Ms. Great Pretender *MAJOR ED...

Por iammisskenny

12.5K 347 8

WARNING: Magulo! Di pa naeedit. Pakiusap, wag niyong laitin dahil di ko pa nga naeedit ito. Medyo Jeje pa. Pw... Mais

Ms. Great Pretender
Prologue
Ch 1: Bestfriends (Edited: 11/23/2015)
Ch 2: Remembering (Edited: 03/06/16)
Ch 3: Busy (Edited 03/15/16)
Ch 4: Sungit (Edited: 03/15/16)
Ch 5: Saved (Edited: 4/14/16)
Ch. 6: First Kiss (Edited 04/26/16)
Ch. 7: A White Crow and A Flying Pig (Edited 05/28/16)
Ch. 8: Oo Na (Edited 6/14/16)
Ch. 9: ASA (Edited 01/14/17)
Ch. 10: Lies (Edited 09/24/17)
Ch. 12: Loving Someone (Edited 01/9/19)
Ch. 13: Closer (Edited 01/10/19)
Ch. 14: Surprises (Edited 07/15/19)
Ch. 15: Interhigh and The Unexpected Guest (Edited 01/03/2020)
Ch. 16: True Feelings (Edited 05/05/2020)
Ch. 17: The Reason Why We Hate Him (Edited 05/13/2020)
Ch. 18: Jealousy (Edited 06/11/2020)
Ch. 19: Confession of Love (Edited 6/28/2020)
Ch. 20: Roadtrip (Edited 09/04/2020)
Ch. 21: Mt. Pulag (Edited 09/06/2020)
Ch. 22: Confession (edited 03/01/2021)
Ch. 23: Missing (Edited 08/03/2021)

Ch. 11: Cute Guests (Edited 12/21/17)

260 14 0
Por iammisskenny

Chapter 11 (Edited)

Kean's POV

Isang linggo na ang nakalipas nang sabihin ko kay Ayen ang tungkol sa sakit kong itinago ng mga magulang ko sa akin ng sobrang tagal. Alam na din nila Xandra, syempre noong una, di nila matanggap, ganoon din naman ako. Pero kailangang tanggapin eh. Dahil kahit anong mangyari, may sakit pa din ako.

Hindi alam nila Tristan ang tungkol sa sakit ko. Ayoko ding sabihin.

I decided to live my to the fullest with everyone. Kung sakaling hindi man ako abutin ng pagtanda, atleast naenjoy ko ang buhay ko ngayon.

Hay nako! Enough with the drama! Ayoko ng isipin yun.

"Kelly!" Tawag sa akin ni Mama mula sa ibaba.

Nakapag usap na din kami ng malinaw nila Mommy. Hindi naman nila sinasadyang itago sa akin at naiintindihan ko sila.

"Nandito si Tristan, baby!" Sigaw pa ni Mommy.

"Pababa na po!" Sigaw ko din.

Pero wait! Si Tristan? Nandito?

Mabilis pa sa alas kwatro akong lumabas ng kwarto ko at bumaba ng hagdan para tignan kung totoo ba yung sinasabi ni Mommy. At mukhang hindi nga nangbibiro si Mommy.

Nakita kong kausap ni Mommy si Tristan. Agad itong bumaling sa akin nang mapansin ako. Mabilis din syang lumapit sa akin para tulungan ako sa dala kong gamit.

"Good afternoon." Bati nya sabay ngiti.

Iiiih~ sinabi ng wag kang ngingiti ng ganyan sa akin eh! Baka matuluyan na akong mahulog sayo! Hmp!

"Let's go?" Inilahad nya ang kamay sa harap ko at nakangiti ko namang inabit iyon. He intertwined our hands at saka humarap kay Mommy na kulang na lang ay maihi sa sobrang kilig.

"Aalis na kami, 'My." Paalam ko.

"O sige. Mag ingat kayo ah." Kinikilig na sabi ni Mommy. "Tristan, take good care of Kelly ah. I'll leave her in your hands."

"Yes po, Tita."

