Olympus Academy (Published un...

Par mahriyumm

20.7M 760K 257K

◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a s... Plus

"Semideus Saga"
Upon Reading...
I | The Summoning
II | Break Of Day
III | Officially A Student
IV | First Meet
V | Claiming Ceremony
VI | The Alphas
VII | First Day
IX | The Swan
X | Her Daughter
XI | The Silent Years
XII | Field Commotion
XIII | New Dawn
XIV | A Threat
XV | Potential
XVI | Power Limit
XVII | Attractions
XVIII | The Mission
XIX | Composed
XX | Finding Theo
XXI | Semideus
XXII | The Search
XXIII | Village Witches
XXIV | Hesperides
XXV | Terraria
XXVI | Mayethrusa
XXVII | Cup Of Coffee
XXVIII | Arcadia
XXIX | The Return
XXX | Back In School
XXXI | Unsolved
XXXII | Alarms
XXXIII | Danger
XXXIV | Polyphemus
XXXV | Maps
XXXVI | Anxious
XXXVII | Uncertainties
OLYMPUS ACADEMY: BOOKS I & II
XXXVIII | Perplexed
XXXIX | Glimpses
XL | Written
XLI | Energy
XLII | God of Connections
XLIII | Divided
XLIV | Nightmares
XLV | Finders Keepers
XLVI | The Alpha Way
XLVII | Sub Silentio
XLVIII | Therapy
XLIX | Overseers
L | Sensed
LI | The Elite
LII | Reunited
LIII | In Control
LIV | Silence
LV | Lanterns
LVI | Awaiting
LVII | Intruder
LVIII | Grounded
LIX | Reinforcements
LX | Rivers
LXI | Pricked
LXII | Captured
LXIII | Supreme Divination
LXIV | New Reality
LXV | Child of Light
LXVI | Taken
Book Note
Epilogue
OA: PLAYLIST
2nd Book
Round 2

VIII | In Action

388K 13.4K 3.9K
Par mahriyumm

Cesia's POV

Nakarinig kami ng ingay. Sabay kaming napatingin sa direksyon na tinignan niya. Isa-isang lumabas ang napakaraming lobo mula sa pader dahilan na mapaatras ako.

Nakatutok ako sa mga ito kahit nang umalis na si Sir sa gitna at iniwan sina Ria at Chase.

Handa na sana akong tumakbo papalabas, kaso napansin kong ako lang ata ang may bakas ng matinding takot sa mukha. Hindi sila natinag sa isang pack ng literal na wolves, na pinanlilisikan kami ng mata.

Nabigla ako nang lahat ng mga ito'y nagsitakbuhan nang napakabilis papunta sa dalawa na nakatayo at nakatalikod sa'min.

"Hindi 'to PE..." In denial pa rin ako sa nakikita ko. Dahil kung totoo nga, ibig sabihin, mangyayari din sa'kin 'yan. Ilalagay nila ako sa gitna at mapipilitan akong iligtas yung sarili ko. As if naman kaya kong labanan ang mga 'yan?! Ano ba kasing klase ng PE 'to?!

"A pack of hungry wolves is always a good idea." nakangisi si Sir Rio sa tabi ko.

A pack of hungry wolves is always a good idea?! WOLVES?!

Bago pa ako maka-react, lumakas ang ungol ng mga lobo na nakapalibot kina Chase at Ria. Lumitaw sa kamay ni Ria ang kanyang espada. Saktong nagsimula nang gumalaw ang kanilang mga kalaban at isa sa mga ito'y lumundag sa kanyang harapan para sana'y makagat ang binti niya. Pero hindi nangyari 'yon dahil mas mabilis si Ria. Umatras siya saka pinahilig ang kanyang espada mula sa baba, pataas sa leeg nito. Nakita ko kung gaano kadali para sa kanya ang paghiwalayin ang ulo at katawan ng nilalang na nanguna sa pag-atake.

Kaya ngayon, hindi na ako sigurado kung saan ako dapat matakot, sa isang dosenang lobo na patay na patay sa gutom... o sa isang anak ni Ares.

Sinundan ko ng tingin ang ulo na gumulong papalapit sa'min. Ilang sandali la'y naging abo ito at tuluyan na ngang nawala sa aming paningin.

