Olympus Academy (Published un...

By mahriyumm

20.7M 761K 257K

◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a s... More

"Semideus Saga"
Upon Reading...
I | The Summoning
II | Break Of Day
III | Officially A Student
IV | First Meet
V | Claiming Ceremony
VI | The Alphas
VII | First Day
VIII | In Action
IX | The Swan
X | Her Daughter
XI | The Silent Years
XII | Field Commotion
XIV | A Threat
XV | Potential
XVI | Power Limit
XVII | Attractions
XVIII | The Mission
XIX | Composed
XX | Finding Theo
XXI | Semideus
XXII | The Search
XXIII | Village Witches
XXIV | Hesperides
XXV | Terraria
XXVI | Mayethrusa
XXVII | Cup Of Coffee
XXVIII | Arcadia
XXIX | The Return
XXX | Back In School
XXXI | Unsolved
XXXII | Alarms
XXXIII | Danger
XXXIV | Polyphemus
XXXV | Maps
XXXVI | Anxious
XXXVII | Uncertainties
OLYMPUS ACADEMY: BOOKS I & II
XXXVIII | Perplexed
XXXIX | Glimpses
XL | Written
XLI | Energy
XLII | God of Connections
XLIII | Divided
XLIV | Nightmares
XLV | Finders Keepers
XLVI | The Alpha Way
XLVII | Sub Silentio
XLVIII | Therapy
XLIX | Overseers
L | Sensed
LI | The Elite
LII | Reunited
LIII | In Control
LIV | Silence
LV | Lanterns
LVI | Awaiting
LVII | Intruder
LVIII | Grounded
LIX | Reinforcements
LX | Rivers
LXI | Pricked
LXII | Captured
LXIII | Supreme Divination
LXIV | New Reality
LXV | Child of Light
LXVI | Taken
Book Note
Epilogue
OA: PLAYLIST
2nd Book
Round 2

XIII | New Dawn

331K 12.5K 5.4K
By mahriyumm

Cesia's POV

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock. Umupo ako at kinuha yung orasan para tignan kung anong oras na.

'3: 30 am'... Binalik ko ito at kinusot-kusot ang aking mga mata.

Nakatitig ako sa harap nang alalahanin ko ang dahilan kung bakit ako nag-set ng alarm. Pagkatapos kasi ng nangyaring movie marathon namin, may napag-usapan kami ni Trev tungkol sa one-on-one training...

'Cesia.' muli kong narinig ang boses niya. 'You need practice.'

Tahimik lang ako habang minamasdan ang mga ibon na lumilipad sa himpapawid... naghihintay din ako na sabihin niyang ayaw niyang makipag-partner sa'kin sa PE.

'This Saturday. Training Room. Two hours before sunlight.'

Kumisap-kisap ako sabay lingon sa kanya. 'Tutulungan mo'ko?'

'I'm doing this for myself.' Tinalikuran niya ako. 'So you won't humiliate me.' Bumalik siya sa loob at iniwan akong di makapagsalita.

Palihim ko siyang inirapan. Eh paano kung gusto ko siyang ipahiya sa harap ni Sir Rio at nung iba? Huh? Kung maka-underestimate sa'kin akala mo naman ipinanganak siyang marunong nang mag self-defense. Bakit? Nag ta-taekwondo na ba siya nung sanggol pa siya?

Nagpalit ako ng puting camisole na sinapawan ko ng lightweight t-shirt na kulay pink, at black running shorts. Nagsuot rin ako ng puting rubber shoes saka itinali ang aking buhok. Overall, para lang akong pupunta sa gym dahil sa outfit ko.

Dahan-dahan akong lumabas ng dorm. Pagkatapos kong isarado yung pinto nang walang ingay, dumiretso na ako sa aking destinasyon.

Nakakapanibagong maglakad sa corridors na walang mga estudyante. Binilisan ko pa ang paglakad dahil pakiramdam ko nasa isang horror movie ako.

Itinulak ko ang malaking pinto ng training room. Pumasok ako at nakita siyang nakatayo sa gitna. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay.

"Remind you, I will not deal with a demigod who is constantly late."

Hindi ko siya sinagot at pumunta sa gitna ng room. Bagong gising lang ako at ayokong makipagtalo sa kanya na hindi dapat ako ang sisihin dito, dahil kung tutuusin, sa dalawampu't-apat na oras ng isang araw, pinili niya akong i-train nang ganito kaaga.

