Back In His Arms Again (Publi...

By VentreCanard

49.4M 1.2M 318K

I used to be the girl in his eyes. I used to be the girl who can make him laugh, I used to be the girl who c... More

Prologue
--
--
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
--
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Epilogue
NOTE

Chapter 10

601K 16.3K 2.2K
By VentreCanard

Chapter 10


Nakaharap ako ngayon sa napakalinaw na salamin. Hindi ako humble para sabihing hindi ako maganda. Pinanganak na akong maganda at mas gumanda pa ako sa ayos ko ngayon. Hindi ko akalaing may igaganda pa pala ako.


"Perfect!" sabay na sabi ng mga supportive kong kaibigan. Sila lang naman ang nagbantay sa mga baklang nag ayos sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang sila pa ang handang handa sa gabing ito.

Sa halip na ilugaw ang aking mahabang alon alon na buhok ay mas pinili ng aking mga kaibigan na itaas ito.

It's a messy bun.


"Tama 'yan Florence.. you should show your best asset..your sexy neck, your sexy shoulder..your sexy nape na nagpabaliw sa Ferell na 'yon" hindi na ako sumagot sa sinabi ni Aira.

I want to look beautiful, not for him but to myself. Napairap na lang ako sa aking sarili. Pati ba naman sarili ko ay niloloko ko?


"Florence listen..hindi mo aakitin si Nero okay? Just punish him for that Montero incident.. he can stare at you forever but he can't touch you. Learn his limits, you're already taken. Ibang klase talaga ang Ferell na 'yon" Kita ko sa repleksyon ng salamin ang sabay na pag irap ng mga kaibigan ko.

Hindi ko na lang sila pinansin at muli kong hinagod ng tingin ang aking kabuuan. Tumama sa hakab ng aking katawan ang napili kong isuot. And I love it.

This lush long dress emphasizes my curves and even my delicate skin.


"Hindi ba masyadong labas ang cleavage ko dito?" bahagya kong itinaas ang dress ko na agad namang tinampal ng mga kaibigan ko.


"'Yan ang uso ngayon, huwag kang masyadong maria clara okay? Baka masabunutan kita" inirapan ako ni Aira na nakasuot lang naman ng red tight fitting dress na labas ang magkabilang tagiliran.

Pinayagan ba siya ni Jare na magsuot ng ganyan?


"Ngayong gabi na magkakaalaman Florence...kung makukumpirma mong si Nero nga ang walang hiyang driver ng Monterong 'yon at malaman mo rin na siya ang textmate mo? Back in each other arms again na ba ang sunod?" nakataas na kilay na tanong sa akin ni Camilla.

Diretso kong tinitigan ang kaibigan kong nakasilver tight fitting dress din na labas naman ang pusod.


"I have Ashong and he has Cassidy, tapos ang usapan" lalong umarko ang kanilang mga kilay sa sinabi ko.

Siguro ay hindi na talaga matatapos ang usapan naming ito kung hindi pa ako ang titigil.


"Mauuna na ako sa venue, wala si Ashong para sunduin ako may meeting pa siya hanggang 8:00, kayo? Mukhang susunduin kayo ng mga boyfriend nyo right?" sabay silang tumango sa tanong ko


"Gusto mong sumabay sa amin?" tanong sa akin ni Aira


"Baka sa gulong ako pasakayin ni Jare" ismid na sagot na tinawanan naman niya


"Sa amin ka na lang sumabay Florence..." sabat naman ni Camilla


"Baka kapain pa ni Doctor Thomas kung may bukol ka pa, you need privacy" sabay kaming tumawa ni Aira sa sinabi ko habang napanguso naman si Camilla sa sinabi ko.


"Sige na, kita na lang tayo. I have my car, ayokong ipapick up na naman kay Gio. Tamad pa naman din 'yon" kumaway ako sa kanilang dalawa at humakbang na ako palabas ng mansion.

Pagkasakay ko sa aking sasakyan ay huminga ako ng malalim. This is it Florence. You need to act normal, dapat ay lagi kang nakangiti. Don't show your poker face. Don't show your bitter face. One and a half hour lang mawawala si Ashong, you can handle this. You can't rely on him all the time, he has other priorities. Hindi lang ikaw Florence.

