Olympus Academy (Published un...

By mahriyumm

20.7M 761K 257K

◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a s... More

"Semideus Saga"
Upon Reading...
I | The Summoning
II | Break Of Day
III | Officially A Student
IV | First Meet
V | Claiming Ceremony
VI | The Alphas
VII | First Day
VIII | In Action
X | Her Daughter
XI | The Silent Years
XII | Field Commotion
XIII | New Dawn
XIV | A Threat
XV | Potential
XVI | Power Limit
XVII | Attractions
XVIII | The Mission
XIX | Composed
XX | Finding Theo
XXI | Semideus
XXII | The Search
XXIII | Village Witches
XXIV | Hesperides
XXV | Terraria
XXVI | Mayethrusa
XXVII | Cup Of Coffee
XXVIII | Arcadia
XXIX | The Return
XXX | Back In School
XXXI | Unsolved
XXXII | Alarms
XXXIII | Danger
XXXIV | Polyphemus
XXXV | Maps
XXXVI | Anxious
XXXVII | Uncertainties
OLYMPUS ACADEMY: BOOKS I & II
XXXVIII | Perplexed
XXXIX | Glimpses
XL | Written
XLI | Energy
XLII | God of Connections
XLIII | Divided
XLIV | Nightmares
XLV | Finders Keepers
XLVI | The Alpha Way
XLVII | Sub Silentio
XLVIII | Therapy
XLIX | Overseers
L | Sensed
LI | The Elite
LII | Reunited
LIII | In Control
LIV | Silence
LV | Lanterns
LVI | Awaiting
LVII | Intruder
LVIII | Grounded
LIX | Reinforcements
LX | Rivers
LXI | Pricked
LXII | Captured
LXIII | Supreme Divination
LXIV | New Reality
LXV | Child of Light
LXVI | Taken
Book Note
Epilogue
OA: PLAYLIST
2nd Book
Round 2

IX | The Swan

358K 14.3K 5.3K
By mahriyumm

Cesia's POV

Nakayuko ako habang naglalakad sa hallway kasama yung girls. Kulang nalang matunaw ako dito dahil sa mga titig ng ibang estudyante sa'kin.

"Pardon us if our students are making you uncomfortable." sambit ni Kara. "They tend to stare a lot. You'll get used to it."

"I don't blame them though." sabi naman ni Ria. "I mean, sino bang hindi mapapatitig sa babaeng 'to?" Marahan niya akong tinulak. "Your deity is a proud one. Don't let her see you like that."

"Baka nakalimutan nyo rin ano?" Binilisan ni Art ang kanyang mga hakbang at inunahan kami. Umikot siya kaya nakaharap siya sa'min ngayon habang naglalakad paatras. "Ang amazing kaya ng transformation mo! Maganda ka na nga pagpasok mo dito pero pagkatapos ng claiming ceremony, hindi ko aakalain na may mas ikagaganda ka pa!"

Napangiti ako sa sinabi niya. "Thank you, Art."

"Amazing with a zeee!!" Umikot-ikot siya.

"Can you not spin around like that? Kalalabas mo lang sa clinic!" Sinaway siya ni Ria pero hindi pa rin siya humihinto. "You'll get dizzy and-"

"Bakit? Nahihilo din ba yung sugat ko?"

Siguro nga, magiging okay rin ako dito. Ang bilis kasi ng transition na nangyari sa'kin, at nahihirapan pa rin akong mag-adjust. Pero yung presensya nila, ay sapat na para pagaanin ang pakiramdam ko. At least may mga kasama ako na handa akong tulungan, sinasagot ang bawat katanungan ko... at pinaparamdam sa'kin na kabilang talaga ako sa kanila...

na kabilang ako sa mundong 'to...

Naubusan na ako ng ideya kung ano ang mangyayari sa'kin pagkatapos akong mapadpad sa lugar na'to. Naglaho na lahat ng mga plano ko para sa sarili nang malaman kong, may iba pa palang realidad na nakaabang sa'kin.

Pinili kong mamulat sa katotohanan, kahit mahirap itong paniwalaan. Kaya tadhana na ang bahala, kung ano talaga yung destinasyon ko.

Dahil kung tutuusin, sino ba naman ako para baguhin ito?

Nakarating na kami sa dorm. Napagdesisyunan naming tatlo nina Kara at Ria na magbihis nalang din since binura naman ni Sir Rio ang afternoon subjects namin sa araw na'to.

"So pwede palang i-cancel ng mga teachers nila yung ibang subjects..." bulong ko pagkapasok ko ng kwarto. Hinubad ko ang aking uniform at nagpalit ng pastel pink na romper.

Lumabas na ako saka nakita si Art na nanonood ng TV. Si Ria, nakatayo sa tabi ng telephone stand, nago-order ata ng pagkain na ipapadeliver sa dorm. Kasunod kong hinanap si Kara. Natagpuan ko siya na nasa balcony, nakaupo at nagbabasa ng libro.

