Jeepney Overdrive

By CreepyCree

160K 1.3K 663

-- ON GOING --- “LOVE comes from the most UNEXPECTED places...” Sa pagsakay sa isang jeep, puwede, isang ar... More

PROLOGUE
Meet the Characters
J.O Chapter 1
J.O Chapter 2
J.O Chapter 3 part 1
J.O Chapter 3 part 2
J. O Chapter 4
J.O Chapter 5 part 1
J.O. Chapter 5 part 2
J.O Chapter 6
J. O. Chapter 7
J. O. Chapter 8
J. O Chapter 9
J. O. Chapter 10
J. O. Chapter 11
J. O. Chapter 12
J. O. Chapter 13
J. O. Chapter 14
J. O. Chapter 15
J. O. Chapter 16
J. O. Chapter 17
J. O. Chapter 18
J. O. Chapter 19
J. O. CHAPTER 20
Jeepney Overdrive FAQ's
J. O. Chapter 21
J. O. Chapter 23 part 1
J. O. Chapter 23 part 2
J. O. Chapter 24 part 1
J. O. Chapter 24 part 2
J. O. Chapter 25
J. O. Chapter 26
J. O. Chapter 27
J. O. Chapter 28
J. O. Chapter 29 Part 1
J. O. Chapter 29 Part 2
J. O. Chapter 29 Part 3
J. O. Chapter 30
J. O. Chapter 31
J. O. Chapter 32
J. O. Chapter 33
J. O. Chapter 34
J. O. Chapter 35
J. O. Chapter 36
J. O. Chapter 37
J. O. Chapter 38
J. O. Chapter 39
J. O. Chapter 40 (CORRECTED)
J. O. Chapter 41
J. O. CHAPTER 42
J. O. CHAPTER 43
J. O. Chapter 44
J. O. Chapter 45
J. O. Chapter 46
An apology
J.O. Chapter 47
J. O. Chapter 48
J. O. Chapter 49
J. O. Chapter 50

J. O. Chapter 22

2.4K 23 12
By CreepyCree

CHAPTER 22

Sunday All Starts!

Kagagaling lang sa simbahan ng magkapatid na Jessie at Jerome, kasama nila sina Ralph at Ace na bigla na lang sumulpot sa kusina pagkaluto ng almusal. Bago umalis sa bahay, kinausap muna ng magkapatid sa ‘skype’ ang ama na nasa Japan, nagsabi ito na magpapadala na uli ng pang-allowance nilang dalawa para sa dalawang susunod na buwan. Mas lalung sumaya si Jessie dahil kasabay ng pera ay ang padala ng mga manga na pinabili niya.

“Saan mo gustong kumain?”

“Hmm...” Dumaretso sila sa tabi-tabing fast food chain na isang sakay mula sa simbahan. Nag-ini-mini-mo si Jessie, sa lugar kasi na ito nag-tambay sina ‘Mcdo’, ‘Jollibee’, ‘KFC’, at si ‘Mang Inasal’. Unang nanalo si ‘Mcdo’, pero sawa na ang bituka niya. Isa pa uling ini-mini-mo, nanalo na si ‘KFC’. Miss ko na mag 2-piece chicken, gusto ko ‘rin mag-spicy. Hmm, sabi sa commercial puwede raw parehas... KFC na nga lang ba?

“Oi, Jessie? San mo daw gusto kumain sabi ng Kuya mo?” Kinulbit ni Ace ang ‘di makapamiling matakaw. Hindi sumagot si Jessie, busy pa siya sa pag-iisip.

Tagal pumili eh. “

Sa ‘Mcdo’ na nga lang tayo.” Naglakad na lang papunta sa ‘Mcdo’ si Jerome sa inip, pero hinila ni Jessie ang dulo ng suot niyang t-shirt para mapigil.

“WAG! Sa ‘KFC’ na lang! ‘KFC’ ang napili ko! Kuya~”

“Ten years ka kasi mamili eh.”

“Hihi, teka...” Umikot ng tingin si Jessie sa mga katabi. “Kasama ka parin samin Ace-chan!”

“OO... at teka! bakit ako lang tinanong mo? ‘Bat si Ralph hindi! Ha!” Tinuro ni Ace si Ralph na nakamasid lang sa paligid habang nakapasok sa bulsa ng pantalon ang dalawang kamay.

“Sanay na kasi ako na kasama namin si Ralph.”

“Puwes masanay ka na rin na kasama ako! Haha! Diba Jerome?”umakbay siya sa kapatid ni Jessie na tumingin lang sa kanya at napabuntong hininga.

“Nagbigay si Ace ng pera pangkaen sa bahay, parang si Ralph. Oi.” Tinapik ni Jerome ang braso ni Ace para alisin nito ang pagkaka-akbay.

“HUH?” Hindi ‘man lang niya ako hiningan ng opinyon bago nagdesisyon!

“At sa bahay ko na rin siya titira, kalilipat lang niya ng gamit kanina. Wala rin naman kasing nagamit ‘nung isang kwarto sa bahay, at para may kasama rin si Moymoy pag wala ako.” Hindi rin makapaniwala si Jessie na miski si Ralph ay pumayag sa hiniling ng payatot na guro.

“See! Kaya ibig sabihin Jessie! Araw-araw mo na rin ako makakasama! Hehe.”

Yeah, right... like I should celebrate. Grr.

“Umayos ka Ace-chan, umayos ka!” Pinindot ni Jessie ang ilong ni Ace.

“Yes! Ma’am!” Ningitian siya nito na may kasamang pagsaludo ng kamay. Hehe, makalibreng boso rin sana ako sa kanya. Muhahaha.

Tinitigan ni Jessie si Ace sa mapanghusgang paraan. Taga-block C raw siya! Sus! Sinungaling. Hmmft. Pinalayas lang siguro siya sa inuupahan niya ngayon dahil hindi siya nagbabayad. “Tera na nga, mas lalu akong nagutom sa mga narinig ko sa inyo!” Pasiga siyang naglakad at iniwan ang tatlo para bigyan ng panahon ang mga ito pag-masdan ang lakad niyang hindi maipaliwanag.

“Bakit ganyan siya maglakad? May mens ba kapatid mo?”

“Wala naman, baka may pupu lang sa puwet.”

“Ay, siguro nga...”

Haha.

Umiling at natatawang sumunod na lang si Ralph kay Jessie.

.

.

.

Kagabi pa pala-isipan para kay Nico ang mga bagong nararamdaman sa katawan. Dagdag pa ang pulang nasa dibdib niya na hindi pa rin nawawala. Wala na ang sakit ng ulo niya, ang kaso mahapdi pa rin ang dulo ng ari niya. Hindi naman siya hirap umihi, kaya di niya masabing ‘UTI’.

Wala pa rin akong matandaan sa nangyari noong Friday night. Nababanas na ako sa nararamdaman nitong pututoy ko.

Bumaba siya sa kusina para kumain ng almusal. Ano nanaman kaya ang bago ngayon dito sa bahay. Nadaanan niya ang Ama sa sala na nanunuod ng TV, may katabing malaking ‘Onion Rings’ na chips at isang bote ng gin.

Inangat niya ang takip sa lamensa. Itlog again. Majority ng pagkain sa tiyan ni Nico ay itlog. Minsan prito, minsan nilaga, minsan egg-stake. Ano ang egg-stake? Ang egg-stake ay timplang beefstake pero itlog lang ang sahog at sibuyas. Minsan naiisip ko kaya siguro lagi rin akong itlog sa exam dahil dito, pero sa english lang naman ‘yun nangyayari.

