Married to a Mafia Boss

Par yonalee07

152K 3.3K 298

Isa lang akong ordinaryong babae na single ang status. Pero nagbago yun ng isang araw malaman kong... Kasal n... Plus

Married to a Mafia Boss
MTAMB Prologue
Chapter ONE: Aeris in her ordinary life
Chapter TWO: Special Task 101
Chapter THREE: Beginning
Chapter FIVE: Tour Day (part 2)
Chapter SIX: Trapped
Chapter SEVEN: The Ring
Chapter EIGHT: Untitled
Chapter NINE : Confessions (Part 1)
Chapter TEN: Confessions (Part 2)
Chapter ELEVEN: Shadows of Past
Chapter TWELVE: The Meeting
Chapter THIRTEEN: Angel Eyes
Chapter FOURTEEN: New Home
Chapter FIFTEEN: Zeze
Chapter SIXTEEN : Welcome Back
Chapter SEVENTEEN : Honeymoon
Chapter EIGHTEEN: Kiss
Chapter NINETEEN: Threat
Chapter TWENTY: Invitation
Chapter TWENTY ONE: Revelations
Chapter TWENTY TWO: My wife
Chapter TWENTY THREE: Is it over?
Chapter TWENTY FOUR: Drunk in love?
Chapter TWENTY FIVE: Vacation Plan
Chapter TWENTY SIX: Painful Goodbye

Chapter FOUR: Tour Day (part 1)

6K 164 4
Par yonalee07

Please read the previous chapters. katulad kasi nung chapter one, inedit ko na rin yun. sorry for the long wait. enjoy! ito nakayanan ng aking precious mind, haha!

***

Chapter FOUR: Tour Day (part 1)

-Tuesday-

Aeris' POV

"Excuse me daw po kay Ms. Santayana. Mr. Kang is inviting her to his office."

Mula sa seryosong pagsasagot ko ng assessment test namin, napaangat ko bigla ang ulo ko at nakita ang isang estudyante na nakatayo sa may pintuan. Ay! Oo nga pala, ngayon ang simula ng aking special task.

"Ms. Santayana. You may go. Mr. Kang's calling you." sabi ni Ma'am Romero. Kaya tumayo ako, kinuha ang bag ko at sumunod dun sa estudyanteng sumundo sakin.

"Bata, bata. Di ba dun ang office ni Mr. Kang?" sabay turo ko sa kabilang daan. Ako pa naman ang magtotour tapos ako pa ang maliligaw?

"Ah nasa owner's office po si Mr. Kang."

"Ok."

Nang nasa may tapat na kami ng office, umalis na rin si tagasundo. Pagkapasok ko, nakita ko dun si Mr. Kang. Binati ko siya. Ngumiti naman siya at inalok akong umupo.

"Remember the task Ms. Santayana?"

"Opo." Tipid na sagot ko. Asan kaya yung ito-tour ko? Baka naman si Mr. Kang lang talaga ang ito-tour ko. Nahihiya lang siya sigurong magsabi nung Friday. Kawawa naman pala si Mr. Kang kung ganun. Baka naliligaw pa siya dito.

"They're here." Tumayo si Mr. Kang at lumapit doon. They? Tumayo din ako. Napalingon ako sa may pinto. Nandun din pala si Mrs. Hearst, at Mr. Marquez at Ma'am Tan na kapwa mga school administrators. At yung natatakpan ni Ma'am Tan siguro si Mr. Allen.

"Good morning po sa inyong lahat." Nakangiti kong bati. Tumingin sila sakin at nginitian din ako. Go go Aeris! Fighting!

"Mr. Sunico, take a seat." Alok ata yun ni Ma'am Tan. Lumakad na sila papunta dun sa rectangle table kung saan ako nakatayo. Pasimple akong patingin-tingin dun kay Mr. Allen. Konti na lang makikita ko na siya.

"Ikaw?!" nasa isip ko lang dapat yun pero masyado atang napalakas para marinig din nila.

"Ms. Santayana." Nakangiti ito.

