Fyglia's Enchantment

By AyhenPey

15.3K 767 151

Fairies in the midst of 21st century?! Mukhang joke pero meron talaga! Rated: SPG More

Chapter 1: Diwata
Chapter 2: Cosplayer
Chapter 3: Shampoo
Chapter 4: Cake
Chapter 5: Model
Chapter 6: Hinihipuan
Chapter 7: Kalahating Lalaki, Kalahating Babae
Chapter 8: Street Foods
Chapter 9: Green Eyes
Chapter 10: Don't push me away
Chapter 11: Wanted
Chapter 12: Puno ng Mangga
Chapter 13: Abandoned
Chapter 14: Fyglia Mortel
Chapter 15: Stay
Chapter 16: Love Triangle
Chapter 17: I can work
Chapter 18: Stranded
Chapter 19: Ang saraaaap
Chapter 20: Nilalandi
Chapter 21: Really jealous
Chapter 22: Bumalik siya
Chapter 23: Faylinn
Chapter 24: Mission
Chapter 25: Halimaw
Chapter 26: Rosas
Chapter 27- Boyfriend
Chapter 28 : Kiss
Chapter 29 : Mama
Chapter 30 : SOP
Chapter 32: Bistado
Chapter 33: Atik Laham
Chapter 34: Halimaw Encounter
Chapter 35: Alis
Chapter 36 : Inang Reyna
Chapter 37: Torture
Chapter 38: Lagusan
Chapter 39: Sugod
Chapter 40: Islewing
Epilogue

Chapter 31 : Hindi kita iiwan

271 16 2
By AyhenPey

Chapter 31

Magtatanghalian na nung ako ay nagising. Hindi kasi ako makatulog kagabi. Hindi mawala sa isip ko ang narinig ko sa kausap ko. Hindi yung tungkol kay Caloy na SOP kung hindi kay Isaiah na tinawag akong 'Fairy' bago niya i-end ang call. 

Nagluto ako ng tanghalian bago ako itext si Caloy. Boyfriend ko siya. Siya at si Lyn lang din ang nakakaalam kung sino ako kaya nararapat lang na sabihin ko sa kanya ito. 

Tinext ko siya ng

"I need to talk to you, ASAP"

Nagpakulo ako ng baboy dahil gusto kong gumawa ng Sinigang. Ilang minuto din ang ginugol ko sa paghihiwa at pagluluto. Panay din ang tingin ko sa cellphone ko kung nag reply ba siya. Pero tapos na ako sa lahat lahat. Hindi pa rin siya nag rereply. Kaya inumpisahan ko na lang ang pagwawalis. 

Naudlot ang pagwawalis ko sa loob ng kwarto ng may nag doorbell. Siya na ba iyon? Mabilis akong tumakbo sa pintuan para pagbuksan siya. 

"Caloy!" tapos hinigit ko na siya papasok.

"Anong meron? May problema ba? Pero mukhang ang saya saya mo naman."

"Kumain ka muna. Nagluto ako." hindi ko pinansin ang tanong niya bagkus tinulak ko siya sa hapag-kainan at pinagsilbihan. 

"Mabuti di pa ako nagtatanghalian. Hay, sarap talaga ng buhay ng may girlfriend oh. Pakiss nga!" lumayo ako sa kanya dahil nagsisimula na naman ang kapilyuhan niya. Sumimangot siya nung umiwas ako. "-ito naman, naglalambing lang ako. Ano yung sasabihin mo sa akin?" 

Umupo ako sa harap niya. Nag seryoso ako ng mukha.

"Kumain ka muna." sinunod naman niya ako. Kaya pinanuod ko siyang kumain ng niluto ko. Masaya ako na masaya siyang kumakain. Kahit di niya sinasabi na masarap, alam ko naman na masarap ang luto ko. Ang yabang ko ah!

Tumayo siya at nilagay sa lababo ang kanyang pinagkainan. 

"Huwag mo nang hugasan!" dahil binuksan niya ang gripo.

"Maghuhugas lang ako ng kamay." okay. Pahiya ako doon ah. Umupo siya sa harap ko at ngumiti ng malapad. 

"Ano yung sasabihin mo?" 

"Alam na ata ni Isaiah kung ano ako." biglang tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.

"Paano mo nasabi?" bigla akong bumuntong hininga. Alam ko na kapag sinabi ko ito sa kanya magagalit sya.

