Chapter 9

2.5K 54 20
                                    



Nemo Me Impune Lacessit



Mika's POV



"Matulog na tayo tapos na yung kwento. Tsaka madaling araw na. Isa pa lasing ka na haha."


Inaya ko si ate Kim para magpahinga kasi konting konti na lang babagsak na ang mata nya sa pagod. May tama na din sya gawa ng lagpas kalahati ang inubos nya sa inumin na binuksan namin kanina. Ako kasi pagkatapos ng isa di na ako umulit,hanggang ngayon nga yung binigay ni ate Kim na pangalawang baso ko di man lang nabawasan. Nilalaro ko lang habang nakikipagkwentuhan sa kanya.



"Sige Miks....o ano tabi pa din ba tayong tatlo? Hahaha go na yan."



"Ayoko nga baka magising lang ako sa kalikutan nyon dalawa ni Mela. Worse baka ano pang makita kong ginagawa nyo kung sakali haha."



Ang lakas ng halakhak ni ate Kim. Napaakbay sya saken ng parang nawalan sya ng konting balanse tsk lasing na nga.



"Hindi seryoso ako Miks. Gusto mo ba ng may kasama?"



"Thanks ate Kim. Andami nyo nang nagawa para saken pahinga na kayo ng maayos. Kaya ko na to."



"Ok sabi mo eh. Ikaw subukan mo na ding magpahinga ok?"



Tinanguan ko lang si ate Kim. Hinalikan nya ako sa noo at tinapik sa balikat pagkatapos nun ay tumuloy na sya sa kwarto kung saan nagpapahinga si Mela.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nasagi agad ng paningin ko ang picture namin ni Vic kasama ang mga bata sa latest vacation namin sa Europa. Nalungkot akong maalala na magkahiwa hiwalay kami ngayon. Inalis ko na lang agad ang paningin ko sa nasabing litrato para iwasang madagdagan ang aking pangungulila. Sa kabilang dako ng kwarto ko itinuon ang aking pansin pero ang litrato naman nila Mia,Viktor and this time with their dad Iñego ang aking nasilayan.

They looked lovely. Iñego looked so fatherly as well,napaka natural nya tingnan kapag kasama ang mga bata. Sa litratong yun ay karga nya si Mia sa kanang kamay nya habang nakaakbay ng mahigpit kay Viktor sa kaliwa.

Nakangiti sya kasama ng mga anak namin ...isang normal na ngiti,ngiting maligaya at kuntento ng mga sandaling yun.

Sa kabila ng pagaalala at pagkasabik ko saking asawa ay di ko din maialis ang isip ko sa kung anong nangyare sa lalakeng yun. Bigla syang naglaho ng walang paabiso. Isang bagay na hindi nya ginagawa. Bakit ngayon pa? Bakit kung kalian kailangan ko sana ng malalapitan para humingi ng konting tulong sa mga nangyayare pa sya naging mailap sa amin.



"Nasaan ka na Iñego?" mahinang bulong ko sa sarili.

Just Want To Be Where You AreWhere stories live. Discover now