Olympus Academy (Published un...

Por mahriyumm

20.7M 760K 257K

◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a s... Mais

"Semideus Saga"
Upon Reading...
I | The Summoning
II | Break Of Day
III | Officially A Student
IV | First Meet
V | Claiming Ceremony
VI | The Alphas
VII | First Day
VIII | In Action
IX | The Swan
X | Her Daughter
XI | The Silent Years
XII | Field Commotion
XIII | New Dawn
XIV | A Threat
XV | Potential
XVI | Power Limit
XVIII | The Mission
XIX | Composed
XX | Finding Theo
XXI | Semideus
XXII | The Search
XXIII | Village Witches
XXIV | Hesperides
XXV | Terraria
XXVI | Mayethrusa
XXVII | Cup Of Coffee
XXVIII | Arcadia
XXIX | The Return
XXX | Back In School
XXXI | Unsolved
XXXII | Alarms
XXXIII | Danger
XXXIV | Polyphemus
XXXV | Maps
XXXVI | Anxious
XXXVII | Uncertainties
OLYMPUS ACADEMY: BOOKS I & II
XXXVIII | Perplexed
XXXIX | Glimpses
XL | Written
XLI | Energy
XLII | God of Connections
XLIII | Divided
XLIV | Nightmares
XLV | Finders Keepers
XLVI | The Alpha Way
XLVII | Sub Silentio
XLVIII | Therapy
XLIX | Overseers
L | Sensed
LI | The Elite
LII | Reunited
LIII | In Control
LIV | Silence
LV | Lanterns
LVI | Awaiting
LVII | Intruder
LVIII | Grounded
LIX | Reinforcements
LX | Rivers
LXI | Pricked
LXII | Captured
LXIII | Supreme Divination
LXIV | New Reality
LXV | Child of Light
LXVI | Taken
Book Note
Epilogue
OA: PLAYLIST
2nd Book
Round 2

XVII | Attractions

326K 12.4K 8.1K
Por mahriyumm

Cesia's POV

Pinapaikot ko sa aking kamay ang ballpen habang nakikinig sa discussion ni Madam Viola. Umm... yung totoo, pinipilit ko lang yung sarili ko na makinig sa kanya kahit mas maingay ang malalakas na kabog sa aking dibdib. Kabadong-kabado kasi ako sa mangyayari sa PE mamaya.

Sinunod ko naman yung payo ni Doc Liv na magpahinga at bawas-bawasan ang pag gamit ng abilities ko... pati na rin yung pag-activate ng weapon ko.

Isang mariing sulyap ang ibinaling ko kay Trev na binibigyan ako ng nakakamatay na tingin.

Ilang segundo rin kaming nagpasamaan ng tingin sa isa't-isa.

Baka akala niya nakalimutan ko na yung ginawa niya sa'kin? Mas mahalaga pa ata yung reputasyon niya kesa sa'kin eh kaya madali lang para sa kanya na hagisan ako ng mga kunai na may lason.

Nanlaki ang aking mga mata nang magring na yung bell. Bumilis ang tibok ng aking puso at kung anu-anong alarms na ang ipinadala ng aking utak sa sarili kong sistema.

Nagsilabasan na kami. Tila nakabilang ang bawat hakbang namin patungo sa training room dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko.

On a positive note, nagawa ko namang ubusin yung mga wolves last time diba?

Pero... medyo masaklap nga lang yung ending kasi nahimatay ako.

Pagpasok namin, sinalubong kami ng nakangiting Sir Rio. "Finally, nandito na kayo." Lumapit siya sa'min. "Where were we? Oh right..." Sinenyasan niya kami ni Trev na pumagitna na sa training room.

"Pwede naman nating ipostpone yung training, just so you know." tugon sa'kin ni Ria. Pinadalhan din ako nina Art at Kara ng nag-aalalang tingin.

Nginitian ko sila. "Okay na ako."

HINDI AKO OKAY.

"Are you sure?" karagdagan niyang tanong na tinanguan ko.