"Tumawag siya sa akin kagabi, nangamusta. Binanggit din niya sa akin yung unang araw na nakilala mo ako pati nila. Yung sa bundok? Sinabi niya sa akin na dati daw sinabi ko na boyfriend kita pero pinagtataka niya bakit ngayon nalaman niya ulit na tayo na. Pati bago niya ibaba yung tawag sinabihan niya ako ng Fairy." 

Hindi pala ako nakatingin sa kanya habang sinasabi ko ang mga iyon kaya nung tinignan ko siya. Nakakunot ang mga noo nito habang derechong nakatingin sa akin. 

"Wag kang mag overthink. Alam mo naman na may gusto si Isaiah sayo. Siguro yung pagsasabi niya ng Fairy sayo ay nagagandahan lang siya. Kahit naman sigurong lalaki ang makakakita sayo mapapaisip na diwata ka. Sa ganda mong iyan." tapos inirapan niya ako. Galit siya!

"Caloy..." sinasabi na nga ba magagalit siya. Bigla tuloy akong nanlambot. Gusto ko lang naman na maging honest sa kanya. 

"Nasaan si Krissy?" 

"Umuwi na sa aming mundo" napaubob ako sa lamesa habang katapat siya. Alam rin naman niya kung anong meron kay Krissy kaya ayos lang sabihin sa kanya ito.

"WHAT?!! Sabi niya sa akin kahit gawin niyo ang mission niyo hindi na kayo makakabalik sa mundo niyo! Bakit bumalik siya? Ibig sabihin nagawa na niya ang mission niya?!" gulat at inis niyang tanong sa akin. Kaya umayos ulit ako ng upo at hinarap siya.

"Yup, siguro yung una niyang mission, hindi niya nagawa ng tama. Nung pangalawang beses na. Ayun nagtama na kaya nakauwi na siya." 

Hindi ko alam kung bakit siya biglang tumahimik. Kinabahan din ako sa pagiging tahimik niya. Alam kong may malalim siyang iniisip. Kinabahan na din ako nung naisip ko kung ano ang iniisip niya. Iniisip niya ako!

"So, ikaw?" bigla siyang nagsalita. Kumabog ang dibdib ko nung nagtama ang mata namin. "-di ba ang mission mo ay umiikot sa akin? Kaya ka nga nandito. Nandito sa buhay ko." sumakit ang dibdib ko nung napapikit siya sa huli niyang sinabi.

 "Ginagawa mo pa rin ba mission mo? Paano na kung matapos mo na? Iiwanan mo na rin ba ako?" 

Ngayon na lang ulit ako kinabahan ng ganito. Naramdaman ko ito nung nalaman ko ang nangyari sa Ama ko. Hindi ko sukat akalain na mararamdaman ko ito. Tama ba ito, Fyglia? Bago ka pumasok sa relasyon mo sa isang tao. Hindi mo man lang naisip ang patutunguhan nito. Tama siya pag natapos ko na ang mission ay makakabalik na ako sa aming mundo. Hindi na ulit ako makakabalik dito. Dahil hindi ako nararapat sa mundong ito. Konting konti na lang din ay matatapos na ang mission. Bumalik na si Karina Cajucom eh. 

Siguro ang nararapat na gawin ay itigil na namin ito. Dahil alam ko naman ang patutunguhan. Mas mabuting maagap pa ay matapos na.

Nawala ang pag-iisip ko nung hawakan niya ang magkabila kong kamay.

"Fyglia, di ba maninirahan ka na dito ng normal? Hindi mo na gagawin ang mission mo? Kasi gusto mo ako..hindi mo ako iiwan di ba? Dito ka lang di ba?" punong puno ng pagsusumamo ang mata niyang na nakatingin sa akin. Lumambot pa lalo ang puso ko nung kumislap ang mga mata niya. Iniwas niya ang tingin niya pero nakahawak pa rin siya sa kamay ko. 

"Hindi kita iiwan." ang tanging nasambit ko. 

Siguro sa susunod na araw na lang ako makikipag hiwalay. Gusto ko din pag-isipin ito ng mabuti. Hinalikan niya ako sa noo bago siya umalis. At nag-iwan pa ng salita.

"Pero masama pa rin ang loob ko sa'yo. Nakikipag communicate ka pa rin pala kay Isaiah ah." punong puno ng pagseselos ang bawat kataga niya bago ako tinalikuran. 

 Pagkaalis niya humiga na lang ulit ako sa kama at inisip ang mga posibleng mangyari. Binuksan ko ang radyo para makinig ng kanta. Napapikit ako pagkatapos kong marinig ang lyrics nung kanta.

