Just Want To Be Where You Are

By keenobserver

54.5K 1.3K 474

Just Want To Be Where You Are (Just 14 Book 2) Hello po Sa mga nag aabang ng kasunod ng unang book ito na po... More

Just Want To Be Where You Are
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21

Chapter 15

1.5K 51 28
By keenobserver



USAPANG MAG ASAWA



Riley's POV

Pak pak pak.

Di ko alam kung nakailang suntok na ko sa punching bag dito sa gym ng hotel na tinutuluyan namin. Aware akong nakatingin ang lahat pero tinuluy tuloy ko lang ang ginagawa ko. Wala akong pakialam sa kanilang lahat.

"Boss...dahan dahan lang . Nakakaawa na yung punching bag kulang na lang himatayin yan sa mga suntok mo."

Nagtawanan ang mga kasama ko pero hindi ko sila pinatulan. Titigil lang ako hanggang dumugo na tong sinusuntok ko. Damn you Vic! Kasalanan mo lahat to. Nagsisisi akong tinulungan pa kita. You bitch! Humanda ka saken. Naalala ko si Mika. Napilitan akong tumigil sa kakasuntok. Nagpasya akong balikan si Mika sa kanila. Mag aalas syete na ng gabi. Tatlong oras pagkatapos nya akong pinaalis sa bahay nila sinubukan ko syang tawagan pero hindi na sya sumasagot. Pupuntahan ko na lang sya para makita ko ng personal kung anong nangyare sa kanya after nung insidente kanina.

Sa shower man ay hndi ko maiwasang hindi pagdiskitahan ang ding ding. Nasuntok ko yun ng dalawang beses. Halos hindi ko ininda ang sakit na nararamdaman ko. Hayop ka Vic. Sa lahat pa ng pwede mong saktan si Mika pa?

"Hindi mo ba alam na maswerte ka na sa kanya....tapos" halos di natuloy ang bulong ko sa sarili.

Nagmadali akong magbihis. Basa man ang buhok ko ay hinayaan ko na. Pinaharurot ko ang sasakyan pabalik sa bahay ni Mika. I need to see her. Kailangan kong malaman kung talagang maayus lang sya.

Mabilis kong napuntahan ang Reyes-Galang's residence. Dire direcho lang akong dumaan sa mga FBI na nagbabantay sa kanila. Walang pumigil saken dahil kilala naman nila ako at alam nila ang role ko sa kaso ng mag asawang may ari ng bahay kung saan sila nakadestino.

Pagkabukas ni Kim ng pinto ay nagulat sya pero hindi nya tinigil ang pakikipag usap sa kanyang phone. Sinenyasan nya ako na pumasok at nagpaumanhin na may kausap pa kaya kailangan ko munang maghintay. Hinanap agad ng mga mata ko si Mika. Andun sya sa kusina at nakikipag usap sa kanyang mga magulang at mga anak. Dahan dahan akong lumapit at nakinig sa iba pa nilang usapan.

"Wala na ba sila mommy? Ahmmm mommy maghanda po kayo ng mga bata. May susunduin tayo sa airport bukas..." saad ni Mika kay tita Bhaby.

"Hija...don't tell me...makakauwi na bas i Vic?" gulat na tanong nya sa anak.

"Nagbigay ng notification ang embahada kanina. Nasa kalagitnaan na ng byahe si Vic pauwi dito. Pinaalam ko napo kina mama at papa sa Pampanga. Sasama po sila sa pagsalubong bukas. Wag nyo munang ipaalam sa mga bata. Surprise na lang po natin yun sa kanila." Kaswal nyang sagot sa ina.

"Oh salamat naman Lord. Teka ok ka lang ba anak? Bat parang..." di na natuloy ng mommy nya ang sasabihin dahil agad na sumabat si Mika.

"Wala po to mommy pagod lang siguro...di na ako mag pupuyat. Kailangan ko na pong magpahinga. Love you po. Pakiss din sa mga bata." Hindi na nya hinintay na sumagot ang ina,binaba na ni Mika ang monitor saka tumayo.

Nagulat sya pagkakita saken pero binigyan nya ako ng tipid na ngiti at nilapitan.


"Bakit ka bumalik?May nakalimutan ka ba? Gusto mo ba ng coffee Riley?" walang gana nyang pag aya saken.


Naiinis akong makitang ganyan sya. Walang hiya kang Galang ka kasalanan mo to lahat. Pasalamat ka't wala ka pa dito kungdi baka nasuntok ko na yung nguso mo kanina pa.


