Back In His Arms Again (Publi...

By VentreCanard

49.4M 1.2M 318K

I used to be the girl in his eyes. I used to be the girl who can make him laugh, I used to be the girl who c... More

Prologue
--
--
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
--
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Epilogue
NOTE

Chapter 8

669K 17K 5.2K
By VentreCanard

Chapter 8


Kung kanina ay nakahilera kami sa parlor ngayon naman ay puros nakahilera kami sa hospital bed. Like seriously?

Dumating na si Jare na may napakasama ng tingin sa akin. Hindi ako ang nagdadrive! Excuse me? 

Nagkamalay na ngayon si Aira, ang sabi daw ng doctor ay nabigla lang siya sa pangyayari. Wala naman daw masamang nangyari sa aming tatlo dahil puros galos lang naman.


"Troy thanks..mukhang may pupuntahan pa kayo. Pwede nyo na kaming iwan dito" hindi ako makatingin ng diretso sa babaeng kasama niya. Nahihiya ako sa kanila. Inabala pa namin sila.


"I can't, hihintayin ko munang dumating ang mga pinsan mo" sagot niya sa akin.


"I'm fine, miss yayain mo na si Troy masyado na namin kayong inaabala" bahagya ko ng masabi ito sa babaeng kasama ni Troy.

Ngumiti lang sa akin ang babae sa sinabi ko. Wala ba siyang gagawin? Dahil kung ako ang nasa katayuan niya, hindi ko gugustuhin na mag alala ang boyfriend ko sa ibang babae sa mismong harapan ko. Wala bang pakiramdam itong si Troy?


"Wala na bang masakit sayo Doll..?" napapikit na lang ako sa tanong sa akin ni Troy. Tinatawag pa rin niya akong Doll! Hindi ba siya nahihiya sa girlfriend niya?


"Okay na ako Troy.." mahinang sagot ko sa kanya.


"Uhmm, Troy may phone call lang ako" nagpaalam sa kanya ang kasama niyang babae at tumango ito sa akin bago siya lumabas ng kwarto. 

Pagkalabas na pagkalabas ng babae ay binalingan ko si Troy Ferell.



"Habulin mo siya Troy" nangunot ang noo niya sa akin na parang hindi niya naintindihan ang ibig kong sabihin. Tsss, he's still a Shokoy. Hindi na siya nagbago.


"What?" naguguluhang tanong niya sa akin.


"Sabi ko habulin mo ang girlfriend mo, you're so insensitive" bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. Sasagot pa sana sa akin si Troy nang biglang nabuksan ang pintuan.

Mabilis nakapunta sa kama ko ang kambal kong pamangkin kasunod nila si Gio at Kuya Nik.


"What the hell Florence?!" singhal sa akin ni Giovanno Javier Villacorta na kunot na kunot ang noo sa akin.


"Ano na naman ang ginawa mong kalokohan? Para ka pa talagang bata!" iyamot din na sabi sa akin ni Kuya Nik


"Mga Pre, una na ako sa inyo" biglang sabi ni Troy na nagsisimula ng maglakad palabas.


"Sige salamat Troy" sagot sa kanya ni Kuya Nik.


"Doll, sometimes cook for us again. I missed your foods" bahagya pa siyang kumaway sa akin bago siya lumabas ng kwarto.

Tumango na lang ako sa kanya kahit alam kong mukhang malayo ng mangyari ang sinasabi niya.


"Anong nangyari sa inyong tatlo?" tanong ni Kuya Nik. Natahimik kaming tatlo, should I tell them the real reason?

Sinulyapan ko ang mga kaibigan ko na mukhang walang balak magpaliwanag. Great! Mukhang ako na naman ang masisisi nito.


"It's because of the boobs" mahinang sabi ko.


"Florence!" sigaw sa akin ni Camilla at Aira.


"What?" sabay sabay na tanong ni Gio, Kuya Nik at Jare.


