtugma ang paliwanag nya sa alam ng puso ko."Depensa ko sa asawa ko.

"Tang ina...naniwala ka naman?Ganun lang talaga kadali? Sigurado ka bang yun lang ang unang beses na ginawa nya yun sayo? Yang mga katulad nya mahilig din silang maghanap ng iba. Wag ka namang tanga Mika!"

"I said shut up!" sinigawan ko ang bastos na lalakeng kausap ko.

Natahimik muli si Riley. Napayuko sya ,nasabunot nya ang kanyang buhok saka sya tumalikod. Mahinahon ko syang piangsabihan na wag akong kausapin hanggang matapos ang hinihintay naming proseso. Ilang minuto pa ang lumipas may natanggap na tawag si Riley.Pabalang yung tono nyang sumagot sa kausap na

"Kung hindi gumana yung una natural proceed kayo sa pangalawa . Ano ba kayo? Are you that stupid?"sigaw nya sabay tapon ng cellphone sa higaan.

Hindi ko na pinansin yun. 5% more to go na lang,parang awa mo na bilisan mo na at ng makaalis nako sa lugar nato. Sa wakas natapos na rin! Agad kong hinablot ang gamit ko para umalis for all I know natapos na ang transfer. Sila na ng attorney ko ang bahalang mag usap ni Riley. Hindi pa man ako nakakatayo ay biglang may nagback hug saken.

"Riley..."kabado kong tawag sa kanya.

"Don't go yet Mika. Stay please..."pagod na pagmamaka awa ng kanyag boses.

"R-r-riley ...bitiwan mo ko...kailangan ko ng umalis..." hindi na mapigilang manginig ng buong katawan ko mula sa pagkakayapos nya.

"Napaka unfair mo Mika..."bulong nya. Pahigpit ng pahigpit ang mga bisig nya saken. Anlakas nya huhu hindi ako makagalaw kahit anung pagpupumiglas ang gawin ko.

"Riley...Riley please..." pilit kong apela sa kanya. Iniiwasan kong malapatan ng kanyang labi ang kanang tenga ko.

"You're so unfair...isang beses lang akong nagkamali sayo Mika. Isang beses lang. Alam ng lahat na mahal na mahal kita at ako ang tamang lalake para sayo. Una pa lang kitang nakita alam kong ikaw na ang dapat maging asawa ko. Ang mga pagsusumikap ko ,mga achievements ko,mga ipon ko lahat para sayo yun..."nakakakilabot na saad nya. Sa hindi ko maipaliwanag na rason hindi ko rin nagawang sumigaw sa sobrang bilis ng takbo ng puso ko.

"Nag makaawa ako sayo para bigyan mo ko ng tsansa...pero anong ginawa mo? Mas pinili mong maging bingi sa mga apela ko. Anbilis mo kong kinalimutan,binura mo ang lahat ng ala ala na meron tayo ng ganun ganun lang.BInalewala mo ang pag ibig ko sayo Mika. Pinaramdam mo sakin na walang akong kwenta at wala akong karapatang magbago. Isang tsansa lang ang hiningi ko....isa lang ....isa lang."

Tahimik akong napahikbi sa takot. Wala akong panama sa lakas nya,nakakaramdam na rin ng sakit ang mga braso't dib dib ko sa sobrang higpit na gawa ng yakap nya. Mas lalong bumibilis ang luha ko sa bawat marahas na pagdampi ng mga labi nya sa likuran ng tenga at pisgi ko. Hindi ko rin maigalaw ang mga paa ko sapagkat nakorner yun sa gilid ng kama na malapit sa mesa. Lord tulungan nyo po ako...maabutan sana ako ng asawa ko. Tulungan nyo po ako parang awa Nyo na.

"Shhh...tahan na ...tahan na Mika ko...makinig ka. May aaminin ako sayo." Muli nyang bulong sa tenga ko. Bago sya nagsalita bumuntong hininga muna sya.

"Tapos na ang transfer perowala ka pa ring makukuha... kasi nagset up ako ng huling password at ako lang ang makakapag activate nun para legal ng maibalik sa ilalim ng pangalan mo ang nawala sa inyo ng asawa mo..."halos pareho nh malalim ang paghinga namin.

Hindi ko alam pero nadagdagan lalo ang kaba at luha ko sa pag aanticipate ng mga sasabihin pa nya.

"Mababawi mo ng tuluyan ang lahat sa isang kondisyon...Hayaan mo kong mahalin ka Mika...hayaan mo kong ipadama sayo ang tunay ng pagmamahal na isang lalakeng katulad ko lang ang makakapagbigay...Isang beses lang...kahit isa lang. Titiyakin kong hinding hindi mo yun pagsisisihan. Makakalimutan mo ang asawa mo sa gagawin ko sayo Mika."

Tinakpan ng malakas nyang kamay ang aking bibig. Kahit anong tangkang sigaw ko ay walang saysay dahan dahan akong nanghihina,umiikot ang paningin ko gawa ng kakaibang amoy mula sa palad nya. Sobrang hilo man ay napansin ko pang naglabas sya ng isang maiitim na cellphone at pinindot ang isang button na may nakalagay na ACTIVATE.