"Ganda ng bagong installment Sir ah." Nagawa pa ni Chase na pumuri sa sitwasyon niya. Isang lobo na nasa kanyang likuran ang tumalon at muntikan nang tumama sa katawan niya kung hindi lang siya biglaang nawala. Muling nagpakita si Chase at hinawakan ang leeg ng lobo habang nasa ere pa ito at malakas na tinulak sa sahig. Nang yumuko siya para gawin 'yon, dalawa pang mga lobo sa magkabilang gilid niya ang umatake. Nagkasalubong lang ang kanyang kilay at nanatili siya sa pagyuko. Isang bagay ang mabilis na lumipad sa ibabaw niya. Dumiretso ito sa noo ng isa sa mga lobo, saka ito lumabas sa likod ng ulo nito at kasunod na tumungo sa isa pang lobo. Bumagsak ang dalawang nilalang nang bumubuga ng dugo ang mga mata, ilong, tenga at bibig.

"Your accuracy is getting better, Chase." tumatango-tango si Sir Rio. "But next time, while your weapon is moving, you should be moving too."

"Multi-tasking?" tumayo si Chase. Lumutang sa harap niya ang kanyang weapon. Wala nang makikitang ginto na kulay nito dahil nabalot ito sa dugo.

"You know he can't do that." Narinig namin ang paghatak ni Ria ng espada na nakabaon sa katawan ng lobong nasa paanan niya. "He's too lazy."

"Nahihiya naman ako sa'yo, Ria." Sumagot si Chase. Magkaharap silang dalawa at parehong nakasingkit ang kanilang mga mata sa isa't-isa. Itinaas ni Chase ang kanyang kamay at mabilis na tumungo paharap ang kanyang weapon. Tumigil ito, ilang inches lang ang layo mula sa mukha ni Ria bago lumiko at tumama sa mata ng lobo na tumatakbo papalapit sa kanila. "Sino ba sa'tin ang lumalabas para kumain ng ice cream kapag taga-hugas pinggan season?"

"Eh? Si Ria yun diba?" tanong ni Art.

"Oops." Umaktong nagulat si Chase. "Hindi ako nagsabi n'on ah..."

Narinig ko ang mahinang tawa ni Dio.

At 'yon na ang panimula ng pagbabangayan ng dalawa. Nawala na ang takot at kaba na nararamdaman ko para sa kanila dahil napalitan ito ng pagkamangha. Nakakamangha dahil kahit tatlong beses nang pinindot ni Sir Rio yung remote at tatlong pack na ng mga lobo ang lumabas, hindi pa rin huminto ang ingay nila. May isang beses nga na hindi na nakayanan ni Ria ang pang-iinis ni Chase kaya nag-summon siya ng dalawang spears at ibinato ito sa kanya.

"You should have finished a while ago, but you took more time arguing than actually doing what you're supposed to do." Nagbigay ng pangkalahatang komentaryo si Sir pagkatapos nilang maubos ang mga lobo. "You two are not paying attention in class. I don't know what to make of you. This is graded, by the way."

Agad napa-react si Ria. "wait what?!"

"Now, light and dark... Go forth." Binalewala ni Sir si Ria na padabog na bumalik sa area na kinaroroonan namin. Nakatayo siya malapit sa'kin pero pinipilit kong 'wag siyang tignan. Baka kasi mas maiirita ko siya at matanggalan pa ako ng ulo dito sa pwesto ko.

Tumakbo si Art sa gitna. "Cal! Turn na natin!" Pumuwesto na sila pero hindi kagaya nina Chase at Ria, iba ang formation nila. Nasa harapan si Cal, kaya siya ang pinakamalapit sa dulo ng room, samantalang si Art, nakatayo ilang metro ang layo sa kanyang likuran.

Itinaas ni Art ang kanyang pana at itinuon ito sa pader. Narinig namin ang muling pagbalik ng mga lobo at sa unang segundo na lumabas ang unang batch ng mga ito, hinatak niya ang bowstring. Lumiwanag ang kanyang mga kamay habang nakahawak sa weapon niya. Tila tumakbo ang liwanag papalabas ng kanyang balat at nagtipon-tipon sa gitna ng pana, para bumuo ng isang palaso. Binaba niya nang kaunti ang anggulo ng weapon niya saka bumitaw.