"I mean nawalan lang ng control sa pagmamaneho si Camilla. We're fine okay? Pwede na nga kaming lumabas ngayon, bakit kailangan pa naming iadmit?" masyado lang talagang OA ang mga tao dito.


"Dapat ay hindi na kayong tatlo pinababayaang magsama sama" sabat naman ni Jare na agad na ikinaangal naming tatlo.


"That's not a good idea Jare, aksidente ang nangyari. Bakit may paghihiwalay na ang drama?" maarteng sabi ni Camilla.


"Tsss, ewan ko na sa inyo" ipinagpatuloy na lang ni Jare ang pagtatalop ng mansanas. Binalingan ko na si Kuya Nik, sa pagkakatanda ko ay abala ang isang ito para sa birthday ng kambal bukas.


"Why are you here Kuya Nik? I'm fine, alam kong abala ka sa birthday ng kambal para bukas"


"Ako na lang ang magbabantay sa kanya, isama mo na ang kambal na 'yan. Baka gumawa pa ang mga 'yan ng sakit sa ulo" sabat naman ni Gio. Kitang kita ko ang pag aalinlangan sa mukha ni Kuya Nik.


"Ano ba Kuya? Wag kang paranoid, ayos na talaga ako. Baka mamaya ay papakiusapan ko na ang doctor kung pwede na akong lumabas. I can't missed my nephews birthday party" sabay kong kinurot ang pisngi ng kambal na parehas mga nakatungo sa kanilang mga gadgets


"Okay then, ikaw na ang bahala kay Florence Gio" tumango lang si Gio kay Kuya Nik.


"Pagaling ka Tita Florence..." kumaway pa sa akin si Tyrone. Mabilis namang humalik sa aking pisngi si Trevor.


"We'll be waiting for you Tita, ikaw ang muse namin bukas" ngumisi lang ako sa sinabi ni Trevor. Nang makalabas na sina Kuya Nik ay agad na nagsalita si Camilla.


"Ang sweet ng dalawang batang 'yon. Alam na ang paroroonan nila pag mga nagbinata na sila... siguradong madami silang paluluhaing babae"


"Sinabi mo pa.." pag sang ayon ko.


"Florence, aalis na ako. Sinabi ko lang kay Nicholas na ako ang magbabantay sayo para umalis na siya. Ayos ka na naman diba?"  akala ko worried talaga ang isang ito.


"Sige, sige na. Baka umuwi na rin naman ako mamaya" sagot ko sa kanya.


"Good then"maiksing sagot niya sa akin.

Nang makalabas na si Gio ng kwarto namin ay lumipas lang ang ilang minuto bago nagpakita si Ashong na may napakaraming prutas na dala.


"Florence, I'm sorry, dapat ay sinundo na lang kita" agad niya akong niyapos ng mahigpit.


"What happened? Should I hire an investigator? Bakit bigla na lang nawalan ng control ang sasakyan nyo?"


"Ashong, I'm fine. Sorry kung pinag alala kita, wala namang masamang nangyari sa akin" kanina pa kaming tinatanong ng 'what happened?' na 'yan. Kung pwede lang sanang sagutin na nabangga kami dahil sa kalandian ay nasagot ko na.


"Wag na! Ano ba? Ang mahalaga ay ayos na kaming tatlo Ashong" sagot ko sa kanya.


"Oo nga naman Ashong, hindi na kailangan pa ng imbestigador. Hindi naman nagasgasan ang legs niyang si Florence, wag kang paranoid" sabat naman ni Camilla.


"But her nose bleed!" sagot ni Ashong na akala mo naman ay ikamamatay ko. Ewan ko ba.


"Kung nagkaamnesia si Aira, hinding hindi kita mapapatawad Florence Almero" bigla namang sabi ni Jare. Ano ba talaga ang pinaglalaban ng isang ito? Bakit lagi na lang ako ang sinisisi niya?!

Samantalang ang dalawa ko namang kaibigan ay tumawa lang sa sinabi ni Jare.