DUMIRECHO agad kami sa gymnasium kung saan nandoon ang lahat ng estudyante. Bitbit pa namin ang pagkaing binili sa Drive Thru habang hinahanap sina Ayen na natagpuan namin sa labas ng gym.

"Kean!" Masayang tawag nila sa akin na para bang isang buwan nila akong hindi nakita.

"Nasaan yung iba?" Tanong ko nang mapansing wala sina Eunice at Fiona.

"Nasa loob na sina Eunica at Fiona, binabantayan yung upuan natin. Sila Xandra, nasa canteen." Sagot nya at inagaw ang paperbag na may laman na fries sa kamay ko.

Aangal sana ako kay Ayen nang pigilan ako ni Tristan at biglang inamoy amoy ang buhok ko. Wala namang kaso sa akin ang ginagawa nya, pabor pa nga eh peroay kiliti kasi ako sa ulo.

"Kung gusto niyo, pumasok na kayo sa loob?" Sabi ni Ayen habang nilalantakan ang fries na kinuha nya sa akin at may kakaibang ngiti sa labi.

"Hindi na! Sasabay na lang kami sa inyo." Sabi ko at pinipigilan si Tristan na panay ang amoy sa buhok ko.

Pero hindi pa din nawala ang ngisi sa mukha ni Ayen. Mabilis ding dumating sina Xandra na maraming dalang pagkain. Puno na ang gym nang makapasok kami. At mukhang malapit na din magsimula ang program.

Tabi kaming umupo ni Ayen pero di din nahiwalay sa tabi ko si Tristan na kanina pa hawak ang kamay ko.

"Students, quiet please..."

Unti-unti nang nanahimik ang mga estudyante.

"We'll leave the school at 3:00 pm. Pero bago yun, please pair yourselves and create a group with 3 pairs."

So, matik na partner kami ni Tristan. Pero nagkakagulo na agad sina Xandra at Rico na magkapair. Hay... Bakit ba nila naisipang magpair eh puro away lang naman sila?

"Kapag may group na kayo, please be quiet." Saway ng teacher.

"Bato bato pik, guys." Sabi ni Ayen.

"Para saan?" Takang tanong ko.

"Para sa group." Maikli at kibit-balikat na sagot ni Ayen.

"Baliw. Maiba taya na lang." Dagdag naman ni Cyrenne.

Umiiling akong tumabi kay Xandra na pinapanood sila.

"Magkagroup na kami ni Kean. Bahala na kayo." Anunsyo ni Xandra.

"Daya! Hindi pwede! Hmp!" Sigaw ni Ayen at nagdabog pa.

Tumawa lang si Xandra. Bigla namang tumabi sa akin si Ayen.

"Kumpleto na kami." Sabi ni Ayen at dinilaan si Cyrenne.

"Luh. Daya neto." Reklamo ni Cyrenne at tumabi kay Cyrenne. "Kami na lang ni Noelle." Aniya pa.

Tinignan lang si Noelle at sinabing, "Okay lang. Basta hindi kami magkasama ni Karen."

Oh? Warla?

"May group na ba ang lahat?" Tanong ng teacher.

Sumagot ang lahat at inexplain na nito ang gagawin. "Aalis na tayo pagdumating na yung bus."

"Dito lang tayo?" Tanong ni Ayen.

"Ang init dito!" Reklamo ni Cyrenne.

"Mainit din sa labas." Sabi ni Xandra.

Nagulat naman ako nang hilahin ni Kevin si Ayen palabas at ayun. Naghilahan na lahat.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Tristan pero di nya ako sinagot. Sa halip, hinila nya lang din ako.

Akala ko ay dadalhin nya ako sa canteen pero sa kotse nya ako dinala.

May bigla naman akong naalala.

"Tristan..."

"Hmm.."

"May favor ako." Sabi ko at tinignan nya lang akong kinukuha ang phone ko. Hinanap ko ang isang video at pinakita sa kanya.

Nakataas ang kilay niyang tumingin sa akin. "No." Agad nyang sagot.

That was fast. Gusto ko lang naman syang sumayaw ng Baby Shark eh.

"Sige na~" pamimilit ko.

"No."

"Please~"

"No."

"Pretty please?"

"Kelly..."