"You already knew each other?" tanong ni Mrs. Hearst.

"Opo/ Yes, I know her." Nagkasabay naming sagot. Naalala ko bigla yun. Wag niya sana akong isumbong.

"Good to know that. By the way Ms. Santayana will be your tour guide around our campus." Masayang paliwanag ni Mrs. Hearst.

"It's true. And I'm sure you'll be more convinced to invest in our school." Dagdag na paliwanag ni Mr. Kang.

"Well, I'm really looking forward to it." Pormal na sagot ni Mr. Allen a.k.a. Mr. Sunico. Grabe, ibang-iba siya noong nakita ko siya. Parang bossing na bossing ang dating niya ngayon. Kung hindi nga lang siya ngumingiti, mukha na siyang isang seryosong tao.

"So, Ms. Santayana shall we start the tour?" tanong ni Mr. Kang.

"Yes, of course." Sagot ko. hehe! Pakiramdam ko para na akong businesswoman.

Tumayo na ko at tumayo na rin sila. Palabas na sana kami ng may bigla akong maalala.

"Ahmm... ma'am, sir. Before we start the tour," may kinuha ako sa dala kong paper bag. Teka.. ilan ba kami? One, two, three, four... yehey sakto. Buti na lang hindi na sumama sina Mr. Kang and Mr. Marquez. Iniabot ko iyon sa kanila isa-isa. Yan. Tapos na.

"That is the map." Sana maintindihan nila yun kasi drinawing ko lang yun tapos ipina-photocopy ko lang. "You know, to be more... clarified about the directions we'll take. So shall we?" ngumiti ako ng mala-pang-beauty queen. Ang smile na tinuro sakin ni mama.

***

"This is the the swimming pool area. We call this the Blue Waters," pinakita ko rin sa kanila kung nasaan yun dun sa map. "... If you'll invest we could... make this area larger so that, more students will be encouraged to join the swimming team. Isn't it amazing?"

"Yeah, that's right." Mrs. Hearst

"She's... I mean the place is nice." Mr. Allen

"This is the campus field. As you can see, it is very wide and *singhot* has a fresh air. And you see those players?" tinuro ko yung nasa may gitna ng field. Nandito kasi kami sa mas mataas na part kung saan nakatanim ang iba't ibang puno. "They're so good and very hardworking. They even compete in the nationals." Pangalawa sa huling destinasyon na rin namin ito. Nakakapagod pero sobra akong nag-enjoy, hehe! Trying hard nga ko pag-english.

***

"Good job! Ms. Santayana. Mr. Sunico signed the papers." Bati sakin ni Mrs. Hearst at niyakap niya ko. wow! Talaga? /(*o*)\

"Thank you Mr. Allen," lumapit ako sa kanya at kinamayan ko siya. Matapos yung tour, bumalik uli kami dito sa office ni Mrs. Hearst. "Hindi po kayo magsisisisi promise." Itinaas ko ang kanang kamay ko. Ang saya-saya ko.

"You did it well." Pagbati niya sakin. "Ahmm, Ms. Santayana, can I ask you a favor?"

"Ano po yun? Mr. Allen?" ano kaya yun? Baka kukunin niya kong tour guide dun sa company nila. Mukhang masaya yun. Kaya lang, gusto ko munang magtapos ng pag-aaral.

"Mr. Allen's too formal. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin. You can just call me Allen." Sabi niya. Napaisip ako.

"Eh kung Kuya Allen na lang po?" para kasing pag Allen, mukhang ka-buddy lang. Ayaw ko naman nun. Investor pa rin siya.

"Ok. If that's what you want." Ngumiti siya.

"Thank you po ulit Mr.--- ahmm, kuya Allen."

Paalis na sana ako nang bigla ulit siyang umimik. "I'm going out for lunch. Pwede bang maimbita kita?"

"Pe-pero po..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang umimik.

"I won't take no for an answer."

"Ay. Hindi naman po no ang isasagot ko. Ang isasagot ko po ay nakakahiya naman po kaya wag na lang po."