"Bakit si Florence ang sinisisi mo? Hindi naman siya ang driver ng sasakyan" angil na sagot ni Ashong. Napapikit na lang ako sa naririnig ko, mukhang may away pang mangyayari.


"Ang girlfriend mo ang mahilig magyaya sa mga kalokohan! Nadadamay pati girlfriend ko" napapatulala na lang ako sa Jare na ito. Tang inang ito, sige Ashong ipagtanggol mo nga ako. Nanatili akong hindi nagsasalita, pinabayaan ko na lang si Ashong na makipagtalo.


"Hindi nga mahilig sa mga parlor at kung ano ano pang kaartehan si Florence? Huwag mong baliktarin! Ang girlfriend mo ang humihila kay Florence kung saan saan" kita ko ang pagtaas ng kilay ni Aira sa akin habang ako naman ay napangisi sa sinagot ni Ashong.

Samantalang si Camilla naman ay nagcecellphone na lang habang may nakasalpak na earphones sa kanyang tenga.


"Mas maganda naman si Aira kaysa dyan sa Almero na 'yan" napatawa na lang si Aira sa sinabi ni Jare. Ako naman ay napanganga na lang. Bakit mukhang lumihis na ang pinag aawayan nila?


"Pagandahan ba? Wala nang mas gaganda pa kay Florence. Tang ina ano ba ang gusto mo?" tumayo na si Ashong at mabilis nagpunta sa pintuan.


"Florence, I'll be right back, mukhang may naghahanap ng sakit sa katawan" napansin ko na tumayo na rin si Jare at nagpaalam kay Aira na mukhang walang kabalak balak pigilan ang boyfriend niya. 

Pagkasarang pakasara nang pintuan ay bigla na lang kaming nagtawanang tatlo.


"What's wrong with your boyfriend Aira? Bakit lagi na lang 'yon beastmode sa akin?" nakakainis na.


"Kasi nakikita niya daw sayo ang disapproval mo sa relationship namin" natatawang sabi niya.


"Wala na akong magagawa dun"


"Shit! Bakit ang iisip bata ng mga boyfriend nyo? Bakit hindi nyo man lang pinigilan? Baka sila pa ang mahospital" sabat ni Camilla.


"Kilala ko si Ashong, tatakutin lang niya si Jare" confident na sabi ko.


"Wow, big word Florence. Baka ang boyfriend mo ang matakot" sagot sa akin ni Aira.


"Ayy, ewan ko sa inyong dalawa. Lumabas na rin kaya kayo at doon kayo magsabunutan?" hindi na lang kami nagsalitang dalawa. Bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi ni Camilla, bakit ko ba pinayagan ang Ashong na 'yon?


"I think, I need to check them" nagsimula na akong bumaba sa kama. At akma na dapat akong hahakbang pa nang bigla na namang nabuksan ang pintuan.

Inuluwa nito ang pinakagwapong doctor na nakita ko. What the hell? Bakit may doctor dito na parang modelo?


"Babe!"

Para akong robot na dahan dahang napaupo sa kama. Don't tell me, .siya ang manyak na doctor ni Camilla? Bakit hindi halata sa kanya mukha? kung titingnan parang kasing edad lang namin ang doctor na ito.

Nagkakatinginan na lang kami ni Aira. Kaya naman pala sobrang landi nitong si Camilla! Sobrang hot naman kasi.


"How are you? Do you want to eat something?" malambing na tanong niya kay Camilla. He's wearing an eyeglass. He's a prim and proper type of guy.

Isang tingin mo pa lang ay alam mong seryoso siya sa isang relationship. He's not a typical guy type na may pagkabadboy figure na katulad ni Jare at maloko na katulad ni Ashong. He look formal and formidable. Shit! Anong nagustuhan nito sa kaibigan namin maliban sa boobs?


"Busog pa ako. By the way Thomas meet my friends, Aira and Florence.." alam kong hindi lang ako ang intimidated dito, kahit si Aira ay alam kong uneasy sa presensiya ng boyfriend ni Camilla.

