My Kontrabida Love [editing]

By LadyKazumi

655K 10.2K 1.6K

[book 2 of 'Ang Manyak kong Asawa'] Noon pa lamang sa pag-ibig, ako na ang KONTRABIDA. Ngayong panibagong buh... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Epilogue
Facts of 'MKL'

Chapter 36

8.7K 172 34
By LadyKazumi

Chapter 36

Grizelle's POV

Para akong napako sa kinapupwestuhan ko. Hindi ako makagalaw. Nagulat kasi ako sa sinabi nya.

"Uhh..t-tita." Pagtawag ko sa kanya tanda ng aking paggalang. Naramdaman kong may pumatak na tubig sa damit ko. Teka--hindi naman umuulan ah?

"Sa wakas nakita din kita." Doon ko lang napagtanto na umiiyak na sya. Halata na kasi sa boses nya eh.

"Tita hindi po ako ang an---hala!" Bigla syang hinimatay kaya medyo na-out of balance ako pero buti na lamang ay natulungan agad ako ni Sei.

"Dalhin muna natin sya sa loob." Sabi nya sakin at nagtulungan kaming dalhin si tita papasok sa bahay. Pumasok na kami sa kwarto at inihiga namin sya sa malaking kama.

"Malabo na siguro ang mata ng mommy ni Marjorie. Pati ako napagkamalan nyang anak." Sabi ko kay Sei.

"Oo nga eh. Siguro masyado nya lang mahal si Marjorie kaya ganun na sya katuwa nang makita ka nya kanina."

Hindi na lang ako nagsalita. Tinitigan ko ang muka ni tita. HIndi ko maikakailang maganda sya pero halatang pagod. Medyo may napansin lang ako, parang hindi nya kamuka si Marjorie. Hmm.. Siguro tatay ni Marjorie ang kamuka nya.

Mga 30 minutes kami naghintay bago tuluyang magising si tita. "Sazer kumuha ka ng tubig." Sya na ang inutusan ko kasi alam na nya siguro ang pasikot-sikot dito sa bahay.

Pagkaabot sakin ni Sei ay pinaupo ko si tita. "Eto po, uminom muna kayo." Hindi naman sya nag-alinlangan na inumin iyon.

Pagkababa nya ng baso ay tumingin sya sakin. "Akala ko hindi na kita makikita. Akala ko tuluyan ka ng nalayo sakin."

Umiling-iling ako at malungkot na ngumiti. "Hindi po ako si Marjorie. Ako po si Grizelle."

Hinaplos nya ang pisngi ko. "Grizelle pala ang iyong pangalan." Nangingilid ang luha nya. "Pasensya na kung naguguluhan ka sakin pero may gusto akong ipakita sayo." Tumayo sya at may kinuha sya sa kanyang drawer. "Eto oh." Pinakita nya sakin ang tatlong litrato. Nagulat ako sa nakita ko, ang pinakaunang picture ay noong 3 years old ako. Sumunod naman ay nang magcelebrate ako ng 15th birthday. At ang huli ay noong 19 years old ako.

"P-paano po kayo nagkaroon ng picture ko?" Tanong ko. Tahimik lang na nakikinig si Sei.

"Pinadala 'yan sakin ng mga nakilala mong magulang. Sina Rei at Rose, tama ako diba?" Pati pangalan ng mga magulang ko, alam nya. "Nakatira ako sa mansion noon dati. Si Rose ay ang pinaka-pinagkakatiwalaan kong katulong ko dati. Si Rei naman ay isa kong driver. Isang araw nang ikaw ay pinagbubuntis ko, biglang sumakit ang tyan ko. Tingin ko ay manganganak na ko kaya't humingi na ko ng tulong. Tanging si Rei ang nakita ko." Bumilis ang tibok ng puso ko. "Tinulungan nya kong makapasok sa kotse ko pero may narinig kaming sumigaw--boses ni Rose."

"A-ano pong nangyari?" Kinakabahan kong tanong.

"Pinuntahan agad sya ni Rei at nang makapunta sya sa kotse ay itinabi nya sakin si Rose, mukang kasabayan ko pa syang manganganak."

"B-buntis din po si m-mama?"

"Oo. Sinimulan ng magbyahe ni Rei pero parehas na naming hindi kinaya ni Rose. Mas nauna akong nanganak sa kanya at sinilip ko kung anong itsura ng anak ko." Nagsimulang umagos ang kanyang luha. "Tuwang-tuwa ako nang makita ko ang muka mo habang umiiyak. Pagkatapos 'nun ay nanganak din si Rose pero nawalan ako ng malay. P-paggsing ko, nakita ko ang sanggol na nasa tabi ko, sobra akong nagulat kasi ibang muka ang nakita ko. Hinanap kita pero hindi kita nakita at wala na rin sa sasakyan sina Rei at Rose. May napansin akong isang papel na may sulat ni Rei.

