Married to a Mafia Boss

By yonalee07

152K 3.3K 298

Isa lang akong ordinaryong babae na single ang status. Pero nagbago yun ng isang araw malaman kong... Kasal n... More

Married to a Mafia Boss
MTAMB Prologue
Chapter ONE: Aeris in her ordinary life
Chapter TWO: Special Task 101
Chapter THREE: Beginning
Chapter FOUR: Tour Day (part 1)
Chapter FIVE: Tour Day (part 2)
Chapter SIX: Trapped
Chapter EIGHT: Untitled
Chapter NINE : Confessions (Part 1)
Chapter TEN: Confessions (Part 2)
Chapter ELEVEN: Shadows of Past
Chapter TWELVE: The Meeting
Chapter THIRTEEN: Angel Eyes
Chapter FOURTEEN: New Home
Chapter FIFTEEN: Zeze
Chapter SIXTEEN : Welcome Back
Chapter SEVENTEEN : Honeymoon
Chapter EIGHTEEN: Kiss
Chapter NINETEEN: Threat
Chapter TWENTY: Invitation
Chapter TWENTY ONE: Revelations
Chapter TWENTY TWO: My wife
Chapter TWENTY THREE: Is it over?
Chapter TWENTY FOUR: Drunk in love?
Chapter TWENTY FIVE: Vacation Plan
Chapter TWENTY SIX: Painful Goodbye

Chapter SEVEN: The Ring

5.1K 171 13
By yonalee07


***yung ring on the pic.

Chapter SEVEN: The Ring

Aeris' POV

"SPO Niko Yoelson at PO 1 Kyo Tagano." pagpapakilala nila sabay pakita ng I.d. Pagkatapos nun, may binuklat si kuyang singkit din na medyo brown ang buhok na maliit na notebook. "Aeris Santayana."

"Hinuhuli ka namin sa salang...uh... maling pagtawid sa isip at pagnanakaw sa puso ni bossing. Kailangan mong sumama samin kung ayaw mong masaktan." Kaagad silang nakapunta sa tabi ko at hinawakan ako sa magkabilang braso. Walang sabi-sabing binitbit nila ko.

Maling pagtawid?

Pagnanakaw?

Anong kasalanan yun?

"Teka po." Waaah. Ayokong makulong.T.T

***

"Manong pulis. Saan niyo po ba talaga ako dadalhin? Hindi ko po alam ang mga ibinibintang niyo sakin." Eh kasi parang kanina pa kami nakasakay dito sa koyse. At wala naman talaga akong alam sa sinabi nilang kasalanan ko. Huhu.

"Kung ako sayo tumahimik at sumunod ka na lang kung ayaw mo pang mamatay." nakatinging sabi ni kuya singkit na nakajacket, na sa pagkakaalala ko siya yung SPO Niko. Seryoso niyang sinabi yun na nakapagpatindig ng balahibo ko. Waaah. Ano po bang nagawa ko para parusahan ako ng ganito?

Todo ang hiling at dasal ko habang nasa sasakyan. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.

Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan. Hawak-hawak nila ko habang naglalakad kami sa isang medyo may kalawakan na bakuran. Pumasok kami sa isang may malapalasyong disenyo na building.

May dalawang lalaki sa loob pagkapasok namin. Mukhang tulog yung isa, nasa silya. At yung isa naman, nakatingin lang sakin pero umiwas din ng tingin. Hindi ko masyado nakita mukha niya dahil natatabunan iyon ng kanyang buhok.

At...

.

.

.

.

Lumabas ang isang napakagwapong nilalang. Mukha siyang anghel na walang pakpak. Ano kayang height niya? Sa tingin ko kasi nasa six feet siya. Para din siyang prinsipe sa isang kaharian.

"Tss."

Hindi ko mapigilang hindi sumunod ng tingin sa kanya. Parang may kung anong humihigit sakin. Nagsimulang kumabog ng napakalakas ang dibdib ko. T-teka. A-ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ganto? Pakiramdam ko, mauubusan na ko ng hininga. May sakit ba ko?