Napahikab ako sa harap niya.

"We'll start in using your weapon." Umatras siya. May binunot siyang mga maliliit na kutsilyo mula sa kanyang bulsa dahilan na mawala yung antok ko.

"T-Teka-" wag mong sabihin balak niyang paliparin sa'kin ang mga 'yan?!

"These kunai were dipped in the blood of a Gorgon. Come in contact with the blades, and you will burn." Naghagis siya ng isa, at dumaan ito sa braso ko kaya napangiwi ako sa hapdi. Tinignan ko ang iniwang sugat nito na ngayo'y dumudugo.

"Seryoso ka ba?!" naiinis kong tanong sa kanya.

Nagpalitan kami ng matatalim na titig, at pagkalipas lamang ng ilang segundo, natagpuan ko ang aking sarili na umiilag sa binabato niyang kunai.

"wait lang-wait lang sabi eh!" tumatakbo-takbo ako sa iba't-ibang direksyon. Kahit saang banda ng training room ako napupunta, tina-target niya pa rin ako kaya nakatanggap ako ng ilang paso at hiwa sa aking katawan.

Gusto kong mag time-out muna pero nakalimutan niya atang tao din 'tong pinapaulanan niya ng mga patalim.

"Use your weapon, idiot."

Hilong-hilo na ako sa kakaikot at naiiyak na rin ako dahil alam kong hindi ako nag-enroll sa eskwelahan na'to para maging biktima ng homicide. Kaya kung sino man yung diyos ng kamatayan, hindi pa po ako handang sumakabilang buhay-

"Agh!" Biglang kumirot yung hita ko. Napatingin ako dito at nakita ang isang kunai na nakadikit sa aking balat. Sinubukan kong hawakan ang dulo nito pero napasigaw lang ako sa sakit.

"Cesia-" akmang lalapitan niya ako.

"Huwag." galit kong tugon. "Wag mo'kong lapitan." Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko dahil hinawakan ko ang puluhan ng kunai at marahas itong tinanggal mula sa pagkakabaon sa hita ko.

Tinignan ko ang kunai na nasa kamay ko. Binuksan ko ang aking palad at gamit ang aking weapon, pinalutang ko ito sa ibabaw ng kamay ko.

"Son of Zeus." Binato ko ito pabalik sa kanya. Nakailag siya kaya dumikit ito sa pader sa kanyang likuran.

Sumeryoso ang kanyang tingin sa'kin. "Daughter of Aphrodite." Nagpadala siya ng isang kunai. 

Itinaas ko ang aking kamay at pinatigil ito nang maramdaman ko ang matalim nitong dulo sa aking hintuturo. Binigyan ko ito ng mahinang tapik gamit ang aking daliri, saka ito umikot at bumalik sa direksyon ng pinagmulan nito.

• • •

"I'm out of blades." sambit niya.

Tagaktak ang pawis ko nang mapaupo sa sahig. Napilitan akong kumilos habang kinokontrol yung weapon dahil may kasamang kuryente yung huling pangkat ng mga kunai na ginamit niya. Tapos sabay-sabay niya pa itong binato sa'kin.

Sinubukan kong tumayo pero nabigatan lang ako sa sarili ko. Dumagdag pa yung sugat sa hita ko na kumikirot kapag gumagalaw ako sa paraang nauunat ito.

"It should take a few minutes for the pain to disappear." Nakita ko si Trev na nakatayo malapit sa pinto. "Tomorrow, same time and place."

"Teka. Iiwan mo lang ba ako dito-" at iniwan na nga niya ako. Sinapak ko ang sahig. "Nakakainis!"

Wala akong ibang nagawa kundi hintayin na maglaho ang pananakit ng natamo kong mga sugat. Pagkatapos, lumabas na ako ng training room at bumalik sa dorm. Nagmartsa ako papunta sa aking kwarto at pagpasok ko, tinanggal ko ang aking sapatos at bumagsak sa higaan.

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ang isang babae na pinapatugtog ang gintong lira na nakasandal sa kanyang braso. Kinutuban akong isa siyang goddess dahil sa suot niya pero hindi ko siya namumukhaan...

'Are you listening, Cesia?' nginitian niya ako. 'Are you listening to the tune?'