Inistart ko na ang engine ng sasakyan at sinimulan ko na itong patakbuhin. Bakit sa bawat pagtakbo ng sasakyan ko ay mas lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko? Shit! Florence umayos ka, nasa sasakyan ka pa lang, papaano kung magkita na kayo?

Sinilip ko ang repleksyon ko sa rearview mirror, maganda pa naman ako. This is not good, hindi pa ako nakakatapak sa hotel ay nagugulo na ang sistema ko. I unconsciously bit my lower lip..

I'm too damn nervous.

Sa sobrang bagal ko sa pagpapatakbo ay hindi lang sasampung sasakyan ang nag overtake sa akin. Bahala sila sa buhay nila. Sa katunayan ay may ilan pang bumubusina sa akin.

Bakit hindi na lang sila mag overtake at binubusinahan pa ako? Mga buwiset. Maflatan sana kayo. Ipinilig ko ang aking ulo sa mga naiisip. Tang ina, natataranta ako.

Okay Florence, calm down, calm down. Huwag mong idamay ang mga sasakyan sa kalsada. Mas binilisan ko na ang pagmamaneho, baka hinahanap na ako ng kambal. They're expecting me on their party, I should not be late. Nakakahiya kay Kuya Nik.


--


Sa wakas ay nakarating na ako sa parking ng hotel. At halos mapahanga ako sa nakikita ko, lahat lang naman ng mga sasakyang nakaparada dito ay sumisigaw ng milyones.

What should I expect? Alam kong may halong business matter ang event na ito. Pagkababa ko ng sasakyan ay biglang tumunog ang telepono ko. Tumatawag si Ashong, agad nangunot ang aking noo. Sa pagkakaalam ko ay nasa gitna siya ng meeting ng mga oras na ito.


"Hi babe, nasa hotel ka na ba?" salubong sa akin ni Ashong.


"Yes, akala ko ay may meeting ka?" tanong ko sa kanya.


"Malapit na rin ako. See you" mabilis niyang pinatay ang tawag. Napatulala na lang ako sa phone ko. Akala ko ay mamaya pa siyang 8? Did he cancel his meeting?

Napailing na lang ako.


Zebrous Slaine Hotel ang venue ng event. Isa sa pinakakilalang hotel sa Pilipinas. Kahit kailan ay pasikat talaga ang mag aamang 'yon.


Matamis akong nginitan ng receptionist pagpasok ko. Tumango naman ako bilang ganti. May mga ilang guest din akong nakakasalubong na bahagyang natitigilan sa sandaling tumatama ang kanilang mga mata sa akin.

Probably because of my beauty? Hindi ko mapigilang hindi mapangisi, how I love admiration on people's eyes.

Oh well, Florence Celestina Almero is back. Kung nakalugay lang ang aking mahabang buhok ay kanina ko pa itong hinawi.


Nagdiretso na ako sa elevator dahil sa ika labing pitong palapag daw ang function hall ng event.  28th floor pa lang. Maghihintay pa ako.

Habang naghihintay ako, nagulat na lang ako ng may biglang humalik sa pisngi ko.


"I got you missy" inirapan ko lang si Ashong sa biglaang paghalik niya sa akin. He's on good mood.


"Umayos ka Ashton Elias Martin" inirapan ko siya samantalang siya naman ay tumawa sa ginawa ko.


"I thought you have a meeting? Akala ko ay mamaya ka pa?" nagtatakang tanong ko.


"I won't let you attend on this party unescorted, hindi mo ba napapansin na halos lumuwa na ang mga mata ng mga lalaking guest sa kakatitig sayo? You're too beautiful Florence..hindi mo lang alam" napatitig na lang ako sa sinabi ni Ashong. Pinupuri niya ako right?


"I'm aware of it Ashong..minsan ang hirap din na maging sobrang ganda" mabilis niya akong pinitik sa noo.


"Ang yabang" ismid na sabi niya.


"Don't worry Ashong..you're handsome, hindi naman ako sasama sayo kung pangit ka" natatawang sabi ko.


"Pang 975th ka na babaeng nagsabing magandang lalaki ako. Sige pwede na kitang maging fan" naningkit ang mata ko sa kayabangan nitong si Ashong.