"Mika...usap tayo."Sabi ko sabay lapit sa kanya. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko na hawakan sya sa braso at hagurin yun.


"Riley sabi ko naman kanina pa na ok lang ako...Vic is on her way. Mag uusap kami bukas. Hihintayin ko ang paliwanag nya. " mahinang sagot ni Mika. Sinisiguro nyang hindi maririnig ni Kim ang usapan namin.


Parang may kung anong bulkang sumabog sa dib dib ko nung sabihin nya yun.


"Mika naman...anong paliwanag pa ang gusto mong marinig. Malinaw na malinaw na. Kitang kita nating dalawa yung ginawa nya. Anu yung sinasabi nya sayong miss ka nya? Nangungulila sya sayo tapos ganun ang gagawin nya? Habang ikaw halos wala ka ng ibang ginawa kungdi maghintay lang sa kanya? She lied to you! Nakita ko yun,ganundi din ikaw. "


Wala akong pakealam kung napalakas ang boses ko. Napansin kong nilingon ni Mika si Kim pero hindi yun napansin ng kaibigan nya. Abala ito sa pagtawag sa iba pa nilang kaibigan para sa sorpresa kuno na makikita nila bukas.

Mika stayed silent. Maga ang mata na alam mong galing sa pag iyak. She's trying to contain herself. Napahawak sya sa noo nya habang ang isang kamay ay nakakuyom malapit ka kanyang dib dib. Sinusubukan nya ang lahat para hindi mawalan ng pasensya.


"Riley...I knew what I saw. But I need to know what really happened. Kaya kailangan naming pag usapan yun. Usapang mag asawa sa pagitan naming dalawa. I appreciate your concern ...I really do...pero sa ngayon Riley pagod na pagod na pagod na ako. I need to rest." Kalmado nyang sagot.


"Halika na ihahatid na kita sa labasan. " nauna na syang lumabas. Napilitan akong sundin sya.


Nakarating na kami sa sasakyan ko . Tahimik lang na painapaikot ng kanang kamay nya ang kanyang cellphone. Kahit magkatabi lang kami ay nasa malayo ang kanyang pag iisip. Tulala din sya habang sinabayan ako papunta sa kung saan ako nakapark.


"Mika..." pagtawag ko sa kanyang pansin.


"Hmmmm...."Yun lang ang sagot nya. Tulala pa rin na nakatingin sa bintana ng sasakyan ko.


Hindi na ako humingi ng permiso. Dahan dahan ko syang hinila at niyakap ng mahigpit. Hindi sya gumanti nung una pero kalaunan ay yumakap na rin ang isa nyang kamay sa tagiliran ko. Nakasubsub ang mukha saking kaliwang balikat. Kahit nagpipigil ay may kumakawala pa ring maliliit na hikbi mula sa kanya. Lihim kong minumura ang sanhi ng kanyang pag iyak. Tarantadong babae ka Galang. Hindi ko na talaga dapat binago yung plano. Sana hindi na kita pinauwi kung alam kong ganun pala ang ginagawa mo dun sa New York. Humanda ka talaga saken.

Naramdaman ko ang unti unting pagtulak ni Mika saken. She seemed ok. Neutral ang ekspresyon ng mukha. Naglabas sya ng pilit ng tipid na ngiti at nagpaalam na saken.

Wala akong nagawa kungdi ang pumasok sa sasakyan. Hindi na ako nilingon pa ni Mika,mabilis syang tumungo papasok ng kanyang bahay.

Hindi nga ako nagkamali. Hindi ka nababagay sa asawa mo Galang. You made a wrong move today Vic. At sisiguruhin kong pag sisihan mo yun. Huling sulyap sa kwarto ni Mika bago ko pinaharurot ang aking sasakyan.


- - -


Vic's POV

Several thousand feet and few more hours to go before finally making it home.

Nakuha ko na ang gusto ko. Nasa kalagitnaan na ako ng byahe pauwi pero bakit hindi ako masaya. Sa totoo lang kabado ako. Kanina pa ako hindi mapakali. Nag aalala ako sa asawa ko. Hindi nya sinasagot ang aking mga tawag. Kung pwede lang na pabilisan ang byahe na to ginawa ko na. Bawat segundo,minuto at oras na dumadaan ay dagdag pahirap sa nararamdaman ko. Kung kelan pa ako pauwi saka pa ako pumalpak. Halos punitin ko ang mukha  sa inis,hindi ko na rin pinigilang mapa growl ala tiger sa sobrang galit. Galit sa sarili ,sa pagiging tanga. Sa pananakit sa asawa ko. Kahit alam ko sa konsensya ko na hindi ko yun inaasahan ni sinadya.

