Love Times Two -COMPLETED [Ap...

By YaneyChinita

86.5K 1.9K 197

*Note: teaser is not yet official* Hindi alam ni Via kung anong espiritu ang sumanib sa kanya at puma... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FIVE
Author's Note
Author's Note ver. 02
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
Author's Note
FINAL CHAPTER

CHAPTER FOUR

5.7K 124 14
By YaneyChinita

"Alam mo, Red, kung hindi lang talaga kita kaibigan, hindi talaga ako sasama sa'yo rito," ani Via sa kaibigang si Red. She wasn't really a party girl. Bihira siyang magpunta sa mga club o mga bar. Birthday party ng kaibigan at co-star nito sa teleserye at isinama siya nito roon bilang "front date" nito. Makikipagkita rin ito sa secret boyfriend nitong si Francis— isang stage actor at closet gay din gaya nito.

"Ngayon lang, Via. Matagal na nga kaming hindi nagkikita ni Francis. Alam mo namang tagong-tago ang relasyon namin," ang sabi naman ni Red.

"Ngayon lang? Ilang beses ko na ba kayong pinagtakpan ng jowa mo? Eh, kung umaamin ka nang bading ka, eh, di malaya na kayong magmahalan ni Francis." Inalis niya ang seatbelt na nakakabit sa katawan nang pumarada ang kotse ni Red sa tapat ng isang sikat na nightclub sa Bonifacio Global City sa Taguig.

"At gusto mong mapatay ako ng tatay ko at mawalan ng career, gano'n ba, Via?"

"Iyon lang." Tama nga naman din ang bakla. Hindi lang ang pamilya nito ang magiging apektado, kundi ang buong Pilipinas din. Ito ang itinuturing na Prince Charming ng buong bansa. Marami ang maha-heartbroken kapag umamin itong bading at may boyfriend. Tsk. Naaawa talaga siya sa sitwasyon ni Red. Kung ganoon lang sana kadaling tanggapin ng madla ang mga kagaya nito.

Sa mga pagkakataon na gaya nito, hindi niya maiwasang tanggihan si Red sa mga pakiusap nito. She loved him dearly.

"Let's go." Inakay siya ni Red papasok sa nightclub.

Punong-puno na iyon ng tao nang makapasok sila. At mukhang nagsisimula na ang party nang dumating sila.

Nakita nila agad ang boyfriend ni Red na si Francis. "Hi, Via. 'Nice seeing you here. Buti at hindi ka busy," anang lalaki, bumeso sa kanya. Guwapo, matangkad at chinito. Sayang ang lahi nito. Matagal-tagal na rin silang magkakilala ni Francis. Mula pa noong ipakilala ito sa kanya ni Red bilang boyfriend two years ago.

"Katatapos lang ng isang makeup gig ko kanina. I went straight ahead here in Manila from Batangas kahit wala pa akong pahinga. At mahihindian ko ba kayong dalawa nitong si Red?" anaman niya. Isang prenup wedding photo shoot ang pinuntahan niyang makeup gig kaninang umaga.

Tumawa ang dalawang lalaki, este beki. Hindi na rin siya manghihinayang sa dalawa dahil bagay na bagay naman ang mga ito. Mukhang masaya naman ang dalawa sa isa't isa kaya masaya rin siya para sa dalawang kaibigan.

The two introduced her to the birthday celebrant— ang leading lady ni Red sa teleserye nito, si Alyssa Espino.

"Hi, Via! Have we been introduced to each other before?" tanong nito sa kanya, nakangiti.

Bahagya siyang umiling. "I don't think so. But it's nice to meet you, Alyssa. Happy birthday!" bumeso siya sa babae.

"Hmm," nag-isip ito ng ilang saglit at bigla ay lumuwang ang pagkakangiti nang tila may maalala. "I know you! You're one of the most famous beauty gurus in the Philippines! I sometimes see my brother checking out your videos on YouTube. You're much prettier in person, Via," puri nito sa kanya.

"Thank you." She smiled genuinely. May viewer pala siyang lalaki? Brother daw, eh. Baka kalahi nina Red at Francis. Kunsabagay, hindi lang naman ang mga kababaihan ang nakaka-appreciate ng talent niya sa pagme-makeup. Pati na ang mga beki.

"I must move around. Enjoy yourselves, okay?" paalam ni Alyssa sa kanila.

