Chapter 16

1.7K 58 27
                                    




USAPANG MAG ASAWA II



VIC's POV


"Vic nandito na tayo..."

Hindi ko na nagawang sagutin pa si Damian ng tawagin nya ang pangalan ko, dalawang oras bago lumapag ang eroplanong sinasakyan namin naghanda na ako. Nagpalit na ako ng damit pati pangilalim,naghilamos at nagtoothbrush ng maayos. Binasa ko na din ang buong katawan ko ,konti nalang para na akong naligo eh.

Pagkabalik ko ng upuan ay pinakalma ko muna ang aking isip. Suot ko ang lahatng bigay ng asawa ko. Kahit sa pabango gamit ko ang paborito nyang amoy na bagay daw saken. Nabigyan ako ng papuri ng katabi ko bilang pinaka normal at mabangong pasaherong nakatabi nya sa tanang buhay nya. Ewan ang hirap ispelingin ng nararamdaman ko. Naalala ko ang mukha nya sa monitor...same exact expression nung makita nya akong yakap at tangka ding halikan ng half German na dating nag trabaho sa office.

Wala akong alam tungkol kay Erika. All this time si Damian ang inaakala kong pinag lalaanan nya ng kanyang interes. Inisip ko ng mabuti ang tungkol sa tanong ni Damian kung issue ba sa amin ang tiwala. Sa haba na rin ng tinawid ngaming pagsasama masasabi kong nung mag asawa kami hindi na naging problema namin yan.

I'm hoping Mika would understand. Kung magagalit man sya hindi ko sya masisisi,tatanggapin ko na lang ang lahat ng pwede nyang sabihin. Sigawan nya ako,hindi nya ako imikin, bugbugin nya ako (kahit ni minsan hindi naman yun nangyare),lahat na gawin nya hindi ako papalag. Karapatan nyang magalit at dahil mahal ko sya wala syang maririnig sa ken. In fairness naman sa asawa ko hindi naman sya eskandalosa,magaling syang umamoy ng mga babaeng nagkakagusto daw sa akin kaya lage nya akong pinaaalalahanan. Hindi sa nagmamayabang gusto kong sabihing problema na nila yun kung mapansin nila ang tulad ko basta ang akin umpisa palang pinamumukha ko sa kanilang may asawa akong tao at wala akong balak makipaglaro. Not when I'm someone married to Mika Reyes.

Napahawak ako sa batok. Kinabahan na naman ako. Si Mika nga pala ang asawa ko. Haaay dapat talaga akong kabahan. Napa throw back ako sa panahong nagkakagulo kami dahil sa mga inutil na walang basehang selos. Kahit nung mag best friend pa lang kami katakot na din sya kung magselos at magtampo.

FlashbackCollege

May exam si Daks bukas ng umaga,sya lang ang meron habang kaming naiwan puro petiks mode.Nagkunyare akong naiingayan sa kwarto namin kaya tumambay lang ako ditosa silid nya.Ok lang kahit di kami nag uusap gawat busy sya sa kakastudy,ang importante kasama ko sya,nasolo ko rin sya sa wakas.Sa mga oras nato magnanakaw ako,kanina pa kasi ako nakaw ng nakaw ng tingin sa mga ginagawa nya.Hawak ang cellphone ,nagkukunyare akong may ka text kahit wala naman para lang hindi nya mahuli ang ginagawa ko.

Pumasok ang isang mensahe galing sa bagong kalilalang friend ,si Lou Annena taga sa amin din. She was introduced by a common friend. Nag click kami agad dahil pareho kami ng sitwasyon: mgataong in love sa best friends nila.Gulat nga ako nung malamang pareho kaming lesbian kasi mukha syang pa girl kahit pa mahilig din sa sports. Ng malaman kong naglakas loob syang magsabi ng totoo at ligawan na ang best friend nya,dun na kami naging mas close. Syempre ako bilang taga hingi ng mga tips at iba pang payo kung paano kami uusad ni Mika. Ngayong weekends makikipag kita sya para makipag basketball at the same time ipakilala na rin ang iba nyang mga tropa at ang babae nyang iniibig.

"Daks uwi pala ako ng Pampangga sa Saturday..." paalam ko sa kanya habang kunyaring nakatutok pa sa cellphone ko.

"Na naman?" gulat nyang tanong.

Just Want To Be Where You AreWhere stories live. Discover now