Inangat ni Cal ang kanyang kamay at nang dumaan yung arrow sa tabi niya, tila in-absorb ng kanyang singsing ang anino na nakapalibot sa'min at lumabas mula dito ang parang maninipis na sinulid, na gawa sa literal na kadiliman. Matulin nitong hinabol ang palaso saka pinalibutan ito, bago tumama sa dibdib ng lobo na nasa gitna. Lumiwanag ang katawan ng nilalang at nang ikinuyom ni Cal ang kanyang palad, nagsilabasan mula sa katawan nito ang mahahabang tinik. Kasama sa natuhog ang dalawa pang mga lobo na pinakamalapit sa gitna dahil sa matatalim na dulo nito.

"Akalain mo tol, may wolf urchin din pala sa realm na'to?" natutuwang sambit ni Chase.

Natawa si Dio at pabirong sinapak ang likod niya. "Only in... Olympus Academy." Sinabi niya 'yon sa paraang nagmistula siyang endorser ng school sa isang TV commercial.

Binalikan ko ng pansin sina Art at Cal na abala sa sunod-sunod na pagsunggab ng kanilang mga kalaban. Kung sina Ria at Chase, sobrang ingay kanina, itong dalawa naman, tahimik lang. May pagkakataon na naririnig namin si Art na humahagikgik na parang bata sa tuwing may natatamaan siya, pero yun lang ang ingay na meron. Well, maliban sa mga iyak at daing ng mga lobo bago maging abo at matangay ng hangin.

Nasa last batch ng wolves na sila. Ibig sabihin, times three na ang dami at ang pagiging agresibo ng mga ito. Walang tigil ang paghatak at pagbitaw ni Art sa bowstring habang si Cal, dahan-dahan nang napapalapit sa kanya dahil sabay-sabay nang bumubuwelo ang mga kalaban nila.

Tatlong lobo ang nakalagpas kay Cal at tumungo kay Art. Agarang ibinaba ni Art ang kanyang pana at umilag nang lumundag yung isa sa kinatatayuan niya. Umikot siya saka malakas na hinampas ang kanyang weapon sa likod nito. Nagawa niya ring hatakin yung string nang gawin niya 'yon at sa unang sandali na tumama yung lobo sa sahig, itinuon niya dito ang gitna ng pana atsaka bumitaw. Nilingon niya yung natirang lobo at panandaliang tumigil.

"Hala." Palinga-linga siya. "Diba may isa pa-"

Napasinghap ako nang lumabas nga yung hinahanap niya at tumalon sa kanyang balikat. Nawalan siya ng balanse at nabitawan niya rin ang kanyang weapon nang tuluyan na siyang natumba. "Euck!!" Kasinglaki ng kanyang ulo ang nakabukang bunganga ng lobo na nakatapat sa kanyang mukha. "Tapos bad breath pa! Aahhh!!"

Nagulat nalang kami nang malakas na sinipa ni Cal yung lobo na nakapatong kay Art. Sa sobrang lakas nito, hindi ito tumilapon. Sa halip, narinig namin ang pagkabali ng mga buto nang bumaluktot ang gitnang bahagi ng katawan nito.

Tinulungan niya si Art na makatayo. "Cal... huhuhu!" Napatingin si Art sa sarili niyang balikat, na sa kasalukuyan ay dumudugo. "Yung uniform ko!"

Nakaramdam ako ng kakaibang tensyon pagkatapos mapangiwi sa sakit si Art, dahil sinubukan ni Cal na hawakan yung sugat niya.

"She's injured." Naging seryoso ang boses ni Dio.

"Isa..." Nagsimulang magbilang si Chase, na ipinagtaka ko. "Dalawa..."

Nakita ko ang anino sa likod niya na unti-unting kumakalat sa sahig at pader ng silid. Nagsitayuan din ang balahibo ko dahil sa biglaang pagbaba ng temperatura.

Anong nangyayari?

"Tatlo."

Hindi ko na nakikita yung iba dahil sa sobrang dilim. Nagsimula na naman akong mag-panic. Lumala lang ang pakiramdam ko nang makarinig ako ng ingay mula sa bandang harapan.

Mayamaya, hindi ko alam kung bakit, pero hindi na ako kinabahan, dahil nagbago yung nararamdaman ko. Kinuyom ko ang aking palad at huminga ng malalim. Gusto kong hatakin ang kung anong bagay na malapit sa akin at itapon ito nang sobrang lakas. Hindi mapakali ang sistema ko kung mananatili akong nakatayo at walang ginagawa, kasi gusto kong mailabas ang galit-

Bakit ako galit? Bakit ako nagkakaganito?