Buti na lang mahimbing na naghihilik ang babaeng katabi ko sa flight ngayon. At least alam kong di ko sya naistorbo habang hinaharap ang sarili kong issue. Tahimik na nakaupo sa likod si Damian,kanina pa din nya ako hindi iniimik. Everytime magkatama ang mga pangingin namin all I get are blank stares from him. Sa puntong to wala na akong paki alam sa kung anumang iniisip nya. Hindi sya ang dapat kong alalahanin. Kanina pa sumasakit ang ulo ko sa kakaisip sa mga nangyare.


Flashback


"Vic Galang? FBI... where here to clear the place and retrieve the ankle detector from you guys. There was a request clearance provided by your representative in Philippines to take you home the soonest possible time. Given that all your records are clear and is showing positive signs of progress you are to be transported back to your country today."


Nakatunganga lang ako habang nakikinig sa agent na nagsasalita. Bumalik lang ang wisyo ko ng marinig ang malakas na sigaw na YES ni Damian sa tabi ko.


"The flight bound to Philippines will be leaving in 3 hours. You only got an hour to pack your things. We need to leave on time."Mabilisang pagbigay ng instruction ng kausap ko. Agad na tumakbo si Damian sa kwarto nya. Tulala pa rin ako kaya tinapik ako ng isa pang FBI agent saka ngitian habang tinuro nya ang kanyang relo senyales na wag akong mag aksaya ng oras.


Wala pa yatang kinse minutos ay natapos na ako sa pag iimpake. Lahat ng gamit ko aydirecho ko ng pinasok sa bag. Konti lang naman din ang dala ko kaya pagkatapos kong masiguro na walang naiwan ay agad akong bumaba bitbit ang gamit at halos itapon ko yun sa harapan ng mga FBI agents. Isang katamtamang laki na roller bag lang ang nakita nila. Walang tanung tanong at binuhat na yun ng isang agent na may malaking katawan. Pababa na si Damian na may dalang tatlong bag. Inunahan ako nung isang agent para tulungan sya. Technical staff kasi sya kaya medyo maraming dalang ibang gadgets.

Palabas na ako ng salubungin ako ni agent muscle boy. May iniabot syang isang malapad na ala iPad sa akin. Sinabihan nya akong may pahabol na kumontak sa akin mula sa Pilipinas, na sa saken na daw kung sasagutin ko pa yun. Wala naman daw problema sa kanila dahil may 40 minutos pa kaming extra time mula sa one hour na palugit para sa pagliligpit. Tinanong ko kung sino yun. Nang sabihin ni agent muscle boy na "it's your wife..." agad kong kinuha yung communicator at dinala yun sa kwarto para may privacy kami. Hindi na ako nag abala pa para mag sarado ng pinto.

Hindi ko pa man halos na set up sa monitor stand na nasa mesa malapit sa pinto ang communicator na dala ko may nakaregister na agad na calling sa screen.


"Mahal!" halos pasigaw kong bungad.


It was Riley whose on the other side. Tipid na ngiti lang ang ganti nya. Nakita kong inayus nya yung screen sabay sabing 'tatawagin ko lang si Mika. Hintay ka lang muna Vic saglit'. Na amaze ako sa linaw ng communication. Excited na akong makita si Mahal alam kong alam na rin nya na pinapauwi na ko asap pabalik sa amin. Walong minuto na ang nakakalipas pero wala pa ring tao sa kabilang screen. Pinipigil ko ang inip, maya maya lang mag uusap kami ni Mahal and this time magandang balita na ang dala ko.

Napansin kong pumasok si Erika. Nakatingin lang sya saken habang masayang nakahawak sa phone.


"I've heard the news...Dad and Jimmy will wait for you in the airport. Jimmy wants to send you off. Congrats Vic I'm so happy for you!" masayang bati nya saken.


Nakangiti lang ako sa kanya. Hindi ko na maipaliwanag ang saya na nadarama ko. Napahigpit ang hawak ni Erika sa phone,naka ngiti pa rin sya saken. Naramdaman kong hinawakan nya ang balikat ko pagkatapos ay hinagod nya.