Ganito pala talaga kapag gwapong doctor. Yes, Ashong is handsome at ngiti pa lang niya pagkakaguluhan na ng mga babae pero iba talaga ang aura ng doctor na ito. Pamatay, ito ba talaga ang doctor na sinasabi ni Camilla na 'na love at first touch' 

 Napapamura talaga ako. Saludo na ako sa boobs ni Camilla. Shit talaga.


"Hi ladies.." bati niya sa amin.


"Hi.." awkward na sagot namin Aira.


"I'm sorry for what happened..hayaan nyo at pagsasabihan ko si Camilla" nakita namin ni Aira ang malanding paghampas ni Camilla sa braso ng boyfriend niya.

Landi!


"Wag kang magsorry sa kanila, okay lang sila" natatawang sabi ni Camilla. Sumulyap sa kanyang wristwatch ang doctor.


"Sorry babe, may pasyente pa akong isa. Babalikan kita, be good okay?" mabilis niyang hinalkan si Camilla sa kanyang noo bago ito umalis. Matamis naman siyang nginitian ng magaling naming kaibigan.

Hindi na namin inaksaya pa ang oras. Sumampa na kami ni Aira sa kama ni Camilla at pinaghahampas siya ng unan.


"Shit! Ang pogi! Saan mo nakuha 'yon?" natatawang tanong ni Aira.


"Baka naman araw araw ka ng nagpapacheck kung may bukol 'yan? Grabe! Ang gandang lahi!" pinagpatuloy ko ang paghampas sa kanya.


"Mga inggetera! Palibhasa kasi mga isip bata ang mga boyfriend nyo. Dapat ay naghahanap kayo ng matured mag isip, hindi puro pagandang lalaki" well may point siya doon.


"Camilla okay lang ba kung sa kanya na din ako magpacheck kung may bukol din ako sa boobs?" tanong ni Aira.


"The fuck?! Magkalimutan na Aira!" sabay kaming tumawa ni Aira sa sagot ni Camilla.


"Ako din! Magpapaset na ako ng schedule" pang aasar ko kay Camilla.


"Mga leche kayo! Doon kayo magpakapa kay Jare at Ashong!" lalo namin siyang pinaghahampas ni Aira.


"Bakit ang landi mo Camilla? Wag mo kaming igaya sayo" utas na naman kami ng katatawa.


"Atleast ako kinapa for medical purposes! Ang sa inyong dalawa? Sigurado akong napagkapa na kayong dala--" tinakpan ko na ang bibig ng lukaluka kong kaibigan.


"Enough! Enough! Oo na, ikaw na panalo" kahit si Aira ay hindi na nakapagsalita sa sinabi ni Camilla dahil pulang pula na siya ngayon.

Shit! Why are we guilty?


"See?" nakataas na kilay na sabi sa amin ng bruha.


"Medical purposes huh? Bakit ang dami mong alam ngayon Camilla?" bumalik na ako sa kama ko. Nakabingo ang baliw kong kaibigan, napatigil at napatahimik lang naman kami ni Aira.

Bakit naman kasi ang guilty nitong si Aira? Nadadamay pati ako. Pero ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko. Shit Shit! May bigla tuloy akong naalala. Bakit parang biglang humigpit ang bra ko?

Ganito pala ang epekto ng sobrang kalandian.


"Kasi naman ipinagpipilitan nyo sa akin na ako ang malandi sa ating tatlo, gayong ako naman talaga ang pinakainosente. Isipin mo nyo na lang kung hindi ako nagkapagcheck ng bukol sa boobs, edi virgin pa rin ang boobs ko? E 'yong sa inyo?" nakataas na naman ang kilay niya sa aming dalawa.

Napasabunot na lang ako sa topic namin. Bakit hindi kami matapos tapos dito?


"Ewan ko sayo Camilla! Bahala ka na sa buhay mo!" sagot ko na lang.


"Shut up Camilla. Ayoko na" hinawakan na ni Aira ang magkabila niyang tenga.


