Olympus Academy (Published un...

Autorstwa mahriyumm

20.7M 760K 257K

◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a s... Więcej

"Semideus Saga"
Upon Reading...
I | The Summoning
II | Break Of Day
III | Officially A Student
IV | First Meet
V | Claiming Ceremony
VI | The Alphas
VII | First Day
VIII | In Action
IX | The Swan
X | Her Daughter
XI | The Silent Years
XII | Field Commotion
XIII | New Dawn
XIV | A Threat
XV | Potential
XVI | Power Limit
XVII | Attractions
XVIII | The Mission
XIX | Composed
XX | Finding Theo
XXI | Semideus
XXII | The Search
XXIII | Village Witches
XXV | Terraria
XXVI | Mayethrusa
XXVII | Cup Of Coffee
XXVIII | Arcadia
XXIX | The Return
XXX | Back In School
XXXI | Unsolved
XXXII | Alarms
XXXIII | Danger
XXXIV | Polyphemus
XXXV | Maps
XXXVI | Anxious
XXXVII | Uncertainties
OLYMPUS ACADEMY: BOOKS I & II
XXXVIII | Perplexed
XXXIX | Glimpses
XL | Written
XLI | Energy
XLII | God of Connections
XLIII | Divided
XLIV | Nightmares
XLV | Finders Keepers
XLVI | The Alpha Way
XLVII | Sub Silentio
XLVIII | Therapy
XLIX | Overseers
L | Sensed
LI | The Elite
LII | Reunited
LIII | In Control
LIV | Silence
LV | Lanterns
LVI | Awaiting
LVII | Intruder
LVIII | Grounded
LIX | Reinforcements
LX | Rivers
LXI | Pricked
LXII | Captured
LXIII | Supreme Divination
LXIV | New Reality
LXV | Child of Light
LXVI | Taken
Book Note
Epilogue
OA: PLAYLIST
2nd Book
Round 2

XXIV | Hesperides

305K 10.9K 2K
Autorstwa mahriyumm

Cesia's POV

Hindi ko matanggal ang aking tingin mula sa labas ng bintana dulot ng pagkahumaling sa napakagandang view ng mga lupain at katubigan na dinaraanan ng eroplano.

Para akong bata dito sa private jet ni Kara na panay ang pagliwanag ng mukha. Alam kong napaghahalataan na nung iba na first time kong sumakay ng eroplano, pero di bale na dahil ang mahalaga, nasa himpapawid na nga ako tas ka-level ko na yung mga ulap!

"Hmpf." Ito namang katabi ko, hindi maiguhit ang mukha.

"Art... ba't di mo dala yung mga plushies mo?" Nasanay na akong makita siya na yakap-yakap yung mga plushies niya pero ngayon, nakahalukipkip lang siya at tila nagmumukmok pa sa upuan niya. "Okay ka lang?"

Tungkol ba'to sa nasabi ko sa kanya kagabi?

"Under investigation pa sila." aniya nang hindi ako binabalingan ng tingin. "Nakikipagkuntsaba ata yung mga yun kay Ria. Psh." pabulong niyang sabi. "Mga bes sila."

"Ah..." Wala akong naintindihan sa sinabi niya. "Gusto mo palit tayo ng seats? Tingin ka sa labas oh... ang ganda nung view."

"Ayoko." matipid niyang sagot.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kanya. Ibang-iba ang aura niya ngayon, pero nanatili pa rin yung pagiging cute niya.

Kanina pa talaga ako nangangating pisilin yung chubby cheeks niya! Cute! Cute!

"Masters, the plane is preparing for the final approach." Narinig namin mula sa speakers ang automated na boses ng eroplano. "Lowering altitude. Initiating autobrake system."

Ibinaba ni Kara ang libro na binabasa niya at napatingin sa labas. "Clearing?"

"Located." sagot naman nung eroplano.

"Centerline?"

"Visualized."

"Good." ani Kara. "Finalize coordinates. Activate barrier... and bring us down already."

"Yes, master."

Pinanood ko sa bintana ang unti-unting pagbaba namin hanggang sa mag-touchdown na nga kami. Nagulat pa ako nang biglang idinikit ni Art ang mukha niya sa salamin. "We're here!" nananabik niyang puna. "Iiihhh!" Tumatalon-talon siya habang nagtitili. "Tara! Tara!"

Parang kanina lang, nakasimangot pa siya ah...

Tumayo ako at sumunod kina Kara. Automatikong bumukas yung hatch ng eroplano kaya't nakalabas na rin kami. "Barrier Activated." Hindi ko alam kung paano pero bigla nalang naging invisible yung aircraft.