Sino ba siya? Anong ginagawa niya sa mga panaginip ko? 'Hindi ka si Aphrodite-'

'Listen well, child... for you are going to sing my song for me.'

Kinalabit niya ang isa sa mga kuwerdas. Napatakip ako ng tenga nang bumitaw ito ng napakatinis na tunog. 'I-Itigil mo y-yan..' tila niyuyugyog yung utak ko dahil sa mga alon ng tunog na nakapasok sa aking ulo.

Nang mawala ito, nawala na rin siya.

Nakatayo ako sa gitna ng madilim na lugar at ang tanging naririnig ko ay ang umiikot na kamay ng orasan...

Pinunasan ko ang tubig na lumabas mula sa sulok ng aking bibig. Pati na rin ang mga luhang tumatakbo pababa sa aking pisngi. Isang kamay ang tumulak sa'kin kaya naramdaman ko ang aking sarili na unti-unting kinakain ng kadiliman.

Napaupo ako. Kinapa-kapa ko ang higaan, saka napabuntong-hininga. Yumuko ako at minasahe ang templo ng ulo ko.

Ano bang nangyayari sa'kin...

Mayamaya, bigla akong napatigil at binaba ang aking mga kamay... nakalimutan ko na kasi yung napanaginipan ko. Ang naaalala ko lang, ay ang sensasyon na nahuhulog ako.

Resulta kaya 'to ng training kanina?

Lumabas ako ng kwarto kahit hindi ko pa naaayos yung sarili ko.

"Kagigising mo lang?" usisa ni Chase. "Alas dos na ng hapon ah..." Naglalaro sila ni Dio ng video games sa sala. Hindi ko siya pinansin dahil nagsimula nang magwelga yung tiyan ko. Nasa kusina sina Kara at napahinto sila nang makita akong papunta sa kanila.

"Here." Naglagay si Ria ng grilled cheese sandwich at isang baso ng lemonade sa harap ko. "There's also leftovers from last night..." Naglapag siya ng isang plato ng barbecue ribs. Otomatikong gumalaw ang kamay ko at kinuha yung sandwich. Takam na takam ako nito nang mapansin ko silang tatlo na nakatitig sa'kin.

"You do know there are blood stains on your shirt, right?" Bumaba ang mga mata ni Ria sa damit ko na may mantsa ng natuyong dugo. May mga bahagi rin na punit-punit yung tela kaya visible yung puting camisole sa ilalim nito.

"Oo nga ano..." Ngayon lang ako natauhan sa napaka-haggard na hitsura ko.

"Mas malubha nga yung akin ih- nung tinrain ako ni Ria. Hmp!" Binuksan ni Art yung gripo sa lababo para makapaghugas na ng pinggan. "Muntik na akong matanggalan ng buong braso."

"Oh wow." sarkastikong sabi ni Ria. "Excuse me? Kasalanan ko ba kung madali kang ma-distract?" Umangat ang isang kilay niya.

"Ganito ba talaga yung... training dito?" tanong ko sa kanila. Yung tipo na papasok ka ng training room na walang kamuang-muang sa kung anong naghihintay sa'yo tapos lalabas ka nalang na sugatan at duguan dahil trip ng trainer mong paliparan ka ng mga kutsilyo?

Nagtinginan sina Ria at Kara matapos kong itanong 'yon.

"Tandaan mo Cesia, we may have golden blood running in our veins, but we're still mortals." sagot ni Ria. "As demigods, our whole lives revolve around the mythological realms and mortal realm... so basically, nasa gitna tayo."

"And that..." si Kara ang dumugtong. "-puts us in a place where we are responsible of maintaining the balance. Because a slight disturbance in the mythological realms can become a full catastrophe in the mortal realm."

"Pa'no kung..." Sasabihin ko ba? Aish. Bahala na nga. "Ayaw kong tanggapin ang responsibilidad na 'yan?"

"Well..." Gumuhit ang isang mapait na ngiti sa labi ni Ria. "We're not given that choice."

Napansin ko sina Chase at Dio na napahinto sa paglalaro. Napayuko si Chase samantalang si Dio naman, napalingon sa gawi namin.

"Nakakatuwa lang..." marahang natawa si Ria, pero halatang hindi ito sa kadahilanang natutuwa siya. "Like, why are we even terrified when a god places a curse on us? When our whole existence is already one."