Napalunok ako saka tumungo. Nagmistulang isang malaking achievement para sa'kin ang pagdating ko sa gitna. Nanlalambot kasi ang tuhod ko at di ko inasahang matitirang matibay ang mga ito.

"Sky and beauty... begin."

Nahuli ko ang panandaliang pagbago ng ekspresyon sa mukha ni Trev pagkatapos bigkasin ni Sir ang salitang 'Sky'. Nagkaroon ng kakaibang kislap ang kanyang mga mata, na para bang nawala siya sa kanyang sarili sa sandaling 'yon.

Umiling-iling ako at hinarap ang mga lobo na nasa dulo ng silid. Dapat kasi sa training ako mag-focus hindi sa partner ko. Aish. Ano ba.

Otomatikong gumalaw paatras ang isang paa ko pagkatapos malaman na dalawang packs ang lalabanan namin... agad-agad.

"I've learned of what happened during your preparatory training." sambit ni Sir Rio. "Considering that one of you just made a trip to the clinic, I might have to add additional points. Ngunit katumbas din nito ay ang pagtaas ng standards ko sa inyong dalawa. I expect you to finish all three trials smoothly."

May additional points nga, pero tumaas naman yung standards niya.

Ano ba ang dapat kong reaksyon d'yan?

Nakita ko nalang si Trev na kinuyom ang kanyang palad. Lumiwanag ang kanyang braso dahil sa kuryente na lumabas mula sa kanyang balat. Tumakbo ito patungo sa kanyang kamay saka bumuo ng isang... lightning bolt?

Yan yung weapon na ibinigay ni Zeus bilang grace para sa anak niya?!

"Look ahead of you." aniya sabay hagis nito sa direksyon ng mga lobo. Lumiko ito nang pakurba habang nasa ere at nang mapapalapit sa dingding, lumabas mula dito ang kumikisap-kisap na mga linya ng kuryente at kumonekta sa bahagi ng pader na nadadaanan nito. Ganoon din ang nangyari nang nilagpasan nito ang mga lobo, tila kumakalat ang daloy ng kuryente ng lightning bolt sa mga bagay o nilalang na umaaligid sa landas nito.

Tumama ito sa tagiliran ng lobo na nasa gitna ng kalahating pangkat dahilan na mapa-ungol ito sa sakit. Mas malaki ang katawan nito kung ikukumpara sa iba at isang salita lang ang lumabas sa isipan ko.

"Alpha." bulong ko.

Namalayan na ng mga miyembro ng isang pack ang nangyari sa kanilang alpha kaya sabay-sabay ang mga itong umatake.

Kasunod na nalusaw sa hangin ang lightning bolt na nakatirik sa alpha. Lumutang ang iilang fragments ng liwanag at sa isang iglap, bumalik ang mga ito sa kamay ni Trev at naghugis lightning bolt ulit.

"I said..." nag-abot ang aming tingin. "Direct your gaze towards your enemies. Not to me."

Agad kong inalis ang aking atensyon mula sa kanya at inilipat ito sa pangalawang pack ng wolves.

Lumutang mula sa likuran ng nagkukumpulang mga lobo ang isa pang alpha wolf. Nakatuon ang mga mata nito sa'kin nang dahan-dahan itong tumungo sa harapan ng pangkat. Kasunod na inilabas nung iba ang matatalim at malalaki nitong mga ngipin.

Tumigil sa gitna ang alpha... saka ito umalulong nang malakas.

Sinubukan kong maghanap ng koneksyon sa pagitan namin nung alpha pero mahina lang ang naging kapit nito dahil sadyang mas matibay yung state of consciousness niya.

"Oh Gods."

• • •

Naka-apat na packs na kami. Ibig sabihin, ito na ang panghuling batch namin.

Sinipa ko ang ulo nung lobo sabay yuko nang maramdaman ko ang presensya ng isa pa na nasa likod ko at akmang tatalunan ako.

Napasigaw ako nang nakagat nung isa yung binti ko. Kagaya ng ginawa ko dati, inutusan ko itong bitawan ako.

Ba't ba target nila yung binti ko ha?!