 Rinig niya sa kusina ang pag-kuskos ng ina sa labahin, madiin at parang may galit. Tumayo siya para silipin ang ina. Pasa... may pasa nanaman siya. Inikot niya ang mata sa kusina, tinanaw ang sala. Nakakita siya ng piraso ng basag na baso na gumising sa kanya kaninang madaling-araw.

Maka-ipon lang ako, aalis tayo dito Mama. Pangako ‘yan.

Pasimple ang ginawa niyang pagpunas sa mata, pati na rin ang pagsinghot sa sipon. Gumalaw ng kusa ang cellphone niya dahil sa vibrate,

Nico~ gcng k n ba~ hihi, nagsimba kmi nina Kuya- ksma nmin si Ace at Ralph :D nkain kmi naun dto sa kfc sa bayan daan k s bhay mmya qng d k busy! May kslanan k skin!!!!!! >:( hmmft.

Jess...

gumuhit ng bahagya ang ngiti sa labi ni Nico. Nabawasan kahit papaano ang kasiraan ng umaga niya. Mabuti na lang at may mga taong katulad niyo ni Ralph sa buhay ko. Paubos na siya sa pagkain, sumilip sa kusina ang Ama.

“Hoy.” Bati nito sa kanya kasabay ang malakas na pagpatong ng walang laman na bote sa lamensa.

“Ano?” Masama na ang tingin niya sa Ama.

“May suweldo ka na ba?”

“Wala.”

“Nag-antrenta na ah! Anong wala pa! Pinagloloko mo ba ako!?” Winasiwas nito ang platong kinakainan ng anak, halos sabay ang padabog na pagtayo ni Nico at ang pagsilip ng ina sa pinto sa kusina.

“ANO BANG PROBLEMA MO!?” Kasabay ng pagtayo ni Nico ang pagbagsak ng inuupuan niya.

“Nando! Wala pang suweldo ang anak mo!”

“LALABAN KA NA HA!?” Hinawakan siya ng Ama sa leeg, mahigpit at hindi sasantuhin na sakalin siya.

Nahihirapan na akong huminga.

Bakas sa mata ni Nico ang galit, pero napapapikit na siya sa higpit ng sakal.

“NANDO! ANO BA!” Tumakbo ang Ina papalapit sa kanyang asawa para paluin ng malakas ang mga braso at balikat nito, nagkalat sa lamensa ang bula na galing sa kamay ng Ina. “TAMA NA NANDO! NASASAKTAN NA ANG ANAK MO!”

“PUTANG INA!” Binitiwan ng Ama si Nico, patulak kaya tumama ang balakang niya sa may lababuhan. Tinabig rin nito ang asawa, puno ng galit. Dahil sa bula, nadulas ang Ina pagkatabig dito. Umalis sa kusina ang Ama para bumalik sa panonood ng TV.

Agad na tinulungan ni Nico ang Ina. “Mama.”

“Anak, ok lang ako... ikaw ba?” Hinaplos nito ang mukha niya.

Pigil na pigil ang iyak ni Nico, ayaw niyang ipakita na pati siya ay naapektuhan sa pagbabagong nangyari sa tahanang kinalakihan. “O-ok lang po ako.” Please naman Mama, tama na. Huwag na po kayong umiyak.” Pinunasan niya ang luha ng Ina.

“Anak, mahal tayo ng ama mo... may pinagdadaanan lamang siya. Sana maintindihan mo Nico.”

Hindi ko alam ang isasagot ko, masyado na akong nasasaktan makita ang Mama ko sa ganitong kalagayan. Mahal... tang-inang pagmamahal yan.

Yumuko na lang si Nico, sabay tulo ng mga luha niyang hindi na nagpapigil.

.

.

.

“Wala pa rin siyang reply.” Namamapak na lang si Jessie ng crispy fries. Nakatuon ang siko niya sa lamensa, nakapout habang tinititigan ang cellphone.

“May hangover pa siguro si Nico.” Katabi ni Ralph si Ace at katapat niya si Jessie.

“Nagtataka pa rin ako kung bakit si Camille ang sumagot ng phone niya.”

“Tulog siguro siya, nung tumawag ka.”

“Iyon nga ang sabi ni Camille hmm, pero kasi-”

“Ano? Mag tatamang-hinala ka nanaman?” Umagaw ng fries si Ace.

“Piste! Fries ko yan!” Kaya natapik ang kamay niya. “Hindi ako mag-tth no! Masyado lang kasi talagang malandi ‘yung babae ‘yun, baka mamaya nirape niya si Nico habang natutulog. Huhuhu.”

Biglang nasamid si Ralph sa iniinom na tubig dahil kay Jessie. “Hui.” Hinimas ni Ace ang likod niya, habang tinatapik naman niya ang sariling dibdib.

May nasabi ba ako.

Natigil na si Ralph sa pag-ubo, medyo namula pa ang mata niya at parang nalunod ang pakiramdam ng ilong niya sa loob. Bumalik si Jerome galing sa cr, napakunot ang noo sa naabutang itsura ni Ralph na pinupunasan pa ang ilong.

“Bakit niyo pinaiyak yan?”

“Nasamid lang. Si Jessie kasi eh.”

“Anong ako!?” Babatuhin sana niya ng isang fries si Ace nang biglang tumunog ang cellphone niya. Eh? Sino kaya ‘to... si Nico, o si Justin. Hihi. Dahan-dahan pa siya sa pag-uunlock. “Wee! Hihi.” Ang lalaking sabog sabog magtext! Hihi. Pilit niyang pinacute ang reply sa text ni Justin na hgood nmorpning.

Hala-hala, kilig na kilig sa katext niya!

“Oi! Jessie ayus-ayusin mo ang mga sagot mo sa exam !” Tinuon ni Ace kamay sa lamensa.

“Oo na.” Sumagot pero sa cellphone parin nakatingin si Jessie.

“Oo na- oo na, pag-ikaw lang ang bumagsak sa pearl... Jerome, huwag mo bigyan ng pagkaen yan for 1 week.”

“Sure.” Ako kakaen ng share niya hehe.

“Asa ka.” Pagkatapos pagtaasan ng kilay si Ace at tapakan ng marahan ang paa sa ilalim ng lamensa, kinurot niya sa braso ang kapatid. “Sure, ka naman diyan!”

“Aray nomon! Talangka!”

“Baboy.” Dinilian ni Jessie si Jerome, gumanti rin ito.

“After the exams ko na nga pala ipapakita yung dalawang yellowpad na binukod ko kanina.” Hindi napansin ni Jessie ang pagkuha ni Ace ng tatlong pirasong fries sa bucket niya. “Baka kasi makaapekto, may tiwala naman ako sa mga pearl, kay Jessie lang talaga wala.”

“Ewan, pag-ako nagtop!-”

“Hindi na kami umaasa.” Sabay pa sina Jerome at Ace, nag-apir pa ang dalawa kasabay ang malakas na pagtawa. Napangisi naman si Ralph.

Peste!

Nag-pout at humalikipkip na lang si Jessie. Sila na close ni Kuya! Inubos pa fries ko! Hmmft. Pag-lang talaga ako nag-top this time! Who-you sila sakin! “Ano na nga pala meron ‘dun sa dalawang yellowpad?”

“Medyo malalim kasi ang nakasulat doon sa isa, ‘dun naman sa isa... malayo masyado sa kung ano ang nakikita nating hilig niya.”

“Ah...” Tumunog ‘uli ang cellphone ni Jessie. See u latr :D pasensya n kgbi dla aq fuds pra makpgusap tyu. “Yeay! Nagreply na rin siya!”

“Oh? Sino naman yan? Pasilip nga!” inusod ni Jerome ang upuan palapit kay Jessie.

“Ano ba kuya!” Hinarang ni Jessie ang palad sa mukha ni Jerome. “Si Nico, punta raw siya sa house mamaya hihi. Uwi na tayo!”