Hindi kita iiwan
Hindi pababayan
Sa akin ay hindi ka iiyak na kahit minsan
Hindi kita iiwan
Hindi pababayaan
Hinding hindi ka sasaktan
O' akin ka nalang
Hindi kita iiwan  

Ang sinungaling ko. Dahil kahit anong mangyari ay iiwanan ko naman talaga siya. 

Hindi ako pumasok sa trabaho nung gabing iyon sinabi ko na lang na may sakit ako. Hindi rin matigil ang pag tunog ng cellphone ni Krissy na nasa kabilang kwarto. Marahil ang hinahanap siya ng mga katrabaho at kaibigan niya. May mga ngilan ngilan din akong natatanggap na mensahe at hinahanap siya. Pero wala akong sinasagot ni isa sa mga iyon. 

Alas nuwebe na ng gabi. Para lang tanga. Inubos ko ang oras kong magdamag na nakahiga sa kama at nakikinig lang sa radyo ng kung ano-ano. Bumangon ako at nag-ayos. Pupuntahan ko si Caloy. Tatapusin ko na ito.

Sumakay ako sa taxi. Pagkarating ko doon natamaan ko sa malayo na nag-uusap sa tapat ng gate si Karina at Lyn. Nagtago ako sa isang poste. At dahil may lakas ako ngayon ay naririnig ko kahit malayo ang kanilang pinag-uusapan.

"Lyn, pakiusapan mo naman ang kuya mo na pakinggan ako. Ikaw lang ang tanging pag-asa ni Mama." pagmamakaawa ni Karina sa anak niya

"Ma, baka mabugbog ako ni kuya pag nalaman niya na tinatanggap na kita. Punong puno siya ng galit sa inyong dalawa ni Papa. Pati Ma, kunin mo ito. Hindi ko matatanggap ito. Nangako ako sa kuya ko na hindi ako tatanggap kahit kanino man ng pera. Sa kanya lang daw ako hihingi. Pati kaya na rin naman ako ni kuyang buhayin. Nakakaluwag luwag na si Kuya."

"Anak, responsibilidad kita! Nararapat lang na bigyan kita ng pera!"

"Ayoko Ma... tinatanggap na kita, pinapatawad. Pero di ibig sabihin noon ay binibigyan na ulit kita ng karapatan sa akin."

"Anak naman! Mahal na mahal kita!"

"Mahal din kita Mama pero nasaktan ako sa ginawa mo sa amin ni Kuya eh. Umuwi ka na Mama ayoko na maabutan ka ni Kuya na nandito." panay ang taboy ni Lyn sa kanyang Mama. 

Tutal ayaw niyo naman sa Mama niyo pwedeng pwede ko na rin siyang kunin. 

Halos mapasigaw ako sa gulat dahil pagkakurap ko ay iba na ang nasa palidig ko. Kanina lang ay nagtatago ako sa isang poste habang pinapanuod si Lyn at Karina na nag-uusap pero ngayon ibang-iba na ang nasa paligid ko.

Malamig na simoy na hangin, nagbeberdehang mga damo at puno, makukulay na paru-paro, malakas na agos ng tubig sa ilog... shit, nasa Faylinn ako!

Tinignan ko ang itsura ko. Kung ano ang suot ko kanina ay iyon pa rin naman ang suot ko ngayon. Pero pagkakurap ko ay iba na naman ang nasa harapan ko! Napaluhod ako sa gulat kung sino na ang nasa harapan ko. 

Pumalakpak siya.

"Maligayang pagbabalik sa magiting kong diwata na si Fygliana Aspenglade na mas kilala bilang Fyglia. Tumayo ka, diwata." tumayo ako at tinignan si Inang Reyna. 

"Paano po--"

"Oh, binalik kita dito diwata dahil nakita kong matatapos mo na ang misyon mo."

"Nasaan na po si Krista, Warren at ang aking Ama?" tumikhim siya at naglakad habang pinapaikutan ako. Bakit iba na siya ngayon? Naguguluhan ako. Parang ibang Inang Reyna ang nasa harapan ko.

Nung nasa harapan ko na siya ay pinagdikit niya ng isang beses ang kamay niya at bumuo ito ng makukulay na alikabok.

"Tapusin mo ang misyon mo Fyglia, sasabihin ko kung nasaan sila." 

"Ang akin Ama... sabi niyo tutubusin niyo siya?"

"Natapos mo na ba ang misyon mo?" umiling ako.

"Wais ang may-ari ng Bantayan, Fyglia. Kung wala akong gintong ibibigay ay hindi niya papalayain ang mga trabahador. Hindi naman ako maaring maglabas ng ginto mula dito sa kaharian para doon Fyglia dahil ang ginto dito ay pag-aari ng kaharian ng Faylinn. Kaya tapusin mo muna ang misyon mo para magawa ko rin ang pangako sa'yo." 