Mabuti nalang at hindi gaanong malalim yung sugat kaya nakatayo pa ako. Pinadalhan ko ng naiiritang tingin yung nakakagat sa'kin. "Kung gutom na gutom ka na, pwede mo namang kainin yung iba." bulong ko. "Eat them alive." Nagdulot ng sakit sa aking ulo yung utos ko, pero masasabi kong worth-it naman ito dahil umikot yung lobo at nagsimulang punitin ang mga balat at kalamnan ng lobo na katabi niya.

Dalawang lobo ang lumundag sa aking harapan. Umangat ang kanilang mga nguso kasama ang kanilang mga unahang paa kaya napaatras ako. Gamit ang aking weapon, kinontrol ko ang bigat ng kanilang mga katawan saka isinalpok ang mga ito sa pader.

Napaluhod ako nang sakmalin ng lobo yung braso ko. Hinatak pa niya ako pababa kaya napahilata ako sa sahig.

"Cesiaaaa!!" narinig kong sigaw ni Art.

Diniinan nung lobo ang kanyang mga ngipin sa aking balat at bahagyang pinihit ang ulo nito dahilan na mapaiyak ako sa sakit. Bago pa tuluyang mabali ang aking braso na nakaipit sa kanyang bunganga, bigla itong bumitaw.

Nanginginig ang aking kamay nang hawakan ang braso kong duguan. Nakaupo ako habang tinitignan yung bahagi ng aking balat na tila napunit kaya kitang-kita ang kalamnan sa ilalim nito.

Inangat ko ang aking ulo nang dumaan sa harapan ko si Trev na seryosong nakatuon sa nanghihinang lobo. Tumayo ako at sinundan siya ng tingin. Saka ko nakita ang maliit na ipo-ipo na nakalutang sa ibabaw ng kanyang palad. Naglaho ito at nabigla nalang ako nang muli akong napaupo sa sahig dahil sa napakalakas na tulak ng hangin na nagmumula sa kinatatayuan niya.

Dahil din dito, tumilapon paitaas ang mga lobo na nakapalibot sa'min at tumalsik sa iba't-ibang direksyon.

Tumigil siya sa harap nung lobo na naging sanhi ng malalim na sugat ko. "Tch." Tumawid ang kuryente mula sa kanyang mga kamay patungo dito na nakahiga at humahangos. Tila pumasok sa katawan nito ang kuryente at mayamaya pa'y napapikit ako dahil bigla-bigla nalang itong sumabog.

Pagdilat ko ng aking mga mata, napansin ko ang pagbangon ng apat mga lobong nasa kabilang area ng training room.

Pero hindi natuloy ang balak ng mga ito na umatake dahil sa biglaang paninigas ng kanilang mga katawan.

"Tama 'yan..." mahina kong tugon. "Kalaban niyo ang isa't-isa." Ilang sandali pa'y napangiti ako nang makita silang apat na nagpatayan.

Dahan-dahan akong humiga nang hindi binibitawan ang sugatan kong braso. Humihingal ako habang nakatutok sa kisame ng training room.

Dumaan ang ilang segundo ng katahimikan...

"That was one epic performance!" umalingawngaw ang boses ni Sir Rio. "That's an A+ for the both of you."

Pumunta sa kinaroroonan ko sina Art, Ria at Kara. Yumuko sila para tignan ako. "Cesia? Are you okay?" tanong ni Ria.

Inabot ni Kara ang kamay niya para tulungan akong makatayo. Nang makatayo na ako, sinulyapan ko si Trev na hindi pa rin gumagalaw at nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanyang mga palad...

"Trev my bro!" lumapit si Chase sa kanya, kasama sina Cal at Dio. "Dahan-dahan lang tayo sa pag-impress sa mga chix ano? Baka pati boxers ni Cal malaglag dahil sa mga galawan mo 'tol."

Mahinahong ibinulsa ni Trev ang kanyang mga kamay at sinamaan ng tingin si Chase.

"Your schedule will be moved again." anunsyo ni Sir Rio. "Enjoy the rest of the day Alphas."