“Taeng-tae.” Nabulong ni Ace.

“Hihi, di pa kaya ako naliligo! Pinagmadali kasi ako ni Kuya eh... di ko na nga alam amoy ko eh.” Tinaas ng bahagya ni Jessie ang braso at may inamoy, napansin niya ang gusot ni mukha ni Ace patingin sa kanya. Tumayo siya. “Ace-chan! Hihi.” Tinaas niya ang braso patapat kay Ace.

“HUI!”

“Mabaho na ba!? Hihihi.”

“Layo mo yan!”

Hindi tumigil si Jessie. “Haha try mo lang!”

“Loko!” Kaya si Ace na ang tumayo at lumayo sa kanya. “Umuwi ka na nga!” Pero infairness, wala namang amoy. Nakakailang lang at masyadong malapit ang dibdib niya sa mukha ko! “Asim!”

“Haha!” Hindi mapigilan ni Jessie ang tuwa. Hihi sasakit ata tiyan ko kakatawa.

“Dagdag ko nga pala sa babala Ace, kasama yan sa trip niya.” Tumayo na rin si Jerome.

“Tama.” Sumunod si Ralph.

            Wasak. Kinuyumos ni Ace ang ilong, ngumiti siya pagkatapos. “I see.” Lakas trip.

 Inakbayan ni Jerome ang kapatid. “Maligo ka agad ah.”

“Hahaha, Oo na.” Ang kulit ng mukha ni Ace-chan hahaha nakaganti rin ako sa kanya hahaha.

.

.

.

Hindi ko akalain na may ganito pala siyang pinagdadaanan. Ano ba ‘tong nararamdaman ko, pero kasi... nakokonsensya ako. Naranasan ko na rin ang ganitong buhay noon, masakit, napakahirap. Makaka-apekto kaya ang mga binabalak ko. Ano ba!

Nakakapit sa dibdib ang babaeng nakasandal sa pader na pinagkakabitan ng gate ng isang bahay.

Tama, kahit papaano... susubukan kong tumulong.

May lumabas na binata sa gate.

“Nico.” Tinawag siya ng babaeng nakasandal.

Lumingon si Nico, lumabas ang gulat sa mukha niya. “Jem...”

Pilit namang ngumiti si Jem. “Hihi, hello.”

“Kanina ka pa ba?”

“Ha?”

“Narinig mo ba?”

“Eh...” Hindi ko mabasa ang mga mata niya. Tumango na lang si Jem.

“Pasensya na.”

“Ha?” Naging maamo na uli ang tingin niya.

“Magpapasama ka ba kina Jessie?”

“H-hindi, pero, ano... gusto lang sana kita makausap. Can we?”

Sa park dumaretso sina Jem at Nico. Hindi sila nag-uusap papunta roon, nabasag lang ang katahimikan nang may mag-tataho na dumaan. Bumili si Nico pagkatapos ay nilibre niya si Jem. Umupo sila sa damuhan.

“Kailan pa ba naging palainom ang papa mo?”

Natigilan sa paghigop sa baso si Nico, nakita niya ang concern sa mata ni Jem pagtingin niya dito. “Noong matanggal siya sa trabaho, noong una... akala ko okay pa si Papa. Nararamdaman ko na ang pagiging mainitin ng ulo niya, hindi ko lang gaano pinansin. Sinimulan niya sa paisa-isang bote, naging mucho, kasunod gin-bulag hanggang sa umuubos na siya ng isang long-neck.” Humigop muna sa taho si Nico bago uli nagsalita.

“Pag-uwi ko na lang isang gabi, nakita ko na si Mama na puno ng pasa. Saka ko na lang nalaman na natanggal pala siya. Tinanggap ko yung trabaho na binigay sakin ng isang kaibigan, pang-tulong sa kinikita ng Mama ko sa parlor niya. Akala ko, luluwag ang pakiramdam ng tatay ko. Hindi pala. Gabi-gabi na lang naririnig ko na inaaway niya si Mama, walang dahilan. Nung mga araw nga na hindi ako pinapansin ni Jessie, mix emotion ako. Natutuwa ako na nalulungkot. Natutuwa ako na malayo kami at hindi niya mahahalata na may problema ako, pero nakakalungkot na hindi ko na magawa yung dati para sa kanya.”

Nakita ni Jem ang konting ngiti sa labi ni Nico bago nito tuluyang ubusin ang laman na taho ng baso. “Ayaw mo bang ipaalam kay Jessie?”

“Ayaw, hehe. Gusto ko na, makilala niya ako as Nico na nakilala niya 11 years ago. Ayoko na, makita niya na nagiging mahina ako. Hehe. Kaya ko naman ito, saka nakakalimot ako kahit papaano pag kasama ko siya. Kung ipapaalam ko, kukulitin lang niya ako at ayokong siya pa ang mag-paalala ng mga problema ko, gusto ko... siya yung, nagpapawala ‘nun. Hehe. Kaya sana, hindi mo sabihin haha.”

Hindi ko na matandaan, kung may ganyan rin bang tao sa mundo ko noon. Pakiramdam ko, lumaki akong... walang karamay. Hanga ako sa kanya, nakakangiti pa rin siya.

“I won’t, don’t worry. Hihi. Pero may tanong lang ako.”

“Hmm? Ano yun?”

“Gusto mo ba si Jessie?”

“Ha? Hahaha, ano ba yang tanong mo. Haha.”

“Seryoso ko.”

Natigilan si Nico pagkakita ng simpleng pag-nguso ni Jem. Naasar ata. “Sorry, hehe. Oo. Pero-”

“Di nga?” Wala ‘man lang siya ka-buckel-buckel sa pagsagot niya.

“Oo nga. Kaso-”

“Eh? Bakit hindi ka parin nagtatapat sa kanya?”

Hindi ko na tuloy maalala ang dapat kong sasabihin.

“Sana nga eh, noon pa dapat, pero wala eh. Dumating si problema, mapipilitan akong sabihin sa kanya kung sakaling sagutin niya ako at maging GF ko siya kaya ayun, ‘di ko na lang muna inisip na gawin.”

“Pero sa tingin ko, puwede mo pa rin naman ‘yun gawin kahit na may problema kang ganyan. I’m sure Jessie will understand everything, and she will continue making you happy despite knowing your problem.”

“Sinasabi mo na dapat na akong magtapat sa kanya? Agad-agad?”

“Hmm... Oo! Try mo lang!” Ngumiti si Jem. I’m sorry Nico, but... Camille. She can help you better. However, I need to add some pain to your heart in pushing you to do this.

“Baka mailang siya eh hehe.”

“Hindi ‘yun! Pag-isipan mo, hihi. Sige ka, baka may... mauna sayo.”

Sumiryeso ang mukha ni Nico, inalis ang tingin kay Jem at binaling ito sa lugawan na malapit sa park. Nabigla ng bahagya si Jem. Alam na kaya niya si Justin? O marami lang siyang alam na may gusto rin kay Jessie?

.

.

.

“Ang sarap maligo! Hihi.”

Sinigurado ni Jessie na fresh na fresh ang katawan niya pagpasok ng kwarto. Ni-lock niya rin ito in-case na sumpungin si Ace ng kamanyakan. Binuksan niya ang closet habang naka-twalya pa rin ang buong katawan at ang buhok.

Ah... ano ba magandang isuot ngayon. Hmm.

Kung mag-normal na pambahay na lang kaya ako. Kaso sabi ni Justin baka bumisita siya, si Nico rin. WAAAH! SANDALI! BAKA MAGKASABAY! HINDI PUWEDEEE! CELLPHONE! ASAN KA CELLPHONE!!