"Inang Reyna..."

"Siya ibabalik na ulit kita sa mundo ng mga tao. Basta inaasahan ko na madadala mo dito sa Karina Cajucom ang mortal na sumira ng Bantayan." 

Bago ako tuluyang maglaho ay ngumiti ng nakakatakot si Inang Reyna sa akin.

Natagpuan ko ang sarili kong nakadapa sa damuhan. Nung tinignan ko kung nasaan ako dito yung lugar na una kong beses nakita si Caloy.

Pagkakapa ko sa aking bulsa ay dala ko pala ang aking cellphone. Tinawagan ko siya kahit hating gabi na. Nakailang tawag ako sa kanya pero hindi niya ako sinasagot. Dahil nasa malayo akong lugar wala akong choice kung hindi magpalit ng anyo para makabalik sa Maynila. Nagtungo ako sa aking pinagtatrabahuhan baka nag o-overtime lang si Caloy. As usual, sa madilim na eskinita malapit doon ako nagbalik sa tao kong anyo.

Nilapitan ko yung guard,

"Kuya, nakalabas na po ba si Ciel?"

"Sino iyon?" kaya kinuha ko sa aking bulsa ang aking cellphone at pinakita ang litrato ni Ciel.

"Naku kakaalis lang. Sumakay sa kotse kasama ang magugulo niyang tropa."

"Salamat po."

Tinawagan ko uli si Caloy pero hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko. Si Louie naman ang dinial ko na lang ring lang ay sinagot na niya.

"Yes, Fyglia?"

"Si--"

"Kasama ko siya... nandito kami sa Valkyrie. Wanna join?" 

Binabaan ko na siya katsaka pumara ng taxi. Kailangan ko na siyang makita makikipaghiwalay na ako sa kanya. 

Pagkarating ko doon ay ayaw akong papasukin. Sinabi ko ang pangalan ni Louie at doon pa lang ako pinapasok. Nagtungo ako sa VIP area pero di pa ako nakakalapit doon ay napatigil na ako. Paano ba naman kitang kita dito ang paghahalikan ni Kaylee at Caloy. Nakapulupot sa batok ni Caloy ang braso ni Kaylee.

Napabuntong hininga ako. Kahit nasasaktan ako sa nakikita ko. Dahil dito mas lalo mo akong binigyan ng dahilan para makipag hiwalay sayo Caloy. Lumakad ako palapit sa kanila. Tumayo lang ako sa gilid nila habang nakahalukipkip. Natigil sila at tumingin sa akin. Nanlaki ang mata ni Kaylee at Caloy pagkakita sa akin. 

"Fyglia! Let me explain!" sabi ni Caloy. Si Kaylee naman ay tinalikuran na kami.

"Explain then" sabi ko.

"I'm drunk! Akala ko ikaw ang kahalikan ko..." 

"Gago! Kahit lasing ka alam mo ginagawa mo."

"Akala ko kasi ikaw ang kahalikan ko!" lumapit siya sa akin at hinawakan ako ng mariin sa aking braso.

"Bitawan mo ako Caloy, simula ngayon wala na tayo." 

"What?" hindi makapaniwala ang mukha niya ngayon. 

"Oo break na tayo. Kaya kung ako sayo puntahan mo na si Kaylee sa loob. Sa totoo nga lang ay dream come true ka na nga eh. Di ba matagal mo na ring gusto si Kaylee? Yan natupad na ang pangarap mo!" tinulak ko siya palayo sa akin. Pero ayaw niya pa rin akong bitawan. Aba gusto niya atang gamitan ko siya ng kapangyarihan ko.

"No, Fyglia, don't do this to me!"

"I will do this to you." bago ko pa siya itulak ay lumabas sa isang room si Louie.

"Oh Caloy, nasa loob si Kaylee mo ah? Iniwa--" natigil siya sa pagsasalita nung makita niya ako. "-opps, sorry." tapos bumalik na siya sa loob.

"Fyglia, sorry na..."

"Babalik na ako sa Faylinn. Mabuti na ring ganito tayo. Yung sinabi ko sayong hindi kita iiwan? Joke lang iyon." dahil sa sinabi ko ay binitawan niya ako. Bago ko siya talikuran ay sinampal ko siya sapat na para tumama ang buong katawan niya sa pader. Nagpanic ang mga tao pagkatapos noon. 

Pagkalabas ko ay naglabasan na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
4.4M 110K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
18.9K 611 56
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...