"Haha! Kailangan ko pa bang lumuhod para pumayag ka? Just think that I'm your friend. No. Simula ngayon, kaibigan mo na ko."

Saglit akong nag-isip. Pag pumayag ako, parang thank you na rin yun dahil hindi niya ko sinumbong sa pag-akyat ko sa puno, hehe! At saka sinabi na rin niya na pwede ko daw isama ang mga kaibigan ko. Kaya, pumayag na rin ako. Pero, nagpaalam muna ako para masundo ko sila.

***

Sa cafeteria na ko dumiretso. Tutal, time na rin naman. Pagdating ko, wala pa dun sila. Humanap muna ko ng pwesto. Maya-maya naman sigurado akong pupunta sila dito. Alangan naman kasing hindi sila kumain.

"Ikaw ba yung kasama nina Mrs. Hearst kanina?" tanong nung isang babae. Nakaipit siya ng tirintas tapos nakamake-up siya. Sa tingin ko, senior na din siya. Tumango ako.

"Gosh! Ang swerte mo! What's the name of the pogi?" tanong naman nung isa pa niyang kasama. Medyo chubby naman siya.

"At para san yun? Why are you with them?" kaagad na dagdag nung isa pa nilang kasama. Singkit na babae. Bale tatlo kasi sila.

"Ahhh..." Siguro naman, okay na kung sasabihin ko diba? "Siya ang bagong investor dito sa school. Mr. Allen Kirk Sunico pangalan niya. Ako kasi ang pinagtour sa kanya."

"Investor? Kyaaaahhhh! Magpabagsak na lang kaya ako para hindi muna ako umalis dito sa school? I'm sure he'll visit here often." Kinikilig na sabi nung ateng nakatirintas.

"Hindi kaya siya yung sinasabi ni Verlaine at Tamara na may pupunta nga daw dito? Baka naman hindi estudyante, investor pala." Sagot naman ni ate chubby. Ahhh. Ang totoo nyan, estudyante pa lang din siya kaya lang sa US.

"Pwede rin. San naman kaya galing ang balita ng babaeng iyon? Exaggerated talaga yun ano?" ate singkit.

"Yeah right! Tara na nga."

Lumabas na sila ng cafeteria. Pumunta lang ba sila dito para i-chika ako?

"BOOO!"

"AHHHH!" sigaw ko sa gulat. Napatingin tuloy samin yung ilang nasa cafeteria din. Buti na lang di pa dagsa ang tao. Tatawa-tawa sina Liana at Kimmy na umupo sa tabi at harap ko.

"At san ka galing kanina? May nililihim ka ba samin?" Kimmy

"At ano yung nabalitaan naming may kasama ka daw bagong, gwapong lalaki?" Liana, nakapameywang.

"Bagong, gwapong lalaki? Si kuya Allen siguro ang tinutukoy niyo." Nakangiting sagot ko.

"Kuya Allen?!" halatang gulat at nagtataka silang dalawa.

"Oo, hehe!" ^•^

"Baby Riri, totoo ngang ikaw yung nagtour doon sa bagong investor kasama ang school administrator at si Mrs. Hearst?" Lucien

"You're so madaya Ae. Dapat you told us para nacheer ka man lang namin." Beatrice

"Ano pa lang balita bunso?" Kuya Yozack

"Oo nga, kamusta yung pagtour mo? Tapos na ba?" Ate Trinity

"Malamang. Dahil kung hindi pa eh di sana nandun pa siya kasama nila." Kuya Four

Tumingin si Ate Trinity kay kuya Four. "Pwede manahimik ka muna? Hindi kasi ikaw ang kausap ko."

"Bwahahaha! Wala ka pala eh. Supalpal ka Four." Lucien

"Hindi ka kasali boy." Inangasan ng tingin ni Kuya Four si Lucien.

"Ang kulit niyo!“ saway ni Beatrice, "Four!"

"Yes love?" Kuya Four *wink*

"Shut up!"

"Ang cute mo kapag nagagalit ka." sagot ni Kuya Four sabay akbay kay Beatrice. Ang cute.