"We'll miss having you guys around here....Can I at least give you a hug?" nakangiti nyang hiling.


"Yeah no problem Erika...Thanks for everything,for your hospitality and all..." hindi pa man ako natapos sa pagpapasalamat ko ay agad na akong niyakap ni Erika.


Gumanti ako at niyakap sya ng maayos. Buti na lang at halos magkasing tangkad lang kami hindi na mahirap mag adjust. Mas lalong humigpit ang yakap nya ganun din ang sabay na paghagod nya sa king likuran. Bahagyang lumayo si Erika para makita ang mukha ko. Nandun pa rin ang ngiti nya. Muli syay lumapit at ginawaran ako ng halik sa pisngi. Nakayakap pa rin kami sa isa't isa. Ang hindi ko inasahan ay ang nung muli syang yumakap ng mas pinahigpit pa sa batok ko sinabayan nya yun ng halik sa king labi.

Sa sobrang gulat ay naparalisa ako saking kinatatayuan. Hindi ko maikilos ang aking sarili ,she's still hugging my nape while giving me an instense kiss. Sa wakas ilang segundo pay parang nakahawak ng mainit na kaldero ay naitulak ko na sya. Parehong gulat ang makikita sa mukha namin ni Erika. Napansin kong malapit sa may pintuan nakatayo si Damian. Blanko't halos hindi mabasa ang ipinapahiwatig ng kanyang ekspresyon.


"Mika..." nabalot ng taranta ang boses ko.


Hindi nga ako nagkakamali nandun na sya sa screen nakatingin sa akin. Nasa likuran nya si Riley na tahimik na nakamasid. Hindi halos nakapag salita si Mahal. Just like me na shock din sya sa nasaksihan. Napaluhod ako sa communicator.


"Mika...Mika...mahal...magpapaliwanag ako..." halos mautal utal kong sabi.


Tulala pa rin si Mika sa kabilang screen. When I asked her to talk to me nakita ko si Riley na may pinindot sa keyboard pagkatapos ay nawala na sila sa screen. Napahilamos ako saking mukha. Agad na hinablot ang communicator pad at dinaanan lang ang ibang mga tao na kasama sa silid.


"Let's leave now." Utos ko sa dalawang agent sabay abot nung communicator pad sa kanila.


Pagkatanggap ng isang agent ay narinig kong nag report sya ng ganito


"James here we're 20 minutes early....Damian and Vic will ride on separate vehicle. Expected time of arrival's gonna be in 45 minutes ." pagkatapos nya kong giniya sa likod ng sasakyan nila isang mahinang 'copy' pa ang sagot nya saka sinara ang pintuan.


---


Nagising ako sa mahinag tapik ni Damian. Wala yung katabi ko kaya sya ang umupo pansamantala.


"Di ka pa kumakain...ito oh para magkalaman yang tyan mo. Tinanung ko yung attendant kanina,kinumpirma nya na 4 hours na lang ang hihintayin natin para makauwi. Pagdating natin sa Pinas eh medyo hapon na." kaswal nyang kwento.


Wala ako sa mood makipag usap kahit kanino. Gusto ko lang makauwi na. Ngunit nung maalala ko ang mukha ng asawa ko mula sa kanyang nasaksihan parang gusto kong magpaiwan sa loob ng eroplano. I know I need to talk to her right away pagkadating mismo pero anong sasabihin ko? Wala sa plano ko ang mabugbog pagkalapag palang sa Pinas.

Parang pagong na tinago ko ang buong ulo saking suot. Hindi umalis si Damian sa kinauupuan nya. Inayus nya rin yung maliit na mesa sa harapan ng upuan ko at duon nilapag yung mga pagkain.


"I was suspecting it before nung nagkakausap na kami...hindi ko naman alam na totoo pala ang suspetya ko. Pasensya na kung hindi kita na abisuhan. Sorry Vic....nalagay ka pa sa alanganin." Mahinang kwento nya sabay tapik sa braso ko.


Wala pa rin akong sagot sa kanya kahit nagulat ako sa kanyang rebelasyon. Tumayo sya papalayo para tunguhin ang mini bar sa harapan namin pero nag u turn sya. BInalikan ako at sinabihan na...


