Chapter 14

2.2K 60 12
                                    



IBABALIK KO SA'YO



Kim's POV

"Hoy wag kayong babagal bagal dyan at gutom nako. Dapat pagdating din ni tangkad maayos na yan lahat. "

Kanina pa ko utus ng utos sa mga bullies,pati si Mela sinali ko na sa trip ko. Habang busy ang lahat sa pagluluto,paglilinis at pag iihaw heto ako't naka upong donya at nagpapalamig. Sana di nila mapansin kungdi yare ako hehe. Hindi nga ako nagkamali,tamang pag angat ko ng tingin ays sabay na hinagisan nila ako ng kung anu ano. Swak namang tumama sa nuo ko yung balat ng itlog na huling hinagis ni Mela.Tinawanan ako ng mga lokaret at kanya kanya ng sabi ng 'buti nga', 'sapul yung unggoy', 'yan kasi feeling amo.'

Napakamot ako saking noo pero di ako natinag ,pinanindigan ko ang pagiging tamad,tumayo ako at inikut ikot lang angang buong kusina. Dinaanan ko si ate Den na simultaneously gumagawa ng vegetable at fruit salad. Si Carol na nasa harapan nya ay nasa pangatlong lalagyan na ng tiramisung matikuloso nyang inaayus.

Napansin ako ni Carol na nagmamasid kaya binanatan nya ako.

"Kimpoy unggoy...hanggang tingin ka lang sa lahat ng pagkain. Di karin kasali sa dinner mamaya. Tandaan mo nakasulat sa banal na libro na huwag pakainin ang mga tamad...Ha! Yan yung sermon sa misa kanina. Tamaan ka noh? Haha..." mapang asar nyang sabi

Bumelat muna ako sa kanilang lahat dahil sabay na nila akong pinangtawanan.

"Hindi ako tamad...ako lang naman ang house manager ni Mikang ngayon....ganun talaga di nyo ko pwedeng utusan,malakas ako sa mga may ari ng bahay..." sabay isa isang turo ko sa kanilang lahat.

Asar na asar na si Mela pero di ko pa rin sila pinansin. Patuloy lang ako sa pag iikot. Napailing na lang ang kambal.

"Sana pala hindi natin pinasalubungan si Kim Cams noh? Ang sama pa rin ng ugali di na ata puputi..este magbabago yan eh haha" kantyaw ni Cienne.

"Anong hindi pumuti? Hoy maputi na ko no,di mo ko napaunuud sa tv nung ininterview ako? Kasing puti ko na nga si Julius Babao eh,inggit ka lang kasi mas maputi na ko sa inyong lahat ngayon bwahawhahwhawah..." pangiinis ko pang lalo sa kanila.

Naalala ko yung interview na yun. It was a serious interview done by the different tv stations about the current status and updatesng issue ng biglang pagkawala ng ari arian ng mag asawang negosyanteng Reyes-Galang. Nabahala ang ibang mga kompanya at hinigpitan ang kanilang mga security para di matulad sa nangyari sa kanila. Since wala dito si Vic and Mika is not in the mood for media interviews,they both asked me if ok lang ba daw na maging isa sa mga spokesman nila. Syempre kaya ko bang tanggihan ang mga yun? Yes ng walang pag aalinlangan ako agad hehe.

"Mela pagsabihan mo nga yang boyfriend mo..este girlfriend mo este...ano ka nga ba Kim? Walang katinuan?Ay walang kasarian pala ..yun ,yun ang ibig kong sabihin bleh." Gatong ni Camille na ikinatawa naming lahat. Gung gung talaga mga kaibigan ko kahit kalian.

Si Mela lang ang hindi nakitawa alam kong ilang segundo na lang sasabog na sya hehe...sagarin ko nga...

"Hoy Fajardo...pagpatuloy mo yang pagka senyorito mo. Makakatikim ka sa aken....or better yet hindi ka makakatikim saken mamaya pag hindi ka tumulong dito." At yun na nga sumabog na ang labs ko.

Halos hindi makagalaw ng maayus ang mga bullies kanya kanya ng halakhakan,may pa apir apir pa,inakbayan ako ni ate Den.

"Mela gawin mong isang linggo pag di pa tumulong agad tong Kimmy na to hahhaha" dagdag gatong ni ate Den. Traydor din sya mga kapatid.

Just Want To Be Where You AreWhere stories live. Discover now