Tinaas ni Jessie ang nagkalat na unan sa kama, binuksan niya ang mga drawer, sinilip ang taas ng mga puwede niyang pagpatungan. Baka nadala ko sa CR! Humangos siya pababa sa CR, nadaanan niya ang tatlong lalaking nakatambay sa sala at napansin siya ng mga ito. Pabalibag ang pagbukas niya ng pinto, bago maghanap sa loob, inayos niya muna ang twalya na nakabalot sa katawan. Nasan ka cellphone!

~bababa-babanana, bababa-babanana~

Ringtone ko yun! May natawaaaag!

Binuksan niya ang showe curtain, nakita niya ang cellphone na nakalagay sa lalagyanan dapat ng sabon. Bakit ko ba kasi dinala sa Cr! May halong pagmamadali ang pagkuha niya, Si Justin! Natawag! Madulas ang backcase ng cellphone ni Jessie, mas lalo pa itong dumulas nang malagyan ng bula galing sa pinagpatungan.

I-prepress na ni Jessie ang answer button nang dumulas ang cellphone. “WAAH!” Nasalo niya, pero dumulas pa rin, umangat sa ere! “WAG!!!” Sinubukan niyang abutin, bitin. “Cellphone ko!!!” Nawala ang tunog ng masaya niyang ringtone, pumalit dito ang malakas na tilamsik ng tubig.

“HIIIIINNNNNDI!!!!”

Abot hanggang kisame ng secondfloor ang sigaw ni Jessie. Muntik na ring mapaangat ang bubungan sa sobrang sigaw niya, lumingon ang mga tambay sa labas, napasilip ang mga kapitbahay nila sa bintana, pati na rin ang mga kapit barangay.

Nagmamadali siyang pinuntahan ng nag-alalang kapatid. “Hoy! Bakit ba!?” Nasaksihan niya ang nakatuwalayang kapatid, nakatayo sa tapat ng inodoro, at tulalang nakatitig sa loob nito. “Hui!”

Maluha-luha itong lumingon sa kanya. “Kuya.” Tinuro ni Jessie ang inodoro. “Kinuha niya yung cellphone ko... huhuhu.”

“Ano?”

“Kinuha niya! Huhu.” Dinuro-duro pa ni Jessie ang walang malay na inodoro, kasabay ang marahan na pag-padyak sa tiles.

“Anong kinuha!?” Sumilip si Jerome para ikumpirma ang binibintang ni Jessie. “Nihulog mo, hindi ninakaw.”

“Mas kinakampihan mo pa siya! Huhu!”

“HUH?!” May sapi ba tong si Jessie!?

Kuya... gagana pa ba yan?” Kailangan kong ma-isched yung pagbisita nina Justin at Nico ngayon ee... huhuhu, eeeeh naman kasi eh!

“Ewan ko, magbihis ka na muna. Kukunin ko at susubukan kong ipakutingting kay Ralph baka kaya niya.”

Nakapout siyang lumabas, pero bago makalayo. Humarap siya sa cr. “I hate you inodoro! Hmmft.”

“Huwag mong sisihin yung inodoro, wala siyang kasalanan. Magbihis ka na!” Humaba lalo ang nguso ni Jessie dahil sa sinabi ng kapatid. Magkahalong inis at natatawa ang nararamdaman ni Jerome. Para naman kasing sabog, di naman kasi dinadala ang cellphone sa cr! Pati inodoro sinisisi.

.

.

.

Sinalubong ang gwapong binata ng mga kakaibang post sa news feeds ng facebook niya. May tungkol sa pork barrel, may tungkol sa nakaraang sex video na kumalat, at meron ding tungkol sa bagong sex video.

Nakahinga siya ng maluwag, walang post na nagrereklamo dahil sa mabilis na concert. Ilang hikab ang pinakawalan niya pagbaba sa hagdan na mahaba ng mansyon na bunga ng pagiging sikat niya sa mga kabataang babae. Mayaman na nung una palang ang pamilya niya, kaya mas nadagdagan pa.

“Good morning, Ma.” Pahalik siya sa pisngi ng ina, kaso hinarang nito ang palad.

“DJ! Maswerte ka at hindi naging issue ang concert mo!”

“Ma, pinagusapan na natin ‘yan kagabi diba? May maganda naman akong dahilan eh. Hindi nila ako masisira.”

“Nag-gigirlfriend ka na ba?”

“Wala Ma, wala.” Umupo siya sa upuan na katapat ng Mama niya. “Saka na ‘yun, school and work lang ang priority ko ngayon.”

“Really? Oh, wait... How’s Jessie? Is she still that happy girl?”

“Yes, still the same.”

“I wanna met her again, malapit kami ng Mother niya nung nabubuhay pa. Dismayado nga siya nang malaman niya na, baby boy ang kasabay ng second baby niya... those good all days.” Binaba ng Mother ni DJ ang mga hawak na kurbyertos, sabay ngiti.

“Ano po bang, naging sakit ng Mama niya?”

Tumingin sa kanya ang ina na may malamlam na mata. “Sa unang baby pa lang ni Jennifer, naging delikado na ang buhay niya. Anemic siya, mahina ang katawan at puso. Nung mailabas niya ang panganay niya, sinabihan ko siya na... tama na, kaya nagulat ako nang sabihin niya sakin na buntis siya sa ikalawa niyang anak. Dito na tinaningan ng Doctor si Jen, pero hindi siya sumuko. Nabuhay pa siya ng mas matagal sa ina-akala ng science.”

“Baby pa lang pala si Jessie problema na siya haha.”

Natawa rin ang mother niya. “Mas matagal pa sana ang tinagal ni Jen... kaso, biktima siya ng mapanghusgang sistema ng medisina dito sa Pilipinas.”

Mapanghusga?

“Tinulungan naman namin siya ng Papa mo, pero kahit nagbigay kami ng pera... mas pinaboran pa rin ng hospital ang mas mayaman at kilala na pamilya. Isang bag lang naman sana ng dugo ang kailangan.”

Mama...

naluha kasi bigla ang Mother niya.

“Kaya ikaw, Alagaan mo siya! Bata pa kayo nagsusumbong na sakin si Jessie na lagi mo siyang inaasar! Pero mother niya ang unang nagpaligo sayo dahil hindi ko pa alam kung paano ‘yun gawin. Isa pa, inaanak siya ng Papa mo.”

“Opo.” Biglang balik sa dati eh.

“Minsang nga invite mo siya dito ng lunch or dinner, ilang pasko rin na wala siyang pamasko galing samin. Ha? Bukas, sabihan mo na siya.”

Naku po mauubos ang stock namin sa bahay pag nagkataon.

“Yes, Mom.”

“Good, sige na... eat well. May appointment ako ngayon sa salon, later magsisimba tayo ah.” Lumapit sa kanya ang ina at hinalikan siya sa pisngi. Malayo na ang ina sa lamensa at nakailang subo na ng bacon si DJ, nang may ipahabol itong bilin. “And... Dan Jacon baby.”

“What is it Mom?”

“If you’re going to have your first girlfriend, I want it to be Jessie. Hihi.”

“MOM!” Natatawang nagpatuloy sa paglalakad ang ina. Para naman siyang nawalan ng gana dahil sa narinig, nawalan nga ba ng gana o kinilig?

Sometimes I wish my mom wasn’t this young spirited, geez... Jessie? Mauubos lang allowance ko sa kanya.

Napaisip pa rin naman siya kahit papaano. Lintik! Piling ko mag-blublush ako!

.

.

.

Dala nag pag-aalala sa cellphone, hindi na nakapag-ayos si Jessie. Sinuot na lang niya ang paborito niyang pambahay pag-mainit. Ang sandong gray at low-waist jean shorts na may mga sira-sira pero style. Pinabayaan na lang niya na matuyo ang buhok sa hangin, lumabas tuloy ang tunay na style ng buhok niya.