"Mga gaga! Natatawa ako sa inyo, masyado kayong guilty" inirapan ko na lang siya. Mas mabuting makinig na lang ako ng music sa aking phone. Kinuha ko ang aking bag sa lamesa para kuhanin ang aking telepono.


"Shit! Naiwan ko pa ata ang phone sa sasakyan.." ipinagpatuloy ko ang paghahanap pero wala kong makita.


"Friend wag mo ng hanapin, nasa akin ang phone mo. Nalaglag kanina" mabilis sa aking inihagis ni Camilla ang phone ko.


"Thanks" kinuha ko ang earphones ko sa bag at sinimulan na itong ilagay sa phone ko.


"Florence.. may textmate ka pala dyan. Ni replayan ko na para sayo" simpleng sabi sa akin ni Camilla.

Ako naman ay halos mapatulala na lang. Don't tell me, nireplayan niya? Mabilis kong ni check ang phone ko at halos manlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.


"WHAT THE HELL? CAMILLA NAMAN!" napasuntok na lang ako sa kama. Kahit kailan ay hindi ko maiisipang magreply ng ganito. Shit naman!


"Why?" nagtatakang tanong niya.


"He must be Nero!" sigaw ko sa kanya.


"Talaga? Baka nag aassume ka lang te?" nakataas na naman ang kilay niya.


"Bakit ano ba ang mayron sa message Florence?" nagtatakang tanong ni Aira. Nagreply lang naman ang baliw kong kaibigan sa unknown number. Binasa ko ang conversation nila sa phone ko.


'You're mine. Don't ever try kissing other guy'


'Really? I can kiss him whenever and wherever I want. Afterall he's a good kisser than you..' shit! Anong klaseng reply to? 


'I see'

Nanlamig ako sa maiksing reply niya.


"Camilla naman! Bakit mo nireplyan?" gusto ko na naman siyang paghahampasin.


"That message, natanggap mo 'yan noong araw na nagshopping tayo at nong ni check ko kung anong oras mo natanggap yan ay nasa biyahe na kami ng mga oras na 'yon pauwi" seryosong sabi ni Camilla.


"Parang may naaamoy akong issue dito Florence..." sabat ni Aira. Hindi ako nakapagsalita sa sinasabi nila.


"Sigurado ka ba na hindi mo nakita ang driver ng Montero?" naniningkit na matang tanong sa akin ni Camilla. Umiling ako sa kanya.


"Pero pangita na sa message na 'yan Florence" mahinang sabi ni Camilla.


"He wanted you back? Are you still in touch? Akala ko ay may girlfriend na si Nero?" nagtatakang tanong ni Aira. Kahit ako ay nalilito na rin.


"Hindi ko alam..." mahinang sagot ko.


"Then don't play with fire Florence, parehas na kayong may commitment. Kung sakaling magbigay siya ng motibo ay iwasan mo na" hindi ako nakasagot sa sinabi ni Camilla. Alam kong tama siya sa sinasabi niya pero bakit hindi ako makasang ayon sa kanya? Bakit mas pinipili kong manahimik na lang?


"Siguro naman ay masaya ka na kay Ashong hindi ba?" sabay lumingon sa akin ang aking mga kaibigan para makita ang magiging reaksyon ko.


"Ofcourse. I'm happy with him.." I smiled at them.



How I hate fake smiles...



--

VentreCanard

Continue Reading

You'll Also Like

37.4M 1M 70
Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand...
49.4M 1M 90
It seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado sila ng barkada at pamilya nila, and th...
8.7M 310K 58
"Hindi ako pa-fall at patutunayan ko 'yan sa'yo!" - Misty Kirsten Lee Book 2 of Warning: Bawal Ma-fall *2016 Talk of the Town Awardee*
1.2M 28.3K 12
(COMPLETED) Bago mo bitawan ang isang bagay, siguraduhin mo munang kaya mong makitang hawak hawak yun ng iba. ~Bob Ong