Chapter 10

2K 47 13
                                    



LAGING BUMABALIK



Iñego's POV



"Ikaw?....Ikaw ang .... Hobbs sabihin mo...anong ginagawa mo dito?"



Pulang pula ang mga pisngi ni Hobbs at animo'y hihimatayin ng masilayan nya ang aking mukha. Halata sa mga titig nya na hindi nya inaasahang ni sa panaginip ay magkikita kami dito mismo sa lugar na pinagmulan ng aming pilit na tinatakasang nakaraan.



"Tristan...No...why are you here?! Di ba sabi ko ...di ba binalaan kita na magtago ka?!"



Nilibot nya ang sala at parang halos baliw na nakahawak sa kanyang mukha si Hobbs. Nanlulumo man ang aking buong pagkatao pero hindi ko binaba ang baril na nakatutok pa rin sa kanya. Hindi...hindi maaring traydurin ako ng kapatid ko. Hindi maari!

Nabigla ako ng hablutin nya ang kwelyo ng aking damit. Nagngingit ngit sya sa galit at halos bulyawan ako.



"Bakit ngayon mo pa piniling suwayin ako!!! Di ba sabi ko sayo magtago ka?! Di ba sabi ko ni anino mo dapat walang nakakaalam?!"



Naguguluhan ako sa inaasal nya...pero kahit na ganun ay unti unti na akong nakahinga mula sa pagdududa ngunit kailangan ko pa ring alamin kung bakit sya nagkakaganyan.



"Ano bang nangyayare? Sagutin mo ko."



Hindi sya umimik bagkus mas lalo pa syang nagalit. Ako ang dominante sa aming magkapatid , ni hindi ko napansin na kaya palang magpakita ng ganitong ugali ni Hobbs.



"Anong nangyayare?! Pumunta ka lang naman sa lugar na pwedeng paglibingan mo! Bakit mo ko sinundan!? Wala ka bang tiwala saken!? Buong buhay ko pinagsilbihan kita sampu ng iyong mga mahal sa buhay ni minsan di kita nilamangan o nilinlang sa bawat bagay na ginagawa natin ng magkasama pero ngayon nagduda ka kaya sinundun mo ako dito di ba? Inilalayo kita sa kapahamakan and you don't know the things I've done just to keep your fricking life safe tapos lilitaw ka dito? Dito sa lugar kung saan maaring kinamumuhian pa tayo? Kung saan pwede mong ikapahamak?!"



Nabitawan ko na ang baril at pilit na niyapos si Hobbs. Lalong namula ang kanyang mukha at halos labasan ng mga ugat sa leeg sa sobrang emosyon at disgusto. Tinulak nya muli ako at pilit na pinipigilan ang kanyang sariling sumigaw. Ngunit nagmamadali ang kanyang mga kilos. Nararamdaman ko ang pagkaladkad nya saken papalayo.



"Hobbs kumalma ka at ipaliwanag mo ang lahat sa akin!"

Just Want To Be Where You AreWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu