Love Times Two -COMPLETED [Ap...

Por YaneyChinita

86.5K 1.9K 197

*Note: teaser is not yet official* Hindi alam ni Via kung anong espiritu ang sumanib sa kanya at puma... Más

CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
Author's Note
Author's Note ver. 02
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
Author's Note
FINAL CHAPTER

CHAPTER ONE

14.3K 173 10
Por YaneyChinita

Author's note: 

Hi, y'all! 

So as I've said before, I'll be going to delete Chapter 6 onwards of Rad and Via's story. From now on, this Wattpad version will only be having five chapters (Chapter 1-5) but you can read the full novel version once it is out in the market.

I hope you guys will still purchase the book. Thank you so much for reading, voting and for the comments. I really appreciate it. ♥

Love lots,

Yaney


"YOU'RE the most beautiful bride I've ever seen, Louise!" puri niya rito. Nais ng bride na maging natural lang ang makeup nito at sinunod niya iyon. Hindi na kailangan ni Louise ng bonggang transformation dahil natural nang maganda ang mukha nito. Via enhanced Louise's best features all while making her look classy and elegant for her wedding day.

"Thank you so much, Via! I feel like the most beautiful bride in the world!" Nasisiyahang sabi ni Louise nang lumingon ito sa kanya pagkatapos tingnan ang sarili sa salamin. She looked absolutely perfect in her lace off-the-shoulder, modern-vintage wedding dress.

Louise looked completely happy. Her eyes were glowing and she looked totally in love with her groom which was technically her husband already. Isang taon na itong kasal sa asawang si Jaeden thru civil wedding ceremony ngunit ngayong araw ang church wedding ng dalawa. Ayon sa kuwento ni Louise, si Jaeden ang naging punong abala sa sa pag-aayos ng kasal ng dalawa. Pangarap ni Jaeden na maibigay kay Louise ang magandang kasal na pinapangarap nito.

Natutuwa siyang malaman iyon dahil may mga lalaki pa palang gaya ng asawa ni Louise. Usually, it was the bride who was busy with all the details regarding the wedding.

"You're welcome," masayang sabi ni Via. "It's part of my job. And I'm happy that you love the result." Dahil buong entourage ang kailangan niyang ayusan nang araw na iyon at ayaw niyang magahol siya sa oras, napagdesisyunan niyang isama niya ang kanyang pinsan na si Marla na isa ring professional makeup artist gaya niya at dalawang hairstylists na sina Camille at Julie. She had worked with Camille and Julie for a few times kaya ang mga ito ulit ang isinama niya sa makeup gig na iyon.

"Of course. Noon ko pa sinasabi sa sarili kong ikaw ang kukunin kong makeup artist sa kasal ko. I'm actually one of your fans, Via! I follow your YouTube videos. Halos napanood ko nang lahat iyon," ani Louise.

"Wow! Really?" hindi makapaniwalang tanong ni Via sa bride.

Tumangu-tango si Louise. "Yes. Kahit ang maid of honor kong si Lissy ay fan mo rin. Nahawa na siya sa akin sa kapapanood ng makeup tutorials at vlogs mo." Ngumiti si Louise.

Napangiti siya sa mga sinabi ni Louise. Hindi niya akalain na isa pala si Louise sa mga masugid na follower ng kanyang YouTube channel. "That's awesome!" aniya.

"Sa isang makeup tutorial mo, natutunan ko kung paano gawin ang 'winged eyeliner'. I always struggle with the winged eyeliner, you know. You don't know how much you helped me a lot with your tutorial videos. So I'm very thankful to you, Via."

As a passionate makeup enthusiast, nakakataba ng puso para kay Via kapag nakakarinig siya ng mga komento na nakakatulong siya sa mga babae tungkol sa pagme-makeup at ng kahit anong may kinalaman dito sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel. Aside from being a professional makeup artist, she was also one of the most popular beauty gurus in the Philippines. Sikat na sikat ang beauty channel niya sa YouTube hindi lang sa Pilipinas, mayroon din siyang subscribers at viewers sa ibang bansa. Dahil mula pa noong teenager siya ay hilig na niya ang makeup, pagka-graduate niya sa kolehiyo ay kinarir na rin niya ang paggawa ng mga beauty and makeup tutorial videos sa YouTube.

"I'm so glad to hear that, Louise." Ngumiti siya ng matamis. It was one of Via's advocacies in life, to help a lot of girls to feel and look good all the time. Naniniwala siyang ang isang babae ay kailangang matuto kung paano ang maglagay ng makeup sa sarili.

Tinawag si Louise ng wedding coordinator at sinabi nitong oras na para sa photo op ng bride.

Inayos ni Via ang kanyang mga gamit at inilagay iyon sa kanyang bitbit na malaking makeup train case. Nang matapos ay pinanonood niya ang nagaganap na photo op ni Louise kasama ang kambal na anak nito, ang maid of honor na si Lissy at ang bridesmaids. Imbitado sila sa wedding reception nina Louise at Jaeden na gaganapin mamayang alas-sais ng gabi. Nang matapos ang kanilang mga trabaho ay nagpaalam sa kanya si Marla na magiikot-ikot muna sa country club—kung saan naka-check in ang bride at groom kasama ang pamilya ng mga ito—habang siya naman ay isinama ni Louise hanggang sa simbahan. Sa buong duration ng kasal ay makakasama siya nito mula sa simbahan hanggang sa matapos ang wedding reception. Kasama iyon sa package na kinuha ni Louise sa kanyang bridal makeup service.

KUMAKALAM na ang sikumura ni Via bago pa man matapos ang seremonyas ng kasal nina Louise at Jaeden. Breakfast pa ang huling kain niya. Hindi siya nakakain ng tanghalian dahil tuloy-tuloy ang trabaho niya. May mga pagkakataon talaga na inaabot siya ng gutom sa uri ng kanyang trabaho. At ngayon ay hindi na makapaghintay si Via na makalapit sa food stations para sa mga guests. Kung hindi pa siya makakakain ngayon ay baka himatayin na siya. She only had water since the start of the wedding ceremony.

"Nasaan si Marla? Nakita n'yo ba?" tanong ni Via kay Camille. Palinga-linga siya sa paligid subalit hindi niya makita ang pinsan.

Nagkibit-balikat si Camille. Nakilala niya ito sa isang makeup gig para sa isang sikat na fast food TV commercial no'ng nakaraang taon. Siya ang makeup artist ng endorser ng sikat na fast food chain habang ito naman ang hairstylist. "Hindi ko alam sa pinsan mo. Ang sabi niya sa amin kanina, mag-iikot lang siya dito," sagot nito.

Sinubukan niyang tawagan ang cellphone ni Marla pero hindi nito sinasagot. "Nasaan na ang babaeng 'yon?" Tumayo siya mula sa kinauupan, nagpaalam sa dalawang kasama. Susubukan niyang hanapin ang pinsan. Baka naroon lang ito sa paligid ng grand ballroom hall ng hotel kung saan ginaganap ang wedding reception.

Mga ilang minuto rin siyang nag-iikot sa buong paligid ngunit kahit dulo ng buhok ni Marla ay hindi man lang niya nakita. Muli niyang tinawagan at t-in-ext ang cellphone ni Marla ngunit hindi pa rin nito sinasagot ang text at tawag niya. Mamaya na lang niya ulit tatawagan ang pinsan dahil talagang gutom na gutom na siya.

"Haay, ewan ko sa'yo, Marla! Basta ako, nagugutom na!" kausap niya sa sarili habang naglalakad papunta sa salad and veggie bar.Natuwa siya nang makitang kasama iyon sa mga food station sa reception. She had been practicing the vegetarian lifestyle for three years. Mortal sin para sa kanya ang pagkain ng karne. Para sa vegetarian na kagaya niya, pili ang mga pagkaing puwede niyang kainin sa mga pagtitipon. She asked the server to give him a plate of Greek salad. Pagkatapos niyon ay nagtungo naman siya sa mashed potato station. Nang makuntento sa mga pagkaing kinuha ay nagbalik na siya sa mesang naka-reserve sa kanila ng mga kasama.

Nagsimula ang programa nang ang lahat ng mga bisita ay nakaupo na at nagsisimula nang kumain.

"Ang guwapo naman niya!" Hindi napigilang magkomento ni Via habang nakatingin sa bestman ni Jaeden na nagsasalita sa harap upang i-congratulate ang bride at groom. Kung ubod na ng guwapo ang groom ni Louise, hindi rin naman magpapahuli ang bestman nito na Yuan ang pangalan.

"Oo nga! Parang ang guguwapo ng mga kalalakihan dito, ha," kinikilig namang sambit ni Julie. Ito naman ang pinakabata sa kanilang apat. She was twenty-one. Kaklase ito ni Camille sa hairstyling class.

"Baka dito mo na makilala ang soulmate mo, Via!" anaman ni Camille.

"Hindi na rin masama kung si Yuan na 'yon," ang sabi naman niya. Hindi siya hopeless romantic na tao pero hindi na rin masama kung doon siya makakatagpo ng kanyang "the one". It had been four years since she had a relationship. At pagkatapos niyon ay wala na siyang naging ibang ka-relasyon.

"How about Red? Di ba, you guys are dating?" ang tanong naman ni Julie.

Napalingon naman si Camille kay Julie. "Hindi mo pa ba alam?"

"Hindi alam ang ano?" curious namang tanong ni Julie.

"Kasama sa federacion si Red!" gagad ni Camille. Malisyosang tumawa pa ito.

"Hoy! Hinaan mo ang boses mo, baka may makarinig sa'yo dito!" sita naman niya kay Camille. Pinandilatan pa niya ito ng mga mata.

The Red they were talking about was her friend Red Marasigan—every girl's dream boy. Isa itong artista at isa sa pinakasikat sa henerasyon ngayon. He was tagged as the Ultimate heartthrob. They've been friends ever since dahil magkaibigan din ang kanilang mga magulang. Sa katunayan nga ay inirereto sila sa isa't isa ng kanilang mga magulang. She loved Red but that love was platonic. At gano'n din naman si Red sa kanya. Walang nakakaalam maliban sa kanilang dalawa—na ngayon ay alam na rin pala ni Camille— that he was in fact, a closet gay. May mga pagkakataong gusto na nitong mag-come out subalit maraming mga bagay na humahadlang doon. Malaki ang posibilidad na mawalan ito ng career kapag inamin nitong bading ito. Kahit nga sa mga magulang nito ay hindi ito umaamin. Minsan ay naaawa na rin siya dito dahil alam niyang nahihirapan na ito sa sitwasyon nito. Hindi naman siya nagkulang sa pagbibigay ng advice sa kaibigan. She always kept on telling Red that he should follow his heart. Follow what makes his heart happy. Ngunit sa ngayon ay natatakot pa itong magladlad. Hindi lang dahil sa career at kasikatang tinatamasa nito ngayon ang ayaw nitong mawala, kundi na rin sa ama nito. Retired military general ang daddy ni Red. At kung malalaman ni Uncle William ang tungkol sa itinatago nitong sikreto ay nasisiguro na nilang pupulbusin ito ng ama.

Para kay Red, malaking tulong para dito na napapagkamalan ng mga tao na girlfriend siya nito. Kapag may public appearances ito na kailangan nito ng ka-date ay siya ang palagi nitong niyayaya. Almost everyone in this country assumed that they were exclusively dating. At marahil ay isa iyon sa mga dahilan kaya wala masyadong nagbabalak na lumigaw sa kanya. Wala rin namang nagtatanong sa kanya kung totoo iyon o hindi maliban sa mga kaibigan niya. And both she and Red did not bother to explain to anyone about their status.

"Bading si Red?!" hindi makapaniwalang sambit ni Julie, nanlalaki ang mga mata.

"Shut up, you two! May makarinig sa inyo dito," saway ni Via sa dalawa.

"Malay ba nila rito kung sinong Red ang pinaguusapan natin," wika naman ni Camille, ayaw paawat. Binalingan nitong muli si Julie. "And yep, Red is gay. Malakas ang gaydar ko. Noon ko pa napi-feel na berde ang dugo niya kaya nga virgin na virgin pa rin 'yang si Maria Olivia dahil hindi siya type chukchakin!"

"Tse! Magtigil ka nga riyan, Camille! Napaka-tsimosa mo talaga kahit kailan. Pati viriginity ko, tsini-tsismis mo sa iba." Ingos ni Via, sumubo ng mashed potato. Sanay na siya sa pagiging tsismosa at intrigera ni Camille. Ganoon na ito noon pa mang una silang magkakilala. So far, hindi pa siya napipikon sa mga hirit nito. Ngayon lang siguro. Ginagawa kasi nitong kakatawanan ang pagiging virgin niya.

"Malay mo, ngayong gabi ma-deflower ka na." hirit pa ulit ni Camille sa kanya. Tatawa-tawang sabi nito.

"Gaga ka talaga! Shut up!" saway niya ulit kay Camille. Kulang na lang ay hampasin niya ng hawak na tinidor ang bunganga nito.

Humalakhak lang ang babae.

"Pero ang guwapo ni Red. Paanong bading pala siya? Bagay na bagay pa naman kayong dalawa." Tila hindi matanggap ni Julie ang natuklasan tungkol kay Red.

"Kahit nga si Matt Bomer na super pogi, bading din, 'di ba?"halos ibulong niya ang sinabi kay Julie. Naiinitindihan niya na na-upset ito nang malaman ang tungkol kay Red dahil paborito nito ang lalaki.

"Let me have your attention, ladies and gentleman," anang MC sa harap na nagpabalik sa atensyon nina Via sa nagaganap na programa. Nasa gitna ng dance floor ang bagong kasal. "Now, Jaeden and Louise will be having their first dance as husband and wife. And with that, let me introduce to you, our special guest. They took the time to grace Jaeden and Louise's wedding and they will be playing for us. Medyo mahirap nang kunin ang grupong ito dahil alam n'yo naman ang mga sikat," bahagyang tumawa ang MC. "But since they are Jaeden's friend and Louise's favorite band, pumayag silang tumugtog para sa mag-asawa kahit na sobrang busy nila. Anyway, hindi ko na patatagalin pa, here's the band Vampyres!" pumalakpak ang lahat ng tao sa loob ng ballroom hall maliban sa kanya nang banggitin ng host ang pangalan ng grupong tutugtog para sa gabing iyon.

Her heart skipped a beat when her eyes saw a familiar figure. It had been a while since she had last seen him.

"Oh my, golly gawgaw! Special guest nila dito ang Vampyrers?! OMG!" tili ni Julie.

Napahawak si Camille sa magkabilang pisingi nito na tila nagha-hyperventilate pagkakita sa apat na lalaking nasa harap at binabati ang bagong kasal pati na ang mga guest ng mag-asawa. "Shet! Ang guwapo ni Shinji! Ang guwapo ni Drew! Ang guwapo ni Curtis! Ang guwapo ni Radley! My god!" paulit-ulit na sabi nito.

Hindi lang sina Julie at Camille ang na-excite nang makita ang grupong Vampyres kundi halos lahat ng kababaihan sa lugar na iyon ay hindi napigilan ang maghiyawan. Sa bagay na iyon ay hindi na siya magtataka sapagkat sikat na sikat sa buong bansa ang rock band na Vampyres. Kahit ang mga matatanda ay mukhang natuwa rin nang makita ang mga ito.

Kahit na mga rakista ang apat na lalaki, they were dressed in semi-formal suits which was actually appropriate for the event. And they all look good if she must admit. Especially... that particular man she thought she would never get the chance to see again after four years.

Sa loob ng apat na taon ay maraming beses siyang umiwas sa mga pagkakataong maaari niyang makasalamuha ito. He was technically a celebrity being a rockstar. At siya naman ay masasabi din namang celebrity in her own right. So may mga okasyon na maaari niyang makita ito. Ngunit hindi niya inaasahan na sa lahat ng lugar ay doon pa niya makikita ang lalaki. Malay ba niyang kaibigan ito ng groom at isa ito sa mga guests doon?