Sinubukang hawakan ni Art yung braso ko kaya inilayo ko ito sa kanya. "T-teka..." Napatingin ako dito at napansing hindi na ito ganoon kalalim nung una ko itong nakita. Pero, nakakapangiwi pa rin itong tignan...

"Hmm..." Inilapit niya ang kanyang mukha sa sugat ko para suriin ito. "Ruptured pa rin yung muscle sheaths mo ih... hindi ka ba nahihilo? Ang dami kayang dugo-"

Dahan-dahan kong ibinukas-sara ang aking mga mata nang makaramdam ako ng pagkahilo. "N-nahihilo na..." nanghihina kong sagot. Sinandal ko ang aking ulo sa dibdib ni Kara na siyang pinakamalapit sa'kin. Naramdaman ko ang kanyang braso na nasa likod ko at kamay na mahigpit na nakahawak sa aking balikat para pigilan akong dumausdos pababa.

Pinikit ko ang aking mga mata.

"Cesia?" narinig ko si Ria. "Makakalakad ka pa ba?"

"Mmm..." tumango ako.

• • •

Pagkatapos tanggalin yung self-adhesive dressing na nasa binti ko, kasunod na tinanggal ni Doc Liv ang bandage na nasa braso ko. "The thread dipped in ambrosia that I used for your stitches has already dissolved into your skin..."

"Are you uncomfortable? Do you still feel any pain?" sunod-sunod ang kanyang mga katanungan. "Perhaps, any weird sensation on your skin?"

Umiling-iling ako.

Nakaupo ako sa sofa na nasa gitna ng lobby area ng clinic. Nasa harapan ko si Doc Liv, na nakaupo sa isang maliit na stool habang chinicheck yung mga sugat ko. Pati na rin ako ay napatingin dito at laking gulat ko nalang nang makitang nawala na ang mga sugat at bumalik na din sa maayos na kondisyon ang balat ko.

"Asa'n na ba yung pasyente namin?!" biglang pumasok si Ria. Kasama niya sina Art at Kara na dumiretso ang mga mata sa gawi namin ni Doc Liv.

Napasimangot si Doc. "Lower your voice, Ria." Agad niya namang pinagsisihan na si Ria lang ang sinabihan niya n'on dahil dapat pala, kasali si Art.

"Cesiaaa!" sinigaw ni Art ang pangalan ko na may halong tili sa bandang huli.

"See? Sinabi ko sa inyo, maga-adapt din yung katawan niya." ani Ria nang makalapit na sila sa'kin.

Napangiti ako pagkatapos maalala ang nangyari kanina. Mula sa training room patungo sa clinic, inalalayan nila ako sa paglakad. Muntik na ngang mapaaway si Ria sa isang grupo ng mga Gamma students na nakatayo sa gitna ng corridors. Hindi kasi nila kami napansin kaya nagsummon si Ria ng espada at ipinahilig ito sa kanila.

Pagdating namin sa clinic, pinasok nila ako sa isa sa mga cubicles at doon pinahiga. At dahil wala pa si Doc, lumabas muna sila para bumili ng pagkain. Bumalik sila bitbit ang lunch namin, at kasama na si Doc na naabutan nila sa hallway at galing pa pala sa klase.

Tapos habang tinatahi ni Doc yung hiwa sa braso ko, sinusubuan ako nina Ria at Art ng pagkain dahil ayaw daw nilang malipasan ako, lalo na't nanghihina pa ako.

Sa huli, binigyan ako ni Doc ng pampatulog atsaka umalis na sila para hayaan akong makapagpahinga.

"Pwede na ba siyang lumabas?" sabay kisap-kisap ng mga mata ni Art. "Pwede na po ba? Hmm?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Doc pagkatapos siyang bigyan ng signature puppy eyes ng anak ni Apollo. "Alright." Tumayo siya. "But see to it that you get a lot of rest okay?" huli niyang payo sa'kin bago ako i-dismiss.

Lumabas na ako ng clinic kasama yung tatlo at nalamang pagabi na pala.

"Alam mo ba Cesia, sa sobrang graceful ng mga galaw mo kanina sa training, para ka lang sumasayaw..." ani Art.