Naging Ralph-butingting ang eksena sa sala, ginawa niya ang best niya. Ginamit niya ang blower ni Jessie para patuyuin ang loob ng cellphone, ngunit hindi pa rin ito bumukas. Sinalpak na lang muna ni Jessie ang simcard sa lumang ‘Samsung Galaxy Y’ ni Jerome na ginagawa nitong mp3 minsan.

“Yan na lang ang gamitin mo.”

Pinalo ni Jessie si Jerome ng malakas sa hita. “Ayoko nga! Ibili mo ko dapat ng bago!”

“Anong ibili!? Masaya ka!?”

“Magpapadala naman si Papa ah! Sige na~” Tinulak niya si Jerome, “Kuya...” Hinila niya papalapit si Jerome. “Please.” Tinulak uli niya. Nagpaulit-ulit ang ganitong eksena hanggang sa mapagod na ang braso ni Jessie at magleft and right na ang utak ni Jerome. “Kuyaaaa!”

“No.”

Tila binagsakan ng langit at lupa si Jessie. Ayoko nitong Y ee! Hindi puwedeng mag ‘Minion Rush’ dito ee, natext ko na si Justin pero parang... mas need ko siya ngayon naaaaa, waaaah~

“Pero, kung maipapasa mo lahat ng exams mo this week. Ibibili kita ng bago.”

Randam ng tatlo ang pag-spark ng mga mata ni Jessie. “SERYOSO!? KUYA!?”

“Oo.”

“Wee... RALPH!”

“Ooops! Anong Ralph? Bawal, bawal magpa-tutor.”

“Huh!?” Tumingin si Jessie kay Ralph, tinaas nito ang balikat pagtingin sa kanya. Under na siya ni Kuya! “Ace-chan!”

“Hindi puwede, teacher mo ako. Unfair sa iba." Sumagot si Ace na may kasamang pag-hahanap ng treasure sa ilong.

As if naman may maasahan ako sa kanya, huhu! Kanino ba ako puwedeng lumapit pa!!! huhu.

“Ang duga mo talaga Kuya! Magsama kayo nung inodoro!”

“Wala ka na talagang masisi sa kabobohan mo.”

“EHHH!”

Sabay-sabay silang nilingon ang pinto. May nakatok.

“Buksan mo Jessie.”

“Hmmft!”

Kung hindi pa siya itulak ni Ace ay hindi talaga siya tatayo sa sobrang katamaran. Maliit lang ang lalakarin niya, pero inabot pa rin ng tatlong katok ang taong nasa kabilang pinto. “Hello!”

“Jem?”

“Hihi, busy ka ba?”

“Hindi naman, bakit?” Himala hihi, ngayon lang niya ako binisita~

“Gala tayo! Hihi, miss ko na kasing mag-gala kasama ka... masyado tayo naging busy! Haha.”

“Oo nga, hehe sige! Game ako diyan. Pasok ka na pala muna.”

Pagtapak pa lang ng paa ni Jem sa bahay sa mata na agad siya ni Ralph napatingin, matagal na nagpako ang mga tingin nila. Unang ngumiti si Ralph, pinilit na lang din ni Jem ito gayahin. Tinitigan siya ni Ace mula ulo hanggang paa, ramdam niya ito, mas tumitindi pa ang mga tingin sa kanya ng matangkad na payat na lalaki habang lumalapit siya.

34b 25 34, nice... puwede na.

Sino ba ‘tong makatingin na ‘to, ang manyak.

Sa hagdan papunta sa kwarto pumunta si Jessie. “Kuya! Ralph! Pa-entertain na lang muna si Jem ah, Magbibihis lang ako. Ace-chan! Wag mo siya manyakin!”

“Roger!” Hehe di naman niya mahahalata eh.

“Mahahalata niya niyan!” sinigaw ni Jessie habang nasa second floor na siya.

“Hehe.” Tawa na lang ang binati ni Ace kay Jem na sa tabi ni Jerome umupo kahit mas malaki ang bakante sa tabi niya.

Kinuwento ni Jerome kay Jem ang nangyari sa cellphone ni Jessie, dito niya narealize na kaya pala hindi nagreply agad si Jessie at mukha itong nagulat pagkakita sa kanya. Awkward parin ang kilos niya dahil kay Ralph, pinilit niyang hindi ito ipahalata kay Jerome. Annoying, hindi ko ‘man lang siya nakikitang nahihirapan kumilos dahil nandito ako, what a great actor... magaling pa siya kay DJ. Kainis!

Panay naman ang titig ni Ace kay Jem, hindi dahil sa kinikilatis niya ang kutis nito, pansin kasi ni Ace ang kinikilos ng babaeng may brown na maiksing buhok at short. Crush ba nito si Ralph? Haba ng hair ng tropa ko ah, maganda ‘tong nagkakacrush sa kanya haha.

Bumaba si Jessie after 30 minutes, hinayaan na lang niya na nakaladlad ang kulot na buhok, magtatagal kasi siya kung aayusin pa niya. Nakapalda siya at hanging blouse na sleeveless. Sikretong napa-wow si Ace sa transformation na ginawa ni Jessie.

“Let’s go! Hihi.”

“Hindi ka rin matagal ah.” Kantsaw ni Ace.

“Tse. Nainip ka ba Jem?”

Nakangiting umiling si Jem. “Hindi naman, hihi.” Nilapitan siya ni Jem para kapitan sa braso. “Alis na kami Kuya Jerome! Ralph... at...” Nilingon ni Jem si Jessie na natatawa dahil sa dismayadong mukha ni Ace.

“Ace-chan, hihi. Bye!”

“Ingat.” Muntik ng matigilan si Jem nang marinig ang boses ni Ralph. Dinaan na lamang niya sa mga ngiti ang nararamdamang uneasyness dahil dito.

Lumabas sila ni Jessie ng pinto na magkasunod, napansin agad ni Jessie ang bagay na nakaharang sa gate nila. “Di-diyan tayo sasakay!?” Tinuro niya ang ‘Ford Fiesta’ na color dark blue.

“Yup, hihi... pumayag si Mama na gamitin ko siya tuwing aalis ako. Tera na.”

“O-oki.” Bakit nga ba ako nagulat, taga G.U.I si Jem. Mayaman siya, Father nga niya ang nagbayad nung hospital bill ko ee. Ahihi, piling rich-girl rin ako ngayon! Haha.

Nakasilip pala ang tatlong lalaking na nasa sala sa bintana.

“Mayaman pala siya.”

“Oo, taga G.U.I yan. ‘Di ko nga alam kung paano niyan naging kaibigan si Jessie.”

“Magbibihis lang ako.” Kaaandar pa lang ng kotse na sinakyan nina Jessie.

“Eh? Bakit san ka punta Ralph?”

“Diyan lang...” Mahirap ng magtiwala.

“Yats, labas natin si Moymoy. Hehe” Yats, ang binigay na palayaw ni Jerome kay Ace, short for payatot.

Yats amputs! Kung ‘di lang ako nito pinapakain ng masarap sapak sakin ‘to!

“Ok... Tabs.”

May tawagan na agad sila ah.

“Magdadate kayo?” Palabas na ng pinto si Ralph at nakahawak na sa doorknob. “Nasa likod lang si Moymoy kunin niyo na lang.”

“Hehe, puwede kang sumama...” Biro ni Jerome.

“Wag na.” Maging love-triangle pa.

.

.

.