Lub.dub.lub.dub>//<

Unti-unti lumapit siya sakin. Nakailang lunok na ko. Parang naubos na ata ang laway ko.

Ilang metro pa lang ang layo niya mula sakin, nang huminto siya. "Bring her. If she tries to escape, kill her." utos niya sa malamig na tono at naglakad na siya palayo. Gusto kong lamunin na ng sahig ngayon din. Sinabi ba niyang patayin ako? Uwaah. Hindi siya anghel. Hindi rin siya prinsipe. Assistant siya ni kamatayan.

"Wag kang mag-alala. Kagaya nga ng sinabi ko, hindi ka masasaktan. Basta't sumunod ka lang." muling sabi ni kuyang Niko ang pangalan. Nasa may likuran ko siya at pabulong niyang sinabi yun.

Anong gagawin ko? E di sumunod. Wala naman akong pagpipilian eh.

Dumadagundong sa kaba ang dibdib ko habang nakasunod lang ako sa dalawang lalaki at nasa tabi ko naman yun dalawang mamang pulis.

Kanina lang, kasama ko ang mga kaibigan ko. Tapos, dumating at namasyal kami ni kuya Allen. Pero ngayon, wala na kong kalaban-laban dito sa isang lugar na hindi ko alam.

Pagkatapat namin sa isang pinto, binuksan yun ni kuyang nasa unahan. Gwapo rin siya. Lahat sila gwapo. Sayang. Bakit ba sila sumusunod dun sa assistant ni kamatayan? Tinakot din kaya sila? Huhu. Kawawa naman kami.

Pagkapasok, umalis sa harapan ko yung dalawang lalaki. Nasa isa kaming malawak na room. Nang inilibot ko ang mga mata ko, nakita ko muli yung ang--sistant. Nasa tabi niya ang isang matandang lalaki.

Yung matanda nakaupo sa tapat ng table.

Maliit lang ito. Panot na siya dahil na rin siguro sa katandaan. Nakasuot siya ng salamin. Medyo kulubot na rin ang balat nito.

Waah. Hindi kaya ipagbebenta niya ko dito? Tapos ano 'to? Paglilimusin niya ko sa kalsada o di kaya kukunin ang mga lamang-loob?!

"Lapit na." may bumulong mula sa likuran ko. At may kung anong tumulak sakin dahilan para mapalapit ako kay assistant ni kamatayan kahit nanginginig pa ang mga tuhod ko.

"Okay. Let's start." nakangiti pero medyo mabagal na sabi nung matanda. Anong let's start? Hindi kaya... uwaah. Sinasabi ko na nga ba.

"Tss. Just proceed."

"W-wag po." yun lang nasabi ko sabay yakap ko sa sarili ko.

Ayoko.

Paano kung pagkatapos patayin nila ko para hindi na ko makapagsumbong? Kung hindi man, paano na lang kapag nabuntis ako? Sasabihin nilang malandi ako. Hindi pa ko kasal pero may anak na ko. Pagkatapos, kailangan ko ng huminto sa pag-aaral para magtrabaho. Pambili ng gatas, diaper, vitamins, damit at pagkain. At paano kung tanungin niya kung sino ang tatay niya? Anong sasabihin ko? Na pinagsamantalahan lang ako. Na wala siyang tatay? Baka maiba ang tingin niya sakin. Baka kasuklaman niya ko. "AYOKOOOOO!"

"Bwahahaha! *Hezekiah glares* sorry Mr. Hezekiah."

Eh? Paano nila nagagawang tumawa sa gantong sitwasyon ko?

"D*mn." may parang humampas sa lamesa. Pagkatingin ko, si 'Mr. Hezekiah daw' iyon. Sinuntok niya yung lamesa. Tapos, may hinigit siyang papel mula dun sa matanda.

"Sign this." inilapag niya yun sa lamesa. Ito na ba yun? Ito na ba yung patunay na ibebenta niya ko?

"Sign or die?!" iritadong tanong niya. Yung mga tingin niya nakakatakot. Pakiramdam ko, nawalan ng dugo ang mukha ko. Literal na nakakatakot siya. Kaya kahit nanginginig pa yung mga kamay ko parang nagkaroon ito ng sariling buhay at pikit mata ko na lang pinirmahan yun.