Lahat ng lakas ko ginamit ko na upang hindi tuluyang mawalan ng malay. Ngunit unang sumuko ang pintig ng puso ko. Bago pumikit ang aking mga mata naramdaman kong napahiga na ako sa kama at mukha ni Riley ang huli kong nakita.

---

Vic's POV

Kanina pa ko hindi mapakali sa pagmamaneho. Hindi ko alam pero napapalo ko ng malakas ang manebela ng walang rason. Iba yata epekto ng kapeng Americano saken,siguro na sugar rush lang ako oh ano ba...ewan basta alam ko kanina pa kami hindi makausad gawa ng traffic. Tingin ako ng tingin sa mukha ni Mahal na nakasabit sa salamin.Nagtataka nga ako kasi family picture naman yun pero mukha lang talaga nya ang hinuhuli ng paningin ko. Sana naman ok na ang lahat para maka alis na kami.

"Man do you eve know how to drive? Fuck you!" sigaw ng nakasalubong ko.

Nakakapagtaka kasi panlimang muntikan ko na to,muntikang makabangga o hindi nag be break on time yung sasakyan pag kailangan. Napatingin ako sa mga anak ko. Ang himbing masyado ng tulog nila. Kahit si Kuya sa gilid ko parang walang buhay. Buti na lang naka stop yung light. Naitakip ko ang mga palad saking mukha,tinangkang kong pakalmahin ang sarili bago napadasal bigla ng

"Ilayo Nyo po kami sa disgrasya....Si Mika din po." Mahina kong bulong.

Bakit nga ba nasabi ko yun?Kiniskis ko ang dalawang palad pampabawas kaba at naghanda na para sa green light. Ok go na.

Ang hindi ko inasahan sabay sa pagsabi ng utak ko na go automatic na tumakbo ang sasakyan. Humarurot ito na parang may sariling destinasyon na sinusunod. Initially I panicked pero agad kong binalik ang kamay sa manibela. Gumagana pa naman yun ng gamitin ko pero kahit anong gawin ko sumsalungat sya sa direksyon na dapat ay puntahan ko. Konting konti na lang ay nasa harap na ako ng lugar kung nasan si Mahal. Ngunit umikot ang sasakyan sa kabilang direksyon. Mabilis ang takbo ko at parang lalagpas pa ng otsyenta. Sibukan kong iliko o ihinto ang sasakyan pero lumalaban iyon sa kagustuhan ko.

Hindi ko namalayang masyado na kaming malayo sa Makati. Hindi ko maalala ang lugar pero parang palabas ng Laguna ang tinatahak ng sasakyan. Nahati sa daan at sa mga anak ko ang aking tinginnakalimutan pa naman nilang magsuot ng seat belt. Dyos ko ano ba tong nangyayare.

Napilitan akong suntok suntukin si Kuya para magising sya. Mahilo hilo pa ng ibuka nya ang kanyang mga mata.

"Brad nasan na tayo? Dahan dahan lang sa pagpapatakbo oi..." saway nya saken habang nag aadjust yung mata nya sa paligid.

"Kuya..." pilit kong pinakakalma ang sarili ko at inutusan sya na "Kuya magmadali ka. Puntahan mo yung mga bata sa likod ..bilis! Kabit mo yung seat belt nila...ayusin mo,higpitan mo...bilis na...bilis na!"

"Ano ba nangyayari Vic? Teka bat ba ambilis mong magpatakbo?!"sigaw nya saken. Sinunud naman nya yung utos ko at inayos ang dalawang bata sa likuran namin.

Hindi ako nakasagot agad. Nang kunpirmahin nyang ok na ang mga anak ko dun ko na inamin ang nangyayare sapagkat umakyat na sa 100 ang takbo namin.

"Kuya ...sira na tong sasakyan..."simpleng sigaw ko.

"Anong sira? Gung gung kakaayus lang nyan di bah?Hindi kita magets...pwede ba magdahan dahan ka ng takbo! Brad Laguna na to oh?! Nababaliw ka na ba?!" silip nya sa mga karatula sa labasan.

"Kuya bingi kaba? Sira na tong sasakyan. Hindi sya simusunod sa akin...." Hindi ko na marinig ang sarili kong boses sa lakas ng pagtambol ng dib dib ko. At kahit ayaw ko mang aminin wala na kong magagawa kungdi sabihin na rin kay kuya Jun na...

"Wala na rin tayong brake...."



----


Hello hello hello....

Dalawa na lang tapos na tayo mga super friends.

Thank you sa pagsubaybay hanggang matapos sila Vic at Mika este matapos yung kwento hehe.

Happy Monday. 

Continue Reading

You'll Also Like

17.5K 882 42
Rodrigo a secret billionaire businessman only impregnated a woman in a bar and the child was just left in front of his home with a note that he's the...
1.1M 27.5K 127
A story made for Jedean Gawong Fan🌈 If you're against the LGBT Community please skip the story😊 Godbless everyone😇
20K 800 28
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
3.3K 327 16
- Wherein two enemies, fake a relationship to deter a annoying admirer. As they play the part, their staged romance turns genuine, forcing them to c...