 Brunch. Breakfast and Lunch combined. Ginawa ng bagong gising na binata sa isang malaking mansyon, almusal ang niluto ng matagal na niyang ‘Nani’ na si Manang Fely, beefstake, fried rice, coffee, isang slice ng cake na binili ng Step-Mother niya para sa kinakapatid pero siya ang unang bumawas.

Sarap talaga kumain ng mag-isa hehe. Eh? 12 na pala? Dapat pala bumangon na ako kanina nung tinext ko siya, akala ko maaga pa. Hehe napuyat nga pala ako sa mga kwento niya, kung di pa nalowbat cp niya hindi siya titigil hehe. Ang kulit.

Napuyat si Justin sa pakikipagkwentuhan kay Jessie na umabot ng ala-una ng umaga. Nakatulog naman siya bago sila mag-usap, kaso kulang pa rin. Iyon rin ang dahilan kung bakit hindi na nakaligo si Jessie kaninang umaga bago magsimba.

Speaking of her, hindi niya ako sinagot nung tumatawag ako kanina tapos naging unattended. Subukan ko nga uli baka nawalan lang ng signal.

Kinapa niya ang bulsa, sabay na natawa ng magisa. Wala nga palang bulsa tong boxer ko hehe.

“Tinoy, busog ka na ba?”

“Hehe, malapit na po Manang!”

“Mabuti naman, sige eto ang juice na favorite mo pag may kailangan ka? nasa likod lang ako at sinasampay yung mga nilabhan na kurtina ni Maring.”

“Ok po, ay! Manang, umalis po ba silang tatlo uli?”

“Oo hijo. Solo mo uli ang bahay hehe.”

“Ganun po ba, hehe oo nga ho.” Happiness!

Umalis na ang matanda papunta sa likod ng mansyon. Mas malapit sa mga katulong nila si Justin, lalo na kay Manang Fely dahil ito na ang nagaalaga sa kanya noong pampers pa lang ang brief niya. Kilala ng matanda ang ina ni Justin, hindi rin ito boto sa ikalawang asawa ng haligi ng mga Lee. Inayos ni Justin ang pagkakasalansan ng mga pinagkainan sa tabi ng lababo, umakyat siya sa kwarto para tawagan na si Jessie.

Nag-riring pero hindi nasagot... hmm, makaligo na nga. Puntahan ko na lang nga siya.

.

.

.

Sa mall dumaretso sina Jessie at Jem, wala pa gaanong tao na naglalakad pero medyo puno na ang ibang kainan. Naglakad sila sa first floor, ‘National Bookstore’ ang una nilang pinasukan para maghanap ng mga libro na hindi rin naman mabili ni Jessie dahil mahal. Sa ‘Book Sale’ sila pumunta, nakabili ng dalawang libro si Jessie. Sa ‘NBS’ 450 ang presyo ng nabili niya, pero sa ‘BS’ 150 lang. Hindi naman mahalaga kay Jessie na bago ang itsura ng libro, mahalaga sa kanya ay mabasa niya ito.

Si Jem naman ang nasunod sa store na pinasukan nila sa first floor, tindahan ito ng mga ‘statement shirt’ at mga cool designs shirt. Nilibre niya si Jessie ng isa, napansin kasi niya na gustong-gusto ni Jessie yung hawak nitong tshirt tipong ayaw na nitong bitawan dahil baka raw may makakuha pero wala naman siyang pambayad.

Naglakad uli sila para mag sight-seeing sa second floor naman, hindi gaano napapansin ni Jessie ang cellphone niya dahil busy siya makipagchismisan kay Jem.

“So, hindi siya natuloy?”

“Uu! Hihi, si Ace-chan lang talaga ang pasaway!”

“Haha, mabuti naman.” Kaya pala ganun ang text sakin ni Ralph kagabi.

“Jem, sa arcade tayo sa third floo! Hehe. Miss ko ng maglaro doon eh.”

“Sige, treat ko ang token!”

“Di nga!?” Lucky!

“Naman. Ahihi.”

Tumupad si Jem. Naglaro sila ng ‘House of the Dead 1’, ‘Resident Evil’, ‘House of the Dead 2’ dahil nasayang ang token ni Jessie sa ‘House of the Dead 1’, ‘Dance Revo’, ‘Initial D’, at marami pang iba. Palipat-lipat sila ng laro, pagkatapos ng kotse, sa barilan naman, after sa barilan, sa basketbolan naman, dito tinamaan ng bola sa ulo si Jem gawa ni Jessie.

Nilakasan rin ni Jessie ang self-confidence nang kumanta siya sa malaking videokehan sa gitna ng maraming audience. Hindi naman siya nabigo dahil may mga pumalakpak at maganda naman ang kinalabasan ng pagkanta niya.

She’s so jolly. Malaki ang pagkakaiba namin dalawa, masyado siyang masaya. Mas lalo lang akong naasar sa kanya.

“Jessie, kain na tayo. Hihi.”

“Sige!”

Sa isang japanese fastfood chain sila kumain. “Jessie, kamusta na kayo ni Nico?”

“Hmm? Mabuti naman hihi, nagkatampuhan lang kami last time pero... ok na uli!”

“Alam mo, bagay kayo hihi.”

Huh? Bakit ba lagi nilang sinasabi yun!

“Hihi, sabi nga nila.”

“Bestfriend lang ba talaga ang tingin mo sa kanya?”

Eh?

“Hehe, hmm. Sa totoo lang minsan nararamdaman ko tinutulak ako ng isip ko na molestiyahin na siya pag kami lang dalawa ang magkasama haha. Crush ko si Nico, binully niya ako nung bata pa kami pero siya yung umiyak hindi ako. Haha. Naiinis ako sa kanya pag tumitingin siya sa ibang babae, gusto ko lagi niya akong inaasikaso. Demanding ko. Hihi.”

“Your eyes are sparkling hihi.”

“Di kaya!”

Actually hindi talaga.

“Does he make your heartbeat fast? Pag magkasama kayo?”

“Minsan.”

“Nagseselos ka pag may kasama siyang ibang babae?”

“Naman!”

“That’s love!”

“Huh?”

“Baka inlove ka na kay Nico, hihi.”

“Pero...” Ganun rin ang nararamdaman ko minsan kay Justin, mas malala pa nga ee.

“Hihi, just kidding! Kain na tayo.” Gusto lang kitang lituhin, hindi ko ifoforce ang paglayo sayo ni Justin gusto ko, siya mismo ang makahanap ng dahilan haha.

“Itedikamasu! Hihi.”

Kalagitnaan ng pag-kain ni Jessie sa inorder niyang chicken karaage tumunog bigla ang hiram niyang cellphone. “May natawag ata sayo Jessie.”

“Oo nga.”

“Hello?”

“Jes.”

“Nico? Bakit?”

“Baka gabi na ako makabisita ah, hehe may emergency lang sa store. Magdadala talaga ako ng pagkain promise!”

“Hmm, oki hihi.”

“San ka ngayon?”

“Sa mall, trineat ako ni Jem.”

“Ni Jem?”

“Oo bakit?”

“Ah, wala-wala. Sige, ingat kayo ah! Bye.”

“Babyessss.”

“Ay! Toinks! Hindi ko nasabi kay Nico na maaga nga pala ako matutulog mamaya, exams namin bukas need ko makapasa sa lahat huhu!”

“Bakit?”

“Saka lang kasi ako ni Kuya ibibili ng bagong cellphone pag napasa ko. Kung puwede lang sana ako magpatutor sayo huhu.”

“Hihi, basta pag may hindi ka alam sa nirereview mo... tawagan mo lang ako.”

“Yeay! Sige-sige!”

.

.

.

“Umalis si Jessie, kasama yung kaibigan niya.”

“Kanina pa?”

“Medyo, pasok ka na muna.”