"I saw what Mika saw ...that kind of kiss is enough to make a wife go insanely jealous...enough to start a fight din Vic"


Hindi nakakatulong ang mga pinagsaasabi ni Damian ngayon. Gusto ko syang sabihan na layuan ako pero masyadong mahina ang will power ko to do anything.


"...lalo na kung yung asawa mo ay walang tiwala sayo...Hmm Vic matanong kita,issue ba ang tiwala sa inyo ni Mika?" pahabol nyang hayag.


Napalingon ako sa kanya. Kahit na wala rin syang gana eh ngumiti pa rin si Damian sa aken. Tinuluy nya ang pagpunta sa mini bar. Umayos ako ng upo at binuksan ang mga pagkain na dala nya. Tama nga naman kailangan kong kumain. Kakailanganin ko ang lakas para sa mahaba habang usapang mangyayare paglapag namin sa lupang sinilangan. Mika...mahal ko sana maayos natin kaagad to.





--


Hello mga fellow watty/kara fan fic readers.

As early as now magpapasalamat na ako sa inyong pagsubaybay sa aking munting kwento. Ilang chapters na lang at matatapos na rin po ang fan fic na ito. Hindi nyo alam kung gaano nyo po ako napasaya sa inyong simpleng pag suporta ganun din po sa pag share ng istorya ng pamilyang Reyes-Galang sa ibang natutuwa sa Kara tandem. Hindi ko din po palalampasin ang pag sabi ng kayo ang pinaka for me hehe...meaning kayo ang COOLEST and CHILLEST readers na meron ang isang author na tulad ko. Aminado po ako na natataon na simbagal po ako ng Globe kung mag UD pero ni minsan hindi nyo po ako pinaulanan ng mga comments na pwedeng ikainit ng maliit kong ulo. Ni minsan hindi din po ninyo ako pinadalhan ng mga kakatakot na mga PM demanding me na mag UD agad ilang segundo matapos akong mag upload ng bagong gawang chapter. In short hindi nyo po ako pinahirapan hehe. And for that I'm grateful.

Hindi po ako mahihiyang sabihin na paulit ulit ko pong binabasa ang inyong mga naging comments sa bawat UD. Nagpapasalamat din po ako sa inyong pagiging madaling kausap everytime na hihiling po ko na "Good vibes" lang lage.


Kayo po ay Idol ko dahil:


a. Kahit napapahaba minsan ang UD eh mas pinipili nyong hindi magreklamo haha

b. Kahit hindi nyo nagugustuhan ang latest UD eh mas pinipili nyo pang manahimik kesa magkalat ng comments haha (ang swerte ko naman sa inyo)

c. Kasi mga tamadkayong lahat!....tamad kayong magpalaganap ng BAD VIBES sa page ko XD

d. Kayo yan eh :D


Kung kaya ko lang kayong I hug isa isa gagawin ko yun para maiparating ang aking sinserong pasasalamat sa lahat lahat.

Sana po ay matyaga nyo pa rin akong samahan hanggang mairaos natin ang kwentong Just 14 book 2 (Just Wanna Be Where You Are) hanggan gsa kahuli hulihang tagpo.

Para sa mga kapwa ko mambabasa at manunulat (Kara Shippers)

Ito ang aking maipapayo sa inyo...

P lang ang katapat sa lahat ng pagsubok sa buhay.

Una... ay PANALANGIN sa PANGINOON

Pangalawa....PAGKAIN

-PAGKAIN sa UMAGA

-PAGKAIN sa TANGHALI

-PAGHAIN sa GABI

-PANG SNACKS din in betweens (lol)

Patuloy na nagbibigay ng maiinit na HUGS,

KEENOBSERVER na kamukha ni BAYMAX

X:]:Ζ^4ʱPUOZk{&G8V/?.

*patawarin ang mga typos XD

Continue Reading

You'll Also Like

184K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
9.7K 353 65
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
26.3K 174 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
22.6K 490 28
πš‚πš‘πš˜πš›πš πšœπšπš˜πš›πš’πšŽπšœ/πšœπšŽπš–πš’-πšœπšŽπš›πš’πšŽπšœ 𝚘𝚏 πš˜πšžπš› πšπšŠπšŸπš˜πš›πš’πšπšŽ πšŒπš‘πšŠπš›πšŠπšŒπšπšŽπš›πšœ πšπš›πš˜πš– π™ΆπšŠπš™ πšƒπš‘πšŽ πš‚πšŽπš›πš’πšŽπšœ. π™ΌπšŠπš’ πš–πšπšŠ...