Fara's Pov
"Kuya huminahon ka lang please"
"Hindi susugurin ko yang gagong lalaking yan! Sinasabi ko na nga ba, manloloko yun. Ano yun? Nagsawa na siya? Walang kwentang rason"
"Kuya okay na nga ako diba? Wag na"
"Kung talagang okay ka na, hahayaan mo akong sugurin siya. Mahal mo pa e kaya ayaw mong masaktan"
"Sige sugurin mo siya kung yan ang gusto mo!"
Padabog kong sinarado ang pintuan. Bahala siya kung anong gawin niya. Pagdating ko dito sa bahay namin hinila niya ako para lang sabihin na susugurin niya si Tyler. Malalaman din niya yun dahil siya ang may-ari ng university, kahit maliit na bagay malalaman at malalaman din niya.
"Fara! Mag-usap tayo please!"
Tinalukbong ko agad ang kumot ng bumukas ang pinto. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago kinuha ang kumot ko.
"Sorry" mahinang sabi niya
"Sorry" ulit niya pa
"Kung ayaw mo akong kausapin, lalabas na ako"
Maya-maya pa ay bumukas na naman ang pinto pero hindi na si kuya ang pumasok kundi ang ate ni Jadyle. Mabilis akong napaupo
"A-ano pong ginagawa niyo dito?"
"I'm here, para pakinggan ka"
Kinunutan ko siya ng noo kaya bahagyang napangiti siya
"Tinawagan ako ng kuya mo. Hindi niya daw alam ang gagawin sayo. Don't worry I won't harm you" kinindatan niya ako bago lumukso sa kama ko
"Salamat na lang po, nakaabala pa ako sayo. Pwede na po kayong umalis" magalang na sa sabi ko sakanya
Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kamay niya
"You know what? I always want to have a baby sister, alam mo na para may kalaro ako kakwentuhan lalo na pag tungkol sa crush" humagikhik siya na para bang may naalala
"Pero I'm thankful dahil nandyan si Jadyle na pwede kung pag kwentuhan, lalong-lalo na nung mga oras na nagdadalaga ako I mean may manliligaw, yung nasaktan ako at nagmahal uli"
"Ilabas mo yan, I won't say anything"
"Ate, ang sakit kasi e, ang sakit sakit. Yung akala mong hindi siya gagawa ng kalokohan pero sa huli nagawa niya na. Yung okay lang siya dahil matagal na siyang nakamove-on habang ako asang-asa pa sa kanya at nagpapakatanga. Ate, mahal ko e. Kahit anong hindi ko sa sarili ko alam kong mahal ko siya. Mahal na mahal."
Fara, hindi ngayon oras ng pageemote. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilang mapahikbi pero huli na. Napahahulgol na ako at tumulo na ang luha ko. Ilang araw na din akong patagong umiyak, at ngayon mas magaan sa pakiramdam na may isang tao na handang makinig sayo at manood sa drama mo.
"I'm willing to do anything for him. Kahit anong gusto niya ate. Kayang-kaya kong gawin para lang sa kanya! Pero hindi sapat yun para maging kami uli"
Garalgal na ang boses ko at papaos na. Hinila niya ako at niyakap habang hinahagod ang likod ko. Napasubsob ako sa balikat niya at binuhos ang lahat ng sakit na naramdam ko. Ilang minuto kaming nasa ganong posisyon nang may bumukas ng pintuan
"You alright?" Tanong ni kuya bago tumabi kay ate Jayla
"Opo. Salamat po ate Jayla" nginitian ko siya kaya naman marahan niyang ginulo ang buhok ko
"Welcome. Just, follow your heart. Do what your heart says and never forget to use your mind. Ikaw na nga ang nagsabi na hindi sa lahat ng pagkakataon susundin mo ang nararamdaman mo. You're smart I knew it. Mapapagod ka din niyan, kaya okay lang kung magpakatanga minsan para matauhan ka" nginitian niya ako bago lumabas kasama si kuya
"Sweetheart may lakad ka ngayon?" Tanong ni mommy. Umuwi ako ngayon kasi trip ko lang.
"Wala naman po, bakit?"
"Lately kasi napapansin ko na wala ka sa sarili mo. Kaya kung okay lang sayo, sumama ka naman sa kuya mo at kay Jayla gumala"
Napangiti ng maalala ang mga katangahang ginawa ko nong nagdaang araw. Pumupunta ako sa bahay nila para bigyan siya ng chocolates at flowers, may harana ding kasama minsan at dance show. Sa swkelahan naman panay ang papansin ko sa kanya at pagbibigay ng mga love letter. O diba? Ako ngayon ang nanliligaw para makuha ulit ang loob niya.
Hindi din nawawala ang mga sumisira sakin sa school. Pagpapadala ng mga pictures at videos at kinakalat sa buong department namin maliban kay bakla na hindi pinapadalhan, may mga notes sa locker ko na naglalaman ng mga masasakit na salita.
Isa lang ang masisigurado ko, na ang lahat ng nagpapadala ay isang babae. Imposibleng lalaki dahil araw-araw ay nakakuha ako ng mga regalo mula sa kanila. Kahit nga may klase ay pumapasok sila sa room para ligawan ako kahit maguidance office sila. Kaya napakaimposible.
"Sige po. Anong oras?"
"Ngayon na" napalingon ako sa boses na nanggaling sa likuran ko.
Napangiti ako ng makitang nakahawak sa bewang ni ate Jayla si kuya at the same naghihinayang, hindi parin ako sumusuko.
"Sama po kayo?" Tanong ko kay mommy na nakangiti din sa kanilang dalawa
"Kapag may boyfriend ka na rin" humagikhik pa siya. Napayuko ako sa sinabi niya, nahihiya ako kay mommy.
Hindi ko na nga sinabi sa kanila na may boyfriend na ko, at heto ako nagpapakatanga sa boyfriend kong ex na ngayon.
"Mommy, you're so corny" sabi ni kuya para mapagaan ang mood namin. Napansin din siguro niyang natahimik kami bigla
"Yeah I know. Go! Lakad na kayo!" Pagtataboy niya sa'min
Fara
Tyler
Jadyle
Jess
Gabriel
Jayla
A/N: Waaah, pasensya na po kung ngayon lang nakapag-update. Naki free wifi lang po ako xD, ang hina kasi ng internet eh kaya hindi ako makapagupdate. Pictures po nila. Ang babakla talaga ng pose ni Jess, haha may pag-asa pa Jess. Gwapo ka naman xD. Hi sa mga bumsso fans out there haha. Running man challenge? (Kung gusto niyong makita just type the name Jp Jp on facebook. Bahala na kayo! LMAO) Meron na po kaso nakakahiya xD. Happy 6k reads po. Thank you ng marami~ love you :*