"Sure!"

Alyssa kind of resembled someone. Ngunit hindi lang niya maalala kung sino ang kamukha nito. She was very pretty and nice too.

"Half-brother niya ang ex mo," imporma ni Red sa kanya nang makalayo sila kay Alyssa.

"What?! Eh, bakit isinama mo ako rito?" inis na tanong niya. Alyssa just debuted a few months ago. At ang teleserye ni Red kung saan ito ang leading lady ang biggest break ng dalaga. Via wasn't aware about Alyssa's background. Kaya hindi niya alam na half-sister ito ng ex niya. Sa dami ng mga kapatid ni Radley sa ama nito ay ni isa ay wala man lang naipakilala sa kanya noon ang lalaki. Ang tanging alam lang niya ay mga dating artista ang mga magulang ni Radley.

"Ano namang problema kung kapatid siya ng ex mo?" ani Red.

Tumango si Francis. "Yeah. And besides, hindi naman para kay Radley ang birthday bash na 'to. Parang affected ka naman masyado kung makita mo rito ang ex mo."

"Of course not," mariing tanggi niya. Kunsabagay ay tama naman ang dalawa. Ano naman ngayon kung sakaling naroon din si Radley sa birthday bash ni Alyssa? Bakit ba masyado niyang iniisip ang lalaki? Hindi ba at sinabi niya sa sarili na matagal na siyang naka-move on dito?

Ipinilig niya ang ulo. Tama. She might as well enjoy herself at the party, tutal nandoon naman na siya.

Ang karamihan sa mga bisita party ni Alyssa ay nasa showbiz industry. Mayroon siyang ibang kakilala dahil ang iba sa mga bisita ay naging kliyente na niya. Nang yayain siya ni Red na mag-sayaw ay sumayaw din siya sa dance floor. She also had a couple of drinks. She was having a good time. Matagal-tagal na rin mula nang makapag-clubbing siya. The last one was probably a couple of years ago.

Nang tila may pumitik sa kanyang sentido ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Napahawak siya sa kanyang sentido.

"Are you okay, Via?" nag-aalalang tanong ni Red sa kanya. Iginaya siya nito pabalik sa mesang inookupa nila.

Tumango siya. "Of course. Of course. Go ahead. Uupo lang muna ako rito."

"Are you sure, you're okay?"

She smiled a little. "I'm okay. Just enjoy yourself."

Tinapik niya sa braso si Red at pinaalis. She did not want to spoil their night. Bumalik sa dance floor ang kaibigan.

Si Via naman ay hinilot-hilot ang nananakit na sentido. At naalala niyang hindi pa pala siya nagdi-dinner bago uminom ng Tequila. It was so stupid of her.

Tumayo siya upang hanapin si Red sa dance floor. Magpapaalam siya rito na mauuna nang umuwi. Ngunit sa dami ng tao sa dance floor ay hindi na niya ito makita roon. Muntikan pa siyang masubsob nang muling may pumitik sa ulo niya.

Mabuti na lang at may mga malalakas na bisig na sumalo sa kanya. "Careful!"

"I'm sorry!" hinging paumahin niya. Nanlalabo na ang paningin niya kaya hindi niya gaanong maaninag ang mukha nang taong sumalo sa kanya. Isabay pang hindi rin ganoon kaliwanag sa dance floor para mabistahan niya ng maigi ang mukha nito.

"Via?" gulat na tanong ng boses na iyon. Yakap-yakap nito ang baywang niya.

Nanigas ang katawan niya nang mapagsino ang may-ari ng tinig na iyon. "Radley?" Bakit ba lately ay nakikita niya ito sa mga lugar na hindi niya inaasahan? Bigla na lang itong sumusulpot sa kung saan.

Tinulungan siya nitong makatayo ng maayos, hindi pa rin siya binibitawan. "You're drunk." It was a statement.

"W-wala kang paki. Ano naman ang ginagawa mo rito?" naalala na naman niya ang huling beses na nakita niya ito. Humingi ito ng tawad sa mga ginawa nito sa kanya. Wala siyang isinagot dito dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. She was not even sure if he was really sincere in saying that he was sorry.

"Kapatid ko ang birthday celebrant, in case hindi mo alam."

"Oh." Oo nga pala. Bakit ba niya iyon nakalimutan? Kasasabi lang ni Red ang bagay na iyon sa kanya kanina. Isa nga pala sa mga anak ni Congressman Julio Valerio si Alyssa sa dati ring artista na si Rosemarie Espino. At mababakas nga ang pagkakahawig nina Alyssa at Radley. Namana ng mga ito ang magandang lahi mula sa ama ng mga ito.

"Nasaan ang kasama mo?" masungit nitong tanong.

Hindi alam ni Via kung bakit masungit ang tono nito.

"Hindi ko makita si Red."

"'Yung boyfriend mo?" Tila maasim sa dila nito nang mabanggit ang salitang "boyfriend".

"Oo." Hindi na niya itinama ang sinabi nito. What for?

Pumalatak si Radley. "I'm taking you home. Let's go." Inakay siya nito palabas ng nightclub kahit hindi pa siya pumapayag na magpahatid dito.

"I can take care of myself, Radley. Don't bother," tanggi ni Via sa binata. Dinala siya nito sa parking lot.

"'Wag nang matigas ang ulo mo, Via. Just tell me your address."

"I'll just take a cab." Pumiksi siya. Kumuwala sa pagkakahawak nito. Hindi niya maintindihan kung bakit mas lalong nag-iinit ang pakiramdam niya kapag kadikit ito. Nahihibang na yata siya dahil nagugustuhan niya ang amoy nito at ang pagkakayapos nito sa kanya. Pero hindi tama ang nararamdaman niya. Because they were done a long time ago.

Napabuga ito ng hangin, frustratingly. "Sa lagay na 'yan? Sa tingin mo papayag akong umuwi ka nang mag-isa? No way!" i-dineposito siya nito sa itim na Toyota Fortuner nito.

Wala nang nagawa si Via kung hindi ang magpatianod dito. Sa buong durasyon ng biyahe nila ay tahimik lang siya at nang ipikit niya ang mga mata ay nakatulog na siya mula sa pagkakaupo sa passenger seat.

Nang magmulat si Via ng mga mata ay napagtanto niyang nasa ibang bahay siya. Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga sa malambot na sofa.Hindi niya sigurado kung ilang oras siyang nakatulog. Nawala na ang sakit ng ulo niya. Iginala niya ang paningin sa paligid. It was obvious that it was a bachelor's pad dahil sa mga bagay na nakita niya roon. From the furniture to the interior, halatang lalaki ang may-ari ng bahay.

"I'm glad you're awake,"

Nalingunan niya si Radley. It seemed that he had already taken a shower because he had already changed into his white shirt and boxer shorts. At masa-masa rin ang buhok nito. May dala itong tasa. "Here's a cup of coffee to help sober you up." Ibinigay nito iyon sa kanya.

Tumikhim siya. "Bakit dito mo ako dinala?" nag-iwas siya ng tingin nang umupo ito sa tabi niya. Humigop siya ng kape.

"Tinulugan mo ako bago mo pa masabi sa akin kung saan ang bahay mo. Wala naman akong puso kung hahayaan kitang matulog sa kalsada."

She was aware of their closeness. At iyon ang dahilan kung bakit tensyonada siya. Binilisan niya ang pag-inom sa kape dahil gusto na niyang umalis sa bahay nito. Hindi yata matatahimik ang loob niya kapag ganoon ito kalapit sa kanya. "Aray!" Nabitiwan niya ang tasa. Pinahid niya ng damit niya ang dila niyang napaso.

"Hindi ka kasi magdahan-dahan!" Dinaluhan siya ni Radley.

"Hipan mo!" Inilawit niya ang dila. Alam niyang mukha siyang timang pero mag-iinarte pa ba siya? Ang sakit ng pagkakapaso sa dila niya. Sumunod naman si Radley. Hinawakan nito ang magkabilang braso niya at hinipan nga nito ang nakalawit niyang dila.

Hindi niya maiwasang titigan ang mga labi nito. She could still remember how it felt against her lips. Wala siyang mapagkokomparahan sapagkat ito lang naman ang naging nobyo niya sa buong buhay niya, but aside from being an awesome drummer, he was also an awesome kisser.

Ngunit nang ma-realize ni Via kung gaano ka-awkward ang posisyon nila at kung ano ang ginagawa nila, agad niyang itinulak ito palayo sa kanya. "Okay na. Okay na ako!"