"Please? Just one try."

Rinig ko ang pagbuntong hininga nya, means papayag na sya!

Mabilis kong itinuro sa kanya yung sayaw.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ko pagkatapos nyang gawin ang pinapagawa ko.

"Tss... This is why I don't want to do this."

"Hey! Ang cute mo kaya!"

Bigla namang may kumatok sa binta at nakita ko si Ayen.

Agad kong ibinaba ang bintana. "Nandyan na daw yung bus."

Nag okay sign ako at bumaba na. Hindi pa man kami nalalayo sa parking lot, naalala ko agad ang itsura nya kanina at hindi ko na naman mapigilang hindi tumawa.

"How long will you laugh?"

"I don't know." Natatawa kong sagot.

Taka lang na nakatingin sa amin sina Ayen. Gusto ko sanang ipakita sa kanila ang sayaw na vinideohan ko kaso wag na. Baka magalit pa si Baby Boy.

TRISTAN's POV

"Tulog agad?" Tanong ni Ayen sa akin na nakatingin kay Andrea na nakatulog agad pagkasakay pa lang namin sa bus.

Ipinatong ko ang ulo ni Andrea sa balikat ko at sumandal naman ako sa upuan saka natulog din.

"SENIORS! LISTEN!" Naalimpungatan ako sa malakas na boses ng isa sa mga teachers. "Nagbago ang schedule ng activities since late na tayo nakarating. Ayusin niyo na ang mga gamit niyo at magset na kayo ng mga tents then kakain na tayo. Bukas, tuloy ang activities with our guests then sa third day, I'm sorry to say pero wala na ang free day niyo. Ang araw na yun, gagamitin natin para sa activities na hindi natin nagawa ngayon."

Napuno ng pagtutol ang bus dahil sa sinabi ng teacher.

"Bumaba na kayo!"

"Hey... Andrea." Tinapik ko ang balikat niya.

"Hmm?"

"Nandito na tayo."

"Already?" Inaantok pang tanong nya.

"Yes."

Kinusot kusot nya ang mata at nagulat nang makitang madilim na ang paligid.

"Anong oras na!?" Gulat na tanong nya.

"6:30 pm." Sagot ko at kinuha ang gamit naming dalawa.

"What!? Tatlong oras akong tulog!?"

"Obviously, yes. Now, let's go."

Inaantok pa syang sumunod sa akin kaya naman kinuha ko ang kamay nya at hinila sya palabas ng bus.

"Magset na kayo ng tents niyo! Walang lalayo ah!" Sabi ng teacher.

"Ahm... Tristan?" Tawag sa akin ni Andrea.

Nilingon ko sya at ngumuso naman sya sa direksyon ng kamay namin. "Magseset na kami ng tents namin. Yung kamay ko." Aniya at agad kong binitawan iyon na para bang napaso ako. Mabilis din syang umalis at lumapit kila Ayen.

"Uy, pre. Marunong kang magset ng tent?" Tanong ni Kevin sa akin.

"Tss.." sabi ko at tumalikod.

"Hoy! Saan ka pupunta!?" Sigaw ni Kevin pero di ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

KEAN's POV

Pagkatapos naming magset ng tent, hinanap ko agad si Tristan.

"Kevin, si Tristan?" Tanong ko.

"Wala pa ba?" Tanong din nya.

"Umalis sya?" Tanong ko.

"Oo. Wala pa din sya?" Tanong nya ulit at bigla naman syang binatukan ni Ayen.

"Malamang wala pa! Hindi naman hahanapin ni Kean kung nandyan!" Sigaw ni Ayen.

"Aray!" Reklamo ni Kevin.

"Aangal ka!?"

"Hindi nga po eh." Parang tuta na sabi ni Kevin.

Saan naman kaya nagpunta yun?

"Hahanapin ko lang si Tristan, Yen." Paalam ko kay Ayen.

"Hoy, teka! Gabi na baka mapahamak ka pa." Pigil ni Ayen at saka tinignan si Kevin. "Hoy, ikaw. Samahan mo si Kean hanapin yung bestfriend mong MIA."

"Eh pano yung tent namin?"