"Wag na kaya tayong umatend ng party Ashong? Magyabangan na lang tayo baka manghawa ka pa ng tao sa taas"


"Silly girl. Bibigyan na lang kita ng libreng fan sign mamaya. For now, I'm hungry and I need to eat. Let's just wait for this slow elevator" inakbayan niya ako habang sabay kaming naghihintay sa pagbaba ng elevator.

Nang tuluyan ng nasa ibaba ang elevator ay nagsimula na itong magbukas ng dahandahan. Halos manlaki ang mga mata ko.

Naramdaman ko rin ang mariing paghawak ni Ashong sa balikat ko. Can I run? Can I just use the stairs? Can I just go home? Dapat ba ay mas binagalan ko pa ang pagpapatakbo ng sasakyan? Dapat ba ay sumabay na lang ako sa mga kaibigan ko?


For all the scenes. Why this?


Kahit natalikod ang lalaking nakikita ko ay kilalang kilala ko siya.


Nero Ferell kissing other girl.


Nakakawit sa kanyang baywang ang mapuputing binti ng babae habang abala ang mga kamay nito sa paggulo ng buhok niya. Bahagya ng nakataas ang damit ng babae na nagpapakita ng napakakinis niyang balat...Nero's hand is in there..

Pakiramdam ko ay kinakapos na ako ng hininga. I never expected this..


Malakas na tumikhim si Ashong at nakuha ang atensyon ng dalawang taong abala. Mabilis silang naghiwalay. Pakinig ko pa ang mahinang paghagikhik ng babaeng kasama ni Nero.

Looking at Nero's gesture, he's not bother if someone had seen them kissing each other. Mabilis hinawakan ni Ashong ang aking mga kamay at marahan niya akong hinila papasok sa elevator.


At sa unang hakbang ko pa lamang ay nagtama ang aming mga mata. Agad kong inilihis ang aking mga mata at pumosisyon ako sa bandang dulo. Shit! Tama naman siguro ang ginagawa ko. Sa pagsara ng elevator pakiramdam ko ay bigla na lang nawalan ng hangin.


"Lumampas tayo Nero.." malambing na sabi ng babae. She's not Cassidy...


"Yes.." maiksing sagot ni Nero.


"Which floor Florence?" tanong sa akin ni Ashong.


"17th" sagot ko.


Pipindutin na sana ni Ashong ang button nang unahan siya ni Nero. Mas malapit si Nero at 'yong babae sa elevator button. Natural na gawin niya 'yon Florence. Wag kang mag isip ng iba.

Pero kita ko ang pag igting ng bagang ni Ashong sa ginawa ni Nero. Hinila ko na lang si Ashong dahil ayokong magkagulo lang ng dahil sa simpleng pagpindot ng elevator button.


"Why so kind Nero?" natatawang sabi ng babae. Hindi ko narinig na sumagot si Nero


"Kamusta Nero?" tanong ni Ashong sa seryosong paraan.


"Same, nakukuha ko pa rin lahat ng gusto ko" ramdam ko ang paghigpit ng kamay ni Ashong sa aking mga kamay. Wala pa rin siyang pinagbago. He's always this arrogant.


"Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ng babae kay Nero.


"Yes, he used to be my friend" kahit hindi ako tumitingin kay Nero ay alam kong nakaismid siya.

Biglang tumunog ang elevator hudyat na nasa 17th floor na kami.


Ako ang unang humakbang palabas ramdam kong nakasunod na sa akin si Ashong.


Akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag nang tuluyan na akong nakalabas sa elevator.


"Can't talk huh? Interesting.."


Muli akong lumingon sa papasarang elevator. Nakangising Nero Ferell na diretsong nakatitig sa akin habang may babaeng nakakawit ang mga braso sa kanya.

Hindi niya inalis ang mariin niyang pagtitig sa akin hanggang sa tuluyan nang nagsara ang elevator.


Napahawak na lang ako sa sentido ko.


What a good start for this long night.


--

VentreCanard

Continue Reading

You'll Also Like

742K 11.8K 56
Collection of K-pop.. Tagalog Ver. & etc. LOLOLOL
49.4M 1M 90
It seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado sila ng barkada at pamilya nila, and th...
1.3M 51.7K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
5.1M 141K 34
Paano gagalaw ang lovestory ng dalawang tao kung si torpe, hindi maamin ang nararamdaman niya kay manhid, at si manhid, hindi maramdaman na mahal siy...