"Patingin nga."

"'Wag na. Okay na ako, sabi, eh." Umisod siya palayo rito.

Tinitigan siya nito, na parang inaalam kung nagsasabi ba siya ng totoo. Tila nanunuot sa buong himaymay ng katawan niya ang tingin nito. She could feel the tension around them. It was so strong it was very hard to deny and avoid it.

May ilang beses na lumunok ito. "May alam akong gamot para diyan sa paso mo," mahinang usal nito pagkaraan ng ilang saglit, umisod palapit sa kanya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Via. "A-ano?" Dinaga ang dibdib niya. Wala siyang ibang marinig ng mga sandaling iyon kundi ang tibok ng kanyang puso. And she could still remember that look in his eyes. Kapag ganito itong tumingin sa kanya ay isa lang ang ibig sabihin niyon...

Tumaas ang isang kamay nito at sinapo nito ang likod ng ulo niya. He looked at her lips with longing. "Ito..." and then Radley claimed her lips.

Kusang pumikit ang mga mata ni Via nang maramdaman niya ang mga labi ni Radley sa kanya. Oh, this is so freakingly familiar.

He gently nibbled her lips, and then he kissed her fervently. Na parang sabik na sabik itong mahalikan siyang muli.

Nang ibuka niya ang bibig upang magpakawala ng isang ungol ay agad na nakapasok roon ang mapangahas na dila nito. He was coaxing, teasing. He sure knew how to tickle her senses. Dahil hindi nagtagal ay tinugon niya ang paghalik nito sa kanya. She must have missed his kiss because she was kissing him back as passionately as he was kissing her. Kusang pumalibot ang mga kamay niya sa leeg nito.

Ang isang kamay nito ay banayad na humahaplos sa pisngi niya, patungo sa leeg niya, habang ang isa naman ay bumaba mula sa likod ng ulo niya patungo sa likod niya, his fingers were making small circles around her back.

Oh, dear God. Why am I kissing this Jerk? Anang isip niya subalit ayaw naman niyang magpaawat. Because to be honest, she was enjoying their kiss. She grasped her fingers on his hair and she liked the feeling of it against her palm. Her other hand was tugging the collar of his shirt like she was begging for more.

She did not know for how long they were kissing. Parang ayaw nang maghiwalay nang mga bibig at katawan nila sa isa't isa. At tila wala na silang pakialam kung magka-ubusan man sila ng oxygen sa baga.

"I want you, Olivia..." anas ni Radley nang sandaling humilay ang mga labi nito sa kanya upang halikan ang leeg niya, subalit saglit lang iyon dahil muli nitong binalikan ang mga labi niya.

Hindi namalayan ni Via kung kailan nito nahubad ang lahat ng damit niya at kahit isang pagpo-protesta ay hindi niya ginawa. Tila lahat ng galit at sama ng loob niya rito ay nawala nang mga sandaling iyon. Na ang tanging mahalaga ng mga oras na iyon ay siya at si Radley.

Via couldn't even remember how she ended up in bed with Radley. Ang huling natandaan niya nang gabing iyon ay: the pain because it was her first time, ang gentleness ni Radley sa kanya at ang huli ay halos sabay nilang isinagaw ang pangalan ng isa't isa.

FRUSTRATED NA NAPABUGA ng hangin si Radley saka initsa ang hawak na drumstick. Kung hindi nag-iba ng puwesto si Shinji ay malamang na dito tumama iyon at hindi sa pader. Lately ay hindi siya makapag-concentrate sa mga bagay na ginagawa. Mula nang magsimula sila sa rehearsal ay si Via na ang naiisip niya. Damn, Olivia! Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa stool sa harap ng kanyang drum set.

Gulat namang napatingin sa kanya ang tatlong kaibigan. "Palaging mainit ang ulo mo nitong mga nakaraang linggo. May problema ba, Rad?" tanong sa kanya ni Drew. Napahinto rin ito sa pagtugtog ng bass guitar.

Nag-sindi siya ng isang stick ng sigarilyo, saka humitit at ibinuga ang usok. Alam niyang bawal manigarilyo sa loob ng rehearsal studio ngunit sa mga oras na iyon ay wala siyang pakialam. Hindi niya sinagot ang tanong ng kaibigan. Naiinis siya dahil mukhang pinagtaguan siya ni Via pagkatapos na manggaling ito sa bahay niya. It had been more than a month and yet he couldn't get his ex-girlfriend off his mind. He couldn't resist her that night. She was beautiful, she was lovely. He would probably go crazy if he wouldn't taste her lips again. And it felt surreal kissing Via again after a long time. And then they did something more than kissing.