Naglalakad kami sa hallways, papuntang dorm, nang napahinto kami dahil hinarangan kami ng isang lalaki. Hindi siya naka-uniform pero napagtanto kong estudyante siya dahil sa pin niya na letrang 'B'... at may dala rin siyang isang bouquet ng red roses...

Lumapit siya sabay abot nito sa'kin. "It's for you."

"U-Umm..." tinanggap ko ito. "Thank...you?" Para saan naman 'to?

"I'm West." pagpapakilala niya. "Son of Aglaea, youngest of the graces."

Napansin ko ang iilang mga estudyante na nakatutok sa'min. Sina Ria din naman, binibigyan nila ako ng nanunuksong mga tingin.

"Well? Does the beautiful lady approve of my gift?" tanong niya.

"I... appreciate it." sagot ko at nginitian siya dahilan na lumiwanag ang kanyang mukha.

"You should... because I'll be sure to send more." Kinindatan niya ako bago umalis.

Kasunod na humalakhak si Ria. "What in the realm just happened?"

"Yieee... meron na siyang admirer na hindi secret oh." marahan akong siniko-siko ni Art. "Iba talaga pag anak ni Aphrodite ih!"

Hindi pa sila tapos sa pag-uusap nang makapasok na kami sa dorm. Kinuha rin ni Kara ang mga bulaklak mula sa'kin para mahugasan ito at hanapan ng lalagyan.

"We dropped by the classroom." ani Dio na kapapasok lang kasama yung iba. "...and we heard our newest member is already receiving gifts?"

Ang bilis naman palang kumalat ng balita dito...

"From the one and only West of the Beta Class." pagbubunyag ni Ria.

Nagkibit-balikat naman si Dio. "Why wouldn't he? His mother is the grace of splendor, afterall. He knows what to do when he sees someone with splendid appearance."

"Itong si Cesia oh! Kinikilig na 'yan deep inside." hindi pa tapos si Art sa panunukso sa'kin tungkol sa nangyari kanina. "Hekhekhek~"

"Should I put these in your room?" tanong ni Kara sa'kin, bitbit ang transparent vase kung saan niya inilagay yung mga bulaklak.

"Dito nalang 'yan... overcrowded na kasi yung table ko sa kwarto eh."

Ipinatong niya ito sa telephone stand, katabi nung telepono. Nagpasalamat ako kay Kara saka tumayo para matignan din ito.

Kinuha ko ang isa sa mga rosas saka inamoy ito.

Imbes na mabanguhan, napaurong ako ng kaunti nang sumalubong sa ilong ko ang masangsang na amoy, na tila winisikan yung bulaklak ng matapang na asido.

Ibinalik ko ito sa vase.

Pagkatapos, naramdaman ko ang pagtulo ng mainit at makapal na likido mula sa ilong ko. Marahan ko itong pinunasan gamit ang likod ng aking kamay, atsaka ko nakita ang dugo.

"Cesia? May request ka ba para sa dinner natin?" Napaangat ako ng ulo nang tanungin ako ni Art.

"U-uhh..." muli akong napatingin sa kamay ko at napansing nawala na yung dugo.

Continuar a ler

Também vai Gostar

2.3K 13 1
𝙏𝙖𝙜𝙨: 𝙁𝙖𝙣𝙩𝙖𝙨𝙮. 𝙍𝙤𝙢𝙖𝙣𝙘𝙚. 𝘼𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣. 𝘼𝙙𝙫𝙚𝙣𝙩𝙪𝙧𝙚. Alina Nieves is an excellent student of the Academy of Magic. Due to this...
13.8K 190 11
Aking iaalay mga tula Haiku, Tanka at Tanaga Nawa'y maunawa Maiksi lang ang mga salita Ngunit sa likod nito'y misteryong konti lang ang makakakita ...
2.8K 1.5K 53
Love in Chat Series #1: [✅] Facebook to Messenger. ❇❇❇ Austrian Juxe Montecelio is a male rp'ier who is known for his shared post memes. He's been lo...
2.4M 184K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...