Anak nga ni Athena...

Bumukas yung pinto at una kong nakita si Chase na siyang nagbukas nito. "Nakakagutom mga bro-" Huminto siya nang makita kami. "Nakabihis na pala kayo. Ibig sabihin, kanina pa kayo dito?"

"Kararating lang din namin." sagot ko.

"I already ordered food." Binaba ni Ria ang telepono. Nakapameywang siya habang nakaharap sa kanila. "Sa'n kayo galing?"

Bago pa may makasagot sa kanila, binawi ito ni Ria.

"You know what, I don't even care anymore." Bumagsak siya sa tabi ni Art. "It's not my business."

"A slip of the tongue there, Ria." sabi ni Dio. "For a second, I thought that maybe, you really do care about the four us."

"Sorry for spilling the truth, pero nakakaumay na kaya yang pagmumukha n'yo." Inirapan sila ni Ria bago niya agawin mula kay Art yung remote.

"Ria- nanonood pa ako ih!"

Nagtinginan na lamang yung boys saka isa-isang tumungo sa kanilang mga kwarto para makapagpalit na rin ng damit.

Biglang tumunog yung doorbell habang nanonood kaming tatlo ng reality show. "A delivery for the Alphas has arrived."

"Cesia?" tawag sa'kin ni Ria nang hindi ako nililingon. "Can you, please?"

"Mmm." Tumayo ako.

Pinasalamatan ko ang aurai na siyang nag-deliver ng pagkain. Umalis na siya pagkatapos kong magsign sa inabot niyang papel. Pumasok na rin si Kara sa loob para tulungan akong maihanda sa mesa yung mga in-order ni Ria.

Pagkatapos, nakapwesto na kaming lahat sa dining table at kumakain.

"I talked with my mom earlier." Tinusok ni Kara ang isang slice ng pork belly at inilagay ito sa kanyang plato.

"Ako rin... kaninang umaga, ginising ako ni papa." sabay kuha ni Art ng carbonara.

"They're getting active these days." Nakapatong ang siko ni Dio sa mesa at nakataas ang kanyang kamay na may hawak na tinidor. Nakagano'n lang siya nang tignan niya kami. "Something might be stirring up the heavens."

"Wag na tayong makialam sa kanila, Dio." dumagdag si Ria. "They have been a mess ever since the world existed. Kung ano mang problema nila, sa kanila na 'yon."

"Maliban nalang kung maaapektuhan yung realm natin." dugtong ni Art.

Nakatitig lang ako sa aking plato. Ba't ang cold ata nila pagdating sa mga deities? Lalo na si Ria... Hindi ba sila concerned sa mga magulang nila? O ako lang 'tong nag-aalala para sa mga Olympians?

"Kung manood kaya tayo ng movie pagkatapos nito?" suhestyon ni Chase. "May binili kasi akong isang set ng sci-fi films na hindi ko pa napapanood."

"Movie Ma- ano nga tawag ng mga mortals n'un?" tanong ni Art.

"Movie Marathon." nginitian ko siya.

Tumayo si Dio. "Well then, we can't reject that. We have the rest of the afternoon."

"Ako na magligpit." alok ni Art nang maiwan kaming dalawa dahil nasa sala na yung iba. "Ako rin naman maghuhugas ng pinggan this week eh..."

"Wala ba kayong dishwasher?" Sa pagkakaalam ko, kumpleto naman silang lahat sa school na'to ah. Tapos pwede rin naman silang bumili...

Umiling si Art. "Ayaw ni Kara." sagot niya. "Hayaan mo nalang ako-"

"Tulungan na kita." giit ko at kinolekta ang mga styrofoam na lalagyan nung in-order namin. Yung mga natirang pagkain, ay inilagay namin sa iisang lalagyan para daw sa mga alagang hayop ng Academy na either nasa stables o sa forest, sabi ni Art.

Ipinagpatong-patong ni Art ang mga plato. "Si Chase na ang bahala mag-segregate. Siya na rin maglalabas ng basura. Mabilis naman yun ih- hehehehe." humagikgik siya. "Buti nalang di tayo anak ni Hermes ano?"

Ibinaba ko ang bin bag na may lamang basura sa isang sulok ng kusina. Umikot ako at nakita si Art na bitbit ang pinagpapatong-patong na mga plato. "eto Cesia oh..." naglakad siya papalapit sa'kin at hindi napansin ang upuan na nasa gitna.

"Teka lang Art-" Huli na ako dahil nabunggo na niya ito saka napatili nang mahagis niya paitaas ang kanyang dala, at sa direksyon pa ng kinaroroonan ko.

Agad akong napaurong sabay taas ng aking mga kamay. Pumikit ako at inasahang tatama ang mga ito sa'kin.