Tila siya mababaliw sapagkat lagi niyang naiisip ito at ang pinagsaluhan nila—ang isang bagay na hindi niya inaasahan na mangyayari sa pagitan nila. That was new because he never thought about the girls after he had sex with them the previous night. Pero pagdating kay Via ay hindi niya ito makalimutan. So, hindi pa ba isang kahibangan iyon?

He was expecting that he would wake up with her in his bed, his arms around her. Ngunit nang magmulat siya nang mga mata kinabukasan ay hindi niya natagpuan kahit ang anino nito. Her scent was filling the room and he automatically had a boner when he recalled the memories of last night. And damn, becasuse thinking about it, naaalala niyang walang ibang lalaking dumaan sa buhay ng dalaga. He felt proud and happy knowing that he was her first.

He tried to find her address and luckily he did. Ngunit nang makarating siya sa apartment nito ay nalaman niyang walang katao-tao roon. Tila naglaho na parang bula ang dalaga. He was frustrated. He really wanted to talk to her.

"I bet he was thinking about his ex-girlfriend again," anaman ni Shinji, ngumisi.

Muli siyang napahitit ng sigarilyo. "Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Mukhang pinagtataguan ako," frustrated na sabi niya.

"I told you! Via's already an ex. Balak mo ba talagang makipagbalikan sa kanya?" tanong ni Curtis.

"She's driving me crazy," pag-amin niya, nagbuga siya ng usok. Mula nang makita niya si Via sa kasal nina Jaeden at Louise ay lagi na niyang naiisip ito. Hindi niya alam kung bakit.

Sabay-sabay na pasipol ang tatlo.

"Talagang nalintikan na," iiling-iling si Drew.

"Radley's in love with Via and this time it's for real. 'Yun lang 'yun," ang sabi ni Curtis.

"Like you're in love with Katrina?" tanong naman ni Shinji kay Curtis.

Malapad ang ngiti ni Curtis. "Since a long time ago," pag-amin nito.

"Kinikilabutan ako sa pinaguusapan n'yo. Aalis na muna ako," paalam niya sa mga kabanda. He was kind of allergic talking about love and stuff. Shinji had just got recently become engaged to his girlfriend Erika. Si Curtis naman ay masaya na dahil sa wakas ay girlfriend na nito si Katrina. They were not the guys that they used to be before. Parang mga love-sick puppy kung umasta ang mga ito.

"Kung hanapin mo kaya kay Red Marasigan? Iyon ang boyfriend niya ngayon 'di ba?" ani Drew.

Nagsalubong ang kilay niya nang harapin niya si Drew. May punto ang bahista. He might as well ask Red about Via's whereabouts. Sa palagay niya ay may alam ito sa kinaroroonan ng dalaga.

Napangiti na rin si Radley. Tinapik-tapik ang balikat ng kaibigan. "Henyo ka talaga, Drew!" Sumaludo siya kina Shinji, Drew at Curtis. "Paano, sa Sabado na lang ulit?" hindi na niya hinintay na tumugon ang mga kaibigan. Tumalikod na siya at lumabas ng rehearsal studio.

He would make sure that he will get to find Via. They really need to talk.


Continue Reading

You'll Also Like

58.4K 1.3K 12
Hindi maganda ang nakilalang imahe ni Sienna bilang playgirl. At aware si Sienna doon. Wala siyang pakialam kung maya't maya man ay nagpapalit siya n...
6.3K 170 17
Bumalik sa Pilipinas si Jayson buhat sa Amerika na nagdudugo ang puso dahil sa relasyong naunsyami. He was very much ready to get married pero tinang...
6.6K 282 16
Ela Cruz was considered the meanest villain by some of her basher. Masama ang tabas ng salita sa pagpopost SA social media kapag may bagay siyang hin...
83.5K 2.6K 29
WG Sydney - The Singer Walong taon na ang relasyon nina Paolo at Sydney. Napakatagal na niyon kumpara sa mga relasyon ng iba na hindi nagtatagal at n...