Bumalik ang liwanag atsaka lang ako nakahinga nang maayos. Mabilis na naglaho ang bigat na naramdaman ko pagkatapos makita yung iba na andito pa rin pala. Pakiramdam ko kasi kanina, mag-isa nalang ako.

"Additional points for the injury." Nagsalita si Sir Rio. "Bring her to the clinic Cal."

Inalalayan ni Cal si Art. Ilang segundo ang dumaan at may napansin ako kaya inilibot ko ang aking tingin sa buong room.

Asan na yung ibang wolves? Ang dami pa ng mga 'yon kanina ah...

"Art? Okay ka lang?" tanong ko sa kanya nang huminto sila sa tapat ko.

"Mmm!" binigyan niya ako ng thumbs up. "Alam mo..." lumapit siya sa'kin para bumulong, "Mabuti na siguro 'to para may plus points kami! Mwehehe-" nag evil laugh siya. "Ang genius ko ano? Congratulations to me!" Tinuro niya ang kanyang sarili saka kumindat.

"Ahh-hahaha..." Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung bakit ang hirap niyang intindihin. Siya lang kasi ang kilala kong nagce-celebrate kapag nai-injury. "Magpagaling ka na lang..."

Nagpaalam siya sa'min bago lumabas ng training room kasama si Cal.

Tatlong beses na pumalakpak si Sir Rio para makuha ang atensyon namin. "Next up, wisdom and sea..."

Sumunod na sina Kara at Dio. Naghanda na rin sila sa gitna at naghintay sa dadagsa. Pareho silang seryosong nakatuon sa pader na nasa harapan nila, at nang magsilabasan na ang mga lobo, hinigpitan ni Kara ang pagkakahawak niya sa handle ng shield habang si Dio naman, itinaas niya ang kanyang nakabukas na palad. Napansin ko ang gintong likido na umikot sa leeg niya at tumakbo patungo sa dulo ng kanyang mga daliri. Lumutang ito sa ibabaw ng kanyang kamay, na parang tubig.

Nang dahil sa weapon niya, nagawang hadlangan ni Kara ang mga lobo na nagtangkang sakmalin siya. Hinagis niya ang isa sa mga ito pataas. Saka lumabas mula sa dulo ng shield ang maliliit na mga pakong gawa sa metal. Ginamit niya ang matatalim na tigdudulo nito para salubungin ang nahuhulog na lobo. Ibinaon niya ang kanyang shield sa leeg nito bago ihagis nang napakalakas sa ibang direksyon. Dumikit sa pader ang lobo at kitang-kita ang malakas na tama nito sa semento nang maglaho na.

Nandidilat ang aking mga mata habang nakatingin sa naiwang biyak sa pader. Paano niya nagawa 'yan?!

Dahan-dahan kong nilingon si Kara at nakita kung paano niya madaling nasira ang marmol na sahig nang hawakan niya ang leeg ng isang lobo at marahas na ibinato paibaba.

"Oh sh-" muntikan nang madapa si Dio dahil sa bitak sa sahig. "Kara, you're breaking floors..." kalmado niyang sabi. "...again."

"Unintentional." sagot naman ni Kara.

"You'll pay for the damages, right?"

"Yeah."

"All of it?"

"Yes."

Itong dalawang 'to, kung makapag-usap nang kaswal, parang wala lang sa training.

Mabilis nilang naubos ang kasunod na pack. Pagdating ng huling batch, nagpalitan na sila ng pwesto, ngunit wala pa ring nagbago. May kanya-kanya silang teritoryo sa training room at kung ilang nilalang ang nasa banda nila, 'yon lang din ang pinapatay nila.

Pinalibutan si Dio ng limang lobo. Unang gumalaw yung nasa likod niya. Humakbang siya paatras at iniwasan ang matutulis na mga kuko nito. Panandalian siyang nakalingon sa gawi namin kaya't nasulyapan ko saglit ang mga mata niyang walang kabuhay-buhay kung makatingin sa'min at sa mga kalaban niya. Nakapamulsa pa siya nang bumagsak yung lobo sa isa pang kasamahan nito na nasa harap niya.

Tinakpan ng gintong likido ang ulo ng lobong nanguna sa pag-atake. Tumigas yung ginto at unti-unting nag-contract hanggang sa mapiga nito ang utak ng kaawa-awang nilalang. Kasunod itong nag-anyong mga bala at inulanan ang mga natirang lobo.