Pinapasok ni Jerome si Justin, tinanguan niya si Ace na kalaro sa sahig si Moymoy. Umupo siya sa tabi ng dalawa para makihimas sa fur ni Moymoy. “Anong oras pa kaya sila uuwi?”

“Yun ang hindi ko alam, malamang matagal. Hindi nauubusan ng energy ang mga babae pag nasa mall eh.”

“Ganun ba...” Nalungkot ang mukha ni Justin.

Dismayado si Par! Crack a joke!

“Bading siguro tong si Moymoy.” Hinihimas ni Ace ang tiyan ng nakatihayang aso, sa ulo naman si Justin. “Tignan mo, sarap na sarap pag hinihimas ng dalawang lalaki. Haha.”

“Haha, naging close ko nga rin siya agad nung unang punta ko rito.”

“Tignan mo na, hehe ako nga pala si Ace!” Inoffer ni Ace ang kamay para makipagshake-hand.

“I’m Justin.” Nakipagkamay naman sa kanya si Justin. “Madalas kang ikuwento sakin ni Jessie. Hehe.”

“Babaeng yun! Chinichismis ako!”

“Hehe.”

“Yats, nag-lalaro ka ba?” Nanggaling sa taas si Jerome, kinuha ang dalawang laptap.

“Ng?”

“Dota.”

“Naman! Laro tayo? Kukunin ko lang lappy ko!” Tumayo siya at pinagpagpag ang shorts na may balahibo ni Moymoy. “Ikaw Justin?” Tinapik niya sa balikat si Justin.

“Naglalaro rin ako hehe.”

“Ayos, sige wait niyo ako ah!”

Lumabas si Ace at sumunod sa kanya si Moymoy. Inayos ni Jerome ang lamensa na pagpapatungan ng mga laptap. Kanina pa naamoy ni Justin na may bago sa bahay, kumukuha lang siya ng tiyempo magtanong kay Jerome.

“Nagyoyosi ba si Ace?”

“Ha? Ah! Oo, hehe amoy pa ba? Nagyosi kami kanina eh... hehe.”

“Kami?”

“Hehe, lihim mo na lang kay Jessie!”

“Haha ok.”

“Nasira yung cellphone ni Jessie kanina, nalaglag sa inodoro, pero pinahiram ko siya ng luma kong cp. Dumating kasi kaagad yung kaibigan niya kaya siguro hindi ka na naalalang itext na aalis siya.”

“Ah, ok. Babae ba kasama niya ngayon?”

Natigilan sa pagtatype sa keyboard si Jerome, iba kasi ang tono ni Justin sa pagkakatanong niya. Pagtingin pa niya dito ay medyo nakasimangot ito. Nababading ata ako ah, ang cute niya. “Oo, si Jem ang kasama niya. Yung mayaman niyang tropa.”

“Si Jem?”

“Kilala mo?”

Tumango lang si Justin.

“Yun ang kasama niya hehe, ‘wag ka mag-alala wala pang lalaki ang pumapasa na puwedeng i-date ni Jessie! Niyahaha.”

“Kahit ako? Hehe.”

“Huh?” Natigilan nanaman si Jerome, ngiting-pa cute kasi ang ginawa ni Justin pagtingin sa kanya. Aba naman at balak talaga akong gawing bading nito! “Haha, pag-iisipan ko!” Dalawa na ata kami ni Kevin na sasali sa ‘Super Sireyna.’ BUSET! Ngiti pa sige!

Bumalik si Ace bitbit ang laptap at isang bote ng coke na si Ralph ang bumili. “Tabs, may mga chi-cha ba kayo terno natin dito sa coke.”

“Ninakawan mo nanaman ng supply si Ralph.”

“Yaan mo na yun, diet yun! Haha.”

.

.

.

Hindi sa store nagkaroon ng emergency ang araw ni Nico, kundi sa bahay pa rin. Pagkabalik kasi niya galing sa park, pinagtripan nanaman pala ng Papa niya ang asawa. Binigay na lang niya ang natitirang pera sa pitaka niya para umalis ang ama, pambili sana ang pera ng pagkain na ibibigay niya kay Jessie.

Umalis ang ama para pumunta sa sabungan. Gabi na ang uwi nito, panalangin ni Nico na manalo ang ama para hindi nito pagbalingan ang ina pag-natalo. Ginamot niya ang Ina, hiyang-hiya ito sa mga nangyari.

“Pasensya ka na Nico.”

“Nainom niyo po ba yung maintenance niyo na gamot? Punta po ako mamaya sa parlor, baka po kasi hanapin nila kayo.”

“Nico anak, may pera ako sa taas kunin mo at ibili mo ng pasalubong kay Jessie.”

“Po? Wag na po hehe.”

Hinawakan ng ina ang mukha niya. “Puntahan mo siya mamaya, para gumaan ang pakiramdam mo anak ha.”

“Opo.”

May kumatok sa pintuan nila, si Nico ang nagbukas at nagulat siya sa nakita. “Trixie?! Ba-bakit?”

“Kasi ano, pinabibigay ni Papa tong ulam! Hihi, bagong luto yan!”

“Salamat, pasensya ka na magulo ang bahay.”

“Hihi, gusto mo tulungan na kitang mag-linis?”

“Naku wag na! Nakakahiya.”

“Ano ka ba!” Nagpumilit si Trixie na pumasok, binati niya ang ina ni Nico na ngumiti sa kanya. Sa kusina siya dumaretso para tulungang mag-saing si Nico.

“Trixie...”

“Hihi, hindi ko sasabihin kay Jessie! Promise!”

“Salamat.”

“Hindi ko lang kasi talaga matiis yung mga naririnig ko ee, saka para mas madali kang makapunta kay Jessie. Diba!?”

Tumango si Nico at ngumiti.

“Sige na linisin mo na yung sala, ako ng bahala dito.”

“Salamat talaga, Trixie.”

“Kung pagkain yang salamat mo, busog na siguro ako. Haha.”

.

.

.

Hinatid ni Jem si Jessie pauwi, bukod sa dalawang t-shirt na nilibre sa kanya ni Jem ay may pasalubong pa siyang pagkain sa mga naiwan sa bahay. Inintay ni Jessie makaalis ang sasakyan ni Jem bago pumasok sa bahay.

Parang ang tahimik ata sa loob.

“Kuya! I’m home!”

“Jess!? Aga ah.”

Lumingon ang isang ulo na pamilyar kay... “Jessie!” Tumayo ang lalaking nakatalikod kanina sa may pintuan at lumapit sa kanya. Kinuha nito ang buhat niyang paperbag, paperbag kasi bawal na ang plastic sa city nila.

“Jus-tin, hihi nandito ka pala!”

“Tinatawagan kita, hindi ka naman nasagot. Saan ko ‘to dadalhin?”

Eh, sinilent ko nga pala yung phone dahil naiinis ako gamitin ang litt ng screen hihi. Naku!

“Sorry... sa kusina na lang hihi, samahan na kita.”

Pumunta sila sa kusina.

“Chi-cha kaya yung dala niya?” Bumulong si Ace sa katabi niyang tulala sa screen.

“Siguro. Sunod tayo.”

Ilang oras lang sila nagdota, laging talo dahil tanga si Ace. Kaya nauwi sila sa AF, pero tinamad sila sumali sa tournament dahil di marunong umasinta si Jerome. Kaya nang dumating si Jessie, nakatambay na lang silang tatlo sa PVP Prontera Map ng Ragnarok. Ubos ang supp, ubos rin ang mga ‘medyo badboy’ na players.

“Wow, libre to ni Jem!” May hawak nang ‘KFC’ chiken si Ace, bawas na at malapit ng maging buto bago pa nagtanong.