"Ako na magseset! Bilis!" Pagtataboy ni Ayen kay Kevin na iniwan agad ang tent nila saka naghanap ng flashlight sa bag nito.

"Bumalik kayo agad ah!" Bilin pa ni Ayen sa amin.

Saan ba nagpunta yun? Baby boy, where are you?

"HINDI nya ba sinabi sayo kung saan sya pupunta?" Tanong ko kay Kevin.

"Hindi eh. Bigla na lang syang umalis kanina." Sagot nya na naghahanap din.

Napabuntong hininga naman ako. Saan ba kasi nagsusuot yung lalaking yun? Hobby nya bang pag alalahin yung mga tao sa kanya?

"Kevin, let's split up. Try ko syang hanapin doon at doon ka naman sa kabila."

"No. Baka mapahamak ka pa dyan." Aniya at may ibinulong pa sa sarili.

"Para mas mabilis natin syang mahanap. Sigaw ka lang kapag nahanap mo na sya at ganun din ako." Sabi ko sa kanya at saka naglakad na sa pa-kanang direksyon.

I heard him cussed pero sumunod din sya sa sinabi ko. Napatawa lang ako dahil alam kong iniisip nyang papagalitan sya ni Ayen kapag hinayaan nya ako mag isa.

"Tristan!" Sigaw ko para mapadali ang paghahanap ko. "Nasaan na ba yun?" Tanong ko sa sarili.

Naglakad pa ako nang naglakad hanggang sa makarating ako sa isang ilog.

Akmang tatalikod na ako para bumalik nang may biglang tumalon sa harap ko at napatili ng malakas.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Tristan!" Sigaw ko. "Wag mo ngang gagawin yun! Balak mo ba ako patayin sa takot!?" Inis na sigaw ko sa kanya.

Mukha naman syang naguilty sa ginawa nya saka lumambot ang ekspresyon nya.

"I'm sorry. I didn't mean to scare you like that." Aniya. "Okay ka lang ba?" Tanong nya pa.

"Yes. Bakit ka ba kasi nandito? Kanina ka pa namin hinahanap."

"I just checked the surroundings." Simpleng sagot nya.

"Nang nasa puno? Ano ka? Ninja?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.

"No." Takang sagot nya.

"Tss. Whatever." Inis kong sabi saka nilagpasan sya. "Tara na. Bumalik na tayo sa camp site."

Tahimik naman syang sumunod sa akin.

"Hey..." Tawag nya sa akin. Pero di ko sya pinansin. "Are you mad?"

I just made a 'tss' sound.

"Sorry na."

Hindi ko pa din sya pinansin. Naiinis ako sa kanya pero ayaw kong sabihin. Baka mag away pa kami nitong bwisit na lalaking to. Walang konsiderasyon sa mga taong pwedeng mag alala sa kanya.

"Hey... Sorry na." Pag uulit nya.

"Wag mo muna akong kausapin. Naiinis ako sayo." There! I've said it!

Mukha namang nakuha nya kung bakit ako naiinis kaya di na rin sya nangulit pa.

"Oh, Kelly!" Tawag ni Kevin nang makita ako at saka tumingin sa likod ko. "Nahanap mo din yan." Natatawang sabi nya pero nawala din ang ngiti sa mukha nya nang mapansin na hindi ako nag react.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa campsite. Nang tanungin ako ni Ayen kung saan ko daw nahanap si Tristan, sinagot ko sya nang, "Tanong mo sa magaling na lalaking yun. Bwisit."

"World War." Kumento ni Ayen.

"Tss..."

Hanggang sa maghapunan na kami, hindi ko pa din pinansin si Tristan.

"Uy." Kalabit sa akin ni Ayen.

"Ano?" Mataray kong tanong.

"Wag mo kong tarayan dyan, tutusukin ko yang mata mo." Aniya. "Kausapin mo na yun."

"Ayoko. Naiinis ako."

"Para kang bata. Matutulog kang ganyan? Sapakin kita. Eh kung sa sobrang inis mo dyan, magpalpitate ng sobra iyang puso mo, edi namatay ka naman dyan?" Inis na din nyang sabi.