"Alright!" Magkadaop ang palad ni Ria nang harapin niya kami. "Welcome to Ronda, Andalusia, Southern Spain- oh Gods! These mountains and valleys are stunning!"

Nasa gitna kami ng grassland at bukod pa sa nag gagandahang mountains at valleys na nakapalibot sa'min, napaka-aliwalas din ng panahon. Masarap sa pakiramdam ang preskong hangin na dumadapo sa balat ko...

Napangiti ako nang sumagi sa isipan ko si Auntie.

Kung nandito lang sana siya ngayon... para makita niya rin itong nakikita ko. Isa kasi sa mga pangarap ko ang makapagbakasyon sa ibang bansa kasama siya. Gusto ko siyang dalhin sa mga magagandang lugar tulad nito, at masdan ang mga mata niyang kumikinang sa tuwing may nakikita siyang kamangha-mangha.

Kaya ipapangako ko sa sarili ko, na pagkatapos ng school year na'to, babalik ulit ako dito at dapat siya na yung kasama ko.

"Art, can you lead us to the place?" tugon ni Kara.

"Ano kasi..." nag-aalinlangang sabi ni Art. "Hindi ko alam kung nasa'n talaga yung super duper exact location ih... nakalimutan ko kasi. Pasensya na talaga..."

"No, it's okay." Nanlambot ang tinig ni Kara. "You already did your part. Let us do ours'." aniya saka may hinugot sa kanyang bulsa.

Isang compass.

"Yan ba yung nakaka-detect ng makapal na mist?" tanong ni Ria na tinanguan naman ni Kara. 

"It is." sagot nito sa kanya. "It points to the direction where the mist is thickest."

Nagtaka ako saglit kung bakit hindi namin ito nagamit sa syudad para hanapin yung Raglem street... kaso naalala ko, na sadyang makapal ang mist sa mga mataong lugar kaya hindi magiging mabisa yung compass.

Umikot-ikot muna yung arrow sa loob ng ilang segundo bago tumigil sa paggalaw. Napa 'ooh' ako nang ituro nito yung direksyon ko kaya napalingon ako sa aking likuran kung saan natatanaw ko na ngayon ang mababang burol na may gubat bilang paanan.

"Let's go." Pinangunahan kami ni Kara.

Palinga-linga ako habang naglalakad kasi nararamdaman kong may mga matang nakasunod sa'min. Lumamig din yung ihip ng hangin pero ako lang ata ang nakakapansin.

Napahinto ako nang masulyapan ko ang isang anino na nakatayo sa malayo, nagmamasid.

Gusto ko itong lapitan pero bigla nalang sumakit yung ulo ko... na para bang may sarili itong malay at pinigilan ako nitong gawin ang balak ko.

Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?

• • •

"Ria... kapag ba makapal yung mist, nagha-hallucinate ka rin ba?" tanong ko nang makapasok na kami sa gubat.

"Honestly, I don't know." sagot niya. "Ba't mo naman naitanong 'yan?"

Natawa ako nang marahan. "Pakiramdam ko kasi nababaliw na ako eh. Baka pagkagising ko bukas, panaginip lang pala lahat ng 'to." Hanggang ngayon, may bahagi pa rin sa'kin na hindi naniniwala sa mga pangyayari simula pa nung araw na natagpuan ko si Auntie na may binabasang sulat sa sala.

Kaya hindi mapapawi ang kutob ko na maaaring nasa panaginip lang ako... isang mahabang panaginip.

At kung tama nga ako, ayoko nang magising pa.

"Hmm. Gusto mo sampalin kita para magising ka?" suhestyon niya. "Just don't blame me kung magkasira-sira 'yang panga mo."

Agad kong binawi yung sinabi ko. "A-ano ka ba Ria. Nagbibiro lang ako."

Namuo ang isang ngiti sa kanyang labi. "Ako rin naman ah."

"Wuy Ria! Binibiktima mo na naman 'tong si Cesia ih!" biglang singit ni Art. "Hindi ka pa ba nakuntento nung tinakot mo siya sa first day niya? Huh?!"

Huminto si Kara dahilan na mapahinto rin kaming mga nakasunod sa kanya. "We have to scatter and inspect the whole area."

"Wokie!" Nawala na sa paningin ko si Art at mayamaya'y sina Kara at Ria din.

Kakahuyan... damo... mga bulaklak.... Paulit-ulit lang ang mga nakikita ko.