Hindi pa ganoon kasikat ang banda nito nang huli silang magkita. Alam niyang pa-gig-gig lang ang banda nina Radley sa mga maliliit na bars noon. Maraming beses na nanood siya ng mga gig ng banda nito noon. Ngayon ay sobrang sikat na ito at ang grupo nitong Vampyres. Radley Valerio was the most beloved drummer in the entire nation especially the female population of the Philippines. OA ang description niya iyon ngunit alam niyang may bahid ng katotohanan iyon. They were no longer together now; pero kahit paano ay updated siya sa buhay nito. Paanong hindi? Mula sa TV, Radyo, Diyaryo at Internet ay laging nababalita ang grupo nito.

Parang gusto na niyang umalis para hindi na sila nito magkaharap. Subalit alam niyang hindi rin tamang gawin iyon dahil hindi pa tapos ang programa sa wedding reception ni Louise. That would be so unprofessional of her kung aalis siya roon na wala man lang paalam sa kliyente niya. And besides, bakit ba ayaw niyang makaharap si Radley? Apat na taon na ang nakalipas. Sa loob ba ng apat na taon na iyon ay hindi niya nakalimutan ang mga namagitan sa kanila? If so, that would be stupid, right? Nakakahiya kasi ang ginawa mo sa kanya! Paalala sa kanya ng isip niya. Pero kasalanan naman ni Radley 'yon! He deserved it! Kontra naman ng isa.

Kung ang lalaki nga ay matagal nang naka-move on sa kanya. Hindi lingid sa kanya na kung sino-sino ang naging girlfriend ni Radley pagkatapos niya. Well, gawain na iyon ni "Hudas Escariote" noon pa man. Radley was one of the resident playboys of the band Vampyres alongside the guitarist Curtis Feliciano. Sa katunayan ay kilala ang dalawang lalaki bilang "The Playboy duo".

Inalis niya ang paningin sa harap nang magsimulang tumugtog ang Vampyres para sa first dance ng bagong kasal. The band was playing the song "Marry Me" by the American pop-rock band "Train".

Muling binigyan ni Via ng atensiyon ang kinakain. Hindi naman siguro malalaman ni Radley na naroon siya, right? Malaki ang grand ballroom hall na kinaroroonan nila at masyadong maraming guest para mapansin pa siya nito. At as if namang may pakialam ang lalaki kung makita man siya nito roon.

"Bigla namang nanahimik ka diyan. May problema ba, Via?" puna ni Julie sa kanya.

Umangat ang tingin niya kay Julie saka umiling. "Wala... wala naman." Inabot niya ang baso ng tubig saka uminom.

"Sigurado ka?" paniniyak ni Julie.

She gave Julie a slight smile. "I'm okay. Don't mind me." Kinumpas niya ang isang kamay upang i-assure ito na ayos lang siya.

"Hindi ka interesado sa Vampyres? Parang ikaw lang ang hindi excited na makita sila rito," wika naman ni Camille.

"I'm not a fan, so I'm really not interested about them." She lied. Because the truth was, she used to be a fan of the band even before she and Radley became a couple. Sa katunayan din ay sa isang gig ng mga ito sila nagkakilala noon. Si Radley ang paborito niya sa grupo. Para sa kanya ay ito ang pinakamagaling na drummer sa mundo. She must admit that Vampyres's songs were really beautiful and they make great music. At magaling at talented naman talaga ang mga miyembro nito. Ngunit nang maghiwalay sila ni Radley ay tinigilan na rin niya ang pagsubaybay sa mga ito.

"You're so weird, Via. Ang guguwapo kaya nila, makalaglag panty! Magagaling pa!" Ani Camille, in all her fangirl mode.

"Panty lang naman ninyo ang affected, hindi naman ang sa akin. If that makes me weird, well, I don't really care." She flipped her hair nonchalantly. She tried her best to act like she really didn't care about them at all.


Seguir leyendo

También te gustarán

3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
417K 21.9K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
28.6K 1.5K 25
"I'm going to marry you whether you like it or not." ***** "Gentleman ka pala," sarkastikong sabi niya at pasalyang inilagay sa backseat ang mga male...
3.8K 119 15
Imee - The Cake Expert Gusto niya sanang mag-isip pero sa halip na makapag-isip siya ay ang halik ni Janus ang pumupuno sa balintataw niya. At hindi...