"Grabe sa mamatay. Atakihin lang, pwede?"

"Patay na diretso para isang iyakan na lang. Kung gusto mo, ako na papatay sayo." Inis na sabi nya pero nagawa nya pang manabon. "Kausapin mo yun ah. Hindi kita papapasukin sa tent." Banta nya at saka umalis na.

Napabuntong hininga naman ako nang umalis sya. Bwisit naman kasi eh! Nag alala ako sa kanya ng sobra tapos bigla pa syang manggugulat ng ganoon! Pasalamat sya at hindi ako inatake sa takot dun! Gubat pa man din!

Bigla namang may tumabi sa akin. Kakaratehin ko na sana, buti na lang at nakita ko agad kung sino sya.

"Hey, sorry na talaga."

"Tss. Bakit mo ba kasi ginawa yun?" Tanong ko.

"It's easier to go down that way." Kibit nyang sagot at di naman ako makapaniwala sa sagot nya.

"Really? Eh kung ipa salvage kita dyan? Sapakin kita eh!"

"Ipapasalvage mo na nga ako, sasapakin mo pa." Reklamo niya.

"Nagrereklamo ka pa."

"Hindi na nga eh."

"Manahimik ka na lang dyan." Tinatamad kong sabi.

"Bati na tayo?" Tanong nya.

"Naiinis pa din ako sayo. Manahimik ka dyan."

"Hahalikan kita." Banta nya.

"Wag mo kong mabanta-banta dyan baka magalit na ako ng tuluyan sayo at itong kamao ko ang mahalikan mo." Inis kong sabi sa kanya.

"Andrea naman kasi eh!"

Nagpaka isip bata naman to. Nagmamaktol pa.

"Isa."

"Eto na. Mananahimik na." Lihim naman akong napangiti nang mapasunod ko sya agad nang magsimula akong magbilang.

"You're smiling."

"Che!" Hindi ko na matago ang ngiti ko.

"Bati na kami~"

Magsasalita pa sana ako nang bigla nya akong hawakan sa magkabilang pisngi at tinitigan saka hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko nang gawin nya yun! Like ekis sya! Baka may makakita sa amin!

"Bakit mo ko hinalikan!?" Kinakabahang tanong ko nang bitawan nya ako.

"Bakit? Anong masama dun? Girlfriend kita." Sagot nya.

"Tss.." sabi ko na lang para itago ang kilig na gusto kong ilabas.

KINAUMAGAHAN, maaga pa kaming gumising para mag almusal at aalis daw kami para sa first activity namin with our guests.

"Ayan! Parang kagabi lang, nag away kayo ah?" Reklamo ni Ayen nang makita kaming dalawa ni Tristan.

"Tss... Doon ka kay Kevin." Reklamo din ni Tristan saka hinawakan ang kamay ko at nilaro iyon.

Natawa na lang ako nang mamula ang mukha ni Ayen at nauutal na sumagot kay Tristan.

"C-Che! P-Pake ko ba dun!"

"SENIORS! Nandito na tayo! Baba na kayo." Anunsyo ng teacher.

Mukhang nasa isa kaming villa at may mga tables na magkakahilera ang nadatnan namin.

May dumating naman na isang bus at maya maya pa ay may lumabas na mga bata.

"Hangkyut!" Rinig kong sabi ni Ayen.

"Seniors, they are our guests for today's activities." Anunsyo ng head teacher. "They are our students at pre-school department of St. Kyle."

"Since naggroup na kayo ng 3 pairs; 1 group, 1 child and we'll proceed at our activities for today."

Nagbunutan na lang ng pangalan ng mga bata at ang napunta sa amin ay nagngangalang Louise Guerrero.

Teka, babae ba to o lalaki?

We gave the name to the teacher then she called the child.

"Oh, ang cute!" Nanggigigil na sabi ni Ayen nang lumapit sa amin ang isang batang babae.

Paka cute! Sarap panggigilan!

----

Advance Merry Christmas, Guys!

-iammisskenny

Continuar a ler

Também vai Gostar

144K 11.3K 170
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
2.8M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.2M 53.6K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...