'Pasensya na kung ipinagpalit ko ang anak ko sa anak mo. Gusto ko lamang na lumaki sa kaginhawaan ang anak ko kaya ko nagawa 'yon. 'Wag mo na kaming subukang hanapin ni Rose dahil hindi mo na kami makikita kahit pa ang anak mo.'

H-hindi ko alam kung anong gagawin ko noon. Sobra-sobra akong nanghihina. Wala akong nagawa kundi umiyak." Naramdaman kong nag-iinit na din ang mga mata ko. "Lumipas ang mga taon, inalagaan ko ang anak nila kahit masakit para sakin. Ayoko naman kasing idamay sya. Ilang taon din akong kumilos para ipahanap kung saan nakatira sila Rei pero walang nakakita sa kanila. Nagpapadala na lang ng sulat si Rei at Rose ng mga litrato mo pero yung nilalagay nilang address nila ay mali kaya nawalan na ako ng pag-asa na makita ka pa." Napahagulgol sya at 'di ko na napigilang umiyak. Ako na ang kusang lumapit sa kanya at niyakap ko sya. Kaya pala ganun na lang ang trato sakin ng mga nakilala kong magulang, hindi pala kasi nila ako anak. Ang tagal-tagal kong nagtiis sa bawat kamay nila na humahataw sakin. Pero ngayon pakiramdam ko, nabunutan ako ng isang napakalaking tinik. Ang gaan ng feeling ko.

"M-mommy.." Kahit medyo naiilang ako sa pagtawag sa kanya ng 'mommy' ay ginawa ko pa rin. Pagkatapos kong sabihin 'yon ay napangiti ako.

"Grizelle.." Niyakap nya din ako ng mahigpit.

Humiwalay ako sa yakap at tiningnan ko sya. "I-ibig sabihin po, kapatid ko si Marjorie?"

Pinunasan nya ang luha ko. "Hindi anak.. She is the daughter of Rei and Rose."

Nagulat ako sa narinig ko. Tumingin ako kay Sei at ganun din ang reaksyon nya. Ibig sabihin..si Marjorie dapat ang naghirap noon, hindi ako..

----

"Sige na kumain na kayo." Sabi samin ni mommy. Nagbake sya ng cake at tumulong din kami ni Sei. Nagluto kami ng spaghetti at bumili na din kami ng drinks. Sabi kasi ni mommy, dapat daw magkaroon ng celebration pero sabi ko sa kanya, wag ng bonggahan kasi kaming tatlo lang naman. Nalaman ko sa kanya kanina na matagal na palang namatay si daddy dahil sa car accident. Sayang, hindi ko man lang sya nakita sa personal. Tanging sa picture lamang.

"Tita sorry po talaga." Sabi ni Sei. Kanina pa sya nagsosorry kay mommy kasi nakipagbreak sya kay Marjorie.

"Wag kang mag-alala iho. Mukang hindi talaga kayo ang para sa isat-isa." Malungkot na ngumiti si mommy.

"Hay naku mommy! Sumali ka samin dito!" Tumayo ako at pinaghila ko sya ng upuan. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.

"Naku salamat ha?"

"Wala po 'yun mommy!" Nilabas ko ang cellphone ko. "Sazer pwede mo ba kaming kuhanan? Sige na please." Masyado akong excited.

"Oo na." Kinuha nya ang cellphone ko at lumayo sya ng konti. Dumikit ako kay mommy and I smiled. "Oh ayan okay na." Binigay sakin ni Sei ang cellphone ko. Tiningnan ko ang picture at napangiti lalo ako. Ginawa ko itong wallpaper. Bumalik ako sa upuan ko.

"Kain na tayo mommy, Sazer." Thank you talaga Lord dahil nakilala ko na ang tunay kong mommy--si Leila.

Habang nasa kalagitnaan ng pagkain, nagkukwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Medyo napapaclose na din si Sei kay mommy.

"Ano nga palang trabaho mo anak?"

"Ah mommy...ako po yung gaganap na kontrabida sa movie na 'Love vs Enemy'." Nahihiya kong sinabi.

"Yan ba yung movie na pinagbibidahan ni Marjorie?"

"Opo. 'Yun na nga po. Medyo malapit na kaming matapos kaya malapit na po syang mailabas sa mga sinehan. Nood po tayo kapag may time kayo."