Sa dami nilang sinabi, akala ko mamaya na ako makakasagot. Biglang naalala kong susunduin ko lang pala sila dahil nag-iintay si kuya Allen.

"Ahmm guys. Mamaya ko na lang ieexplain ang lahat. May, nag-iintay kasi sa atin."

"Sino?" silang lahat

***

"KAPATID MO SI HEZEKIAH SUNICO?!" Napuno ng sigaw nina Kimmy at Beatrice ang buong sasakyan. Ang lakas talaga nilang sumigaw. Tumingin sila kay kuya Allen na siyang nagmamaneho.

Ang galing naman, kaibigan namin ang kapatid ni Mr. Hezekiah. Pero, hindi ko pa naman masyado kilala yun, bukod dun sa sinabi ni Kimmy nung isang linggo.

"OMYGASH!" sabi ni Kimmy at nagcollapse sa tabi ni Liana.

"This is so good to be true." Hinawakan ni Beatrice ang magkabilang pisngi niya. "Pwede papicture mamaya? Pahinge na rin ng picture ng kapatid mo. Gahd! This is a moment."

"Mga babae talaga ang hilig magpacute sa iba." bulong ni kuya Four sa kabila niyang side. Siguro kausap niya yung bintana.

"Anong sabi mo?!" sabay-sabay na sabi nina Liana, Kimmy at Beatrice.

Bale silang tatlo pati kasama si kuya Four ang magkakatabi sa upuan. Sina Lucien, kuya Yozack at ate Trinity ay nasa likod ng sasakyan. Ako, dito sa tabi ni kuya Allen.

"Para nagpapapicture lang. You're such a judgemental person. Eh bakit kapag kayo nambabae, ok lang?"

"Tama." pagsang-ayon naman nina Liana at Kimmy.

"Hindi naman sa ganun. Ang sinasabi ko lang, ang pangit tingnan sa inyo." pagpapaliwanag ni kuya Four.

"Matagal mo na ba silang kaibigan? How long?" tumingin ako kay kuya Allen.

"Mas pangit ka. Buti nga napapagtiyagaan pa kita. Hmp!" Beatrice, naghalukipkip

"Opo. Naging kaklase ko po silang lahat nung grade seven kami. Pero, nung mga sumunod po na taon, ayun nagkaiba-iba po kami ng section. Pero po sina Liana at Kimmy, kaklase ko po sila simula noon hanggang ngayon po."

"Tampo ka ba love? Gwapo-gwapo ng boyfriend mo." Four

"Ewan ko sayo! Don't touch me!" Beatrice

"Ang dami niyong moment. Hindi niyo sasakyan to paalala lang." sigaw ni Lucien. Napatawa kami.

"Ganito ba kayo kasaya palagi?" muling tanong ni kuya Allen. Napatingin uli ako sa kanya. Kahit nakangiti siya, parang, ewan ko, malungkot siya. Bakit kaya? Baka naiingayan siya samin at nagsisisi siya na inimbita niya kami. Oh no!

"Hehe! Nakakahiya man pong aminin, o-opo. At maingay po talaga grupo namin kaya siguro hindi po kami natambay sa library. Hehe! Last punta po namin dun, binato kami ng libro nung librarian. Pasensya na po kuya Allen ha?" napatungo ako.

"No. Actually, you are very fun to be with." sinabi niya yun ng nakatingin sa daan.

"Fun? Talaga po? Ahmm, Si kuya Four po at saka si Beatrice, magbf at gf po sila at ganyan po talaga sila sa isa't isa. Alam niyo po bang," lumapit-lapit ako para mabulong ko, "Nagpababa ng grade si kuya Four para lang maging kaklase si Beatrice. Ang sweet po di ba?"

"Yeah. Where do you want to eat?" kuya Allen

"Kahit saan na lang po. Basta wag na dun sa sobrang mahal." sagot ko. Tapos, may bigla akong naisip.

"Tutal friends na po tayo. Gusto niyo pong sumali sa group namin na striking seven? Ah, eh di striking eight na po tayo."