Iba rin silang dalawa ni Kara. Parehong nagma-match yung confidence nila sa kanilang mga sariling kakayahan. Mukhang hindi na nila kailangan ng tulong dahil madali naman para sa kanilang protektahan yung sarili nila nang mag-isa. Independent kumbaga...

Hindi ko namalayang natapos na pala nila yung training kaya sa huli, napasimangot ako.

Yun na ba talaga 'yon?

"I must say, you both are skilled." puna ni Sir Rio. "But, this is about you as a team, and I couldn't see any kind of team here."

"Wala sa binigay mong instructions." Lumapit si Dio kina Chase. "Clearly, not our fault."

Napabuntong-hininga si Sir. "I am trying to match your abilities by two, as a first step to team building. Your partner's physical abilities should come in sync with yours... speed and stamina, agility and accuracy, coordination and strength... and lastly, power and flexibility." paglilinaw niya.

Tumango-tango ako. So gano'n pala-

Teka.

Kung by pair nga... at tapos na yung iba...

Napatingin ako sa lalaking kasama nina Dio at Chase. Nakatayo siya sa pagitan nung dalawa at nakaharap siya sa malawak na espasyo ng training room.

Ibig sabihin... kami na yung susunod na tatawagin ni Sir?!

Oh no. Hindi pa nga ako sigurado kung anong magagawa nitong bracelet ko tapos itutulak nila ako sa gitna ng mga nilalang na 'yon kahit first timer pa ako?! Eh hindi nga ako nag e-exercise araw-araw, kahit noon pa. 

Hindi ko kayang sundin yung ginawa nung iba. Hindi ako marunong!

"Umm... S-Sir?"

"Sky and..." Bago niya madugtungan ang sasabihin niya, tumunog na yung bell.

"Hoo!" Nagbuga ako ng hangin. Akala ko talaga katapusan ko na!

"Oh well..." humarap sa'min si Sir. "Prepare yourselves next meeting, okay? And Trev-" saka niya tinignan si Trev. "Lend a hand to your partner, will you?"

Binigyan ko si Trev ng apologetic na ngiti. Gusto ko lang maging advanced sa paghingi ng tawad dahil alam kong magiging pabigat ako sa kanya at mapapahiya lang ako.

"And by the way, you're free for the whole afternoon. Nakakuha na ako ng permission mula sa susunod na subject teachers niyo. So that you can loosen up a bit." pagbibigay-alam ni Sir. "Don't take it for granted, Alphas."

• • •

Naabutan namin si Art na maayos ang pagkakahiga at kumakain ng pretzel snacks habang nanonood ng Powerpuff Girls. Suot niya ang maitim na oversized shirt at maong na shorts.

Nandito kami sa loob ng isa sa mga cubicles ng clinic para mafollow-up yung kondisyon niya. Sinabihan kami nung aurai na nurse na tapos na daw nilang linisin yung sugat niya at pinahiran ng ambrosia para bumilis yung healing process nito.

"The nurse said your wound is almost healed." Umupo si Ria sa dulo ng higaan. "We're just stopping by to check on you before we grab lunch. Anything na gusto mong kainin?"

Yumuko siya para suriin ang makapal na bandage na nakapatong sa kanyang balikat at bahagyang natatakpan ng damit niya. "Actually..." Nginitian niya kami. "Pwede bang samahan niyo muna ako sa dorm? Magbibihis lang ako saglit tapos sabay na tayo." Umupo siya at dahan-dahang ibinaba ang kanyang mga paa. "Wala kasi akong maluwag na damit para sa sugat ko kaya pinahiram muna ako ni Cal... PERO!"

Nagulat kami sa biglaan niyang pagsigaw.

"Okay na ako ngayon, kaya pwede na akong magpalit ng t-shirt!" Lumapad ang kanyang ngiti. "Hehehe~"

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

41.7K 4.5K 69
"Kailangan natin siyang pigilan bago pa ubusin ng virus ang populasyon ng Eastwood!" This time around, Detective Nico Yukishito and Detective Brianno...
6.5K 581 24
"Nico, she's been dead for over a decade! Mahihirapan tayong i-identify ang biktima." "Well, we have no choice, Nova," the greatest detective in East...
4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
2.8K 1.5K 53
Love in Chat Series #1: [✅] Facebook to Messenger. ❇❇❇ Austrian Juxe Montecelio is a male rp'ier who is known for his shared post memes. He's been lo...