“Oo, kaen na kayo diyan. Tirhan niyo ko ah! Magbibihis lang ako. Kain ka na Justin, baka ubusan ka nila. Hihi.”

“Sige.”

“Bakit siya niyaya mo kumain! Ako hindi!” Dinuro ni Jerome si Jessie gamit ang hawak na tinidor.

“Eh, nakain ka na nga diyan eh! Hmmft.”

Nagkaroon ng ramble sa kusina pagkababa ni Jessie. Taguan ng gravy ang nangyari, marami pa kasing chicken pero ubos na agad ang sawsawan. Gawin ba naman kasing sabaw ni Jerome. Nagtiyaga na lang sa ketsup si Justin para hindi masali sa gulo.

Nagbato-bato pik sila kung sino ang maghuhugas at maglilinis ng kusina. Talo si Ace, binyag na rin sa kanya dahil bagong lipat lang siya sa ganitong buhay. Dumiretso sa sala si Jerome, nakahiga sa sofa, nanonood ng tv, himas-himas ang tiyan.

Pumayag siya na nakasara ang pinto sa kwarto ni Jessie kahit kasama nito sa loob si Justin. Dala ata ng kalasingan sa busog ang magandang trato sa bisita ng kapatid. Pero si Justin na rin mismo ang hindi nakinig, ayaw pa niyang magkasala.

“Gusto mo... ibili na lang kita?”

Ha!

Nakaupo sa sahig si Justin, seryosong nakatingin kay Jessie na nakaupo sa kama nito. “Para, may magamit ka ng maganda. Hehe.”

“Naku! Wag na Justin! Hihi, kaso kasi...”

“?”

“Hinid ko pa rin sigurado kung kaya kong makapasa sa exams, pag hindi ko nagawa... huhu. Habang buhay na ako magtitiis sa maliit na screen na ‘to!”

“Ganito na lang.” Tumabi sa kanya si Justin, hinawakan siya sa balikat, pagkatapos ay nilapit ng bahagya ang mukha. “Kung ayaw mong ibili kita ng cellphone, tututor na lang kita for the whole week. Hehe.”

Akala ko pa naman ikikiss niya ako.

“Seryoso ka?”

“Oo naman, tutulungan kita sa abot ng makakaya ko. Ok ba yun?”

Nakakahypnotize naman yung ngiti niya, niyahahaha. Kung sabagay, naghahanap rin talaga ako ng puwede kong maging tutor for 1 week!

“Sige... hihi, salamat! Justin!” Bear Hug! Sadya, o hindi sinasadya, niyakap niya si Justin ng nakangiti at mahigpit.

“No problem, basta ikaw.” Niyakap rin siya ni Justin ng nakangiti.

AYIEEEEE! NIHUG RIN NIYA AKO! WAAAH! KINIKILIG AKO! BONGGANG-BONGGA!

Mas mahigpit kasi sa inaasahn ni Jessie ang yakap sa kanya ni Justin.

Isang boses ang nang-galing sa siwang ng bukas na pinto. “Su-weeeeet.”

Parehas napalingon sina Jessie at Justin.

“Ang cute niyo! Hehehe.”

Napabitaw si Justin kay Jessie, tumingin rin siya sa may bintana at hinaplos ang buhok. Kitang-kita sa mukha niya ang pag-blublush. Ganun rin si Jessie na daig pa ang mestisang lasing sa pamumula ng pisngi. “ADEK KA!” Nabato tuloy niya ng unan si Ace.

“Hahaha. Para kayong mga nagblush-on! Hahaha.”

“Umalis ka na nga!” Tumama na sa mukha ni Ace ang pillow na binato ni Jessie.

Hindi nito natinag ang pagtawa niya. “Hahaha may naghahanap sayo sa baba hala bilisan mo, ako na muna diyan sa tabi ni Justin kami muna mag-huhug hahaha.”

“Sira! Wait lang ah.” Tinignan niya ng masama si Ace bago lumabas ng pinto.

Bumaba siya, dumiretso sa may pintuan at dito niya nakita si Nico. Hindi ‘man lang pinapasok ni Ace-chan! Ay! Tanga ko, malamang kung pinapasok niya si Nico sa kwarto ko to didiretso at kaya siguro hindi pa siya bumaba ay  para malibang si Justin. Aw, his helping me not to screw up. Thanksie! Ace-chan.

“Late ka!” Pinisil niya sa ilong si Nico.

“Hehe, daming gawain eh. Eto nga pala yung pangako ko.” Inabot ni Nico ang paper bag na may lamang donut. Mr. Donut.

Yeay, food again!

“Salamat, gusto mong pumasok?” Sana hindi, sana hindi.

“Wag na hehe, kasi nagiintay sakin sa shop sina Ralph. Ngayon na lang uli ako nakalaro eh, hehe baka magalit pag nagtagal ako.”

Yosh! Mabuti na lang.

“Okie, hihi kaya pala kanina ko pa hindi nakikita si Ralph.”

“Hehe, Jessie.”

“Ow?”

Sasabihin ko ba, sasabihin ko na ba.... putangna!

“I.” Mabilis ang ginawa niyang paghalik sa labi ni Jessie bago binulong ang kadugtong ng mga dapat sabihin. “...like you.” Ngunit imbis na lumuwag ang pakiramdam, ilang ala-ala ang bigla na lamang pumasok sa isip niya pagkatapos magkadampi ang mga labi nila ni Jessie. Teka! “Ayon lang! Sige! BYE!” Tumakbo palabas ng gate si Nico, pagkalayo ay sinapo niya ang ulo dahil sa mga naalala. San ‘yung galing, putangna bakit ang laswa ng nasa isip ko. Ilang beses ko ng kiniss si Jessie ah, kaso walang ganito. Buwisit puta.

...

Hindi naman kaagad nakagalaw si Jessie pagkatapos ng ginawa ni Nico, naibagsak pa niya ang hawak na paperbag sa sahig. Hawak niya ang labi, nagiisip, nagtataka. Ano ba yun, nanlalamig ako. Totoo ba yung narinig ko? O guni-guni ko lang, kaso kung totoo bakit bigla na lang siyang tumakbo!? At bakit parang hindi ako masaya. Ano ba! Jessie!!!

“Umakyat ka na.”

“AY! SAMPUNG DONUT!” Nagulat siya sa boses na bumulong sa kanya. “KUYA!”

Pinulot ni Jerome ang nalaglag na mga donut, sabay sara ng pinto. Pinatong niya sa ulo ni Jessie ang isang kamay. “Kung naguguluhan ka, wag mo na muna isipin at wag mo na pahalata doon sa taong nag-iintay sayo sa taas, kasama ni Yats.”

Kuya...

“Mukhang may nararamdaman na rin para sayo ‘yun, sige na!” Inalis niya ang kamay sa ulo ng kapatid, tinulak niya papunta sa hagdan si Jessie na wala pa rin mabigkas ang labi. “Landi mo kasi eh. ‘Yan, problem mo!”

“Hindi naman eh!”

“Tse, akin na ‘tong donut.”

Nakatitig parin si Jessie kay Jerome.

“Umakyat ka na.”

“Oo na!” Hmmft, donut ko ‘yun eh!

Mabagal ang paglalakad ni Jessie sa hallway papunta sa kwarto. Hindi naman nakatulong ‘yung sinabi ni Kuya eh, nalito lang ako lalu! Eehhhhh. Inhale!. Huminga siya ng malalim. Exhale! Binuga niya ang hangin. Nang-chochorva lang yun si Nico lagi naman niya yung ginagawa sakin! At hindi pa ako naniniwala kay Kuya!

Continue Reading

You'll Also Like

174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
1.7M 73.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
210K 13.6K 67
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...