"Haha! Good idea."

Makalipas ang ilang minuto, nagpark na ang sasakyan. Pumasok kami sa isang italian restaurant. Mukhang mamahalin ang mga pagkain at mukhang pangmayaman ang lugar. Mula sa sliding glass door hanggang sa lalagyan ng tissue na kulay gold.

"D-dito po tayo kakain kuya Allen?" gulat ma tanong ko. Akala ko kasi sa jollibee or mcdo kami.

"Yes. You can order anything, my treat."

"Psh! Yabang!" may bumulong pero hindi ko masyado naintindihan kung sino yun at kung ano yung sinabi.

"Mr. Sunico" may lumapit na lalaki. Mukha syang may lahi, siguro dahil italian restaurant ito?

"Table for eight."

"This way." at sumunod kami sa kanya.

Yozack's POV

"Aeris, here." nag-abot ang mokong ng tissue kay bunso. Mag-aabot na dapat ako eh.

"Sayang." Lucien

Naikuyom ko ang aking kamao. Kainis! Dapat ako ang katabi ni bunso doon. Kahit sinong poncio pilato pa siya, wala akong pakielam. Hindi ko gusto kung paano siya umasta.

"Bro relax. Kawawa naman yang beef. Ako na lang kakain nan." Lucien

Kaya binigay ko na lang. Isa pa hindi ko naman gustong kainin yun.

"Kuya Yozack, hindi ka nagugutom?" tanong ni bunso.

"Hindi pa. Nagmeryenda ako kanina eh." Tingnan pa lang kita busog na ako. Napatingin ako sa katabi niya. Aish!

"Mr. Allen, may girlfiend ka na?" tanong ni Kimmy.

"No, I don't have." Psh!

"Single po ako, and ready to mingle." Kimmy.

Nagtawanan sila. Ako? Hindi ako natatawa.

*kriinnnggg*kriiinnnggg*

Nagpaalam muna ang mokong kasi may tumatawag sa kanya. Wag na pati siyang bumalik. I know, rude ako masyado. Nakakainis talaga eh.

***

***(At the office)

Kyo's POV

Pagkapasok ko sa opisina ni Mr. Hezekiah, nadatnan kong nakatalikod siya at may kausap sa kanyang cellphone.

Naupo muna ako sa sofa. Napatingin ako dun sa glass vase na nakalagay sa gitna ng mini table. Bakit kaya...

sobrang gwapo ko?

(A/N: saan banda?)

Si miss author naman, crush mo lang ako eh.

(A/N: Kapal mo! Kung patayin na kita.)

Wala namang ganyanan. Ako na nga lang gwapo dito.

(A/N sumbong kita kay Duterte. Ratratin ka nun. Bleh!)

Papakilala na nga lang ako.
Watashi wa Kyohe Tagano desu. Isang filipino-japanese. Tawag nila sa akin sa mundong hindi niyo nanaising pasukin, Kyo.

I live my life with guns and bullets. Puno kasi ng action ang buhay ko.

Yan si Hezekiah, este, Mr. Hezekiah kaklase ko yan ng tatlong taon not until nung lumipat kami sa ibang lugar noong nine years old ako. Pero, nung twelve na ko, nagkasama-sama uli kami pati yung tatlo. Makikilala niyo rin sila.

"You buy a ring." Pagkatingin ko nakaupo na siya at kaharap na niya ang laptop niya.

Umayos ako ng upo. "Kailan ang kasal?"

"Tomorrow."

"Oh. Anong bibilhin kong singsing? Gold? Silver? O yung--"

"I didn't tell you to ask. Just go and buy that g•dd•mn ring!" Tumaas na ang boses niya. Ang bilis niya talagang magalit. Tumayo ako at lumabas na.

Ano kayang mangyayari sa plano? Wag lang sanang mahulog sa sarili niyang patibong si Hezekiah. Pag nagkataon, it would be a great problem.

***

. Hehe, sorry for the long wait.

You're free to comment, vote, and read.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

2.5M 95.1K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.5M 34K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
363K 19.1K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.