"Ano ka ba? Syempre babawi ako sayo." Nagtawanan na lang kami.

"Tita alam na po ba ni Marjorie na hindi nyo sya tunay na anak?" Tanong ni Sei na ikinatigil ko. Alam nya na nga ba?

"Natatakot akong sabihin sa kanya. B-baka kasi lalo syang magalit sakin."

"Bakit naman po sya magagalit sayo? Buti nga po sya naalagaan nyo ng matagal eh! Dapat magpasalamat pa sya!" 'Di ko mapigilang mainis.

----

"Sige po. Babalik na kami sa bahay." Kiniss ko si mommy.

"Sige. Mag-iingat ka huh? Bisita ka ulit dito 'pag may time ka."

"Syempre naman po." Lumabas na kami ni Sei ng bahay. Kumaway muna ako kay mommy bago ako sumakay ng kotse. Pumasok na din si Sei at nagdrive.

"Hindi ba nangangalay ang panga mo Grizelle?"

"Bakit?"

"Kanina ka pa nakangiti dyan." Nakangiti nyang sinabi sakin.

"Wag ka ngang makialam! Basta masaya ako." Sumilip ako sa bintana. Ang ganda ng panahon ngayon. Para akong lumulutang ngayon. Ang gaan talaga.

"Tingin mo 'pag nalaman ni Marjorie 'to, anong gagawin nya?" Medyo napatigil ako dahil sa tanong nya.

"Hindi ko alam at ayoko munang alamin." Who cares? Basta wala akong pakialam sa babaeng 'yun. "

Pagkauwi namin sa bahay, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko dahil ako na ang nagdecide na magluto ng pagkain.

"Uy anong ginagawa mo?" Gulat nyang tanong nang makita nya ako sa kitchen.

"Nagluluto. Bulag ka ba?" Pang-asar ko sa kanya pero nakangiti ako. Medyo nadulas ako kaya nasagi ko ang refrigerator. Medyo nagalaw ang vase na nasa taas nito. Natigilan ako sa paghinga ng malalaglag ito papunta sa ulo ko. Wala akong nagawa kundi pumikit at maghintay na bumagsak ito sakin pero ang 'di ko inaasahan, niyakap ako ni Sei at sya ang binagsakan nito. "Sazer!!!"

"A-ayos lang. 'Di naman ganun kalaki yung vase eh." Sabi nya habang natatawa-tawa pero hindi ako naniniwala. Alam kong masakit 'yon!

"Halika nga dito, didikitan ko 'yan ng yelo." Tumayo ako at hinila ko sya. Hawak-hawak nya pa rin ang ulo nya. Kumuha agad ako ng yelo pati na rin ng bimpo at pumunta kami sa living room. Nang alisin nya ang kamay nya ay may nakita akong...

"Sazer!"

"Bakit?"

"Nagdudugo 'yang ulo mo!" Napakagat ako sa labi ko. Parang wala lang sa kanya pero ako yung nasasaktan eh. Kainis.

"Ah. Hayaan mo na."

"Anong hayaan mo na?! Bwisit ka kasi eh!" Ewan ko kung bakit nangilid yung luha ko. "Bakit kasi ikaw pa ang sumalo! Ako dapat sana ang nabagsakan ng vase!" Siguro kaya parang maiiyak ako ay dahil sa ang tanga-tanga nya. At tsaka siguro dahil sa sobrang saya ko ngayon tapos may mangyayari pang hindi maganda.

"Ano ka ba? Okay lang 'to. Hindi naman ako namatay."

"Eh bakit ba kasi ginawa mo pa 'yon?!" Pinunasan ko yung dugo sa ulo nya.

"Syempre ayaw kitang masaktan..."

---------------------------------------------------------------------

a/n: Sorry sa sabaw na update. Magcomment naman kayo para ganahan ako. Ang hirap kasi mag-update kapag wala kang masyadong nababasang magandang comment galing sa readers mo.

Sorry kung madrama at demanding ako.

Continue Reading

You'll Also Like

9.5M 298K 72
PUBLISHED "Hey, buddy! Massage mo nga ako! Faster!" Utos ko sa butler ko. Wala lang, gusto ko siyang asarin. "Gawin mo mag-isa mo. Hindi ako utus...
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
7.5K 634 14
|PUBLISHED UNDER KPub PH| ✅Complete Sometimes, it's only when we lose someone that we truly realize their worth. Lilah Daza experienced this revelati...
53.8K 1.5K 73
(Completed) Halina't makichismis sa buhay ni Zyra, ang babaeng assumera!