Ilang segundo na ang lumipas pero hindi ito nangyari. Wala rin akong narinig na nabasag o kung anong palatandaan ng huli kong nakita: lumilipad na mga plato.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Laking gulat ko nalang pagkatapos makita ang mga ito na nanatiling lumulutang sa ere. Bahagya kong ibinaba ang aking kamay pero napahinto ako nang gumalaw rin ang mga ito.

Dumako ang aking tingin sa swan na nasa bracelet ko dahil sa lumiliwanag nitong mata.

Muli kong ginalaw ang aking kamay at napasinghap nang gumalaw rin yung mga plato. Ibig sabihin, tama nga ang hinahanala ko, yung bracelet ang may kapakanan nito.

Dahan-dahan kong ibinaba ang mga ito pabalik sa mesa habang nagpipigil ng hininga.

Kalma ka lang, Abigail.

Hindi ko alam kung anong nangyari, pero aksidente kong nabitawan yung panghuling plato kaya ito nabasag.

Bumagsak ang kamay ko sa aking gilid. "S-Sorry..."

Akmang pupulutin ni Art yung mga piraso na nasa mesa pero inunahan na siya ni Cal.

"Okay ka lang?" Nilapitan ako ni Art na nakanguso. Kumawag-kawag ang kanyang labi habang hinihintay akong sumagot.

Ginulo ko ang buhok niya. Ang cute talaga ng demigod na'to! "Oo. Ikaw ba?"

"Eh kasi-" Lumiwanag ang kanyang mga mata. "Ang cool ng weapon mo!" Hinablot niya ang aking kamay para masuri yung bracelet. "Ang ganda!"

"Mabuti pa si Cesia, kaya niyang magpalutang ng kung ano. May isa diyan na balahibo lang ng manok." natatawang sabi ni Ria. "Pathetic."

"At least may napapalutang ako, eh ikaw?" nanghahamon ang tinig ni Chase.

"Give me a second at lulutang yang ulo mo sa ibabaw ng katawan mo."

"Tumigil na nga kayo." sumingit si Dio bago pa humaba yung pag-uusap, o pagbabangayan na naman nung dalawa. "The movie is already starting."

"Nagsisimula na pala? Wah! Mamaya na nga lang ako maghuhugas!" hinila ako ni Art papuntang sala. "Tara na! Dali!"

• • •

Napahikab ako. Idinilat ko ang aking mga mata at napagtantong nakaidlip ako habang nanonood ng pelikula.

Anong oras na ba?

Tumayo ako at napangiti nang malamang hindi lang pala ako ang nakatulog.

Nakabaluktot si Art sa sofa at nakaunan sa hita ni Cal. Yakap-yakap niya ang isang stuffed toy na powerpuff girl, yung dilaw ang buhok, at may kumot din na nakapatong sa kanya. Sa tabi niya, ay si Cal na nakapangalumbaba sa dulo ng upuan at nakapikit ang mga mata. Samantalang yung isang kamay niya, ay nakahawak sa balikat ni Art.

Katabi rin ni Art si Ria na nakasandal kay Kara, na nakayuko. Nasa magkahiwalay na upuan naman sina Chase at Dio. Si Chase, nakapatong ang mga braso sa armrests ng silyon at nakatingala ang ulo. Bahagyang nakabukas ang kanyang bibig at maririnig mula sa kanya ang mahihinang hilik. Habang si Dio, nakayuko ang ulo at nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib.

"Hmm..." May kulang.

Siguro una yung nagising tas lumipat sa kwarto niya?

Kinuha ko ang remote at hininaan yung volume ng speakers. Ibinalik ko ito sa coffee table bago ako lumabas sa balcony para magpahangin.

Nagdala ng ngiti sa aking labi ang view na tumambad sa'kin.

Nagsilbing divider ng langit at kagubatan ang mga bundok... at yung mga ulap na mabagal lang ang paggalaw... nakakagaan ng pakiramdam... walang ingay ng mga busina, amoy ng usok o kung anu-anong sagabal na meron sa syudad.

Ini-enjoy ko lang yung kapaligiran nang makarinig ako ng tinig ng isang lalaki.

"You're awake."

Akala ko natutulog siya sa kwarto niya hanggang ngayon. "Ikaw din naman." sagot ko.

Sinundan ito ng katahimikan. Nakaharap ako sa tanawin pero ramdam ko ang mga mata niyang nakatuon sa'kin.

"Cesia."

Continue Reading

You'll Also Like

611K 38.6K 57
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
HIDDEN FILES 1 By avy

Mystery / Thriller

60K 2K 33
[01/03] complete | unedited Jade Cesaire's life could be described as a typical high schooler's until a train incident, when her life became entangle...
212K 12.6K 70
Cold-blooded murder. A psychopath serial killer on the loose. Two of Eastwood's greatest detective agents in the same labyrinth of mystery. Time is r...
227K 3.9K 40
Sa buong buhay ni Dorcas Angelie Mendes ay gusto niya lang naman maging isang taga lingkod ng Diyos. Her siblings are 6 at halos lahat ng mga ito ay...