Huhu. Kasalanan ko rin naman eh. Kung hindi ako napahiwalay kay kuya Allen, baka sakaling iba ang sitwasyon. Ito na siguro ang tadhana ko. Hanggang dito na lang siguro buhay ko.

"Pwede po bang humingi ng kahit konting pagkakataon?" Nakayuko na ko. Naiiyak na ko. "Pwede po bang makausap kahit sa huling pagkakataon ang pamilya ko? Kahit isang simpleng goodbye ok lang. Gusto ko lang din silang yakapin. Yung mga kaibigan ko din."

"Stupid." Biglang may humigit sa kamay ko. Si Mr. Hezekiah pala yun. Walang sabi-sabing isinuot niya sa daliri ko ang isang singsing.

Singsing? A-anong ibig sabihin nito? Ang ganda nitong singsing. Gold na may mga diamonds. Magkano kaya to? Teka. Bakit naman niya ko bibigyan nito? Baka naman ibebenta niya sakin? Wala naman akong pambili nito eh.

"Ba-" bago pa ko makapagtanong, biglang nahagip ng paningin ko yung pinirmahan kong papel. Ngayon ko lang napansin hindi pala puting-puti yun.

Pero ang nagpalaki ng mga mata ko ay ang nakasulat sa pinakang itaas nun:

Marriage Contract.

Napasinghap ako.

Tingin kay Mr. Hezekiah.

Tingin sa papel.

Tingin ulit kay Mr. Hezekiah.

Tingin uli sa papel.

Marriage? Singsing? Kasal? Ako? Dito? Sa isang anghel/prinsipe/assistant ni kamatayan?

"WAAAAAAHHHHHHHH!" Sigaw ko nang todong-todo. Hindi ito totoo. Nananaginip ka lang Aeris. Pinagsasampal at sinabunutan ko ang sarili ko. Pero masakit nga.

"Bwahahaha!"

"She's really something."

Dali-dali kong hinubad yung singsing. "Ikaw *sabay turo* K-kayo *turo sa kanila* mga... ano.. kayo. Ah. Basta. Wa-walang kasal." matapang na sabi ko. Matapang ako?? Di ba ang ikinakasal, yung dapat magbf- gf sila tapos nangako sila na magsasama sila habang buhay kaya magpopropose yung lalaki?

"WAAAHHHHHHHH!" sumigaw ulit ako. Kailangan nilang matauhan.

"Stop that!"

"Hija,"

"WAAAAAAHHHHHH!" Konting sigaw pa baka sakaling lumindol at maumpog sila para matauhan.

"Ahahaha."

"I said STOP!"

"WAAAAAAHHHHHH!"

"SHOUT AGAIN AND I'LL KILL YOU!." Automatikong napahinto ako. Papatayin niya talaga ko?

Nakatingin si Mr. Hezekiah sakin at sa tingin ko galit na galit siya. Hindi ba ako dapat ang magalit? Kasi ako ang napagkaisahan. Huhu.

"You signed." walang emosyong sabi ni Mr. Hezekiah.

"O-oo. P-pero po... h-hindi-"

Unti-unti inilapit niya ang mukha niya sakin. Titig na titig lang siya.

At ito na naman ang dibdib ko.

Lubdublubdub.

Gusto ko itong pukpukin. Ngayon ka pa ba magmamalfunction? Pakiramdam ko tuloy nanlalambot na ang mga binti ko. A-ano bang gagawin niya? Konti na lang magkakadikit na ang mukha namin. Matutumba na ko kapag inilayo ko pa ang mukha ko.

Lub.dub.lub.dub.

Pero bago pa mangyari yun, inilihis niya yun patungo sa may tenga ko at may kung anong ibinulong.

.

.

.

"You're mine... from now on." pagkasabi niya nun, dire-diretso siyang umalis palabas nitong kwarto.

Halos matumba ako sa pinagkakatayuan ko.

You're mine... from now on. Ano ba talagang nangyayari??

***

Short update. Comment. Vote.

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.3M 90.4K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1M 34.4K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.