Malay ko ba kung saan na ako dinadala ng mga paa ko. Sarili ko lang ang pinakikialaman ko nang makarinig ako ng matitinis na boses ng mga babaeng tumatawa.

Isang paru-paro ang lumipad sa harap ko. Paikot-ikot lang ito at hindi lumalayo sa pwesto. Tinitigan ko ang mga pakpak nitong nakakaaliw pagmasdan. "Ang ganda..." Kumikinang kasi ang mga ito at parang yari sa pilak.

"No, you are."

Nabigla ako nang magsalita... uhh... yung maliit na insekto? Kumurap-kurap ako atsaka napahakbang paatras.

Nakatapal pa rin ang gulat sa mukha ko matapos itong lumipad papalayo sa'kin. Ewan ko rin kung anong pumasok sa isipan ko at napagdesisyunan kong sundan ito.

Makaraan ang ilang minuto, nadatnan ko ang tatlo pang mga paru-paro at nakasunod din sa mga 'to ang tatlo kong mga kasamahan na nagmula sa iba't-ibang direksyon.

Napatingin kami sa isa't-isa bago muling sundan ang kahina-hinala at di inaasahang mga gabay namin. Dinala kami ng mga ito papasok sa isang kuweba na natatakpan ng baging ang bukana.

Nagmistulang mga odigos ang mga paru-paro sa loob ng madilim na kuweba. Iginiya kami ng mga ito hanggang sa bumunyag sa'ming paningin ang aserong pinto na nag-aabang sa'min sa kabilang dulo ng kuweba.

Dumapo ang mga ito sa pinto kung saan lumapat ang kanilang mga pakpak at dahan-dahang naging bahagi ng makinis na ibabaw nito.

"What's the password?" Nakarinig kami ng boses mula kabilang dako ng pinto.

"Art." tawag ni Ria. "Password daw."

Pumunta naman sa tapat nito si Art. "Luh? Kailangan ba talaga ng password? Di ko alam ih! Huhuhu!"

"See? Hindi ba't ganyan ang pananalita ni Art?"

"Should we?"

"Hold on. Sigurado na ba talaga tayo sa gagawin natin?"

Nagtatalo pa ata silang nasa likod ng pinto. Pagkatapos, narinig namin ang pagbukas nito.

Tatlong babae na nakasuot ng kumikislap na tunics ang bumungad sa'min. Nakapulupot sa kanilang mga baywang ang napakahabang ribbons na transparent gold, at lumulutang-lutang ang laylayan ng mga ito kasama ang kakaibang hangin na umaaligid sa kanila. Kapansin-pansin din ang mga buhok nila na magkaiba ang kulay pero parehong nagagayakan ng mga bulaklak.

"Art!" sabay-sabay nilang sigaw at agarang niyakap si Art.

"Waahhh!! Na-miss ko kayo! Sobra!!" ani Art nang nakayapos pa rin sa kanila. "Pero teka lang-" Siya ang naunang humiwalay. "Ipakilala ko muna sa'nyo 'tong mga kasama ko!"

"Ito si Ria..." Sinimulan na niya ang pagpapakilala sa'min. "Tas si Kara... at eto naman si Cesia!" Napangiti ako nang banggitin ni Art yung pangalan ko.

"Ria, Kara, Cesia, drum rolls please!!!" Pagkakataon na naman nilang maipakilala sa'min.

"Ito nga pala si Aigle... Aj for short."

Kinawayan kami ng babaeng pink-haired.

"Si Hesperia, a.k.a Hespe."

Nginitian kami nung orange-haired na may kasama pang kindat.

"Last but not the least, si Erytheia or Theia!"

Panghuli yung red-haired na pormal na yumuko.

Matitingkad ang kulay ng mga buhok nila. Pink... orange... red... na kung pagsasama-samahin, ay ang nangongoronang colors ng isang sunset.

Ibig sabihin, sila nga yung Hesperides, ang Daughters of Evening at Sunset Goddesses.

"Sorry if we took so long to open the door." Nakapameywang si Erytheia. "Nung una kasi, hindi kami sigurado kung si Art nga ba talaga ang nakita namin."

"Yung silver cutie butterflies? Kayo yun?" Lumiwanag ang mga mata ni Art.

Tumango si Hesperia. "Kami nga 'yon." sambit niya. "We always have our eyes and ears outside of the garden. Especially when we sense someone's presence nearby."

Naging malinaw na sa'kin na si Hesperia nga ang may-ari ng tinig na narinig kong nagmula sa paru-paro na nakasalubong ko kanina.

Nahaluan ng pagtatampo ang masiglang boses ni Art. "So... di niyo agad ako nakilala?"