Hindi ko matanggal ang aking tingin mula sa kanya. "Ria... ano bang kinatatakutan mo?" Nabigla ako nang makaramdam ng hatak mula sa kanilang lahat, na para bang may mga lubid na nakatali sa'kin at sabay-sabay nila itong hinila.

Pero mukhang hindi lang ata ako ang nakaramdam ng kakaiba dahil narinig ko ang nahulog na plato sa lababo at ngayon, lahat ng mga mata nila'y nakatuon sa'kin.

"U-uhh..." tumayo ako. "Magbibihis lang ako."

Nagmamadali akong pumasok sa aking kwarto. Napaupo ako sa dulo ng higaan at napahawak sa aking ulo.

Hindi ko sinasadyang gamitin yung ability ko... tapos sa kanila pang lahat?! Nakaramdam lang ako ng galit pero mas lumamang yung takot... at... at... tinanong ko si Ria n'on...

Nagpalipas ako ng ilang oras sa kwarto ko. Nakaligo na ako at nakapagbihis na rin. Nakasandal ang aking likod sa headboard ng kama habang nakayakap ako sa dalawang unan at nakatitig sa blankong pader na nasa harapan.

Normal lang naman siguro yung bigla-biglang nag-aactivate ang abilities diba? Ano nalang yung sasabihin nila? Baka nawalan na sila ng tiwala sa'kin dahil sa ginawa ko...

"Cesia?"

Mabilis na napaangat ang aking ulo nang marinig ko mula sa labas si Ria. Dalawang beses niyang kinatok ang pinto. "Are you okay?"

"O-Oo..." pasigaw kong sagot.

"Lumabas ka na nga diyan. Nagpa-deliver pa naman si Dio ng milkshakes."

"Hoo..." tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. "Umm... Galit ba kayo sa'kin?"

"Huh?" nagtaka siya sa sinabi ko. "Oh wait." tila naliwanagan siya sa tinutukoy kong pangyayari. "Bakit naman kami magagalit? Masaya nga kami para sa'yo eh. The more you activate your abilities, the more control you'd have over it."

"Pero Ria, hindi ko naman sinasad-"

"Shh! You hear that?" aniya. "That's the sound of our milkshakes dripping." Saka niya ako hinatak papalabas ng kwarto.

• • •

"Ria! Cesia! Kara!" padabog na lumapit sa'min sa kusina si Art. Sumipsip muna siya sa bubblegum milkshake niya bago tumigil sa aming harapan. "Si Chase oh! Ginugulo niya naman utak ko!" pagsusumbong niya.

Sinilip ko si Chase at nakita siyang kagat-kagat ang straw habang nginingitian kami.

"Bakit daw nakatayo si Goofy pero si Pluto hindi? Eh pareho lang naman silang aso ih!" Dagliang nanlaki ang kanyang mga mata sabay singhap. "Bakit nga ba?"

Umubo si Ria at binigyan ako ng magmamakaawang tingin...

"K-kasi..." Teka, ba't ako?! "may... may sakit si Pluto..."

Nakatingin pa rin si Art sa'kin, naghihintay siguro ng paliwanag.

"Actually..." Ano ba kasi. Hindi ako marunong maghandle ng ganito. "Natalsikan si Goofy ng Chemical X kaya ano... para siyang tao?"

"Eh?! Ibig bang sabihin n'un, kapatid sila ni Mojojojooo?"

"Parang gano'n na nga..." tumango-tango ako.

Bumukas yung pinto ng dorm dahilan na mapatingin kami dito. Pumasok sina Trev at Cal... at sa likod nila, nakasunod ang isang babae.

Wait... siya yung oracle ni Apollo diba? Anong ginagawa niya dito?

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 13 1
𝙏𝙖𝙜𝙨: 𝙁𝙖𝙣𝙩𝙖𝙨𝙮. 𝙍𝙤𝙢𝙖𝙣𝙘𝙚. 𝘼𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣. 𝘼𝙙𝙫𝙚𝙣𝙩𝙪𝙧𝙚. Alina Nieves is an excellent student of the Academy of Magic. Due to this...
6.5K 581 24
"Nico, she's been dead for over a decade! Mahihirapan tayong i-identify ang biktima." "Well, we have no choice, Nova," the greatest detective in East...
355K 26.5K 43
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
610K 38.5K 57
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...