"I mean, look at you Art..." Malapad ang ngiting suot ni Aigle.

"Ang laki-laki mo na! You've grown taller and oh how I miss these Apollo-blessed cheeks!" Nanggigigil na kinurot ni Aigle ang magkabilang pisngi ni Art na ngumunguso pa rin. "I can't believe our little ray of sunshine is back! Thank the Gods!"

"Aray ku pu~"

"Art namin, kumusta ka na?"

In all fairness, ang galing ng Filipino nila. Naalala ko ang sinabi sa'min ni Doc Liv sa klase na lahat ng superior beings katulad ng mga nymphs at gods ay walang default na lenggwahe kaya marunong silang magsalita at umintindi ng kung anong language mula sa mortal realms. Although, considered pa rin na mother tongue nila yung Greek.

Hinayaan lang namin silang magpalitan ng pangungumusta at ipahayag ang pagka-miss nila sa isa't-isa dahil sa totoo lang, nakaka-enjoy din naman silang panoorin... lalong-lalo na yung tatlong nymphs. Kasi sa tuwing ngumingiti sila, mas lalong bumubukadkad ang mga bulaklak na nasa buhok nila.

Ilang minuto rin kaming nakatayo, hanggang sa mapansin na kami ni Erytheia. "Aj, Hespe, I think it's time to let them in."

Napahinto naman sila nang marinig 'yon.

Panandaliang nanlaki ang mga mata ni Aigle. "Oh my. You're right. Pasok na kayo." Umatras siya para magbigay-daan. "Pasensya na talaga. We just really missed this child of light. It's been years and..."

Hindi ko na narinig ang karugtong ng pangungusap niya dahil sa paglipat ng buong atensyon ko sa aking harapan. Napatakip ako sa aking bibig dulot ng labis na pagkamangha sa tanawin na bumungad sa'ming paningin.

Kumikinang ang damo at ang mga bulaklak, may crystalline river na dumadaloy patungo sa mga puno ng mansanas na kagaya ng nakaulat sa mitolohiya, ay namumunga nga ng ginto!

"Do excuse us if the garden looks dull." pagpapaumanhin ni Hesperia. "We've been tending to it, but it isn't just the same as before. Hindi namin alam kung anong nangyari, kung bakit nagkakaganyan."

So... hindi pa 'to ang full glory ng lugar na'to?!

"We've tried summoning the goddess Hera as well, but it seems like the Olympians are busy." dagdag ni Aigle. "Busy for the past few years, that is."

"Dito tayo." Tinawag kami ni Erytheia. Okupado niya ang isa sa pitong silya na nakaharap at pinagitnaan ang isang pabilog na mesa.

Nakaupo ako katapat ang sunset sa likod ng malawak na kakahuyan. Nakatitig din ako dito kasi kanina ko pa napapansin na hindi lumulubog yung araw. Sa katunayan, hindi ko nga ito nakitang gumalaw eh... na parang nakadikit lang ito, nakasentro sa ibabang bahagi ng kalangitan.

"I think we've met him before, haven't we?" ani Erytheia matapos siyang tanungin ni Kara kung may kilala ba silang Theosese.

"A long time ago, I believe." Malumanay na sabi ni Hesperia habang nakapangalumbaba sa mesa. "He was looking for someone, pero wala naman siyang sinabi kung sino at bakit. Inakala lang niyang nandito sa garden yung hinahanap niya."

"That's it?" tanong ni Ria na tinanguan ni Hesperia.

"Oh, now I remember him." Nakasingkit ang mga mata ni Aigle. "Hawak-hawak nga niya palagi yung tungkod niya eh at nung tanungin namin kung bakit dala niya 'yon, ang sabi niya, isa raw siyang traveler of some sort?"

Traveler? Kaya siguro may mapa si Theosese ng realms dahil mahilig siyang mag-travel?

"Also, that man was a trespasser so we almost killed him." dugtong niya. "It's such a pity that we didn't."

Atsaka ko lang naalala...

Pumapatay nga pala sila sa pamamagitan ng pang-aakit ng iba na sumayaw tungo sa sariling kamatayan.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

13.8K 190 11
Aking iaalay mga tula Haiku, Tanka at Tanaga Nawa'y maunawa Maiksi lang ang mga salita Ngunit sa likod nito'y misteryong konti lang ang makakakita ...
10.3M 475K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
6.1K 689 5
Tin is the perfect guy that every girl would dream of, a perfect male lead. He's good in academics and sports, kind, and has the looks. But because o...
609K 38.4K 57
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...